Medyo masakit na kagad sa brain ko ang mga happenings ngayong
buwan ng nobyembre. Kaloka. Oo sige na, sabihin na nating I know everything
about this because this is my whole life but the truth still hurt. Tanggap ko
na ang mga taong punyeta na nakaharang ay parte rin ng kwento ko. Halo-halong
emosyon ang bumabalakid sa balat ko ngayon. Ang kati na.
Magulo, masakit, nakakataranta, nakakawalang gana at
nakakayamot pero masaya kung iisipin dahil may katiting na pag asa na lumiliwanag
at nag goglow sa mga mukha ko. And this is it. The judgement day has come. Ang
grupo ng mga distractions naglipana papunta sa akin. Ngayon, makikipagdeal na ako
ng maganda sa kanila at haharapin to ng mabangis. I am who I am.
Ayun na. So funny talaga, yung kadaldalan ko nga na gusto
kong itigil pansamantala lang, eh kaso di ko pa rin mapigilan at mabitawan eh. Tapos
nadagdagan pa ng isa pang problema. Shet. Anubayaaaaan. haha
Bigay lang po ako ng Pahapyap na istorya nung kanina.
Nagkaroon ng konting biruan dito sa opisina. Me vs. my
prophet workmate. Haha bansag ko lang yung propeta sa kanya. Dami niya kasing
alam sa bible eh. Haha
Biglang pumasok sa isipan niyang hawakan palagi ang tenga
ko.
Malinis ang aking konsensya na wala akong nilalagay na kung
ano sa daliri ko sa tuwing ipapahid ko to sa ilong ng ka-workmate ko. Oo sa kanya. Matanda na siya actually. Di na
dapat siya ginaganun at di na rin siya dapat nakikipagbiruan gaya ng ginagawa
ko sa kanya. Eh nangyari na. Di naman ako baboy masyado. Very light lang kung
mamarapatin. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na naloko ko siya sa sinabi kong
galing sa maduming parte ko iyong daliri ko. Kaya aakalain niya na sa kung saan
saan ang daliri ko napunta bago ko ipinahid ito sa kanya. Kaya wait, ang
katotohanan diyan, gusto ko lang siyang maghinala sa mga nangyayari. Gusto ko
siyang mapikon para matigil na kame sa kakulitang ito. At hindi na lumalim pa. Pero
parang walang bisa. Tuloy pa rin ang battle naming dalawa. Sino ba naman ako. Di
naman ako papatalo. Liit na bagay lang yan eh.
Pero wala eh. Susubukan at susubukan pa rin talaga ang lakas
ko ng ibang tao. Mag test lang kayo ng mag test. Sisiguraduhin kong mag error
kayo sa akin.
Kahit na anong sabihin kong ritwal pagkagising ko sa kama upang
maging matino ako para sa buong araw. Eh wala, babalik at babalik ang lahat at
susubukan ang tibay ko. Gaya nalang ng nangyayari sa akin ngayon. Bumabalik sa
akin ang pang gagago ko sa ibang tao. Yung hilig kong panghahawak ng suso ng mga kapwa ko lalaki na
alam kong maling attitude ko, kapag hinawakan naman ng iba ang tenga ko, agad
akong naiirita at napipikon. May mali na talaga. May mali sa akin eh. hahaha
Alam ko yan. Pero tong mali ko, hindi naman nakatingin sa akin lahat ng tao sa
pagkakamali ko. Lahat tayo may pagkakamali. Aayusin ko ang sa akin at inaayos
niyo din ang sa inyo. So lahat tayo ay pantay pantay.
Well, nandyan na iyan. Ano pa nga ba. Babaguhin ko na iyon.
Nangangako akong babawasan ko ang ugaling iyon at hindi na muling uulitin pa.
Kaya sa pagkakataong ito, wala akong sinasabing tama ako.
Gusto ko lang iparating sa inyo na babalik at babalik ang lahat upang subukan
ako at baguhin ako. At pagkakatiwalaan ko naman ito, alam ko to ang daan sa pag
alis ko sa madilim na lugar na to. Hahawak lang ako sa vision at imagination ko.
I just embrace the faith that I have.
Sinabi ko sa blog post ko noon na “Ang mga taong segurista
walang pupuntahan yan”. Ngayon, naisip ko. Napakasigurista ko pala masyado sa
mga kinikilos ko. Kala ko, kapag makukuha ko na ang isang bagay, dire-derecho
lang ako at parang kahon lang na may nakaharang na mga problema na itatabi o
luluksungan ko lang. Hindi pala ganun ka -easy. Meron at merong magbibibgay ng
board exam sa akin sa emotional kong pagkatao na mga nasa paligid ko. Ite-test
nila ang apoy ng kaluluwa ko kung sumisindi pa ba. Ang answer ko diyan, mainit
pa rin to kung tutuusin. And kadalasan, titignan nila kung lumalambot ba ang
ulo ko sa pangungulit nila. Ang sagot ko naman diyan ay hinding hindi.
May mali akong nagawa, at iyon ang lilinisin ko. Wala ng
iba. Walang ifo-format sa buong buhay ko. Re-create ng ben estrella, pwede pa.
Kaya alam naman na may mali ako diyan, pero wala sa
diksyunaryo ko ang sumuko at magpatalo. Lalaban ako sa kanila. Ego at pride?
Basta diyan ka lang sa tabi ko ah.
Matagal ng matalas ang sungay ko. Mas matalas pa sa gilid ng
papel kung madaplisan ka neto. At bitbit ko palagi ang bayag ko anumang oras
kahit saan. Sa mga previous kong sinabi dito sa blog, pinangangatawanan ko ang
ugali ko. Matibay akong tao kung susubukan mo ako. Wag na wag kang papasok sa
kaharian ko, hihilahin talaga kita palabas gamit ang tinidor ko. Promise.
Pasensya na kung di inspiring tong kwento ko. Gusto ko lang
malaman niyo na ang buhay ko ay masaya. Masalimuot nga lang talaga kung
ide-detail ng husto. haha
Samakatuwid, bigla akong napahinto at nagpasyang isinulat
itong problema ko sa blog. Malay niyo parehas din tayo ng pinagdadaanan. Makatulong din senyo. Hindi ko na nga inisip
kung tama ba o mali ang ginagawa ko. Ang inisip ko nalang, yung bang ginagawa
ko ngayon makakatulong sa hinaharap ko. Ang sagot ko “hindi”. Pero yun na nga,
nandito pa rin ako sa ugali ko. Siguro kaya ako naiirita sa ginagawa sa akin ng
ibang tao kasi itinuturo sa akin ang tamang asal at patunay lang ito na
talagang may babangga sa akin na kahit na sinong taong ulupong. So ano pa ba
ang option ko, ay ang manatiling matatag.
Sarili ko din naman ang nagsabi na mukhang mapapatalsik na
ako dito. Negative thoughts ko yan. Ayoko naman ng ganun. Gusto ko pa rin
magresign ng matiwasay at sumuko na ng maasyos sa mundong to.
Ang kahinaan ko, kailangan kong bantayan. Nakalimutan kong
magpakatanga sa mga tangang tao para sakyan ang pantasya nila. Nakalimutan ko yan. Pinersonal ko kagad
sila. Aaay.
Atlis alam ko naman sa sarili ko na ito na yun. Hindi yung
hinihintay ko lang. Ito ang mismong inaabangan ko. Ito ang pagkakataon na gusto kong lasapin.
Debaah!
Sa ngayon, hahayaan ko nalang ang Panginoon natin ang
humusga, wala akong sinabing tama o mali ako. Ang sa akin lang, hawak ko ang
vision ko. At nagtitiwala ako sa magandang proseso na to. Tigre kapag nagalit.
Bawasan lang ang dapat bawasan. haha
Kung aabot pa ba ako ng Christmas dito? bahala na. Ang
mahalaga ano mang ibigay sa aking pagsubok. Tatanggapin ko iyan. Di na mahalaga
ang bonus kung bonus naman para sa akin ang malagay sa lugar na masaya ako wag
lang dito.
YoBit lets you to claim FREE CRYPTO-COINS from over 100 unique crypto-currencies, you complete a captcha one time and claim as much as coins you want from the available offers.
ReplyDeleteAfter you make about 20-30 claims, you complete the captcha and continue claiming.
You can press CLAIM as many times as 50 times per one captcha.
The coins will held in your account, and you can convert them to Bitcoins or USD.