Wednesday, November 30, 2016

PARTY SA PASKO

Pabor ako sa rally na malawakang protesta laban sa pagpapalibing kay Marocs pero tutol ako sa mga practice ng Christmas Party. haha Ewan ko ba kung bakit ako lang ata ang nai-stress at napapagod tuwing may ganito. haha
“Kailangan may magperform para sa grupo natin ah, hindi pwede wala”.
Yan ang isang salitang hindi mawawala sa buhay ko tuwing sasapit ang pasko mula pa noong nag-aaral ako sa highschool ay nakakabit na sa pagkatao ko ang Christamas Party Dance Culture. Kadalasan, aabot minsan ng dalawang linggo ang preparation para sa sayaw na ito. Pero para sa ka-grupo ko na mga tamad. Lumalabas na, isang linggo lang ang magiging paghahanda o practice namin. Hindi mawawala na kailangan asikasuhin ang props at bumili nito sa murang tindahan. Kailangan makipag-coordinate sa dance instructor. Kailangan bumili ng costume. Minsan may mag-aambagan. May iba naman sagot ng boss o manager lahat ng gastos. Hindi mawawala ang taong ayaw magpractice pero kapag malapit na ang party saka nalang papasok sa eksena ng madaling practice. Para nga naman maliit nalang ang responsibilidad niya. May kagrupo tayong ang gulo masyado sa practice. Isa na ako doon. May ka-miyembro tayong ang hirap makapick-up ng sayaw. isa na ako dun. Saka may reklamo ng reklamo. May iba naman sa grupo nila may halos dalawang tao lang ang nagpa-practice, pinapanood lang sila ng mga ka-miyembro palagi. Swerte mo nalang sa hanay na interesado makijoin ang lahat.

At isisingit ko lang, masaya ako sa balitang magkakaroon talaga ng malawakang kilos protesta laban sa pagpapalibing sa LNMB kay Marcos. Hanga ako sa katapangan nilang ipinapakita. Sa kanila ako. Ang tanong kasi diyan, hindi porket pangulo o sundalo si Marcos kundi “Anong klaseng pangulo si Marcos?” Kung makakapunta lang talaga ako sa ganung rally or kung madaanan ko sila, sasama ako.

Balik sa party. Di ko naman minamasama yun. Masaya nga yun eh, kahit papano, sa buong isang taon, maigiling ko naman ang katawan ko habang pinapanood ng marami, kaso nga lang, ang problema, san katutak na stress at bwisit sa praktis ang inaabot ko kapag group. Siguro dapat magsolo na ako. haha

Mahirap din tong kalagayan ko ah. Sobrang challenging pero positibo pa rin akong maghihintay na hanapin ang solusyon para mahanap ko ang trabaho na to. Hindi naman ako papayag na papagiba nalang ako ng husto ng dahil lang sa event na to. Maliit lang na bagay to kumpara sa mga napagdaan ko na di na ako makakilos noon sa mga pinaplano ko. Magastos man sa pamasahe tong paghahanda ng sayaw na to, gagawa pa rin ako ng paraan upang di mawala sa isipan ko ang tunay na binabalak ko.

At mabalik tayo ulit kay Marcos, Here’s my take: isa lang naman ang iniisip ko diyan .Gusto nilang ibalik ang kapangyarihan nila noon.

So ganito nalang. Di ko pa rin hahayaan na mawala ako sa goal ko. Ie-enjoy ko lang tong biyahe na to. Bahala na kung mapahiya sa mga sayaw. Bahala na kung pagtawanan. Bahala na magkagulo gulo sa presentation. Bahala na ang lahat. Basta buhay ako at di ko iwawala sa isipan ko ang trabahong gustong gusto ko. Handang handa na ako umalis.




Tuesday, November 22, 2016

LIFE AFTER DOOM



Bali tapos ko ng isalaysay ang buong nararamdaman ng puso ko kay Ama hinggil sa takbo ng karera ko ngayon kung sakaling ipinagpatuloy ko pa rin ang kagaguhang ito. Wala po akong binanggit doon na masama tong trabaho ko, nawawasak lang talaga ang espirito ko.
But now, isasalaysay ko naman kung ano ang magiging mundo ko kung sakaling maka-alis ako dito at makapunta ako sa trabahong gustong gusto ko. Unti-unti ko lang ide-describe ang magandang imahe na nakikita ko.
Tangina. Alam ko hindi to madali gaya ng isang pitik ko lang ng daliri ay makakapunta na ako sa paroroonan ko. Ito lang ang gusto ko. Sasabihin ko lang naman.
Subukan ko lang kung aabot ito ng benteng dahilan, medyo marami rami narin ito kung ikukumpara sa kadalasang advice and tips na nababasa natin sa mga websites.. Manghuhula na rin ako kung sakali. Malay natin diba.  
Anyway, mine-mega phone lang naman ng damdamin ko na “handang handa na akong umalis sa kwartong ito” and then bigla kong naisip ang ganitong bagay-bagay, ano nga ba ang buhay ko kapag wala na ako dito sa kinauupuan ko, hindi sa mundong ito, ano ang buhay ko kapag nahanap ko na ang palasyo ko at aura na bet na bet ko.
Mahalaga tong sasabihin ko. Kaya, di ko kakalimutan tong isusulat ko, promise!
Ayoko ng inuunti unti akong patayin ng sakit dahil sa stress, ayoko na.

1. I will use the formulas and lessons for a reasons
Kung bibilangin ko since I was started my blog, umaabot ng nasa terty na rin ang nagawa kong blog post about sa work ko. Mga kwentong nakakainis, nakakatawa at nakakayamot. Ang daming dumaan sa buhay ko na mga diskarte, pagkakataon at mga hakbang para sa success ko ngunit di ko naman magawa dahil nga I’m here. Yung mga dumaan na bagay na iyon ay tinignan ko lang. Ayon lang yan sa pagkakaalam ko.
Alam kong makakaalis din ako sa position na to. At siguradong sigurado akong hindi ko sasayangin ang mga naging mabuting aral na natutunan ko nung nakulong ako sa rehas na to at nadapa ako like a worm sa mga naging desisyon ko. Yes I know. It's me that wants to make a change, but I am also the biggest obstacle. But, di ako papatinag, sure ako na mas magiging malaya ako at magagawa ko ng malaya ang galaw na gusto ko. Totorturin man ako ng work na gusto ko atlis kumportable naman ako sa ginagawa ko. Parang ganito yan eh. Explain ko lang. May mga bagay na ayaw natin tapos di tayo kumportable doon at meron naman kahit na pahirapan tayo ng ibang tao o mahirapan tayo sa work na ginagawa natin pero kumportable naman tayo kasi nga passion natin iyon.  At iyon ang hinahanap ko. At palong palo kong makukuha iyon. Sa totoo lang, nahanap ko na, kailangan ko lang ng matibay na pundasyon.

2. It will be my good time for a good workout
Yan ang isa sa mga wishlist ko sa susunod na pahina ng buhay ko. Ang makapag exercise ng todo todo araw araw, mga tipong walang palya ako sa gym bago pumasok sa work. Sana maging requirement  sa papasukan kong  trabaho ang malakas na katawan, (Well, given na naman na dapat ‘fit to work’ ang lahat ng empleyado, gusto ko lang mas ma-extend ko pa ng todo ang lakas ko while im on the work, siguro sabihin na nating from 80% papalo siya pataas hanggang 120%, mga ganung lakas), and it’s a huge blessings for me.
Tapos eto pa, yung mga tipong, gising na gising at buhay na buhay ang mga muscles ko sa pagta-trabaho. Sarap nun bro. Sabi nga ng iba eh, Act it out, don't figure it out. Ia-achieve ko talaga iyan. Yung moment na alive to the maximum level ang isipan ko sa trabaho dahil sa exercise at konting rituals na ako lang ang nakakaalam. Tang ina, di ko bibitawan ang gawaing exercise sa kaluluwa ko. Ipagpapalit ko ang GIN sa GYM.  haha Papasok ako ng trabaho na fresh and wet galing sa sariling pawis (Oy, mabango ang pawis ko parang bambini yan) na handa ako sa susunod pang mga hamon.
Di naman po lahat ng ito ay matutupad porke sinulat ko sa blog ko, atlist lang, may guideline ako.

3. Sleep is wealth.
Masarap matulog kapag ang ginawa ko ngayon na gusto ko muli ulitin bukas, ang trabahong parang naligaw ako sa paggawa o activity dahil di ko na namalayan na masaya na pala ako sa ginagawa ko kaya nakilala ko ang sarili ko doon. Ang saya diba. Ibang klase ang tulog kapag satisfied tayo sa ginawa natin ngayong araw. Tama!? Nakaka-excite gumising galing sa kama na may muta muta pa at tatanggapin ang challenging sa bawat araw. Masarap magpahinga kapag natungtong na tayo sa zone na gusto natin. Kaya for me, di ako susuko. I will not find a job by looking for one. Pagsasabayin ko na. Mahahanap din kita. Sasagarin ko na to. Itotodo ko to. Goal ko makatulog ako ng 7hours everyday. Okay na ako dun.

4. I will express what inside of me
Kung di sa blog at social media ko lang kadalasan nailalabas ang kalayaan ko pati na ang pag utot ko, pagkamot ko ng pwet at kung di naman sa mga tunay kong kaibigan. Syempre kasama na din ang girlfriend ko. Darating di ang panahon na mas magiging tapat ako sa ginagawa ko dahil inilalabas ko ang tunay na nararamdaman ko. Like na like ko yan. Magiging limitless pa ako. Kung sino akong tao, dun ko ilalagay ang sarili ko hindi sa kung saan pang ibang lugar. Papangako ko yan.

5. I will live the true meaning of my life
Kahit maging comic or stand up comedy man ako, atlis alam ko sa sarili ko ang kahulugan ng buhay ko kung bakit ko ginagawa ang lahat ng iyon. Isa rin sa gusto ko iyon. Mahirap man iyon pero alam kong may napapasaya akong tao. Darating ang panahon na magugutom ako at mapapagod pero di magsasawa. Darating sa point na kakapusin ako ng pera pero lalaban pa rin. Darating ang panahon na maguguluhan ako at malilito pero nandito pa rin ang sinimulan ko na magsisilbing gabay sa tatahakin ko.
Kasama ko rin ang mga tunay kong kaibigan para umalalay. Sigurado akong makakaalis ako sa trabahong ito at handang handa na akong tanggapin ang balakid sa bagong ‘work work work’. And I believe na magagawa ko to ng di dahil lang sa akin, I will do it with others, not alone. Wala pa naman akong nakitang naka-akyat ng bundok ng mag isa. Palaging may kasama siya. Syempre sasabihin mo sa akin. “Oh bakit, may mga nakita akong picture ang iba na siya  lang ang nandun  sa bundok”. Haha Bugok. Oh sige, eh sino kumuha ng picture? haha Ang hangin? Ang puno? may kasama yan syempre.

6. I will meet new people.
Ayoko naman ikulong ang sarili ko sa ganito. Gusto ko pang makakilala ng ibang tao. Gusto ko pang alamin ang iba’t ibang kwento at kababalaghang istorya ng mga iba’t ibang tao. Kung di pa magpopost sila ng hinanakit nila sa facebook na ginawa nilang sumbugan ng bayan ang fb, eh di ko pa malalaman ang istorya nila. Ayoko sa ganoong paraan. Gaya ko. Gusto ko rin syempre malaman yung mga tungkol sa “Ano ba mga pinagdadaanan nila, face to face” pati na rin siyempre yung mga taong kasama sa dream team ko, sila yung mga kaparehas ko ng hilig. Gusto ko, sila yung kasama ko for my entire life, magkaaway man kame o maging kabati. Basta sila iyon.

7. More challenge.
Kung di na ko nahihirapan sa ngayon sa potential ko, paano nalang ako. Mabubulok ako dito. Ayokong mangyari iyon. Ayokong habang buhay akong ganito. Ayokong ikahon ang sarili ko dito. Gusto ko ng nahihirapan at nasasaktan ako. Gusto ko ng kumikilos lahat ng buong katawan ko pati abdo ko, hindi lang yung pwet ko ang naiipit sa kakaupo. Yung tipong masayang masaya at maligayang maligaya ang katawan ko kahit mahirap pero kakayanin kasi gusto ko ang ginagawa ko. Ano mang harang ang ilagay nila, mananatili pa rin akong matatag dahil papatunayan kong mahalaga sa akin ang pangarap ko. Di madali abutin ang pangarap ko, pagsisikapan ko lahat ng ito. Walang madali. Alam natin yan.

8. Push the opportunity
Di ko mahanap ang opportunity kung nandito lang ako. Nagtataka na rin ako. May opportunity naman dito baka nga lang talaga hindi ko makita kasi nga hindi ko to gusto. Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong simulan ulit. Ang dami kong gustong tapusin ulit. Ang dami kong gustong maabot at hindi ko magagawa iyon kung nandito lang ako. Proven ko na yan. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas sa lugar na ito. At tuluyan ko ng iwan tong magulong mundo na to. Kalimutan na ang mga nagpasakit sa akin. Kalimutan ang mga taong nagbigay ng stress. Kalimutan ang mga taong mukhang matapang. Sila yung mga taong kahit masaya, yung mukha nila mismo matapang.

9. Turn shit into sugar
Alam ko ang tamang oras upang itama ang mga pagkakamali ko sa buhay at ito ay ngayon. Wala ng ibang araw pa kundi “now”. Gustong gusto na ng damdamin ko na kumawala sa kasunduang ito pero medyo magulo pa ang lahat. Pinipilit ko pa rin mabuo sa isipan ko ang susunod na hakbang. Kaya humingi ako kahapon ng tulong kay Ama para maitama ko ang lahat. Atlis magkamali man ako muli nandito naman ako sa lugar na gusto kong magkamali ng magkamali. Dun ko gustong lumago at lumipad.

10. Family is habang buhay na kapamilya
Wala na kong ipon at sobrang pera sa ngayon. Wala akong oras para humanap ng mapagkakakitaan kasi bantay ang computer ko at late na ako nakakauwi. Ayokong gawin dahilan iyon, nasabi ko lang kasi alam ko namang may iba pang paraan.  Even though, ganito ang kalagayan ko, bumabangon pa rin ako sa ganitong sistema. Nilamo na ako, di ko namalayan. Kaya gusto kong umalis dito at iaangat ko muli ang pamilya ko. Di kame lumubog.  Di lang basta angat kundi sagad sa taas. I will think of my career change as an expedition, not a day-trip. Kasama ko ang pinakamamahal kong pamilya. Sila ang kaagapay ko.  

11. Use it wisely
Talento, skills, gift, meaning ng buhay at happiness. Lahat ng yan ay nasa trabahong gustong gusto ko at wala dito. I can't figure it out by figuring it out. Wala pang nananalo sa sabong ng ayaw niyang masaktan ang manok niya. Sasabay ko na rin ng pag iipon ng pera at pag iinvest para dumami pa.

12. Blogging is my creator
Kundi dahil sa pagba-blog ko, wala ako ngayon. Medyo humirap lang talaga ngayon kasi nakaharap na ang computer ko sa mga ka-workmate ko. Gusto kong ibalik ang pagususulat ko, at sisimulan ko to hanggang sa mapunta ko sa trabahong bayad ang bawat pagsusulat ng mga masasayang istorya. Saayng yung journal ko na di ko naman nailalagay sa blog ko yung na-create ko. Diyan ako malalagay. Sigurado akong mapupunta ako sa lugar na kung saan malaya akong makakapagsulat.

13. More creativity.
Likas na naman sa katawan ko ang pagiging malikhain. haha I know myself. Sigurado akong makaka-alis ako dito at papagyamanin ko pa ang pagiging malikhain ko. Kikilalanin nila ako bilang isang magaling na creator ng magandang istorya at nobela. Kahit yung buo, bubuuin ko pa para lang maging crea. Sabi nga sa quotes: When you started to act rather than analyse, things started to change. Wala lang. maka-english lang.

14. Stick to one and Say No.
Sigurado akong makakapagsimula na ako sa trabahong gusto ko. Whatever it takes, bibitawan ko lahat ng ito and I will find my place. Sisimulan ko ngayon. At kapag nahanap ko na siya, wala na akong iba pang gagawin kundi isa lang. iyon lang. Isa lang. Isa lang. At nag iisa lang.

15. I will tell a great stories and speak from the heart.
Buti nalang di nagsasawa ang mga bumubulong sa akin ng mga magagandang at positibong istorya. Kung sa sobrang bingi ko, malamang dinagukan na ako nun. Ang dami kong nakalimutang magagandang istorya na naisip ko tulad nalang kanina sa bus. Mas pinili kong matulog kaysa isulat ang naisip. Napakatamad ko talaga pagdating sa ganun. Kakaasar. Madami akong sinimulan na di natatapos. Kaya mas gagawa pa ako ng masasayang istorya galing sa kaibuturan ng puso ko. At sasabihin ko lahat ng nararamdaman ko sa tuktok ng tower. haha

16. Remember the why.
Lagi kong papaalalahanan ang sarili kong makakalimutin, kahit na minsan ayaw niyang makinig kung ano ang ‘big picture’ ng outcome ng lahat ng ito. Lagi kong kukulitin ang sarili ko at sasabihing “oy, diba ginagawa mo to dahil gusto mong mag artista, bat mo ginagawa yan(refers to other thigns)”. De joke.

17. I will win no matter what.
Para saan pa tong ipinaglalaban ko kung di rin naman ako mananalo. Sisikapin ko lahat. Pagpapaguran ko lahat. Wawasaskin ko ang lahat. Itutumba ko ang humarang. Sasapakin ko magsalita ng negatibong komento laban sa akin. Magsusuper saiyan ako upang maabot ang gusto. Lalaban ako kahit talong talo na. Nakikita ko ang sarili kong may hawak na tropeyo. Itataas ko ang mga kamay ko dahil nanalo na naman ako. Ngingiti ako dahil laalpit ako sa mga laylayan upang tumulong.

Di man ako umabot ng bente na rason atlis nailabas ko ang buong nararamdaman ko. . handang handa na ako sa lahat. Dagdag ngiti pa.

Sabi ng batas ng “equivalent exchange”
“Humankind cannot gain anything without first giving something in return. To obtain, something of equal value must be lost.”

Handang handa na ako umalis. Sama ka.





Thursday, November 17, 2016

KUNG WALA KA NG MAINTINDIHAN

Kapag ang bigat bigat na ng mga problemang pasan pasan ko sa buhay, isa lang naman ang tinatawagan ko para humingi ng tulong. Ang 9-1-1, de joke. Syempre, sino pa ba? ang sandigan ng lahat.
Me: Bro, usap tayo, may problema ako.
God: Sure, I’m G. Now na?
Yes po, now na. Di ko na kasi kayang pigilan tong nararamdaman ko, parang puputok na ako sa gigil at lungkot. Ayoko na talaga dito, bro. Alam ko bro, na alam mo kung  tungkol saan tong sinisigaw ko ngayon sa buong blog ko. Bago ko palang isulat to, alam mo na ang lahat.  Ikaw lang ang nakakakilala sa akin eh. Oy bro, magsalita ka naman, parang wala akong kausap eh. Dali na.
(Biglang lumiwag ang lahat at may bumabang malaking ilaw mula sa ceiling namin. Pagkalapag ni Bro sa sahig, ang fresh fresh niyang tignan, shet)

God: Unang tanong ko sayo ben, bakit ayaw mo na?
Yown. Sumagot den.
Hala, di mo alam bro!? God ka eh. hahaha charot lang po. eh kasi naman pooo. Kapag di ako umalis dito papa G, aangal na naman ako sa mga susunod na blog ko ng napaka maraming marami kuda. Taon taon nalang ba ako ganito? Eto nalang ba ang topic ko? Papanget na ako sa kakaangal sa blog ko eh. haha Ayoko nun. Naalala ko tuloy noon, tang ina, nagkatotoo nga ang sabi ng nanay ko noon na sa tuwing inuutusan niya ako bumili sa tindahan, ugali ko kasing umangal noon eh. Kaya parang dala dala ko pa rin yung sumpa. hahaha (feeling ko lang). Mga tipong umaangal pa rin ako sa task ko ngayon. Dapat pala noon palang nung inutusan ako, di ko pala dapat sinusunod. Dapat simulan ko talaga ang lahat na ako ang masusunod. haha  Ayoko naman talaga dito eh, napipilitan lang ako. Paano ba gagawin ko, bro? Help me.

God: Kaya mo pa bang magtiis?
Tiis? Wow big word. taray tiis. De joke lang po. hahaha Parang hindi na po kaya bro eh. Naghihintay nalang ako ng Christmas bonus at sisibat na ako. haha iiwan ko na tong realidad na to. Baka kung anu anong sakit na naman ang dumapo sa akin sa susunod na taon. Mula taong 2012 hanggang ngayon, ang dami kong tinamong sakit, nagmarka na yung mga peklat ng sugat. Ayoko ng sundan pa lahat ng to. Pero may lesson learned lahat naman yan na mas nagpatibay sa akin. kahit na ayokong  isipin na para akong pasyente dito sa kumpanya namen, parang may inaalagaang silang may sakit. haha At dahil sa sobrang stress ko dahil di ako productive, kaya humihina ang katawan ko. Yang mga year na nabanggit ko na yan na puro ako sakit. Ang sakit bes. Sa bawat month na  meron diyan, binuo yan ng mga  malulupit na  bakbakan ng katawan at walang humpay na kakahintay kaya ako nadidismaya. Ayoko ng ituloy pa ang bagay na nagpapahina sa akin at sumisira sa akin ng dahil lang sa pera. Ayokong makita ang sarili ko sa mga susunod pang mga araw na nakaupo pa rin ako dito. Di ko na kayang imaginin pa iyon.

God: Kung ibahin ko ang boss mo, payag ka?
Ay hindi rin. Kahit pa po gawin niyong si Will Smith ang tatay ko o ang boss ko, Ayoko na po talaga. Hindi dito ang mundo ko.  Kahit magchange pa ng boos dito kung same din naman ng profession, wala talagang mangyayari. Mananatili akong posteng nakanganga sa mga taong nagdaraan. Sisikapin ko nalang baguhin ang kinabukasan ko kung ang io-offer mo sa akin ay bagong boss na dito pa rin ako uupo. Hindi na po talaga.

God: Kaya mo naman ang biyahe ah!
Wait, what? Okay lang po ba kayo God, may sakit po ba kayo now? Oy hindi po totoo yan. Sobrang mahirap po ang biyahe ah. Libot ko na ang buong metro manila sa sobrang haba ng biyahe ko everyday. Talagang hindi ito praktikal. Ano to? Buong buhay ko uubusin ko sa trapik? Dun ba ako pinanganak? haha Mas mahaba pa kaya ang oras ko sa trapik, sa totoo lang.  Ano, buong buhay ko pare-parehas lang na daanan ang lalakaran kong lugar. Ang ibang tao ay nag iiba ako hindi. haha Saka wala na bang bagong ruta? bagong taong kakilala? Wala na ba? Wala na bang bagong biyahe o kultura? Wala na rin adventure sa buhay ko? Gustuhin ko man pero wala akong pera mag ibang landas. hahaha Alam ko naman po ang lahat ng ito ay kagustuhan ko na binuo ng mga naging desisyon ko. Gabay lang naman po ang hinihiling ko senyo. haha

God: Eh gumising ka kasi ng maaga!
Ay hindi na po. Sila na ang perfect attendance. Di ko po control ang banggahan at halikan ng dalawang kotse sa kalye kaya may trapik. Hindi ko hawak ang daloy ng trapiko. Kaya ang sumatutal, male-late na naman ako. Bukod sa malayo pa ang opisina sa bahay namin at tinatamad pa akong pumasok kasi wala ring mangyayari, tulad ng gigising! alis ng bahay! trabaho! ayos ng opisina! at uwi na . Then, bukas ulit. Ano nalang ang kinabukasan ko kung sa tuwing gigising ako, ang pag asa na hinahanap ko ay nasa ibang tao at sa ibang lugar, na wala dito. Kaya siguro minsan late akong kumaen. Late ang sahod ko. Late ako makagets. Puro late late late. At huli na ng malaman kong mali na  ata ang lahat. So late pa rin talaga. Mali pa rin po ba ako bro na dumulog ako sa inyo dahil kayo daw ang makapangyarihan sa lahat. Sana maramdaman niyo naman po iyon. Please. I believe pa rin na di pa huli ang lahat. And I believe in You.

God: At bukod dun, ano pa?
(maluha-luha ako) Sa katunayan niyan bro, sobrang dami pa, hinihiling ko lang po na bigyan niyo pa po ako ng kaunting oras na unawain tong sasabihin ko.
At eto pa po. Isa sa pinakamahalaga sa akin ang pagsusulat. Di ako makapagblog ng maayos. Blog na nga lang ang tangi kong sandata upang maisigaw ko naman sa buong mundo ang nararamdaman ko tapos mapipigilan pa. Hindi naman ata tama iyon, ano po!?. Gusto ko pa pong maglimbag ng libro, gumawa ng storya na pangpelikula at makadagdag sa literature ng pilipinas. Seryoso po yan. Kung nandito ako, di ko magagawa iyon. Sa unang dinig, mahirap siyang abutin pero sisikapin ko pong maabot ang lahat ng yan. Nais ko lang namang maisapelikula ang mga obra ko. Ipagmalaki nila ako sa natatangi kong talino. Yun lang naman po bro.

God: Pero okay ka naman diyan sa opisina mo diba?
Hay jusko loured. Magrereklamo po ba ako kung okay ako dito!? ah okay po, gets ko na. Nakakakilos ako ng maayos. Totoo po, maayos naman po ang pakiramdam ko. May sahod din kame na ayos lang. Sa sobrang ayos nga po, di na nga ko makagalaw eh. Opo bro, okay kaso ang isa sa hadlang na naisip ko na kapag nalipat ako sa ibang project site, mas lalong mahirap ang kalagayan ko doon. Adjust na naman ako ng plano ko. Mukhang magbibitiw ako sa pwestong di oras  kung magkaganun. Sabihin na nating worried ako masyado, biglang sumagi lang talaga sa isip ko kung sakaling mangyari iyon. Kasi syempre, imbes na pwede na akong magstart sa panibagong hamon at yugto ng buhay ko sa work na gusto ko, eh magugulo lang kung malipat ako ng ibang lugar.

God: Ano ba ang tunay na nararamdaman mo ngayon?
Si bro naman eh, mga tanong eh, ang slow niyo po ngayon. haha Ah ok gets ko na  o, ako pala ang slow, ang tanong niyo po, ano ang tunay na damdamin ko sa kabila ng lahat? Well, matagal na akong di totoo sa sarili ko. Absolutely. Ang sakit sa damdamin yung peke ako sa ginagawa kong trabaho. I don’t want to repeat this big mistakes  for the rest of my life. Yung feeling na hindi ako yung tao na gumagalaw ngayon kasi nga pinilit lang ang lahat. Parang may ibang taong nagsubstitute sa akin para lang gawin yung iniuutos nila. Ayoko ng maulit ito nextyear. Ayoko na. Pati sa susunod na buwan, ayoko na po. Maraming salamat po talaga Lord sa pakikinig. Ano pa pong tanong niyo. Sige pa po. Kaya pa naman.  Di pa po magTTV Patrol.

God: Ipagpo-provide kita ng lahat, okay ba sayo yung malagay pa rin diyan?
OMGeez. (Oy ikaw yung God ah)
ENEBE Ano ba Lord, ayaw niyo ba talaga umunlad ang buhay ko. Isipin niyo po ah. Kikita lang ako ng pera para lang sa sarili ko. Wala ng sobra. Kailan pa naging tama iyon? Ano yun, sumasahod ako para sa lang sa pamasahe? Wala pa akong anak neto ah, wala pa akong sariling bahay na hinuhulugan neto, mapalad na nga lang ako dahil wala pang emergency na dumadalaw sa amin pero wag naman sanang dumating. I-delay niyo po muna Lord. Nakita niyo naman po Lord kung gaano kahirap tong nirereklamo ko. Alam ko naman pong nasa kamay ko ang kapalaran ko, gusto ko lang po talaga ng taong mapagsasabihan ko.

God: Sino ba mga inaalala mo sa mga balak at plano mo ngayon?
Una sa lahat,  ang pinakamamahal kong pamilya. Gusto ko pa rin silang tulungan habang nagta-trabaho ako at kahit magkaroon ako ng sariling pamilya. Pangalawa, syempre, iniisip ko pa din ang mga kasabayan ko, nagpa-party sila, habang ako ay malungkot kasi di ko naman gusto tong ginagawa ko pero tinutuloy ko pa din. Ang sakit tumambay sa facebook tapos makikita ko yung iba kong kakilala, na may sobrang oras sila sa sarili para magsaya. Ayokong icompare ang sarili ko sa iba pero kung di ako talaga kikilos ngayon, wala talaga. Kahit na, ako ang ibinigay lang sa aking oras sa pagtatrabaho dito ay linggo kung saan oras ng pahinga lamang. Ingggitero na po kung inggitero pero sana naman po maintindihan niyo po ako. Maawa na po kayo sa akin Lord, kanina pa po madrama ang mga nira-rant ko senyo. Sira na po ang eyeliner ko sa kakaiyak. haha

God: Okay sige, bibigyan kita ng oras.
Yey! Sige po, gusto ko yang oras na yan. Rolex din po, bigyan niyo din po ako. Joooooke. Ops, buti po naalala ko, ito pa isang inaalala ko sa trabahong ito. Speaking of time, mag oovertime ako ng wala sa oras na naman kung dito pa rin po ako. Minsan pa nga di talaga pwedeng bitawan  ng saglit ang trabaho dahil kailangan talagang tapusin ang paper works. Well, kahit saang kumpanya naman ganun diba, tama? iba nga lang dito, mag overtime man ako o hindi, parehas lang din naman ang sahod ko, kumbaga baguhin ko man ang printer ko, parehas pa din ang ilalabas ng inutos ng CPU. So, bat pa ako mag oovertime.

God: Gaano ba kahalaga sayo ang oras?
Ang siste po kasi ganito. Di ko hawak ang oras ko dtto, hawak nila oras ko. Gigising ako sa umaga na masakit ang buong katawan kasi pinilit kong isingit ang gusto kong gawin sa kakapiranggot na oras na natitira sa akin kagabi. Sobrang ikling oras kagabi. Uuwi ako kapag uuwi na ang boss ko. Wala eh, ganun talaga eh. Ganyan po ang nangyayari sa akin.

God: Anong klaseng pag unlad ba ang gusto mo?
Thank you Lord for that wonderful question. Well, imposibleng lumago at umasenso ako sa trabahong ito. Di naman lingid sa ating kaalaman na mataas at tataas pa ang mga bilihin sa merkado. Reality check yan. May responsibilidad akong dapat gampanan. Check na check yan. Mga perang dapat ipunin para sa future. Dapat kong icheck yan. Pero yun nga, kapos ang sahod ko dito at wala talagang nangyayari. Yan po ang klase na pag unlad ang gusto ko. Ang magkaroon ng financial freedom.  Siksik at liglig.

God: Ano mga natutunan mo sa naging boss?
Natutunan kong magalet ng wala sa lugar. Charot. Gaya nga po ng nasabi ko noon, isa siyang magandang halimbawa ng taong di dapat tularan, kung tungkol sa emotion. At kung magpapatuloy pa ako dito. Baka makurot ko na talaga siya. haha Sa araw araw nalang na ginawa ng Diyos, naiinis din ako kapag nakikita ko siyang nagagalit, pero natutunan ko din sa kanya ang pagiging responsible, ayun lang.

God: May iba ka pa bang mga plano? Bukod sa work?
Plano ko pong magpahinga at bawasan ang sobrang stress na dinulot nito, baka kasi ubos ang modtaks ko eh. Kaya balak kong mag eexercise ako at magpapakalusog.

God: Paano mo papahalagahan ang ibibigay kong mahalagang oras, bigyan mo akong deal?
Wow x deal. Magtatravel po ako ng bongga, haha uubusin ko lahat ng oras ko sa work na gusto ko. lahat ng mga di ko nagawa noon, gagawin ko ngayon. Mga pagkukulang ko sa pamilya ko especially sa nanay ko, gagampanan ko na kung mabibigyan niyo ako ng pardon. Actually, madami pa po, baka kasi makulitan po kayo sa akin kaya  yan muna po.

God: Sige bigyan mo pa ako ng kaunting panahon, konting araw nalang diyan!

Sige po. payag po ako kahit na madami po akong masasayang na oras dito. Alam ko din pong busy kayo kasi yang mga ibang taong mayayaman diyan, ang lalaki kasi ng mga prayers nila kaya minsan hindi mauna yung order ko. Okay lang po.  Sige na nga po. Gagawa na din po ako ng paraan at maniniwala sa gabay ninyo.  

Sunday, November 13, 2016

DOCTOR OF ILOCOS IS A STRANGER

"Napakabobo ng mga doktor na iyon, nakakainit ng ulo, tang ina! ang tanga, paano naging doktor yung ganung tao. Gago lang" - anak
"Hayaan mo na sila, anak" sabi ng tatay.

"Mabanggit ko lang anak, kumita pala ako ng malaki sa jeep natin. Ibinenta ko ng dalawang libo. Gusto ko lang mapasaya ka, anak" Nagtaka ang anak ngunit nakangiti at masayang masaya pa rin ang tatay niya. Nagmura ang anak sa nangyari at sinuntok nalang ang pader. At umalis ng bahay.
Nang bumalik siya sa bahay at tinanong na naman siyang muli ng kanyang ama "Anak, dali na kasi, kailan ba tayo magbabakasyon, gusto kong mag gala gala, umakyat ng mga bundok at lumangoy". Sagot naman niya na galit sa tanong "Anak ng tinapa talaga oh, pinag iisipan ko pa kung magbabakasyon tayo, eh san ba gusto niyo tay, ilocos o cebu?
Masayang sumagot ang tatay "gusto ko ilocos, salamat nak ah!"
At ilang oras pa, ipinaalala naman ng anak na sa susunod na linggo ang graduation niya. Kailangan ng ama na umattend doon.
"Sige, sige, pupunta ako anak, ipagmamalaki ko na ikaw ang anak kong pinakamatalino sa lahat" sabi ng tatay niya.
Dumating araw ng graduation at di na tinapos agad ang araw ng graduation. Umuwi sila na kasama ang barangay tanod at ilang kamag anak nila.
Anak: Tang ina naman, bakit niyo naman ginawa iyon tay, nakakahiya"
Tatay: Sila naman ang nanguna eh, tapos na iyon nak, inggit lang sila sayo, matalino ka eh, kaya tara na, magbakasyon nalang tayo"
Sumagot na muli ang anak "Bukas, magbabakasyon na tayo, magready ka na"
Sobrang saya ng ama sa sinabi ng kanyang anak. At inihanda na nito ang kanyang mga damit para sa pag alis bukas.
Sa araw ng pag alis nila,
"Tay, ang magsusundo saten papunta doon sa ilocos ay mga nakaputing tao, sama ka dun ah, alam nila kung saan tayo magbabakasyon, basta susunod ako sayo"
"Sige sige". Sabi ng tatay.

Sa hospital, nagbigay na ng huling salita ang doktor sa anak: "Kame na pong bahala sa tatay niyo, aalagaan po namin siya dito sa mental hospital".

Wednesday, November 9, 2016

AABOT PA BA NG CHRISTMAS O HINDE?

Medyo masakit na kagad sa brain ko ang mga happenings ngayong buwan ng nobyembre. Kaloka. Oo sige na, sabihin na nating I know everything about this because this is my whole life but the truth still hurt. Tanggap ko na ang mga taong punyeta na nakaharang ay parte rin ng kwento ko. Halo-halong emosyon ang bumabalakid sa balat ko ngayon. Ang kati na.

Magulo, masakit, nakakataranta, nakakawalang gana at nakakayamot pero masaya kung iisipin dahil may katiting na pag asa na lumiliwanag at nag goglow sa mga mukha ko. And this is it. The judgement day has come. Ang grupo ng mga distractions naglipana papunta sa akin. Ngayon, makikipagdeal na ako ng maganda sa kanila at haharapin to ng mabangis. I am who I am.

Ayun na. So funny talaga, yung kadaldalan ko nga na gusto kong itigil pansamantala lang, eh kaso di ko pa rin mapigilan at mabitawan eh. Tapos nadagdagan pa ng isa pang problema. Shet. Anubayaaaaan. haha

Bigay lang po ako ng Pahapyap na istorya nung kanina.
Nagkaroon ng konting biruan dito sa opisina. Me vs. my prophet workmate. Haha bansag ko lang yung propeta sa kanya. Dami niya kasing alam sa bible eh. Haha
Biglang pumasok sa isipan niyang hawakan palagi ang tenga ko.

Malinis ang aking konsensya na wala akong nilalagay na kung ano sa daliri ko sa tuwing ipapahid ko to sa ilong ng ka-workmate ko.  Oo sa kanya. Matanda na siya actually. Di na dapat siya ginaganun at di na rin siya dapat nakikipagbiruan gaya ng ginagawa ko sa kanya. Eh nangyari na. Di naman ako baboy masyado. Very light lang kung mamarapatin. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na naloko ko siya sa sinabi kong galing sa maduming parte ko iyong daliri ko. Kaya aakalain niya na sa kung saan saan ang daliri ko napunta bago ko ipinahid ito sa kanya. Kaya wait, ang katotohanan diyan, gusto ko lang siyang maghinala sa mga nangyayari. Gusto ko siyang mapikon para matigil na kame sa kakulitang ito. At hindi na lumalim pa. Pero parang walang bisa. Tuloy pa rin ang battle naming dalawa. Sino ba naman ako. Di naman ako papatalo. Liit na bagay lang yan eh.

Pero wala eh. Susubukan at susubukan pa rin talaga ang lakas ko ng ibang tao. Mag test lang kayo ng mag test. Sisiguraduhin kong mag error kayo sa akin.  

Kahit na anong sabihin kong ritwal pagkagising ko sa kama upang maging matino ako para sa buong araw. Eh wala, babalik at babalik ang lahat at susubukan ang tibay ko. Gaya nalang ng nangyayari sa akin ngayon. Bumabalik sa akin ang pang gagago ko sa ibang tao. Yung hilig kong  panghahawak ng suso ng mga kapwa ko lalaki na alam kong maling attitude ko, kapag hinawakan naman ng iba ang tenga ko, agad akong naiirita at napipikon. May mali na talaga. May mali sa akin eh. hahaha Alam ko yan. Pero tong mali ko, hindi naman nakatingin sa akin lahat ng tao sa pagkakamali ko. Lahat tayo may pagkakamali. Aayusin ko ang sa akin at inaayos niyo din ang sa inyo. So lahat tayo ay pantay pantay.
Well, nandyan na iyan. Ano pa nga ba. Babaguhin ko na iyon. Nangangako akong babawasan ko ang ugaling iyon at hindi na muling uulitin pa.
Kaya sa pagkakataong ito, wala akong sinasabing tama ako. Gusto ko lang iparating sa inyo na babalik at babalik ang lahat upang subukan ako at baguhin ako. At pagkakatiwalaan ko naman ito, alam ko to ang daan sa pag alis ko sa madilim na lugar na to. Hahawak lang ako sa vision at imagination ko. I just embrace the faith that I have.
Sinabi ko sa blog post ko noon na “Ang mga taong segurista walang pupuntahan yan”. Ngayon, naisip ko. Napakasigurista ko pala masyado sa mga kinikilos ko. Kala ko, kapag makukuha ko na ang isang bagay, dire-derecho lang ako at parang kahon lang na may nakaharang na mga problema na itatabi o luluksungan ko lang. Hindi pala ganun ka -easy. Meron at merong magbibibgay ng board exam sa akin sa emotional kong pagkatao na mga nasa paligid ko. Ite-test nila ang apoy ng kaluluwa ko kung sumisindi pa ba. Ang answer ko diyan, mainit pa rin to kung tutuusin. And kadalasan, titignan nila kung lumalambot ba ang ulo ko sa pangungulit nila. Ang sagot ko naman diyan ay hinding hindi.
May mali akong nagawa, at iyon ang lilinisin ko. Wala ng iba. Walang ifo-format sa buong buhay ko. Re-create ng ben estrella, pwede pa.
Kaya alam naman na may mali ako diyan, pero wala sa diksyunaryo ko ang sumuko at magpatalo. Lalaban ako sa kanila. Ego at pride? Basta diyan ka lang sa tabi ko ah.
Matagal ng matalas ang sungay ko. Mas matalas pa sa gilid ng papel kung madaplisan ka neto. At bitbit ko palagi ang bayag ko anumang oras kahit saan. Sa mga previous kong sinabi dito sa blog, pinangangatawanan ko ang ugali ko. Matibay akong tao kung susubukan mo ako. Wag na wag kang papasok sa kaharian ko, hihilahin talaga kita palabas gamit ang tinidor ko. Promise.  
Pasensya na kung di inspiring tong kwento ko. Gusto ko lang malaman niyo na ang buhay ko ay masaya. Masalimuot nga lang talaga kung ide-detail ng husto. haha
Samakatuwid, bigla akong napahinto at nagpasyang isinulat itong problema ko sa blog. Malay niyo parehas din tayo ng pinagdadaanan.  Makatulong din senyo. Hindi ko na nga inisip kung tama ba o mali ang ginagawa ko. Ang inisip ko nalang, yung bang ginagawa ko ngayon makakatulong sa hinaharap ko. Ang sagot ko “hindi”. Pero yun na nga, nandito pa rin ako sa ugali ko. Siguro kaya ako naiirita sa ginagawa sa akin ng ibang tao kasi itinuturo sa akin ang tamang asal at patunay lang ito na talagang may babangga sa akin na kahit na sinong taong ulupong. So ano pa ba ang option ko, ay ang manatiling matatag.
Sarili ko din naman ang nagsabi na mukhang mapapatalsik na ako dito. Negative thoughts ko yan. Ayoko naman ng ganun. Gusto ko pa rin magresign ng matiwasay at sumuko na ng maasyos sa mundong to.
Ang kahinaan ko, kailangan kong bantayan. Nakalimutan kong magpakatanga sa mga tangang tao para sakyan ang pantasya  nila. Nakalimutan ko yan. Pinersonal ko kagad sila. Aaay.
Atlis alam ko naman sa sarili ko na ito na yun. Hindi yung hinihintay ko lang. Ito ang mismong inaabangan  ko. Ito ang pagkakataon na gusto kong lasapin. Debaah!
Sa ngayon, hahayaan ko nalang ang Panginoon natin ang humusga, wala akong sinabing tama o mali ako. Ang sa akin lang, hawak ko ang vision ko. At nagtitiwala ako sa magandang proseso na to. Tigre kapag nagalit. Bawasan lang ang dapat bawasan. haha

Kung aabot pa ba ako ng Christmas dito? bahala na. Ang mahalaga ano mang ibigay sa aking pagsubok. Tatanggapin ko iyan. Di na mahalaga ang bonus kung bonus naman para sa akin ang malagay sa lugar na masaya ako wag lang dito.