Wednesday, November 30, 2016

PARTY SA PASKO

Pabor ako sa rally na malawakang protesta laban sa pagpapalibing kay Marocs pero tutol ako sa mga practice ng Christmas Party. haha Ewan ko ba kung bakit ako lang ata ang nai-stress at napapagod tuwing may ganito. haha
“Kailangan may magperform para sa grupo natin ah, hindi pwede wala”.
Yan ang isang salitang hindi mawawala sa buhay ko tuwing sasapit ang pasko mula pa noong nag-aaral ako sa highschool ay nakakabit na sa pagkatao ko ang Christamas Party Dance Culture. Kadalasan, aabot minsan ng dalawang linggo ang preparation para sa sayaw na ito. Pero para sa ka-grupo ko na mga tamad. Lumalabas na, isang linggo lang ang magiging paghahanda o practice namin. Hindi mawawala na kailangan asikasuhin ang props at bumili nito sa murang tindahan. Kailangan makipag-coordinate sa dance instructor. Kailangan bumili ng costume. Minsan may mag-aambagan. May iba naman sagot ng boss o manager lahat ng gastos. Hindi mawawala ang taong ayaw magpractice pero kapag malapit na ang party saka nalang papasok sa eksena ng madaling practice. Para nga naman maliit nalang ang responsibilidad niya. May kagrupo tayong ang gulo masyado sa practice. Isa na ako doon. May ka-miyembro tayong ang hirap makapick-up ng sayaw. isa na ako dun. Saka may reklamo ng reklamo. May iba naman sa grupo nila may halos dalawang tao lang ang nagpa-practice, pinapanood lang sila ng mga ka-miyembro palagi. Swerte mo nalang sa hanay na interesado makijoin ang lahat.

At isisingit ko lang, masaya ako sa balitang magkakaroon talaga ng malawakang kilos protesta laban sa pagpapalibing sa LNMB kay Marcos. Hanga ako sa katapangan nilang ipinapakita. Sa kanila ako. Ang tanong kasi diyan, hindi porket pangulo o sundalo si Marcos kundi “Anong klaseng pangulo si Marcos?” Kung makakapunta lang talaga ako sa ganung rally or kung madaanan ko sila, sasama ako.

Balik sa party. Di ko naman minamasama yun. Masaya nga yun eh, kahit papano, sa buong isang taon, maigiling ko naman ang katawan ko habang pinapanood ng marami, kaso nga lang, ang problema, san katutak na stress at bwisit sa praktis ang inaabot ko kapag group. Siguro dapat magsolo na ako. haha

Mahirap din tong kalagayan ko ah. Sobrang challenging pero positibo pa rin akong maghihintay na hanapin ang solusyon para mahanap ko ang trabaho na to. Hindi naman ako papayag na papagiba nalang ako ng husto ng dahil lang sa event na to. Maliit lang na bagay to kumpara sa mga napagdaan ko na di na ako makakilos noon sa mga pinaplano ko. Magastos man sa pamasahe tong paghahanda ng sayaw na to, gagawa pa rin ako ng paraan upang di mawala sa isipan ko ang tunay na binabalak ko.

At mabalik tayo ulit kay Marcos, Here’s my take: isa lang naman ang iniisip ko diyan .Gusto nilang ibalik ang kapangyarihan nila noon.

So ganito nalang. Di ko pa rin hahayaan na mawala ako sa goal ko. Ie-enjoy ko lang tong biyahe na to. Bahala na kung mapahiya sa mga sayaw. Bahala na kung pagtawanan. Bahala na magkagulo gulo sa presentation. Bahala na ang lahat. Basta buhay ako at di ko iwawala sa isipan ko ang trabahong gustong gusto ko. Handang handa na ako umalis.




No comments:

Post a Comment