Kapag ang bigat bigat na ng mga problemang pasan pasan ko sa
buhay, isa lang naman ang tinatawagan ko para humingi ng tulong. Ang 9-1-1,
de joke. Syempre, sino pa ba? ang sandigan ng lahat.
Me: Bro, usap tayo, may problema ako.
God: Sure, I’m G. Now na?
Yes po, now na. Di ko na kasi kayang pigilan tong
nararamdaman ko, parang puputok na ako sa gigil at lungkot. Ayoko na talaga dito,
bro. Alam ko bro, na alam mo kung tungkol
saan tong sinisigaw ko ngayon sa buong blog ko. Bago ko palang isulat to, alam mo
na ang lahat. Ikaw lang ang nakakakilala
sa akin eh. Oy bro, magsalita ka naman, parang wala akong kausap eh. Dali na.
(Biglang lumiwag ang
lahat at may bumabang malaking ilaw mula sa ceiling namin. Pagkalapag ni Bro sa
sahig, ang fresh fresh niyang tignan, shet)
God: Unang tanong ko
sayo ben, bakit ayaw mo na?
Yown. Sumagot den.
Hala, di mo alam bro!? God ka eh. hahaha charot lang po. eh
kasi naman pooo. Kapag di ako umalis dito papa G, aangal na naman ako sa mga
susunod na blog ko ng napaka maraming marami kuda. Taon taon nalang ba ako
ganito? Eto nalang ba ang topic ko? Papanget na ako sa kakaangal sa blog ko eh.
haha Ayoko nun. Naalala ko tuloy noon, tang ina, nagkatotoo nga ang sabi ng
nanay ko noon na sa tuwing inuutusan niya ako bumili sa tindahan, ugali ko
kasing umangal noon eh. Kaya parang dala dala ko pa rin yung sumpa. hahaha (feeling
ko lang). Mga tipong umaangal pa rin ako sa task ko ngayon. Dapat pala noon
palang nung inutusan ako, di ko pala dapat sinusunod. Dapat simulan ko talaga
ang lahat na ako ang masusunod. haha Ayoko
naman talaga dito eh, napipilitan lang ako. Paano ba gagawin ko, bro? Help me.
God: Kaya mo pa bang
magtiis?
Tiis? Wow big word. taray tiis. De joke lang po. hahaha Parang
hindi na po kaya bro eh. Naghihintay nalang ako ng Christmas bonus at sisibat
na ako. haha iiwan ko na tong realidad na to. Baka kung anu anong sakit na
naman ang dumapo sa akin sa susunod na taon. Mula taong 2012 hanggang ngayon,
ang dami kong tinamong sakit, nagmarka na yung mga peklat ng sugat. Ayoko ng
sundan pa lahat ng to. Pero may lesson learned lahat naman yan na mas
nagpatibay sa akin. kahit na ayokong isipin na para akong pasyente dito sa kumpanya
namen, parang may inaalagaang silang may sakit. haha At dahil sa sobrang stress
ko dahil di ako productive, kaya humihina ang katawan ko. Yang mga year na
nabanggit ko na yan na puro ako sakit. Ang sakit bes. Sa bawat month na meron diyan, binuo yan ng mga malulupit na bakbakan ng katawan at walang humpay na
kakahintay kaya ako nadidismaya. Ayoko ng ituloy pa ang bagay na nagpapahina sa
akin at sumisira sa akin ng dahil lang sa pera. Ayokong makita ang sarili ko sa
mga susunod pang mga araw na nakaupo pa rin ako dito. Di ko na kayang imaginin
pa iyon.
God: Kung ibahin ko
ang boss mo, payag ka?
Ay hindi rin. Kahit pa po gawin niyong si Will Smith ang
tatay ko o ang boss ko, Ayoko na po talaga. Hindi dito ang mundo ko. Kahit magchange pa ng boos dito kung same din
naman ng profession, wala talagang mangyayari. Mananatili akong posteng
nakanganga sa mga taong nagdaraan. Sisikapin ko nalang baguhin ang kinabukasan
ko kung ang io-offer mo sa akin ay bagong boss na dito pa rin ako uupo. Hindi
na po talaga.
God: Kaya mo naman
ang biyahe ah!
Wait, what? Okay lang po ba kayo God, may sakit po ba kayo
now? Oy hindi po totoo yan. Sobrang mahirap po ang biyahe ah. Libot ko na ang
buong metro manila sa sobrang haba ng biyahe ko everyday. Talagang hindi ito praktikal.
Ano to? Buong buhay ko uubusin ko sa trapik? Dun ba ako pinanganak? haha Mas
mahaba pa kaya ang oras ko sa trapik, sa totoo lang. Ano, buong buhay ko pare-parehas lang na
daanan ang lalakaran kong lugar. Ang ibang tao ay nag iiba ako hindi. haha Saka
wala na bang bagong ruta? bagong taong kakilala? Wala na ba? Wala na bang
bagong biyahe o kultura? Wala na rin adventure sa buhay ko? Gustuhin ko man
pero wala akong pera mag ibang landas. hahaha Alam ko naman po ang lahat ng ito
ay kagustuhan ko na binuo ng mga naging desisyon ko. Gabay lang naman po ang
hinihiling ko senyo. haha
God: Eh gumising ka kasi
ng maaga!
Ay hindi na po. Sila na ang perfect attendance. Di ko po
control ang banggahan at halikan ng dalawang kotse sa kalye kaya may trapik. Hindi
ko hawak ang daloy ng trapiko. Kaya ang sumatutal, male-late na naman ako.
Bukod sa malayo pa ang opisina sa bahay namin at tinatamad pa akong pumasok
kasi wala ring mangyayari, tulad ng gigising! alis ng bahay! trabaho! ayos ng
opisina! at uwi na . Then, bukas ulit. Ano nalang ang kinabukasan ko kung sa
tuwing gigising ako, ang pag asa na hinahanap ko ay nasa ibang tao at sa ibang
lugar, na wala dito. Kaya siguro minsan late akong kumaen. Late ang sahod ko.
Late ako makagets. Puro late late late. At huli na ng malaman kong mali na ata ang lahat. So late pa rin talaga. Mali pa
rin po ba ako bro na dumulog ako sa inyo dahil kayo daw ang makapangyarihan sa
lahat. Sana maramdaman niyo naman po iyon. Please. I believe pa rin na di pa
huli ang lahat. And I believe in You.
God: At bukod dun, ano pa?
(maluha-luha ako) Sa katunayan niyan bro, sobrang dami pa,
hinihiling ko lang po na bigyan niyo pa po ako ng kaunting oras na unawain tong
sasabihin ko.
At eto pa po. Isa sa pinakamahalaga sa akin ang pagsusulat. Di
ako makapagblog ng maayos. Blog na nga lang ang tangi kong sandata upang
maisigaw ko naman sa buong mundo ang nararamdaman ko tapos mapipigilan pa.
Hindi naman ata tama iyon, ano po!?. Gusto ko pa pong maglimbag ng libro,
gumawa ng storya na pangpelikula at makadagdag sa literature ng pilipinas. Seryoso
po yan. Kung nandito ako, di ko magagawa iyon. Sa unang dinig, mahirap siyang
abutin pero sisikapin ko pong maabot ang lahat ng yan. Nais ko lang namang maisapelikula
ang mga obra ko. Ipagmalaki nila ako sa natatangi kong talino. Yun lang naman
po bro.
God: Pero okay ka
naman diyan sa opisina mo diba?
Hay jusko loured. Magrereklamo po ba ako kung okay ako
dito!? ah okay po, gets ko na. Nakakakilos ako ng maayos. Totoo po, maayos
naman po ang pakiramdam ko. May sahod din kame na ayos lang. Sa sobrang ayos
nga po, di na nga ko makagalaw eh. Opo bro, okay kaso ang isa sa hadlang na
naisip ko na kapag nalipat ako sa ibang project site, mas lalong mahirap ang
kalagayan ko doon. Adjust na naman ako ng plano ko. Mukhang magbibitiw ako sa
pwestong di oras kung magkaganun.
Sabihin na nating worried ako masyado, biglang sumagi lang talaga sa isip ko
kung sakaling mangyari iyon. Kasi syempre, imbes na pwede na akong magstart sa
panibagong hamon at yugto ng buhay ko sa work na gusto ko, eh magugulo lang
kung malipat ako ng ibang lugar.
God: Ano ba ang tunay
na nararamdaman mo ngayon?
Si bro naman eh, mga tanong eh, ang slow niyo po ngayon. haha
Ah ok gets ko na o, ako pala ang slow, ang
tanong niyo po, ano ang tunay na damdamin ko sa kabila ng lahat? Well, matagal
na akong di totoo sa sarili ko. Absolutely. Ang sakit sa damdamin yung peke ako
sa ginagawa kong trabaho. I don’t want to repeat this big mistakes for the rest of my life. Yung feeling na hindi
ako yung tao na gumagalaw ngayon kasi nga pinilit lang ang lahat. Parang may ibang
taong nagsubstitute sa akin para lang gawin yung iniuutos nila. Ayoko ng maulit
ito nextyear. Ayoko na. Pati sa susunod na buwan, ayoko na po. Maraming salamat
po talaga Lord sa pakikinig. Ano pa pong tanong niyo. Sige pa po. Kaya pa
naman. Di pa po magTTV Patrol.
God: Ipagpo-provide
kita ng lahat, okay ba sayo yung malagay pa rin diyan?
OMGeez. (Oy ikaw yung God ah)
ENEBE Ano ba Lord, ayaw niyo ba talaga umunlad ang buhay ko.
Isipin niyo po ah. Kikita lang ako ng pera para lang sa sarili ko. Wala ng
sobra. Kailan pa naging tama iyon? Ano yun, sumasahod ako para sa lang sa
pamasahe? Wala pa akong anak neto ah, wala pa akong sariling bahay na
hinuhulugan neto, mapalad na nga lang ako dahil wala pang emergency na
dumadalaw sa amin pero wag naman sanang dumating. I-delay niyo po muna Lord. Nakita
niyo naman po Lord kung gaano kahirap tong nirereklamo ko. Alam ko naman pong
nasa kamay ko ang kapalaran ko, gusto ko lang po talaga ng taong mapagsasabihan
ko.
God: Sino ba mga
inaalala mo sa mga balak at plano mo ngayon?
Una sa lahat, ang pinakamamahal
kong pamilya. Gusto ko pa rin silang tulungan habang nagta-trabaho ako at kahit
magkaroon ako ng sariling pamilya. Pangalawa, syempre, iniisip ko pa din ang mga
kasabayan ko, nagpa-party sila, habang ako ay malungkot kasi di ko naman gusto
tong ginagawa ko pero tinutuloy ko pa din. Ang sakit tumambay sa facebook tapos
makikita ko yung iba kong kakilala, na may sobrang oras sila sa sarili para
magsaya. Ayokong icompare ang sarili ko sa iba pero kung di ako talaga kikilos
ngayon, wala talaga. Kahit na, ako ang ibinigay lang sa aking oras sa
pagtatrabaho dito ay linggo kung saan oras ng pahinga lamang. Ingggitero na po
kung inggitero pero sana naman po maintindihan niyo po ako. Maawa na po kayo sa
akin Lord, kanina pa po madrama ang mga nira-rant ko senyo. Sira na po ang
eyeliner ko sa kakaiyak. haha
God: Okay sige,
bibigyan kita ng oras.
Yey! Sige po, gusto ko yang oras na yan. Rolex din po,
bigyan niyo din po ako. Joooooke. Ops, buti po naalala ko, ito pa isang
inaalala ko sa trabahong ito. Speaking of time, mag oovertime ako ng wala sa
oras na naman kung dito pa rin po ako. Minsan pa nga di talaga pwedeng bitawan ng saglit ang trabaho dahil kailangan talagang
tapusin ang paper works. Well, kahit saang kumpanya naman ganun diba, tama? iba
nga lang dito, mag overtime man ako o hindi, parehas lang din naman ang sahod
ko, kumbaga baguhin ko man ang printer ko, parehas pa din ang ilalabas ng
inutos ng CPU. So, bat pa ako mag oovertime.
God: Gaano ba
kahalaga sayo ang oras?
Ang siste po kasi ganito. Di ko hawak ang oras ko dtto,
hawak nila oras ko. Gigising ako sa umaga na masakit ang buong katawan kasi
pinilit kong isingit ang gusto kong gawin sa kakapiranggot na oras na natitira
sa akin kagabi. Sobrang ikling oras kagabi. Uuwi ako kapag uuwi na ang boss ko.
Wala eh, ganun talaga eh. Ganyan po ang nangyayari sa akin.
God: Anong klaseng
pag unlad ba ang gusto mo?
Thank you Lord for that wonderful question. Well, imposibleng
lumago at umasenso ako sa trabahong ito. Di naman lingid sa ating kaalaman na mataas
at tataas pa ang mga bilihin sa merkado. Reality check yan. May responsibilidad
akong dapat gampanan. Check na check yan. Mga perang dapat ipunin para sa future.
Dapat kong icheck yan. Pero yun nga, kapos ang sahod ko dito at wala talagang
nangyayari. Yan po ang klase na pag unlad ang gusto ko. Ang magkaroon ng
financial freedom. Siksik at liglig.
God: Ano mga
natutunan mo sa naging boss?
Natutunan kong magalet ng wala sa lugar. Charot. Gaya nga po
ng nasabi ko noon, isa siyang magandang halimbawa ng taong di dapat tularan,
kung tungkol sa emotion. At kung magpapatuloy pa ako dito. Baka makurot ko na
talaga siya. haha Sa araw araw nalang na ginawa ng Diyos, naiinis din ako kapag
nakikita ko siyang nagagalit, pero natutunan ko din sa kanya ang pagiging
responsible, ayun lang.
God: May iba ka pa
bang mga plano? Bukod sa work?
Plano ko pong magpahinga at bawasan ang sobrang stress na
dinulot nito, baka kasi ubos ang modtaks ko eh. Kaya balak kong mag eexercise
ako at magpapakalusog.
God: Paano mo
papahalagahan ang ibibigay kong mahalagang oras, bigyan mo akong deal?
Wow x deal. Magtatravel po ako ng bongga, haha uubusin ko
lahat ng oras ko sa work na gusto ko. lahat ng mga di ko nagawa noon, gagawin
ko ngayon. Mga pagkukulang ko sa pamilya ko especially sa nanay ko, gagampanan
ko na kung mabibigyan niyo ako ng pardon. Actually, madami pa po, baka kasi
makulitan po kayo sa akin kaya yan muna
po.
God: Sige bigyan mo
pa ako ng kaunting panahon, konting araw nalang diyan!
Sige po. payag po ako kahit na madami po akong masasayang na
oras dito. Alam ko din pong busy kayo kasi yang mga ibang taong mayayaman diyan,
ang lalaki kasi ng mga prayers nila kaya minsan hindi mauna yung order ko. Okay
lang po. Sige na nga po. Gagawa na din
po ako ng paraan at maniniwala sa gabay ninyo.
you're so funny, ben. HAHAHA
ReplyDeleteThank u so much CHRISTIAN. napatawa kita.
ReplyDelete