Bali tapos ko
ng isalaysay ang buong nararamdaman ng puso ko kay Ama hinggil sa takbo ng
karera ko ngayon kung sakaling ipinagpatuloy ko pa rin ang kagaguhang ito. Wala
po akong binanggit doon na masama tong trabaho ko, nawawasak lang talaga ang
espirito ko.
But now, isasalaysay
ko naman kung ano ang magiging mundo ko kung sakaling maka-alis ako dito at makapunta
ako sa trabahong gustong gusto ko. Unti-unti ko lang ide-describe ang magandang
imahe na nakikita ko.
Tangina. Alam
ko hindi to madali gaya ng isang pitik ko lang ng daliri ay makakapunta na ako
sa paroroonan ko. Ito lang ang gusto ko. Sasabihin ko lang naman.
Subukan ko
lang kung aabot ito ng benteng dahilan, medyo marami rami narin ito kung ikukumpara
sa kadalasang advice and tips na nababasa natin sa mga websites.. Manghuhula na
rin ako kung sakali. Malay natin diba.
Anyway, mine-mega
phone lang naman ng damdamin ko na “handang handa na akong umalis sa kwartong
ito” and then bigla kong naisip ang ganitong bagay-bagay, ano nga ba ang buhay
ko kapag wala na ako dito sa kinauupuan ko, hindi sa mundong ito, ano ang buhay
ko kapag nahanap ko na ang palasyo ko at aura na bet na bet ko.
Mahalaga tong
sasabihin ko. Kaya, di ko kakalimutan tong isusulat ko, promise!
Ayoko ng inuunti unti
akong patayin ng sakit dahil sa stress, ayoko na.
1. I will use the formulas and lessons for a reasons
Kung
bibilangin ko since I was started my blog, umaabot ng nasa terty na rin ang
nagawa kong blog post about sa work ko. Mga kwentong nakakainis, nakakatawa at
nakakayamot. Ang daming dumaan sa buhay ko na mga diskarte, pagkakataon at mga
hakbang para sa success ko ngunit di ko naman magawa dahil nga I’m here. Yung
mga dumaan na bagay na iyon ay tinignan ko lang. Ayon lang yan sa pagkakaalam
ko.
Alam kong
makakaalis din ako sa position na to. At siguradong sigurado akong hindi ko
sasayangin ang mga naging mabuting aral na natutunan ko nung nakulong ako sa rehas
na to at nadapa ako like a worm sa mga naging desisyon ko. Yes I know. It's me
that wants to make a change, but I am also the biggest obstacle. But, di ako
papatinag, sure ako na mas magiging malaya ako at magagawa ko ng malaya ang galaw
na gusto ko. Totorturin man ako ng work na gusto ko atlis kumportable naman ako
sa ginagawa ko. Parang ganito yan eh. Explain ko lang. May mga bagay na ayaw
natin tapos di tayo kumportable doon at meron naman kahit na pahirapan tayo ng
ibang tao o mahirapan tayo sa work na ginagawa natin pero kumportable naman tayo
kasi nga passion natin iyon. At iyon ang
hinahanap ko. At palong palo kong makukuha iyon. Sa totoo lang, nahanap ko na,
kailangan ko lang ng matibay na pundasyon.
2. It will be my good time for a good workout
Yan ang isa
sa mga wishlist ko sa susunod na pahina ng buhay ko. Ang makapag exercise ng
todo todo araw araw, mga tipong walang palya ako sa gym bago pumasok sa work. Sana
maging requirement sa papasukan kong trabaho ang malakas na katawan, (Well, given
na naman na dapat ‘fit to work’ ang lahat ng empleyado, gusto ko lang mas ma-extend
ko pa ng todo ang lakas ko while im on the work, siguro sabihin na nating from
80% papalo siya pataas hanggang 120%, mga ganung lakas), and it’s a huge
blessings for me.
Tapos eto pa,
yung mga tipong, gising na gising at buhay na buhay ang mga muscles ko sa pagta-trabaho.
Sarap nun bro. Sabi nga ng iba eh, Act it out, don't figure it out. Ia-achieve
ko talaga iyan. Yung moment na alive to the maximum level ang isipan ko sa
trabaho dahil sa exercise at konting rituals na ako lang ang nakakaalam. Tang
ina, di ko bibitawan ang gawaing exercise sa kaluluwa ko. Ipagpapalit ko ang
GIN sa GYM. haha Papasok ako ng trabaho
na fresh and wet galing sa sariling pawis (Oy, mabango ang pawis ko parang
bambini yan) na handa ako sa susunod pang mga hamon.
Di naman po
lahat ng ito ay matutupad porke sinulat ko sa blog ko, atlist lang, may
guideline ako.
3. Sleep is wealth.
Masarap
matulog kapag ang ginawa ko ngayon na gusto ko muli ulitin bukas, ang trabahong
parang naligaw ako sa paggawa o activity dahil di ko na namalayan na masaya na
pala ako sa ginagawa ko kaya nakilala ko ang sarili ko doon. Ang saya diba. Ibang
klase ang tulog kapag satisfied tayo sa ginawa natin ngayong araw. Tama!?
Nakaka-excite gumising galing sa kama na may muta muta pa at tatanggapin ang challenging
sa bawat araw. Masarap magpahinga kapag natungtong na tayo sa zone na gusto
natin. Kaya for me, di ako susuko. I will not find a job by looking for one. Pagsasabayin
ko na. Mahahanap din kita. Sasagarin ko na to. Itotodo ko to. Goal ko makatulog
ako ng 7hours everyday. Okay na ako dun.
4. I will express what inside of me
Kung di sa
blog at social media ko lang kadalasan nailalabas ang kalayaan ko pati na ang
pag utot ko, pagkamot ko ng pwet at kung di naman sa mga tunay kong kaibigan. Syempre
kasama na din ang girlfriend ko. Darating di ang panahon na mas magiging tapat
ako sa ginagawa ko dahil inilalabas ko ang tunay na nararamdaman ko. Like na
like ko yan. Magiging limitless pa ako. Kung sino akong tao, dun ko ilalagay
ang sarili ko hindi sa kung saan pang ibang lugar. Papangako ko yan.
5. I will live the true meaning of my life
Kahit maging
comic or stand up comedy man ako, atlis alam ko sa sarili ko ang kahulugan ng
buhay ko kung bakit ko ginagawa ang lahat ng iyon. Isa rin sa gusto ko iyon. Mahirap
man iyon pero alam kong may napapasaya akong tao. Darating ang panahon na
magugutom ako at mapapagod pero di magsasawa. Darating sa point na kakapusin ako
ng pera pero lalaban pa rin. Darating ang panahon na maguguluhan ako at
malilito pero nandito pa rin ang sinimulan ko na magsisilbing gabay sa
tatahakin ko.
Kasama ko rin
ang mga tunay kong kaibigan para umalalay. Sigurado akong makakaalis ako sa
trabahong ito at handang handa na akong tanggapin ang balakid sa bagong ‘work
work work’. And I believe na magagawa ko to ng di dahil lang sa akin, I will do
it with others, not alone. Wala pa naman akong nakitang naka-akyat ng bundok ng
mag isa. Palaging may kasama siya. Syempre sasabihin mo sa akin. “Oh bakit, may
mga nakita akong picture ang iba na siya lang ang nandun sa bundok”. Haha Bugok. Oh sige, eh sino kumuha
ng picture? haha Ang hangin? Ang puno? may kasama yan syempre.
6. I will meet new people.
Ayoko naman
ikulong ang sarili ko sa ganito. Gusto ko pang makakilala ng ibang tao. Gusto
ko pang alamin ang iba’t ibang kwento at kababalaghang istorya ng mga iba’t
ibang tao. Kung di pa magpopost sila ng hinanakit nila sa facebook na ginawa
nilang sumbugan ng bayan ang fb, eh di ko pa malalaman ang istorya nila. Ayoko sa
ganoong paraan. Gaya ko. Gusto ko rin syempre malaman yung mga tungkol sa “Ano
ba mga pinagdadaanan nila, face to face” pati na rin siyempre yung mga taong
kasama sa dream team ko, sila yung mga kaparehas ko ng hilig. Gusto ko, sila
yung kasama ko for my entire life, magkaaway man kame o maging kabati. Basta
sila iyon.
7. More challenge.
Kung di na ko
nahihirapan sa ngayon sa potential ko, paano nalang ako. Mabubulok ako dito.
Ayokong mangyari iyon. Ayokong habang buhay akong ganito. Ayokong ikahon ang
sarili ko dito. Gusto ko ng nahihirapan at nasasaktan ako. Gusto ko ng
kumikilos lahat ng buong katawan ko pati abdo ko, hindi lang yung pwet ko ang
naiipit sa kakaupo. Yung tipong masayang masaya at maligayang maligaya ang
katawan ko kahit mahirap pero kakayanin kasi gusto ko ang ginagawa ko. Ano mang
harang ang ilagay nila, mananatili pa rin akong matatag dahil papatunayan kong
mahalaga sa akin ang pangarap ko. Di madali abutin ang pangarap ko,
pagsisikapan ko lahat ng ito. Walang madali. Alam natin yan.
8. Push the opportunity
Di ko mahanap
ang opportunity kung nandito lang ako. Nagtataka na rin ako. May opportunity
naman dito baka nga lang talaga hindi ko makita kasi nga hindi ko to gusto. Ang
dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong simulan ulit. Ang dami kong
gustong tapusin ulit. Ang dami kong gustong maabot at hindi ko magagawa iyon
kung nandito lang ako. Proven ko na yan. Kailangan kong gumawa ng paraan para
makatakas sa lugar na ito. At tuluyan ko ng iwan tong magulong mundo na to.
Kalimutan na ang mga nagpasakit sa akin. Kalimutan ang mga taong nagbigay ng
stress. Kalimutan ang mga taong mukhang matapang. Sila yung mga taong kahit
masaya, yung mukha nila mismo matapang.
9. Turn shit into sugar
Alam ko ang
tamang oras upang itama ang mga pagkakamali ko sa buhay at ito ay ngayon. Wala
ng ibang araw pa kundi “now”. Gustong gusto na ng damdamin ko na kumawala sa kasunduang
ito pero medyo magulo pa ang lahat. Pinipilit ko pa rin mabuo sa isipan ko ang
susunod na hakbang. Kaya humingi ako kahapon ng tulong kay Ama para maitama ko
ang lahat. Atlis magkamali man ako muli nandito naman ako sa lugar na gusto
kong magkamali ng magkamali. Dun ko gustong lumago at lumipad.
10. Family is habang
buhay na kapamilya
Wala na kong
ipon at sobrang pera sa ngayon. Wala akong oras para humanap ng mapagkakakitaan
kasi bantay ang computer ko at late na ako nakakauwi. Ayokong gawin dahilan
iyon, nasabi ko lang kasi alam ko namang may iba pang paraan. Even though, ganito ang kalagayan ko,
bumabangon pa rin ako sa ganitong sistema. Nilamo na ako, di ko namalayan. Kaya
gusto kong umalis dito at iaangat ko muli ang pamilya ko. Di kame lumubog. Di lang basta angat kundi sagad sa taas. I
will think of my career change as an expedition, not a day-trip. Kasama ko ang
pinakamamahal kong pamilya. Sila ang kaagapay ko.
11. Use it wisely
Talento,
skills, gift, meaning ng buhay at happiness. Lahat ng yan ay nasa trabahong
gustong gusto ko at wala dito. I can't figure it out by figuring it out. Wala
pang nananalo sa sabong ng ayaw niyang masaktan ang manok niya. Sasabay ko na
rin ng pag iipon ng pera at pag iinvest para dumami pa.
12. Blogging is my creator
Kundi dahil
sa pagba-blog ko, wala ako ngayon. Medyo humirap lang talaga ngayon kasi nakaharap
na ang computer ko sa mga ka-workmate ko. Gusto kong ibalik ang pagususulat ko,
at sisimulan ko to hanggang sa mapunta ko sa trabahong bayad ang bawat
pagsusulat ng mga masasayang istorya. Saayng yung journal ko na di ko naman
nailalagay sa blog ko yung na-create ko. Diyan ako malalagay. Sigurado akong
mapupunta ako sa lugar na kung saan malaya akong makakapagsulat.
13. More creativity.
Likas na naman sa katawan ko ang pagiging malikhain. haha I
know myself. Sigurado akong makaka-alis ako dito at papagyamanin ko pa ang
pagiging malikhain ko. Kikilalanin nila ako bilang isang magaling na creator ng
magandang istorya at nobela. Kahit yung buo, bubuuin ko pa para lang maging
crea. Sabi nga sa quotes: When you started to act rather than analyse, things
started to change. Wala lang. maka-english lang.
14. Stick to one and Say No.
Sigurado akong makakapagsimula na ako sa trabahong gusto ko.
Whatever it takes, bibitawan ko lahat ng ito and I will find my place. Sisimulan
ko ngayon. At kapag nahanap ko na siya, wala na akong iba pang gagawin kundi
isa lang. iyon lang. Isa lang. Isa lang. At nag iisa lang.
15. I will tell a great stories and speak from the heart.
Buti nalang di nagsasawa ang mga bumubulong sa akin ng mga
magagandang at positibong istorya. Kung sa sobrang bingi ko, malamang dinagukan
na ako nun. Ang dami kong nakalimutang magagandang istorya na naisip ko tulad
nalang kanina sa bus. Mas pinili kong matulog kaysa isulat ang naisip.
Napakatamad ko talaga pagdating sa ganun. Kakaasar. Madami akong sinimulan na
di natatapos. Kaya mas gagawa pa ako ng masasayang istorya galing sa kaibuturan
ng puso ko. At sasabihin ko lahat ng nararamdaman ko sa tuktok ng tower. haha
16. Remember the why.
Lagi kong papaalalahanan ang sarili kong makakalimutin, kahit
na minsan ayaw niyang makinig kung ano ang ‘big picture’ ng outcome ng lahat ng
ito. Lagi kong kukulitin ang sarili ko at sasabihing “oy, diba ginagawa mo to
dahil gusto mong mag artista, bat mo ginagawa yan(refers to other thigns)”. De
joke.
17. I will win no matter what.
Para saan pa tong ipinaglalaban ko kung di rin naman ako
mananalo. Sisikapin ko lahat. Pagpapaguran ko lahat. Wawasaskin ko ang lahat.
Itutumba ko ang humarang. Sasapakin ko magsalita ng negatibong komento laban sa
akin. Magsusuper saiyan ako upang maabot ang gusto. Lalaban ako kahit talong talo
na. Nakikita ko ang sarili kong may hawak na tropeyo. Itataas ko ang mga kamay
ko dahil nanalo na naman ako. Ngingiti ako dahil laalpit ako sa mga laylayan
upang tumulong.
Di man ako
umabot ng bente na rason atlis nailabas ko ang buong nararamdaman ko. . handang
handa na ako sa lahat. Dagdag ngiti pa.
Sabi ng batas
ng “equivalent exchange”
“Humankind cannot gain anything without first giving
something in return. To obtain, something of equal value must be lost.”
Handang handa na ako
umalis. Sama ka.
If you would like an alternative to casually dating girls and trying to figure out the right thing to do...
ReplyDeleteIf you would rather have women chase YOU, instead of spending your nights prowling around in crowded bars and night clubs...
Then I urge you to view this short video to find out a weird little secret that might get you your personal harem of attractive women:
FACEBOOK SEDUCTION SYSTEM...