Almost 6 days ka ng wala dito sa bahay. (Nasan ka ba kasi.) haha Bigla tuloy kitang gustong yakapin. Diba April 28, 2017 Biyernes, nang umalis ka dito sa bahay at tuluyan nang nagsarili at tumira sa totoong resthouse mo dyan sa Naic, Cavite. Hindi ko alam kung bakit sobra kitang nami-miss ngayon. Kukurutin ko na talaga yang piggyface mo sa sobrang gigil ko sayo. haha Nakakamiss talaga yung pagtatalo at pag-aaway nating walang humpay araw araw tungkol sa problema ng mundo, noh? Diba noh? I miss you like hell, mudrax. XOXO
Ang laki ng pinagbago ng lahat.
Ka-miss. One time nga naalala ko nung bumaba ako galing ng third floor tapos nadatnan kita sa baba na tulala ka sa Tv kahit nakapatay naman yun. Umabot ata ako ng 2minute na tinitignan kita upang malaman ko talaga kung nanonood ka o ako yung bulag na wala nang makita sa screen ng Tv. Natakot ako dun, Ma. Buti nalang hindi ka nakangiti sa mga oras na iyon. Tawang tawa talaga ako nun, sakit sa abdomen. haha
Nakakamiss lang kasi. Para kang yung nanay sa cartoon na Dragon ball Z pagdating sa amin parang ganito yun eh “Gohan anak. kumaen ka na ba?” namiss ko yung ganun mo, Inay.
Without you here, parang ang boring ng paligid sa looban namin dito sa Pasay, City. The whole world seems depopulated na parang ganun. Wala ka na dito at di na namin maririnig yung super ingay mo. Yung ingay mong isang line pa lang ang sinabi mo, buo na ang kwento. Alam na ng lahat ang istorya. haha Nakakalungkot para saken na malayo sayo. (O ayoko lang sigurong mag-isa ka diyan) . Alin sa dalawa.
Ikaw kasi eh, sinanay mo akong maging bisyo a.k.a droga ko ang bunganga mo every single day. Naadik lang talaga ako sa bonding naten na nahinto dahil malayo ka na pero syempre gagawa pa rin ako ng paraan para ituloy parin iyon sa tuwing magkikita tayo.
Sa lahat ng boses sa mundo, boses ni nicolehyala ng Love Radio, boses ng crush ko na si Zara Larsson, boses ni The Weeknd, boses ng boss ko, boses ni angeline, tahol ni shaggy, lahat yan di ko gusto. Ang boses mo lang ang gusto ko. Miss na miss na kita. Sana lang we were together anywhere. Kaso wala, dapat kong tanggapin ang changes. Yung absence mo talaga ang nagpalungkot saken ngayon. Shuta. haha
Baka ipatokhang nila ako sa pagkaadik sayo. Ma. Lels.
Sa tuwing namimiss kita, kumakaen nalang ako palagi ng tsokolate, choc nut, hersheys, at iba pa. Baka magka-diabetes ako kakaisip sayo. Madami daming tsokolate din yun kung palagi kitang mami-miss, sigi ka.
I miss you. #Sobra.
Saan ka man, whatever you are doing, please stop and smile because I am thinking of you.
Sa trabaho, sa gala, at sa oras ng wala akong ginagawa, and even If I was the busiest person in the world, I’d always find time for you. Tatawagan kita palagi, magmurahan po tayo ulit. Miss na miss ko na po yung ganung moment. Bibisitahin kita diyan weekly.
Tas eto pa, hahaha namiss ko yung moment na nag-aabot ako sayo ng pera para sa pang gastos sa pang araw araw. Gustong gusto kong moment dun yung bubulatlatin ko yung wallet ko, then malalaman ko na puro resibo lang pala yung nakikita ko sa loob nun kaya kinabukasan ko nalang maibibigay sayo ang sahod ko. At syempre dahil delayed ako sayo, mabu-bwisit ka naman sa akin. haha Pero ngayon iba na, magpapadala nalang ako sayo. Malungkot dahil wala ng sounds ng talaktak mo.
Bali nga pala, don’t worry, nag-assign ako ng mga malulupit na anghel to watch over your house. Please lang po. Baka pati naman yung mga anghel na pinadala ko diyan, awayin mo ah. Wag mo na rin silang utusan masyado, mababa lang ang TF na binigay ko sa kanila. Dalawang lalaki yun at isang babaeng anghel, kapag may ginawa silang milagro sa loob ng kwarto mo, sabihin mo saken, Ma. Tanggal kagad sa serbisyo yang mga anghel na yan.
Saka lagi akong to the rescue para sayo. Kaya kong takbuhin Pasay to Naic basta para lang sa seguridad mo diyan. Gusto mo tumambling pa ako eh. haha joke. Lapit na rin ako bumili ng tsikot. Makakabili din po ako niyan.
Sa ngayon, hindi pa talaga totally secured ang bahay mo. Kaya palagi kitang ipinagdarasal. Halos everyday naman. Natatakot ako kung sakaling may sumalakay na masamang tao diyan at baka maitumba mo sila. Yun ang inaalala ko pero tiwala ako sa mga anghel na denistino ko diyan. I’m very sure na protektado ka.
Ang gusto ko, safe ka diyan, kinausap ko na din si Bro, papalibutan ka niya ng kanyang hedge of protection. Nandiyan siya para depensahan ka, iligtas ka, koberan ka, alagaan ka, at tignan ka bente kwarto oras. Wag ka lang pong pasaway.
Walang mangyayaring masama sayo laban sa kahit na anong demonyo o demonic spirit diyan. Believe me.
Nung kailan nga lang binisita ako ni Satanas, dumaan saglit sa kwarto ko, kaumay daw kasi sa impyerno, puro demonyo nakikita niya daw dun.
Gusto niya naman daw makakausap ng matinong tao. Di naman ako nagtaray sa kanya. In-entertain ko naman ng maayos. Kaya kung may mangyari sayong masama diyan, titimbrehan ko si Taning.
Basta.
Just take care of yourself. Mag-isa ka nalang diyan. Sulitin mo ang ultimate “Me Time” mo.
Gusto ko ligtas ka palagi diyan. Sabihin mo saken kapag may kapitbahay kang sinisira ang buhay mo. Reresbakan natin yan, Mama. Dadalhin ko buong sindikato ng Pasay. Guguluhin din natin ang buhay nila. haha Mata sa mata. Eyebag sa eyebag.
Alam mo naman na lagi kong inaalala ang kaligtasan mo laban sa bagyo, sa mga manloloob ng bahay, anumang sakuna at ano pang masamang elemento. Ayokong may mangyaring masama sayo. Sabi ko naman sayo diba, sa oras ng bakbakan, ako muna ang mababaril ng kalaban bago ikaw. Kaya ingat ulit diyan sa bagong tahanan mo.
Wag mong kakalimutan kumaen sa tamang oras ah. Nami-miss ka na daw ng coach mo sa Anytime Fitness Gym. Malaki na daw nadagdag sa weight mo. Kaya konting dieta madam. hahaha Wag mong sirain ang figure mo, mama.
Gusto ko lang magdrama kahit konti. haha
Alam mo naman diba na higit pa kay ama at kay angeline ang pagmamahal ko sayo. Ikaw ang pinakamahusay na guro ko diba. Ang nagturo saken harapin ang buhay ng may sense of humor. Matalino ako dahil matalino ka. Ikaw ang naglapit sa akin sa Diyos upang mabago ang napakadumi kong budhi at mukha. haha Ikaw ang nagturo sa akin kung paano magmahal at mamuhay ng tama. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano maghandle ng isang relasyon. Sa mga mala-doctor love mong advice sa relasyon namen ni Angeline. hihi Hinahanap ko po yun.
Nais kong magsorry sa tuwing sinasabi ko na "Alam ko ginagawa ko, Mama”. Soweee na po. Masakit pala iyon. Mas lalo kong minamahal ang fes mo kapag wala ka saken. I am the only person who knows what your heart sounds like from the inside. Ako ang anak mo, alam ko yan. MAKINIG KA SAKEN bebe gurl. Ikaw ang inspirasyon ko dahil ginive up mo ang pangsarili mong kapakanan para sa mga anak mo at apo. Thank you for the very special role you play in our lives. Ikaw ang number one cheerleader ko. Lahat ng meron ako I owe to you. You’re my root, my foundation. I attribute all my achievements in life, I received from you. Kahit di mo na kame i-kiss basta nagampanan mo lahat ng responsibilidad mo. Para mo na rin akong niyakap at hinalikan nun. Talent mo na yan eh. In fact, I’m proud to have you as my mom.
Yun nga lang talaga.
Pinapatay ako ng kaluluwa ko kapag mag-kaaway tayo e. Kaya salamat nalang dahil naging maayos na ang lahat.
Sumpa man, mama. Babawi ako. Mas gagalingan ko pa. Papagandahin natin ang mansyon mo. Ang pinakaimportante saken NOW ay ang relaks ka diyan at okay ka diyan palagi. Sa mga oras na to, inspired ako at gigil ako dahil gusto na kita kagad tulungan diyan pero babalik po ako diyan,. At aayusin natin yan lahat.
Papagandahin natin ang harap ng resthouse mo. Dapat ang bahay mo ang may pinaka nagniningning ng walang humpay sa lakas ng ilaw na nakabitin sa entrada ng house mo. Gagawa tayo ng trademark na design para malaman ng buong kapitbahay mo na ikaw lang ang may design ng bahay na ganun. Gagawa ako ng design sayo, Ina Magenta! Harap palang ng bahay mo, donyang donya ka ng tignan. Lalabas ka ng terrace na parang magsasaboy ka ng maraming pera at may hawak na champagne pa. haha Ganern. Something like that.
Tutuparin ko yan mabili para sayo. Dapat pagpasok ng bahay mo may isang malaking chandelier ang nakasabit sa munting kubo mo, alam kong magugustuhan mo yan, gagawin natin yang medyo luma ang effect. Alam kong trip mo yung ganun. Maarti ka eeeh. haha
Ang living room mo, puting-puti. Napakalinis at mamahalin ang mga nakadisplay.
Hindi natin ipapa-tiles yan. Marble ang sahig ng buong bahay mo. Lahat ng sulok ganun, walang ititira.
Alam ko gusto mo pagdating sa setback ng house mo, neat at kumportable. Ay hindi pala, papagandahin ko nalang ang kitchen mo. Alam ko na gusto mong maaliwalas ang kilos mo kapag nagluluto ka at naglalaba ka. Ia-upgrade natin yan to the next level. Mamahaling pinggan, kubyertos, kutsara at lahat ng bagay sa kusina, mamahalin ang presyo. Iimbitahan natin ang lahat ng mga idol sa kusina. Di ka na pupunta sa Vikings para magmerienda at magsnacks. Diyan lang kumpleto na.
Magsisikap pa ako ng husto. Pangako yan.
Pwede ka na ring matulog sa comfort room na ipapagawa ko. Pwede nating tawaging luxury comfort room yun. haha Darating ang panahon na bibisitahin ni Korina at Kris Aquino ang bahay mo dahil nabalitaan nilang mayroon pa palang mas bonggang design ng house sa Cavite, hindi lang pala ang mga celebrities.
Sa tabi ng CR, lagyan na rin natin ng Sauna para mainitan ka naman minsan. Maging porkchop ka naman minsan. Saka dapat nasa limang tao ang capacity ng bath tub mo. Pwede na siguro yun.
Ia-alay ko lahat sayo ang pangarap ko. Wag ka ring bibitiw sakin at sa magulong mundo na to, mama.
Mga limang yaya ang ipapasok ko sa house mo, pwede na yan para di ka napapagod ng todo todo. At may dalawang driver na naka uniform. Di sila dance stripper ah. Iba yun.
Lahat yan, buong bahay mo nagyeyelo. I have a bright idea, dapat pala lahat ng sulok naka-aircon pati cage ng mga aso at pusa papalamigin natin.
Ikaw ang gabay ko sa tuwing nahihirapan ako. Itong ipinangako ko sayo, ang magda-drive sakin upang mas ihataw ko pa ang lahat.
Maglalagay na rin ako ng massage room sa bahay mo. Gusto ko kalmado ka lang any time. Tatrabahuhin natin yan. Uubusin ng mga massage therapist ang lahat ng lupa, graba, bato at kati kati sa katawan mo.
Promise. Mas babangisan ko pa.
Ito-tour ko lahat ng kaibigan ko sa crib mo balang araw. Ipapakita ko sa kanila ang walk-in closet mo ng mga bags and shoes na limited edition.
Bibili kita ng pinakamamahaling salamin. Manalamin ka na maghapon at buong gabi. Bahala ka na po. Kung hindi magbago ang reflection mo dun. Problema mo na yun.
Pati na rin ang kwarto at bedroom mo. Di na kailangan ng susi. Maghi-hire ako ng Home Automation Specialist. Gusto ko lahat ng kilos mo de-remote. Lahat ipad-controlled. Lahat de-pindot. Hindi ka na kikilos at tatayo pa. Yang bahay mo, nakaprogram lahat ng appliances mo. Ganun po. Magkakasabay gagana at tutunog ang music, bababa ang curtains, bubukas ang Tv at sisindi ang lights. Sa sobrang ganda ng music, alak nalang ang kulang sa ganda ng ambiance. Saka pala pati water closet automatic na rin. Alam ko gusto mo yan.
Nakakalurkey lang isipin pero cool.
Hindi pala dapat Tv, dapat pala home theater. I'm not exaggerating. Yan lang ang nakikita ko.
Moderno ang desenyo ng magiging architecture. Siguro para sa akin, ang lucky color ng house mo, tingin ko ay ang maganda ay green and white.
Pagsisikapan nating magkaroon yan ng 3 bedrooms and 1 master bedroom. Marami ang pamilya natin. Marami ring amigang bibisita sayo. Dapat paghandaan yan. Pati mga bruhilda sigurado darating kapag nag-invite ka.
Diba mahilig ka sa Bible quotes, tatadtarin naten ang lahat ng wall ng bible verses. Hindi maliit na text ang gagamitin natin diyan kundi painting lahat yan.
Tatalunin natin ang bahay ni Pacquiao at Joel Cruz. Sigurado yan.
Magiging proud ka sa success ko. Yan ang ipaglalaban ko.
Wait, parang may kulang pa, kulang pa ng beach, ay hindi swimming pool nalang. Magastos na masyado yun.
Kapag naabot ko na lahat. Sayo ang may pinaka magandang design ng hagdan. Susundin natin ang oro, plata, mata para medyo swerte sabi ng Feng shui expert. haha Poro moloki posok ng sworte. haha
Gagawa ako ng room or shop para sayo na dun ka magke-create ng mga inventions at DIY works mo. Yun ang warehouse mo. Mahilig kang magbutingting diba. At tatawagin kang The Amazing Eleanor.
At ang pinaka gusto ko yung garden mo. Kakaibang halaman ang papatubuin natin diyan. Lalagyan natin yan ng pinakamaningning na ilaw sa gabi. At sa umaga naman, nang maaliwalas kang makakapagbungkal ng lupa at magtanim ng kahit na anong halaman. Papagandahin natin ang landscape.
So ayern.
Hanggang dito nalang po muna. Marami pa akong gustong sabihin kaso dapat muna akong kumilos. haha
Marami pa akong ipagpapasalamat sayo, Ma, kulang pa to.
Hopefully, hindi pa to ang last at makagawa pa ako ng higit sa 50 blog post tungkol sayo, Mama.
No comments:
Post a Comment