Wednesday, December 10, 2014

PA-ORDER NG MABUTING MUNDO!

Paano kung ang mundo ay nababawasan na ang mga tarantadong tao. Paano kung ang mundo ngayon ay nababago na ng mabubuting tao. Paano kung ang mundo ay walang taong nagagalit. Paano kung ang tao ay nasanay ng hindi magalit. Paano kung ang mundo ay binubuo ng katapatan at walang halong kasinungalingan. At ang tao ay madaling kausap.

Scene 1:
Nabangga ng Truck driver ang isang Pedicab.
Pare1:  Hoy gago ka. Ilang taong ka ng nagmamaneho? Sinira mo ang pedicab ko.
Pare2: Pare, pasensya na, masama lang talaga ang mood ko. Wala talaga akong ganang magmaneho ngayon!
Pare1: Ah ganun ba,  Next time pare ingat nalang. Minsan talaga hindi natin maiiwasan ang sumama ang loob naten.

Scene 2:
Nangaliwa si Boyfriend kay Girlfriend.
Girl: Bakit mo ginawa saken yun? Wala namang akong pagkukulang sayo ah.
Boy: Pasensya na talaga. Nagkamali ako ng desisyon. Natukso ako.
Girl: Ganun ba, oo nga noh..nakakalungkot pala. Sige pinapatawad na kita.

Scene 3:
Hindi napasa ng estudyante ang Project sa Teacher
Student: Mam, sorry po. Tinatamad na kasi akong mag-aral. Parang walang nangyayare sa buhay ko. Magnanakaw nalang po ako.
Teacher: Sige ikaw, may choice ka naman sa buhay eh. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo.

Scene 4:
Magreresign na ang empleyado
Empleyado: Sir, ayoko na po, magreresign na ako. Ang baba ng sinasahod ko dito. Hindi ko gusto ang pamumuno mo dito. Hindi ka magaling para sa akin.
Boss: Sige okay lang. Basta lagi kang maging matapang sa buhay. Huwag kang susuko. Lumaban ka lagi.

Scene 5:
Natapon ng Bata ang tinda ng ale sa kanto
Bata: Ay Sorry po. Hindi ko po sinasadya.
Ale: Okay lang iho. Mangingisda ulit ako. Para may paninda ulit. Magtatanim ulit ako. Para may gulay ulit. Magsisikap pa ako para mabalik ang nahulog mong paninda ko.

At sana walang ng abusadong tao sa mundo.

4 comments:

  1. pede naman mangyari yan everyday if we just want to diba? those negative things around us naman helped us to become a better person then, if lahat mabait, if lahat ganon abah syempre world peace na yan hihihihi pero bago maabot ang mga yan, let's start sa sarili natin i guess. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po mam, oo nga nu, wala pa akong nasisimulang ganyan sa sarili ko. HAHA

      Delete
    2. lol mam talaga? hahaha anak ng pig! hahaha di nga, madami ka ng nasimulan sa sarili mo, hindi mo lang siguro nakikita masyado.

      Delete
    3. oo nga po! baka di ko lang po siguro naappreciate yung mga ginagawa ko :) hehe

      Delete