Monday, December 29, 2014

ISABAY SA ULAN ANG LUHA NG ISANG PAYASO

Kahit sabihin ko sa sarili kong hindi ako magpapa-apekto. Pero naaapektuhan pa rin ako. Nasasaktan ako.
Isang malaking kasinungalingan lang ang lovelife ko. May isang hindi magiging tapat. Mas isang tapat.
Hindi ko alam kay Kupido kung pwede ko na bang ipublish tong pagmamahal ko. Para lang kameng larong SuperMario eh.
May isang lilitaw. May isang mawawala. Yung mawawala ay siyang gagawa ng kasalanan. Buti nalang. Marami mang sadness, marami rin namang dahilan para magsaya.

Nasaktan ko man siya. Puso man at balat. Wala ng dahilan para magbalikan kame.

May nagsabi saken na kung sino ang nagcomplain. Siya ang mas papanigan ng tao. Tama siya. Pero kung may kasinungalingan akong sinabi. Maari mo akong tawaging Liar. Kung totoo naman, ang suspect naman dapat ang magexplain. Tama po ba tayo dun?

Maghahanap nalang ako ng tulad kong weird. Siguro Pag-ibig na yun na matatawag kapag parehas kameng weird.

At hihingi ako ng sorry sa mga taong nasaktan ko. Lalo na sa nanay ng dati kong girlfriend.
Tunay nga talagang walang permanente sa mundo. Kahit sino pwedeng mawala.

Marami rin akong nagawang kasalanan sa girlfriend ko noon. Sapat ba ito na gumawa ulit din siya ng isa pang pagkakamali para maging maayos kame?

Siguro kung huhusgahan ako ng Panginoon kapag nasa itaas na ako at tanungin niya ako. "Anong ginawa mo sa pag-ibig na binigay ko sayo?"
Pwede kong maisagot "Simula po nung highschool, marami po akong naging karelasyon, lahat po sila minahal ko".

Approved kaya yun. Tingin ko hindi.

Pwede ko pang baguhin at piliin ang direksyon na tatahakin ko. Hindi lahat mapupunta sa akin. Kaya kung ano meron ako papahalagahan ko lahat.
Marami pang mangyayare. Marami pang mabubuong magagandang istorya. Marami pa kong tatawanan sa mga nangyayare.
Mas tuturuan ko pa ang sarili ko magmahal. Isa lang naman yung nawala sa akin. Buo pa rin ako. Pati atay at balun balunan.
Sobra akong thankful sa lahat. Kasi wala naman nangyare saken masama. Nakakangiti pa rin ako.

Kahit anong pagsubok. Susubukan ko den. Ang tapang ko ang magsisilbing ingay ng kaluluwa ko.

Ngayon alam ko na ang buhay ay isang salamin. Kung ano ang iyong pagkatao. Ganoon din ang lalabas sa iyo.
Magpakita ka ng pagmamahal. Babanda din yan sayo. Kung hindi ko mahal ang sarili ko. Hindi rin ako mamahalin ng ibang tao.Depende sa pag interpret mo.

Ang isang maliit na lie ay malaking lie. Same lang yun.

Move on tayo!
Okay na ako kahit maliit na bato ang maiusog ko. Atlis may konting progress. Obligado akong sumubok ng sumubok.
Kailangan ko labanan tong panget na araw na ito para lumitaw naman ang magandang araw.
Napakalaki ng pangarap ko. Maliit na insidente lang yung naganap.

Di ko na maayos pa ang basag na bote. Tatanggapin ko nalang na wala na talaga siya.

Ito yung hinahanap kong pain. Pain na mas magpapakatatag pa sa akin.

Maaring nakalagay talaga sa libro ng buhay ko para may guidelines na ko sa susunod na pages. Kailangan ko ng ilipat sa susunod na pahina.

Saka naniniwala pa naman ako sa magic eh. Magiging magical pa rin ang buhay ko.



Friday, December 26, 2014

ANG AKING EBANGHELYO BAGO MAGPUTOKAN 2015

Happy at napapaWOW ako sa tuwing nagsusulat ako ng mga "Mabuting Balita ng Buhay slash medyo bida bida". Diba, para naman may mabuti akong nagawa kahit .5% man lang. Pero ang totoo niyan, pinilit ko parin kasing kumilos kahit mahirap ang kalagayan ko ngayon. Oo nga pramis. Di ko tinantanan ang mga hangarin ko sa buhay. Weh? haha Humakbang ako ng maikli kahit masaket. Kahit pa nagloloading pa yung pake nila saken. Ganyan po ako. Lahat ginawa ko eh (alam mo yun!) para lang maisakatuparan lahat ng gusto ko. Ang kagustuhan kong maging "Masaya Lang". Yun lang. At hanggat nandito ako kapiling si Mother Earth, ipupush ko ang sarili ko na may maiambag sa pag improve sa kanya lalo na sa category ng Happiness. Para naman kapag nilisan ko na to, masaya pa den. Huhuhu!

Pinipili ko nalang ang mga taong sinasabihan ko ng Career Path ko (Path ang term para medyo deep) kasi may mga tao talagang ahas na nagkukunwaring concern. Ang sarap kasi nilang pektusan minsan. Walang na ngang Path nilalaet pa ko. hahaha

Saka di talaga ako nakikinig noon kahit kanino eh kaya parang ngayon lang ako natututo. Pati nga "Terms & Conditions" di ko na binabasa eh. Pero ang mahalaga, naiaapply ko ang mga lessons ko diba, so masasabi ko na  naglalaro lang ako sa eskwelahan ng buhay ko. Medyo cliche na. Pero okay lang, blog ko naman to eh. haha

Napakaganda at napakabagsik ng taong 2014 para sa akin. Naalala ko pa nga, sinabi ko sa sarili ko. Puro katatawanan lang ang ipopost ko sa Facebook ngayong taon. Haha. At ayun na nga. natupad ang kalandian ko. Pero may kapiranggot na pain at emotional moments pa rin naman. Kagabi lang, habang nag-aahit ako ng bigote napatingin ako sa sinulat ko noon sa pader. Medyo bastos yun *insert careless whisper song* kaya di ko muna sasabihin senyo pero yun ang nagmotivate saken. Bastos ang nag udyok saken. Kaya naman dali dali akong kumuha  ng papel at bollpen para magsulat nitong ebanghelyo. Piniga ko talaga ang utak ko (kahit empty na) kung ano ba talaga ang nangyare saken ngayong taon at kung bakit ganito pa rin ang nahita ko. Sa mga natutunan ko. Mas general itong sasabihin ko ngayon. Humanda kayo Shet! Im so proud of myself.

1. Both God & Devil has a plan for me
Maayos naman ang relasyon ko sa Panginoon habang binabaybay ko itong mundo na ito. Sa tuwing may magandang plano sa akin ang Diyos. Kasunod nito ang magical na plano ng demonyo. Totoong napakaganda ng plano sa akin ng ating Diyos Ama. Laging may "Plan A hanggang Z" pa siyang balak saken. 
2. Law of Karma
Tapat kong sinasabing may pagkukulang ako sa relasyon namen ng girlfriend ko kaya nangyare sa akin ito. Wala naman, nahuli ko lang naman siyang wala sa bahay nila ng wala siyang sinasabing dahilan. Hindi sinasagot ang tawag ko. Isang bagay na kinainit ng ulo ko. Talagang buhay na buhay ang karma dahil sa tuwing hindi ko nasasagot ang mga tawag ni GF kasi bugbog ako sa trabaho. Ngayon nangyare naman saken. Kaya Ayun. Karma!
3. Walang Perfect Moment
Lagi akong naghihintay ng perfect moment. Hinihintay ko lagi na sana bumagsak ngayong araw ang Opportunity. Maaring laging nandito pa rin ako (same stage) kung di ako mag iinitiate na magmove forward. Ngayon ko lang naisip na hindi ako pwedeng umasa lang sa himala. Kilos kilos den. 
4. Ako ang Painter ng Buhay ko
Hawak ko ang paint brush at boysen paint na white para linisin ang maduming pader ng aking pagkatao. Pati bughi ko. Hindi ko papahawak sa iba ang brush ko. Minsan kasi sa sobrang takot ko, sangguni ako ng sangguni sa mga taong hindi naman naniniwala sa akin. Kaya ang resulta. Walang nangyayare. 
5. Wag iphotoshop ang feelings
Sa sobrang ayaw kong may matamaang iba sa sasabihin. Kinukubli ko nalang na parang napadaan lang. Walang sense.
6. Pwedeng maging Hero
Sarili ko lang ang pwede kong asahan kapag wala na akong kakampi.
7. Labanan ang takot.
Walang mangyayari kung magpopost lang ako sa FB about fear. Minsan naisip ko. Pagkakitaan tong takot na to eh. hahahahaha
8. Compare myself to myself
Lagi kasi akong natitisod sa tuwing nakatingin ako sa mga titulado kong friend. Keso di ako seaman,engineer or architect at licensed. Nada-down ko tuloy ang sarili ko. Ayoko na nung ganun.
9. Kalokohan lang ang New year's resolution
Pramis.
10. Me Vs Religion
Mas masarap pag-aralan ang sarili kesa sa rules ng mundo. Feeling ko kasi, isa akong malaking kalawakan. hahaha feeling ko lang yun!
11. Nanay ko ang Pinaka
Wala akong dapat pagsisihan kong iiwan kame ng nanay ko. Sobra sobra na lahat ng binigay niya samen. Hindi matutumbasan ng salapi ni Gokongwei ang ginawa niya samen. Pero ang hiling ko gabi gabi kay Papa God, gusto ko pang makasama si mama ng mahabang panahon. Ilayo niyo po siya sa anumang saket. Wag naman pong masayang ang pera namen sa pagpapa-hospital. Bagkus mailaan namen ang pera namen sa mga healthy foods at pag-eexercise.
12. Do one challenge at a time
Para naman di ako masyadong mapressure. Paisa isa lang
13. Pagsubok sa Pamilya 
Isang malaking opportunity at simula ang nangyare sa pamilya ko. Nabawasan kame ng isang miyembro, ganun pa man. Mas malakas kame ngayon. Mga warriors kame. Matira matibay. At kame ang matibay. Ang pamilya ko. 
14. Walang dahilan para sumuko
Wala rin akong dahilan para iexplain. Hahahaha


Naging maharot ako to the fullest ngayong taong 2014 kaya It's been a great year! Thanks for being a part of it.

Tuesday, December 16, 2014

BE CAREFUL WITH MY EYES

Hindi ko ibig sabihin na magtungo ka sa EO executive para magpatingin ng mata kapag malabo na.

Sa seryosong pag-obserba ko sa buhay. Kahit na sa pagmulat ng iyong mata. Hindi maiiwasan na may maglagay ng dumi sa mga mata mo. Ito yung parang mag-eentertain sa mga mata mo habang nilalakad mo tong magulong mundo na ito. Naniniwala akong ang mga mata naten ay hindi lang basta nilagay ng Diyos yan sa mukha para kindatan ang mga nagdaraaang babae sa kanto. Ang mata na ibinigay sa atin ay isang projector kung paano naten titignang maigi ang buhay na ginagalawan naten.
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang buhay ay refleksyon lang kung ano ang tingin mo sa iba at sa sarili mo. Maaring kung ano ang tingin mo sa iba ay ganun din ang tingin nila sayo.
Ngayon naniniwala na akong kapalit ng sobrang kaligayan ay sobrang kalungkutan. Minsan maari tayong palungkutin ng mga bagay na hindi naten nagawa ngunit binigyan tayo ng pagkakatao na gawin ito.
Hindi ako mayabang na tao. Ngunit kung ako ang tatanungin. Sa nilagay ko arrow sa mga dadaan ko. Masaya ako after 5 yrs neto. Masasabi ko sa sarili ko na hindi pa rin ako nagsayang ng oras at naghanap ako ng paraan.
Naging aral sa akin na lagi kong balikan lahat ng aral ng buhay ko. Magnais na iimprove at palaguin.
Ang mundo ay punongpuno ng pagsubok.
Madali lang mamatay pero mahirap mabuhay.
Iniisip ko nalang na kapg madilim ang buhay ko ngayon. Liliwanag din ito. Kung biyahe nga talaga ito ng buhay. Maaring dumaan lang ako sa overpass na parang kweba. Sino namang gago ang tatalon kung alam niyang pagtinuloy tuloy niya ito. Liliwanag din talaga.
Wala naman kasi itong pinagkaiba sa isda kapag naiipit sila sa isang bato o anomang nakaharang na materyal. Basta langoy lang sila ng langoy hanggat sa makaalis sila doon.

Kaya ngayon, sasayawan ko lang tong problema na ito.

Monday, December 15, 2014

SUGOD LANG, LABAN PA!

Gusto ko lang linawin ang lahat. Halos diba sa mga previous post ko. Puro pag-asa sa buhay at positibong pananaw na may kalokohan ang tinanim ko sa blog ko. Ngayon naman, gusto kong mas maintindihan ang lahat.
Sinabi ko sa sarili ko noon na hindi pa huli ang lahat basta gusto ko yung hagdaan na inaakyatan ko. Hindi pa huli ang lahat kahit na (work + career goal = pressure). Kahit na sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip ng paraan. Hindi maiiwasang magduda minsan at magtaka kung tama pa ba ang ginagawa ko sa bawat araw na lumilipas.
Sobra ako minsang nalulungkot sa tuwing tinatanong ko ang sarili ko "kung ano ba talaga ang saysay ko dito sa mundo?".
Kelan ko sisimulan ang mahabang biyahe ng buhay ko na masayang masaya ako sa trabaho ko.
Hindi naman ako binigo ng paniniwala ko sa sarili ko na walang daan sa kaligayahan kundi ang kaligayahan ang daan at susi sa mga minimithi ko.
Isang malaking kasalanan para sa akin na hindi ko nagawa ang mga dapat kong gawin nung may pagkakataon ako. Yung mga sobra kong oras na nilaan ko sa pag-iisip lang at hindi ako kumilos. Yung mga panahon ang inaatupag ko lang mga alis ko para sa pakikisama.
Inaamin kong nape-pressure ako. Naglaan ako ng standard para sa sarili ko pero wala pa akong nasisimulan.
Ayokong sabihin igagapang ko ito, may pakpak ako. Gagamitin ko ito. Nagkasugat lang eh
Babangon ulit ako. Babaguhin ko ang lahat. Napuhing lang ako ng makamundong kaligayahan. Nakalimutan ko na kung sino ako,

Wednesday, December 10, 2014

PA-ORDER NG MABUTING MUNDO!

Paano kung ang mundo ay nababawasan na ang mga tarantadong tao. Paano kung ang mundo ngayon ay nababago na ng mabubuting tao. Paano kung ang mundo ay walang taong nagagalit. Paano kung ang tao ay nasanay ng hindi magalit. Paano kung ang mundo ay binubuo ng katapatan at walang halong kasinungalingan. At ang tao ay madaling kausap.

Scene 1:
Nabangga ng Truck driver ang isang Pedicab.
Pare1:  Hoy gago ka. Ilang taong ka ng nagmamaneho? Sinira mo ang pedicab ko.
Pare2: Pare, pasensya na, masama lang talaga ang mood ko. Wala talaga akong ganang magmaneho ngayon!
Pare1: Ah ganun ba,  Next time pare ingat nalang. Minsan talaga hindi natin maiiwasan ang sumama ang loob naten.

Scene 2:
Nangaliwa si Boyfriend kay Girlfriend.
Girl: Bakit mo ginawa saken yun? Wala namang akong pagkukulang sayo ah.
Boy: Pasensya na talaga. Nagkamali ako ng desisyon. Natukso ako.
Girl: Ganun ba, oo nga noh..nakakalungkot pala. Sige pinapatawad na kita.

Scene 3:
Hindi napasa ng estudyante ang Project sa Teacher
Student: Mam, sorry po. Tinatamad na kasi akong mag-aral. Parang walang nangyayare sa buhay ko. Magnanakaw nalang po ako.
Teacher: Sige ikaw, may choice ka naman sa buhay eh. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo.

Scene 4:
Magreresign na ang empleyado
Empleyado: Sir, ayoko na po, magreresign na ako. Ang baba ng sinasahod ko dito. Hindi ko gusto ang pamumuno mo dito. Hindi ka magaling para sa akin.
Boss: Sige okay lang. Basta lagi kang maging matapang sa buhay. Huwag kang susuko. Lumaban ka lagi.

Scene 5:
Natapon ng Bata ang tinda ng ale sa kanto
Bata: Ay Sorry po. Hindi ko po sinasadya.
Ale: Okay lang iho. Mangingisda ulit ako. Para may paninda ulit. Magtatanim ulit ako. Para may gulay ulit. Magsisikap pa ako para mabalik ang nahulog mong paninda ko.

At sana walang ng abusadong tao sa mundo.