Gusto ko lang linawin ang lahat. Halos diba sa mga previous post ko. Puro pag-asa sa buhay at positibong pananaw na may kalokohan ang tinanim ko sa blog ko. Ngayon naman, gusto kong mas maintindihan ang lahat.
Sinabi ko sa sarili ko noon na hindi pa huli ang lahat basta gusto ko yung hagdaan na inaakyatan ko. Hindi pa huli ang lahat kahit na (work + career goal = pressure). Kahit na sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip ng paraan. Hindi maiiwasang magduda minsan at magtaka kung tama pa ba ang ginagawa ko sa bawat araw na lumilipas.
Sobra ako minsang nalulungkot sa tuwing tinatanong ko ang sarili ko "kung ano ba talaga ang saysay ko dito sa mundo?".
Kelan ko sisimulan ang mahabang biyahe ng buhay ko na masayang masaya ako sa trabaho ko.
Hindi naman ako binigo ng paniniwala ko sa sarili ko na walang daan sa kaligayahan kundi ang kaligayahan ang daan at susi sa mga minimithi ko.
Isang malaking kasalanan para sa akin na hindi ko nagawa ang mga dapat kong gawin nung may pagkakataon ako. Yung mga sobra kong oras na nilaan ko sa pag-iisip lang at hindi ako kumilos. Yung mga panahon ang inaatupag ko lang mga alis ko para sa pakikisama.
Inaamin kong nape-pressure ako. Naglaan ako ng standard para sa sarili ko pero wala pa akong nasisimulan.
Ayokong sabihin igagapang ko ito, may pakpak ako. Gagamitin ko ito. Nagkasugat lang eh
Babangon ulit ako. Babaguhin ko ang lahat. Napuhing lang ako ng makamundong kaligayahan. Nakalimutan ko na kung sino ako,
Ang 'deep' naman ng blogpost mong ito.
ReplyDeleteAyon sa nabasa kong 'quotes' (na hindi ko sure kung galing ba kay Paulo Coelho), "When in doubt, take the first small step" parang ganyan lol. Hindi ko matandaan eh hahaha.
Nakaka-relate ako sa ilang punto mo dito. Lalo na sa ideya ng procrastination :) Yung kung anu-ano ang ginagawa bago ang nararapat hehehe.
At least, nari-realize mo ang mga bagay na ito, good luck sa pagkamit ng best version ng sarili mo. Go!
H'wag kang hihinto na mapabuti ang iyong sarili (na payo ko rin para sa akin hahaha).
Sir maraming slamat po sa comment ah.. Sobrang naappreciate ko po yan..oo nga po eh..medyo duda ako ngayon may fear lang talaga ako..Salamat din kung tinablan ka ng punto ko :) atlis may sense diba :)
Delete