Happy at napapaWOW ako sa tuwing nagsusulat ako ng mga "Mabuting Balita ng Buhay slash medyo bida bida". Diba, para naman may mabuti akong nagawa kahit .5% man lang. Pero ang totoo niyan, pinilit ko parin kasing kumilos kahit mahirap ang kalagayan ko ngayon. Oo nga pramis. Di ko tinantanan ang mga hangarin ko sa buhay. Weh? haha Humakbang ako ng maikli kahit masaket. Kahit pa nagloloading pa yung pake nila saken. Ganyan po ako. Lahat ginawa ko eh (alam mo yun!) para lang maisakatuparan lahat ng gusto ko. Ang kagustuhan kong maging "Masaya Lang". Yun lang. At hanggat nandito ako kapiling si Mother Earth, ipupush ko ang sarili ko na may maiambag sa pag improve sa kanya lalo na sa category ng Happiness. Para naman kapag nilisan ko na to, masaya pa den. Huhuhu!
Pinipili ko nalang ang mga taong sinasabihan ko ng Career Path ko (Path ang term para medyo deep) kasi may mga tao talagang ahas na nagkukunwaring concern. Ang sarap kasi nilang pektusan minsan. Walang na ngang Path nilalaet pa ko. hahaha
Saka di talaga ako nakikinig noon kahit kanino eh kaya parang ngayon lang ako natututo. Pati nga "Terms & Conditions" di ko na binabasa eh. Pero ang mahalaga, naiaapply ko ang mga lessons ko diba, so masasabi ko na naglalaro lang ako sa eskwelahan ng buhay ko. Medyo cliche na. Pero okay lang, blog ko naman to eh. haha
Pinipili ko nalang ang mga taong sinasabihan ko ng Career Path ko (Path ang term para medyo deep) kasi may mga tao talagang ahas na nagkukunwaring concern. Ang sarap kasi nilang pektusan minsan. Walang na ngang Path nilalaet pa ko. hahaha
Saka di talaga ako nakikinig noon kahit kanino eh kaya parang ngayon lang ako natututo. Pati nga "Terms & Conditions" di ko na binabasa eh. Pero ang mahalaga, naiaapply ko ang mga lessons ko diba, so masasabi ko na naglalaro lang ako sa eskwelahan ng buhay ko. Medyo cliche na. Pero okay lang, blog ko naman to eh. haha
Napakaganda at napakabagsik ng taong 2014 para sa akin. Naalala ko pa nga, sinabi ko sa sarili ko. Puro katatawanan lang ang ipopost ko sa Facebook ngayong taon. Haha. At ayun na nga. natupad ang kalandian ko. Pero may kapiranggot na pain at emotional moments pa rin naman. Kagabi lang, habang nag-aahit ako ng bigote napatingin ako sa sinulat ko noon sa pader. Medyo bastos yun *insert careless whisper song* kaya di ko muna sasabihin senyo pero yun ang nagmotivate saken. Bastos ang nag udyok saken. Kaya naman dali dali akong kumuha ng papel at bollpen para magsulat nitong ebanghelyo. Piniga ko talaga ang utak ko (kahit empty na) kung ano ba talaga ang nangyare saken ngayong taon at kung bakit ganito pa rin ang nahita ko. Sa mga natutunan ko. Mas general itong sasabihin ko ngayon. Humanda kayo Shet! Im so proud of myself.
1. Both God & Devil has a plan for me
Maayos naman ang relasyon ko sa Panginoon habang binabaybay ko itong mundo na ito. Sa tuwing may magandang plano sa akin ang Diyos. Kasunod nito ang magical na plano ng demonyo. Totoong napakaganda ng plano sa akin ng ating Diyos Ama. Laging may "Plan A hanggang Z" pa siyang balak saken.
2. Law of Karma
Tapat kong sinasabing may pagkukulang ako sa relasyon namen ng girlfriend ko kaya nangyare sa akin ito. Wala naman, nahuli ko lang naman siyang wala sa bahay nila ng wala siyang sinasabing dahilan. Hindi sinasagot ang tawag ko. Isang bagay na kinainit ng ulo ko. Talagang buhay na buhay ang karma dahil sa tuwing hindi ko nasasagot ang mga tawag ni GF kasi bugbog ako sa trabaho. Ngayon nangyare naman saken. Kaya Ayun. Karma!
3. Walang Perfect Moment
Lagi akong naghihintay ng perfect moment. Hinihintay ko lagi na sana bumagsak ngayong araw ang Opportunity. Maaring laging nandito pa rin ako (same stage) kung di ako mag iinitiate na magmove forward. Ngayon ko lang naisip na hindi ako pwedeng umasa lang sa himala. Kilos kilos den.
4. Ako ang Painter ng Buhay ko
Hawak ko ang paint brush at boysen paint na white para linisin ang maduming pader ng aking pagkatao. Pati bughi ko. Hindi ko papahawak sa iba ang brush ko. Minsan kasi sa sobrang takot ko, sangguni ako ng sangguni sa mga taong hindi naman naniniwala sa akin. Kaya ang resulta. Walang nangyayare.
5. Wag iphotoshop ang feelings
Sa sobrang ayaw kong may matamaang iba sa sasabihin. Kinukubli ko nalang na parang napadaan lang. Walang sense.
6. Pwedeng maging Hero
Sarili ko lang ang pwede kong asahan kapag wala na akong kakampi.
7. Labanan ang takot.
Walang mangyayari kung magpopost lang ako sa FB about fear. Minsan naisip ko. Pagkakitaan tong takot na to eh. hahahahaha
8. Compare myself to myself
Lagi kasi akong natitisod sa tuwing nakatingin ako sa mga titulado kong friend. Keso di ako seaman,engineer or architect at licensed. Nada-down ko tuloy ang sarili ko. Ayoko na nung ganun.
9. Kalokohan lang ang New year's resolution
Pramis.
10. Me Vs Religion
Mas masarap pag-aralan ang sarili kesa sa rules ng mundo. Feeling ko kasi, isa akong malaking kalawakan. hahaha feeling ko lang yun!
11. Nanay ko ang Pinaka
Wala akong dapat pagsisihan kong iiwan kame ng nanay ko. Sobra sobra na lahat ng binigay niya samen. Hindi matutumbasan ng salapi ni Gokongwei ang ginawa niya samen. Pero ang hiling ko gabi gabi kay Papa God, gusto ko pang makasama si mama ng mahabang panahon. Ilayo niyo po siya sa anumang saket. Wag naman pong masayang ang pera namen sa pagpapa-hospital. Bagkus mailaan namen ang pera namen sa mga healthy foods at pag-eexercise.
12. Do one challenge at a time
Para naman di ako masyadong mapressure. Paisa isa lang
13. Pagsubok sa Pamilya
Isang malaking opportunity at simula ang nangyare sa pamilya ko. Nabawasan kame ng isang miyembro, ganun pa man. Mas malakas kame ngayon. Mga warriors kame. Matira matibay. At kame ang matibay. Ang pamilya ko.
14. Walang dahilan para sumuko
Wala rin akong dahilan para iexplain. Hahahaha
Naging maharot ako to the fullest ngayong taong 2014 kaya It's been a great year! Thanks for being a part of it.
No comments:
Post a Comment