Monday, December 29, 2014

ISABAY SA ULAN ANG LUHA NG ISANG PAYASO

Kahit sabihin ko sa sarili kong hindi ako magpapa-apekto. Pero naaapektuhan pa rin ako. Nasasaktan ako.
Isang malaking kasinungalingan lang ang lovelife ko. May isang hindi magiging tapat. Mas isang tapat.
Hindi ko alam kay Kupido kung pwede ko na bang ipublish tong pagmamahal ko. Para lang kameng larong SuperMario eh.
May isang lilitaw. May isang mawawala. Yung mawawala ay siyang gagawa ng kasalanan. Buti nalang. Marami mang sadness, marami rin namang dahilan para magsaya.

Nasaktan ko man siya. Puso man at balat. Wala ng dahilan para magbalikan kame.

May nagsabi saken na kung sino ang nagcomplain. Siya ang mas papanigan ng tao. Tama siya. Pero kung may kasinungalingan akong sinabi. Maari mo akong tawaging Liar. Kung totoo naman, ang suspect naman dapat ang magexplain. Tama po ba tayo dun?

Maghahanap nalang ako ng tulad kong weird. Siguro Pag-ibig na yun na matatawag kapag parehas kameng weird.

At hihingi ako ng sorry sa mga taong nasaktan ko. Lalo na sa nanay ng dati kong girlfriend.
Tunay nga talagang walang permanente sa mundo. Kahit sino pwedeng mawala.

Marami rin akong nagawang kasalanan sa girlfriend ko noon. Sapat ba ito na gumawa ulit din siya ng isa pang pagkakamali para maging maayos kame?

Siguro kung huhusgahan ako ng Panginoon kapag nasa itaas na ako at tanungin niya ako. "Anong ginawa mo sa pag-ibig na binigay ko sayo?"
Pwede kong maisagot "Simula po nung highschool, marami po akong naging karelasyon, lahat po sila minahal ko".

Approved kaya yun. Tingin ko hindi.

Pwede ko pang baguhin at piliin ang direksyon na tatahakin ko. Hindi lahat mapupunta sa akin. Kaya kung ano meron ako papahalagahan ko lahat.
Marami pang mangyayare. Marami pang mabubuong magagandang istorya. Marami pa kong tatawanan sa mga nangyayare.
Mas tuturuan ko pa ang sarili ko magmahal. Isa lang naman yung nawala sa akin. Buo pa rin ako. Pati atay at balun balunan.
Sobra akong thankful sa lahat. Kasi wala naman nangyare saken masama. Nakakangiti pa rin ako.

Kahit anong pagsubok. Susubukan ko den. Ang tapang ko ang magsisilbing ingay ng kaluluwa ko.

Ngayon alam ko na ang buhay ay isang salamin. Kung ano ang iyong pagkatao. Ganoon din ang lalabas sa iyo.
Magpakita ka ng pagmamahal. Babanda din yan sayo. Kung hindi ko mahal ang sarili ko. Hindi rin ako mamahalin ng ibang tao.Depende sa pag interpret mo.

Ang isang maliit na lie ay malaking lie. Same lang yun.

Move on tayo!
Okay na ako kahit maliit na bato ang maiusog ko. Atlis may konting progress. Obligado akong sumubok ng sumubok.
Kailangan ko labanan tong panget na araw na ito para lumitaw naman ang magandang araw.
Napakalaki ng pangarap ko. Maliit na insidente lang yung naganap.

Di ko na maayos pa ang basag na bote. Tatanggapin ko nalang na wala na talaga siya.

Ito yung hinahanap kong pain. Pain na mas magpapakatatag pa sa akin.

Maaring nakalagay talaga sa libro ng buhay ko para may guidelines na ko sa susunod na pages. Kailangan ko ng ilipat sa susunod na pahina.

Saka naniniwala pa naman ako sa magic eh. Magiging magical pa rin ang buhay ko.



3 comments:

  1. "Marami rin akong nagawang kasalanan sa girlfriend ko noon. Sapat ba ito na gumawa ulit din siya ng isa pang pagkakamali para maging maayos kame?" - minsan, naiisip lang natin to pag tayo na ang nasaktan pero pag tayo ang gumawa nito para makasakit sa iba, di naman natin sya nabibigyang pansin...

    At the end of the day, pasasalamatan mo ang lahat ng sakit at lungkot. They can only make you stronger. And as time heals all wounds, you will have no choice but to move on...

    Carpe diem!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po ng sobra2 Sis Star Gerona..Sobrang naappreciate ko..

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete