Tuesday, December 16, 2014

BE CAREFUL WITH MY EYES

Hindi ko ibig sabihin na magtungo ka sa EO executive para magpatingin ng mata kapag malabo na.

Sa seryosong pag-obserba ko sa buhay. Kahit na sa pagmulat ng iyong mata. Hindi maiiwasan na may maglagay ng dumi sa mga mata mo. Ito yung parang mag-eentertain sa mga mata mo habang nilalakad mo tong magulong mundo na ito. Naniniwala akong ang mga mata naten ay hindi lang basta nilagay ng Diyos yan sa mukha para kindatan ang mga nagdaraaang babae sa kanto. Ang mata na ibinigay sa atin ay isang projector kung paano naten titignang maigi ang buhay na ginagalawan naten.
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang buhay ay refleksyon lang kung ano ang tingin mo sa iba at sa sarili mo. Maaring kung ano ang tingin mo sa iba ay ganun din ang tingin nila sayo.
Ngayon naniniwala na akong kapalit ng sobrang kaligayan ay sobrang kalungkutan. Minsan maari tayong palungkutin ng mga bagay na hindi naten nagawa ngunit binigyan tayo ng pagkakatao na gawin ito.
Hindi ako mayabang na tao. Ngunit kung ako ang tatanungin. Sa nilagay ko arrow sa mga dadaan ko. Masaya ako after 5 yrs neto. Masasabi ko sa sarili ko na hindi pa rin ako nagsayang ng oras at naghanap ako ng paraan.
Naging aral sa akin na lagi kong balikan lahat ng aral ng buhay ko. Magnais na iimprove at palaguin.
Ang mundo ay punongpuno ng pagsubok.
Madali lang mamatay pero mahirap mabuhay.
Iniisip ko nalang na kapg madilim ang buhay ko ngayon. Liliwanag din ito. Kung biyahe nga talaga ito ng buhay. Maaring dumaan lang ako sa overpass na parang kweba. Sino namang gago ang tatalon kung alam niyang pagtinuloy tuloy niya ito. Liliwanag din talaga.
Wala naman kasi itong pinagkaiba sa isda kapag naiipit sila sa isang bato o anomang nakaharang na materyal. Basta langoy lang sila ng langoy hanggat sa makaalis sila doon.

Kaya ngayon, sasayawan ko lang tong problema na ito.

2 comments:

  1. Tama ka. At minsan yung mga mabibigat na pagsubok na akala natin ay galit sa atin ang Diyos ay mga pagsubok pala na makakapag immune sa atin sa mga future na pagsubok pa... at maganda rin ang attitude na positive kahit sa madilim na panahon.. nice post

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo sir, kapag kapag nagreply po kayo ng seryoso..mas naniniwala ako :) ang sarap sa feeling ng napapansin ako ng idol ko sa pagsusulat :) Thank u sir..God Bless u..more power..amor power :) ngak

      Delete