Sunday, June 28, 2015

OOOH I THINK THAT I FOUND MYSELF A CHEERLEADER

Imbitado ka sa Birthday Celebration ko. Just celebrate good times, come on!

Anyways-hi-waist. 41 Days pa naman bago ako magbirthday. Wala naman ‘tong pinagkaiba sa birthday ng pangkaraniwang tao. Walang arte. Ang araw na kung saan bawal akong magcomment ng negative, bawal akong magalit kasi birthday ko,feel na feel ko ang birthday ko kapag malakas ang tugtugan na bumabayo na ang bahay namen, masaya rin nung tumanda na ako, nauso na sa katawan ko ang alak. Ang araw ng birthday ko kung saan uso na ang notifications, hindi na uso ang regalo.
Nakatapat ang araw ng buhay ko sa gitna ng taon. Marahil ito ang markang pula para mapagtanto ang nangalahating achievement ngayon taon. Magnilay nilay na.


May pagkabaliw din ako ano?
Sumasagi ngayon sa aking isipan kung dapat bang magpakarelihiyoso ako sa Facebook para lamang magkaroon ako ng papuri sa tao. Or kung hindi naman, tadtarin ko sila ng makulit kong isipan sa pagpapatawa sa bawat status ko. Or kung hindi naman, magdonate ako sa charity ng natitira kong pera para may balik! Ewan ko lang sa arte kong to kung bibigyan ako ng award sa gawad urian 2015 para lang sa birthday ko.

Oops, Oops, Oops,

Mali yan. babalik pa rin ako kung ano ang una kong minimithi. Hindi ko po gagawin yan. Go for goals pa rin.
*Kumaen muna ako ng Cream-O*
Huminto muna ako saglit. At nagtanong sa sarili, saan na nga ba ako?

Hindi ganun kaengrande ako maghanda sa mga nagdaaang birthday ko. Simpleng salo-salo lang masaya na ako. Ikanga ng mga matatanda, maitawid lang ang kaarawan ko ay sapat na para magpasalamat sa buhay.

May isang bagay lang na tumapik ng kaisipan ko. Kung titignan ko ang mga kasama ko dito sa opisina, marahil ang mindset nila sa bawat araw ay ganito.

“Sana hindi pumasok si Boss ngayon”
“Naupload na kaya niya yung mga pics namen kagabi”
“Marami na namang gagawin ngayon, OT na naman asar”
“Sana makasabay ko si crush maya”
“Sana may sahod na”
Ilan lamang ito sa mga common na kataga ng mga empleyado ngayon. Katulad ko, hindi ko rin maiiwasan isipan ang ilan dyan dahil parte pa rin ako ng kumpanya. Ayoko lang naman na masira ang tatlong taon kong experiences sa pagiging Cad Operator.

Kaya naging topic ko itong every is my birthday ngayon dahil may something motivated na bumabalot rito sa artikulo ko.
Nasanay kasi tayo sa bawat araw, may nakakahon na task para sa araw lang na ito.


Ngunit, halimbawa kung gagawin ko na ifi-feel, ivisualize, pumikit at isipan sa araw na ito ay birthday ko. At bukas ganun din. Panibagong araw. Panibagong simula. Bagong pag-asa. Ito ang birthday ko na kung saan lahat ay magbubunyi dahil sa akin. Ngunit para naman sa akin, bilang ganti, ipaparamdam ko din na dapat akong umastang birthday ko talaga ngayon kahit punong puno ng gawain sa trabaho at mga problema. Ano mang negative energy ang sumalubong, birthday ko pa din.
Ang saya diba. Nabago ang lumang mentalidad ng positibong pag-iisip. Pak ng Pak!
Wala naman ‘tong pinagkaiba sa mga nababasa natin sa internet na “everyday is a new beginning, Everyday is a second chance, Everyday is a blessings, and Everyday is a new opportunity. “

Tumpak. Check ng pulang bullpen.

Ang hina-highlight ko lang ngayon, Ang bawat araw ay may kalakip na bagong cake, bagong greetings at bagong saya umulan man at umaraw. Bumagyo man o lumindol. Ito ang birthday nateng may bagong gift na ibibigay sa atin galing sa heaven 24/7. Nasa sa atin kung paano natin gagamitin. Kalimutan na ang  age. At ang oras na tumatakbo. Kung ano ang gusto natin, ituloy natin. Ito ang araw na tyansa ko ng ifulfill ang misyon ko dito sa mundo. Hindi ang trabaho ko. Pakinggan ang ating calling. Oh syempre call eh.

Kalimutan na ang mga EX, malungkot na kahapon, negative feelings, mga kaaway na nosi balasi, sino sino ba sila, mga nagsinungaling sa atin, mga hindi naglike at comment, mga kabet na nagwasak ng tahanan,oh tukso layuan mo ako, at mga taong walang pakundangan manlait. Hindi nila araw to, araw ko to. Bukas at magpakailanman. Mel Changko!



So, wala na akong pake kung 41 days pa ang birthday ko. Basta ngayong araw na ito. Hanggang matapos ‘tong taon na to. Araw-araw ay birthday ko. Simpleng pag-kaen. Simpleng kasiyahan. Simpleng pamumuhay. Ngunit may tone-toneladang ngiti at tawa na pagsasaluhan kung sino man ang makasalamuha ko.
Kung birthday natin ngayon, may something na magandang mangyayari. Bili now job lang ng bili now job ang cake ah. WHAAAT?
Today it's totally different. Magtiwala lang ako sa soul kong makakamit ko ang goal ko.

I-enjoy ang buhay.
Try again pa.

Isipin natin kung gaano kasaya ang Panginoon ngayon na iniisip nating birthday natin ngayon.

Malamang napapaNaeNae na Siya ngayon. Napapabreakdance ang mga Anghel sa langit at napapaheadbang ang mga santo.


Huwag mo ng isipin ang mga demonyo, may balak lang sila sayo pero undefeated ka pa rin hanggang huli.
Kung ano man ang masakit na nangyari kahapon ay tapos na yun.
Kaya ano mang hadlang sa buhay. Magcelebrate pa rin tayo. Samahan niyo ko. Birthday natin ‘to.


4 comments:

  1. kung araw-aaw birthday mo, ilang taon kana nyan? Lol. Advance Happy Birthday Sir Ben!

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Imbento lang nman ang numero sa birthday eh. hahaha Nyak! Salamat. imbitado ka..(pumatol)

    ReplyDelete