Thursday, August 20, 2015

KONTING TIIS NALANG. AALIS NA ANG JEEP



Isang umaga ng Sabado ganap na alas nwebe ng umaga. Mayroon akong binabalak na dapat tapusin kaya nagbigay kagad ako ng mensahe sa amo ko na nakasaad na liliban muna ako ngayon. (Nais kong mafeel ang peace of mind in a while). Sa aking pupuntahan, tila parang napakalabo ng mga eksena. Bakit kamo?

Walang laman ng kayamanan ang pitaka ko. Kaya umalis ako ng bahay ng walang kadala-dalang pera at masakit ang sikmura. Kahit kumakalam ang tiyan ko. Pumunta pa rin ako ng atm machine ngunit sa mapait na resulta ay unavailable ang serbisyo nila. Gusto ko sanang gamitin ang midas touch ko. Gusto ko sanang gawing ginto ang machine kaso baka iba rin lang ang makinabang dahil di ko mabubuhat.

Bweno! ang tanging laman lang ng wallet ko ay tumataginting na 12pesos. (May trabaho ba talaga ako o wala? Oh sadya lang na minaliit ko ang dose pesos at hindi ko to vinalue as a money) Naghanap ako ng ibang atm machine gaya ng bdo at ucpb ngunit bigla namang bumuhos ang malakas na ulan sa paglalakad ko. Hindi kaya signus ito na may paparating na malaking pagsubok or di kaya blessing na to sa itaas? Haha Ngunit ayokong isipin ang ganung bagay, dapat sigurong maghanda at mas maging maingat ako sa mga ikikilos ko.

(Ang oa ko noh)

Umulan lang at wala akong pera kung ano-ano na ang naiisip ko. So, maghihintay muli ako ng ilang minuto para tumila ang ulan. At nung tumila na.  Sabay naman ang text sa akin ng magulang ko na nabasa daw ng ulan ang mga sinampay ko. Ano pa ba ang magagawa ko, basa na eh. Alangan naman paypayan ko yun para matuyo. Huli na ang lahat. Hindi ko na siya mababalik pang muli. Yan ang trip ng tadhana eh. Pagbigyan.

Paano ko ihahandle ang insulto ng tadhana? Gaya ng dati, hingang malalim at ngiti ng konti. At pabebe wave sa salamin ng 7-11.

Naglakas loob na ako. Dapat ko ng tawirin ang masukal na daan na to. At baka maabutan uli ako ng ulan. Tinakbo ko na ng may dangal ang road papuntang jeep. And I was like “Run Forest, Go Forest, Run Forest.” At sabay pasok sa jip with matching pabaril baril sa labas parang si Jason statham. Joke
Nasa lima palang kameng nakaupo na pasahero. Kaharap ko si cyclops. Namumula ang kanyang mga mata. Kung titignan mo siyang mabuti. Hindi naman siya nasa influence ng drugs.(mapanghusga lang talaga ako)  Sadya lang nireregla ang kanyang mga mata dahil sa sore eyes. Kitang kita ko sa mga mata niya ang bagyo. Mata ng bagyo. Pumasok na sa area of responsibility. At mayroong naman isang pahopiang drayber na pabwelo ng bwelo ng kotse na kala mo ay aalis na ngunit hindi pa pala. (Kala mo naman maniniwala kaming aalis ka na. Pautot mo lang yun para ikaw ang sakyan ng mga pasahero eh.) At meron din isang sigaw ng sigaw na payat na lalaki, na kala ko’y may tuberculosis at sinasabing “Konting tiis nalang, aalis na to”. Naitanong ko sa sarili ko “Gaano ka-konti ang sinasabi mong “konting tiis”. Kasing liit ng hinliliit ko. Kasing liit ng butones. Lasing liit ng butas ng skyflakes. Pinsan ba ni konting tiis si konting ingat at konting tiwala lang. Siguro naiinip lang talaga ako . Nakakarelate lang siguro ako dahil parang ang buhay ko ngayon ay hindi pa nabyahe na jeep. Sobrang init. Kailangan pang mapuno bago kumilos. Laging nagtatawag ng pasahero parang laging naghahanap ng tulong at atensyon.

Naisipan ko nalang magsulat sa maaliwalas na umaga na yun. Bihira lang akong magsulat sa phone ko. Minsan kasi parang tuloy tuloy ang pasok ng ideya kapag mismong handwriting ko ang ginagamit. Isang bolpen at maliit na papel na parang tickler. Pero tickler talaga siya. Ineechos ko lang kayo.

Sa bawat sulat ko.

Kung ano ang unang pumasok sa isip ko na magkakatugma, yun na yun. No erase.
Marami akong napuna kapag wala akong maisip.

Kapag wala akong maisip. Kapag wala akong maisulat. Ipipikit ko nalang ang aking mga mata. Ihahanap ko muna ang mga paa ko ng magandang pwesto.  Ipoporma ng maganda ang aking likuran.Ang hirap alalahanin ng unang picture na nakikita ko sa imahinasyon ko dahil sa amoy ng katabi ko pero ang alam ko lang dapat akong mag isip ng makabuluhan at masaya. So, focus dapat.

(Kahit nilibot ko na ang lugar na to noon, parang di pa rin ako nakukumpleto.)

At sa biglang pagfflashback ang mga nakakastress na pangyayari ng buhay ko. Wala naman ako sa trabaho pero yun pa rin ang dumadaan sa isipan ko.
Dumaan ang jeep sa mabahong lugar ng Pasay. San ka ba naman makakakita ng pati kalye iniihian?

(Muli kong idinilat ang aking mga mata. Baka sakaling mayroon paghuhugutan sa paligid ngunit wala pa rin. Isa pa rin itong mabagal na biyahe na buhay ko. )

Nakakapagod isipin ang mga nakakapagod na bagay. Sobra!
Ngunit masarap pa rin talagang pumikit. Ang sarap i-mix ang ingay sa labas at ingay ng katahimikan sa isip ko.

Siguro nga nasanay akong kapag magulo na ang lahat na parang walang patutunguhan. Kailangan ko talagang magpahinga kahit ilang Segundo lang.

Kapag wala akong maisip. Ang bagal ng oras. Kapag naman ang dami kong naiisip. Kulang ang oras ko kung tutuusin. Tanging hiling ko talaga. Konting oras pa para sa sarili ko at para sa kinabukasan ko. Ang buhay nga naman. Laging opposite. Laging may challenge.

(Huminto ang sasakyan dahil maraming nakaharang na jeep sa aming harapan.)

Habang tumatagal ang aking pagpikit. Napapahimbing ang pag iisip ko. Hindi ko feel na para akong genius sa ginagawa ko. Dahil kailan man hindi ko tinanggap na ganun ako. Ayoko rin tawaging ex-genius. Walang ex. Sa paggawa ng muta ng mga mata ko. Ang saya ng  feeling ng tuloy tuloy ang beat ng puso ko at ng kwento  sa isipan ko.

Ang daming tumatakbong konsepto. Ang dami kong naiisip na ideya. Ang dami  kong gustong gawin pero hindi ko naman maisulat paisa-isa.

(Pumasok naman ang isang batang nagbibigay ng sobre at kakanta. Dahil nakapwesto siya sa harapan ko. Ang sobre niya na mismo ang ginamit kong sulatan kaso sobrang dumi rin ng papel.) Useless.
Sa totoo lang, umay na umay na ako sa ganitong sistema. I mean, sa sistema ng pamumuhay ko kapag iniisip ko pa. Nagtataka na rin ako sa sarili ko. San ba papunta ang lahat ng to?

Naguguluhan ako. Nawawala sa konsentrasyon ang pag-idlip ko.  Saan ba ako magfo focus. Sa pag tulog nalang o sa pag-iisip.

Sa malungkot na pamumuhay ko na gumugulo sa puso’t isipan ko. Parang ayoko ng ituloy.
Muka rin akong tanga dahil didilat lang ako para magsulat. Dilat sulat. Dilat sulat.

(Hindi maiiwasang gumising para iabot ang bayad ng ibang tao. Ganyan talaga ang buhay. May gagamiting ibang tao para makapunta tayo sa paroroonan)

Pinipigilan ko nalang ang akin luha. Ang pangit kayang umiyak ng walang karamay.
Naalala ko sa tuwing may problema ako. Ngumingiti ako ng matagal.
Minsan parang gusto kong sumali sa piyesta ng mga dahon. Parang gusto kong magpaypay sa ihawan na may dahon. Bentahan niyo ako!

Bakit ko ng ba ginagawa to? Sumusulat ako para malaman ko kung sino ako.
Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit napakalupit ng mundo na to.

(Napansin ko na ang mga kasama ko sa jip ay tulog na halos)

Sana mayroon akong mahabang etits para makipagsex ako sa mundo na to.
Mahina ako magvisualize ng bagay. Pero kapag sa tabi ko may image akong nakikita mas madali kong naeenvision ang mga ito sa pagpikit ko.

Kailan kaya gaganda ang balasa ng baraha. Hindi pa rin ako nakakadali.
Marami ring nasasayang na datus sa utak ko. Sa mapanlinlang na kapaligiran.
Minsan pa bigla ko naman nakalimutan yung naiisip kong nakakatawa nung nasa bahay ako.
Minsan kahit na may nakaappreciate ng ginawa ko parang sa sarili ko. Sana kinausap ko nalang siya ng personal. Hindi ko nalang isinulat.

Siguro bahala na talaga. Ang bahala na talaga ay kahalintulad ng bathala nalang ang bahala. Ang mahalaga ngayon. Naisusulat ko ang gusto ko. Naipapadama ko ang gusto ko. San man ako dalhin ng alon. Alam kong buhay pa rin ako kahit anong wave pa yan. 

San man papunta? 
Konting tiis pa. Aandar na.

Sunday, August 16, 2015

A CONVERSATION WITH SATANAS (BIYAHENG BACLARAN HANGGANG ROOSEVELT)

“Hoy Benito, tignan mo sila. Uy Tignan mo sila sa labas. May iilan lang jan ang kaya akong harapin. Lahat yan ay takot sa akin. Sinunog ko na ang isipan ng mga yan eh. Nasa kamay ko na sila kahit nagsisimba pa yang mga yan. Naniwala sila sa sinabi ko, ben, kaya akin na sila. Hahaha Masaya naman talaga sila sa tabi ko eh. Ang sabi ko nga sa kanila. Kapag bumalik pa kayo sa kabila. Lalo lang kayong parurusahan. May awtoridad akong saktan kayo. Mas alam ko ang pasikot sikot sa mundong to. Ang kinikilala nilang Diyos ay prinsipe ng mundong to. Ako, kaya kong paapuyin ang isang bayan kung gugustuhin ko. Paisa-isa nga lang ako kung kumilos. Hindi ako galit sa masama. Dahil gusto ko ng masama. Hahaha Galit ako sa mga impokritong tao na babalik sa katotohanan. Kapag akin ka, akin ka lang. Tawagin mo akong sinungaling, tagawin mo akong pinakamasama. Yan ang role ko dito sa mundo. Kaya wala akong awang guguluhin ka. Hahaha“
“Anak ng Jueteng naman oh. Hindi pa ako naghihilamos. Talak ka ng talak sa tenga ko. Demonyo ka talaga. (Habang nakaupo ako sa kama na half pa lang ng eye ko ang inoopen ko). At sinabi ko, eh ano naman kung sayo lahat ng tao. May umaangkin ba? (Sabay dila sa kanya) hindi lang ako naka-panalangin kagabi ang bilis mo kagad bumisita sa akin. Pucha naman, hindi ko misyon sa ngayon na pakialamanan ang trabaho mo dito sa mundo. Hudas ka. Umalis ka. (pinapaalis ko siya na parang nagpapaalis ako ng pusa sa tabi ko) Pupunta pa akong baclaran at bibili ako ng gamit dito sa bahay. Wag ako iba nalang ha. “
Naligo na ako. Nagbihis. Tinignan ang Facebook. Naglinis ng bahay at lumayas na ko sa bahay.

Baclaran - Pasay City
“Sa bawat isa, mayroon tayong mabuti at masamang ugali. Napakahirap pumili sa dalawa pero kung wala ang mabuti, wala ring masama.”
Ang tagal kong sinuyod ang maputik na daan sa Baclaran. 10:35am na. Potek! Wala naman akong mahanap na gusto ko dito sa baclaran. Wala talaga dito ang  pakay ko. Paano ba naman, ang mga branded na damit pinapalitan pa ng spelling, ang dickies naging dickicks. Lapastangan talaga eh. Hahaha nakakagago din eh noh. Ginugutom lang ako ng mga nakikita ko sa daan na street foods. Di pa naman ako nakakapag almusal. Siguro, mas marami pa akong mabibili kong sa divisoria nalang ako. Siguro dun na nga lang talaga ako. Kung magji-jeep naman ako. Putaragis. Anong oras pa ako makakadating. Kung mag-LRT naman ako. Hindi kaya masira na naman yang tren na yan. Eh wala naman din akong choice kundi ito lang talaga ang pinakamabilis.
Hindi mo ako naiintindihan, ikaw lang naman diba ang nakakaintindi sa akin. Pakinggan mo ako. May sasabihin lang ako sayo.
Grrr Lagi nalang ba tayong ganito? sunod sunuran na naman ako sayo? Sabi ng sarili ko huwag nalang daw kitang pansinin. Ayoko ng maulit pa ang noong pagpapangako mo sa akin ng walang hanggang kasiyahan. Forever Masaya? Walang Ups & down kundi ups lang? Oh  hindi kaya High na high sa droga ang ibig mong sabihin? Sinabi mo sa akin noon na mas sasaya ako sayo kapag ibinigay ko ang kaluluwa ko sayo. Sabi mo pa sakin noon pamamasaakin ang material na bagay kapag sumunod ako sayo. Nakangiti ka sa akin sa tuwing mayroon kang maitim na balak. (Ipinikit ko ng sandali ang aking mga mata at kinausap ang tunay na Diyos at nasagi muli ako sayo satanas.) Noong naibigay ko ang gusto mo, may maganda bang naidulot? Wala naman diba. Mas lalo mo lang ginugulo ang pamumuhay ko. Tama na. (Napahawak nalang ako sa aking noo, dahil pagod na sa kakaisip sa ganitong bagay, paulit ulit).
Lahat naman ng binibigay ko sayo may kapalit talaga. Ibigay mo sa akin ang atensyon mo at sundin mo lang ako. Magkakasundo tayo. Wala kang magiging problema sa akin. Mahirap ba yun? Tignan mo sila. Masaya sila, ikaw namomroblema jan sa trabaho mo. Isipin mo nga yun, benito.

EDSA – Pasay City
“Mas pipiliin ko pa ang magnasa sa isang tao kaysa maging inosente.”
 (Napangise ng may halong tawa) Nakakatawa ka eh noh. Ang tagal ko ng naging alipin mo. Balik ka ng balik sakin. Mas makulit ka pa sa sales lady sa SM. Alam ko demonyo ka. Wala kang puso. Baka lumagpas na naman ako sa pupuntahan ko. Gusto ko ng katahimikan. Okay? (Tinignan ko ang labas at hindi pa pala nakakaalis ang tren).
Okay sige. Kung yan ang gusto mo. Pagbibigyan kita. Tignan mo ang phone mo. Tignan mo kung gaano ka kalaswa. Marami ng nabuntis at nagkaanak. Ikaw nalang hindi. Hindi kaya baog ka? Kung gagawa ka ng kalokohan, huwag ka ng magmalinis pa. takot ka naman palang makabuntis eh. Wala ka boy.
(Ibinagsak ko ang aking ulo dahil tamad ng umapela pa sa mga tanong niya pero napilitan pa rin ako kahit sa isip lang naman to.)
Ayoko na nga talagang gawin yung mga yun  pero lagi mo akong tinutulak palayo sa kabutihan. Dinudumihan mo ng pagtatalik ang isipan ko at ginigising mo ang mga laman loob ko sa katawan. Oo. Nasa murang edad na ako. Alam ko na ang tama’t mali. Pero hindi maiwasang may sumagi sa isipan kong kababuyan eh. Masaya akong nakikipaglaro ng laman loob. Inalay ni kaligtasan ang dugo niya sa akin ngunit nagawa mo pa ring turukan ang dugo ko ng kasalanan. (may isang babae sa harapan ko ng ubod ng ganda, pinipigilan kong huwag matukso o maakit sa kanya kaya pumikit na lamang ako).
Oops. Sino ang tinitignan mo? Hahaha Diba nga sabi ko sayo. Sa akin na ang buhay mo. Ikaw kasi eh. May paalis alis ka pa. Yan tuloy kumilos lahat ng alagad ko para lamang bumalik ka sa akin. Wag ka ng bumalik pa sa kabila. Sa akin ka nalang. Mas masaya dito. Oh Oh Oh, Naiinis ka sa mga sinasabi ko? bakit ang init na naman ng ulo mo? Nag-uusap lang naman tayo. Isip sa isip. Matalino ka Ben. Huwag kang magalit sa akin.

Libertad – Pasay City
“Ano mang galit ay natatapos sa hiya.”
Easy! Ang init na naman ng ulo niyan!
Tang ina mo rin eh. Tang mo kasi. (Tinakpan ko ang aking bibig sa pagmunura dahil maraming tao sa paligid)
Hahahaha Ayan na galit na siya.
Hindi ko mapiligilan ang galit sayo. Sa tuwing nagagalit ako. Ikaw talaga ang dapat kong sisihin. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Nagtaka na lamang ako kung bakit mabilis ng uminit ang sintido ko. Naluluha nalang ako sa tuwing nakakapanakit ako ng damdamin ng ibang tao. (Pinaglapat ko ang dalawa kong kamay na parang nagdarasal at yumuko na lamang.) Okay sige, hindi na ako galit. Usapan lang naman to diba. Okay sige. Pwede ba akong magtanong,(ako naman ang may demonyong ngiti, pero naisip ko, magugulangan ko kaya to?) Paano mo nagagawa ang lahat ng ito. I mean, gaano kalakas ang iyong kapangyarihan.
Kung kapangyarihan lang din naman ang pag uusapan. Hindi mapagkakailang pantay pantay kami ng bigat ng kapangyarihan. Ginagawa ko lang talaga ang tungkulin ko dito sa mundo. Simple lang ako. May damdamin din ako. Minsan nga, nagseselos ako. Inaamin ko.

Gil Puyat - Pasay City
“Kung ang buwan nga sa kalangitan nagsaselos pa sa mga bituin at ang mga bituin ay nagseselos sa lupa.”
Ay wow. Grabehan ka nga kung magselos. Feel na feel mong makipag usap sa akin. Closed ba tayo? (pinandidilatan ko ng mata siya na nakataas ang isang kilay)
Close kaya tayo. Nakuha ko na nga atensyon mo eh. Nakipag usap ka pa sa akin ngayon. Magaling kang bata e. Mayroon kang kakayahan na kaya mong mapuna kaysa sa iba. Kahit hindi na ako magpapansin sayo. Napapansin mo ako talaga. Marami pa akong ipapakita sa iyo dito sa mundo. Mas mae-experience mo ng maganda. Tara.!
Ooops teka. Mabalik ko lang ang kanina. Mukhang nakuha mo na ako ah. Bigla kong naalala ang mga kinaiinggitan ko. Ipinagpasalamat ko lahat ng meron ako. Natutuwa ako sa mga natatamo ko sa buhay. Yan ang natutunan ko sa mundong tama. (May kaunting yabang na ako ngayon para sa kanya lang, kay demon) Ngunit hindi pa rin mawala na tignan ko kung ano ang wala ako sa iba. Lagi mas napapansin kung ano ang kulang sa akin. Malamang ikaw na naman ang naglagay ng negatibong bagay sa kokote ko. Waaaaaait. Stop muna. Tigil na naten to. Napapasarap ang usapan eh. (Tumayo muna ako sa kinauupuan ko at tumingin sa kaliwa at kanan kung nasan na naba ang tren.) Gutom na ako. Hindi pa ako nakakapagwithdraw ng atm. Wala akong pera. Samakatuwid demonyo ka, nandahil sayo. Baka lumagpas ako sa kakausap mo sa akin. Oh para matapos na, pipiliin ko nalang magkamali para sayo. Diba dyan ka naman masaya, sa tuwing nadadapa ako. Tinatawanan mo ako. Tapos sasabihin mo na ikaw ang kakampi ko. Uluk ka boy. Mag offline ka na sa buhay ko. Maya maya bababa na ako ng tren. (Mas nagyabang ako, sinabi ko yun ng taas ang noo at dibdib. Kasi saw akas matatapos na kame ng pag uusap)

Vito Cruz - Malate, Manila
“Ang pera inilalagay sa ulo hindi isinasapuso.”
Nabanggit mo kanina ang tungkol sa pera. Alam mo naman na kapag minahal mo ang pera ko. Mas lalo kang yayaman. Kapag lalo kang nagpasakop sa ari-arian ko. Sayo tong mundo na to. Wala ka bang nahahalata. Lahat ibinibigay ko na sayo. Ayaw mo pa rin. Panalo ka na oh. Isinusubo ko na sayo lahat ng offer. Tanggapin mo na. Walang mawawala sayo. Halika rito. Gawin mo ang iniuutos ko. (nakaseryosong tingin ang demonyo)
Putang inang buhay naman to. (Napailing) Kala ko tapos na tayo. (mainit na talaga ang ulo ko) At yang pera na yan ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang bansa na to eh. Alam mo kung ako nabigyan ng pagkakataon na ipaalam sa kanila ang tunay na kahulugan ng salapi. Hindi sana sila ganyan. Marami ng nakitil ang buhay ng dahil sa pera na yan. Hindi nila alam na ang pera ang test para malaman ang tunay na motibo nila sa buhay na to. (Parang gusto kong manapak sa galit, sa totoo lang pero di ko magawa)
Tumpak! Nadali mo, batang bata. Sabi ko sayo magaling ka eh. Matalino ka. Bakit hindi ka maging partner ko?
(Nginaratan ko ng dalawang daliri magkabila siya) Naisip ko. Ang akala ko pa noon kapag may pera ako. Safe na ako sa buhay. Wala na akong problema. Kapag may pera lahat may solusyon dahil may pera. Ang gulo ng mundoooo. Kailan ba matitigil lahat ng ito. (Pasigaw paitaas)
Yan isa pa yan, paano kung hindi naman matitigil tong mundong to? Nag-iilusyon lang kayo na darating ang pagkagunaw. Saan kayo mas papanig. Sa bagay na hindi niyo nakikita o sa nakikita niyo. Ang dami ko ng nagawa dito sa mundo to. Hindi pa ba patunay yan na makapangyarihan ako. Marami na akong pinasikat na tao. Ang mga minodel ko na dapat gayahin niyo magpakasaya kayo sa kasalanan. (Nakataas ang kamay sa pagmamayabang, tumulis ang sungay)

Quirino - Malate, Manila
“Kung lumalakad ka dahil sa pagsikat. Asahan mong hindi ka na sisikatan ng araw.”
So ano ngayon, hindi ko naman hangad sumikat eh. Hindi pa ako bali. Aguy!
Bakit patuloy ka pa rin sa pangunulit sa social media. Bakit ka may blog?
Ganun na ba yun? Porke may account sa social media. Pasikat na. Wag mo kong tarantaduhin. Alam ko sa sarili ko na ginagawa ko to dahil may saysay ang buhay ko. Kaya hindi ako papagiba sayo. Hindi ako tanga. Buwakanang ina mo (Malumanay na pagsasalita dahil ayoko na talagang makipag usap)
Pero deep inside sinasabi mo na “sana mapansin ako ng maraming tao”?
OO, nasabi ko yun, pero hindi nangangahulugan na gusto ko ng fame. Ew. Kaya nga sawang sawa na akong habulin ang kagustuhan ng maraming tao eh. Gusto ko naman makatulong sa maraming tao. Yan ang purpose ko. To give away my purpose. Nais ko naman maging totoo. Wala ng edit. Wala ng kasinungalingan pa. Pinaniwala mo kasi akong mas maganda ang buhay ng kasikatan. Pinaniwala mo akong walang mapait na buhay kapag sumikat sa madla. Hindi kita kayang suntukin, diminyu. Nakakagigil.
Humahaba ang usapan naten ng dahil sayo kupal ka. Sabi ko nga sayo. Mapapagod ka lang. Mananatili akong matatag sa faith ko. (Gusto ko ng bumaba na ng tren kaso malayo pa sa divisoria.)
Wala na ba talagang makakapagpabago ng desisyon mo?
Sinabi ng Oo eh. Tapos darating ka na naman ulit. Kilala kita boy. Wag mo kong paandaran. (Hindi na ako umupo pa at tumayo nalang ako habang nakahawak sa handrail ng tren. Upang malibang libang sa mga nagdaraanang lugar)
May tanong lang ako sayo? Nagnakaw ka na ba?
Wow naman, hanep ang tanong ah? Imposibleng hindi moa lam. Ungkatan ba to? Para lang humaba ang usapan, tanong ka pa ng tanong eh.

Pedro Gil - Ermita, Manila
“Ang dahilan kung bakit tayo binuhay para ibigay ang buhay natin sa iba hindi nakawin ang para sa iba.”
Iba-iba ang pagnanakaw. Maraming pagnanakaw na nagaganap sa mundo.
Hindi mo naman sinagot ang tanong ko eh.
OhSyaSya! Nakapagnakaw na ako. Ngunit ngayon hindi na. Tutal ikaw pala ang nagturo sa akin sa maliit na bagay. Kapag nagpuslit ako ay walang kapalit. Nagkamali ako. Doon pala nagsisimula ang lahat. Ang pagnanakaw sa maliit kahit bolpen pa yan o anuman. Hindi lang pala bagay ang pwedeng nakawin kundi  tiwala at pag ibig. Ikaw ang tunay na magnanakaw dito sa mundo. Magnanakaw ka. Diablo.
Ang kulit mo naman, diba nga yan ang role ko. Ang dami naming dito nyan sa mundo. Kilala mo yan. Ang gobyerno niyo. Pero tignan mo naman sila ngayon. Nabibili nila ang gusto nila. Nakakain nila ang gusto nilang kainin. Hindi kasi sila tumitiwalag sa kapangyarihan ko. Ngayon alam mo na? Kaya wala kang dapat katakutahn sa akin.

United Nations - Ermita, Manila
“Nagbigay ang kalangitan ng ating pangangailangan hindi pagyayabang. “
Pero magnanakaw pa rin sila.
Takot ba kamo? Ni katiting wala akong takot. Alam kong hindi mawawala ang takot na nilalagay mo sa planetang to. Ang bisang taglay ng iyong takot ang siyang dahilan ng pagkasira ng pangarap ng nakararami. Ang pangamba rin na ipinakita mo sa amin ay nagmistulang pilay kami sa mga nangyayari. Tila nakatali ang mga paa namen sa paglakad sa payapang daan. Ganun pa man, marami pa rin kaming matitibay at hindi kami pagigiba sayo. Matira matibay. Punong braso. Kahit payat ako. Puno ng lakas ang braso ko. Hindi ako tamad na tao. Kung maaari nagbibigay ako sa iba. Bakit ganun kung sino pa ang matino siya pa ang tinitira mo. Sakim ka talaga eh noh. Sayo lahat.
Yup! Tama! Sakim ako. Ang gusto ko ay gusto ko. Nagpapaalam pa nga ako sa kalangitan kung totorturin ko ang isang tao eh. Sakim talaga ako. Sobrang makasarili. But wait, ano ba ang nagagawa ng pagsakim? Marami diba. (Tumataas ang kilat na animoy dapat akong sumang ayon.)

Central Terminal - Ermita, Manila
“Lahat ng relihiyon ay ang pinagmulan ay kasakiman. “
Isa ka rin namang sakim na tao. Wag ka ng magmalinis.
Hoy grabe ka. (Hindi makapaniwala). Nakalimutan ko ng ibigay ang lahat ng meron sa akin ng dahil sabi mo sa akin kapag ibinigay ko lahat ay walang matitira sa akin. Lahat ng bagay sa akin ay pahalang sa tuwing sinasabi kong baka walang puntahan ang lahat. Ang akala ko ang lahat ay sa akin. (Nakayuko nalang ako sa pag-alala sa malungkot na kahapon)
                Huwag mo ng masyadong isipin yun. Ang mahalaga. Okay ka ngayon. Nalagpasan mo yun. Ang gagawin mo lang ngayon. Mas paangatin mo pa ang sarili mo. Maghangad ka pa.
Paano ako maniniwala sayo, eh sinungaling ka. Satanas. Bullshit ka.

Carriedo - Quiapo and Santa Cruz, Manila
“Kapag gusto kong magjoke, doon lumalabas ang katotohanan.”
Puro ka mura ah. Yan na naman tayo eh. Parang paulit ulit nalang tayo. Basta isipin mo nalang ang benepisyo na makukuha mo sa akin.
Sinungaling! (Medyo maluha luha na ang mga mata ko talaga.) Natuto akong pagandahin ang mali. Baluktutin ang tama. Wala naman palang white lie ikaw lang naman pala ang nagpauso nun. Ginulo mo ang isipan ko wala pala akong mararating sa kasinungalingan. Feeling ko tuloy para akong pumapatay ng tao kapag nagsisinungaling ako. Leche ka talaga. Hindi na ako natutuwa. Itigil na talaga. Kapag usapan pagpatay, dyan ako matatakutin.
Eh paano kung ikaw naman ang patayin? Payag ka ba?(Nakangiti si gago)

Doroteo Jose - Santa Cruz, Manila
“Ang lahat ay pwedeng pumatay ng lahat. “
Huwag mo nga akong gawing tanga. Hindi literal ang pagpatay sa mundo. Sobrang dami ng nagpapatayan. Alam mo yan diba. Sa mga paninirang puri. Sa pagsira ng pangalan at reputasyon ng ibang tao ay katumbas ng literal na pagpaslang. (Gusto kong hawakan si demonyo pero mainit siya) Hindi lahat nabubuhay. Mas maraming namamatay dahil sayo. Kailan ba matatapos ang larong ito. Dapat ba akong sumuko sa larong ito kung ikaw naman ata lang din ang mananalo.
Eh di laruin mo lang. Ienjoy mo lang. Huwag mo sila masyadong pakinggan. Gusto mo sarado ko muna isip mo? Ano? (Mas tumodo ang pag ngiti ng demonyo)

Bambang - Santa Cruz, Manila
“Kapag natutunan mo ang magandang asal, hindi ka na bastos.”
Yaaaaaan. Galing din talaga. Tinakpan mo nga ang isipan namen sa mga bagay na makabuluhan. Nawalan ng meaning para sa itaas dahil inangkin mo. (Yung nguso ko galit na) Napakagaling mo rin dahil kaya mong baguhin ang pictures sa harap ng mga mata ng mga tao at dumihan ang isipan ng maraming tao. Sobra sobra na ata tong panggagago mo sa akin. Dinudungisan mo na ang pagkatao ko. Masyado kang bastos. Wala kameng laban sayo. (Lumalabas na ang gilagid ko sa  galit)
Bastos ka rin naman diba. Natutuwa ka sa bastos diba? Natatawa ka kapag nakakarinig ka ng bastos diba? Nalulusutan mo ang mga bastos diba?

Tayuman - Santa Cruz, Manila
“Huwag kang papasok sa sex kung hindi mo siya mahal. “
Eh hindi ako malinis na tao anong magagawa ko? Lahat ng prostitusyon ay nasa sayo. Nakakadiring gobyerno. Nakakasulasok na pamumuhay ay ibinigay mo. Anong punto kung isusumbat mo ang mga kabastusan ko. (May patapik tapik pa ng dibdib sa tapang ko magsalita) Eh trabaho mo naman talagang bastusin ang kaluluwa namen. Pati nga porn, nagawa mong talunin ang bilang ng tao sa dami ng kalaswaan dito eh.
Maliit na bagay lang yang porn na yan. Naadik lang sila.

Blumentritt - Santa Cruz, Manila
“Lahat ng tagumpay ay nagsimula sa maliit na pag uugali.”
Update mo nga ako, kamusta na ba ang mga video ng pornographiya sa mundo?
Hindi mabilang kung ilan ng malalaswang video ang pinagawa mo sa mga tao. Masaya kayo sa ginagawa niyo ngunit nakapasama ng epekto sa maraming tao. Puno ng alak, droga at makamundong material dito sa mundo ang pineperform niyo. Pakawalang puso.
Hindi ko pa tinitodo yan. Partida. (Sinasabi habang nakapamewang)
Inuutusan ba kitang itodo mo? Kaya hindi ako magtataka pati mga kabataan nawiwili na. Nagiging manyak sila. Dahil sayo. Dahil sayo. Dahil sayo.
Huwag mo na silang masyadong intindihin. Kaya nila ang sarili nila.

Abad Santos - Tondo and Santa Cruz, Manila
“Nagtataka ka ba kung bakit mas matibay ang pagkalibog kaya sinungaling ang lahat.”
Sayo galing ang pinakabrutal na rape. Lahat ng kamanyakan dito sa mundo ay ikaw ang lider. Binastos ang mga kababaihan ng dahil sayo. Sa sungay mo na napakatulis. Kaya mong tusukin kame. (Pinilit kong gawing krus ang daliri ko sa magkabila pero wa epek pa rin.)
Choice nila yun. May choice kayo sa buhay diba?
Baka nga pati free will. Kontrolado mo rin eh. Free na yun ah. Maawa ka naman ah. (nagsusumamo na ako sa galit)
Baka pati kalandian, sakin mo pa isisi. Ikaw na ang grabe niyan.

R. Papa - Tondo, Manila
“Mas malibog at malandi ang mata kaysa sa kamay.”
Buti pinaalala mo. Pati mga bata ngayon ay nauudyukan mo na. Bilib na talaga ako sayo dahil wala kang pinapalagpas na tao. Kahit anong edad. Kahit anong sitwasyon. Kahit sa loob pa ng simbahan ay kaya mong maghasik ng lagim.
Ang dame mong nirereklamo. Ang dame mong pianglalaban.
Sorry ka nalang. Ganun ako eh.
Siguro suwail ka sa magulang mo, sa akin nga bastos ka sumagot. Siguro ganyan ka din sa mgaulang mo.
Asteeeeeg. Dapat bang igalang ka demonyo ka. Hoy wag mong idamay ang magulang ko. Nyeta ka.
Totoo naman eh

5th Avenue - Caloocan City
“Sobrang tindi ng apekto sa akin ng nanay ko. Sa tuwing nasasaktan ako ay nasasaktan din siya.”
Sige aminin na natin. Naging masama ako sa magulang ko. Lahat ng iyon ay pinagsisihan ko. Sinisisi kita. Isa ka rin eh. (Tuluyan ng tumulo ang luha ko) Binura mo sa isipan namen kung sino ang naglabas samen sa mundo. Ang ilaw ng tahanan ay sinira mo para sa amin. Sino ba ang mas bobo, ikaw o kame o ang mundong ito dahil di makapalag sayo. Shet na Shet ka talaga. Minsan di ko na alam kung sino ang susundin ko, puso o isip. Naguguluhan na ako.  
Okay, nagsisisi ka. Tapos ano? Babali ka ulit. Wala na huli ang lahat.
Fuck you. Hahaha

Monumento - Caloocan City
“Upang mahanap mo ang sarili mo, iligaw mo ang sarili mo."
Omg sa Divisoria lang naman ako bakit ako umabot ng Roosevelt Pa-last station na to ah. Bumaba muna ako ng tren at naghanap ng maiinom. Gusto kong lumagok muna ng sago sa gilid. Takte naman oh. Di ko matanggap. Kung ano-ano kasi ang naiisip ko. Ang dame kong iisipin ang demonyo pa. Sige na nga sa Roosevelt nalang ako bababa. Wala na eh. Hahanap nalang muna ako ng jip pabalik. Ang sakit sa ulo.
Inhale and exhale. Lagatak ang pawis.
Matagal ko ng gustong maging malaya. Hinahanap ko ang tama pero bakit ikaw ang nakikita.

Balintawak - Quezon City
"Paganahin mo ng sabay ang ulo at puso."
Alam kong may natitira pang pag ibig. Alam kong kaya pa akong isalba ng pagibig. Alam kong puso ko pa rin ang masusunod. Wala pa sayo ang kaluluwa ko demonyo. Nag uusap pa lang tayo. Sa isip palng yun. Lalaban pa rin ako.

Roosevelt - Quezon City
“Huwag mong gawing diyos diyosan ang takot.”
Gusto kong maging Malaya. Gusto ko ng Kapayapaan. Pumikit at sinabing “Ang hirap palang makipag argumento sa demonyo”. Buti nalang hindi niya ako basta bastang nakuha. Natapos ang lahat sa isang malamig na sago. Ang sarap sarap uminom.



Monday, August 10, 2015

ANG HARI HINDI KUMUKUPAS




Mga Katoto! Good News. Sumagi lang naman ‘to sa isipan ko. Maaring may negative na magcomment dito pero ginawa ko pa ding positibo. Nais ko lamang ilabas to para makahinga ang bunbunan ko ng maayos. Di ko naman po nais iwan na ‘tong mundo na to kagad. Nais ko lang gumawa ng bagay na hanggat nandito pa ako sa mundong to nagkaroon ako ng malayang kaisipan para sabihin lahat ng nasa dibdib ko. Sobra ng polluted eh. Punong puno na ng hinanakit sa mundo. Kailangan ng sabihan hanggat may daliri at utak pa ako ngayon. Naisip ko na gumawa naman ng pangteleseryeng mensahe para sa mga mahal ko sa buhay. Sa mundo kong sagan sa takot at pangamba. Ito na siguro ang pinakaserious na post ko.

1. Nais kong ipaalam sa pamilya ko kung gaano ko sila kamahal. Hindi ko man maiparamdam ng buo senyo dahil sa magulong pamumuhay ko ngayon. Nais ko paring ipadama ang pagmamahal at yakap ko lalo na sa nanay, kapatid at mga pamangkin ko. Handa po akong ibigay ang leeg ko para sa pamilya ko. Naks.
2. Sa aking maybahay, (I mean sa girlfriend ko). Kahit na lagi tayong nag-aaway. Sana maintindihan mo  na ginagawa ko lang to para gisingin tayong dalawa sa katotohanan. Wag na nating hintayin pang humantong ang lahat sa hiwalayan saka tayo magbabago. Ibinigay na sa atin ang oras at kalayaan. Makipagcooperate ka naman sa akin na iwork out naten ang mga goals naten. Mahal na mahal din kita kahit na masakit pa rin ang kahapon. Pinipilit kong kalimutan. Bitch Please.
3. Sa mga kaibigan ko na dumadamay sa akin sa kalungkutan, alam kong mapanlait akong tao. Ay hindi pala, mapagbiro lang. Gusto ko lang naman talagang ipadama senyo na kaya nateng tawanan anuman ang kinakaharap na pagsubok sa malupit na mundo na to. Sa mga pikunan, asaran, laitan, kwentuhan, tawanan ay mas lalo pang tumibay ang ating pagsasama. Alam niyo na kung sino-sino kayo. Hindi ako ulul para isa isahin kayo. Ang effort ko namn nun.
4. Para naman sa dalawa kong kapatid, maraming nagsasabi na mas ahead daw ako senyo dahil nakapagtapos ako ng pag-aaral. Hindi po totoo yun. Im humblt to say na mas matalino at mas madiskarte po kayo kesa sa akin. Sana maulit muli ang dati nating lambingan na naglalaro tayo sa unan, doon tayo nagtatago para tawanan lahat ng sermon ni mama sa atin. Mahal na mahal ko kayo mga kapatid. Olrayt. Puso ko ay puso niyo rin. Magkadugo tayo. Knowing na yan.
5.At para dun naman sa future work na inaasam ko. Kahit taguan mo ako ng taguan. Hahanapin pa rin kita. Lumayo ka man sa akin. Gagawa pa rin ako ng paraan para maging mabakuran ka na. Sana naapprecite mo ang kakaunting kinikilos ko para sayo. Ang hirap mo kayang kunin. Pabebe ka masyado. Kalma ka lang dyan ah. Wag kang lalayo. Papunta na ko. On the way. Nag-aayos na ako ng buhok, sa jeep.
6. Nais ko din bigyan ng pansin ang aking health. Ano ba talagang problema mo bakit ayaw mong lumobo. Mahiyain ka ba? Ginawa ko na lahat. Sige na nga, Thank you nalang dahil balanse ang heath ko ngayon. Naks.
7. Sa ating mahal na pangulo, wala akong paki kung palagi kang nasa media. Wala naman akong aasahang tulong sayo eh. Nakapagtapos at nakapagtrabaho ako ng hindi ako lumalupit sa malacanang. Panot. Pare pareho kayo. Charot.
8. Sa mga pagkakamali ko naman sa buhay, okay din yung mga yun. Sayo ako mas natuto kesa sa tagumpay. Mas inangat ako ng pagkakamali at sinasabi sa sarili na mas titibay pa.
9. Sa aking ama, (naks namention na) basta malakas ka, wala kang sakit, nakakangiti ka, okay na ako dun. Ang mahalaga, binubuhay mo ang bago mong pamilya. Kahit Deadjavu na kame sa schedule mo. Okay lang saken. No hurt feelings. Hindi ako nagtatampo. Hindi ako nagtatampo. Hindi ako nagtatampooooooo.
10.Sa sahod ko naman ngayon, ako hindi ako maramdaming tayo. Bihira lang ako magreklamo. Ngayon kung ganyan lang ang binibigay mo sa akin. Pagsisisihan mo yan balang araw. Nasayo ang sisi. Wala sa akin. Dagdag naman please.
11. Kay God, marami pa tayong dapat pag-usapan. Nagsosorry ako sayo kung bihira lang tayong makapagchat. Lagi akong offline.
12. Kay satanas, ikaw! Bilib din ako sayo eh noh. Kahit religion kaya mong pabagsakin at sirain. Ang dame ng nag-iinuman sa kalye, maraming krimen, maraming karumaldumal at kalunos lunos na pangyayari. Mas busy at active ka pa kay kay God ah. Nagtataka pa rin ako kung bakit hindi ka nalang nilipol ng Diyos para mawala ka sa earth. matikas ka rin eh noh. Bilib din ako sayo sa tuwing gusto kong magpakatino at magfocus. Kulit ka ng kulit sa akin eh. Ang porma talaga ng karakter mo dito sa mundo.
13. Kay kamatayan, hindi ako magpapatalo sayo ulul. Puta ka. Kanina lang may sinusundo ka kaso nakalimutan mo ang karit mo. Shunga. Tatanga tanga ka rin eh noh. Natatawa nalang ako minsan parang magkakatropa kayo ni God, Satanas at Diablo. Paano ko nasabi, feeling ko lang saka bentang benta na ngayon ang pamumuhay ni Aklas, Kuya Jobert At Ryan Rems. Ang Droga jokes na tanggap na ng marami. Ano kaya ang next generation.
14. Sa sarili ko. Kapit lang. Lalaban tayo ah. Wag kang bibitaw. Sundalo ako.




Hindi pa ako mamamatay. Mananatili akong matibay. 

Sunday, August 9, 2015

ALL EYES ON MY BIRTHDAY



The great day is over. But the memories still alive. At nasa sentido ko pa ang alak. Hangover. Hangover. Hangover. Ang saya ng mga nagdaang mga sandali at oras. Isang araw na para akong nasa isang peryaan. Ang saya makasaya ang mga nagmamahal saken ng lubos lubusan. Sobrang bilis ng mga kasiyahan. Walang pinalagpas. Walang kalungkutan. Naiwasan at nalagpasan ko din ang bawat negativity. Naibuga ko lahat sa dibdib ko lahat ng galit. Kahit na pinulbos ako ng nanay ko ng sermon at pangaral na may kasamang sigaw. Tuloy pa rin ang masayang celebration. Tila ba nagkakantahan ang mga anghel sa itaas. 

Kulang ang buhangin sa Pshop sa Mall of Asia katumbas ng pasasalamat ko sa itaas. Nagbato Siya sa akin ng isang araw na punong puno ng kapayapaan at mahalagang oras. Daig ko pa nanalo sa isang gameshow. Parang ako ang host, ang naglaro at ako rin ang nanalo. Grabeeee na ituuuuu.

Ang aral na dala-dala ko ay nagagamit ko na. Natutunan ko sa lahat. Paghandaan mo man ang paparating na araw, kung hindi naman buo ang loob mo na harapin ang bawat hamon ay wala rin.
Ayokong magtampo pero nagtatampo ako sa tatay ko dahil miski itext or batiin man lang ako, ay hindi niya  nagawa. Ayos na den. Basta makita ko lang silang maayos, ang pamilya ko ay okay na okay na ako. Salamat sa bigay na cake slash sermon ng nanay ko.

Nagtrending den ang Boszx Ben Mapagmahal. Nakakatawa na nakakahiya. Mas malala pa to sa pabebe girls eh.



Hindi ko na alam kung paano ko tatapusin tong katha ko pero salamat sa mapagmahal kong pamilya, kapatid, mga tunay na kaibigan at ang girlfriend ko. Salamat sa pagmamahal. 

Tuesday, August 4, 2015

ONLY THE STRONG WILL CONTINUE




 Kumakalat sa dugo ko ang ugali ng isang panthera.

Mga nagdaan nitong araw. Napatunayan ko sa sarili kong kaya ko pala. Noon ay kala ko hanggang dito lang ako. Noon ay kala ko hindi ko kayang gawin. Noon ay kala ko walang mababago. Noon ay kaya kong igapos, ihip ng hangin, noon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin. Tunay nga talaga malaki ang mababago sa tuwing sinasabi ko sa sarili kong susubukan. Sa simpleng udyok ng aking isipan na “Sige, masubukan nga”. Ang laki ng naitulong sa sarili ko ng pagtitiwala ko sa sarili kong kakayahan. Una, natutunan kong magreact ng tama. Ano mang paninirang puri ng ibang tao ay nalalagpasan ko. Ano mang pang iinsulto pa yan, may isip akong kayang umintindi ng walang halong pagdadamdam. Kapag mas naiintindihan ko ang nangyayari mas natatawa nalang  ako. May halong awa dahil nga naiintindihan ko at sila hindi. Nakakaawa na nakakatawa. Mixed Emotion as of now. 

Gaya ng isang sanggol na noo’y gumagapang, nakaluhod maglakad,  naglalakad na at handa ng gumawa ng sarili kong pakpak. Ito na ako ngayon.

Itinulak ako ng kapangyarihan ng “Bakit”.  Ang tanong sa isip ko na nasagot ko na naman at ang sago tang parati kong dala paglabas ng bahay ko or kung saan man bahala na kayo. Ang “Bakit ko to ginagawa” ang siyang dahilan kung bakit gusto ko pang magpatuloy.

Nagkaroon ng buhay at kulay.

Halos nasa kalagitnaan na nga ako ng pinapangarap ko eh. Naisulat ko na. Handang handa na ako. Walang kakaba-kaba at alinlangan man lang sa isipan ko. Kumalahati na ako, mantakin mong wala pa akong tatay na kinalakihan ngunit naigapang ko ang sarili ko. Mahirap takasan at kalimutan ang masasakit na sampal ng kahapon. Ngunit nandito pa rin ako. Ang matibay nakangiti pa rin.

Hindi ko pa nababanggit na mayroon akong ka-trabaho matanda na siya. Lagi niya akong tinitira sa meeting. Hindi ito bastos pero nakakabastos dahil nais niyang yurakan ang pagkatao ko sa harap ng maraming tao. Ang pagkakakilala ko kasi sa mga lalaking lumalaki ang itlog ay tumitira ng wala kang kalaban laban. Nakakatawa lang dahil wala naman siyang mabanggit na specific problem. Ang gusto niya lang ang mistakes ko noon ay magshine ngayon. Natawa nalang ako naiintindihan ko siya. Attention seeker siya. Next time, mas maganda ng tumawa sa mismong meeting. hahaha

Ito lamang ang patunay na kaya kong sumulong ng ineenjoy ko ang problema ko. Ito lamang ang proof na kaya ko pang lagpasan ang lahat. Ito pa ang katibayan na mas titibay pa ako sa kahit na anumang pagsubok. Ito ri ang dahilan para magpatuloy ako para sa bukas na pinapangarap ko.

Ang tunay na malakas nangingibabaw sa lugar na kritikal at puno ng panganib. Gaya ng isang driver na nakataya ang isa niyang paa sa pagmamaneho.

Balewala ang pagkakamali ko dahil mas matigas ang pagtulak ko sa tagumpay. Kung ang internet ang source ng kaalaman ngunit maraming nagtatapon ng basura rito. Hinding hindi ko hahayaang mabahiran ng negatibo at kadumihan ang aking ulo. May testimonya na kaya ko pang mas higitan ang lahat. Dapat lang akong magpatuloy dahil matibay ako.

Sunday, August 2, 2015

MY UNTOLD STORY: ANG PERA KAPALIT NG PURI

ANG BUHAY CAD OPERATOR
Ay hindi madali. At walang trabahong madali. 
Umabot na ho ako ng 3 years sa malinis na trabahong Cad Operator. Awa ng Diyos, di pa napupudpod ang mga daliri ko at di pa lumalabo ng husto ang dalawang mata ko. Hindi ko lang talaga maaninag ang mga mukha ng ibang tao. Buti naman at yan palang ang damage na natatamo ko. Hindi pa rin apektado ang kagwapuhan ko sa puyat ng trabaho.

Noong nasa kolehiyo ako, maikwento ko lang kung hindi ka busy, wala talaga akong idea kung sakaling hindi ako makatapos ng arki/rchitecture. As in wala, ang alam ko lang noon ay lumade. Basta pasok at uwi lang gaya nung highscool. Basta masabi lang na nakapagtapos ako ng kolehiyo. Keribels na yun. Para akong nagsulat sa papel ng mga wishes ko at inilagay ko sa bote at ibinato ko sa dagat, at ang dagat na ang bahala makabasa ng mga kagustuhan ko. Napaka bitches ko noon. Hahaha Kaya ang end ko ngayon, simula muli ng matuwid na daan. 

Graduate ako ng isang kurso sa Graphic Technology sa unibersidad ng Technological University of the Philippines at hindi ko natapos ang kursong architecture. Dahil din sa hindi inaasahang paghalik ni hudas sa akin.Kung ano man ang dahilan ay ako lang ang dahilan.
Noong pumapasok ako sa college, kala ko noon may batman na sasalo sa akin Yun pala ay hindi. Kaya ko kapag lagi akong napasok sa simbahan ay ligtas na ako sa mga problemang on the way na.

At ngayon pumapasok na ako sa trabaho bilang Cadd operator or Draftsman.
Sa una, naeenganyo ako kasi mahirap humanap ng trabaho noon hanggang ngayon sa mga professional na company. Pero habang tumatagal, mas lalong nakakasawa. Siguro’y naboboring ako dahil parang walang katapusan ang lahat. parang hindi nauubos. Parang hindi natatapos ang ganitong trabaho. And it leads to wala nakong pake kung anong mangyare sa paper works ko.

Naalala ko pa nga noon, ang hirap magproscess ng requirements ng isang company. Para akong pumipila sa Eat Bulaga sa SSS at BIR. Ganun kahaba ang pila.


Maisingit ko lng ang Hugot101 ko. Kung titignan natin ng general ang lahat. Unti-unti nating inaayos ang mundong ito. Pero ang sarili ko. Hindi ko na masyadong napagtutuunan ng pansin ayusin. Unti unting nababawasan ang panahon para sa sarili ko. Napakasakit kuya Eddie pramis. 

Ang trabahong ko dito.

Kung ano ang iniutos ng amo kong inhinyero ay dapat kong sundin. Kahit magsuggest pa ako ng tama, kung hindi talaga nila trip ang drawing ko. Sangkatutak na revise ng drawing ang bagsak ng lahat.

Hawak din ng boss ko ang oras ko. Nasa timpla ng ulo niya kung pwede na ba akong umuwi o sabay na kame. Ienjoy ang OT kahit siya lang ang natutuwa ay kailangan gawin ko ng maayos ang trabaho. Siguro depende lang sa kumpanya kung malupit ka talaga, makakauwi ka na. Eh samen walang ganun. NgaNga.

Ito ang masakit na part ng buhay ko pero ganun pa man, nagpapasalamat pa rin dahil may trabaho ako.

Kaya huwag nating palagpasin ang pagkakataon mayroon tayong trabaho. 

Walang pinagkaiba ang trabahong ito sa mga primero at premyadong tambay sa mga computer shop na walang ginawa kundi mag-games ng mag-games. Babad ako maghapon sa computer. Hikab lang ang pahinga. Sa sobrang kakahikab ko dulot ng puyat kagabi. Kaya ang laki na ng bibig ko sa kakahikab. Uwaaaaa.


Simula ng natutunang kong humawak ng keyboard at mouse. Wala pa akong nabalitaan naging pinaka sa buhay dahil sa pagiging Draftsman. Wala pa ring naikkwento si Korina Sanchez at Jessica Soho ng kwento ng isang Cadd Operator na umasenso. Malay mo baka ako na yun. Itataas ko na ba ang bandera ng ganitong propesyon? Pag iisip ko.

Sa trabahong ‘to, natutunan kong magtype sa keyboard ng kaliwang kamay lang. Isang kamay lang gamit ko sa pagsstatus sa facebook.
Dito ko rin natutunan ang brainswitching kung saan nanonood ako ng movie habang nagddrawing. Pati soundtrip din.

Totoo.

Sa Ganito trabaho..

Maraming nagdesisyon nalang na mag ibang bansa pero pagbalik din nila. Ganun pa rin naman sila, hahaha

Hindi ko hangad ipangalandakang wala tayong mararating sa ganitong karera. Ang hina-highlight ko lang naman ay ang pagiging draftsman ay isa sa magandang propesyon pero kung gusto mo pang umunlad kinakailangang magdagdag pa ng bagong skills and knowledge about computer software.

Sa ganitong career rin, kailangan maayos ang relasyon mo sa printer, scratch papers, engineers, computer and color (bawal ang color blinded).

Natutunan kong pumroseso. Natutunan kong makuha ang tiwala ng boss ko kahit inaasar ko ng patalikod.

Kapag pinasok mo tong trabahong ito, mapalad ka kung nakakauwi ka pa ng saktong 5pm at sakto naman ang iyong kinikita ngunit kung kumikita ka nga ng malaking pera pero wala ka naming oras sa pamilya mo. Nasa masalimuot ka ng pamumuhay.

Marami rin akong naipundar sa sarili ko pati sa pamilya ko sa ganitong trabaho. Hindi ganun kalaki pero paunti unti may nabibili. Hindi naman ganun nabibili agad agad maghihintay ka nga lang ng mahiwagang kinsenas at katapusan ng buwan.

Sa likod ng bawat pagtype sa keyboard ay may luha nakatago pa rin. 

Sa mundong kinagagalawan ng isang cad operator, di maiiwasang laging may sisita, laging may pupuna, laging may hahanap ng mali, laging mampipikon sa drawing ko. At sa huli, sasabihin ko nalang na “wala eh, trabaho lang to, di ko dapat seryosohin ang ugali ng ibang tao”. Kaya matututong tawanan nalang talaga ang trabahong ito.

Mahirap maghanap ng bagong trabaho. Ayon sa tala ng Philippines Unemployment Rate, magmula sa 6.6 percent ng January hanggang 6.4 percent ngayong buwan ay bumaba ang bilang ng walang trabaho. Akalain mo yun. Kumikilos pala ang mahal nateng Pangulo. 

Kaya dapat hindi binabalewala ang trabaho. Ang payo ko sa mga kababayan nating Pilipino, paunlarin ang trabaho at maging pursigido sa mithiin sa buhay. Ben Estrella po para sa pagbabago.

Madalas kong sinasabi sa sarili ko na darating ang araw panandalian lang to at aalis din ako dito. Pero nandito pa rin ako. Kumakapit sa sarili kopang Pananampalataya.