Mga nagdaan nitong araw. Napatunayan ko sa sarili kong kaya ko pala. Noon ay kala ko hanggang dito lang ako. Noon ay kala ko hindi ko kayang gawin. Noon ay kala ko walang mababago. Noon ay kaya kong igapos, ihip ng hangin, noon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin. Tunay nga talaga malaki ang mababago sa tuwing sinasabi ko sa sarili kong susubukan. Sa simpleng udyok ng aking isipan na “Sige, masubukan nga”. Ang laki ng naitulong sa sarili ko ng pagtitiwala ko sa sarili kong kakayahan. Una, natutunan kong magreact ng tama. Ano mang paninirang puri ng ibang tao ay nalalagpasan ko. Ano mang pang iinsulto pa yan, may isip akong kayang umintindi ng walang halong pagdadamdam. Kapag mas naiintindihan ko ang nangyayari mas natatawa nalang ako. May halong awa dahil nga naiintindihan ko at sila hindi. Nakakaawa na nakakatawa. Mixed Emotion as of now.
Gaya ng isang sanggol na noo’y gumagapang, nakaluhod maglakad, naglalakad na at handa ng gumawa ng sarili kong pakpak. Ito na ako ngayon.
Itinulak ako ng kapangyarihan ng “Bakit”. Ang tanong sa isip ko na nasagot ko na naman at ang sago tang parati kong dala paglabas ng bahay ko or kung saan man bahala na kayo. Ang “Bakit ko to ginagawa” ang siyang dahilan kung bakit gusto ko pang magpatuloy.
Nagkaroon ng buhay at kulay.
Halos nasa kalagitnaan na nga ako ng pinapangarap ko eh. Naisulat ko na. Handang handa na ako. Walang kakaba-kaba at alinlangan man lang sa isipan ko. Kumalahati na ako, mantakin mong wala pa akong tatay na kinalakihan ngunit naigapang ko ang sarili ko. Mahirap takasan at kalimutan ang masasakit na sampal ng kahapon. Ngunit nandito pa rin ako. Ang matibay nakangiti pa rin.
Hindi ko pa nababanggit na mayroon akong ka-trabaho matanda na siya. Lagi niya akong tinitira sa meeting. Hindi ito bastos pero nakakabastos dahil nais niyang yurakan ang pagkatao ko sa harap ng maraming tao. Ang pagkakakilala ko kasi sa mga lalaking lumalaki ang itlog ay tumitira ng wala kang kalaban laban. Nakakatawa lang dahil wala naman siyang mabanggit na specific problem. Ang gusto niya lang ang mistakes ko noon ay magshine ngayon. Natawa nalang ako naiintindihan ko siya. Attention seeker siya. Next time, mas maganda ng tumawa sa mismong meeting. hahaha
Ito lamang ang patunay na kaya kong sumulong ng ineenjoy ko ang problema ko. Ito lamang ang proof na kaya ko pang lagpasan ang lahat. Ito pa ang katibayan na mas titibay pa ako sa kahit na anumang pagsubok. Ito ri ang dahilan para magpatuloy ako para sa bukas na pinapangarap ko.
Ang tunay na malakas nangingibabaw sa lugar na kritikal at puno ng panganib. Gaya ng isang driver na nakataya ang isa niyang paa sa pagmamaneho.
Balewala ang pagkakamali ko dahil mas matigas ang pagtulak ko sa tagumpay. Kung ang internet ang source ng kaalaman ngunit maraming nagtatapon ng basura rito. Hinding hindi ko hahayaang mabahiran ng negatibo at kadumihan ang aking ulo. May testimonya na kaya ko pang mas higitan ang lahat. Dapat lang akong magpatuloy dahil matibay ako.
Noon lang.... Sa panaginip lang... Lalala
ReplyDelete