1. Nais kong ipaalam sa pamilya ko kung gaano ko sila kamahal. Hindi ko man maiparamdam ng buo senyo dahil sa magulong pamumuhay ko ngayon. Nais ko paring ipadama ang pagmamahal at yakap ko lalo na sa nanay, kapatid at mga pamangkin ko. Handa po akong ibigay ang leeg ko para sa pamilya ko. Naks.
2. Sa aking maybahay, (I mean sa girlfriend ko). Kahit na lagi tayong nag-aaway. Sana maintindihan mo na ginagawa ko lang to para gisingin tayong dalawa sa katotohanan. Wag na nating hintayin pang humantong ang lahat sa hiwalayan saka tayo magbabago. Ibinigay na sa atin ang oras at kalayaan. Makipagcooperate ka naman sa akin na iwork out naten ang mga goals naten. Mahal na mahal din kita kahit na masakit pa rin ang kahapon. Pinipilit kong kalimutan. Bitch Please.
3. Sa mga kaibigan ko na dumadamay sa akin sa kalungkutan, alam kong mapanlait akong tao. Ay hindi pala, mapagbiro lang. Gusto ko lang naman talagang ipadama senyo na kaya nateng tawanan anuman ang kinakaharap na pagsubok sa malupit na mundo na to. Sa mga pikunan, asaran, laitan, kwentuhan, tawanan ay mas lalo pang tumibay ang ating pagsasama. Alam niyo na kung sino-sino kayo. Hindi ako ulul para isa isahin kayo. Ang effort ko namn nun.
4. Para naman sa dalawa kong kapatid, maraming nagsasabi na mas ahead daw ako senyo dahil nakapagtapos ako ng pag-aaral. Hindi po totoo yun. Im humblt to say na mas matalino at mas madiskarte po kayo kesa sa akin. Sana maulit muli ang dati nating lambingan na naglalaro tayo sa unan, doon tayo nagtatago para tawanan lahat ng sermon ni mama sa atin. Mahal na mahal ko kayo mga kapatid. Olrayt. Puso ko ay puso niyo rin. Magkadugo tayo. Knowing na yan.
5.At para dun naman sa future work na inaasam ko. Kahit taguan mo ako ng taguan. Hahanapin pa rin kita. Lumayo ka man sa akin. Gagawa pa rin ako ng paraan para maging mabakuran ka na. Sana naapprecite mo ang kakaunting kinikilos ko para sayo. Ang hirap mo kayang kunin. Pabebe ka masyado. Kalma ka lang dyan ah. Wag kang lalayo. Papunta na ko. On the way. Nag-aayos na ako ng buhok, sa jeep.
6. Nais ko din bigyan ng pansin ang aking health. Ano ba talagang problema mo bakit ayaw mong lumobo. Mahiyain ka ba? Ginawa ko na lahat. Sige na nga, Thank you nalang dahil balanse ang heath ko ngayon. Naks.
7. Sa ating mahal na pangulo, wala akong paki kung palagi kang nasa media. Wala naman akong aasahang tulong sayo eh. Nakapagtapos at nakapagtrabaho ako ng hindi ako lumalupit sa malacanang. Panot. Pare pareho kayo. Charot.
8. Sa mga pagkakamali ko naman sa buhay, okay din yung mga yun. Sayo ako mas natuto kesa sa tagumpay. Mas inangat ako ng pagkakamali at sinasabi sa sarili na mas titibay pa.
9. Sa aking ama, (naks namention na) basta malakas ka, wala kang sakit, nakakangiti ka, okay na ako dun. Ang mahalaga, binubuhay mo ang bago mong pamilya. Kahit Deadjavu na kame sa schedule mo. Okay lang saken. No hurt feelings. Hindi ako nagtatampo. Hindi ako nagtatampo. Hindi ako nagtatampooooooo.
10.Sa sahod ko naman ngayon, ako hindi ako maramdaming tayo. Bihira lang ako magreklamo. Ngayon kung ganyan lang ang binibigay mo sa akin. Pagsisisihan mo yan balang araw. Nasayo ang sisi. Wala sa akin. Dagdag naman please.
11. Kay God, marami pa tayong dapat pag-usapan. Nagsosorry ako sayo kung bihira lang tayong makapagchat. Lagi akong offline.
12. Kay satanas, ikaw! Bilib din ako sayo eh noh. Kahit religion kaya mong pabagsakin at sirain. Ang dame ng nag-iinuman sa kalye, maraming krimen, maraming karumaldumal at kalunos lunos na pangyayari. Mas busy at active ka pa kay kay God ah. Nagtataka pa rin ako kung bakit hindi ka nalang nilipol ng Diyos para mawala ka sa earth. matikas ka rin eh noh. Bilib din ako sayo sa tuwing gusto kong magpakatino at magfocus. Kulit ka ng kulit sa akin eh. Ang porma talaga ng karakter mo dito sa mundo.
13. Kay kamatayan, hindi ako magpapatalo sayo ulul. Puta ka. Kanina lang may sinusundo ka kaso nakalimutan mo ang karit mo. Shunga. Tatanga tanga ka rin eh noh. Natatawa nalang ako minsan parang magkakatropa kayo ni God, Satanas at Diablo. Paano ko nasabi, feeling ko lang saka bentang benta na ngayon ang pamumuhay ni Aklas, Kuya Jobert At Ryan Rems. Ang Droga jokes na tanggap na ng marami. Ano kaya ang next generation.
14. Sa sarili ko. Kapit lang. Lalaban tayo ah. Wag kang bibitaw. Sundalo ako.
Hindi pa ako mamamatay. Mananatili akong matibay.
No comments:
Post a Comment