Sunday, August 2, 2015

MY UNTOLD STORY: ANG PERA KAPALIT NG PURI

ANG BUHAY CAD OPERATOR
Ay hindi madali. At walang trabahong madali. 
Umabot na ho ako ng 3 years sa malinis na trabahong Cad Operator. Awa ng Diyos, di pa napupudpod ang mga daliri ko at di pa lumalabo ng husto ang dalawang mata ko. Hindi ko lang talaga maaninag ang mga mukha ng ibang tao. Buti naman at yan palang ang damage na natatamo ko. Hindi pa rin apektado ang kagwapuhan ko sa puyat ng trabaho.

Noong nasa kolehiyo ako, maikwento ko lang kung hindi ka busy, wala talaga akong idea kung sakaling hindi ako makatapos ng arki/rchitecture. As in wala, ang alam ko lang noon ay lumade. Basta pasok at uwi lang gaya nung highscool. Basta masabi lang na nakapagtapos ako ng kolehiyo. Keribels na yun. Para akong nagsulat sa papel ng mga wishes ko at inilagay ko sa bote at ibinato ko sa dagat, at ang dagat na ang bahala makabasa ng mga kagustuhan ko. Napaka bitches ko noon. Hahaha Kaya ang end ko ngayon, simula muli ng matuwid na daan. 

Graduate ako ng isang kurso sa Graphic Technology sa unibersidad ng Technological University of the Philippines at hindi ko natapos ang kursong architecture. Dahil din sa hindi inaasahang paghalik ni hudas sa akin.Kung ano man ang dahilan ay ako lang ang dahilan.
Noong pumapasok ako sa college, kala ko noon may batman na sasalo sa akin Yun pala ay hindi. Kaya ko kapag lagi akong napasok sa simbahan ay ligtas na ako sa mga problemang on the way na.

At ngayon pumapasok na ako sa trabaho bilang Cadd operator or Draftsman.
Sa una, naeenganyo ako kasi mahirap humanap ng trabaho noon hanggang ngayon sa mga professional na company. Pero habang tumatagal, mas lalong nakakasawa. Siguro’y naboboring ako dahil parang walang katapusan ang lahat. parang hindi nauubos. Parang hindi natatapos ang ganitong trabaho. And it leads to wala nakong pake kung anong mangyare sa paper works ko.

Naalala ko pa nga noon, ang hirap magproscess ng requirements ng isang company. Para akong pumipila sa Eat Bulaga sa SSS at BIR. Ganun kahaba ang pila.


Maisingit ko lng ang Hugot101 ko. Kung titignan natin ng general ang lahat. Unti-unti nating inaayos ang mundong ito. Pero ang sarili ko. Hindi ko na masyadong napagtutuunan ng pansin ayusin. Unti unting nababawasan ang panahon para sa sarili ko. Napakasakit kuya Eddie pramis. 

Ang trabahong ko dito.

Kung ano ang iniutos ng amo kong inhinyero ay dapat kong sundin. Kahit magsuggest pa ako ng tama, kung hindi talaga nila trip ang drawing ko. Sangkatutak na revise ng drawing ang bagsak ng lahat.

Hawak din ng boss ko ang oras ko. Nasa timpla ng ulo niya kung pwede na ba akong umuwi o sabay na kame. Ienjoy ang OT kahit siya lang ang natutuwa ay kailangan gawin ko ng maayos ang trabaho. Siguro depende lang sa kumpanya kung malupit ka talaga, makakauwi ka na. Eh samen walang ganun. NgaNga.

Ito ang masakit na part ng buhay ko pero ganun pa man, nagpapasalamat pa rin dahil may trabaho ako.

Kaya huwag nating palagpasin ang pagkakataon mayroon tayong trabaho. 

Walang pinagkaiba ang trabahong ito sa mga primero at premyadong tambay sa mga computer shop na walang ginawa kundi mag-games ng mag-games. Babad ako maghapon sa computer. Hikab lang ang pahinga. Sa sobrang kakahikab ko dulot ng puyat kagabi. Kaya ang laki na ng bibig ko sa kakahikab. Uwaaaaa.


Simula ng natutunang kong humawak ng keyboard at mouse. Wala pa akong nabalitaan naging pinaka sa buhay dahil sa pagiging Draftsman. Wala pa ring naikkwento si Korina Sanchez at Jessica Soho ng kwento ng isang Cadd Operator na umasenso. Malay mo baka ako na yun. Itataas ko na ba ang bandera ng ganitong propesyon? Pag iisip ko.

Sa trabahong ‘to, natutunan kong magtype sa keyboard ng kaliwang kamay lang. Isang kamay lang gamit ko sa pagsstatus sa facebook.
Dito ko rin natutunan ang brainswitching kung saan nanonood ako ng movie habang nagddrawing. Pati soundtrip din.

Totoo.

Sa Ganito trabaho..

Maraming nagdesisyon nalang na mag ibang bansa pero pagbalik din nila. Ganun pa rin naman sila, hahaha

Hindi ko hangad ipangalandakang wala tayong mararating sa ganitong karera. Ang hina-highlight ko lang naman ay ang pagiging draftsman ay isa sa magandang propesyon pero kung gusto mo pang umunlad kinakailangang magdagdag pa ng bagong skills and knowledge about computer software.

Sa ganitong career rin, kailangan maayos ang relasyon mo sa printer, scratch papers, engineers, computer and color (bawal ang color blinded).

Natutunan kong pumroseso. Natutunan kong makuha ang tiwala ng boss ko kahit inaasar ko ng patalikod.

Kapag pinasok mo tong trabahong ito, mapalad ka kung nakakauwi ka pa ng saktong 5pm at sakto naman ang iyong kinikita ngunit kung kumikita ka nga ng malaking pera pero wala ka naming oras sa pamilya mo. Nasa masalimuot ka ng pamumuhay.

Marami rin akong naipundar sa sarili ko pati sa pamilya ko sa ganitong trabaho. Hindi ganun kalaki pero paunti unti may nabibili. Hindi naman ganun nabibili agad agad maghihintay ka nga lang ng mahiwagang kinsenas at katapusan ng buwan.

Sa likod ng bawat pagtype sa keyboard ay may luha nakatago pa rin. 

Sa mundong kinagagalawan ng isang cad operator, di maiiwasang laging may sisita, laging may pupuna, laging may hahanap ng mali, laging mampipikon sa drawing ko. At sa huli, sasabihin ko nalang na “wala eh, trabaho lang to, di ko dapat seryosohin ang ugali ng ibang tao”. Kaya matututong tawanan nalang talaga ang trabahong ito.

Mahirap maghanap ng bagong trabaho. Ayon sa tala ng Philippines Unemployment Rate, magmula sa 6.6 percent ng January hanggang 6.4 percent ngayong buwan ay bumaba ang bilang ng walang trabaho. Akalain mo yun. Kumikilos pala ang mahal nateng Pangulo. 

Kaya dapat hindi binabalewala ang trabaho. Ang payo ko sa mga kababayan nating Pilipino, paunlarin ang trabaho at maging pursigido sa mithiin sa buhay. Ben Estrella po para sa pagbabago.

Madalas kong sinasabi sa sarili ko na darating ang araw panandalian lang to at aalis din ako dito. Pero nandito pa rin ako. Kumakapit sa sarili kopang Pananampalataya. 




No comments:

Post a Comment