The great day is over. But the memories still alive. At nasa sentido ko pa ang alak. Hangover. Hangover. Hangover. Ang
saya ng mga nagdaang mga sandali at oras. Isang araw na para akong nasa isang peryaan. Ang saya makasaya ang mga nagmamahal saken ng lubos lubusan. Sobrang bilis ng mga kasiyahan. Walang
pinalagpas. Walang kalungkutan. Naiwasan at nalagpasan ko din ang bawat
negativity. Naibuga ko lahat sa dibdib ko lahat ng galit. Kahit na pinulbos ako ng nanay ko ng sermon at pangaral na may
kasamang sigaw. Tuloy pa rin ang masayang celebration. Tila ba nagkakantahan ang mga anghel sa itaas.
Kulang ang buhangin sa Pshop sa Mall of Asia katumbas ng pasasalamat
ko sa itaas. Nagbato Siya sa akin ng isang araw na punong puno ng kapayapaan at mahalagang oras. Daig ko pa nanalo sa isang gameshow. Parang ako ang host, ang
naglaro at ako rin ang nanalo. Grabeeee na ituuuuu.
Ang aral na dala-dala ko ay nagagamit ko na. Natutunan ko sa
lahat. Paghandaan mo man ang paparating na araw, kung hindi naman buo ang loob
mo na harapin ang bawat hamon ay wala rin.
Ayokong magtampo pero nagtatampo ako sa tatay ko dahil miski
itext or batiin man lang ako, ay hindi niya nagawa. Ayos na den. Basta makita ko
lang silang maayos, ang pamilya ko ay okay na okay na ako. Salamat sa bigay na cake slash sermon ng nanay ko.
Nagtrending den ang Boszx Ben Mapagmahal. Nakakatawa na
nakakahiya. Mas malala pa to sa pabebe girls eh.
Hindi ko na alam kung paano ko tatapusin tong katha ko pero
salamat sa mapagmahal kong pamilya, kapatid, mga tunay na kaibigan at ang
girlfriend ko. Salamat sa pagmamahal.
Happy Birthday Sir Ben!!!
ReplyDeleteThank u po mga kapwa ko blogger. Whoah!
DeleteHappy Birthday Bro! Sana dumami pa ang mabubuting balita sa Blog mo!!
ReplyDeleteThank u po sir rolf sana po bumalik ka na sa blog..Umistop ka po ata
Delete