Tuesday, June 27, 2017

HAKBANG SA TAGUMPAY NA NAKAKALIGTAAN



Nangangalahati na ang year Tutawsan Sebentin pero ni-isa sa mga goals mo ba ay wala pang natutupad? Hhmm.

Di ka nag-iisa, my friend. Marami tayo. hahaha May natitira pang 6 months na sasayangin tayo este pag-asa pala tayo. haha

But wait, may ibabahagi ako sa’yo na mga naging experiences ko na di ko namalayan, umabot na pala ako sa tugatog, as in winning moment siya para sa ‘kin at syempre kasama na rin sa mga ishe-share ko ang mga wrong beliefs ko noon na naging dahilan ng pagkabagsak ko.

Nae-excite ka na ba kung ano ‘yun? Oy hindi ‘to sexytime. Hindi din Magic Ben. Beshte!

Dahil ngayon, ibang iba na ako. At masaya akong hahawahan ko kayo ng kahusayan ko. hihi Charing.

Lezgo!

Kung di mo pa alam. Dapat alamin mo na kung ano ang pinaniniwalaan mong tama sa iyong buhay, maaaring ‘yun ang tama.  

Kaso nga lang, ang hindi mo pa alam na hindi lahat ng pinaniniwalaan mo ay “tama”. Magulo ba?

Kung para sayo ay nakakagaling sa sakit ng tao ang dahon ng Marijuana, nasa paniniwala mo ‘yun. Pwedeng tama o pwede ding mali. Kung isa kang smoker at sa tingin mo ang sigarilyo na ‘yan ang magpapahaba ng buhay mo, ang sabi ko nga diba, nasa paniniwala mo ‘yun. Kung ang Tinder ang magbibigay sa ‘yo ng buong ningning na kaligayahan. It’s up to you. At kung naniniwala kang ang masamang damo ay matagal mamatay sa mundong ibabaw, sige gumawa ka pa ng masama. Tuloy mo pa. Hayup ka eh. Gigil mo si aquo eh.  hahaha

Uulitin ko ulit. Nasa sa ’yo ang paniniwala.

Di naman lingid sa ating kaalaman na ang isip ng tao ay ang pinakadahilan upang ang mga pangarap natin sa buhay ay magkatotoo, diba!?

Kung wala kang utak. Malamang, wala ka ding pangarap, parang ganun.

Ngunit.

Ngayon 2017, buwan ng Hunyo na, nasabi mo ba sa sarili mo na  

“Oops, di na ata ‘to ang buhay na pinangarap ko ah.”

o di kaya

“Tangina, wala pa akong nagagawa sa mga goals ko hanggang ngayon eh kalahati na ng taon”

Sa tingin mo, kung isa diyan sa dalawang nabanggit ko ay tumpak para sayo. May idea ka na ba kung saan ka nagkamali? sa isip, sa paniniwala o sa gawa? What do you think?

Halika besh. Bibigyan kita ng Mabuting Balita. Ito ay hango sa aking sariling karanasan.

Sobrang tutok sa goal. Masakit sa mata yan.
Familiar ka ba sa quote ni Ninong Abraham Lincoln na

"Give me six hours to chop down a tree and I will spend the first four  sharpening the axe.".

In short, bigyan mo ako ng budget na 6hours sa hotel at kaya kong mambuntis ng 30 minutes lang. hahahaha Charot. De joke lang po.

Kahit tanong mo pa sa lahat ng boksingero, basketbolista o atleta ng  Pilipinas, kahit gusto mong manalo sa isang patimpalak pero kung ang preparation mo para makuha ‘yun ay “Sablay”. Talagang magiging palpak ang resulta at magiging olats ka sa laro.

Ang gusto kong puntuhin at tumbukin na gaya ng ‘four hour sharpening the axe’ na yan ay mahalaga ang tinatawag na “Sermonya o ritwal”. Napakahalaga ng practice, preparation at syempre ang execution.

Karamihan kasi sa iba(kasama na ako), ay nakafocus lang sa magiging magandang resulta pero nakakaligtaan na ang ritwal, preparation at steps para makuha ang hinahangad nila. Kaya ang nangyayari, sa sobrang bigat ng tinatarget nila(kasama na ako), nauuwi lang sa pagbagsak or failure.

So, dapat ng baguhin ang paniniwala sa mga goals naten, mga repa.

Tulad ko, kapag gusto kong magsulat, di ko na iniisip ang magandang artikol na kakalabasan, nagsusulat nalang ako basta. Sulat lang ako ng sulat. (Edi ako na magaling). haha

Check niyo din ang last blog ko. Di man ako famous pero marami akong nagagawa, marami din akong output. (Edi ako na magaling). haha

Bali, ang payo ko sayo kumare, kung may goal ko sa buhay at di mo pa nagagawa iyon kasi nood ka ng nood ng Kdrama, imbes na isipin mong maigi ang steps sa goal mo, ngayon baguhin mo naman teh, try mo naman na gawin lang mismo ang nararapat na hakbang para makuha yun ‘tas eventually di mo na namamalayan na nandun ka na mismo sa mga goals mo. Sarap pakinggan diba.

Kung natatabaan ka na sa katawan mo, pwede mo ng simulan mag-exercise or di kaya wag ka ng tumingin pa sa salamin. Masasaktan ka lang.




Di palaging kailangan malakas ang loob para umusad.
Kung sa first advice ko ay nasabi ko na wag magfocus sa end result lang at tumuon palagi sa preparations o steps, dito naman sa pangalawa kong tip ay na-experience ko naman ‘to na maaaring magkapatid sila sa unang tip ko.

Sa paniniwala ko noon, ang akala ko na kapag okay sa akin ang isang bagay or ‘di mukhang kumplikado’ ang gagagawin ko, sureball akong maganda ang kalalabasan ng gagawin ko, kapag tinapos ko yun. Halimbawa nalang na gagawa ako ng ‘DIY Basurahan’. Madali lang yan syempre haha. Kaya sure akong magagawa ko ng maayos yan.

Ngunit minsan, kapag di ko naman sigurado ang isang bagay at natatakot akong magkamali. Ang nangyayari, kumukuha muna ako ng lakas ng loob para i-solve ang problema ko. Ganun naman diba lahat.  O ako lang ganun? Baka nga ako lang yung ganun kahinang tao. huhu

Ang problema nga lang, sa tagal ng kakahintay kong maging buo ang aking loob, minsan nauuwi ako sa katamaran at hindi ko na itinutuloy ang susunod na hakbang ko. Di na nafi-finish ang sinimulan ko.

Kasi akala ko lahat ng bagay dapat maging sigurado muna ako bago magstart.

But after all, I’ve learned na di naman talaga kailangan palaging buo ang loob ko. Yan ang natutunan ko. Kailangan lang ng lakas ng loob habang nagpe-perform na.

Eh what if kung ngayong araw na to, gumising ako na okay na okay ang pakiramdam ko, ang lakas lakas ko, so kailangan ko pa ba ng lakas ng loob para sa mga goals ko? Ang sagot ko ay OO naman.

Eh paano naman kung ang paggising ko ngayon ay di maganda, tipong di kumpleto ang tulog ko dahil may nagvideoke na salot na kapitbahay kagabi kaya parang 2hours lang ang tulog ko, for sure ang hirap kumuha ng lakas niyan para sa maghapong trabaho, diba.

Na kung tutuusin naman talaga, pwede akong kumilos na kagad sa ginagawa ko ngayon kahit wala pa akong tibay ng loob para mas magkaroon pa ako ng tapang para dun. Kahit gumising pa ako na kulang ang tulog ko, di ko na kailangan pang maging handa para kumilos. Saka, pwede din habang ginagawa ko ang nararapat for my goals, mas nadadagdagan naman talaga ang lakas ng loob ko nun, diba.

Kaya, kapag napansin ko ang sarili kong naghihitay na naman ako ng lakas ng loob bago umusad, inaalala ko muli na pwede akong kumilos na kagad at susunod nalang ang confident sa ‘kin hanggang sa tumatagal mas nadadagdagan ng husto ang confidence ko.

Kaya friend.

Paunti unti lang. Makukuha mo din yan.

Magdesisyon ka na at kumilos ka na kagad kung wala ka pang nagagawa.

Kahit sino ka pa. Dapat mong matutunang magsimula na kagad bago ka maging handa.

Saka mo na mare-realize  kung paano magtagumpay kasi humakbang ka na eh. So, just do it. Step by step lang.

Sabihin mo sa sarili mo na ngayon ang pinakamahalagang araw para gawin ang dapat mong gawin.

Di pa huli ang lahat, pwede ka muling gumawa ng bagong desisyon sa buhay at bagong simula. Walang mawawala. Tumuon lagi sa preparasyon, steps at pagkilos para sa maliit na tagumpay mo. Yung maliliit na tagumpay na yan ang aapakan mong bato para sa susunod na malaking panalo. Dyan na madadagdagan ang lakas ng loob mo.

It’s time to set your plans into motion and make a daily ritual of generating small wins for yourself. 

Tanggapin ko na ang katotohanan na di ko kaya ang magulong lugar.
Kahit na pursigido pa ako sa ginagawa ko, kung nakaapak naman ang mga paa ko sa maling lugar. Mapupunta lang talaga sa wala ang ginagawa ko.

Kahit na ipilit ‘kong iayos ang sarili ko kung nasa di karapat dapat ako na lugar, imposibleng manalo ako dito.

Dahil di pwedeng makalipad ang isang isda. Ang sagwa nun.

Minsan dahil nga no choice ako. Ayun, pinipilit ko nalang rimedyohan ang magulong lugar na kinatatayuan ko.

Nakakapagod yung ganun, diba.

Malaki ang epekto ng paligid na ating ginagalawan para sa ikapapanalo natin.

Gaya nalang ng ganito.

San ka naman nakakita na ayaw mong uminom o makakita ng nakahubad na babae pero oo ka naman ng oo sa lahat ng alok ng kaibigan mong hayuf na pumunta sa beerhouse. So, ano to? Niloloko mo lang ang sarili mo?

So therefore,

Kung gusto mong maging mahusay na singer. Pumunta ka sa lugar ng mga kumakanta o sumali ka sa patimpalak ng mga singer. Now na.

Kung gusto mong maging painter, pumunta ka sa lugar na maraming nagpe-paint.

Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, wag kang humanap ng panget. Humanap ka ng mayamang walang itchura. Dahil wala pa akong nakitang mayamang panget. Hindi panget sa paningin ang mayamang panget.

Kung gusto mo ng bago. Iwan mo na yang luma.

Maraming paraan.

Tanggapin mo na kailangan mo ng malaking pagbabago. At mahihirapan ka kung di mo din babaguhin ang environment mo.

Magkakaiba tayo ng tagumpay.
Magkakaiba din tayo ng definition ng tagumpay sa buhay at kung ano ang gusto nating maabot. Sa tagumpay, palaging nagtatalo ang Accomplishment at Purpose.

Magkakaiba tayo. Maaaring ang iba ang gusto makuha ay ang kapangyarihan at ang iba naman ay pera ang mas importante sa kanila. Pwede naman ang mismong pamilya nila ang tagumpay nila sa buhay. Ang iba din naman, nahanap nila ang purpose nila sa mga kaibigan o pagtulong sa nangangailangan na kapwa. Iba-iba tayo.

Kaya nga sabi ko eh. Ikaw ang magbibigay ng meaning niyan.

Ang mahalaga na ikaw ang magde-desiyon para sa sarili mo kung ano ang gusto mong ma-achieve. Kung hahayaan mo ang ibang tao na magdikta sa ‘yo kung ano ang tagumpay, may posibilidad na hindi ka magtatagumpay para sa sarili mo. Mukhang generic at palagi mong naririnig ang sinasabi ko ngayon, pero syempre parte din talaga ng tagumpay na ikaw mismo ang magdefine nun.

Meron nga akong kakilala, gusto niyang maging sikat na rapper pero nung kinausap ko siya, ang layo ng mga dahilan niya para maging rapper. Kaya hinayaan ko nalang. Buhay niya yun e.

So to sum it up, hawak mo dapat ang sagot sa tagumpay mo.

Ang daming plano, lalo lang gumugulo.
Bigyan kita ng sample. Wala naman pinagkaiba ‘to nung kumakaen ka sa buffet na ang dami mong kinuhang pagkaen pero di mo naman palang kayang ubusin. Madalas yan kapag ‘first time’ mong kumaen sa isang buffet restaurant. (Nagawa ko din kasi yan). haha Meron akong tips dyan para sayo. Unahin mo munang lapangin yung gulay, isang plato lang, lagyan mo muna ang empty stomach mo ng mga fresh foods. Yun ang first plate mo. Wag mong kakalimutan uminom lang ng kaunting tubig, wag magsoftdrinks or iced tea, mabubusog ka kagad. Madali ka mapapataob ng resto ‘pag ganun. ‘Tas isunod mo naman yung mga chicken or fish, pwede ka ng humataw ng kaen. Busugin mo na ang sarili mo. At panglast mo na yung mga meat and fatty foods. Sigurado ako diyan. Pag uwi mo, busog na busog ka. Good shit ang lalabas sayo. Kasi di naman talaga kailangan lahat kunin, diba. Hindi kailangan sabay sabay. Hindi kailangan maraming plano. Paisa isa lang. Wag kang sugapa. Tabachoy.

At tulad naman sa pangalawa kong advice kanina na di kailangan ng lakas ng loob para magsimula sa lahat ng bagay. Ngayon naman, hindi kailangan ng maraming plano para magkaroon ng magandang resulta.

Tandaan mo.

Ang overplanning at overthinking ay walang patutunguhan yan.

Lagi mong aalalahanin kung paano mo uubusing kainin ang isang malaking elepante. Sakit sa ulo yun diba? Hindi mo makakaen ng buo yun. Di ka dinosaur. Simulan mo sa maliit na part, panigurado na chibog yang elepante na yan.

Matuto kang maglakad mag-isa.
Lahat ng tao gusto maging matagumpay sa buhay. Lahat gusto umangat. Lahat gusto may marating. Wala pa akong narinig na taong nangarap na maging mahirap.

Ngunit ang napagtanto ko.

Hindi lahat willing magsakripisyo.

Nung nagdesisyon akong gusto ko ng pagsikapan ang pangarap kong trabaho at pagpursigihin ang karera ko. Wala akong ibang ginawa kundi nilayo ko ang sarili ko sa ibang tao na di makakatulong sa akin. Minaster ko ang isang bagay. Naglakad ako mag isa. Hanggang ngayon buhay naman ako kahit na binawasan ko na ng konti ang social media account ko. Dati nga, may twitter at tumblr pa ako eh. Tinanggal ko na din.

Kasi ang mga kaibigan ko at social media, nandyan lang lahat ng yan. At ang mga kaibigan ko, pare parehas lang din naman kameng may mga pangarap sa buhay.

Tanggapin na naten ang katotohanan na may mga taong makakasama naten maglakad pero di tayo tutulungan nila maglakad. May ibang tao rin na di naten talaga makakasama sa pinakahuling tagumpay naten.

Kapag sinimulan mo na ang lahat. Tuloy tuloy na yan.

Kung di ka willing maglakad mag isa. Siguradong sigurado ako. Palagi ka nalang maliligaw o feeling mo nakakulong ka sa gawa gawa mong rehas.

Di dapat palagi kang tama.
Ang mantra ko sa sarili ko

“Ang buhay ko ay mali na dapat pang itama”.

Ganun lang. Maging tama man ako pagkatapos kong magkamali, mayroon at mayroon pa rin naman akong makikitang mali sa sarili ko. Kaya, mas tama lang na isipin ko na may dapat pang ayusin sa buhay ko.

Kasi kung tama na ako, eh ano pang ang i-improve ko para umunlad ako. Diba wala na. Kung sa sarili ko ay nasa mali ako, ‘to ang magiging daan upang mahalin ko ngayon ang proseso para itama ang buhay ko. Kuha po?

Halimbawa, ikaw?

Kung iniisip mong ligtas ka na at sa langit ka na. Nasa sa ‘yo yun.

Eh paano naman kung isipin mong di ka pa ligtas at nasa lugar ka ng walang katiyakan, malamang gagawa ka ng paraan para itama ang estado mo ngayon sa buhay.

Babalik muli tayo. Nasa sa ‘yo muli ang pagpapasya. At nasa sakin kung tama din ang sinasabi ko. hahaha

Pero kung iisipin mong may dapat pang iretoke sa ‘yo.

Gagawa ka na ngayon ng bagong strategy. Bagong simula. Unang hakbang para magtagumpay.

Kung pagsisikapan mo lang itama ang mali mong buhay, baka isa ka sa mga matatagumpay na tao na may kwento na nanggaling sa hirap at maling buhay na ngayon ay tama na.

Di ka tumatae palagi para umuO ka ng umuO.
This is one of my weakness in my entire life. Takot akong mag say “No”.

Iniisip ko kasi noon ang friendship palagi. Kaya sa bandang huli, ako din ang naiipit. Hayuf yang mga kaibigan ko na yan eh. hahaha

Kaya ang payo ko sayo, my friend.

Matuto ka din namang hum-inde.

Tandaan mo na limitado lang din ang oras mo dito sa lupa pati na rin ang katawang lupa mo kaya wag mong sayangin. In any moment, di mo alam na pwede kang lagutan ng hininga. Or habang nagta-type ka sa working table sa opisina, may tumama sayo na ligaw na bala, nalunok mo yung bala. O di kaya naman, dapuan ko ng malubhang karamdaman  hahaha parang ang lala na ng sinasabi ko.

Basta.

Magfocus ka sa lahat ng goals mo, NOW. You have the power to say “Nah“.

Kasi habang nagpapatay ka ng oras.

Habang ikaw nagba-browse sa internet ng kung ano ano, yung mga kasabay mo ay nagsisikap ng husto para sa mga career nila.

habang hinihitit mo ang sigarilyo mo, sa tuwing umiinom ka ng alak at habang nilulustay mo ang perang pinapadala ko! Sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito. Ang galing ni ate Vi dun noh. Vilmanian talaga ako eh.

Habang ikaw tumutoma sa mga bar, yung mga kasabayan mo nagsusunog ng kilay at naghahanap ng mga bagong pagkakakitaan o negosyo. Habang ikaw nakikipagchikahan, yung mga kasabayan mo pinagsasabay ang trabaho at pag aaral.

Hindi porket inalok ka ng iba, eh pagkakataon o opportunity mo na yun. Kung hindi naman makakatulong sa mga goals mo, pwede kang hum-inde. Ichinde?

Piliin mong maging mahusay.
Sa pagkakaalam ko, base sa nakita ng aking malanding mata at naamoy ng matalas kong ilong.

I-ilan lang talaga ang susugal na maging mahusay dito sa earth. May ilan na gustong maging Lebron James pero ayaw mag-ensayo ng todo.

Walang masama kung simple lang ang gusto mo.

Walang masama kung yan ang gusto mo. Wala ring masama kung pakikinggan mo ako.

Ang payo ko lang.

Paano kung lahat tayo ay mahusay. Ngayon palang, nai-imagine ko na napaka hi-tech ng buhay naten. Feeling ko lang. Lahat napaka-super. Kung ang motivation mo ang maging pinakamahusay. Sigurado ako, malaki ang presyo ng talent mo.

Sa totoo lang. Magiging mahusay ka naman talaga(pati ako) kapag may intensyon tayong maging mahusay. Tama diba? Syempre sasabihin mo saken

“Eh anong pake mo Ben, buhay ko ‘to”.

Eh di sorry.

Gusto ko lang naman makatulong ah. Nasira ba buhay mo? hahaha

Basta gusto kong magtagumpay tayo kaya ko sinulat to.

Kung ang presyo ng pagkapanalo mo ay mahal, ngayon palang simulan mo ng magpawis at maging dedikado sa trabaho. Simulan ng magsikap.

Tunay ngang maraming people ang gustong magkaroon ng magandang kinabukasan pero i-ilan lang ang gustong magsimula ng maganda.


Be willing to do what others won’t and live your wildest dreams!

Friday, June 23, 2017

SHIT IN THE ART OF WRITING


Recently, tnry kong magbackread sa lahat ng blogpost ko dito sa blog kong “Ang Mabuting Balita”. Inuna ko munang basahin yung mga may lessons na article na gawa ko at yung may kapupulutan ng aral para sa iba. La naman. Trip ko lang, saka para naman mabalik yung gigil ko sa writing at humasa ng husto yung espada ko, wala ng talim eh. Mapurol na.

Hindi madaling gawin ‘to para sakin.
Una, natatawa kasi ako kapag binabalikan ko yung mga ala-alang puro lang ako reklamo at pabebe noon, ang sakit palang isipin na wala akong ginawang kilos nung mga panahon iyon. haha Pangalawa, ang sarap pala talagang balikan yung month na may bago akong inspirasyon linggo-linggo, pero ang masakit na part, ay kulang ako sa effort para dun sa goal na yun. Nakakatawa ulit. Pangatlo naman, mahirap ‘to para saken kasi kung may mali akong makita sa grammar ko, ie-edit ko na naman yun.  Dagdag oras lang. haha

But guys. Ang saya magbackread.  Try niyo din.  Parang New year ang feeling. May bagong pag-asang paparating.

Inabot lang ako ng tatlong araw sa pagbabasa kasi nga di maganda ang pakiramdam ko nun. Sa loob ng tatlong araw na ‘to na nakaleave ako sa trabaho upang magpagaling sa sakit ko ay sinabay ko na din ang pagbabasa.

Wala akong ibang ginawa kundi paloadan muna ang pocket wifi ko ‘tas mag-internet maghapon sa bahay habang nakahiga sa kama. Lahat ng nakalap kong impormasyon na galing din sa akin ay tungkol sa pagsusulat.

Humihingi pala ako ng paumanhin sa mga masusugid kong mambabasa ng blog ko. Pasensya na sa aking katamaran. Wala tuloy kayong natutunan, charot.

Anyway, may isa lang akong aral na natutunan habang ako’y nagpapahinga sa bahay na hindi tungkol sa pagsusulat.

At ang ginintuang aral na to ay: Masaya naman talaga ang buhay mga tsong kung walang konseptong  "dapat ganito ka at meron ka nito".

Ayun lang. Yun lang yun. haha

Sige na. Eto na. Ibabahagi ko naman sa inyo ang aral na natutunan ko nung tinamad akong magsulat sa loob ng tatlong araw at sa loob ng bahay namen.  Mga blogpost kong nakapagpabago din ng buhay ko.

Here it is:

“Maging disiplinado ako. Bitawan ang gadgets.”
Habang yung mga kasabayan ko nagsusulat at nag-eensayo sa larangan ng sining at pagba-blog.  Ako naman ay walang ibang ginawa kundi magbrowse sa internet. Tangina. Addictus na ako sa social media. Walang oras na hindi ko hinawakan ang cellphone ko sa loob ng isang oras sa buong maghapon. Yan ang isang dahilan kaya di ako nakapagsulat this past few weeks. Tuluyan ng nawala ang disiplina ko sa sarili. Mabilis nabago ang habit ko. Dati di ako ganito. Talaga nga namang inimbento ang gadgets para ulit-ulit kong balikan iyon.

Kaya ngayon, paano ba ako nakapagsulat muli? May bago ba akong inspirasyon? Ang sagot ko ay “Wala”. May nadiskubre lang ako. Patay ngayon ang cellphone ko, bali naka-silent pala siya at tinaob ko. Nakatutok ako ngayon sa computer. Tahimik sa paligid na walang kapitbahay na salot na nagvi-videoke.

Nasimulan kong magsulat nung binitawan ko lahat ng distraction sa buhay ko.  Ganun lang kasimple. Makakapagsulat lang ako kapag wala na sa kamay, puso at mata ko ang social media.
“The discipline of writing something down is the first step toward making it happen.”- Lee Iacocca

“Magpakalunod sa pagbabasa.”
Di ako makapagsulat ng mga nagdaang araw kasi wala akong nabasa o binabasa. Kumbaga, walang letra sa utak ko na nakaimbak. Kailangan kong magbasa ng magbasa ng may katuturan na libro. Natutunan kong dapat langhapin ko ang pagbabasa na may content at makakahinga/mailalabas ko sa mga kamay ko ang sulat na may content din. It will flow. Pati, magmemorya ng mga bagong vocabulary words.

Di ko alam kung paano nangyari ang lahat. Basta sa kalagitnaan palagi ng pagbabasa ko, ihihinto ko nalang iyon kapag may something akong naalala na dapat ko palang isulat. Marahil, napaka-makapangyarihan ng akda ng binabasa kong libro kaya nasasalin sa akin ang kapanyarihan niya. Parang ganern.

“I am simply a ‘book drunkard.’ Books have the same irresistible temptation for me that liquor has for its devotee. I cannot withstand them.” — L.M. Montgomery


“Kahit na maputulan pa ako ng tatlong daliri.”
Kung isi-C.I. ang buhay ko, maraming oras para isingit ang pagsusulat sa schedule ko. Nainis lang talaga ako sa mga nagdaang isang linggo na hindi ako nakagawa ng magandang istorya o kwento. Dati pa nga, nai-sisingit ko lahat ng bagay basta tungkol sa ideyang naiisip ko, isusulat ko kagad yan. Siguro’y nabago nga talaga ang takbo ng utak ko ngayon, binulag ako ng makabagong problemang dumating kaya medyo naguluhan na naman ako ng konti. Baka nga talaga, nabago ang mga plano ko kaya di ako nakapagsulat at bumalik sa aking direksyon. Natuon ang focus ko sa mabibigat na bagay.

Kaya, ang lesson ko dito. Dapat kahit na nalulungkot ako sa trabaho o anumang sitwasyon, kailangan kong magsulat. Kapag nasa biyahe ako na may katabing amoy arabo, magsusulat pa din ako dapat. Wala talaga eh, ako lang din naman ang nasisira sa tuwing kinakaligtaan ko ang obligasyon ko. Itatanim ko sa isip ko na mahalaga ang ang ideya kasya sa baril. Oh paano napasok ang baril? Wala naman, naisip ko lang ngayon na ang ideya ay pwedeng makapagpabago ng buhay ng tao. Ang baril pwedeng makapagpatapos naman ng buhay ng tao.

Kaya ngayon, bago pa tong topic ko about sa writing tips, may naisip na akong ibang bagay bago pa tong blog na to eh.  Sa una, sinubukan kong mag isip ng seryoso. Eh di tumalab. Sakto nagbabas ako at may nakita akong bangkay sa magazine tungkol sa isang pulitiko at kapag nilipat ko naman ang pahina sa susunod, may kabastusan na nagaganap sa imahe. Inisip kong maigi, anong klaseng magazine to? Parang gago. Tas sabay tanong sa sarili ng “Mayroon bang pagkakaparehas ang sex at libing? Wala lang, para lang may maisulat ako. haha

At wag kayo. Meron akong nabuo. Eto ang mga posibleng sagot ko na parehas sabihin sa oras ng sex at libingan.
1. Di kita makakalimutan.
2. Mahirap ‘to para sa akin.
3. Mahal na mahal kita.
4. Akin na yung bulaklak.
5. Salamat sa pagdating.
6. Put it in a hole.
7. 'Bat nauna ka?
8. Mararamdaman mo na ang heaven.
9. Sa wakas.
10. Masakit.

hahaha Kaya kahit na maputulan ako ng daliri (pero wag naman sana, namu) ay magsusulat na talaga ako kung saan-saan kahit na anumang oras at pagkakataon. Baka matulad din ako sa sex at libing. LOL.

“Sarili ko muna ang ayusin ko.”
Kung yung mga chef nga hindi sila makagawa ng magandang luto o dish kapag wala sila sa mood nila. Ganun din ang isang writer, sa pagkakaalam ko, kung wala ako sa ulirat ngayon para magblog, siguro dapat mag-gym muna ako sa labas o magchill-chill muna ako sa mga resto para mabago naman ang environment ko. Upang sa gayon, maibalik ko ang sarili ko sa pagsusulat.

Ang totoo niyan. Hindi ako makapagsulat kapag ang gulo-gulo ng buhay ko. Hindi ako makapagsulat kapag may pinangangambahan ako. Hindi ako makapagsulat kapag may isang bagay akong di ko pa natatapos. Mahina lang ang aking puso, teh. Nakokonsensya kasi ako sa tuwing di ko nabalikan ang dapat kong gawin. huhu

Kaya ang aral na natutunan ko galing kay Jovit, (de joke lang.)

Ayusin ko muna ang sarili ko para makapagsulat ako ng maayos.

“May halaga din ang kalakal.”
Ako yung tipo ng taong kapag panget sa simula, ayoko na talagang ituloy pa. Minsan na-experience ko pa nga na ang ganda ng naisip kong intro tapos nung isusulat ko na, biglang nababaduyan na ako sa naisip ko.
Kayo? nangyari rin ba senyo yun?

Ngayon natutunan ko na ang pagsusulat ay di katulad ng construction working na kapag mali ang sinimulan mong gawa, wag mo ng ituloy. Yan ang rules sa engineering, na natutunan ko sa mga workers namen. Kasi nga diba, kung itutuloy mo lang ang sablay na move, baka may mapahamak o may gumiba lang.

Ngayon, tuturuan ko na ang sarili kong tumapos ng basura o kalat-kalat na ideya. Kahit ang dumi-dumi ng concept ko na kahit ako di ko magets ang pinupunto ko, itutuloy ko pa din. Pangako ko yan. Mahalaga ang tae-tae.

A writer can live about forty days without food
About three days without water or writing
About eight minutes without thinking about writing
But only for one second without an idea.

“Kusa kong makikilala ang titulo ko sa sarili.”
Actually, nagsimula ako sa pagba-blog o pagsusulat ng wala man lang akong background kung sino ang gagayahin ko, alam niyo yun, yung tipong napakabibo ko sa ginagawa ko na hindi ko naman alam kung tama ba o mali ang ginagawa ko. And additional, kung anong format ang dapat kong isulat. haha

Kung babasahin niyo ang pinaka una kong post sa blog na to. Talagang nakakatawa na ayoko na rin ulitin pang basahin hahaha dahil kung ano lang ang maisip ko sa mga oras na iyon, yung ang bibitawan ng mga daliri ko sa keyboard. Saklap beh.

So, therefore. I’ve learned  sa pagsusulat na maa-appreciate ako ng tao o mga readers ko basta isulat ko lang ang galing sa mapagmahal kong puso. Hindi kailangan ng kurso sa ganitong larangan. Ang kailangan lang ay dedikasyon sa pagsusulat. At pagpupursigi. Yan ang titulo ko.

Ilang ulit. Sulit na sulit.
Dahil nga binalikan ko ang lahat ng blogpost ko simula nung  2013, may ilan doon na nanghihinayang ako. Mapapasabi nalang ako ng

“Sana in-edit ko pa ito ng ilang ulit, mas mapapaganda ko pa to e. Sayang.”.

Ito yung blog ko na ang ganda sobra ng insights ko at ideya ko patungkol sa isang highschool student na nangangarap sa buhay.

Kaya, nung binasa ko ulit. Nakaramdam ako ng konting pagdismaya kasi feeling ko hindi ko nakumbinsi ang readers sa pinupunto ko. Sana in-edit ko pa yun ng todo-todo siguro dapat mga 30 times pa.
Masubukan nga dito sa blog ko ngayon. haha

In conclusion to this, papaabutin ko pa sa trentang edit ang gagawin ko sa susunod na blog at kasama ito.

“Walang batas sa pagsusulat.”
Alam na alam ko na dumating na kayo sa puntong nakatikim kayo ng kritisismo sa pagsusulat galing sa iba. Aaminin ko, nakatanggap na din ako at masakit kong tinanggap yun. huhu Eh anong magagawa ko, baguhan palang naman ako nun eh.

Mas maganda pala talaga na isulat ko lang ang gusto kong isulat kahit na labag sa paniniwala ng ibang tao ang ginawa ko. Lakompake. Kailangan kong pakinggan ang tibok ng puso ko sa pagsusulat at kusang maririnig ng iba ang tinig ng puso ko. Wow diba. haha

Well, to sum it up, walang batas sa pagsusulat. Tayo ang gagawa ng sarili nating batas na magpapaunlad sa sarili nating kakayahan sa writing.

“Tignan ko ang trabaho ng isang minero.”
Bukod sa hirap ng buhay ng isang Seaman na nagta-trabaho sa barko na malayo sa kanilang pamilya. Isa sa pinaka-kinahahangaan ko ang work ng isang minero na masasabi kong isang inspirasyon siya sa pagsusulat.

Para sa akin, napakalungkot ng buhay ng isang manunulat. Lalo na sa tuwing gumagawa ng nobela. Pero, sa tuwing iniisip ko kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga minero upang makakuha ng mina, mas namo-motivate akong magsulat ng husto. Di lang dahil risky ang ganung trabaho kundi dugo’t pawis ang nakasalalay sa ganung propesyon.

Dapat talaga sundin ko palagi ang nilalagay kong goals. Hindi maging negotiable ang target ko na pwedeng baguhin pa. Mas laliman ko pa ang dahilan ko. Tyagain kong kalkalin ang pinakamatinding mina.

“Di ko na dapat gaguhin ang sarili ko sa pag-iisip.”
Kahit nasa Mrt, Bus o Lrt ako, nag-iisip pa din ako ng konsepto sa pagsusulat. Palagi kong gusto na dapat sa bawat araw, may maisulat ako. Nagkamali ako sa tuwing nag-iisip ako at nilalapat ko lang sa isipan ko ang bawat scene na gusto ko.

Napagtanto ko, hindi pa pala ako nagsusulat nun, niloloko ko lang ang sarili ko. gago din eh no. Masayang masaya pa naman ako sa tuwing nakakagawa ako ng blogpost sa isang araw.
So, itong blogpost ko na to ang magiging lesson ko sa tuwing tinatamad ako. Di lang dapat sa isipan ko ilapat kundi isulat ko din talaga kagad.

“Walang sasalba sa’kin.”
Lagi nalang akong tumatagal sa aktibidad ko. Napipikon ako sa tuwing naghihintay nalang ako ng inspirasyon bago ako magsulat o gumawa ng matinong katha. Nag-iisip palagi ako ng something na kakaiba o something na di pa nagagawa ng iba.

Pero nung sinubukan ko namang magsulat lang kung ano ang naiisip ko. Mas nadadagdagan ang sinusulat ko. Ang dali lang. Siguro nga’y walang writer’s block. Sabi ko nga kanina, kahit pa gaano kadumi ang sulat ko, itutuloy ko lang, gaganda din naman yan. Nung hinawakan ko na ang papel at ballpen and Booom.. nakapagsimula na ako. At ito yun, ang blogpost na ‘to mismo ang nasulat ko.

Lesson: Isulat ko na kagad. Wala ng patumpik tumpik pa.

“Subukan kong magdiskubre.”
Base sa naging karanasan ko nung wala akong ginagawa, na balak ko sanay isulat kung ano lang ang nalalaman ko. Bigla akong tinamad. Natanong ko sa sarili na “Wala na ba akong aalaming bagong bagay?”. Ganun nalang ba talaga? Wala na ba akong i-improve?

Kaya ayun, nagbukas muli ako ng libro. Nagpakahenyo diba. haha

To summary, natutunan ko na mas maganda pala na magstick lang ako sa isang konseptong may posilibidad na kaya kong palawakin. Yung bago naman dapat. Kasi naisip ko, kapag alam ko na ang isang bagay, anong sense kung ishe-share ko pa, malamang alam din yan ng iba.
Susubukan ko palaging tumikim ng bagong ulam para masanay ang aking dila.

“Gawin kong swabe. Gawin kong light.”
Naranasan niyo na rin bang makatagpo kayo ng taong unlimited. Nakakapikon yung ilang ulit na niyang sinabi, uulitin na naman na parang sirang plaka, diba. Nakakaintindi naman ako. Kaya, nung nagbabasa ako ng ilang blog na mga pinoy ang writer. Sa kanila ako mismo natuto. Tinamad din ako mismo sa sistema nila na ulit ang pinapahiwatig. Ayoko yung magbibibgay ka pa ng dalawa o tatlong example sa punto mo. For me,  sapat na yung isa. Mas maganda pa rin yung madali lang maintindihan ng nagbabasa.

“Tigilan ang improvements at simulan ang blogpost.”
Ang isa sa pinaka kinapahamak ko ay yung “level-up mindset” ko sarili na dapat mahigitan ko yung last kong sinulat. Ganyan ko tratuhin ang blog ko noon. Kaya, minsan humahantong sa matagal na kasunod ang sulat ko. Ang tagal ng follow up. Parang ganun. Nate-tengga siya kumbaga. Ngayon, naintidihan ko na mas mahalaga pala na magsulat nalang kagad ako. Basta sulat lang. Wala na dapat akong pake sa rules ng writing. Ang mahalaga, nasa pedal pa rin ang aking mga paa at patuloy ang andar ng buhay ko sa pagsusulat.

“Tatagal lang lalo kung hihinto ako.”
Siguro naman, kahit gaano pa ako ka-talentadong tao, kung hihinto lang di naman ako sa tuwing madilim ang buhay ko o hihinto na naman ako sa tuwing may pinagdadaanan akong problema. Syento pursyento na  walang makakabasa ng sulat ko kung palagi nalang akong hihinto sa ganung pagkakataon. Nasabi kong “pagkakataon” iyon dahil dapat naman talaga magsulat kapag may pinagdadaanan upang mas lalong gumaan ang aking nararamdaman. Yun ang pagkakataon. Kung ako minsan ay tinatamad sa ginagawa ko, baka siguro tinatamad na din ang nagbabasa ng ginagawa ko. Magiging karma lang siguro yan.

“Wag kong piliin yung gusto ko lang.”
Marami palang dapat talagang isulat sa kapaligiran. Maraming dapat i-notice. Maraming dapat gawan ng kwento o anggulo na mas magpapaganda pa sa istorya, o kung anu man. Nararapat lang talaga na itatak ko sa isipan ko na lahat ng bagay dito sa mundo ay na-create ng may dahilan. Siguro nga, likas sa lahat ng tao na kapag di niya gusto ang ganito o ganyang bagay, binibitawan nalang nila kagad. Gaya ko. Ang mahalaga pala, dapat maging curious ako sa lahat ng bagay. Pagkumparahin kung kinakailangan.

“Magsimula ako sa wala, para magkaroon ako.”
Sa larangan ng pagsusulat,  sa lahat ng na-research ko na buhay ng isang writer, dadaan talaga lahat sa pinakamababa o pinakamahirap na kalagayan ang lahat lalo na’t nagsisimula palang. Kahit na si J.K. Rowling nga diba.  I mean, talaga gagawa ka muna ng blog, or di kaya magta-trabaho ka muna sa mga publishing company bago ka maging tuluyang full time writer. Dagdag mo pang ang masakit na rejections.
Ang isa sa mabigat na pinagdadaanan ko ngayon ay nagsusulat ako pero isinisingit ko lang sa trabaho. Plus pa, naging sakitin ako sa trabaho, kaya nauudlot sa pagsusulat. And konti lang ang nagbabasa ng mga ginagawa ko. Yan ang ilan sa mabibigat na challenge sa buhay ko.

Kaya nga sa kumpanya, hindi naman dapat ibinibigay ang pinakamabigat na gawain sa wala pa masyadong alam. Dadaan talaga sa matinding pagkakamali sa una. Sa pagiging apprentice o baguhan hanggang sa mag-improve ang trainee.
Don’t ask what your writing can do for you.
Ask yourself what your writing can do for your reader.

“Retokeng paulit-ulit.”
Gaya nga ng sinabi ko kanina, dapat kong tyagain na mag-edit ng mag-edit. Kung yung drawing nga sa architecture, dumadaan sa maraming revise hanggang sa maging mukhang zombie yung arkitek e, paano pa kaya ang pagsusulat ng magandang istorya o kwento diba na binubuhos ng husto ang napakalawak na imahinasyon. Siguro, kaya ko nasabing dapat i-edit ng i-edit dahil mas masarap ang pinakahuling katas. Tulad na lamang ng pagpipiga ng kalamansi. Natatakam kaya ako sa huling patak ng katas ng kalamansi. Tinitignan ko palang ang proseso ng pagpatak, ang pinakahuli ang nangangasim ako. Kaya siguro sa pagsusulat, nangangailangan talaga ng matinding pagpipiga sa sarili. Dahil na rin siguro mas masasarapan ang tao/nagbabasa sa takbo ng kwento.

“Tignan ko lang yung what-if. At werk na.”
Minsan sa kadahilanang gusto kong hindi mapahiya sa mga mambabasa ng blog ko, hinahanap ko ng todo ang pinakamagandang pag usapan na topic. Oo, alam ko na punong puno ng kaalaman ang ating henerasyon kaya nga nagpapakalunod ako sa talino eh. Ang problema nga lang, sa sobrang gusto kong makuha ang trip ko. Mas tumatagal lang.

Kaya ang lesson sa akin, wag ko ng isipin ang magandang ideya. Simulan ko nalang kagad. Atlis may nasimulan na, papagandahin ko nalang.  

“Magsulat lang ako kahit wala pang nakakapansin.”
Kahit sa baliw niyo pa itanong, mahirap magsalita ng mag-isa ng walang pumapansin. Di biro yun. Pero ibahin niyo ako sa blog ko. Tinutuloy ko lang kahit walang nagko-comment sa akin sa blog, masaya na ako sa isang taong bumisitang nag iwan ng komento. Pero bihira. Dahil alam kong isang araw, ang katulad ko ang babago sa takbo ng isip ng mga tao. Naks. Alam kong nasa proseso ako ng pagpapaunlad. Mapapasa-akin din ang atensyon nila. haha

“Buksan ko lang ang gripo.”
Dahil gusto kong palitan ang filter ng faucet namen kanina, may nakonek akong thoughts. Nung binuksan ko yung gripo, natutunan ko na mahalaga pala talaga na buksan ko lang ang gripo kung gusto kong may mahita. Ano ibig kong sabihin? Sa madaling salita, isulat ko lang. Isulat ko lang ng isulat. napapansin ko kasi na habang bukas at tumatakbo ang daloy ng tubig sa gripo, mas gumaganda at lumilinaw ang tubig. Gaya din sa pagsusulat ko, habang bukas at tuloy-tuloy lang ang mga kamay ko sa pagsusulat. Mas lalong gumaganda ang idea. Oh diba.

“Lahat ng nakikita ko ay magkakapareho.”
Lagi ko ng napapansin na maraming pagkakaparehas ang lahat ng bagay sa mundo. Kaya, natutunan ko na walang dahilan upang walang maisulat sa isang araw. Nung isang araw nga nakapagsulat ako ng tungkol sa isang isda sa loob ng tupperware sa ref. Wala naman, ang gusto ko lang pagtripan isulat, yung nag-uusap ang isda at ref tungkol sa amoy ng isda. Naiirita na yung ref. Hindi niya naman pwedeng alisin ang isda sa loob nito dahil mahal niya ang isdang iyon. Aw, so sweet.

Kaya guys, Happy Writing senyo.





Friday, June 9, 2017

10 LIFE LESSONS IN THE HALF OF 2017


1. What teaches me about “Humor/Laugh”.
-Madilim man, may nakakatawa pa din.
Hindi biro ang lahat ng napagdaanan ko ngayong kalahati palang ng taong 2017. Magkakahalong emosyon at karanasan. Madugo. Nakakabwisit. Nakakapikon. Nakakakilig. Nakakatuwa. Nakakabanas. Pero lahat ng yan, tinawanan ko lang. Nginitian ko lang lahat ng pagsubok. Basta masaya man, nakakalurkei ang ganap o malungkot man ang buhay ko. Basta tuloy pa rin ang karinyo at pag-enjoy ko sa pangro-romansa sa ‘kin ng buhay. Kahanga-hanga pa din naman ang buhay ko na punong puno ng katatawanan at kalokohan.
Ang baliktarin ko ang bawat side ng sitwasyon para makita ko ang nakakatawang solusyon. Yan ang madaling paraan ko upang makita ko ang bahagi ng comedy. Kalahati palang ng taon ‘to na walang humpay na aral ang hatid.

-Mas importantacious ang lahat ng ganap. 
Mahalaga para sa ‘kin na ma-notice ko ang di pa napapansin ng ibang tao na may nakakatawa palang bagay sa pangkaraniwang hanapbuhay natin araw-araw na di nila makita. Trabaho kong maituturing ang ganung klase ng obserbasyon ko sa paligid. Yung kahit wala naman talagang nakakatuwa o nakakatawa sa pangyayari pero hahanapan ko pa din para lang hindi maging boring ang usapan. Biyaya sa ‘kin ipinagkaloob na nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang nakakatawang anggulo ng pangyayari.

-Tawanan kasama ang mga bes. 
Napapangiti nalang ako sa mga kaibigan ko. Halos lahat ng kasabayan ko ay dalawa lang ang pino-problema sa tuwing magkakausap ko kame, kung hindi lovelife o kaya ay pera ang palaging reklamo nila. Dalawa lang talaga yan na  dapat harapin naten lalo na ng mga  batang 90’s. Yung minsan na nga lang kame magkita kita ng mga kaibigan ko, malungkot pa. Ang panget naman ata ‘nun diba. Boring ang buhay kung di magtatatawanan. Kaya dapat may halakhakan na may kasamang hagikhikan bago umuwi ng kanya-kanyang bahay.

-Magbigay ako ng Funny na komento. 
Natutuwa naman ako sa tuwing nagko-comment ako sa facebook ng mga picture ng mga kaibigan ko. Kahit, di ko na pinag isipan pa ang mga sinabi ko sa comment box nila, basta nakakatawa yung naisip ko. Sasabihin ko yun agad-agad. Wala akong pake kung may masagasaan ako. May iba, mapipikon sa ‘kin. May iba naman ang tagal bago ma-gets ang jokes na binitawan ko. Iba-iba  yan, ang mahalaga, may respeto pa rin  ako at nag-isip ako ng masaya. Investment ko sa sarili ko yun. haha

-Dapat masaya mag-isip. Mag-isip ng masaya.  
In times of adversity, mahirap mag-isip ng masaya. Lalo na nung nag-bleed ang wetpaks ko nung na-constipate ako. Sa loob palang ng CR, kinakabahan na ako. Biglang sasagi sa utak ko ang madugong kahapon ng buhay ko. Pero, pinipilit ko pa ring binubura sa isipan ko lahat ng iyon para lang sa ‘good shit’ na lalabas. Pasalamat nalang dahil pinapagana ko palagi ang kapangyarihan ng aking utak. Pine-play ko sa aking isipan ang magandang jebs na dapat lumabas. ‘Tas ayun na nga. Magandang jerbaks ang lalabas nga talaga. haha Kung ano ang inutos ng computer, yun dapat ang lumabas sa printer. Parang ganun ang ginagawa ko.

2. What teaches me about “Stress.”
-Ang stress ay dangerous. 
Nasabi ko na ‘to dati sa blog post ko eh. Uulitin ko lang talaga dahil nga, ‘to ang half lesson ni pareng 2017 sa kin. Ang stress ang unti-unting papatay sa tao. At ang isa sa pinakadahilan ng pagkakaroon ng sakit ng tao ay hindi paghandle ng maayos ng stress kaya madali silang nalalamon nito.

-Layuan ang mga taong Negatron.
Talagang banas na banas ako sa mga  taong puro reklamo sa buhay o kaya halimbawa kunyari di daw nila kayang gawin ang mga pina-plano nila. Sa isip ko, “Hala, ang dami mong oras magreklamo sa facebook pero di mo magawa kumilos o humanap ng paraan sa problema mo?”. Talagang suko ako sa ganun at walk out talaga sa ugali nila. Di ko sila hinuhusgahan sa mga bagay na di nila kaya, pero hello, sana man lang humingi sila ng tulong kung di talaga kaya, diba. Atar! Sila yung mga taong kahit paliwanag mo na ng essay na aabot pa sa 8 pages, wala talagang naa-absorb sa utakels nila. Sayang lang talaga laway sa kanila. Malaking bawas sa stress natin kung marunong tayong kumilala ng negatibong tao para di tayo masyado naaapektuhan sa kanila. Pero at the end of the day, kaibigan pa rin natin sila. Respeto pa din talaga.

-Wag umasa lahat sa kukute. Isulat din para bawas stress. 
Malaki ang epekto sa ‘kin ng mga problemang iniimbak ko sa utak ko. Feeling ko kapag iniisip ko ng iniisip lahat ng yun, para akong lababong barado na tuloy tuloy ang labas ng tubig sa gripo na hindi man lang bumababa ang tubig sa pipe. Ganun na ganun kapag ino-overthink ko ang problema. Kaya, wala akong ibang paraan kundi isulat nalang ‘to sa papel. Yan naman talaga ang madali kong gagawin eh, ang i-write. Every time na sinusulat ko kasi lahat, mas nagiging madali ang gameplan dahil nakikita ko ang dapat unahing i-solve.

-Wag kainin ng buo ang elepante. Paisa isa lang para di ma-stress.
Nakakatulog ako ng mahimbig sa gabi kapag sa goal na si-net ko, may nagawa man lang ako na kahit na 15% para dun sa loob ng isang araw. Okay na ako dun. Atlis, may nagawa ako diba. Nabawasan kahit papaano ang stress ko kapag ganun. Siguro, kung everyday ini-spent ko ang 15% ko para dun, edi tapos ko ang problema ko sa loob lang ng isang linggo. Pwede na din. Not bad.

-Mahabang Borlog para walang stress. 
Kung papa-torture kasi ako ng husto sa stress. Talagang di ako makakatulog sa gabi kahit naka-laklak pa ako ng isang case ng redhorse. Kaya, natuto na akong itulog nalang kapag di na talaga kaya. At kapag mahaba ang tulog ko, asahan ko yan na smooth at easy lang sa akin ang pagharap sa bawat hamon ng kapalaran. Importante sa ‘kin ang matulog. Ayokong ma-stress. Ayokong magkasakit. Ayun lang yun.

-Mai-istress lang ako kung patola ako sa lahat ng bagay.  
Natuto na akong di ko na dapat pakealamanan pa ang bagay na di ko kayang kontrolin. Halimbawa nalang, kapag di sumipot si ganito/ganyan dahil daw halimbawa naipit siya ng trapik, pero alam naman niyang kailangan na kailangan ko siya sa plan namen. Okay na nga saken kung ma-late siya eh, basta dumating sa araw na yun. Ang nangyayari nalang, di ko nalang siya iniisip masyado. Magsasabi nalang ako ng “Okay sige, ingat ka”. Pero sa loob loob ko nun, “Leche ka, hayup”. haha Bahala siya sa buhay niya. Ayokong ma-stress at masira ang araw ko ng dahil lang sa kanya. Ganun.

3. What teaches me about “Meditations”.
-It changed my Life
Sa ngayon, di ko pa maipaliwanag ng husto at wala pa akong konkretong dahilan kung bakit binago ang buhay ko ng meditation. Sa tuwing nagme-meditate ako ng 20 minutes sa isang araw, tang ina, ibang-iba ang takbo ng buhay ko sa buong araw. Nakakabilib.

-Pampatibay ng immune system ko. Feeling ko. 
Siguro dahil na rin iniisip kong malaki ang magiging epekto saken ng meditation kaya umuubra nga siya sa akin. Kumbaga, nakiki-cooperate din ako sa kailangan ng katawan ko. Ramdam ko eh. Alam ko na kumakalma ang lahat eh. Ang ganda ng takbo ng puso ko, bihira ako magkasakit at ang gaan-gaan isipin ng mga problema sa tuwing nagpa-practice ako ng proper breathing. Totoo naman eh, sabi din naman sa nabasa ko, meditation can lower our heart rate and blood pressure. Siguro nga totoo. Kasi na-experience ko eh. Talagang dama ko na mas lumulusog ako.

-Nakakabawas ng galit at tsokot. 
Alam ko sa sarili kong di ako nakapagmeditate kapag bigla akong inatake ng galit. Alam ko yan kapag ang dali kong maasar sa simpleng bagay. Saka, alam ko din na di ako nakapagmeditate kapag bigla akong kinabahan. May ganun akong instinct eh, bigla-bigla nalang akong kakabahan ng walang dahilan.

-Naregaluhan ako ng isang galloon ng  kapayapaan.
Isipin niyo to ah. Kung ginagawa ko yun(meditation) sa loob ng isang linggo. Ano na kaya ako ngayon? Siguro super alive ako nun. Or feeling ko katulad ko na din si Dalai Lama sa pagiging kalmadong tao. Oo, kasi talagang nagkakaroon ako ng peace of mind eh. Magaan ang buhay kapag nagme-meditate ako sa umaga. Nagiging masaya ang buhay kasi tama ang ritmo ng puso ko kumpara kapag nakaka-feel ako ng kaba at natatakot ako, para yung puso ko ay isang drum na ako ang humahampas pero may ibang tao rin na pumapalo sa drum ko kaya para ang gulo gulo ng tunog. Ganun.

-Dagdag enerhiya para sa buhay-buhay.  
Para sa a’kin, nagiging super Saiyan ako kapag nagme-meditate ako. Gumagapang sa buong katawan ko ang pinakamalakas  na enerhiya. Because I think, concentrated breathing and relaxation improves my blood circulation, giving me more energy to be productive and do enjoyable things in life.

4. What teaches me about “Food and Exercise and Water”.
-Obligado akong gamutin ang nakakiirita. 
Kung tiisan lang ang pag-uusapan. Masasabi kong pinanganak akong marunong magtiis. Dahil, mas pinili ko pa din kumita ng pera kaysa ubusin ang pera ko para tanggalin lang ang discomfortness sa katawan ko. Araw araw na struggle ko ang wetpaks ko pero di ako nagre-reklamo kung kanino bagkus mas natuto akong maging positibo at naging matapang na may malawak na pananaw sa buhay. Kaya, nakakahanap ako ng ibang alternatibong remedy sa pwet ko. Ito na ngayon ang kinakapitan ko, ang temporary remedy. But, naniniwala pa din akong magiging maayos ang lahat at magkakaroon ng miracle.

-More Fiber.
Sa ganung kalagayan ko, wala akong ibang choice kundi kumaen ng masustansyang pagkaen na makakatulong sa karamdaman ko. Bakit ko pa titigasan ang ulo ko kung pwede naman maging healthy. Eh katawan ko din naman to. At walang ibang mahihirapan sa bandang huli kundi ako din kapag pinabayaan ko ang sarili ko. Kaya, pinilit kong maging kaibigan ang mga fiber foods such as pinya, papaya, peras, pakwan at prune juice.

-More gym and exercise.
Nakikita ko na sa sarili ko na may improvement nga  talaga. Yung dating wala man lang kakorte-korte ang braso ko, ngayon nagkakalaman na. Ang hindi ko lang maipaliwanag ang walang pagbabago ng bewang ko. Ewan ko din, di na siya tumaba o lumobo pa. haha

-Proper time of drinking water.
Pag gising ko ng umaga, inom kagad ng tubig habang empty pa ang stomach ko. Bago kumaen sa lunch, inom din ng marami. ‘Tas bago umuwi, inom din ng maraming tubig. Para sa good shit, immune system at maayos na circulation ng blood ko sa katawan. Kailangan na kailangan ko ng maraming maraming tubig. Napakahalaga ng tubig sa katawan ng tao.

-Eat lots of fruit and veggies.
HIndi lang fiber foods kundi lahat ng masusustansyang pagkaen ay dapat kong maging kaibigan, yan ang sabi saken ng pareng 2017 sa kalahating buhay niya palang dito sa earth.

-Eat less salt and sugar
Importante na hanggat wala pa akong ibang nararamdaman milagro sa katawan, dapat sa ibang tao palang na may sakit ay matuto na ako. Di ko na dapat pang hayaang dumapo din sa akin ang ganung klaseng sakit. Kaya, lahat ng maaalat at pagkaen na marami ang content ng sugar ay iniiwasan ko na din. Kagaya nalang ng softdrinks.

-Don't skip breakfast
Kapag ako di nakapagbreakfast, nako, alam ko sa sarili kong mahina ako bago maglunch. Oo. Totoo. Parang di ako makapagfunction ng maayos kapag hindi ako nakapag-agahan sa umaga. At ang laking tulong kapag kumakaen ka ng breakfast sa umaga, helpful siya sa brain.

-Me as Placebo effect
Natutunan ko ngayon na ang tao ay na pwede din palang akong maging placebo effect sa sarili niya at sa ibang tao. Di lang pala ginagamit ng mga doctor yun sa medisina, kundi pwede din palang mismong tao ang maging placebo sa sarili niya nang sa gayun, mas madaling nagagamot ang karamdaman ng tao.

5. What teaches me about “First is Last”.
-Basta simulan ko magsulat. 
Sa pagsusulat ko, natutunan ko na walang ibang teknik kundi gawin ko na kagad and dapat kong isulat. Di ko na kailangan ng maraming inspirasyon para magsulat. basta sulat lang ng sulat kagad.

-Keep my goals top secret. 
I’ve learned na dapat di lahat sa blog sinasabi o sinusulat lahat. Kahit papaano dapat magtira ako para sa sarili ko. Nang sa gayun, maging regalo naman ako na nakakasurprise buksan. Parang ganun.

-Detalyado ang bawat hakbang or goals. 
Mahirap ko makuha ang isang bagay kapag di ko alam specifically ang gusto kong kunin. Kaya first thing na dapat malaman ko muna kung ano ba talaga ang gusto ko.

-Ang tamang tanong "bakit?" Anong dahilan? Specific 
Gaya nalang sa reconstruction ng bahay ni Mama. Kapag nakakaramdam na ako ng matinding pagod. Iniisip ko nalang palagi kung bakit ko ba ginagawa yun? Para kanino ba ang ginagawa kong paghihirap na to. Mas madaling nawawala ang pagod.

-Lagyan ng Imahenasyon ang Subconscious.
Madali kong nagagawa ang gusto ko kapag may image na ako sa utak ko ng gusto kong gawin gaya ng pagsusulat. Nakapila na sa brain ko ang bawat scene na dapat kong isulat. Gaya na rin sa pupuntahan ko. Iniisip ko muna bago ako lumarga na kung ano ang mga dapat kong gawin kapag nandon na ako.

-Plan for setbacks and failures.
Ito ang isa sa mabisang kong strategy para madali kong ma-overcome ang goals ko. Kinokontra ko na kagad. Nireready ko ang sarili ko sa pu-pwedeng maging hadlang sa daan ko.

6. What teaches me about Travel.
- Binigyan ako ng panibagong perspektibo sa buhay. 
This year, isang beses palang kame nakapagtravel sa Pilipinas kasama ko ang bestfriend ko pati si Angel. Nitong March 2017 lang ang huli nameng travel at sa Marikina yun. Siguro, kung ano ang natutunan ko sa pagta-travel malamang nasabi na rin yun ng mga maraming travel bloggers dito sa Pinas. Di hamak na mas maraming experience sila kaysa saken, diba. Pero syempre, wala akong magagawa kundi sabihin ko lang ang para sakin sariling saloobin. Wala namang masama dun diba.
Sa pagbiyahe ko.
Nagkaroon ako ng bagong perspektibo sa buhay nung naka-kawala ako ng tatlong araw dito sa opisina. Sobrang dami kong natutunan kapag nakakakita ako ng iba’t ibang mukha ng tao at ibang klaseng places. Isa lang ang masasabi ko, mas lalong lumawak pa ang mundo ko sa tuwing may bagong lugar akong napupuntahan. Sana mas maulit pa ang pagtravel ko. Sana linggo linggo nililibot ko ang mundo. Tutuparin ko yan. Iba’t ibang lugar sa mundo ang iikutin ko.

-Releases my untapped potential.
Sa pagbiyahe-biyahe ko at pagpunta sa iba’t ibang lugar, natutunan kong gamitin ang lahat ng skills ko. Pagdating sa sukli ng pera at pamasahe, financial budget skills ko yan. Pagdating sa nasira kong jacket dahil kinaen ng tricycle yun, natuto akong magtulak ng tricycle. haha Hindi, ang totoo niyan. Pag nakita kong halimbawa si kuya(example lang) nakaya niyang magtrabaho kahit unano siya, naiisip ko, tang ina edi ako, mas kaya ko din yun. Sa ganun, mas nabubuksan ang aking mga mata sa mga bagay na di ko makita.

-Ipakita ko mas masayang view ng buhay.
Ang laki ng pinagkaiba nung nalayo ang view ng mga mata ko sa trabaho ko. Habang lumalayo ang bina-byahe ko, nafe-feel ko ang excitement and adventure at nalalaman ko ang mga bagay na di ko pa nakikita at nadarama. Sa pagta-travel ko, na-realize ko ng husto na bakit ako tumatagal sa trabahong di ko gusto. Marami pa ang tigyawat ko sa bandang chin kaysa sa napupuntahan ko sa iba’t ibang lugar. Kaya ang gusto ko, bisyo ko na ang pagtatravel. Isasama ko siya sa dugo ko.

-Pampalawak ng imahinasyon ang pagta-travel. 
Ang laki ng epekto saken nung naipahinga ko ang katawang lupa ko at magmuni muni sa iabng lugar. Naiisip ko kung nasa tama pa ba ang ginagawa ko sa loob ng isang linggo. Natutunan kong mas madali palang mag-imagine ng masasayang bagay na walang stress kapag lumayo ako sa work mo.  Nararanasan kong hindi lang pala ang buhay ay nasa opisina lang. Tumingin lang ako sa kapaligiran, makikita ko ang ganda ng buhay ng walang kalakip na stress at pera. Kapag nakita ko kung gaano kaganda ang tanawin, ang sarap manirahan sa ulap at mag-gala -gala sa gubat.

-It can inspire me to pursue my passion.
Pag ino-obserbahan ko ng maigi ang resort na pinuntahan ko. Biglang sasagi sa isipan ko na “Ang galing naman ng negosyante na may-ari neto, patok na patok sa tao ang resort niya, ano kaya ang sinakripisyo niya bago niya nakamit lahat ng to”. ‘Tas bigla kong iisipin ang tunay na pangarap ko na dapat kong tuparin. Natutunan kong di ako makakapagtayo ng ganitong ka-successful na resort kung tatamad tamad ako at di ko ipaglalaban ang gusto kong trabaho. May mas magandang bagay pa pala kaysa sa paperworks.

7. What teaches me about my “Career”.
-Rule #1, First things first.
Yung problema ko last year, problema ko ulit ngayong taon. Wala akong sinacrifice eh. I’ve learned na habang di ko pa binibitawan ang bagay na nagpapahirap sa akin, mas lalong hihirap. Kapag wala akong ginawang hakbang para sa mga pangarap ko, tatanda akong magta-trabaho pa rin.

-Dapat may big impact palagi. 
Yung feeling na palagi kong pinapangarap na mapasaya ang libo-libong tao. Mabasa ng marami ang sulat. Mabago ko ang buhay ng ibang tao gamit ang matalino kong insight. Yan ang impact na gusto kong gawin.Kaya di ko na hinayaang maubos pa ang panahon ko sa walang kwentang bagay. Bawat araw tinotodo ko ang palo. Ang mahalaga gumagawa ako ng paraan para magkaroon ng meaning ang ginagawa ko.

-Maghihirap muna ako ng todo.  
Siguro nga di pa talaga ako dumadanas ng gapang ng isang sundalo. Di ko pa nararanasan ng todo ang matinding dumi o putik na dapat kong harapin. Ang alam ko lahat ng to mapagdadaanan ko. Bawat klase ng balakid dapat naaayon din ang approach ko dun. Walang akong choice kundi maging matatag para sa lahat ng pangarap ko. Dapat kong isa-isahin makamit lahat ng ‘to.

-Dun ako sa passionate ako. 
Tunay nga talaga mahirap mapunta sa lugar na di ka nababagay. Yung tipong lahat sila nakahubad, ikaw lang ang nakadamit sa lugar na yun. Something like that. Yung tipong parang nagdadalawang isip ka pa kung gagaya ka ba sa kanila. O kung mahihiya ka ba dahil lahat sila nakahubad o ie0enjoy nalang na nakadamit ka kaysa sa kanila. Ganun ang feeling ko right now.

-Take risks sa pagsusulat. 
Ang itinuro saken ni pareng 2017 ay mas doblehin ko pa ang ibinigay kong risk para sa gusto kong marating. Kulang pa daw ang ibinigay ko nung 2014, 2015, 2016 kaya dapat mas galingan ko pa. Simpleng simple lang ang lesson sa akin, kung di ko yun naabot, ibig sabihin kulang pa ang effort.

8. What teaches me about the “use of new technology”.
-Time for Action.
Bawat araw nalang ata may nakikita ako sa social media na iba’t ibang klase ng na-imbentong teknolohiya para mas gumaan pa ang pamumuhay ng tao. Senyales na to para makipagsabayan din ako. Aalamin ko ang latest para nang sa gayun, di ako napag-iiwanan para sa lahat ng needs ko. Di ibig sabihin neto na dapat na akong maging maluho sa gamit. Dapat lang na siyasatin ko ng mabuti kung ano ba ang technology na may sense. Yung may katuturan. Yung makabuluhan.

-Kaalaman. 
Sa bagong teknolohiya, mas nae-enggayo pa akong magbasa. Kasi kung tutuusin napakadali nalang ng magbasa. May PDF at Kindle na. Wala ng dahilan para tamarin pa. Kung hindi naman, pwede ng basahin ang libro kahit sa cellphone lang. Pwedeng pwede na. Kaya, napakahusay ng tulong ng teknolohiya sa pamumuhay ng maraming tao. Marami pa akong di alam sa teknolohiya, kaya gaya ng pagta-travel na pwede ko din siyang magamit dun, dapat kasama ko palagi ang travel at technology.

-Grab and Uber.
Sa tuwing napipikon ako sa mga taxi driver na angal ng angal at palaging tumatangi, samantalang Moa to Gil Puyat lang naman ang ruta. Basta, ayaw nila kapag malayo o di convenient sa lugar na dadaanan nila. Hindi nila papatusin ang pasahero kapag mababa ang bigay o walang dagdag. Kaya, sa bagong technology ng transportation, ang laki ng tulong saken ng Grab Apps. Eto ang gamit ko na apps eh. Isang click ko lang may driver na ako. Halos marami pang uusbong at magdadagdag na bagong gadgets na magpapaginhawa sa buhay ng tao. Pag-aaralan ko din to ng husto.

-News.
Natutunan kong kailangan ko pala ng TV kahit papaano sa buhay ko. Hindi para ma-entertain kundi para sa mahahalagang balita. Diyan din naman malalaman at manggagaling ang latest gadgets, health tips at iba pa, diba. Hindi lingid sa ating kaalamanan na mahalaga sa isang writer na katulad ko ang nakikinig at nagbabasa ng balita. Tama? Tamaaaa!

-Blogging.
Di ako makakapagblog kung walang computer. Oo, may notebook pero anong saysay nun kung meron naman akong laptop na madaling magbura at wala pang masasayang na papel. Kaya dun na ako sa technology pagdating sa writing. Sayang naman ang husay ko kung mabagal din mai-transfer ang sulat ko sa computer, diba.

9. What teaches me about “Managing Money”.
-Don't settle for single income. Don’t use one basket.
Katulad nalang sa issue ng BPI. Sinabi nila na nagkaroon daw ng posting error ang bangko nila. Pero feeling ko na-hacked yun eh. Ayaw lang nilang sabihin eh. Ang punto ko lang, dapat ang pera ko hindi nakadepende sa isang account or basket lang. Paano kapag nahulog o nasira ang basket na dala-dala nko, eh di sira na lahat. Mahalaga din na dapat may atlis 2 or 3 akong source of income. Halimbawa, syempre kung paano kapag nabuntis ang girlfriend ko. Paano kung magkaroon ng emergency.  Paano ang kasal. Paano nalang diba.

-Savings.
Ito ang isa sa di ko tinanggal sa ugali ko. Malaking lessons sa akin ang pagse-save. Ang mag-impok ng pera.
For the record,  sa ATM ko na hindi ako dumating sa puntong na-zero ang bank account ko. Palaging may nakatabing 2 months salary. Ganyan ang diskarte ko. ‘Tas simula nung January 2017, sinimulan ko din ang P100 per day. Hanggang ngayon  kalahati na ng taon, ginagawa ko pa din. Magaling ako mag-ipon, pramis.

-Investment.
Yan ang isa sa lesson ko na dapat kong pasukin. Isasakripisyo ko lahat para lang makapag-invest ako. Hindi biro yung wala akong knowledge sa pag-iinvest. Hindi nakakatuwa yun. haha  Sa totoo lang talaga, ang pinaka kinakatakutan ko ay ang maghikahos sa pera.

-Business
Isa rin to sa dapat meron ako ngayon taon. Hindi pu-pwedeng wala akong negosyo. Dapat akong maging entrepreneur habang ginagawa ko ang passion ko. Dapat ko ng simualng magnegosyo.  Itataya ko ang lahat para lang mas kumita pa ng pera. Gusto kong magkaroon ng negosyo.

-Find opportunity
Marahil sa dami ng opportunity sa Pilipinas, minsan binubulag na ako ng sarili kong pananaw kaya di ko lahat makita iyon. Kaya ngayon, gagawa ako ng paraan para pasukin lahat ng pagkakataon na pwede para sa skills ko. At lalo na sa talento ko. Yayakapin ko lahat ng nakabukas na pinto para sa akin.

10. What teaches me about “Time Management”.
-Wake up early
Ang dami ko ng utang sa kumpanya at sa sarili ko sa tuwing nale-late ako. Kaya, ngayong kalahati palang ang taon, sisikapin ko ng maging maagap sa oras. Minsan sa totoo lang talaga, mahirap labanan ang sakit ng ulo pag gigising na eh. Ang sakit talaga sobra.

-Learn to say “Nah”
Natututo na ako dati na walang patutunguhan ang isang okasyon kung walang magandang dahilan para pumunta dito. Una, kapag di to naaayon sa mga goals ko o di kaya walang maitutulong para sa goals ko. Kpaag inuman, Oo kagad ako. Kapag party, sama kagad ako. Kaya madaming nasasayang oras sa akin.

-Writing Time Anytime.
This year, lahat ng sobra kong oras ay inilalaan ko sa pagsusulat. Sulit na sulit ang sinasayang kong oras sa pagsusulat. Mas lalo pa akong nanggi-gigil na palawakin pa ang aking imahinasyon. Isinisingit ko nalang ang pagsusulat ko sa trabaho, once na mabigyan ako ng pagkakataong maging full tim writer, di ako magiging kampante.

-Know my deadlines at my priorities.
Ang isa sa pagkakamali ko, sa lahat ng gusto kong makuha o maabot, di ako naglalagay ng deadline. Nagiging negotiable lahat ng goal ko, na pu-pwedeng baliin. Yan ang isa sa turo saken ni pareng 2017 na dapat kong intindihin ng hsuto. Sundin ko dapat ang nilagay kong deadline.

-Block out distractions.
San man ako mapunta. Honestly, madali akong ma-distract kagad. Kaya, kapag nagulo na ang game plan ko, asahan ko yan, wasak na rin ang buong oras ko. Wala talagang ibang dapat gawin kundi ang matinding focus.

Tuesday, June 6, 2017

DAIG KA PA NG APPRENTICE.


 “Di ka makakahanap ng magandang trabaho kapag di ka nakapagtapos ng kolehiyo, tandaan mo yan!”
“Walang tatanggap sayong kumpanya kung di ka nakapag-aral”
“Kapag mataas ang edukasyon mo, maganda ang kinabukasan mo”

Yan ang madalas na gawing hanash ng ating mga magulang para i-motivate tayong mag-aral at di magpabaya kapag tu-tungtong na ang ating mga paa sa kolehiyo. Relate din ba kayo?

Ang tanong ko naman, paano naman yung mga hindi nakapagkolehiyo o walang balak mag-college? May pag-asa din ba sila? Tingin niyo? May future ba sila?

I think. Meron.

Kaya naman, gumawa ako ng blog tungkol sa mga gustong maging apprentice na kagad na naguguluhan pa din.

Halika. Sumama ka saken. Ililihis ko kayo sa maling landas.

Di ako galit sa lahat ng unibersidad sa mundo o sa sistema ng ating edukasyon. Wala pong mali sa kanilang motibo para sa lahat ng kabataan/tao na gustong matuto at makapag-aral upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ibibigay ko lang ang sarili kong opinyon kung sakaling gustuhin mong maging apprentice kagad.  Dahil para sa aking sariling opinyon, mataas ang tyansa mong magtagumpay sa buhay kung maging baguhan ka kagad sa isang kumpanya kung di ka nakapagkolehiyo. Diskarte lang talaga. Mahirap makapasok kung di nakapag-aral pero ang sabi ko nga, diskarte lang talaga.

Malaki din ang tyansa mong maging milyonaryo kagad. Maniwala ka.  

Saan mang sulok ng mundo, kung meron mang sulok nga ‘to, lahat ng magulang ay pabor na magkolehiyo muna ang kanilang anak bago maging apprentice sa kumpanya. Tama nga naman, di pa handa ang kanilang bata/student na sumabak sa matinding stress at overtime.

Naniniwala pa rin akong marami pa rin tututol na unahin muna ang apprenticeship bago magkolehiyo. Get’s ko yan.

For my own opinion, mas marami kang uubusing oras sa unibersidad kaysa sa trabaho na kagad. Uulitin ko po. Walang masama sa pag-aaral sa kolehiyo, gusto ko lang tulungan ang mga kapwa pinoy nateng gusto na kagad magsimula bilang apprentice. Lakasan lang talaga ng loob, kapal ng mukha at willing dapat matuto ang tanging puhunan sa ganitong laro.

Marami akong nakalap na advantages at disadvantages sa dalawang pagpipiliang choices.

Isa na rin ang social life.

Pagdating naman sa friendship, di ko din masasabi kung mas maraming kaibigan ang mga nagkolehiyo kaysa sa mga nagtrabaho kagad. Para sa’kin kasi ay depende iyon. Kung di ka naman talaga pala-kaibigan, wala ka talagang kaibigan. Meron nga akong classmate nung college, sa dami daw ng mga nakilala niya nung nasa university pa kame kasi nga maganda siyang babae, i-ilan lang daw talaga ang nag-stay o naging totoo sa buhay niya eh. Mabibilang mo lang talaga sa daliri ang matitira mong kaibigan, depende rin talaga sa ugali mo. haha Eh ano ba mas mahalaga para sayo, ang mag-aral, guminhawa sa buhay o lumandi?

Gusto mo bang mag-apply ng trabaho pero wala ka pang experience? Which path is right for you depends on your ambitions, interests and abilities?

Mayroon akong kilala, isa siyang Cum laude sa university sa probinsya nila pero nahirapan siyang humanap ng trabaho dito sa Metro Manila nung nag-aapply na siya. Naisip ko, baka naman siguro kaya siya mahirap mapili ay baka mga kasabayan niya ay “Summa Cum Laude” na mas mataas sa kanya haha o mga kamag anak ng presidente ng kumpanya ang nakasabay niya kaya di siya natanggap. haha Talo talaga siya dun.

Sabagay ako, naranasan ko na yung mag apply eh. Madami na din beses bago ako pumasok sa trabaho ko ngayon. Naranasan ko ang pantay-pantay na tingin ng hiring manager sa applicant tapos kasabay ko pa yung mga may experience sa  field na pinapasukan ko. Kaya, kanya-kanya lang talaga ng kapalaran sa kumpanya. Natanggap nga ako ng dahil ako’y baguhan palang na wala pang experience. Kasabay ko yung may matanda na at may experience pa eh . Pero ako pa din yung pinili kasi ang gusto ng kumpanya ay yung nagde-demand lang ng mababang sahod, gaya ko. haha

Pero kung ako ang tatanungin,

kung ikaw naman ay di nakapagkolehiyo at balak mong maging apprentice kagad. Ang maisasagot ko sayo ay “Pwedeng pwede”.

Basta maniwala ka lang na kaya mong pasukin ang gusto mong trabaho. Gamitan mo ng Law of Attraction. Pag-aralan mo ng maigi ang papasukin mo. Magready ka na sa background ng company na gusto mong applyan. I-ready mo na rin ang mga isa-sagot mo sa mga job interview na related sa field na papasukan mo. Wag na wag mong kakalimutan ang worth mo. Matuto ka din balansehin ang tamang confidence sa sarili na handang matuto na hindi yung pabibo lang. There is nothing more pleasing to a company than seeing their apprentice get a real kick out of what they are learning.

Sa karera ng tunay na buhay. Minsan talo ang nagkolehiyo. Lalo na kung walang determinasyon sa sarili.  Tama? throat! Basta bahala ka na. haha

Kaya, kung nagbabalak kang maging apprentice na kagad sa isang kumpanya at medyo duda at kinakabahan ka pa sa papasukin mong trabaho. Ang maipapayo ko sayo. Nasa sayo ang baraha, kapatid. Hawak mo ang alas.

At nasa sayo din kung mag-uubos ka ng oras o di ka magpapakabaya sa karera mo.

Malaking tulong ang pagiging apprentice kagad sa trabaho kung di mo alam.

Bakit kamo?

Bigyan kita ng mga dahilan.

1. Aalalayan ka sa apprenticeship kung naguguluhan ka pa sa karera mo.

Marami-rami din akong kakilala nung college, nagshift din talaga ng career. Yung iba ang reason kasi ang parents niya, gusto siyang maging arkitek o di kaya nurse. Eh ayaw niya naman nun, kaya humantong siya sa puntong  nagta-trabaho na siya sa kumpanyang di niya gusto, saka palang siya maghahanap ng gusto niyang passion. May iba naman, habang tumatakbo ang panahon ng pag-aaral sa kolehiyo, pinagsasabay ang gusto niyang passion at ang kurso na desisyon ng kanyang magulang. Well, iba-iba talaga. Bawal talaga magpaka-kampante kapag graduate ka na sa high school, marunong ka na dapat sa responsibilidad.

Ano ang gusto kong tumbukin? Iba-iba ang diskarte naten, kung apprentice ka, mahaba pa ang panahon mo para makapag-adjust. Advantage na yung nasa field ka na ng totoong buhay, ang trabaho.

Kaya sa aking opinyon, okay na okay din yung maging apprentice ka na muna kung naguguluhan ka pa sa tinatahak mo. Ang pagiging apprentice ang magbibigay sayo ng oportunidad para mag-try, or mag-experiment ng bagong work environment.

Alam naman natin talaga na kapag pumasok ka sa trabaho, kung ano ang madatnan mo sa una, yun na yun. Ganun na ganun ang scenario araw-araw. Kumpara sa kolehiyo na minsan, mauubos talaga ang panahon mo sa subject na di naman ina-attendan ng mga professor. Sayang lang talaga ang time.

Saka kung ayaw mo naman ang pagiging apprentice mo, pwede kang bumitaw kagad gaya ng ginawa mo kay ex na walang masasayang na pera, di tulad ng kapag nag-enroll ka sa eskwelahan at naisipan mong lumipat sa ibang school, ay di mo na makukuha ang perang ibinayad mo. Kaya, tama din magsimula kagad sa pagiging apprentice. Di sa pagyayabang, maraming naging successful na di nakatapos na kolehiyo.

Ngunit, nasa sayo talaga yan, tsong.

(Eh paano naman kapag lumipat siya sa ibang kumpanya, depende pa din, may kumpanyang mas hinahanap ang may experience na kaagad. Kaya panalo siya kagad dun.)

May tips ako sayo kung sakaling pumasok ka sa isang company at apprentice ka palang.

Tips:
A. Tanggapin mo ang responsibilidad. Kapag wala pang pinapagawa sayo sa unang two weeks sa work, sabihin mo sa boss mo na ready ka na sa activity niyo.

B. Ask more questions.

C. Matuto kang makisama sa ibang ka-workmate mo. Ang sarap kaya i-promote ng taong may team work na ina-angat niya din ang mga kasama niya. Astig yung ganun.

D. Or di kaya, humataw ka na. Ipakita mo din sa boss mo na you want the promotion. Ganern.

E. Alam naman naten na ang mga nakapag kolehiyo, marami ng alam kapag sasabak na sa trabaho. Pero syempre, kung apprentice ka palang. Di ka naman pababayaan ng mentor mo kung dedikado ka talaga sa trabahong gusto mo.

 2. Para ka ng may sariling pamilya kagad.

Sa totoo lang, di naman talaga biro na pasukin kagad ang trabaho. May kalakip talaga na malaking responsibilidad.

Kahanga hanga ka pa kung  wala kang kakaba-kaba at takot sa dibdib sa lahat na iaatang na task sayo. Okay na okay yung, dre.

Advantage pa nga minsan na kapag bata ka pa, di ka talaga takot magkamali o pumalya dahil nga bata o baguhan ka lang sa kumpanya.

Diyan ka naman talaga uunlad diba, kapag di ka na takot sa responsibilidad, kahit ano pa yan, pamilya o trabaho, parehas lang yan na malaking maitutulong sa development ng tao pagdating sa pagtanggap ng responsibilidad.

Di porket tradisyon at kultura sa lahat na kailangan ay makatapos ka ng kolehiyo ay susunod ka na rin. Basta tandaan mo, may sarili kang desisyon at pananaw sa buhay. Ikaw ang may hawak ng kapalaran mo.

At tanging opinyon ko lang ang lahat ng ‘to. Nasa sayo pa din.

Darating at darating ang panahon na mada-down ka dahil kunyari kapag may okasyon laging tatanungin ka kung ano ang natapos mo at wala kang maisagot. Hayaan mo lang, ganyan ang buhay, yung mga walang maipagmalaki sa una yun ang mas nagtatagumpay sa huli. Gamitin mo yun palagi na motivation kung ano ang meron ka.

Kung seryoso ka na maging apprentice kagad at naniniwala ka sakin. Ngayon palang sinasabi ko na seryoso din ako sa sinasabi ko sayo. Wag ka lang magpapabaya, bes! Magsikap ka palagi, doble-kayod, nabuhay ka para gawin ang gusto mo, hindi ng gusto ng ibang tao at syempre dapat maging boss ka sa sarili mong buhay. Ganun po.

Pansinin mo sa magandang pelikula, laging may weaknesses ang bida tapos challenge sa kanya kung paano niya iso-solve ang problema niya then eventually  mare-realize niya na kailangan talaga magbago ng attitude o character niya toward sa kanyang weaknesses. Ano ang pinu-punto ko? Laging may turning point, maaaring naghihirap ka ngayon at walang kasiguraduhan sa magiging furure mo sa napili mong karera pero minsan kailangan mo din talaga magchange ng routine or chararcter para maabot mo ang dreams mo.

Kapag apprentice ka na kagad. Handa ka na kagad sa responsibilidad.

Tips:
A. Kapag apprentice ka na sa trabaho, pasiklab ka minsan teh, Ang strong work goes up the chain, improves the company, and gets you noticed. Try mo magvolunteer sa isang project. Kapag pinapakita mong handa ka sa bagong responsilidad ng proyekto ng kumpanya, it can lead to greater job satisfaction, better work performance, and perhaps even a new direction for your career.

B. Mahalaga talaga ang work ethic. At syempre ang attitude mo. Bawal ang may uma-attitude. Di na obligasyon ng boss mo ma-stress sa ugali mo. Tatanggalin ka kagad niyan, automatic. haha

C. Pag-aralan mo ng husto kung paano bumangis sa larangan mo. Magkaiba ang pumapasok sa eskwelahan kaysa sa nag-aaral ng mabuti. Parang ganun sa trabaho, magkaiba ang nagta-trabaho kaysa nagta-trabaho ng magaling.

Mahalaga din na kilalanin mo ng husto ang boss mo. Kung sino ang sinusundan mong leader, maaaring maging katulad mo din siya at malaki ang magiging impact niya sayoin the near future. Siyasatin mo ng maigi kung paano mag-isip ang boss mo, paano magtrabaho, ano ang rules niya sa trabaho at kung paano siya magmanage ng project, at saka mo na maiaa-align ang sarili mo sa kanya.

3. Mas masarap ang experience.
Ahead ka sa iba. Isipin mo ah, kung habang tumatakbo ang working hour mo sa opisina at tinuturuan ka ng mga ka-workmate mo sa mga di mo pa alam na bagay, malamang sa field na pinili mo, di malabong umabot ka sa 40% na kagad para matutunan ang di mo pa alam. Matututo ka pa ng ibang hints and tips from your mentor.

Kumpara naman sa university na kapag bumagsak ka sa di mo ma-gets, yung talagang engot ka na sa subject na yun ay wala kang ibang gagawin kundi kunin ulit ang subject/unit na ‘yon. Syempre, involve na naman dyan ang financial. Gastos na naman yan. Wala namang company na kapag nagkamali ka ay magmumulta ka. Diba wala. Wag ka lang talaga manipis o madaling madurog ang damdamin kapag mase-sermunan pag may failure, kasama yan, iba-iba ang klase ng boss sa mundo. Di lang ikaw ang pinagpala na kahit ubod ka ng palpak sa trabaho pero ngingiti parin ang amo mo sayo at papalakpakan ka. Walang ganun. Minsan talagga, di maiiwasan makatanggap ng masasakit na salita. 

Ang payo ko sa yo friend kapag apprentice ka na.

Tips:
A. Make your boss’s job easier or make his or her job obsolete.

B. I-prove mo. Tapusin mo yung sinimulan mong workload. Wag mo ng ipagpabukas pa o i-overtime pa kung kaya naman tapusin kapad bago mag-uwian. .

C. Syempre, di mawawala na dapat humble ka, inquisitive, passionate, and hungry sa trabaho. Hindi yung gutom ka na laging nasa pantry ng office ah. Iba yun. haha

4. May pera ka na. Natuto ka pa.
Oh mukhang nakukumbisi na kita ah. Nakaabot ka sa ang pang-apat na reasons ko eh. haha

Kung gusto mong maging apprentice talaga, di imposibleng dadaan ka muna sa mababang sahod. Wag kang makapal ang mukha na mag-eexpect kagad ng mataas na kita. Langganun.

Marahil sasabihin ng iba o makakarinig ka ng chismis galing sa di mapagkakatiwalaan tao na maririnig mong

“Di kasi mapromote promote si ganyan(ikaw) kasi di nakatuntong ng kolehiyo eh”.

Para sa akin, maling mali yung ganung paniniwala. Marami akong kilala na tumaas ang sahod dahil talagang malupit talaga sa trabaho. Di dahil nakapagkolehiyo. Ang taktika niya, halos kapag weekend, mina-master niya ang paper works namen sa bahay nila. Walang ibang bukam bibig kundi ang trabaho. Makikita mo pa rin sa kanya na kahit hirap na hirap na siya sa ginagawa niya, naka-smile pa din, kasi gusto niya ang ginagawa niya. Yan ang positive attitude. Dahil gusto niya talaga ang trabaho.

Naniniwala naman ako na kung magaling ka, walang dahilan para di ka pasahurin o dagdagan ng kita sa trabaho. Dahil unang una kailangan ka nila sa kumpanya, ang katulad mong ubod ng husay, bakit pa sila magha-hire ng bagong graduate na mahirap turuan.

Kumikita ka na. Mabilis ka pang umuunlad sa field mo. Saan ka pa.

At ang huling advice ko sayo.

Tips:
A. Keep a Positive Attitude. The people who typically get promoted keep their cool under stress.

B. Magpakita ka ng competence, diligence, intelligence, loyalty sa trabaho. Basta magkaroon ka ng pride sa work.

C. Saka iwasan mo din ang tsismis. Yan ang isa sa kinapahamak ko. haha Ipakita mong mapagkakatiwalaan ka. Wala ka ng pake kung babaero ang boss mo. Labas ka na dun.

D. Syempre kapag nagpakita ka ng commitment sa work. Siguradong may reward yan.

So, to sum it up,

Ang pagiging apprentice ay isang sugal. You need to consider your own personal circumstances. Sabi ko nga kanina, kung magpapabaya ka at di ka mag e-excel sa trabaho. Bandang huli, ang talo ay ikaw din. Walang talo sa pagiging baguhan kung di nakatungtong ng kolehiyo, ang mahalaga ay handa kang harapin lahat ng hamon.

Kung gusto mong magkolehiyo. Walang masama. Kung gusto mong maging apprentice na kagad. Walang masama.

Pero kung nahimok na kitang maging apprentice na kagad. Simulan mo na. Ikaw ang gagawa ng lahat. It’s all up to you!