Thursday, June 1, 2017

“NASA SA’YO ANG ENDING NG PELIKULA”


“Eto na ‘yun, etong eto na ‘yun” sabi ni Tino sa sarili niya na punong puno ng kasiyahan.

Hawak-hawak niya pa rin mula sa pagtulog niya ang pinaghirapan niyang published na book.

Eto na ang oras na dapat niyang unahan ang pagsikat ng araw sa umaga. Ayaw ni Tino na ma-late sa event para sa pinaka-importanteng kasaysayan ng buhay niya. Kaya, inihanda niya na lahat ng ka-kailanganin sa pagsasalita niya mamaya para sa kanyang ginawang libro.

Nang tuluyan na niyang iniwan ang kanyang kwarto na may halong kaba at pagka-excite sa pupuntahan niya.

Maaga siyang nakarating doon.  Pawis na pawis. Pagod ang kamay at braso. Sa layo ba naman ng event sa bahay nila, talagang kailangan niya talaga ng limang oras para lakbayin ang lugar na iyon. Ang dami niya pang bitbit na libro.

Wala pang katao-tao sa teatro na iyon at mukhang maaga pa naman ang oras kaya muli niyang kinabisado ang maaaring isagot niya sa posibleng itanong ng mga mambabasa ng kanyang libro.

Mag-isa lang siya sa kwarto dun. Handang-handa na siya. Naubos niya na rin ang iniinom niyang bottled mineral water. Sinilip niya ang bintana ng teatro, nasilayan niya sa malayo na unti-unti nang dumadating ang mga taong gustong tumangkilik sa nilalaman ng kanyang libro .

Pumatak na ang kamay ng orasan sa alas-nuwebe.

Nagsimula na ang palatuntunan.

Sabi ng isang lalaki sa kanya: “Ikaw na po ang susunod na tatawagin, Mr. Tino”.

Kaya, nagsimula na siyang magdasal at nag-isip ng masasayang bagay sa natitirang segundo niya sa paghihintay.

Payo pa ng isang lalaking kasabay niya doon:  “Huminga ka ng malalim, sir at sabay ibuga mo ang hangin na di na kailangan ng katawan mo” Sabay tawa ng lalaki upang mawala ang kaba ni Tino.

Tinawag na ang pangalan ni Tino at tinulungan na siya ng lalaki na kasabay niya sa paglabas.

Sa kalagitnaan ng pagsasalita niya. Mababatid sa mga mata ng mga nakikinig ang saya sa tunay na nilalaman ng kwento ni Tino. Tila, bigla silang namulat na mayroon pa palang ganung klaseng inspirasyon na nakabalot sa kwento ng libro ni Tino  na hindi na niya isinulat doon.  

Nagustuhan ng lahat ang naging sagot niya sa bawat tanong ng mga nakikinig. Nagpalakpakan ang lahat. Natapos na ang kanyang pagsasalita at isa-isa ng pumila ang ilan para humingi sa kanya ng kakaunting mensahe at pirma para sa binili nilang libro ni Tino.

“Pagpasensyahan niyo na po kung di ako makakatayo sa mga nagpapa-picture ah, napagod lang po talaga ako sa biyahe. hahaha Sensya na din kung nanginginig pa ang mga kamay ko sa pagsulat” nakangiting biro ni Tino.

May isang matandang nagsabi na: “Tunay ka ngang kahanga hanga Tino sa talento mong taglay. Isang kakaibang kwento ang kapupulutan ng aral ng mga tagahanga mo at mga mambabasa mo.”

Pasasalamat nalang ang nabanggit  ni Tino sa lahat ng magagandang sinabi ng mga bumili ng libro niya.

Walang makakapantay ng kanyang tuwa sa unang sabak niya palang sa ganung klaseng pagsasalita sa maraming tao. Mukhang mas marami pang bibili ng libro niya dahil sa inihain niyang maka-masang kwento ng pagasa.

Ang matagal na niyang hinihintay ay natupad na.

Lubos na nagustuhan rin ng mga kamag-anak niya, kaibigan at pamilya niya ang ginawa niyang libro. Nakakahanga kung iisipin na sa murang edad niya palang, kaya na niyang gumawa ng isang libro na punong puno ng masasayang istorya, mabubulaklak na salita, at mga kwento ng sarili niyang problema sa buhay na talagang nakakahanga at nagbigay ng inspirasyon sa lahat ng nagbabasa nito.

Natapos ang pagsasalita niya nung nag-iwan siya ng isang binhi ng mensahe sa lahat ng nakikinig upang mabigyan muli sila ng pagasa na magsulat gaya ng ginawa niya.

(Kung gaano kalayo ang nilakbay niya papunta doon sa event ay ganun din ang gagawin niya pag-uwi. )

Sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kinita ng kanyang libro. Walang araw na walang taong magtatanong sa kanya tungkol sa libro niya. Tila baga nakatikim sila na napakasarap na lechon na may kakaibang sarsa na ngayon lang nila natikman. Ganyan ang librong ginawa ni Tino. Sunod sunod na biyaya ang dumating sa kanya simula nang umusbong ang makabagdamdaming kwentong ginawa niya tungkol sa buhay ng tunay na Pilipino.

Isa nalang ang gusto niyang matupad. Ang maisa-pelikula ang libro niya at mapanood ng maraming Pinoy.

Habang siya’y mag-isa sa kanyang kwarto at gumagawa muli ng bagong istorya para sa bago niyang libro ay tumawag ang isang kumpanya ng pelikula sa kanya.

Nagustuhan ng ‘kumpanya ng pelikula’ ang book niya at nagdesisyon itong simulan nang gawin ang proyekto para sa libro ni Tino upang isasa-pelikula. Laking tuwa ni Tino ng marinig ang magandang balitang iyon at binitawan niya muna ang bagong kwentong ginagawa niya.

Inimbitahan siya ng isang kumpanya tungkol dito upang mapag-usap nito ang  magiging plano ng pelikula. Nag-alok iyon sa kanya ng proseso para sa paraan ng pelikula niya.

(Maglalakbay na naman si Tino muli. Lolobo na naman ang kanyang mga braso sa pagod.  Dala-dala na rin niya ang mga libro at dokumento na maaring gamitin sa pelikula.)

Habang sinasalaysay sa kanya ang magiging resulta ng pelikula.

Nagtaka siya kung bakit siya pa ang  pinapagawa ng script, lahat ng lokasyon na pagga-ganapan, siya din ang pinaghahanap ng gusto niyang lugar na pagdadausan ng kwento. Di niya naman magawang magreklamo o uminde dahil iniisip niyang baka masayang ang libro niya at oportunidad kung walang kumpanyang susuporta sa gawa niya. Naisip nalang ni Tino na kakaunti lang ang tauhan ng kumpanya kaya siya naalng ang pinagawa lahat.

Tinanggap niya nalang ang offer ng kumpanya kahit mahirap ‘tong gawin.  

Sa kanyang paglalakbay pauwi, nasabi niya sa sarili niya na

“Ngayon ko lang nalaman na ako pa pala ang gagawa ng lahat, tama pa ba to, kaya ko ba to?”

Wala siyang nagawa kundi sumunod sa producer ng pelikula. Ginawa niya ang lahat.

Ngunit sa kalagitnaan ng proyekto niya na ‘to. Di niya talaga alam ang pasikot sikot kung paano gumawa ng pelikula. Paano niya papatakbuhin ang simula ng kwento. Sa libro niya,  di niya naman alam ang gagawin sa bawat dialogue ng character, paano ang scene, etc. Nalilito pa siya sa ganung klase ng pagsulat at natataranta dahil malapit na ang araw na kung saan hinahanap na ng producer ang gawa niyang script at scene.

Di alintana ang pagod basta gusto niya ang ginagawa niya.

Pagod lang yan” sabi ni Tino.

Nang sa tuluyan ng naubos ang kanyang panahon at oras, na-realize niya ng dapat na siyang humingi ng tulong sa kumpanya ng pelikula.

(Di biro ang pinagdadaanan ni Tino sa tuwing bumibiyahe siya papunta sa kumpanya dahil sobrang layo nito. Kinakaen talaga ng maraming oras iyon)

Sa pagbalik niya sa kumpanya. Nakipag tulungan ang ibang writer sa kanya at mga producer at directors upang matapos lang ito.

Sabi ng producer, “Kailangan ko na yan sa Biyernes, Tino ah. Ilalapat na namen yang pelikula na yan

Ang sagot niya naman ay “Opo, tatapusin ko na din po ‘to

Muntik ko ng makalimutan, ikaw pala ang napili namen” sabi ng producer.

“Saan napili po?” Sabi ni Tino.

Ang isa pang problemang di niya inaasahan ay ang sabihin ng producer na siya na din mismo ang gaganap sa pelikula. Dahilan ng producer ay upang mas lalo raw ramdam ang emosyon ng pelikula, si Tino na daw mismo ang magiging bida sa pelikula.

Bigla siyang kinabahan at ninerbyos at sinabi niyang

“A-ano po?”

“Ang sabi ko, ikaw mismo ang gaganap sa pelikula, ayaw mo ba yun?” Sabi ng producer ng pelikula.

Ang reply niya, “Di ko po kaya iyon, nakita niyo naman po diba ang kalagayan ko, saka po,  di ko pa din tapos na i-plot ang movie scene”

“Wala na kameng ibang mapili pang gaganap sa istorya mo, kaya mo yan, tiwala kame sayo Tino, magagawa mo yan, bibigyan ka pa namen ng mahabang panahon” saad muli ng producer.

Hindi na siya muling umimik pa at umuwi ng bahay.

Sinabi nalang ni Tino sa sarili niya, “Paano ko gagawin to, e di naman ako marunong umarte o gumanap sa isang pelikula, ? Ang alam lang ng mga kamay ko ay magsulat at gumapang”

Nagtataka na lamang siya kung tama pa ang lahat. Parang naiisip na niyang sumuko dahil ngayon lang siya nakakita ng halos siya na gumawa ng lahat para sa pelikula samantalang libro niya naman iyon. Nakaramdam siya ng pagdududa na parang ayaw ata ng producer sa ginawa niyang libro kaya ganun nalang ang trato sa kanya.

Payo ng producer sa kanya nung nagkita sila sa isang hallway,

“Ang buhay ay parang pelikula, Tino. Normal lang sa iba na makita ka sa madilim na sitwasyon lalo na’t di ka nila kilala ng lubos. Ngunit, kung alam mo kung paano mo wawakasan ang istorya ng buhay mo, mamili ka kung gusto mo bang malungkot o masaya? Nasa sayo ang desisyon, ikaw ang magpapatakbo ng ganda ng istorya. Hawak mo lahat, it’s up to you. Sa tuwing maalat ang buhay at nakakaputang ina ang bawat sitwasyon, alalahanin mo palagi kung paano mo tatapusin ang kwento. Mamili ka nalang sa category kung drama, suspense, comedy, o comedy- drama ba basta nasa sayo ang ending niyan. Wag mong isipin kung ano ang di mo kaya”

Dagdag pa niya.

Harapin mo ang reyalidad at magfocus ka lang sa posible mong mangyari. Kung may mga imposible kang gustong marating, tuloy mo lang.  Revel in the imaginary world of dreams come true. Ituloy mo lang ang alam mong tama para sa sarili mo.  Makikita mo na ang gusto mo at ang  reyalidad ay magpa-pantay kapag pinagsabay mo.

Ang tanging sagot nalang ni Tino ay “Maraming salamat po”.

Ang pasasalamat niya na may halong malaking pag-asa, malaking saya at pagtatanong kung paano niya nga ba talaga wawakasan ang kwento na hindi ine-expect ng mga manonood lalo na ng mga nakabasa na ng libro niya.

Bago maghiwalay ng landas ang producer at siya, nag-iwan ulit ng isang salita eto:

“Paano mo tatapusin ang kwento mo? Kung di ka pa naliliwanagan, bibigyan pa kita, ano sa tingin mo ba ang kaya mo pang gawin? Ano ang nai-imagine mong possibleng mangyari? Ano ang bagay na ayaw mong bitawan kasi nandun ang buong pag-asa mo? Ano ang pinagkaiba ng gusto mong bagay pero di ka naman naniniwala na kaya mong maabot iyon kumpara sa gusto mong bagay na alam mong posibleng mangyari? Tingin mo, ano? Nasa sayo ang power, Tino“

Kahit na gulong-gulo na si Tino sa kung paano niya haharapin ang pag-arte sa pelikula, gandahan ang script ng bawat character, at bibigyan ng buhay ang kwento.

Buti nalang ay nabigyan naman siya ng lakas ng loob na tapusin ang lahat ng ito dahil sa magandang payo ng producer at unti unting nabubuo na sa kanyang puso’t isipan ang magiging wakas ng pelikula.

Lumipas ang dalawang linggo. Natapos na niya ang lahat ng katawan ng pelikula. Handa na rin siyang sumabak sa pag-arte.

Nagmadali na siyang pumunta sa kumpanya upang ipakita ang ginawa niyang script.

“Putang ina, ano to?”

Ang pagalit na salita ng producer sa kanya. Gusto ng punitin ng producer ang ginawang script ni Tino. Dugtong pa sa sinabi neto :

“Ikaw ba talaga ang sumulat ng libro mo? Marunong ka ba talagang sumulat?”

Nasaktan si Tino sa nangyari. Ni-reject lahat ng producer ang pinaghirapan niya. Hindi tinanggap ng lahat ng sangay ng pelikula ang style na ginawa niya. Di niya matanggap ang panlalait sa kanya ng taong iyon, minura siya at dinikdik ng husto na parang trato sa isang mangmang na tao.

Nasaktan siya ng husto. Malayong malayo kasi ang ugali ng galit ng producer kaysa sa magandang payo nito ng mga nagdaang araw lamang. Umuwi nalang na durog ang puso ni Tino.

(Malayo na nga ang biyahe niya pauwi, ubos na rin ang pera niya.)

Bigla siyang nakaramdam ng pagod at frustration, dahil sa lahat ng ginawa sa kanya ng kumpanya iyon, ni-isa dun, wala silang nagustuhan sa gawa ni Tino. Nagtatalo sa kanyang isip ang payo ng producer sa kanya.

Pagdating sa bahay nito. Ipinahinga ang mga kamay at umupo ito.

Sinara na lang niya ang kahon ng pinaghirapan niyang mga papel at tinta.  

Natulog siyang maghapon ng may luha sa mga mata.

Gumising siya na parang ginulpi sa pagod. Naligo at kumaen.

Habang tinitignan ang lahat ng mga naisulat niyang akda sa kanyang kwarto, naitanong niya sa sarili na

“Kailan nga ba ako huling nangarap? When was the last time that I want things to come to me badly? Kailan nga pala yung mga panahong parang gusto ko ng sumuko at bumitaw sa ginagawa ko pero di ko magawa kasi mahal ko ang ginagawa ko?”

Naalala niya lahat ng dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ‘to.

Pagkaraan ng tatlong linggo, biglang sumagi nalang sa isipan niyang ipagpatuloy nalang muli ang ginawa niyang bagong istorya at kalimutan na ang librong yun. Naisip niyang kahit di na maisa-pelikula ang kanyang ginawang nobela basta sa sarili niya, may naitabi siyang sulat para sa pelikula nito.

Sa pagsusulat niyang muli.

Tumunog ang kanyang telepono. Hindi niya alam kung sino ’to. Sinagot niya at nagsalita ang isang lalaki.

“Sir Tino, nabasa po namen sa website niyo  ang ginawa niyong script. Halika, pag-usapan naten muli yan”

At dali-dali siyang umu-o sa alok muli ng kumpanya.

Wala ng pasubalisa. Agad ng tinanggap niya ang alok ng dating kumpanya.

(Wala ng kapera-pera si Tino sa bulsa kaya ginapang niya at nanghiram siya sa kapitbahay niya ng pera. )

Wala siyang ibang choice kundi ire-write muli ang ending ng kwento niya. Ang gusto naman ng director, may something daw dapat na gugulat sa lahat na hindi nila ine-expect na ganun ang kakalabasan ng istorya.

Ngayon, nag-iisip si Tino kung anong magandang ending ng istorya niya? Although, alam niya na ang libro niya dahil siya ang nagsulat neto. Okay na rin naman ang script. Ang ending nalang ang dapat niyang pagtuunan ng pansin.

Mga ilang oras pa.

Nabuhayan siya muli ng loob.

Umuwi muli siya sa bahay nila.

Unti-unting nawala ang frustration at pagkabalisa niya sa nakalipas.

Nilapat niya ang kanyang mga kamay sa pagsulat at muling pinagliyab ang imahinasyon.

Binasa niyang muli ang kanyang libro. May mahalaga siyang isinulat dito na

“Hindi kaya, dahil masyado mong kinokontra ang ibinigay ng Big “U”. Ang ating Universe. Nilalabanan mo ang atake ng tadhana , Tignan mo yung agwat ng layo mo sa kung saan ka nanggaling at kung nasaan ka na ngayon. Kung siguradong sigurado ka sa gusto mo at di mo pa nakukuha iyon, ibig sabihin may agwat pa ang goal mo sayo. I-align mo ng maigi ang gusto mo sa sarili mo. “

Ang mga salitang naging inspirasyon niya sa libro hanggang sa naging inspirasyon muli iyon na gumawa  siya ng sulat para sa pelikula. Napangiti nalang siya sa di niya inaaasahang ang mga sinulat niya ay magagamit niya pa ring enerhiya sa pagsusulat.

Natapos na ni Tino ang lahat. Handa nang isabak ang sulat niya sa pelikula. Sa wakas, sa libo libong pagkakamali ni Tino sa paggawa nito, naitama din ang lahat.

Tumatakbo na ang paggawa ng pelikula niya.

Pinag-aralan niya ng maigi ang dapat na emosyon ng bawat character na ginagampanan ng isang bida. Kahit na may mga bagay siyang di niya kayang gawin sa set ng isang pelikula ay pinilit niya pa ring gawin.

Dugo’t pawis ang inalay ni Tino sa pelikulang iyon dahil walang ibang taong tumulong sa kanya.

Nakayanan lahat niya ang hirap ng pelikula. Nairaos ang script, tumulong ang ibang miyembro ng pelikula kung paano maglapat ng istorya at natapos naman ‘to.

Naipalabas ang pelikula. Milyon ang nakapanood. Pati na rin ang kinita. Magkahalong lungkot, saya, at inspirasyon ang buong kwento.

Ayon sa istorya ng pelikula. Nalaman na ng lahat na binabaybay ni Tino ang biyahe niya araw araw gamit lamang ang kanyang dalawang kamay.

Kaya, nagkaroon muli ng bagong mapapanood ang mga Pilipino.

Bagong ispirasyon sa lahat ng taong nagsisikap. Na kahit na kulang ang parte ng katawan, tuloy pa rin ang buhay. Naging matagumpay ang pelikula at umabot sa takilya.

At ang huling litanya ng direktor sa kanya,
Aaminin namen, sayo lang namen ginawa ang ganito, na lahat ikaw ang gumawa ng scene. Di namin tinignan kung wala kang panlakad. Dahil ganyan ang buhay Tino, ikaw ang gagawa ng istorya at ikaw din ang kikilos











3 comments:

  1. At Moon Bitcoin you may claim free satoshis. 514 sat. per day.

    ReplyDelete
  2. YoBit lets you to claim FREE COINS from over 100 different crypto-currencies, you complete a captcha once and claim as many as coins you want from the available offers.

    After you make about 20-30 claims, you complete the captcha and proceed to claiming.

    You can press CLAIM as much as 50 times per one captcha.

    The coins will safe in your account, and you can exchange them to Bitcoins or USD.

    ReplyDelete
  3. If you're looking to BUY bitcoins online, Paxful is the ultimate source for bitcoins as it allows buying bitcoins by 100's of payment methods, such as MoneyGram, Western Union, PayPal, Credit Cards and even converting your gift cards for bitcoins.

    ReplyDelete