Recently,
tnry kong magbackread sa lahat ng blogpost ko dito sa blog kong “Ang Mabuting
Balita”. Inuna ko munang basahin yung mga may lessons na article na gawa ko at yung
may kapupulutan ng aral para sa iba. La naman. Trip ko lang, saka para naman mabalik
yung gigil ko sa writing at humasa ng husto yung espada ko, wala ng talim eh. Mapurol
na.
Hindi
madaling gawin ‘to para sakin.
Una,
natatawa kasi ako kapag binabalikan ko yung mga ala-alang puro lang ako reklamo
at pabebe noon, ang sakit palang isipin na wala akong ginawang kilos nung mga
panahon iyon. haha Pangalawa, ang sarap pala talagang balikan yung month na may
bago akong inspirasyon linggo-linggo, pero ang masakit na part, ay kulang ako
sa effort para dun sa goal na yun. Nakakatawa ulit. Pangatlo naman, mahirap ‘to
para saken kasi kung may mali akong makita sa grammar ko, ie-edit ko na naman
yun. Dagdag oras lang. haha
But guys. Ang
saya magbackread. Try niyo din. Parang New year ang feeling. May bagong
pag-asang paparating.
Inabot lang
ako ng tatlong araw sa pagbabasa kasi nga di maganda ang pakiramdam ko nun. Sa
loob ng tatlong araw na ‘to na nakaleave ako sa trabaho upang magpagaling sa
sakit ko ay sinabay ko na din ang pagbabasa.
Wala akong
ibang ginawa kundi paloadan muna ang pocket wifi ko ‘tas mag-internet maghapon
sa bahay habang nakahiga sa kama. Lahat ng nakalap kong impormasyon na galing
din sa akin ay tungkol sa pagsusulat.
Humihingi pala ako ng paumanhin sa
mga masusugid kong mambabasa ng blog ko. Pasensya na sa aking katamaran. Wala
tuloy kayong natutunan, charot.
Anyway, may
isa lang akong aral na natutunan habang ako’y nagpapahinga sa bahay na hindi
tungkol sa pagsusulat.
At ang
ginintuang aral na to ay: Masaya naman talaga ang buhay mga tsong kung walang konseptong "dapat ganito ka at meron ka nito".
Ayun lang.
Yun lang yun. haha
Sige na. Eto
na. Ibabahagi ko naman sa inyo ang aral na natutunan ko nung tinamad akong
magsulat sa loob ng tatlong araw at sa loob ng bahay namen. Mga blogpost kong nakapagpabago din ng buhay
ko.
Here it is:
“Maging disiplinado ako. Bitawan ang gadgets.”
Habang yung
mga kasabayan ko nagsusulat at nag-eensayo sa larangan ng sining at pagba-blog.
Ako naman ay walang ibang ginawa kundi
magbrowse sa internet. Tangina. Addictus na ako sa social media. Walang oras na
hindi ko hinawakan ang cellphone ko sa loob ng isang oras sa buong maghapon.
Yan ang isang dahilan kaya di ako nakapagsulat this past few weeks. Tuluyan ng
nawala ang disiplina ko sa sarili. Mabilis nabago ang habit ko. Dati di ako
ganito. Talaga nga namang inimbento ang gadgets para ulit-ulit kong balikan
iyon.
Kaya ngayon,
paano ba ako nakapagsulat muli? May bago ba akong inspirasyon? Ang sagot ko ay “Wala”.
May nadiskubre lang ako. Patay ngayon ang cellphone ko, bali naka-silent pala
siya at tinaob ko. Nakatutok ako ngayon sa computer. Tahimik sa paligid na
walang kapitbahay na salot na nagvi-videoke.
Nasimulan
kong magsulat nung binitawan ko lahat ng distraction sa buhay ko. Ganun lang kasimple. Makakapagsulat lang ako
kapag wala na sa kamay, puso at mata ko ang social media.
“The discipline of
writing something down is the first step toward making it happen.”- Lee Iacocca
“Magpakalunod sa pagbabasa.”
Di ako
makapagsulat ng mga nagdaang araw kasi wala akong nabasa o binabasa. Kumbaga,
walang letra sa utak ko na nakaimbak. Kailangan kong magbasa ng magbasa ng may
katuturan na libro. Natutunan kong dapat langhapin ko ang pagbabasa na may
content at makakahinga/mailalabas ko sa mga kamay ko ang sulat na may content
din. It will flow. Pati, magmemorya ng mga bagong vocabulary words.
Di ko alam
kung paano nangyari ang lahat. Basta sa kalagitnaan palagi ng pagbabasa ko,
ihihinto ko nalang iyon kapag may something akong naalala na dapat ko palang
isulat. Marahil, napaka-makapangyarihan ng akda ng binabasa kong libro kaya
nasasalin sa akin ang kapanyarihan niya. Parang ganern.
“I am simply a ‘book
drunkard.’ Books have the same irresistible temptation for me that liquor has
for its devotee. I cannot withstand them.” — L.M. Montgomery
“Kahit na maputulan pa ako ng tatlong daliri.”
Kung
isi-C.I. ang buhay ko, maraming oras para isingit ang pagsusulat sa schedule ko.
Nainis lang talaga ako sa mga nagdaang isang linggo na hindi ako nakagawa ng magandang
istorya o kwento. Dati pa nga, nai-sisingit ko lahat ng bagay basta tungkol sa
ideyang naiisip ko, isusulat ko kagad yan. Siguro’y nabago nga talaga ang takbo
ng utak ko ngayon, binulag ako ng makabagong problemang dumating kaya medyo
naguluhan na naman ako ng konti. Baka nga talaga, nabago ang mga plano ko kaya
di ako nakapagsulat at bumalik sa aking direksyon. Natuon ang focus ko sa
mabibigat na bagay.
Kaya, ang
lesson ko dito. Dapat kahit na nalulungkot ako sa trabaho o anumang sitwasyon,
kailangan kong magsulat. Kapag nasa biyahe ako na may katabing amoy arabo,
magsusulat pa din ako dapat. Wala talaga eh, ako lang din naman ang nasisira sa
tuwing kinakaligtaan ko ang obligasyon ko. Itatanim ko sa isip ko na mahalaga
ang ang ideya kasya sa baril. Oh paano napasok ang baril? Wala naman, naisip ko
lang ngayon na ang ideya ay pwedeng makapagpabago ng buhay ng tao. Ang baril
pwedeng makapagpatapos naman ng buhay ng tao.
Kaya ngayon,
bago pa tong topic ko about sa writing tips, may naisip na akong ibang bagay
bago pa tong blog na to eh. Sa una, sinubukan
kong mag isip ng seryoso. Eh di tumalab. Sakto nagbabas ako at may nakita akong
bangkay sa magazine tungkol sa isang pulitiko at kapag nilipat ko naman ang
pahina sa susunod, may kabastusan na nagaganap sa imahe. Inisip kong maigi,
anong klaseng magazine to? Parang gago. Tas sabay tanong sa sarili ng “Mayroon
bang pagkakaparehas ang sex at libing? Wala lang, para lang may maisulat ako.
haha
At wag kayo.
Meron akong nabuo. Eto ang mga posibleng sagot ko na parehas sabihin sa oras ng
sex at libingan.
1. Di kita makakalimutan.
2. Mahirap ‘to para sa akin.
3. Mahal na mahal kita.
4. Akin na yung bulaklak.
5. Salamat sa pagdating.
6. Put it in a hole.
7. 'Bat nauna ka?
8. Mararamdaman mo na ang heaven.
9. Sa wakas.
10. Masakit.
hahaha Kaya
kahit na maputulan ako ng daliri (pero wag naman sana, namu) ay magsusulat na
talaga ako kung saan-saan kahit na anumang oras at pagkakataon. Baka matulad
din ako sa sex at libing. LOL.
“Sarili ko muna ang ayusin ko.”
Kung yung
mga chef nga hindi sila makagawa ng magandang luto o dish kapag wala sila sa
mood nila. Ganun din ang isang writer, sa pagkakaalam ko, kung wala ako sa
ulirat ngayon para magblog, siguro dapat mag-gym muna ako sa labas o magchill-chill
muna ako sa mga resto para mabago naman ang environment ko. Upang sa gayon,
maibalik ko ang sarili ko sa pagsusulat.
Ang totoo
niyan. Hindi ako makapagsulat kapag ang gulo-gulo ng buhay ko. Hindi ako
makapagsulat kapag may pinangangambahan ako. Hindi ako makapagsulat kapag may
isang bagay akong di ko pa natatapos. Mahina lang ang aking puso, teh. Nakokonsensya
kasi ako sa tuwing di ko nabalikan ang dapat kong gawin. huhu
Kaya ang
aral na natutunan ko galing kay Jovit, (de joke lang.)
Ayusin ko
muna ang sarili ko para makapagsulat ako ng maayos.
“May halaga din ang kalakal.”
Ako yung
tipo ng taong kapag panget sa simula, ayoko na talagang ituloy pa. Minsan na-experience
ko pa nga na ang ganda ng naisip kong intro tapos nung isusulat ko na, biglang
nababaduyan na ako sa naisip ko.
Kayo?
nangyari rin ba senyo yun?
Ngayon
natutunan ko na ang pagsusulat ay di katulad ng construction working na kapag mali
ang sinimulan mong gawa, wag mo ng ituloy. Yan ang rules sa engineering, na
natutunan ko sa mga workers namen. Kasi nga diba, kung itutuloy mo lang ang
sablay na move, baka may mapahamak o may gumiba lang.
Ngayon,
tuturuan ko na ang sarili kong tumapos ng basura o kalat-kalat na ideya. Kahit
ang dumi-dumi ng concept ko na kahit ako di ko magets ang pinupunto ko,
itutuloy ko pa din. Pangako ko yan. Mahalaga ang tae-tae.
A writer can live about
forty days without food
About three days
without water or writing
About eight minutes
without thinking about writing
But only for one second
without an idea.
“Kusa kong makikilala ang titulo ko sa sarili.”
Actually, nagsimula
ako sa pagba-blog o pagsusulat ng wala man lang akong background kung sino ang
gagayahin ko, alam niyo yun, yung tipong napakabibo ko sa ginagawa ko na hindi
ko naman alam kung tama ba o mali ang ginagawa ko. And additional, kung anong
format ang dapat kong isulat. haha
Kung
babasahin niyo ang pinaka una kong post sa blog na to. Talagang nakakatawa na
ayoko na rin ulitin pang basahin hahaha dahil kung ano lang ang maisip ko sa
mga oras na iyon, yung ang bibitawan ng mga daliri ko sa keyboard. Saklap beh.
So,
therefore. I’ve learned sa pagsusulat na
maa-appreciate ako ng tao o mga readers ko basta isulat ko lang ang galing sa mapagmahal
kong puso. Hindi kailangan ng kurso sa ganitong larangan. Ang kailangan lang ay
dedikasyon sa pagsusulat. At pagpupursigi. Yan ang titulo ko.
Ilang ulit. Sulit na sulit.
Dahil nga
binalikan ko ang lahat ng blogpost ko simula nung 2013, may ilan doon na nanghihinayang ako. Mapapasabi
nalang ako ng
“Sana in-edit ko pa ito ng ilang
ulit, mas mapapaganda ko pa to e. Sayang.”.
Ito yung
blog ko na ang ganda sobra ng insights ko at ideya ko patungkol sa isang
highschool student na nangangarap sa buhay.
Kaya, nung
binasa ko ulit. Nakaramdam ako ng konting pagdismaya kasi feeling ko hindi ko
nakumbinsi ang readers sa pinupunto ko. Sana in-edit ko pa yun ng todo-todo siguro
dapat mga 30 times pa.
Masubukan
nga dito sa blog ko ngayon. haha
In
conclusion to this, papaabutin ko pa sa trentang edit ang gagawin ko sa susunod
na blog at kasama ito.
“Walang batas sa pagsusulat.”
Alam na alam
ko na dumating na kayo sa puntong nakatikim kayo ng kritisismo sa pagsusulat
galing sa iba. Aaminin ko, nakatanggap na din ako at masakit kong tinanggap
yun. huhu Eh anong magagawa ko, baguhan palang naman ako nun eh.
Mas maganda
pala talaga na isulat ko lang ang gusto kong isulat kahit na labag sa
paniniwala ng ibang tao ang ginawa ko. Lakompake. Kailangan kong pakinggan ang
tibok ng puso ko sa pagsusulat at kusang maririnig ng iba ang tinig ng puso ko.
Wow diba. haha
Well, to sum
it up, walang batas sa pagsusulat. Tayo ang gagawa ng sarili nating batas na
magpapaunlad sa sarili nating kakayahan sa writing.
“Tignan ko ang trabaho ng isang minero.”
Bukod sa
hirap ng buhay ng isang Seaman na nagta-trabaho sa barko na malayo sa kanilang
pamilya. Isa sa pinaka-kinahahangaan ko ang work ng isang minero na masasabi
kong isang inspirasyon siya sa pagsusulat.
Para sa
akin, napakalungkot ng buhay ng isang manunulat. Lalo na sa tuwing gumagawa ng
nobela. Pero, sa tuwing iniisip ko kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga
minero upang makakuha ng mina, mas namo-motivate akong magsulat ng husto. Di
lang dahil risky ang ganung trabaho kundi dugo’t pawis ang nakasalalay sa
ganung propesyon.
Dapat talaga
sundin ko palagi ang nilalagay kong goals. Hindi maging negotiable ang target
ko na pwedeng baguhin pa. Mas laliman ko pa ang dahilan ko. Tyagain kong
kalkalin ang pinakamatinding mina.
“Di ko na dapat gaguhin ang sarili ko sa pag-iisip.”
Kahit nasa Mrt,
Bus o Lrt ako, nag-iisip pa din ako ng konsepto sa pagsusulat. Palagi kong
gusto na dapat sa bawat araw, may maisulat ako. Nagkamali ako sa tuwing
nag-iisip ako at nilalapat ko lang sa isipan ko ang bawat scene na gusto ko.
Napagtanto
ko, hindi pa pala ako nagsusulat nun, niloloko ko lang ang sarili ko. gago din
eh no. Masayang masaya pa naman ako sa tuwing nakakagawa ako ng blogpost sa
isang araw.
So, itong
blogpost ko na to ang magiging lesson ko sa tuwing tinatamad ako. Di lang dapat
sa isipan ko ilapat kundi isulat ko din talaga kagad.
“Walang sasalba sa’kin.”
Lagi nalang
akong tumatagal sa aktibidad ko. Napipikon ako sa tuwing naghihintay nalang ako
ng inspirasyon bago ako magsulat o gumawa ng matinong katha. Nag-iisip palagi
ako ng something na kakaiba o something na di pa nagagawa ng iba.
Pero nung
sinubukan ko namang magsulat lang kung ano ang naiisip ko. Mas nadadagdagan ang
sinusulat ko. Ang dali lang. Siguro nga’y walang writer’s block. Sabi ko nga
kanina, kahit pa gaano kadumi ang sulat ko, itutuloy ko lang, gaganda din naman
yan. Nung hinawakan ko na ang papel at ballpen and Booom.. nakapagsimula na
ako. At ito yun, ang blogpost na ‘to mismo ang nasulat ko.
Lesson:
Isulat ko na kagad. Wala ng patumpik tumpik pa.
“Subukan kong magdiskubre.”
Base sa
naging karanasan ko nung wala akong ginagawa, na balak ko sanay isulat kung ano
lang ang nalalaman ko. Bigla akong tinamad. Natanong ko sa sarili na “Wala na
ba akong aalaming bagong bagay?”. Ganun nalang ba talaga? Wala na ba akong i-improve?
Kaya ayun,
nagbukas muli ako ng libro. Nagpakahenyo diba. haha
To summary,
natutunan ko na mas maganda pala na magstick lang ako sa isang konseptong may
posilibidad na kaya kong palawakin. Yung bago naman dapat. Kasi naisip ko, kapag
alam ko na ang isang bagay, anong sense kung ishe-share ko pa, malamang alam
din yan ng iba.
Susubukan ko
palaging tumikim ng bagong ulam para masanay ang aking dila.
“Gawin kong swabe. Gawin kong light.”
Naranasan
niyo na rin bang makatagpo kayo ng taong unlimited. Nakakapikon yung ilang ulit
na niyang sinabi, uulitin na naman na parang sirang plaka, diba. Nakakaintindi
naman ako. Kaya, nung nagbabasa ako ng ilang blog na mga pinoy ang writer. Sa
kanila ako mismo natuto. Tinamad din ako mismo sa sistema nila na ulit ang pinapahiwatig.
Ayoko yung magbibibgay ka pa ng dalawa o tatlong example sa punto mo. For
me, sapat na yung isa. Mas maganda pa
rin yung madali lang maintindihan ng nagbabasa.
“Tigilan ang improvements at simulan ang blogpost.”
Ang isa sa pinaka
kinapahamak ko ay yung “level-up mindset” ko sarili na dapat mahigitan ko yung last
kong sinulat. Ganyan ko tratuhin ang blog ko noon. Kaya, minsan humahantong sa
matagal na kasunod ang sulat ko. Ang tagal ng follow up. Parang ganun. Nate-tengga
siya kumbaga. Ngayon, naintidihan ko na mas mahalaga pala na magsulat nalang kagad
ako. Basta sulat lang. Wala na dapat akong pake sa rules ng writing. Ang
mahalaga, nasa pedal pa rin ang aking mga paa at patuloy ang andar ng buhay ko sa
pagsusulat.
“Tatagal lang lalo kung hihinto ako.”
Siguro
naman, kahit gaano pa ako ka-talentadong tao, kung hihinto lang di naman ako sa
tuwing madilim ang buhay ko o hihinto na naman ako sa tuwing may pinagdadaanan
akong problema. Syento pursyento na walang makakabasa ng sulat ko kung palagi
nalang akong hihinto sa ganung pagkakataon. Nasabi kong “pagkakataon” iyon dahil
dapat naman talaga magsulat kapag may pinagdadaanan upang mas lalong gumaan ang
aking nararamdaman. Yun ang pagkakataon. Kung ako minsan ay tinatamad sa
ginagawa ko, baka siguro tinatamad na din ang nagbabasa ng ginagawa ko. Magiging
karma lang siguro yan.
“Wag kong piliin yung gusto ko lang.”
Marami
palang dapat talagang isulat sa kapaligiran. Maraming dapat i-notice. Maraming
dapat gawan ng kwento o anggulo na mas magpapaganda pa sa istorya, o kung anu
man. Nararapat lang talaga na itatak ko sa isipan ko na lahat ng bagay dito sa mundo
ay na-create ng may dahilan. Siguro nga, likas sa lahat ng tao na kapag di niya
gusto ang ganito o ganyang bagay, binibitawan nalang nila kagad. Gaya ko. Ang
mahalaga pala, dapat maging curious ako sa lahat ng bagay. Pagkumparahin kung
kinakailangan.
“Magsimula ako sa wala, para magkaroon ako.”
Sa larangan
ng pagsusulat, sa lahat ng na-research
ko na buhay ng isang writer, dadaan talaga lahat sa pinakamababa o
pinakamahirap na kalagayan ang lahat lalo na’t nagsisimula palang. Kahit na si
J.K. Rowling nga diba. I mean, talaga
gagawa ka muna ng blog, or di kaya magta-trabaho ka muna sa mga publishing
company bago ka maging tuluyang full time writer. Dagdag mo pang ang masakit na
rejections.
Ang isa sa
mabigat na pinagdadaanan ko ngayon ay nagsusulat ako pero isinisingit ko lang
sa trabaho. Plus pa, naging sakitin ako sa trabaho, kaya nauudlot sa pagsusulat.
And konti lang ang nagbabasa ng mga ginagawa ko. Yan ang ilan sa mabibigat na
challenge sa buhay ko.
Kaya nga sa
kumpanya, hindi naman dapat ibinibigay ang pinakamabigat na gawain sa wala pa
masyadong alam. Dadaan talaga sa matinding pagkakamali sa una. Sa pagiging
apprentice o baguhan hanggang sa mag-improve ang trainee.
Don’t ask what your
writing can do for you.
Ask yourself what your
writing can do for your reader.
“Retokeng paulit-ulit.”
Gaya nga ng
sinabi ko kanina, dapat kong tyagain na mag-edit ng mag-edit. Kung yung drawing
nga sa architecture, dumadaan sa maraming revise hanggang sa maging mukhang
zombie yung arkitek e, paano pa kaya ang pagsusulat ng magandang istorya o
kwento diba na binubuhos ng husto ang napakalawak na imahinasyon. Siguro, kaya
ko nasabing dapat i-edit ng i-edit dahil mas masarap ang pinakahuling katas.
Tulad na lamang ng pagpipiga ng kalamansi. Natatakam kaya ako sa huling patak
ng katas ng kalamansi. Tinitignan ko palang ang proseso ng pagpatak, ang
pinakahuli ang nangangasim ako. Kaya siguro sa pagsusulat, nangangailangan
talaga ng matinding pagpipiga sa sarili. Dahil na rin siguro mas masasarapan ang
tao/nagbabasa sa takbo ng kwento.
“Tignan ko lang yung what-if. At werk na.”
Minsan sa
kadahilanang gusto kong hindi mapahiya sa mga mambabasa ng blog ko, hinahanap
ko ng todo ang pinakamagandang pag usapan na topic. Oo, alam ko na punong puno
ng kaalaman ang ating henerasyon kaya nga nagpapakalunod ako sa talino eh. Ang
problema nga lang, sa sobrang gusto kong makuha ang trip ko. Mas tumatagal
lang.
Kaya ang
lesson sa akin, wag ko ng isipin ang magandang ideya. Simulan ko nalang kagad.
Atlis may nasimulan na, papagandahin ko nalang.
“Magsulat lang ako kahit wala pang nakakapansin.”
Kahit sa
baliw niyo pa itanong, mahirap magsalita ng mag-isa ng walang pumapansin. Di
biro yun. Pero ibahin niyo ako sa blog ko. Tinutuloy ko lang kahit walang
nagko-comment sa akin sa blog, masaya na ako sa isang taong bumisitang nag iwan
ng komento. Pero bihira. Dahil alam kong isang araw, ang katulad ko ang babago
sa takbo ng isip ng mga tao. Naks. Alam kong nasa proseso ako ng pagpapaunlad.
Mapapasa-akin din ang atensyon nila. haha
“Buksan ko lang ang gripo.”
Dahil gusto
kong palitan ang filter ng faucet namen kanina, may nakonek akong thoughts. Nung
binuksan ko yung gripo, natutunan ko na mahalaga pala talaga na buksan ko lang
ang gripo kung gusto kong may mahita. Ano ibig kong sabihin? Sa madaling
salita, isulat ko lang. Isulat ko lang ng isulat. napapansin ko kasi na habang
bukas at tumatakbo ang daloy ng tubig sa gripo, mas gumaganda at lumilinaw ang
tubig. Gaya din sa pagsusulat ko, habang bukas at tuloy-tuloy lang ang mga
kamay ko sa pagsusulat. Mas lalong gumaganda ang idea. Oh diba.
“Lahat ng nakikita ko ay magkakapareho.”
Lagi ko ng
napapansin na maraming pagkakaparehas ang lahat ng bagay sa mundo. Kaya,
natutunan ko na walang dahilan upang walang maisulat sa isang araw. Nung isang
araw nga nakapagsulat ako ng tungkol sa isang isda sa loob ng tupperware sa ref.
Wala naman, ang gusto ko lang pagtripan isulat, yung nag-uusap ang isda at ref
tungkol sa amoy ng isda. Naiirita na yung ref. Hindi niya naman pwedeng alisin
ang isda sa loob nito dahil mahal niya ang isdang iyon. Aw, so sweet.
Kaya guys,
Happy Writing senyo.
No comments:
Post a Comment