“Di ka makakahanap ng magandang trabaho
kapag di ka nakapagtapos ng kolehiyo, tandaan mo yan!”
“Walang tatanggap sayong kumpanya kung di ka nakapag-aral”
“Kapag mataas ang edukasyon mo, maganda ang kinabukasan mo”
Yan ang madalas na gawing hanash ng ating mga magulang para
i-motivate tayong mag-aral at di magpabaya kapag tu-tungtong na ang ating mga
paa sa kolehiyo. Relate din ba kayo?
Ang tanong ko naman, paano naman yung mga hindi
nakapagkolehiyo o walang balak mag-college? May pag-asa din ba sila? Tingin
niyo? May future ba sila?
I think. Meron.
Kaya naman, gumawa ako ng blog tungkol sa mga gustong
maging apprentice na kagad na naguguluhan pa din.
Halika. Sumama ka saken. Ililihis ko kayo sa maling landas.
Di ako galit sa lahat ng unibersidad sa mundo o sa
sistema ng ating edukasyon. Wala pong mali sa kanilang motibo para sa lahat ng
kabataan/tao na gustong matuto at makapag-aral upang magkaroon ng magandang
kinabukasan.
Ibibigay ko lang ang sarili kong opinyon kung sakaling
gustuhin mong maging apprentice kagad. Dahil para sa aking sariling opinyon, mataas
ang tyansa mong magtagumpay sa buhay kung maging baguhan ka kagad sa isang
kumpanya kung di ka nakapagkolehiyo. Diskarte lang talaga. Mahirap makapasok
kung di nakapag-aral pero ang sabi ko nga, diskarte lang talaga.
Malaki din ang tyansa mong maging milyonaryo kagad.
Maniwala ka.
Saan mang sulok ng mundo, kung meron mang sulok nga ‘to,
lahat ng magulang ay pabor na magkolehiyo muna ang kanilang anak bago maging
apprentice sa kumpanya. Tama nga naman, di pa handa ang kanilang bata/student
na sumabak sa matinding stress at overtime.
Naniniwala pa rin akong marami pa rin tututol na unahin
muna ang apprenticeship bago magkolehiyo. Get’s ko yan.
For my own opinion, mas marami kang uubusing oras sa
unibersidad kaysa sa trabaho na kagad. Uulitin ko po. Walang masama sa
pag-aaral sa kolehiyo, gusto ko lang tulungan ang mga kapwa pinoy nateng gusto
na kagad magsimula bilang apprentice. Lakasan lang talaga ng loob, kapal ng
mukha at willing dapat matuto ang tanging puhunan sa ganitong laro.
Marami akong nakalap na advantages at disadvantages sa
dalawang pagpipiliang choices.
Isa na rin ang social life.
Pagdating naman sa friendship, di ko din masasabi kung
mas maraming kaibigan ang mga nagkolehiyo kaysa sa mga nagtrabaho kagad. Para
sa’kin kasi ay depende iyon. Kung di ka naman talaga pala-kaibigan, wala ka
talagang kaibigan. Meron nga akong classmate nung college, sa dami daw ng mga nakilala
niya nung nasa university pa kame kasi nga maganda siyang babae, i-ilan lang
daw talaga ang nag-stay o naging totoo sa buhay niya eh. Mabibilang mo lang
talaga sa daliri ang matitira mong kaibigan, depende rin talaga sa ugali mo.
haha Eh ano ba mas mahalaga para sayo, ang mag-aral, guminhawa sa buhay o
lumandi?
Gusto mo bang mag-apply ng trabaho pero wala ka pang
experience? Which path is right for you depends on your ambitions, interests
and abilities?
Mayroon akong kilala, isa siyang Cum laude sa university
sa probinsya nila pero nahirapan siyang humanap ng trabaho dito sa Metro Manila
nung nag-aapply na siya. Naisip ko, baka naman siguro kaya siya mahirap mapili ay
baka mga kasabayan niya ay “Summa Cum Laude” na mas mataas sa kanya haha o mga
kamag anak ng presidente ng kumpanya ang nakasabay niya kaya di siya natanggap.
haha Talo talaga siya dun.
Sabagay ako, naranasan ko na yung mag apply eh. Madami na
din beses bago ako pumasok sa trabaho ko ngayon. Naranasan ko ang pantay-pantay
na tingin ng hiring manager sa applicant tapos kasabay ko pa yung mga may
experience sa field na pinapasukan ko. Kaya,
kanya-kanya lang talaga ng kapalaran sa kumpanya. Natanggap nga ako ng dahil
ako’y baguhan palang na wala pang experience. Kasabay ko yung may matanda na at
may experience pa eh . Pero ako pa din yung pinili kasi ang gusto ng kumpanya
ay yung nagde-demand lang ng mababang sahod, gaya ko. haha
Pero kung ako ang tatanungin,
kung ikaw naman ay di nakapagkolehiyo at balak mong
maging apprentice kagad. Ang maisasagot ko sayo ay “Pwedeng pwede”.
Basta maniwala ka lang na kaya mong pasukin ang gusto
mong trabaho. Gamitan mo ng Law of Attraction. Pag-aralan mo ng maigi ang
papasukin mo. Magready ka na sa background ng company na gusto mong applyan.
I-ready mo na rin ang mga isa-sagot mo sa mga job interview na related sa field
na papasukan mo. Wag na wag mong kakalimutan ang worth mo. Matuto ka din
balansehin ang tamang confidence sa sarili na handang matuto na hindi yung
pabibo lang. There is nothing more pleasing to a company than seeing their
apprentice get a real kick out of what they are learning.
Sa karera ng tunay na buhay. Minsan talo ang nagkolehiyo.
Lalo na kung walang determinasyon sa sarili. Tama? throat! Basta bahala ka na. haha
Kaya, kung nagbabalak kang maging apprentice na kagad sa
isang kumpanya at medyo duda at kinakabahan ka pa sa papasukin mong trabaho.
Ang maipapayo ko sayo. Nasa sayo ang baraha, kapatid. Hawak mo ang alas.
At nasa sayo din kung mag-uubos ka ng oras o di ka
magpapakabaya sa karera mo.
Malaking tulong ang pagiging apprentice kagad sa trabaho
kung di mo alam.
Bakit kamo?
Bigyan kita ng mga dahilan.
1. Aalalayan
ka sa apprenticeship kung naguguluhan ka pa sa karera mo.
Marami-rami din akong kakilala nung college, nagshift din
talaga ng career. Yung iba ang reason kasi ang parents niya, gusto siyang
maging arkitek o di kaya nurse. Eh ayaw niya naman nun, kaya humantong siya sa
puntong nagta-trabaho na siya sa
kumpanyang di niya gusto, saka palang siya maghahanap ng gusto niyang passion.
May iba naman, habang tumatakbo ang panahon ng pag-aaral sa kolehiyo,
pinagsasabay ang gusto niyang passion at ang kurso na desisyon ng kanyang
magulang. Well, iba-iba talaga. Bawal talaga magpaka-kampante kapag graduate ka
na sa high school, marunong ka na dapat sa responsibilidad.
Ano ang gusto kong tumbukin? Iba-iba ang diskarte naten,
kung apprentice ka, mahaba pa ang panahon mo para makapag-adjust. Advantage na
yung nasa field ka na ng totoong buhay, ang trabaho.
Kaya sa aking opinyon, okay na okay din yung maging
apprentice ka na muna kung naguguluhan ka pa sa tinatahak mo. Ang pagiging
apprentice ang magbibigay sayo ng oportunidad para mag-try, or mag-experiment
ng bagong work environment.
Alam naman natin talaga na kapag pumasok ka sa trabaho,
kung ano ang madatnan mo sa una, yun na yun. Ganun na ganun ang scenario araw-araw.
Kumpara sa kolehiyo na minsan, mauubos talaga ang panahon mo sa subject na di
naman ina-attendan ng mga professor. Sayang lang talaga ang time.
Saka kung ayaw mo naman ang pagiging apprentice mo, pwede
kang bumitaw kagad gaya ng ginawa mo kay ex na walang masasayang na pera, di
tulad ng kapag nag-enroll ka sa eskwelahan at naisipan mong lumipat sa ibang
school, ay di mo na makukuha ang perang ibinayad mo. Kaya, tama din magsimula
kagad sa pagiging apprentice. Di sa pagyayabang, maraming naging successful na
di nakatapos na kolehiyo.
Ngunit, nasa sayo talaga yan, tsong.
(Eh paano naman kapag lumipat siya sa ibang kumpanya,
depende pa din, may kumpanyang mas hinahanap ang may experience na kaagad. Kaya
panalo siya kagad dun.)
May tips ako sayo kung sakaling pumasok ka sa isang
company at apprentice ka palang.
Tips:
A. Tanggapin mo ang responsibilidad. Kapag wala pang
pinapagawa sayo sa unang two weeks sa work, sabihin mo sa boss mo na ready ka
na sa activity niyo.
B. Ask more questions.
C. Matuto kang makisama sa ibang ka-workmate mo. Ang
sarap kaya i-promote ng taong may team work na ina-angat niya din ang mga
kasama niya. Astig yung ganun.
D. Or di kaya, humataw ka na. Ipakita mo din sa boss mo
na you want the promotion. Ganern.
E. Alam naman naten na ang mga nakapag kolehiyo, marami
ng alam kapag sasabak na sa trabaho. Pero syempre, kung apprentice ka palang.
Di ka naman pababayaan ng mentor mo kung dedikado ka talaga sa trabahong gusto
mo.
2. Para ka ng may sariling pamilya kagad.
Sa totoo lang, di naman talaga biro na pasukin kagad ang
trabaho. May kalakip talaga na malaking responsibilidad.
Kahanga hanga ka pa kung wala kang kakaba-kaba at takot sa dibdib sa
lahat na iaatang na task sayo. Okay na okay yung, dre.
Advantage pa nga minsan na kapag bata ka pa, di ka talaga
takot magkamali o pumalya dahil nga bata o baguhan ka lang sa kumpanya.
Diyan ka naman talaga uunlad diba, kapag di ka na takot
sa responsibilidad, kahit ano pa yan, pamilya o trabaho, parehas lang yan na
malaking maitutulong sa development ng tao pagdating sa pagtanggap ng
responsibilidad.
Di porket tradisyon at kultura sa lahat na kailangan ay
makatapos ka ng kolehiyo ay susunod ka na rin. Basta tandaan mo, may sarili
kang desisyon at pananaw sa buhay. Ikaw ang may hawak ng kapalaran mo.
At tanging opinyon ko lang ang lahat ng ‘to. Nasa sayo pa
din.
Darating at darating ang panahon na mada-down ka dahil kunyari
kapag may okasyon laging tatanungin ka kung ano ang natapos mo at wala kang
maisagot. Hayaan mo lang, ganyan ang buhay, yung mga walang maipagmalaki sa una
yun ang mas nagtatagumpay sa huli. Gamitin mo yun palagi na motivation kung ano
ang meron ka.
Kung seryoso ka na maging apprentice kagad at naniniwala
ka sakin. Ngayon palang sinasabi ko na seryoso din ako sa sinasabi ko sayo. Wag
ka lang magpapabaya, bes! Magsikap ka palagi, doble-kayod, nabuhay ka para
gawin ang gusto mo, hindi ng gusto ng ibang tao at syempre dapat maging boss ka
sa sarili mong buhay. Ganun po.
Pansinin mo sa magandang pelikula, laging may weaknesses
ang bida tapos challenge sa kanya kung paano niya iso-solve ang problema niya
then eventually mare-realize niya na
kailangan talaga magbago ng attitude o character niya toward sa kanyang
weaknesses. Ano ang pinu-punto ko? Laging may turning point, maaaring
naghihirap ka ngayon at walang kasiguraduhan sa magiging furure mo sa napili mong
karera pero minsan kailangan mo din talaga magchange ng routine or chararcter
para maabot mo ang dreams mo.
Kapag apprentice ka na kagad. Handa ka na kagad sa
responsibilidad.
Tips:
A. Kapag apprentice ka na sa trabaho, pasiklab ka minsan
teh, Ang strong work goes up the chain, improves the company, and gets you
noticed. Try mo magvolunteer sa isang project. Kapag pinapakita mong handa ka
sa bagong responsilidad ng proyekto ng kumpanya, it can lead to greater job
satisfaction, better work performance, and perhaps even a new direction for
your career.
B. Mahalaga talaga ang work ethic. At syempre ang
attitude mo. Bawal ang may uma-attitude. Di na obligasyon ng boss mo ma-stress
sa ugali mo. Tatanggalin ka kagad niyan, automatic. haha
C. Pag-aralan mo ng husto kung paano bumangis sa larangan
mo. Magkaiba ang pumapasok sa eskwelahan kaysa sa nag-aaral ng mabuti. Parang
ganun sa trabaho, magkaiba ang nagta-trabaho kaysa nagta-trabaho ng magaling.
Mahalaga din na kilalanin mo ng husto ang boss mo. Kung
sino ang sinusundan mong leader, maaaring maging katulad mo din siya at malaki
ang magiging impact niya sayoin the near future. Siyasatin mo ng maigi kung
paano mag-isip ang boss mo, paano magtrabaho, ano ang rules niya sa trabaho at
kung paano siya magmanage ng project, at saka mo na maiaa-align ang sarili mo
sa kanya.
3. Mas
masarap ang experience.
Ahead ka sa iba. Isipin mo ah, kung habang tumatakbo ang
working hour mo sa opisina at tinuturuan ka ng mga ka-workmate mo sa mga di mo pa
alam na bagay, malamang sa field na pinili mo, di malabong umabot ka sa 40% na
kagad para matutunan ang di mo pa alam. Matututo ka pa ng ibang hints and tips
from your mentor.
Kumpara naman sa university na kapag bumagsak ka sa di mo
ma-gets, yung talagang engot ka na sa subject na yun ay wala kang ibang gagawin
kundi kunin ulit ang subject/unit na ‘yon. Syempre, involve na naman dyan ang
financial. Gastos na naman yan. Wala namang company na kapag nagkamali ka ay
magmumulta ka. Diba wala. Wag ka lang talaga manipis o madaling madurog ang
damdamin kapag mase-sermunan pag may failure, kasama yan, iba-iba ang klase ng
boss sa mundo. Di lang ikaw ang pinagpala na kahit ubod ka ng palpak sa trabaho
pero ngingiti parin ang amo mo sayo at papalakpakan ka. Walang ganun. Minsan
talagga, di maiiwasan makatanggap ng masasakit na salita.
Ang payo ko sa yo friend kapag apprentice ka na.
Tips:
A. Make your boss’s job easier or make his or her job
obsolete.
B. I-prove mo. Tapusin mo yung sinimulan mong workload.
Wag mo ng ipagpabukas pa o i-overtime pa kung kaya naman tapusin kapad bago
mag-uwian. .
C. Syempre, di mawawala na dapat humble ka, inquisitive,
passionate, and hungry sa trabaho. Hindi yung gutom ka na laging nasa pantry ng
office ah. Iba yun. haha
4. May pera ka na.
Natuto ka pa.
Oh mukhang nakukumbisi na kita ah. Nakaabot ka sa ang pang-apat
na reasons ko eh. haha
Kung gusto mong maging apprentice talaga, di imposibleng
dadaan ka muna sa mababang sahod. Wag kang makapal ang mukha na mag-eexpect
kagad ng mataas na kita. Langganun.
Marahil sasabihin ng iba o makakarinig ka ng chismis
galing sa di mapagkakatiwalaan tao na maririnig mong
“Di kasi mapromote promote si ganyan(ikaw) kasi di
nakatuntong ng kolehiyo eh”.
Para sa akin, maling mali yung ganung paniniwala. Marami
akong kilala na tumaas ang sahod dahil talagang malupit talaga sa trabaho. Di
dahil nakapagkolehiyo. Ang taktika niya, halos kapag weekend, mina-master niya ang
paper works namen sa bahay nila. Walang ibang bukam bibig kundi ang trabaho.
Makikita mo pa rin sa kanya na kahit hirap na hirap na siya sa ginagawa niya,
naka-smile pa din, kasi gusto niya ang ginagawa niya. Yan ang positive
attitude. Dahil gusto niya talaga ang trabaho.
Naniniwala naman ako na kung magaling ka, walang dahilan
para di ka pasahurin o dagdagan ng kita sa trabaho. Dahil unang una kailangan
ka nila sa kumpanya, ang katulad mong ubod ng husay, bakit pa sila magha-hire ng
bagong graduate na mahirap turuan.
Kumikita ka na. Mabilis ka pang umuunlad sa field mo. Saan
ka pa.
At ang huling advice ko sayo.
Tips:
A. Keep a Positive Attitude. The people who typically get
promoted keep their cool under stress.
B. Magpakita ka ng competence, diligence, intelligence,
loyalty sa trabaho. Basta magkaroon ka ng pride sa work.
C. Saka iwasan mo din ang tsismis. Yan ang isa sa
kinapahamak ko. haha Ipakita mong mapagkakatiwalaan ka. Wala ka ng pake kung
babaero ang boss mo. Labas ka na dun.
D. Syempre kapag nagpakita ka ng commitment sa work.
Siguradong may reward yan.
So, to sum it up,
Ang pagiging apprentice ay isang sugal. You need to
consider your own personal circumstances. Sabi ko nga kanina, kung magpapabaya
ka at di ka mag e-excel sa trabaho. Bandang huli, ang talo ay ikaw din. Walang
talo sa pagiging baguhan kung di nakatungtong ng kolehiyo, ang mahalaga ay
handa kang harapin lahat ng hamon.
Kung gusto mong magkolehiyo. Walang masama. Kung gusto
mong maging apprentice na kagad. Walang masama.
Pero kung nahimok na kitang maging apprentice na kagad.
Simulan mo na. Ikaw ang gagawa ng lahat. It’s all up to you!
No comments:
Post a Comment