Wednesday, May 24, 2017

PLEASE, LOVE YOURSELF.

Nitong Sunday lang, ipinagdiwang muli ang fiesta ni ‘San Isidro Labrador’dito sa aming lugar na noon ay akala ko, siya ay isang  aso na matapang na naglilingkod sa simbahan kasi nga tinawag siyang labrador. Haha mali pala ako. Sorry. 

Taon-taon ginaganap ang fiesta dito sa amin. Syempre. Malamang. 

Noong bata ako, maliit pa ako nun eh, hahaha active na active ako sa ganitong kasiyahan at rampahan. Partida,  wala pa kame noong alarm clock sa bahay, alas-sais palang ng umaga, gumigising na ako upang humanap ng  paraan para magkapera at rumaket sa ‘Araw ng Fiesta’ dito samen. Ibahin niyo ako sa lahat ng bata dahil diba ang mga chikiting kapag summer vacation, tamad gumising yan sa umaga. Kadalasan ang gising nila ay kapag kakaen na sa tanghalian. Hahaha (‘Bat ko alam?) 

Nung bata kasi ako, maliit pa ako nun eh, hahaha wala akong ibang iniisip kundi magpakabibo at gumawa ng bagay na nakakabwisit sa kapwa, pero iba naman ang style ko kapag fiesta na, gusto ko mataba ang bulsa ko. Marami akong napagti-tripang raket gaya ng tumutulong ako sa mga nag-aayos ng banderitas sa fiesta na dapat may bayad saken, nakiki-join ako sa mga sayaw-sayaw para magkapera, inuutusan ako bumili ng ganito at ganyan ng pagkaen ‘tas hinihingi ko na ang sukli, at naka-mindset na rin sa isipan ko na kailangan kong manalo sa mga games  sa fiesta para may pera akong maipon, basta lahat ng bagay na mapagkakakitaan ay pinapasok ko sa tuwing sasapit ang araw ng fiesta sa amin. Never pumasok sa isipan ko ang magnakaw. Wag mo akong itulad sayo. hahaha

Note: Sa Pilipinas, naglalabasan ang galante kapag fiesta. Pati na rin ang walang pera. Totoo yan. 

Ngunit habang lumilipas ang panahon, mas nabo-boring na ako sa ganung scenario at events. Siguro para sa akin, nag-iiba na din ang pananaw ko sa fiesta kung dapat ba akong makisalo sa ganito, eh di naman talaga ako fan ng mga saints eh, gusto ko lang talaga magkapera noon. ‘Lam naman nateng lahat, na ang bida sa fiesta ay ang mga santo, diba. Kaya nung nagkaka-edad na ako, (konting additional lang naman sa numbers), di na ako nakikisali sa ganun at nagseryoso nalang ako sa lovelife ko (naaaks) or kapag no choice talaga, gumagala nalang kame sa mga mall o nanonood ng sine kasama ang girlfriend ko. Maingay kasi sa labas ng bahay kaya di na ako nakikipagsabayan. 

Kaya nitong linggo Mayo Bente Uno, wala masyadong naghanda sa pamilya namen. Siguro dahil na  rin  wala ng magluluto sa bahay, alam niyo naman na malayo na ang bahay ng pinakamahusay na chef namen na si Mama eh. Siya naman talaga ang tagaluto namen kapag may okasyon sa tahanan ‘tas katulong niya si ate. Salitan sila sa gawain.  

At eto na. 

Last week pa may plano ang tropa ng inuman sa bahay ng pinsan ko. Wala naman ibang gagawin kundi inuman lang. Parang normal lang na inuman kapag weekend. Yung mga kaibigan ko di naman din sila nakikisali sa mga ibang palaro ng fiesta  kaya inuman nalang talaga ang magiging ganap. 

Buong umaga ng linggo ng araw na yun, naglinis ako ng bahay at nagbasa ng libro. Sa sobrang ingay ng paligid dahil sa videoke ng kapitbahay mga bandang tanghali na yun, inaya ko nalang si Angel na pumunta nalang kame ng starbucks para dun ipagpatuloy ang pagbabasa at pagsu-surf niya sa internet. So, nag-go kame dun. Umuwi kame nung mag-gagabi na. (Malinis ang ginawa namen. Wala akong naging maputing balak kay gf. haha)

Pagdating naman ng gabi, 

Nakipag-inuman na ako sa mga kababata ko at sa mga pinsan ko. Sa sobrang galing ko, nakalimutan kong kumaen ng hapunan. Ang lupit ko talaga. Napakagaling. 

So, bali ang nilapang ko nalang ay ang pulutan ng inuman, which is napaka-mali. Di ko naman talaga ‘to ginagawa, ngayon lang talaga nangyari sa akin to. Nakakainis. Alam kong mali, biglang nawala ang disiplina ko nang nagkaroon lang ng ganitong pagdiriwang. Kung tutuusin nga, parang wala talaga akong kinaen e. Grabe talaga. Wala akong sinisisi kundi ang sarili ko, hindi ang fiesta na ‘to. Naiinis ako sa sarili ko. Napipikon ako sa sarili ko dahil kinabukasan nagbleed na naman ang aking wetpaks dahil constipated na naman ako. Nasira ang araw ko kahapon dahil sa ginawa ko nung linggo. Banas na banas ako sa sarili ko. Naisip ko, sa una lang pala ako disiplinado, paano pa kaya kapag may mas bonggang okasyon pa at nakaligtaan ko na naman ang mga dapat kong unahin para sa health ko. Di naman malubha ang kondisyon ko ngayon, karamihan naman sa lalaki nagkakaroon nito ngunit nakakairita nga lang talaga. Feeling ko lang talaga sinusundot lang palagi ang wetpaks ko. haha

Buti nalang, di Sakit sa Puso o Highblood ang meron ako kundi todas na ako nung gabing iyon. haha

Ano ba pinaglalaban ko, ha? haha

Gusto kong i-highlights sa kaganapang ito, bukod sa walang disiplina ako sa sarili ay ang tanong ko na, mahal ko ba talaga ang sarili ko kapag napipikon ako at nababanas ako mismo sa sarili ko? 

Alam ko naman na ang tamang sagot ay “Hindi”. 

Pero ang sa akin lang, ano pa ba ang mga bagay na ginagawa ko na di ko na namamalayan na di ko na nagagawang mahalin ang putang inang sarili ko? haha

Meron pa ba kong ginagawang di tama o kahit papaano may tama pa rin akong naia-ambag sa sarili ko? Ano pa ba?

Wait. Aalamin ko. 

1. Pinapatawad ko naman ang sarili ko.
Sinabi ko na sa sarili ko na kung ano man ang mali kong nagawa nung linggo, ay itatama ko na lahat ng yun. Ayoko naman i-dahilan na tao lang ako at nagkakamali din gaya niyo pero dapat ko lang talagang bigyan pa ng second chance ang sarili ko dahil walang taong perpekto. 

Kaya, sa ngalan ni Ben, pinapatawad ko na ang sarili ko. haha

2. Naghahanap ako ng mga bagay na makabuluhan. 
Para sa akin. Wala ng kabuluhan nung nakalimutan kong mahalin ang sarili ko dahil di na ako productive.  Imbis na atat na atat akong uminom ng alak, bakit di nalang siguro ako mag-exercise at mag gym. Nakinabang pa ang katawan ko, pinagpawisan pa ako, mura lang naman ang maging masustansya at plus pa, na-refresh na rin ang buong katawan ko. 

Bakit di ako maghanap ng matinong activity, diba? Siguro nga nung mga nagdaang araw, nawala yung self-love ko nung inuna kong atupagin ang mga walang kwentang bagay. Panahon na siguro ‘to para magdiscover naman ako ng mga healthy na pagkaen na makakabuti sa katawan ko. Patayin ko na din muna saglit ang phone ko lalo na kapag araw ng linggo. Di naman din kailangan kapag sunday eh. 

Gawin ko na ang mga bagay na makakapagpasaya sa ‘kin ng todo. 

3. Sarili ko. Sarili ko. Sarili ko. 
Biglang nawala sa routine ko ang meditation and relaxation. Di ko naman pwedeng sisihin ang busy schedule ko sa trabaho kundi talagang mahina lang talaga ako sa Time Management. Pero minsan iniisip ko din, pagmamahal din naman sa sarili ko kung maituturing  yung ginagawa ko sa tuwing gusto kong matulog ng mahaba. haha Gusto ko kahit papaano umabot man lang sa 9 hours ang tulog ko sa bawat araw. haha Ang laki na ng kinita ko ‘nun sa tulog. Ang puti-puti na ng eye bag ko ‘nun. Kahit na nawala na ang proper breathing ko sa rituals ko, and relaxation time sa routine ko. Pipilitin ko pa din maibalik iyon. 

Kapag nawala pa naman to, di ko makita ang solusyon sa problema ko kapag punong puno ng basura ang isipan ko. Pinapangako ko, titigilan ko nang torturin ang sarili ko sa pag-iisip ng malalalim. Panahon na para tipirin ang yutakels  ko at paganahin ang aking soul’s intentions. I will spend time focusing inward daily. Pangako. I will begin my day with atleast 15 minutes of meditation and ipu-push kong makapagsulat din ako ng kahit 10 minutes lang, sa bahay man o sa biyahe. 

4. Sexy pa din ako
Maraming nagsasabi na payat daw ako. Pero para sa akin okay na ako sa katawan ko. Na-achieved ko na ang gusto kong figure. Pake niyo. Ayoko yung mataba ako. Ayokong malaki ang tiyan o butete ang belly ko. Gusto ko ng ganitong katawan lang na may matapang na muscle at hindi mukhang malnourish.  Isa itong senyales na mahal na mahal ko ang sarili ko. I appreciate my body and all the things it can do. I know naman na di ko makakamit ang  perfection eh. Sexy akong nilalang.

4. Sinimulan ko sa pagibig.
Napapansin ko na sa mga nagdaang araw, parang di ko na mahal ang sarili ko. Wala na akong pagpapahalaga sa sarili ko. 

Pag-gising na pag gising ko, di ko maiwasan buksan kagad ang phone ko kung may nagtext ba saken o tingnan ko kung ano na ang nangyayari sa social media kahit di naman ako involve dun at syempre kung ano ng balita sa mundo, nakiki-update ako.

Mas nauuna ko pa tignan ang istorya ng iba kesya unahin ko ang dapat kong unahin. Diyan ako mali. 

Kaya ngayon, I will learn how to love myself. 

Sisimulan ko ng mahalin ang sarili ko pagmulat na pagmulat ng aking mga mata.

5. Maging totoo ako sa sarili ko
Ayoko ng mabuhay na hindi ako totoo sa ginagawa ko. Sa totoo lang , di madaling magpakatotoo, minsan kapag nagpakatotoo ako, mas may nagagalit o nasasaktan. Di ko din alam.

Iniisip ko din minsan na sana kapag sinabi kong ayoko na, at gusto ko ng bumitaw sa bagay na ayoko talaga. Kaso di ko magawa dahil madami na akong obligasyon sa  buhay. Pero ang masaklap lang, wala pa akong binubuong sariling pamilya pero di na ako makabitaw sa lugar ko. Sana kapag sinabi kong ayoko sa taong ayaw ko, masasabi ko talaga verbally hindi yung ikini-kimkim ko nalang. Ayokong mabuhay sa “Sana”. Pero gustong-gusto kong magpakatotoo. 

Kaya simula ngayon. 

I will mindfully and emotionally breathe my way through my feelings and emotions. Mahal ko pa din naman ang sarili ko.

6. Talk to myself and to others happily.
Buti nalang dito ako nakabawi, nababantayan ko na ang mga tinatanim ko sa mumunting isipan ko. Sa tuwing may mga bagong tao akong makikilala, lagi kong sinasabi sa sarili ko na dapat masaya ang usapan namen. Tulad nalang ng kapag nag-usap kame ni Mama, matik na dapat wala ng away at bangayan pa kame, mas pinipilit ko pa rin na mapaganda ang usapan namen kahit medyo nagkakainitan na. haha

Bigla akong natuwa dahil sa buong araw pala, may nagagawa pa rin akong pagmamahal gaya nito sa sarili ko at gaya ng sinasabi kong dapat masaya palagi ang usapan. Natutupad naman pala. Ashteg!

7. Expand my Interests and make gala.
Iniisip ko pa ng maigi, meron pa ba akong ginagawang self-love sa sarili ko? Meron pa ba?

At saka ko naisip, na meron pa pala. haha

Yung umisip ako ng bagay na kakaiba. Maituturing kong pagmamahal ko sa sarili yun dahil mas pinapalago ko ang sarili ko. Kapag trip kong gumala-gala. Naglalakad lakad ako sa labas. Kakaiba para sa akin yun dahil maghapon akong nakaupo palagi sa opisina. 

Sa malungkot na buhay ko, natuto pa rin akong mahalin ang sarili ko dahil nililibang ko ang sarili ko at tinitignan ko sa iba ang pamumuhay ko, nakita ko na hindi pala kame magkakaiba. Lahat pala kame ay may mabibigat na pinagdadaanan, nasa pagdadala lang talaga yan. 

9. Working on  my personal development.
Ang sarap pala ng ganitong moment na iniisip ko at ine-evaluate ko ang sarili ko kung may nagagawa ba talaga akong tama para sa sarili ko. Habang tumatagal ako sa pag iisip ngayon, mas naiintindihan ko ang pagmamahal ko sa sarili. Ngayon nalaman ko na nandito ako para magmahal at matuto. Yung paunti unti kong pagkamit ng mga goals ko. Yan ang matatawag kong ultimate self-love. Tiwala ako sa biyahe ng buhay ko. Magtatagumpay ako.  

10. I stop comparing myself to others.
Sa wakas mga kuya at teh, natigil ko na i-compare ang sarili ko sa iba. Pinapalago ko na palagi ang sariling halaman ko. Alam kong kaya ko ang mabigat na buhay. Kaya ko tong i-handle at alam kong lahat tayo mayroong kanya-kanyang tagumpay at pagkakamali sa buhay.

11. Gaya ng Love ko kay Angeline.
Yung oras na nailalaan ko sa mga kaibigan ko at sa mga mahal ko sa buhay. Di matutumbasan iyon. 

At walang kaparehas na pagmamahal kay Angeline. Di mabibili ng kahit na sinuman iyon. 

12. Be patient with myself.
Dati, halos di ako magkanda-ugaga kapag nagmamadali ako at natatakot sa mga di ko alam na sitwasyon. Ngayon, medyo naging pasensyoso na ako. Natuto na akong i-kalma ang sarili ko. Siguro dahil may tiwala na ako sa sarili ko na maso-solve ko din ang lahat. 

13. Reading Books
Ang dami kong gustong basahin pero kaunti lang ang oras ko. Badtrip lang minsan kapag kinaen ako ng antok. Nakakabawi naman ako kapag sa isang araw nakakapagbasa ako ng 5 pages. Eh hilig ko magbasa ng libro eh, kapag kinumpute lahat ng  iyon, pagnatapos tong taon na to, makakatapos talaga ako ng isang book. Mahal ko ang sarili ko kaya nilalagyan ko ng kaalaman ang mga brain cells ko.

14. I lived in Appreciation.
I trained my mind to be grateful. Natuto akong magpasalamat at saka makita ko lang ang potensyal ng mga kaibigan ko o kung sinuman sa anumang larangan nila ay naisu-suggest ko na ipagpatuloy nila ang talent nila. Ganun ako. Minomotivate ko sila.  Nakikita ko ang kagandahan ng buhay at inspired na inspired ako sa tunay na buhay kaay shine-share ko sa iba. Mahal na mahal ko ang sarili ko kahit may kulang sa sarili ko. Ang alam ko, in behind of this, para saken kumpleto na ko. 

15. Nakikita ko ang sarili na mahalaga.
Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa sarili, nakikita ko na kahit saan man ako mapunta. Mahalaga ako. 

16. Malabo man, lilinaw din yan. 
Kahit gaano na kasakit sa chest, kahit na parang wala ng pag-asa dito sa lupa. At hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba ang lahat ng ginagawa ko. Tinutuloy ko nalang basta ayoko lang huminto. Kung hindi ko mahal ang sarili ko, malamang nagpatiwakal na ako dahil sa sobrang ka-imbierna ng tadhana sa akin, kasi ngayon kung ako ang tatanungin, walang-wala ako ngayong ipagmamalaki pa, pero inilaban ko pa din dahil mahal na mahal ko nga ang sarili ko. 

16. Tawa
Kapag nagkakamali ako or may masayang pangyayari sa buhay ko, natatawa at natutuwa ako sa sarili ko. Automatic in split seconds, mabilis akong matawa sa mga nangyayari. Haha Saka katulad nalang  nung mga jokes na binanat ko ng mga ilang oras lang, maiisip ko yun kaagad at di ko malilimutan sa isip ko na nakakatawa pala talaga ang ginawa ko, matatawa ulit ako. Part yun ng pagmamahal ko sa sarili ko. Kasi di ko dinibdib at sineryoso ang biro ng buhay. Alam naman natin na talagang nakakapikon sa mundong to, wala talaga tayong magagawa kundi ipagpatuloy ang buhay at tawanan nalang ang nakalipas. 

17. Nakaka-kan..ta  ako! 
Dahil sa love na love ko ang sarili ko in a highest level. Inaawitan ko ang sarili ko kapag mag-isa ako. Di lang dahil sa proud na proud ako sa sarili ko kundi buhay akong tao na may dumadaloy na dugo at nakakapag isip ng matino. (Weeh, matino?) Minsan nga kahit pa maraming tao, bumibirit ako eh basta may mabigat akong dinadala, masaya man o malungkot, kakanta pa rin ako dahil sa ganitong paraan, gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya kong kantahin yung So Good ni Zara Larsson.

Kasi alam ko sa sarili ko na mahalaga ako. Hindi lang naman celebrity o artista sa telebisyon ang dapat alayan ng magandang musika eh. Maaari ko ring ialay ang mga magagandang kanta para sa sarili ko. Wapakels kung sintonada ako, ang mahalaga ay lumigaya ako sa simpleng bagay. May kanya-kanya tayong boses at kalayaan. 
Walang pakelamanan. Mahalin niyo rin sarili niyo.  Mas masaya pa nga kapag lasing ako eh, tang ina, nauubos ko na ata lahat ang laman ng song book eh. Di ako kumakanta para sa crowd, ginagawa ko yun para sa sarili ko. haha

FINAL WORDS
Kaya friend, bigyan din kita ng advice, wag lang puro ako. haha

Imagine kung napapalibutan ka ng mga taong ‘hindi nila mahal ang sarili nila’. Baka malamang, mapabilang ka din sa kanila.  

Kaya ang payo ko, maging good ka sa sarili mo. Gawin mo lahat ng makakabuti sayo. Mahalin mo ang sarili mo. At malalaman mo na unti unting mamahalin ka din ng ibang tao.

Ikaw? minamahal mo ba ang sarili mo ng higit sa iba?


Saturday, May 20, 2017

ANG BATAS NG ATTRACTION


Sa totoo lang, nung highschool ako hanggang sa tumuntong ako ng kolehiyo, naging tagahanga din ako ng “Law of Attraction”. Noon pa lang. Pagtapos kong magsawa sa pelikula ni AiAi na "Ang tanging Ina". 

Pinag-aralan ko ‘to ng husto, nagbasa din ako ng libro tungkol dito pero na-unsyami lang iyon at di ko na naituloy ang pag-aaral. Kala ko noon, echos echos lang yun eh.

Kaya, nung nabigo akong gawin ‘tong batas na to at i-apply sa buhay ko na parang feeling ko kasi di naman nangyayari lahat ng iniisip ko, o baka dahil siguro puro pabebe at panliligaw lang naman ang alam ko noon. Bigla ko nalang tinigilan lahat ng iyon at di na muling gawin pa, kasi naisip ko na parang ang dali lang naman gawin talaga at syempre para sa akin, napaka-easy or chicken lang to kung mamarapatin basta may utak ka.

Kaya, nagtaka ako noon kung dapat ba akong ma-adik at mahumaling sa ganung proseso o hindi. Sa pagkaka-alam ko, ang tanging nalalaman ko sa formula ng LOA ay “Ask, Believe, Receive.” Ayun lang. Diba ang simple lang. Tatanungin ko lang ang sarili ko noon kung

Paano ko makukuha tong trip na trip kong babae? (Kunyari lang)

Maniniwala lang akong makukuha kong ligawan ang babae at mangyayari na. Ganun lang daw.

Easy diba. Iisipin ko lang at magtatanong lang ako sa sinasabi ng Universe. Makukuha ko na ang gusto ko. Kaya, sabi ko sa sarili ko dati,

“Paano kung ang lahat ng tao ay kaya niyan, edi walang mahirap ngayon, napaka-super powerful ng lahat ng tao kung iisipin lang nilang lumipad, makakalipad na sila”.

Ngunit, dahil isa akong engot engot pa at kulang pa ang aking kaalaman noon, mali ang pagkakaintindi ko tungkol dun. Nakalimutan kong maging realistic. Shungaers pa talaga.

Dumating pa nga sa puntong dapat akong magdesisyon kung ano ang dapat kong piliin sa tanong na

“Sino ba ang dapat kong paniwalaan: ang diyos na di ko pa nakikita o ang Law of Attraction na nangyari sa sakin noon pero di pa buo sa aking isipan kung ano ba talaga 'to?”.

Napakabigat sa akin ng tanong na iyan na humantong sa di ko na nabigyan ng buong focus ang pag aaral ko nung College ako. Kung hindi relihiyon ang inaatupag ko o ang law of attraction lang, alin sa dalawa. Atlis nung College, di ako bumagsak. Nakapasa pa rin ako.

Pero, sa lahat ng natutunan ko sa “Law of Attraction”. Mas lalong lumalim ang paniniwala ko ngayon. Di naman lingid sa ating kaalaman na marami pa ring tumutuligsa sa kakayahan ng LOA. Maraming nagsasabi na kapag tayo ay gumawa ng bagay na hindi kasama ang kalooban ng ating panginoon. Ito ay galing sa masama o galing sa demonyo, kasi nga walang basehan o basbas ng diyos. Ngunit ang tanong ko,

Meron nga ba talagang kalooban siya o kathang isip lang?

Bilang isang saksi ng katotohanan ng LOA, marami akong natutunan sa batas na to. Balik muli tayo sa nakaraan ko. Dati akong relihiyoso. Wala lang sa itchura. Ang paniniwala ko noon, sasamba muna ako bago mag-aral o magreview. Magsisimba ako para maganda ang takbo ng buhay ko sa buong linggo. Magdadasal ako para mabawasan ang kasalanan ko at tuluyan ng patuluyin ako sa mahiwagang langit. Kung di niyo naitatanong, dati akong Roman Catholic. Tapos naging Born Again Christian ako tapos sabi nila magkaiba daw ang Born Again group kaysa sa Baptist group. So, naging Baptist ako noon dahil ang nanay ko ganun din at ito'y umabot sa tatlong taon. At tinigil ko na din ang paniniwala nila hanggang ngayon.

Naalala ko pa nga, kapag nagkakasakit ako. Laging sinasabi sakin ng mga kakilala ko

“Yan kasi ang sama sama ng ugali mo, pinaparusahan ka na ng diyos, magbalik loob ka na”.

At syempre ako naman, bilang musmos pa sa mundo ay sinunod ko nalang ang sinabi ng iba at bumalik sa  simbahan at binitawan ang LOA, nawala na ang tiwala ko sa sarili ko, kaya sa diyos nalang na sinasabi nila.

Anyway, kung ano man ang nakalipas kong  relihiyon, nirerespeto ko ang paniniwala at gawain nila. Wala silang ginagawang mali. Kahit ano pang relihiyon sa buong mundo yan. Ginagalang ko. Dahil naniniwala ako na kung ano ang pinaniniwalaan nating tama, Iyon ang tama. Gaya ng pinaniniwalaan ko. Kahit sino man ang magtanong sa akin kung tama ba ang paniniwala ko. Hindi ko sila sasagutin. Dahil para sa akin, walang konsepto ng tama at mali.

Sa mga di pa nakakaalam.

Ayon sa nabasa ko, ang Law of Attraction is one of the oldest universal laws known to man, and when used the right way, it's incredibly powerful. Napakadali lang “like attracts like” lang. Mag-isip at kumilos ka ng negative na bagay o sitwasyon. panigurado negative din ang mga maa-attract mo.

The law of Attraction is that our thinking creates and brings to us whatever we think about. It's as though every time we think a thought, every time we speak a word, the Universe is listening and responding to us.

Ipinapakita lang sa atin ng LOA na kung ano ang laman ng ating  isipan, ano man ang sabihin naten sa sarili or sa iba at anuman ang gawin naten palagi. Ang Universe ay nakikinig at ibibigay lang sa atin ang  resulta ng ginagawa natin.  

Narito ang ilan sa napakasimpleng batas ng LOA na pwede nating gawin sa pang-araw araw. Kapag naniniwala ka dito, parte ka na ng LOA.

1. Sinosolve kagad ang problema.
Marami akong kilalang tao na positive thinker sa buhay na ngayon ay para sa akin, sila ay successful na sa kani-kanilang career. Ano ang kanilang formula? Naging proactive sila. Kung may problema sa financial, mas pinili nalang nilang pasukin ang mas makakatulong sa kanila, katulad ng negosyo. Halimbawa kapag kulang ang worker sa kanilang kumpanya, dali dali silang nagdadagdag at naghihire ng bagong tao.  Isino-solve kagad ang problema.

2. Pinagkakatiwalaan ang magaling na partner, ang sarili niya.
Kung ganyan ka. Congrats. Pero ang payo ko pa, wag mong hayaang lamunin ka ng self esteem, inggit at panghinaan ka ng loob. Maging bilib ka pa rin sa sarili mo. Pagkatiwalaan mo ang sarili mo na karapat dapat kang magtagumpay sa buhay. Dapat alam mo kung paano i-value ang sarili mo. Alam mo dapat ang tunay na halaga mo.

3. Kung feel mong di ka aso, try mong maging unggoy.
Halimbawa lang. Bakit mo gagawin ang trabahong hindi mo gusto, eh gawain ng aso yun? Kung sa tingin mo na isa kang unggoy na may pusong pang gubat, bakit di mo piliin na ikaw ang pinakamahusay at magaling na unggoy. Wag mong ipilit na maging aso dahil cute siyang tignan sa mata ng iba.

Sa madaling salita. Wag mong i-fit ang sarili mo sa lugar na di ka nababagay. Piliin mo kung sino ka. Piliin mo kung saan ka magaling. Saka minsan napansin ko na ang mga tao, masyadong jack of all trades. Feeling nila kaya na nila lahat, lahat sinusubukan kahit na di naman bagay sa kanila yung ganung bagay.  Wala pa akong nakitang successful person na ang daming  titulo na kala nila mahusay na sila sa lahat like Manny Pacquaio. Yung tipong nasa kanya na ata lahat ng trabaho.  Inako na lahat. Sabagay bibong bibo naman siya sa senado eh.

“You always attract into your life the people, ideas, and resources in harmony with your dominant thoughts.” —Brian Tracy

Maraming tao na nabubulag na sa inedit na litrato kesyo nakita nila ang kaibigan nilang nag-gaganito ay gagayahin nalang din nila. Sample lang yan. Kapag ganun palagi ang scenario naten, di mo ginagawa o wala ka sa lugar ng kalakasan mo. Kung naguguluhan ka pa hanggang ngayon ,alalahanin mo yung mga bagay na ginawa mo ng mga nagdaang araw na proud na proud sayo pati ang pamilya mo at ibang tao. Maaaring nandun talaga ang puso mo

4. Alam nila ang kanilang industriya.
Puntahan mo na ngayon ang lugar na kung saan ka nababagay. Kung handa kang harapin lahat ng pagsubok, ang LOA ang magsisilbing gabay mo kung saan ka nararapat. Our brain's cognitive biases shape our very perception of reality. Bali nga pala ang cognitive biases ay ang  thought-shortcuts (thoughtcuts, as I like to call them), that we use to think quicker or process information faster. Our brains will disregard sources of information, objective truths, and instead, apply ingrained beliefs (true or false) to interpret situations. Gets? Kung naniniwala kang kaya mong magmanifest sa buhay mo ng iyong pinapangarap. It will happen. It’s possible.

5. Mataas ang tingin sa pera.
Hindi ‘to tungkol sa usapang pagpapayaman ang artikol ko. Hindi lahat ng mayayaman ay supaga sa pera o alipin ng pera. Hindi lahat ng gumagamit ng LOA ay mukhang pera. Ang ibig kong sabihin, lahat tayo nangangailangan ng pera. Magagamit natin to para sa araw araw.

Honestly, yung iba ginamit lang ang kakayahan ng kanilang isip, nagsikap sila at nagtiyaga sa buhay. Hardwork always pays off plus dagdagan mo pa ng LOA, ibang klase na iyon. Sabi pa ng isang Buddhist sa kanyang quote “Bless that which you want”. Kapag nakita mo sa daan yung kotseng kinaiinggitan mo, wag kang malungkot o mainggit bagkus magkaroon ka ng positive vibes na makabili ka din ng ganung klaseng kotse. Saka sila yung may mataas na tingin  sa pera na kaya nilang kitaan ang ganung halaga ng materyal na kotse.  Nabuhay ka sa mundong ‘to upang gawin ang gusto mong gawin. At hindi ng gustong gawin sayo ng ibang tao. O diktahan ka ng ibang tao. Kaya mabuhay ka sa gusto mo.

Di mo pwedeng sabihin na

“Ay nako! ginawa ko na yan dati, di naman umepekto sa akin, pang matatalino lang ata  yan saka ang mga gumagawa lang yan ay yung gustong magkapera.

Ang sagot ko po diyan ay isang malaking

“Ekis”.

Lahat tayo may energy. Kaya nating lahat i-manifest yan. At di po totoong ang mga gusto lang magkapera o yumaman ang gumagamit ng LOA. Kung palagi mong sinasabi na di mo kaya to, baka nga totoo. Yan ang naririnig ng mundo sayo. Yan din talaga ang mangyayari sayo. It’s so true diba.  

May oras at panahon pa para baguhin ang lahat. Piliin mong maging positive mag-isip. Simulan mong sabihin na

Ang sarap mabuhay sa gusto kong gawin, Mahal na mahal ako ng buhay. Ako ang may control ng buhay ko. Ang tinatanim ko ngayon sa isipin ko ay mga magagandang bagay at alam kong maganda rin ang tutubo dito”.

Noon nga mali ako dahil mali ako ng tanong na ginagamit. Sabi ko noon sa sarili ko

“Bakit parang ang sama sama sakin ng kapalaran ko?”

At ayun na, mas lalo pang sumama ang mga nangyari saken.

Kaya nag-isip ako ng paraan upang baguhin lahat ng 'to.

Binago ko ang mga tanong ko, Kagaya nito.

Bakit paganda ng paganda ang buhay natin? Alam niyo kung ano ang naging outcome saken? Mga sumunod na araw, sumaya at sumigla ang buhay ko. Punong puno man ng problema ako. Gumagaan pa rin dahil nagkakaroon ako ng pag-asa i-solve ang mga problema ko dahil sa simpleng positive question.

Bakit ang daming pag-ibig sa mundo? Makakakita ka man ng mga taong nag-aaway at nagbabangayan. Mababago ang lahat sa simpleng tanong lang. Diyan na akong natutong magmahal. Nakita ko ang mga magagandang bagay na nasa paligid ko. Nakapagbigay ako ng oras sa mga mahal ko sa buhay. Naging maayos ang lahat dahil sa simpleng tanong ko.

Bakit marami pa ding taong handang tumulong at maglingkod sa akin? Kapag pagod na pagod ako, may darating na di inaasahang tulong. Nakakatuwa. Gaya ng malalaman kong di ko na kailangan pang pumunta sa malayo (example lang), meron naman pala ang kaibigan ko, di lang ako nagtatanong sa kanila kagad tungkol sa hinahanap ko.

Bakit meron pa ring mabubuting pulitiko? kahit na tadtad ng mga negative ang balita at politika dito sa Pilipinas. Lilitaw at lilitaw pa rin ang katotohanan at makikita pa din ang pagtutulungan ng bawat Pilipino kung hinahanap natin  ang magandang side ng buhay.

Bakit mas lalong gumaganda ang mga kabataan? Hindi to pisikal kundi mas nakikita ko ang positive side na ang mga kabataan, mas natututo ng dumiskarte sa buhay, natuto na sa maling relasyon at dumiskarte ng mga mapagkakakitaan. Sa ganitong klase ng pagtatanong ko, tumatambad lang sa aking mga mata ang mga magagandang imahe ng mga kabataan. Ang saya lang.

Bakit mas marami pa din taong nagfo-focus sa positibong bagay? Imbis na mainis ako sa kapitbahay nameng chismosa na tinatawag ko noon siyang Resident Evil, ngayon parang nag iba ang lahat. Di ko alam kung sino ang nag iba, ako ba o sila. basta nagbago ang pakikitungo ng lahat. Siguro dahil sinimulan kong itanong ang tamang tanong. Ganun.

Bakit ang daming taong malusog at walang sakit? Kung nangangamba kang lumalaganap na ang malulubhang sakit kung saan saan, bakit di mo isipin ang mga positibong bagay na lalapit sayo ang mga taong walang sakit, o walang karamdaman. Hindi masamang lumapit ang taong may sakit sayo, ang sa akin lang, kung ikaw mismo ay may positive energy, maaaring ang may sakit na katabi mo ay mahawaan mo rin ng positive energy mo dahil mas powerful ang energy mo kaysa sa kanila.

Bakit nananatili pa rin ang kapayapaan sa lahat? Magulo ba ang buhay. Simple lang. Itanong mo lang kung saan ang  kapayapaan na nangingibabbaw. Mahahanap mo.

Thursday, May 18, 2017

CHANGE Part 2

“Para akong dagang pagikot-ikot lang sa kulungan ko.”
“I feel stuck.”
“It’s time to push through.“

Yan ang bukambibig ko ng mga nagdaang araw.

Kanina halfday ako sa trabaho. Nagkaroon kasi ako ng headache slash kaartehan kaya nagpacheck-up ako sa doctor. Parang may tumutubo kasing panibagong utak sa ulo ko. Wag namang po sanang ma-stroke ako. Bata pa ako. Saka additional, sinulit ko na din ang libreng pacheck up kasi healthcard ako. Ay! hindi pala libre ‘to kasi binabayaran ko din ang healthcard ko.

Kanina, maaliwalas ang panahon. Tanghali na ako pumasok sa work, hindi gaanong mainit at makalaglag ng pawis ang bawat eksena. Siguro, paparating na talaga ang panahon ng tagtrapik, tag-emo at tagulan kaya maalinsangan na. Ito ang pinakamasayang buwan ng pasukan ng mga estudyante. haha Asahan na natin dadagsa ang matinding traffic sa Metro and Mega Manila.

Kanina.

Nakita ko na naman yung paborito kong basurero sa lugar ng Dominga Street dito sa Pasay City. Nasabi kong favorite ko siya di dahil kaakit-akit siyang tignan kundi matino siyang pagmasdan.

Aaaaaaaaaaay! (Toray!)

Lalaki siya pero di ako nagkakagusto sa lalaki. Fuck you. Mukha kasi siyang “sayang na tao”. Lalaki siya pero di ako nagkakagusto sa lalaki. Fuck you ulit. Mukha siyang matalinong nabaliw lang. Alam niyo naman diba kapag may dating o impact ang tao. Lalaki siya pero fuck you ulit. Baka nga mas piliin mo pa siya kaysa sa kaibigan mong wala ng ginawa kundi magpost lang ng pabebe sa facebook eh.

Kung di ako nagkakamali. Nakita ko na siya nung lunes pa ng umaga, naaalala ko, ibang lugar kasi yun na dinaanan ko kaya nakita ko siya ulit. Saka nung tuesday or wednesday ata yun, nakita ko rin siya, bago ako umuwi sa bahay, nahuli ko na naman siyang nagpupulot ng basura malapit lang sa Harrison Plaza. Nakaramdam ako ng inggit. Konti lang naman na inggit.

Kung ia-analyze ko ang kwento. Para siyang nagta-travel. Para siyang freelancer.

Mantakin mo yun. Tangina buti pa siya. Nagta-travel kung saan saan. haha Nakakapunta sa kung saan niya gusto. Hawak niya pa ang oras niya pati ang basura niya. Samantalang ako, dahil may pasok kinabukasan, kailangan kong umuwi ng maaga. Although, malayo ang place ng work ko, ngunit paulit ulit lang naman ang ruta ko compare sa kanya(kay basurero). Pero di niya inisip yun. Ako lang talaga nag iisip ng ganun.

Magbasurero nalang kaya ako? haha

Inaamin ko na. Sige na. Feeling ko, nakagapos lang ako ngayon. Kaya ganun ang interpretation ko kay kuya.

Walang kinalaman yung basurero sa kalungkutan ko ngayon. Nabanggit ko lang. Dama ko lang kasi ang kalungkutan ng isang bilanggo.

Tanong ko sa sarili,

Ano pa ba ang dapat kong gawin sa ganitong pagkakataon?

Malamang. Hanapan ng solusyon, diba. Bakit ko pa aartehan ‘tong istoryang to, diba.

Sa totoo lang. Ang sarap yakapin ng pagkakataon na ‘to kung saan ang gulo at ang dilim ng mundo ko ngayon. Tipong gano man kadilim ang paligid ko ngayon, may isang liwanag pa rin na nagbibigay pag-asa sa mga mata ko at iyon ang liwanag na nanggagaling sa puso ko. (Naks)

Ang puso kong palaban.

Anuman mangyari, hilig ko pa rin makipagbiruan sa mga nakakasabay ko. Tumahimik na ako pero gusto ko lang ng normal na buhay.

Buti nalang di pa rin nawawala sa kokote ko ang pag-iisip ng mga masasayang bagay kahit na down na down na ako ngayon. Pinapasaya ko nalang ang kaluluwa ko para di ako malungkot o tumupi nalang. Nagbabasa nalang ako ng mga dati kong blogpost. Mas lalo akong namo-motivate magsulat at ginanahan ako kumilos sa maghapon.

Habang tumatagal, kahit na anu pang gawin kong pagpapasaya sa sarili  ko o sa ibang tao, wala talaga akong choice kundi itama ang buhay ko, bilisan ang kilos ko, at hanapan ng solusyon ang lahat ng kinakaharap ko ngayon. Di ko naman pwedeng piliing maging miserable pa ang buhay ko, diba. Di ko talaga kaya ang malungkot na buhay. Ang emong buhay. Ang natitira nalang sa akin ay i-motivate ko ang sarili kong magtagumpay. Dahil bandang huli, ang pinili ko pa rin ang dapat kong sisihin at pagdiskitahan. Kasi may choice ako.

Dagdag na tanong ko sa sarili.

Bakit paulit ulit nalang ako sa tanong ko? Parang nakakapagod na. Parang gago na ata ako. Ano na ba ang nangyayari saken? O may nangyayari ba talaga sa akin? Paano na ang gagawin ko ngayon? Paano ako ulit magsisimula?  Parang wala na atang pag-asa. Saan ako pupunta?

Ang daming tanong na gumugulo.

Nagtatanong ako dahil naniniwala ako na sa bawat makabuluhang tanong ko ay may makabuluhang sagot din akong mahihita. At ito’y ginagawa ko sa harap ng salamin.

Pinipilit kong labanan ang lungkot na nadarama ko ngayon.

Kasi para sa akin.

Ang buhay ay nagbabago and I will accept the responsibility for changing my world. Marami man akong tanong, magkakaroon din ng kasagutan lahat ng iyan.

Alam ko, nagbabago ang mundo pero dadating at dadating talaga ako sa puntong feeling ko parang di ako nagbabago. Ewan ko ba. Kumikilos naman ako sa goals ko, gumagawa ako ng move sa mission ko, tapos feeling ko ngayon ang messy ng lahat. O baka naiirita lang ako.

Kailangan kong bantayan ang tinatanim ko sa isip ko eh. Isipin ko pa rin na dapat may magbago.

Sa choices na pinili ko, parang lumalabo ang susunod na mangyayari pero alam ko sa sarili ko na bumubuo na ako ng kinabukasan ko. Ayun na lang talaga ang kinakapitan ko.

Nakakapili pa ako ng dapat kong gawin, siguro naman pwede kong mabago ang lahat, diba. Power din yun.

Baka nga feeling ko lang to, siguro feeling ko lang ‘tong “stuck ako”. Hindi to totoo. Kasi kung totoo ito, edi sana wala akong kapangyarihang isipin na di ako gumagalaw.

Palagi nalang sa ganitong sitwasyon na naguguluhan ako, kadalasan humahanap ako sa iba ng masisisi. Pigilan ko man ang sarili pero parang kusang ginagawa ko ‘to. Nakalimutan kong tignan ang sarili ko kung sino ba talaga ako.

Dapat ko ng baguhin ang perception ko sa mga nakikita ko. Baka sakaling kapag nabago ko ang tingin ko sa lahat ng bagay na nakapaligid sa akin, magbago din ang eksena gaya ng inisip ko na

“lahat lang to ay joke lang, walang dapat seryosohin” 

para nang sa gayun matuto akong hindi dibdibin ang lahat ng bagay at opportunity din to na maging humorist ako. haha

Dahil lahat walang permanente.

My reality is bendable to my will.

Tapos na ang kahapon, di ko na maibabalik pa ang nakalipas na pagkakamali. Ang tanging mayroon lang ako ngayon ay ang ngayon. Panahon na rin para bitawin ko na ang mga taong walang kwenta at naiambag. Ipapakita ko nalang sa kanilang ang path na tinatahak ko para kahit papaano mainspired din sila. (Naks) Pati lahat ng habit kong walang katorya torya. Binitawan ko na din. Wala na dapat akong pagsisihan pa. Mauubusan lang ako ng oras kung pipiliin ko pang magpaka-depress at ma-frustrate sa lahat ng kaganapan.

Gigil na ako eh. Honestly.

Nilamon na ako ng pagiging desperado. Naubusan ng pag-asa at nang dahil sa pagiging desperado ko, nalulong na ako makapunta sa gusto kong puntahan. It is my little voice that says I will try again tomorrow. I will start today and make a new ending.

Ayoko na talaga rito. Ayoko nang naghihintay parati. Because I learnt the hard way that I cannot wait for my life to be perfect before I start living my dreams. Sabi pa ni Allen Saunders

“Life happens when you are busy making other plans.”

May dapat baguhin talaga. May dapat na magsakripisyo. At ang nakikita ko ay ‘ako’ yun. Hindi ‘to madali pero alam kong posible. Paulit ulit man ang tanong ko na wala pa rin nagbabago? Dapat ko na sigurong baguhin ang tanong ko. At ang pinakatanong ko sa buhay ko, sa akin nalang iyon. Bawal ko munang sabihin senyo. Mas masakit para sa akin na nandito ako(sa work na to) habang buhay. Di kaya ng kaluluwa ko ang ganito. It’s time to choose what’s best for me.

Kagaguhan din na isiping nagnanais ako ng pagbabago pero wala akong bagong ginagawa. Baka nga same lang ang strategy na ini-implement ko kaay ganun.

Wala naman akong dapat gawin kundi i-motivate nang i-motivate nang i-motivate ang sarili ko. At makaroon ng ganap.

I have the power and energy to move forward no matter what obstacles block my path. I have the power to live up to my highest vision of how my life can be. I have the power to follow through and make significant progress on my biggest goals. Lahat ng ‘to ay kaya ko kasi may choice ako.

Wala na nga akong paki sa sasabihin ng iba kesyo nagbago na ako. Dapat talaga akong magbago. Mas papalakasin ko ang utak ko. Feeling ko napagod lang siya sa lahat ng napagdaanan namen.

Ako ang susulat ng tunay na kahulugan ng buhay ko gamit ang pinili kong talata.

Lagi akong nagtatanong kung ano ba ang maiihahain ko sa lamesa.

Sa totoo lang, natatakot ako sa bawat araw na nandito ako. Natatakot akong ulitin na naman ang paulit ulit na bagay na ayaw kong gawin. Napipilitan nalang ako dahil wala akong malipatan at mapuntahan. Natatakot akong mawasak ang mga plano ko. Natatakot akong dito pa rin sa klase ng tindahan ako kumakaen. Natatakot akong dito na naman ako maglalakad sa lugar na to. Natatakot ako na ang ‘isang araw’ ko ay yun din ang gawin ko sa buong taon. Natatakot ako. Dapat ang “isang araw” ko ay mabago ko. Okay lang sa akin ang pagbabago. Wala ng problema sa akin ang changes. Handa na ako.

Sisimulan ko ng maging tapat. Simulan ko ng hindi mang-gago at mantrip ng ibang kapwa. Kasi ang kalagayan ko ngayon, talagang masasabi kong kagaguhan eh. Parang bumabalik lang talaga.

Yayakapin ko ng todo to.

Nagkamali ako noon. Ngayon bumabangon muli sa pagkakamaling akala ko lahat ng oras ay nasa akin ang lahat ng oras.  Sabi ni Stephen C Hogan sa kanyang advised

“Most people miss great opportunities because of the misperception of time. Don’t wait! The time will never be just right.”

Kaya.
Go Ben. Fight lang.
Life is right now, right here – make the most of it.

Friday, May 12, 2017

CHANGE


“We must be willing to let go of the life we planned so as to have the life that is waiting for us.” ~ Joseph Campbell

Hello Gentle Reader, what’s up?

Nga pala mga dude, mga around 4:30am kaninang umaga ako’y nagising, binuksan ang aking puso sa pagmamahal at nagmuni muni ng ilang oras. Maraming tanong ang gumulo sa akin. Gusto ko lang kayong idamay sa problema ko. haha

Wala naman.

I would like to share to you yung naging reflection ko kanina nung ubod ng tahimik ang kwarto ko sa loob ng halos dalawang oras. Walang ibang nangyari  kundi ako’y umupo ng masarap at nag-isip ng deeper meaning sa pagkatao ko. (Yes. Oo, mas malalim pa sa bunbunan mo.)

Ayoko na sana ‘tong i-post sa blog kasi parang irony ang dating pero parang feeling ko dapat bigyan niyo ako ng opinyon kasi naguguluhan ako. hahaha So, help me please.

Tungkol ito sa digmaan ng aking katahimikan at kaingayan. Bibig versus utak ko.

May idea na ba kayo sa topic ko?

Let’s start this story in a silence. Sssssh.

Kailangan ko ba talagang tumahimik? Kailangan ko ba talagang tumahimik? Kailangan ko ba talagang tumahimik?

Yan ang tanong ko sa sarili ko.

Pero, in case man na “Katahimikan” ang sagot sa lahat ng problema ko, ugali ko at lahat ng balakid sa akin. Why not? Why not to choose silence, diba. Bakit hindi ko gagawin? Kung malaki ang malo-lost sa attitude ko. Sure akong malaki din ang makukuha ko. Kung tatahimik na talaga ako. Syempre ang tanong ng ilan, paano naman ang blog ko, bibitawan ko na ba kasi halos sinasabi ko na lahat dito eh? Naisip ko siguro, pwede rin naman akong magwrite ng hindi na tungkol sa buhay ko. Okay rin naman na magcreate or pagusapan ko ang makabuluhan na pamumuhay naman ng ibang tao. Tama, diba!? Or pwede rin naman akong magsulat dito sa blog ng tungkol sa mga naiisip ko in a way na hindi ko na sasabihin ang lahat ng balak ko sa mundong ‘to. haha Concealing my intentions. Pwede naman diba. May problema po ba tayo don?

Diba wala.

Well kasi, natanong ko lang ang sarili ko kanina.

Tatahimik na ba talaga ako o mas mag-iingay dahil kailangan kong magsalita sa mga oras na to?

Kapag ba may kailangan akong alamin, tatahimik nalang ba ako o magtatanong sa iba at bubuksan ang aking nag-iisang bibig upang mag gather ng information and opinions?

Tatahimik ba ako para marinig ang hindi ko pa napapakinggang tinig ng sarili ko o ang totoong ako ay nakilala ko na, kaya di ko na kailangan baguhin pa?

Masyadong malalim ‘to ngunit pipilitin kong ipaliwanag senyo ang nararamdaman ko. Pero hindi ko maipapangako na lahat ay sasabihin ko ngayon. Itatago ko ang dapat na hindi niyo malaman. haha (Baka simula na ‘to ng katahimikan ko.) haha Baka lang.

Anyway, I know naman na ang “Katahimikan” ay punong puno ng sagot. Paano ko nasabi? Noon, kapag tumahimik kasi ako, napapansin ko na binibigyan ako neto ng kasigurahan na malaman ko kung ano ba ang katotohanan dahil nag pay attention akong makinig sa sarili ko. Sa ganung paraan, willing kasi ang buong senses kong harapin ang lahat.

Kailan ko naman yan nalaman? Actually, matagal na, sinanay ko lang talaga ang sarili kong maingay dahil sa gusto kong maging masaya. Yun lang.

“Maikli lang kasi ang buhay, bakit ako magse-seryoso?”

Yang phrases na yan, noon hanggang ngayon ang aking paniniwala.

Pero pinag isipan ko ng maigi at nalaman ko na kapag tahimik ang konsensya ko saka naman magsasalita ang aking inner being. Parang ganun. Naks, oh diba, ume-inner being na ako. hahaha Aba syempre. Paliwanag ko sayo ah. Kayo ba? Minsan ba na-experience niyo na mas mabuti nalang tumahimik sa isang argumento o pag aaway ng dalawang tao. Diba minsan mas nakakaintindi pa yung unang tumahimik sa pagsasalita kesa sa taong daldal ng daldal. Ang putak ng putak ay yung taong inuulit lang naman ang sinasabi niya para ma-prove niya sa kausap niya na tama siya. True naman diba?

Kaya ngayon saken, napagdesisyonan ko na napakahalaga ng silence. Imbis na manisi ako at tumingin ako sa iba, nakatuon na ako sa sigaw ng aking sarili. Inaalam ko ng husto ang tama sa mali. Kapag tumatahimik kasi ako, kumukuha ako ng tamang tyempo masolusyunan ang problema. Ganun po.

Honestly, hindi madali para sa akin na tumahimik. Napaka-hirap. Pero kakayanin ko.

At di naman lingid sa ating kaalaman na kaingayan ding matuturing ang social media. Alams niyo yan. Isa rin akong biktima diyan.

Naalala ko pa. Sabi tuloy ng professor ko nung high school ako sa Filipino Subject, pero alam ko naman na quotes lang yung sinabi niya kasi di naman matalintahaga magsalita yun eh. Saka wala sa mukha niya magbitaw ng ganung klaseng salita. haha Ang sabi niya:

“Ang dagat ng maingay, mababaw. Ang dagat na malalim, tahimik.”

Tama rin naman. Pero bakit ako?, maingay pero malalim pa rin ako. hahaha charot lang.

Sa totoo lang. Kinilala ko ng maigi ang sarili ko. At kilalang kilala ko ang sarili ko. Di ko lang alam kung dapat ko bang baguhin ang sarili ko para sa mga pangarap ko.

Pwede din naman. Siguro dahil naisip ko na pumalya ang mga una kong plano kaya dapat akong magbago ng character ngayon. Change naman ng strategy kumbaga. Alam ko  naman na when announcing my plans to others it satisfies my self-identity just enough that I am less motivated to do the hard work I needed. Once I’ve told my friends of all of my intentions and my goals, it gives me a premature sense of completeness. Yung kala ko, okay na. Yun pala hindi pa.

Kaya nung mga nagdaang araw, napipikon ako sa tuwing pinakekealaman ang lahat ng routine ko tuwing umaga. Alam niyo naman sa blog ko palagi kong binabanggit na mahalaga ang movement ko sa umaga.  Ayaw na ayaw kong nasisira ang morning ko. Ayaw na ayaw kong nasisira ang momentum ko. Sa maniwala kayo sa hindi. Pinapanatili kong disiplinado ako.

Kaya minsan, di ko mapigilang ilabas ang galit ko sa taong dapat sisihin na naging suma neto tuloy ay humahantong sa init ng ulo ko at nagkakapagsalita ako ng hindi maganda. Ayoko na kasing makapanakit ng ibang tao. Minsan nang dumampi ang malakas na pwersa ng palad ko sa balat niya. Ayoko ng ulitin pa.

Wala naman kasi akong ibang alam na kakapitan upang makatakas sa aninong rehas na kinauupuan ko ngayon kundi gawin lang ang mga bagay na makakatulong sa akin. Ang mga bagay na i-set ko ang aking utak sa tama. Involved diyan ang  silence na sinasabi ko.

Samakatuwid, tanging katahimikan din ang sagot para hindi ako magalit sa umaga at maiayos ko ang napakagulo kong buhay. So, when I am just starting out on the road toward a big undertaking, it is probably best to let my actions express my intentions louder than my words. Kaya natutunan ko na ang real success is not about boasting and showing off. Kung gusto kong maiwasan ang gusot at ayusin ang sarili ko. Matuto na siguro akong tumahimik. Magkakaron at magkakaron ako ng kalaban o kaaway  pero kung tumahimik man ako, iba pa rin ang nakahanda. At matino ang utak. Hindi man sa kaaway pero sa lahat.

Naalala ko noon, talagang bumuhos ang napakalakas na biyaya sa akin nang tumahimik ako ng todo. As in, naging boring ang buhay ko pero may kapalit naman iyon. Paanong pagkatahimik ang sinasabi ko? Wala akong ginawa noon kundi magfocus sa gusto kong gawin, sa pag aaral. Sa isang bagay lang, ang makamit ang honor nung elementary ako. Wag ka, naging 2nd hororable mention ako nun. Plus na rin na nakadagdag ang pagiging relihisyosong tao ko dati kaya nakamit ko iyon, nabitawan ko saglit ang pagiging makulit at maingay. Kusang tumikom ang aking mga bibig sa mga walang kwentang bagay na nasa paligid.

Kaya nung tumagal tagal ang panahon. Na-realized ko. Wala pa akong classmate na narinig kong balak nilang maging cum laude or dean's lister nung magkasama kame ng summer bago magsimula ang semester pero natutupad naman nila ang sariling plans nila pag graduate na nila. Ayun, may isa akong kaibigang cum laude at lisensyado na. Patunay lang na kailangan ko din minsan manahimik at magfocus sa gusto ko.  Well, it’s true. When achieving my goals, it better to behave. Because the secret to attracting all I want is to be still. To tune into myself, and listen to my silence. Ganun.

Pwede naman siguro akong magpatawa sa ibang klaseng paraan. Gaya nitong sulat ko.

Isa sa mga nabasa kong quotes na talagang nakapagpabago ng buhay ko kailan lang nung pinag aralan ko ng matino tong topic na to ay ang sinabi ni Swami Vishnu devananda:

“Here the Silence; See the Silence; Smell, Taste and Touch the Silence. That Silence is God. That silence is the Peace that Passeth all Understanding. Close your eyes and become One with that Silence”

This sums it all up. When I become one with the silence then all is well. I have truly attained my heart’s desire.

I may think I want a magarang kotse, malaking house and more money sa bangko, yet when I to be still and listen in, I will notice that yes, I do want those things yet underneath that wish is a far deeper need.

Saka.

Kumpara naman sa pagkakamali kong buhay ngayon na madaldal at gusto kong kumausap ng kumausap ng maraming tao.

Diba nga kaninang umaga, mainit na kagad ang panahon pero nag iisip pa rin ako. Nagtatalo kanina ang brain at heart ko kung sino ba dapat ang sundin ko.  Sinasabi ng puso ko na “Okay lang mag ingay ka at maingay ka masyado, sabihin mo sa lahat ang gusto mo, walang makakapigil sayo!”. Tama naman ang sinasabi ng gago kong puso, nagpakatotoo lang naman siya. Ngunit sinasabi naman ng aking matalinong utak na hindi ko daw kailangang buksan ang aking bibig at puso, gawin ko lang daw ang dapat kong gawin and the rest will follow. Tama din kaya ang isip ko, o baka magulo lang at madumi lang to ngayon. Sana tama ang utak ko, sa tuwing sini-zipper ko ang aking mga bibig, mas nagiging open ang aking isip sa mga bagong pagsubok at pananaw ko sa buhay. Kapag tumatahimik ako, mas madali kong naiintindihan ang mga nangyayari na taliwas naman sa sinasabi ng puso ko na “okay lang daw mag ingay “eh yan naman ang gusto kong gawin ediba”, ang magsalita ng magsalita. Kumontra naman muli ang aking isip na hindi ko daw makukuha ang gusto ko kung hahayaan ko nalang ipanakaw sa iba ang pangarap ko gaya ng nadudulas ang mga dila ko sa pagsasalita ko ng sarili kong intensyon. Ang pagiging madaldal ko daw kasi ang nagiging mitsa ng kapahamakan ko sa buhay. haha Mahirap magdecide. Wala akong choice kundi tumahimik nalang muna.

Tanong ko ulit, kelan ba ako huling tumahimik? Kailan ako nakinig on what my heart is saying to me?

Di ko na maalala kaya ako’y umupo nalang kanina at tumahimik.

Dagdag pa ng lahat ng ito, nakakagulo lang na marami akong nababasa na mas effective daw sabihin sa iba ang goals ngunit  marami rin naman nagsasabi na hindi maganda ipangalandakan ang mga dapat makamit. Sa ngayon, mas pabor ako sa katahimikan. Dapat lang akong kumilos ng tahimik sa lahat ng life goals ko. Siguro nga magkakaiba tayo ng level ng pinagdadaanan na hindi natin pwedeng sabihin na applicable sa lahat ang napagdaanan ng iba. Magkakaiba pa rin tayo ng pag iisip at buhay.

Siguro magba blog nalang ako at babawasan kong banggitin dito ang mga plano ko. Ganun nalang siguro.

Di na kailangan malaman ng kaaway ko na paparating na ako.

Di ko na kailangan pang i-broadcast na malungkot ako sa facebook /blog para lang maibsan ang problema ko..

Walang may pake sa pangarap ko. Alam ko yan.
Di ko na kailangan pang isigaw sa facebook ang kaligayahan at problema ko.
Di ko na kailangan ng approval ng iba para magsimula akong kumilos.
Di na kailangan pang i-promote sa social media na mahalaga ako. Kusa nilang malalaman iyon.
Di ko na kailangan magpatunay. Sa sarili ko gagawin yun.
At ang tanging kailangan ko ay katahimikan.

Declaration: I will conceal my own purpose and I will hide my progress. I do not disclose the extent of my designs until I cannot be opposed, until the combat is over. I will win the victory before I declare the war.

I will hide my intentions not by closing up (with the risk of appearing secretive, and making people suspicious) but by talking endlessly about my desires and goal, just not my real ones. I will kill three birds with one stone.

So alam niyo na kapag tumahimik na ko sa blog ko. hahaha  May dapat lang akong tapusin. “We must be willing to let go of the life we planned so as to have the life that is waiting for us.”

Tuesday, May 9, 2017

I’M THIRSTY FOR MORE

Magandang umaga senyooo.

Nung linggo nga pala ng umaga, bumiyahe kameng buong pamilya papunta sa resthouse ni Mama sa Naic, Cavite. Kasama ang aking tatlong napakabalasubas na mga pamangkin  pero may kulang pa pala dahil hindi na-mention ang kuya ko at asawa niya, pero somewhat di sila balasubas. haha

Takte, talagang na-realize ko na hindi malapit ang Naic sa Manila. Sobrang layooo ng bahay niya. Ka-imbyerna. Para kameng pumunta ng Nagsasa, Zambales.

Wala namang ibang purpose doon kundi bisitahin lang si Mudrax at ayusin ang dapat ayusin sa bahay niya. ‘Tas yung mga chikiting nagsu-swimming sa dehangin na swimming pool namen.

Imposible naman kasing mag-isang magtrabaho si mama dun, diba. Bawal na siya sa mga mabibigat na gawain eh.

Featuring with my pamangkin, masaya din yung magkakasama kameng nagkukulitan sa bus at nag-aasaran. Partida wala pa kameng sariling kotse niyan. haha Paano pa kaya kung meron na, edi mas lalong maingay. haha Before I forget, yung isa kong pamangkin na si Yayang ay may dalang supot palagi na nakaabang sa kanyang malaking bibig para maging ready siya pagsuka niya. Hindi sanay sa biyahe yan eh. Mukha tuloy siyang rugby girl kung titignan. haha

PASINGIT: (Natutukso na talaga akong bumili ng sarili kong kotse dahil sa sobrang layo nito. Hay.)

Anyway, nakakabitin lang kasi. Halos halfday lang kameng nagtrabaho dun kasama ko yung bagong asawa ng ate ko. Nabitin ako ng husto sa trabaho. Hindi man lang nagalit ng bongga ang mga muscles ko. Tulog na tulog yung braso ko dahil gutom na sa lifting.  Samakatuwid, patay yung masculine energy ko eh. Gustong gusto ko pa naman yung bakbakang maghapong paggawa. Hataw kaya ako magbanat ng buto. Di pa naman ako sanay nung paisa isang kilos. Gusto ko sabay sabay natatapos para matawag ko naman ‘tong meaningful work. At pagdating sa architecture at construction, hindi naman po sa pagyayabang, nasa 30% na ang alam ko diyan. Doing house construction is one of the most exciting I’ve experienced in my life so far. haha Hello? Diyan ako nagta-trabaho. haha

Kulang lang talaga ng gamit para sa construction ng bahay pati ng materyales, plus pa ang oras kulang na kulang din. Madami na sana akong magagawa e, kinapos lang talaga kaya times up na. Nabitin lang talaga ako.

Kaya dito sa opis. Namiss ko kumilos sa construction site. Paano ba naman puro nasa opisina ako lagi eh.

PASINGIT ULIT:  (Kaya now, ready na ready na ako pagandahin din ang sarili kong bahay. Nextime ko na babanggitin kung saan iyon. Malapit na rin yun eh.)

During working hour sa bahay ni mama, may nakita akong kakaiba sa ibabaw ng bubong ng kapitbahay ni Ina. Tinanaw ko siya. E wala namang tao dun at sinilip ko, walang mga gamit kaya wala pang tumitira dun malamang. Kaya okay lang kung mangialaman ako ng property ng iba, diyan naman ako sanay eh, charot.  haha Ang akala ko nung una, naduduling lang ako at nahihilo sa nakikita ko sa ibabaw ng roof. So, init keye.

At tumpak nga. Totoo nga talagang may nakalapag sa ibabaw ng bubong.  Malinaw na ang mga mata ko. Amazing.

Na-curious lang talaga ako. Para siyang box na parang isang malaking libro. Diba nga, intention is a precursor to curiosity. Dapat pinapagana ko ang utak ko diyan. Kaya, tinignan kong maigi iyon, sinuot ko pa nga ang eyeglass ko eh. Kakaiba talaga siya pramis, hinuha ko nung una, baka may naglagay lang dun ng kung sino sino, ngayon lang naman ako napadpad sa lugar na yun eh. Malay ko ba, diba. Dapat ko pa bang imbestigahan kung sino ang gumawa nun. Gago lang?

Imposible naman dinala ng pusa yung ganung kalaking box. Ang last prediction ko, may naglagay dun na tao o may ibang tao na naibato yun ng hindi inaasahan. Mukha naman siyang magaan eh. Wala naman sigurong mawawala kung titignan ko yung laman diba. Malay natin kung nandyan na pala ang sagot sa problema ko sa mukha ko. hahaha joke.

Nae-excite na ko. Gusto ko na siyang kunin. Gusto ko na siyang hawakan. Gusto ko ng tignan ang surpresa sa loob nun. Kaya mensahe ko diyan sa box na yan. (I feel it coming. I feel it coming, babe.)

Oo nga pala.

Ang problema lang, may dala akong cellphone. At mga gadgets sa bulsa ko. May kabigatan din ‘to. Ayoko naman iwan ‘to baka mawala. Wala rin namang magbabantay ng gamit ko sa baba ‘pag umakyat ako.  Kaya naisip kong dalhin ko nalang ‘to.  Baka may makapulot pang iba eh.

Tirik na tirik ang araw. For sure, masasayang ang ininvest kong sabon sa katawan ko nito.

Dali dali na akong naghanap ng mahaba habang hagdan. Pero wala pala kameng ganung hagdan. Nagtry ako sa ibang bahay. Buti nalang nagpahiram yung sa tapat namen. Medyo mahirap kausapin si manang pero mga ilang minuto lang, bumigay na din siya saken. Gumana na naman ang pagiging charismatic ko. haha Ampogee eh. Boom. Jooooke!

Syempre ang logic, inuna ko munang dalhin ang mahahalagang bagay, walang iba kundi ang mga gadgets ko ‘tas sunod naman ang sarili ko.

Sakto ang pangyayari.

Sobrang init sa taas ng bubong na tumutunaw ng batok ko. Saglit lang naman ‘tong kagaguhan ko eh, kaya tiisin ko na. Mga ilang sandali pa, may dumaan na basurero na may dalang garbage bag sa kanyang likuran. Hindi ko siya napansin kagad na dumating. Nakita ko nalang nung papalayo na siya. At nilingon ko ang basura namen, nawala. Kinuha niya pala yung basura sa gilid ng walang paalam. Hanep din yun eh. Kala ko pa naman pasumandaling nawaglit lang yung basura namen, talaga palang pinulot niya. at dinala. Ang basura namen ay malapit lang sa  hagdang na inakyatan ko. Buti nalang dinala ko ang gamit ko kundi naisama siguro niya  pati ang gamit ko. Hindi komo ganun siya di ko siya papatulan, ipupulupot ko sa kanya ang basurang iyon. hahaha joke lang.

Nang naakyat ko na ang tuktok. Nagdahan dahan lang ako kasi medyo may kalambutan na ang yero.
Binuksan ko kagad ang box dahil atat nga ako, diba.
Grabe ang nakita ko. Ang resulta ng nakita ko? Hindi siya tao. Hindi siya hayop. At hindi rin siya bagay. Isang tumataginting na….
walang laman. hahaha. Yes po. walang laman.  hahaha

Nasayang effort ko. Bwakanangina. Ang inet. Ayoko na. Baba na ako. Wala akong napala sa katarantaduhan ko. haha

Then balik sa garbage boy. Pero kung iisipin pala, mahalaga pala talaga na inakyat ko ang gamit ko bago ako sumampa sa bubong, ano? Baka nadamay din ang gamit ko sa tinangay ng basurero. Kadalasan pa naman sa mga basurero, kapag hinabol mo, mas makikipaghabulan pa talaga.

Siguro ganun talaga kapag may mahahalaga tayong bagay na gustong makuha sa buhay, uunahin muna natin ang pinakamahalaga bago ang sarili natin gaya ng inuna ko muna ilagay sa bubong ang gamit ko bago ako. Syempre nandun lahat ng kontaks ko at pera ko. Kaya mahalga iyon.

Parang sa pamilya ko, inuna ko muna sila bago ako nag-asawa at bumukod. (Pero malapit ng mangyari iyon). Ganun nga talaga siguro, bago tayo magsasagawa ng big jump to success, iisipin muna nating isalba kung ano ang meron tayo ng sa gayon hindi masayang ang lahat ng ‘to. Ayoko pa namang mawala lahat ng ‘to at hindi mabigyan ng proteksyon ang pamilya ko.

Well, mabalik tayo sa bahay ni mama.

Nakakapagod ang biyahe talaga, as in. Ngayong nakauwi na ako, gusto ko namang magpahinga, humiga sa  hot bath na may lavender vanilla body wash, gusto kong kuskusin ang katawan ko dahil sa sobrang baho ng biyahe. Haha  Tapos I will light some candles yung may aroma yung amoy saka ikakalat ko sa tubigna may sabon yung mga rosas na pula. Shet, sexy time na ‘toooo.  Sana may magbigay naman saken ng isang napakatinding coconut oil body massage, but wait kulang pa ng sounds na pang-sex. Aaaaayy. Gusto kong magrelax at ibalik ang reconnection with my inner god. Yung spirit ng pagkalalaki ko. Kaso wala pa pala akong bath tub. Sayang.  hahaha

Here’s the thing: Ito ang klase ng pagbabago na ang sarap yakapin. Mas nakita ko ang katotohanan on outside the box. Mas marami pa akong natutunan nang dimistansya muna samen si Mama. Mas naging adaptable ako sa lahat ng kaganapan.

Ang realidad na kailangan may magbago sa sarili ko hindi lang sila. Ang katotohanan na hindi natin pwedeng takasan ang pagbabago kundi dapat harapin at sabayan. Nang dahil dito, mas lalo akong nagsikap at nagmabilis sa pagkilos. Salamat. Kahanga-hanga.

At the end of the day , kasabay ng lahat ng responsibilidad ko sa pamilya ko, kay angeline at para sa pangarap na gusto kong tuparin. Isa isa made-demolish ang pangarap ko. Maiko-cross ko din siya sa listahan ko.

Kaya bawal ang magkasakit.

I’m so happy sa mga naitulong ko sa pamilya ko na hindi ko isusumbat kailan man. I am no longer in the era where all I could do was prioritizing my own life and look after the home. My dreams, ambitions and my capacities have expanded. Ang buhay ay may malaking pagbabago na dapat nakahanda palagi ako sa bigger game. Kaya ako, handang handa na ako na pagsabayin ang lahat ng gusto ko na kasama ang bagong responsibilidad sa buhay ko. Ang magkaroon ako ng baby, sariling bahay, tahimik na pamilya, maayos na trabaho at iparamdam sa buong mundo ang pagmamahal kong wagas.

Tuesday, May 2, 2017

ONE MILE TO YOU, MY QUEEN


Kumusta na po, Ma?
Almost 6 days ka ng wala dito sa bahay. (Nasan ka ba kasi.) haha Bigla tuloy kitang gustong yakapin. Diba April 28, 2017 Biyernes, nang umalis ka dito sa bahay at tuluyan nang nagsarili at tumira sa totoong resthouse mo dyan sa Naic, Cavite. Hindi ko alam kung bakit sobra kitang nami-miss ngayon. Kukurutin ko na talaga yang piggyface mo sa sobrang gigil ko sayo. haha Nakakamiss talaga yung pagtatalo at pag-aaway nating walang humpay araw araw tungkol sa problema ng mundo, noh? Diba noh?  I miss you like hell, mudrax. XOXO

Ang laki ng pinagbago ng lahat.

Ka-miss. One time nga naalala ko nung bumaba ako galing ng third floor tapos nadatnan kita sa baba na tulala ka sa Tv kahit nakapatay naman yun. Umabot ata ako ng 2minute na tinitignan kita upang malaman ko talaga kung nanonood ka o ako yung bulag na wala nang makita sa screen ng Tv. Natakot ako dun, Ma. Buti nalang hindi ka nakangiti sa mga oras na iyon. Tawang tawa talaga ako nun, sakit sa abdomen. haha

Nakakamiss lang kasi. Para kang yung nanay sa cartoon na Dragon ball Z pagdating sa amin parang ganito yun eh “Gohan anak. kumaen ka na ba?” namiss ko yung ganun mo, Inay.

Without you here, parang ang boring ng paligid sa looban namin dito sa Pasay, City. The whole world seems depopulated na parang ganun. Wala ka na dito at di na namin maririnig  yung super ingay mo. Yung ingay mong isang line pa lang ang sinabi mo, buo na ang kwento. Alam na ng lahat ang istorya. haha Nakakalungkot para saken na malayo sayo. (O ayoko lang sigurong mag-isa ka diyan) . Alin sa dalawa.

Ikaw kasi eh, sinanay mo akong maging bisyo a.k.a droga  ko ang bunganga mo every single day. Naadik lang talaga ako sa bonding naten na nahinto dahil malayo ka na pero syempre gagawa pa rin ako ng paraan para ituloy parin iyon sa tuwing magkikita tayo.

Sa lahat ng boses sa mundo, boses ni nicolehyala ng Love Radio, boses ng crush ko na si Zara Larsson, boses ni The Weeknd, boses ng boss ko, boses ni angeline, tahol ni shaggy, lahat yan di ko gusto. Ang boses mo lang ang gusto ko. Miss na miss na kita. Sana lang we were together anywhere. Kaso wala, dapat kong tanggapin ang changes. Yung absence mo talaga ang nagpalungkot saken ngayon. Shuta.  haha

Baka ipatokhang nila ako sa pagkaadik sayo. Ma. Lels.

Sa tuwing namimiss kita, kumakaen nalang ako palagi ng tsokolate, choc nut, hersheys, at iba pa. Baka magka-diabetes ako kakaisip sayo. Madami daming tsokolate din yun kung palagi kitang mami-miss, sigi ka.

I miss you. #Sobra.

Saan ka man, whatever you are doing, please stop and smile because I am thinking of you.

Sa trabaho, sa gala, at sa oras ng wala akong ginagawa, and even If I was the busiest person in the world, I’d always find time for you. Tatawagan kita palagi, magmurahan po tayo ulit. Miss na miss ko na po yung ganung moment. Bibisitahin kita diyan weekly.

Tas eto pa, hahaha  namiss ko yung moment na nag-aabot ako sayo ng pera para sa pang gastos sa pang araw araw. Gustong gusto kong moment dun yung bubulatlatin ko yung wallet ko, then malalaman ko na puro resibo lang pala yung nakikita ko sa loob nun kaya kinabukasan ko nalang maibibigay sayo ang sahod ko. At syempre dahil delayed ako sayo, mabu-bwisit ka naman sa akin. haha Pero ngayon iba na, magpapadala nalang ako sayo. Malungkot dahil wala ng sounds ng talaktak mo.

Bali nga pala, don’t worry, nag-assign ako ng mga malulupit na anghel to watch over your house. Please lang po. Baka pati naman yung mga anghel na pinadala ko diyan, awayin mo ah. Wag mo na rin silang utusan masyado, mababa lang ang TF na binigay ko sa kanila. Dalawang lalaki yun at isang babaeng anghel, kapag may ginawa silang milagro sa loob ng kwarto mo, sabihin mo saken, Ma. Tanggal kagad sa serbisyo yang mga anghel na yan.

Saka lagi akong to the rescue para sayo. Kaya kong takbuhin Pasay to Naic basta para lang sa seguridad mo diyan. Gusto mo tumambling pa ako eh. haha joke. Lapit na rin ako bumili ng  tsikot. Makakabili din po ako niyan.

Sa ngayon, hindi pa talaga totally secured ang bahay mo. Kaya palagi kitang ipinagdarasal. Halos everyday naman. Natatakot ako kung sakaling may sumalakay na masamang tao diyan at baka maitumba mo sila. Yun ang inaalala ko pero tiwala ako sa mga anghel na denistino ko diyan. I’m very sure na protektado ka.

Ang gusto ko, safe ka diyan, kinausap ko na din si Bro, papalibutan ka niya ng kanyang hedge of protection. Nandiyan siya para depensahan ka, iligtas ka, koberan ka, alagaan ka, at tignan ka bente kwarto oras. Wag ka lang pong pasaway.

Walang mangyayaring masama sayo laban sa kahit na anong demonyo o demonic spirit diyan. Believe me.
Nung kailan nga lang binisita ako ni Satanas, dumaan saglit sa kwarto ko, kaumay daw kasi sa impyerno, puro demonyo nakikita niya daw dun.
Gusto niya naman daw makakausap ng matinong tao. Di naman ako nagtaray sa kanya. In-entertain ko naman ng maayos. Kaya kung may mangyari sayong masama diyan, titimbrehan ko si Taning.

Basta.

Just take care of yourself.  Mag-isa ka nalang diyan. Sulitin mo ang ultimate “Me Time” mo.

Gusto ko ligtas ka palagi diyan. Sabihin mo saken kapag may kapitbahay kang sinisira ang buhay mo. Reresbakan natin yan, Mama. Dadalhin ko buong sindikato ng Pasay. Guguluhin din natin ang buhay nila. haha Mata sa mata. Eyebag sa eyebag.

Alam mo naman na lagi kong inaalala ang kaligtasan mo laban sa bagyo, sa mga manloloob ng bahay, anumang sakuna at ano pang masamang elemento. Ayokong may mangyaring masama sayo. Sabi ko naman sayo diba, sa oras ng bakbakan, ako muna ang mababaril ng kalaban bago ikaw. Kaya ingat ulit diyan sa bagong tahanan mo.
Wag mong kakalimutan kumaen sa tamang oras ah. Nami-miss ka na daw ng coach mo sa Anytime Fitness Gym. Malaki na daw nadagdag sa weight mo. Kaya konting dieta madam. hahaha Wag mong sirain ang figure mo, mama.

Gusto ko lang magdrama kahit konti. haha

Alam mo naman diba na higit pa kay ama at kay angeline ang pagmamahal ko sayo. Ikaw ang pinakamahusay na guro ko diba. Ang nagturo saken harapin ang buhay ng may sense of humor. Matalino ako dahil matalino ka. Ikaw ang naglapit sa akin sa Diyos upang mabago ang napakadumi kong budhi at mukha. haha Ikaw ang nagturo sa akin kung paano magmahal at mamuhay ng tama. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano maghandle ng isang relasyon. Sa mga mala-doctor love mong advice sa relasyon namen ni Angeline. hihi Hinahanap ko po yun.

Nais kong magsorry sa tuwing sinasabi ko na "Alam ko ginagawa ko, Mama”. Soweee na po. Masakit pala iyon. Mas lalo kong minamahal ang fes mo kapag wala ka saken. I am the only person who knows what your heart sounds like from the inside. Ako ang anak mo, alam ko yan.  MAKINIG KA SAKEN bebe gurl. Ikaw ang inspirasyon ko dahil ginive up mo ang pangsarili mong kapakanan para sa mga anak mo at apo. Thank you for the very special role you play in our lives. Ikaw ang number one cheerleader ko.  Lahat ng meron ako I owe to you. You’re my root, my foundation. I attribute all my achievements  in life, I received from you. Kahit di mo na kame i-kiss basta nagampanan mo lahat ng responsibilidad mo. Para mo na rin akong niyakap at hinalikan nun. Talent mo na yan eh. In fact,  I’m proud to have you as my mom.

Yun nga lang talaga.

Pinapatay ako ng kaluluwa ko kapag mag-kaaway tayo e. Kaya salamat nalang dahil naging maayos na ang lahat.

Sumpa man, mama. Babawi ako. Mas gagalingan ko pa. Papagandahin natin ang mansyon mo. Ang pinakaimportante saken NOW ay ang relaks ka diyan at okay ka diyan palagi. Sa mga oras na to, inspired ako at gigil ako dahil gusto na kita kagad tulungan diyan pero babalik po ako diyan,. At aayusin natin yan lahat.

Papagandahin natin ang harap ng resthouse mo. Dapat ang bahay mo ang may pinaka nagniningning ng walang humpay sa lakas ng ilaw na nakabitin sa entrada ng house mo. Gagawa tayo ng trademark na design para malaman ng buong kapitbahay mo na ikaw lang ang may design ng bahay na ganun. Gagawa ako ng design sayo, Ina Magenta! Harap palang ng bahay mo, donyang donya ka ng tignan. Lalabas ka ng terrace na parang magsasaboy ka ng maraming pera at may hawak na champagne pa. haha Ganern. Something like that.

Tutuparin ko yan mabili para sayo. Dapat pagpasok ng bahay mo may isang malaking chandelier ang nakasabit sa munting kubo mo, alam kong magugustuhan mo yan, gagawin natin yang medyo luma ang effect. Alam kong trip mo yung ganun. Maarti ka eeeh. haha

Ang living room mo, puting-puti. Napakalinis at mamahalin ang mga nakadisplay.

Hindi natin ipapa-tiles yan. Marble ang sahig ng buong bahay mo. Lahat ng sulok ganun, walang ititira.

Alam ko gusto mo pagdating sa setback ng house mo, neat at kumportable. Ay hindi pala, papagandahin ko nalang ang kitchen mo. Alam ko na gusto mong maaliwalas ang kilos mo kapag nagluluto ka at naglalaba ka. Ia-upgrade natin yan to the next level. Mamahaling pinggan, kubyertos, kutsara at lahat ng bagay sa kusina, mamahalin ang presyo. Iimbitahan natin ang lahat ng mga idol sa kusina. Di ka na pupunta sa Vikings para magmerienda at magsnacks. Diyan lang kumpleto na.

Magsisikap pa ako ng husto. Pangako yan.

Pwede ka na ring matulog sa comfort room na ipapagawa ko. Pwede nating tawaging luxury comfort room yun. haha Darating ang panahon na bibisitahin ni Korina at Kris Aquino ang bahay mo dahil nabalitaan nilang mayroon pa palang mas bonggang design ng house sa Cavite, hindi lang pala ang mga celebrities.
Sa tabi ng CR, lagyan na rin natin ng Sauna para mainitan ka naman minsan. Maging porkchop ka naman minsan. Saka dapat nasa limang tao ang capacity ng bath tub mo. Pwede na siguro yun.
Ia-alay ko lahat sayo ang pangarap ko. Wag ka ring bibitiw sakin at sa magulong mundo na to, mama.
Mga limang yaya ang ipapasok ko sa house mo, pwede na yan para di ka napapagod ng todo todo. At may dalawang driver na naka uniform. Di sila dance stripper ah. Iba yun.

Lahat yan, buong bahay mo nagyeyelo. I have a bright idea,  dapat pala lahat ng sulok  naka-aircon pati cage ng mga aso at pusa papalamigin natin.

Ikaw ang gabay ko sa tuwing nahihirapan ako. Itong ipinangako ko sayo, ang magda-drive sakin upang mas ihataw ko pa ang lahat.

Maglalagay na rin ako ng massage room sa bahay mo. Gusto ko kalmado ka lang any time. Tatrabahuhin natin yan. Uubusin ng mga massage therapist ang lahat ng lupa, graba, bato at kati kati sa katawan mo.

Promise. Mas babangisan ko pa.

Ito-tour ko lahat ng kaibigan ko sa crib mo balang araw. Ipapakita ko sa kanila ang walk-in closet mo ng mga bags and shoes na limited edition.

Bibili kita ng pinakamamahaling salamin. Manalamin ka na maghapon at buong gabi. Bahala ka na po. Kung hindi magbago ang reflection mo dun. Problema mo na yun.

Pati na rin ang kwarto at bedroom mo. Di na kailangan ng susi. Maghi-hire ako ng Home Automation Specialist. Gusto ko lahat ng kilos mo de-remote. Lahat ipad-controlled.  Lahat de-pindot. Hindi ka na kikilos at tatayo pa. Yang bahay mo, nakaprogram lahat ng appliances mo. Ganun po. Magkakasabay gagana at tutunog ang music, bababa ang curtains, bubukas ang Tv at sisindi ang lights. Sa sobrang ganda ng music, alak nalang ang kulang sa ganda ng ambiance. Saka pala pati water closet automatic na rin. Alam ko gusto mo yan.

Nakakalurkey lang isipin pero cool.
Hindi pala dapat Tv, dapat pala home theater. I'm not exaggerating. Yan lang ang nakikita ko.

Moderno ang desenyo ng magiging architecture. Siguro para sa akin, ang lucky color ng house mo, tingin ko ay ang maganda ay green and white.

Pagsisikapan nating magkaroon yan ng 3 bedrooms and 1 master bedroom. Marami ang pamilya natin. Marami ring amigang bibisita sayo. Dapat paghandaan yan. Pati mga bruhilda sigurado darating kapag nag-invite ka.

Diba mahilig ka sa Bible quotes, tatadtarin naten ang lahat ng wall ng bible verses. Hindi maliit na text ang gagamitin natin diyan kundi painting lahat yan.

Tatalunin natin ang bahay ni Pacquiao at Joel Cruz. Sigurado yan.

Magiging proud ka sa success ko. Yan ang ipaglalaban ko.

Wait, parang may kulang pa, kulang pa ng beach, ay hindi swimming pool nalang. Magastos na masyado yun.

Kapag naabot ko na lahat. Sayo ang may pinaka magandang design ng hagdan. Susundin natin ang oro, plata, mata para medyo swerte sabi ng Feng shui expert. haha Poro moloki posok ng sworte. haha

Gagawa ako ng room or shop para sayo na dun ka magke-create ng mga inventions at DIY works mo. Yun ang warehouse mo. Mahilig kang magbutingting diba. At tatawagin kang The Amazing Eleanor.

At ang pinaka gusto ko yung garden mo. Kakaibang halaman ang papatubuin natin diyan.  Lalagyan natin yan ng pinakamaningning na ilaw sa gabi. At sa umaga naman, nang maaliwalas kang makakapagbungkal ng lupa at magtanim ng kahit na anong halaman. Papagandahin natin ang landscape.

So ayern.
Hanggang dito nalang po muna. Marami pa akong gustong sabihin kaso dapat muna akong kumilos. haha

Marami pa akong ipagpapasalamat sayo, Ma, kulang pa to.

Hopefully, hindi pa to ang last at makagawa pa ako ng higit sa 50 blog post tungkol sayo, Mama.