Tuesday, May 9, 2017

I’M THIRSTY FOR MORE

Magandang umaga senyooo.

Nung linggo nga pala ng umaga, bumiyahe kameng buong pamilya papunta sa resthouse ni Mama sa Naic, Cavite. Kasama ang aking tatlong napakabalasubas na mga pamangkin  pero may kulang pa pala dahil hindi na-mention ang kuya ko at asawa niya, pero somewhat di sila balasubas. haha

Takte, talagang na-realize ko na hindi malapit ang Naic sa Manila. Sobrang layooo ng bahay niya. Ka-imbyerna. Para kameng pumunta ng Nagsasa, Zambales.

Wala namang ibang purpose doon kundi bisitahin lang si Mudrax at ayusin ang dapat ayusin sa bahay niya. ‘Tas yung mga chikiting nagsu-swimming sa dehangin na swimming pool namen.

Imposible naman kasing mag-isang magtrabaho si mama dun, diba. Bawal na siya sa mga mabibigat na gawain eh.

Featuring with my pamangkin, masaya din yung magkakasama kameng nagkukulitan sa bus at nag-aasaran. Partida wala pa kameng sariling kotse niyan. haha Paano pa kaya kung meron na, edi mas lalong maingay. haha Before I forget, yung isa kong pamangkin na si Yayang ay may dalang supot palagi na nakaabang sa kanyang malaking bibig para maging ready siya pagsuka niya. Hindi sanay sa biyahe yan eh. Mukha tuloy siyang rugby girl kung titignan. haha

PASINGIT: (Natutukso na talaga akong bumili ng sarili kong kotse dahil sa sobrang layo nito. Hay.)

Anyway, nakakabitin lang kasi. Halos halfday lang kameng nagtrabaho dun kasama ko yung bagong asawa ng ate ko. Nabitin ako ng husto sa trabaho. Hindi man lang nagalit ng bongga ang mga muscles ko. Tulog na tulog yung braso ko dahil gutom na sa lifting.  Samakatuwid, patay yung masculine energy ko eh. Gustong gusto ko pa naman yung bakbakang maghapong paggawa. Hataw kaya ako magbanat ng buto. Di pa naman ako sanay nung paisa isang kilos. Gusto ko sabay sabay natatapos para matawag ko naman ‘tong meaningful work. At pagdating sa architecture at construction, hindi naman po sa pagyayabang, nasa 30% na ang alam ko diyan. Doing house construction is one of the most exciting I’ve experienced in my life so far. haha Hello? Diyan ako nagta-trabaho. haha

Kulang lang talaga ng gamit para sa construction ng bahay pati ng materyales, plus pa ang oras kulang na kulang din. Madami na sana akong magagawa e, kinapos lang talaga kaya times up na. Nabitin lang talaga ako.

Kaya dito sa opis. Namiss ko kumilos sa construction site. Paano ba naman puro nasa opisina ako lagi eh.

PASINGIT ULIT:  (Kaya now, ready na ready na ako pagandahin din ang sarili kong bahay. Nextime ko na babanggitin kung saan iyon. Malapit na rin yun eh.)

During working hour sa bahay ni mama, may nakita akong kakaiba sa ibabaw ng bubong ng kapitbahay ni Ina. Tinanaw ko siya. E wala namang tao dun at sinilip ko, walang mga gamit kaya wala pang tumitira dun malamang. Kaya okay lang kung mangialaman ako ng property ng iba, diyan naman ako sanay eh, charot.  haha Ang akala ko nung una, naduduling lang ako at nahihilo sa nakikita ko sa ibabaw ng roof. So, init keye.

At tumpak nga. Totoo nga talagang may nakalapag sa ibabaw ng bubong.  Malinaw na ang mga mata ko. Amazing.

Na-curious lang talaga ako. Para siyang box na parang isang malaking libro. Diba nga, intention is a precursor to curiosity. Dapat pinapagana ko ang utak ko diyan. Kaya, tinignan kong maigi iyon, sinuot ko pa nga ang eyeglass ko eh. Kakaiba talaga siya pramis, hinuha ko nung una, baka may naglagay lang dun ng kung sino sino, ngayon lang naman ako napadpad sa lugar na yun eh. Malay ko ba, diba. Dapat ko pa bang imbestigahan kung sino ang gumawa nun. Gago lang?

Imposible naman dinala ng pusa yung ganung kalaking box. Ang last prediction ko, may naglagay dun na tao o may ibang tao na naibato yun ng hindi inaasahan. Mukha naman siyang magaan eh. Wala naman sigurong mawawala kung titignan ko yung laman diba. Malay natin kung nandyan na pala ang sagot sa problema ko sa mukha ko. hahaha joke.

Nae-excite na ko. Gusto ko na siyang kunin. Gusto ko na siyang hawakan. Gusto ko ng tignan ang surpresa sa loob nun. Kaya mensahe ko diyan sa box na yan. (I feel it coming. I feel it coming, babe.)

Oo nga pala.

Ang problema lang, may dala akong cellphone. At mga gadgets sa bulsa ko. May kabigatan din ‘to. Ayoko naman iwan ‘to baka mawala. Wala rin namang magbabantay ng gamit ko sa baba ‘pag umakyat ako.  Kaya naisip kong dalhin ko nalang ‘to.  Baka may makapulot pang iba eh.

Tirik na tirik ang araw. For sure, masasayang ang ininvest kong sabon sa katawan ko nito.

Dali dali na akong naghanap ng mahaba habang hagdan. Pero wala pala kameng ganung hagdan. Nagtry ako sa ibang bahay. Buti nalang nagpahiram yung sa tapat namen. Medyo mahirap kausapin si manang pero mga ilang minuto lang, bumigay na din siya saken. Gumana na naman ang pagiging charismatic ko. haha Ampogee eh. Boom. Jooooke!

Syempre ang logic, inuna ko munang dalhin ang mahahalagang bagay, walang iba kundi ang mga gadgets ko ‘tas sunod naman ang sarili ko.

Sakto ang pangyayari.

Sobrang init sa taas ng bubong na tumutunaw ng batok ko. Saglit lang naman ‘tong kagaguhan ko eh, kaya tiisin ko na. Mga ilang sandali pa, may dumaan na basurero na may dalang garbage bag sa kanyang likuran. Hindi ko siya napansin kagad na dumating. Nakita ko nalang nung papalayo na siya. At nilingon ko ang basura namen, nawala. Kinuha niya pala yung basura sa gilid ng walang paalam. Hanep din yun eh. Kala ko pa naman pasumandaling nawaglit lang yung basura namen, talaga palang pinulot niya. at dinala. Ang basura namen ay malapit lang sa  hagdang na inakyatan ko. Buti nalang dinala ko ang gamit ko kundi naisama siguro niya  pati ang gamit ko. Hindi komo ganun siya di ko siya papatulan, ipupulupot ko sa kanya ang basurang iyon. hahaha joke lang.

Nang naakyat ko na ang tuktok. Nagdahan dahan lang ako kasi medyo may kalambutan na ang yero.
Binuksan ko kagad ang box dahil atat nga ako, diba.
Grabe ang nakita ko. Ang resulta ng nakita ko? Hindi siya tao. Hindi siya hayop. At hindi rin siya bagay. Isang tumataginting na….
walang laman. hahaha. Yes po. walang laman.  hahaha

Nasayang effort ko. Bwakanangina. Ang inet. Ayoko na. Baba na ako. Wala akong napala sa katarantaduhan ko. haha

Then balik sa garbage boy. Pero kung iisipin pala, mahalaga pala talaga na inakyat ko ang gamit ko bago ako sumampa sa bubong, ano? Baka nadamay din ang gamit ko sa tinangay ng basurero. Kadalasan pa naman sa mga basurero, kapag hinabol mo, mas makikipaghabulan pa talaga.

Siguro ganun talaga kapag may mahahalaga tayong bagay na gustong makuha sa buhay, uunahin muna natin ang pinakamahalaga bago ang sarili natin gaya ng inuna ko muna ilagay sa bubong ang gamit ko bago ako. Syempre nandun lahat ng kontaks ko at pera ko. Kaya mahalga iyon.

Parang sa pamilya ko, inuna ko muna sila bago ako nag-asawa at bumukod. (Pero malapit ng mangyari iyon). Ganun nga talaga siguro, bago tayo magsasagawa ng big jump to success, iisipin muna nating isalba kung ano ang meron tayo ng sa gayon hindi masayang ang lahat ng ‘to. Ayoko pa namang mawala lahat ng ‘to at hindi mabigyan ng proteksyon ang pamilya ko.

Well, mabalik tayo sa bahay ni mama.

Nakakapagod ang biyahe talaga, as in. Ngayong nakauwi na ako, gusto ko namang magpahinga, humiga sa  hot bath na may lavender vanilla body wash, gusto kong kuskusin ang katawan ko dahil sa sobrang baho ng biyahe. Haha  Tapos I will light some candles yung may aroma yung amoy saka ikakalat ko sa tubigna may sabon yung mga rosas na pula. Shet, sexy time na ‘toooo.  Sana may magbigay naman saken ng isang napakatinding coconut oil body massage, but wait kulang pa ng sounds na pang-sex. Aaaaayy. Gusto kong magrelax at ibalik ang reconnection with my inner god. Yung spirit ng pagkalalaki ko. Kaso wala pa pala akong bath tub. Sayang.  hahaha

Here’s the thing: Ito ang klase ng pagbabago na ang sarap yakapin. Mas nakita ko ang katotohanan on outside the box. Mas marami pa akong natutunan nang dimistansya muna samen si Mama. Mas naging adaptable ako sa lahat ng kaganapan.

Ang realidad na kailangan may magbago sa sarili ko hindi lang sila. Ang katotohanan na hindi natin pwedeng takasan ang pagbabago kundi dapat harapin at sabayan. Nang dahil dito, mas lalo akong nagsikap at nagmabilis sa pagkilos. Salamat. Kahanga-hanga.

At the end of the day , kasabay ng lahat ng responsibilidad ko sa pamilya ko, kay angeline at para sa pangarap na gusto kong tuparin. Isa isa made-demolish ang pangarap ko. Maiko-cross ko din siya sa listahan ko.

Kaya bawal ang magkasakit.

I’m so happy sa mga naitulong ko sa pamilya ko na hindi ko isusumbat kailan man. I am no longer in the era where all I could do was prioritizing my own life and look after the home. My dreams, ambitions and my capacities have expanded. Ang buhay ay may malaking pagbabago na dapat nakahanda palagi ako sa bigger game. Kaya ako, handang handa na ako na pagsabayin ang lahat ng gusto ko na kasama ang bagong responsibilidad sa buhay ko. Ang magkaroon ako ng baby, sariling bahay, tahimik na pamilya, maayos na trabaho at iparamdam sa buong mundo ang pagmamahal kong wagas.

1 comment:

  1. 3 Studies SHOW Why Coconut Oil Kills Waist Fat.

    The meaning of this is that you actually get rid of fat by eating Coconut Fats (also coconut milk, coconut cream and coconut oil).

    These 3 researches from big medicinal journals are sure to turn the traditional nutrition world upside down!

    ReplyDelete