Sa
totoo lang, nung highschool ako hanggang sa tumuntong ako ng kolehiyo, naging
tagahanga din ako ng “Law of Attraction”. Noon pa lang. Pagtapos kong magsawa sa pelikula ni AiAi na "Ang tanging Ina".
Pinag-aralan
ko ‘to ng husto, nagbasa din ako ng libro tungkol dito pero na-unsyami lang iyon
at di ko na naituloy ang pag-aaral. Kala ko noon, echos echos lang yun eh.
Kaya,
nung nabigo akong gawin ‘tong batas na to at i-apply sa buhay ko na parang feeling
ko kasi di naman nangyayari lahat ng iniisip ko, o baka dahil siguro puro
pabebe at panliligaw lang naman ang alam ko noon. Bigla ko nalang tinigilan lahat
ng iyon at di na muling gawin pa, kasi naisip ko na parang ang dali lang naman
gawin talaga at syempre para sa akin, napaka-easy or chicken lang to kung mamarapatin basta
may utak ka.
Kaya,
nagtaka ako noon kung dapat ba akong ma-adik at mahumaling sa ganung proseso o
hindi. Sa pagkaka-alam ko, ang tanging nalalaman ko sa formula ng LOA ay “Ask, Believe,
Receive.” Ayun lang. Diba ang simple lang. Tatanungin ko lang ang sarili ko
noon kung
Paano
ko makukuha tong trip na trip kong babae? (Kunyari lang)
Maniniwala
lang akong makukuha kong ligawan ang babae at mangyayari na. Ganun lang daw.
Easy
diba. Iisipin ko lang at magtatanong lang ako sa sinasabi ng Universe. Makukuha
ko na ang gusto ko. Kaya, sabi ko sa sarili ko dati,
“Paano kung ang lahat ng tao
ay kaya niyan, edi walang mahirap ngayon, napaka-super powerful ng lahat ng tao
kung iisipin lang nilang lumipad, makakalipad na sila”.
Ngunit,
dahil isa akong engot engot pa at kulang pa ang aking kaalaman noon, mali ang
pagkakaintindi ko tungkol dun. Nakalimutan kong maging realistic. Shungaers pa
talaga.
Dumating
pa nga sa puntong dapat akong magdesisyon kung ano ang dapat kong piliin sa
tanong na
“Sino
ba ang dapat kong paniwalaan: ang diyos
na di ko pa nakikita o ang Law of Attraction na nangyari sa sakin noon pero di
pa buo sa aking isipan kung ano ba talaga 'to?”.
Napakabigat
sa akin ng tanong na iyan na humantong sa di ko na nabigyan ng buong focus ang
pag aaral ko nung College ako. Kung hindi relihiyon ang inaatupag ko o ang law
of attraction lang, alin sa dalawa. Atlis nung College, di ako bumagsak.
Nakapasa pa rin ako.
Pero,
sa lahat ng natutunan ko sa “Law of Attraction”. Mas lalong lumalim ang
paniniwala ko ngayon. Di naman lingid sa ating kaalaman na marami pa ring
tumutuligsa sa kakayahan ng LOA. Maraming nagsasabi na kapag tayo ay gumawa ng bagay
na hindi kasama ang kalooban ng ating panginoon. Ito ay galing sa masama o
galing sa demonyo, kasi nga walang basehan o basbas ng diyos. Ngunit ang tanong
ko,
Meron nga ba talagang
kalooban siya o kathang isip lang?
Bilang
isang saksi ng katotohanan ng LOA, marami akong natutunan sa batas na to. Balik
muli tayo sa nakaraan ko. Dati akong relihiyoso. Wala lang sa itchura. Ang paniniwala ko noon, sasamba
muna ako bago mag-aral o magreview. Magsisimba ako para maganda ang takbo ng
buhay ko sa buong linggo. Magdadasal ako para mabawasan ang kasalanan ko at
tuluyan ng patuluyin ako sa mahiwagang langit. Kung di niyo naitatanong, dati
akong Roman Catholic. Tapos naging Born Again Christian ako tapos sabi nila magkaiba
daw ang Born Again group kaysa sa Baptist group. So, naging Baptist ako noon
dahil ang nanay ko ganun din at ito'y umabot sa tatlong taon. At tinigil ko na din
ang paniniwala nila hanggang ngayon.
Naalala
ko pa nga, kapag nagkakasakit ako. Laging sinasabi sakin ng mga kakilala ko
“Yan kasi ang sama sama ng
ugali mo, pinaparusahan ka na ng diyos, magbalik loob ka na”.
At
syempre ako naman, bilang musmos pa sa mundo ay sinunod ko nalang ang sinabi ng
iba at bumalik sa simbahan at binitawan ang
LOA, nawala na ang tiwala ko sa sarili ko, kaya sa diyos nalang na sinasabi
nila.
Anyway,
kung ano man ang nakalipas kong
relihiyon, nirerespeto ko ang paniniwala at gawain nila. Wala silang
ginagawang mali. Kahit ano pang relihiyon sa buong mundo yan. Ginagalang ko. Dahil naniniwala
ako na kung ano ang pinaniniwalaan nating tama, Iyon ang tama. Gaya ng
pinaniniwalaan ko. Kahit sino man ang magtanong sa akin kung tama ba ang
paniniwala ko. Hindi ko sila sasagutin. Dahil para sa akin, walang konsepto ng
tama at mali.
Sa
mga di pa nakakaalam.
Ayon
sa nabasa ko, ang Law of Attraction is one of the oldest universal laws known
to man, and when used the right way, it's incredibly powerful. Napakadali lang “like
attracts like” lang. Mag-isip at kumilos ka ng negative na bagay o sitwasyon. panigurado negative din ang mga maa-attract mo.
The
law of Attraction is that our thinking creates and brings to us whatever we
think about. It's as though every time we think a thought, every time we speak
a word, the Universe is listening and responding to us.
Ipinapakita
lang sa atin ng LOA na kung ano ang laman ng ating isipan, ano man ang sabihin naten sa sarili or
sa iba at anuman ang gawin naten palagi. Ang Universe ay nakikinig at ibibigay lang
sa atin ang resulta ng ginagawa natin.
Narito
ang ilan sa napakasimpleng batas ng LOA na pwede nating gawin sa pang-araw
araw. Kapag naniniwala ka dito, parte ka na ng LOA.
1. Sinosolve
kagad ang problema.
Marami
akong kilalang tao na positive thinker sa buhay na ngayon ay para sa akin, sila
ay successful na sa kani-kanilang career. Ano ang kanilang formula? Naging
proactive sila. Kung may problema sa financial, mas pinili nalang nilang
pasukin ang mas makakatulong sa kanila, katulad ng negosyo. Halimbawa kapag kulang
ang worker sa kanilang kumpanya, dali dali silang nagdadagdag at naghihire ng
bagong tao. Isino-solve kagad ang
problema.
2.
Pinagkakatiwalaan ang magaling na partner, ang sarili niya.
Kung
ganyan ka. Congrats. Pero ang payo ko pa, wag mong hayaang lamunin ka ng self esteem,
inggit at panghinaan ka ng loob. Maging bilib ka pa rin sa sarili mo. Pagkatiwalaan
mo ang sarili mo na karapat dapat kang magtagumpay sa buhay. Dapat alam mo kung
paano i-value ang sarili mo. Alam mo dapat ang tunay na halaga mo.
3. Kung feel
mong di ka aso, try mong maging unggoy.
Halimbawa
lang. Bakit mo gagawin ang trabahong hindi mo gusto, eh gawain ng aso yun? Kung
sa tingin mo na isa kang unggoy na may pusong pang gubat, bakit di mo piliin na
ikaw ang pinakamahusay at magaling na unggoy. Wag mong ipilit na maging aso
dahil cute siyang tignan sa mata ng iba.
Sa
madaling salita. Wag mong i-fit ang sarili mo sa lugar na di ka nababagay. Piliin
mo kung sino ka. Piliin mo kung saan ka magaling. Saka minsan napansin ko na ang
mga tao, masyadong jack of all trades. Feeling nila kaya na nila lahat, lahat
sinusubukan kahit na di naman bagay sa kanila yung ganung bagay. Wala pa akong nakitang successful person na
ang daming titulo na kala nila mahusay na
sila sa lahat like Manny Pacquaio. Yung tipong nasa kanya na ata lahat ng
trabaho. Inako na lahat. Sabagay bibong bibo naman siya sa senado eh.
“You always
attract into your life the people, ideas, and resources in harmony with your
dominant thoughts.” —Brian Tracy
Maraming
tao na nabubulag na sa inedit na litrato kesyo nakita nila ang kaibigan nilang nag-gaganito
ay gagayahin nalang din nila. Sample lang yan. Kapag ganun palagi ang scenario
naten, di mo ginagawa o wala ka sa lugar ng kalakasan mo. Kung naguguluhan ka
pa hanggang ngayon ,alalahanin mo yung mga bagay na ginawa mo ng mga nagdaang
araw na proud na proud sayo pati ang pamilya mo at ibang tao. Maaaring nandun
talaga ang puso mo
4. Alam nila ang kanilang industriya.
Puntahan
mo na ngayon ang lugar na kung saan ka nababagay. Kung handa kang harapin lahat
ng pagsubok, ang LOA ang magsisilbing gabay mo kung saan ka nararapat. Our
brain's cognitive biases shape our very perception of reality. Bali nga pala ang cognitive biases ay
ang thought-shortcuts (thoughtcuts, as I
like to call them), that we use to think quicker or process information faster.
Our brains will disregard sources of information, objective truths, and
instead, apply ingrained beliefs (true or false) to interpret situations. Gets? Kung naniniwala kang kaya mong
magmanifest sa buhay mo ng iyong pinapangarap. It will happen. It’s possible.
5. Mataas ang tingin sa pera.
Hindi
‘to tungkol sa usapang pagpapayaman ang artikol ko. Hindi lahat ng mayayaman ay
supaga sa pera o alipin ng pera. Hindi lahat ng gumagamit ng LOA ay mukhang
pera. Ang ibig kong sabihin, lahat tayo nangangailangan ng pera. Magagamit
natin to para sa araw araw.
Honestly, yung iba ginamit lang ang kakayahan ng kanilang isip, nagsikap sila
at nagtiyaga sa buhay. Hardwork always pays off plus dagdagan mo pa ng LOA,
ibang klase na iyon. Sabi pa ng isang Buddhist sa kanyang quote “Bless that
which you want”. Kapag nakita mo sa daan yung kotseng kinaiinggitan mo, wag
kang malungkot o mainggit bagkus magkaroon ka ng positive vibes na makabili ka
din ng ganung klaseng kotse. Saka sila yung may mataas na tingin sa pera na kaya nilang kitaan
ang ganung halaga ng materyal na kotse. Nabuhay
ka sa mundong ‘to upang gawin ang gusto mong gawin. At hindi ng gustong gawin
sayo ng ibang tao. O diktahan ka ng ibang tao. Kaya mabuhay ka sa gusto mo.
Di
mo pwedeng sabihin na
“Ay nako! ginawa ko na yan dati,
di naman umepekto sa akin, pang matatalino lang ata yan saka ang mga gumagawa lang yan ay yung
gustong magkapera.
Ang
sagot ko po diyan ay isang malaking
“Ekis”.
Lahat
tayo may energy. Kaya nating lahat i-manifest yan. At di po totoong ang mga gusto
lang magkapera o yumaman ang gumagamit ng LOA. Kung palagi mong sinasabi na di
mo kaya to, baka nga totoo. Yan ang naririnig ng mundo sayo. Yan din talaga ang
mangyayari sayo. It’s so true diba.
May
oras at panahon pa para baguhin ang lahat. Piliin mong maging positive
mag-isip. Simulan mong sabihin na
“Ang sarap mabuhay sa gusto kong gawin, Mahal
na mahal ako ng buhay. Ako ang may control ng buhay ko. Ang tinatanim ko ngayon
sa isipin ko ay mga magagandang bagay at alam kong maganda rin ang tutubo dito”.
Noon
nga mali ako dahil mali ako ng tanong na ginagamit. Sabi ko noon sa sarili ko
“Bakit parang ang sama sama
sakin ng kapalaran ko?”
At
ayun na, mas lalo pang sumama ang mga nangyari saken.
Kaya
nag-isip ako ng paraan upang baguhin lahat ng 'to.
Binago ko ang mga tanong ko,
Kagaya nito.
Bakit paganda
ng paganda ang buhay natin? Alam niyo kung ano ang naging outcome saken? Mga sumunod na araw,
sumaya at sumigla ang buhay ko. Punong puno man ng problema ako. Gumagaan pa
rin dahil nagkakaroon ako ng pag-asa i-solve ang mga problema ko dahil sa
simpleng positive question.
Bakit ang
daming pag-ibig sa mundo? Makakakita ka man ng mga taong nag-aaway at nagbabangayan.
Mababago ang lahat sa simpleng tanong lang. Diyan na akong natutong magmahal. Nakita
ko ang mga magagandang bagay na nasa paligid ko. Nakapagbigay ako ng oras sa
mga mahal ko sa buhay. Naging maayos ang lahat dahil sa simpleng tanong ko.
Bakit marami pa
ding taong handang tumulong at maglingkod sa akin? Kapag pagod na pagod ako,
may darating na di inaasahang tulong. Nakakatuwa. Gaya ng malalaman kong di ko
na kailangan pang pumunta sa malayo (example lang), meron naman pala ang
kaibigan ko, di lang ako nagtatanong sa kanila kagad tungkol sa hinahanap ko.
Bakit meron pa
ring mabubuting pulitiko? kahit na tadtad ng mga negative ang balita at politika dito
sa Pilipinas. Lilitaw at lilitaw pa rin ang katotohanan at makikita pa din ang pagtutulungan
ng bawat Pilipino kung hinahanap natin ang
magandang side ng buhay.
Bakit mas lalong
gumaganda ang mga kabataan? Hindi to pisikal kundi mas nakikita ko ang positive side na
ang mga kabataan, mas natututo ng dumiskarte sa buhay, natuto na sa maling relasyon
at dumiskarte ng mga mapagkakakitaan. Sa ganitong klase ng pagtatanong ko,
tumatambad lang sa aking mga mata ang mga magagandang imahe ng mga kabataan.
Ang saya lang.
Bakit mas
marami pa din taong nagfo-focus sa positibong bagay? Imbis na mainis ako sa
kapitbahay nameng chismosa na tinatawag ko noon siyang Resident Evil, ngayon parang
nag iba ang lahat. Di ko alam kung sino ang nag iba, ako ba o sila. basta
nagbago ang pakikitungo ng lahat. Siguro dahil sinimulan kong itanong ang
tamang tanong. Ganun.
Bakit ang daming taong
malusog at walang sakit? Kung nangangamba kang lumalaganap na ang malulubhang sakit kung
saan saan, bakit di mo isipin ang mga positibong bagay na lalapit sayo ang mga
taong walang sakit, o walang karamdaman. Hindi masamang lumapit ang taong may
sakit sayo, ang sa akin lang, kung ikaw mismo ay may positive energy, maaaring
ang may sakit na katabi mo ay mahawaan mo rin ng positive energy mo dahil mas
powerful ang energy mo kaysa sa kanila.
Bakit nananatili pa rin ang
kapayapaan sa lahat? Magulo ba ang buhay. Simple lang. Itanong mo lang kung saan
ang kapayapaan na nangingibabbaw. Mahahanap
mo.
Wow! Amazing that's a big impact of my self dahil sa nabasa ko naalala ko tuloy yung mga dati kong ginagawa ganyan na ganyan din ako and im so very relate on this News... Napukaw talaga ang isipan ko and i believe also sa law of attraction malaki ang naitulong ng balitang ito.. Ang sarap basahin at unawain...
ReplyDeleteMaraming salamat po naghatid ng mabuting balita na ito...
Staysafe!
God bless
Sana all nalang 😄
ReplyDelete