Nitong Sunday lang, ipinagdiwang muli ang fiesta ni ‘San Isidro Labrador’dito sa aming lugar na noon ay akala ko, siya ay isang aso na matapang na naglilingkod sa simbahan kasi nga tinawag siyang labrador. Haha mali pala ako. Sorry.
Taon-taon ginaganap ang fiesta dito sa amin. Syempre. Malamang.
Noong bata ako, maliit pa ako nun eh, hahaha active na active ako sa ganitong kasiyahan at rampahan. Partida, wala pa kame noong alarm clock sa bahay, alas-sais palang ng umaga, gumigising na ako upang humanap ng paraan para magkapera at rumaket sa ‘Araw ng Fiesta’ dito samen. Ibahin niyo ako sa lahat ng bata dahil diba ang mga chikiting kapag summer vacation, tamad gumising yan sa umaga. Kadalasan ang gising nila ay kapag kakaen na sa tanghalian. Hahaha (‘Bat ko alam?)
Nung bata kasi ako, maliit pa ako nun eh, hahaha wala akong ibang iniisip kundi magpakabibo at gumawa ng bagay na nakakabwisit sa kapwa, pero iba naman ang style ko kapag fiesta na, gusto ko mataba ang bulsa ko. Marami akong napagti-tripang raket gaya ng tumutulong ako sa mga nag-aayos ng banderitas sa fiesta na dapat may bayad saken, nakiki-join ako sa mga sayaw-sayaw para magkapera, inuutusan ako bumili ng ganito at ganyan ng pagkaen ‘tas hinihingi ko na ang sukli, at naka-mindset na rin sa isipan ko na kailangan kong manalo sa mga games sa fiesta para may pera akong maipon, basta lahat ng bagay na mapagkakakitaan ay pinapasok ko sa tuwing sasapit ang araw ng fiesta sa amin. Never pumasok sa isipan ko ang magnakaw. Wag mo akong itulad sayo. hahaha
Note: Sa Pilipinas, naglalabasan ang galante kapag fiesta. Pati na rin ang walang pera. Totoo yan.
Ngunit habang lumilipas ang panahon, mas nabo-boring na ako sa ganung scenario at events. Siguro para sa akin, nag-iiba na din ang pananaw ko sa fiesta kung dapat ba akong makisalo sa ganito, eh di naman talaga ako fan ng mga saints eh, gusto ko lang talaga magkapera noon. ‘Lam naman nateng lahat, na ang bida sa fiesta ay ang mga santo, diba. Kaya nung nagkaka-edad na ako, (konting additional lang naman sa numbers), di na ako nakikisali sa ganun at nagseryoso nalang ako sa lovelife ko (naaaks) or kapag no choice talaga, gumagala nalang kame sa mga mall o nanonood ng sine kasama ang girlfriend ko. Maingay kasi sa labas ng bahay kaya di na ako nakikipagsabayan.
Kaya nitong linggo Mayo Bente Uno, wala masyadong naghanda sa pamilya namen. Siguro dahil na rin wala ng magluluto sa bahay, alam niyo naman na malayo na ang bahay ng pinakamahusay na chef namen na si Mama eh. Siya naman talaga ang tagaluto namen kapag may okasyon sa tahanan ‘tas katulong niya si ate. Salitan sila sa gawain.
At eto na.
Last week pa may plano ang tropa ng inuman sa bahay ng pinsan ko. Wala naman ibang gagawin kundi inuman lang. Parang normal lang na inuman kapag weekend. Yung mga kaibigan ko di naman din sila nakikisali sa mga ibang palaro ng fiesta kaya inuman nalang talaga ang magiging ganap.
Buong umaga ng linggo ng araw na yun, naglinis ako ng bahay at nagbasa ng libro. Sa sobrang ingay ng paligid dahil sa videoke ng kapitbahay mga bandang tanghali na yun, inaya ko nalang si Angel na pumunta nalang kame ng starbucks para dun ipagpatuloy ang pagbabasa at pagsu-surf niya sa internet. So, nag-go kame dun. Umuwi kame nung mag-gagabi na. (Malinis ang ginawa namen. Wala akong naging maputing balak kay gf. haha)
Pagdating naman ng gabi,
Nakipag-inuman na ako sa mga kababata ko at sa mga pinsan ko. Sa sobrang galing ko, nakalimutan kong kumaen ng hapunan. Ang lupit ko talaga. Napakagaling.
So, bali ang nilapang ko nalang ay ang pulutan ng inuman, which is napaka-mali. Di ko naman talaga ‘to ginagawa, ngayon lang talaga nangyari sa akin to. Nakakainis. Alam kong mali, biglang nawala ang disiplina ko nang nagkaroon lang ng ganitong pagdiriwang. Kung tutuusin nga, parang wala talaga akong kinaen e. Grabe talaga. Wala akong sinisisi kundi ang sarili ko, hindi ang fiesta na ‘to. Naiinis ako sa sarili ko. Napipikon ako sa sarili ko dahil kinabukasan nagbleed na naman ang aking wetpaks dahil constipated na naman ako. Nasira ang araw ko kahapon dahil sa ginawa ko nung linggo. Banas na banas ako sa sarili ko. Naisip ko, sa una lang pala ako disiplinado, paano pa kaya kapag may mas bonggang okasyon pa at nakaligtaan ko na naman ang mga dapat kong unahin para sa health ko. Di naman malubha ang kondisyon ko ngayon, karamihan naman sa lalaki nagkakaroon nito ngunit nakakairita nga lang talaga. Feeling ko lang talaga sinusundot lang palagi ang wetpaks ko. haha
Buti nalang, di Sakit sa Puso o Highblood ang meron ako kundi todas na ako nung gabing iyon. haha
Ano ba pinaglalaban ko, ha? haha
Gusto kong i-highlights sa kaganapang ito, bukod sa walang disiplina ako sa sarili ay ang tanong ko na, mahal ko ba talaga ang sarili ko kapag napipikon ako at nababanas ako mismo sa sarili ko?
Alam ko naman na ang tamang sagot ay “Hindi”.
Pero ang sa akin lang, ano pa ba ang mga bagay na ginagawa ko na di ko na namamalayan na di ko na nagagawang mahalin ang putang inang sarili ko? haha
Meron pa ba kong ginagawang di tama o kahit papaano may tama pa rin akong naia-ambag sa sarili ko? Ano pa ba?
Wait. Aalamin ko.
1. Pinapatawad ko naman ang sarili ko.
Sinabi ko na sa sarili ko na kung ano man ang mali kong nagawa nung linggo, ay itatama ko na lahat ng yun. Ayoko naman i-dahilan na tao lang ako at nagkakamali din gaya niyo pero dapat ko lang talagang bigyan pa ng second chance ang sarili ko dahil walang taong perpekto.
Kaya, sa ngalan ni Ben, pinapatawad ko na ang sarili ko. haha
2. Naghahanap ako ng mga bagay na makabuluhan.
Para sa akin. Wala ng kabuluhan nung nakalimutan kong mahalin ang sarili ko dahil di na ako productive. Imbis na atat na atat akong uminom ng alak, bakit di nalang siguro ako mag-exercise at mag gym. Nakinabang pa ang katawan ko, pinagpawisan pa ako, mura lang naman ang maging masustansya at plus pa, na-refresh na rin ang buong katawan ko.
Bakit di ako maghanap ng matinong activity, diba? Siguro nga nung mga nagdaang araw, nawala yung self-love ko nung inuna kong atupagin ang mga walang kwentang bagay. Panahon na siguro ‘to para magdiscover naman ako ng mga healthy na pagkaen na makakabuti sa katawan ko. Patayin ko na din muna saglit ang phone ko lalo na kapag araw ng linggo. Di naman din kailangan kapag sunday eh.
Gawin ko na ang mga bagay na makakapagpasaya sa ‘kin ng todo.
3. Sarili ko. Sarili ko. Sarili ko.
Biglang nawala sa routine ko ang meditation and relaxation. Di ko naman pwedeng sisihin ang busy schedule ko sa trabaho kundi talagang mahina lang talaga ako sa Time Management. Pero minsan iniisip ko din, pagmamahal din naman sa sarili ko kung maituturing yung ginagawa ko sa tuwing gusto kong matulog ng mahaba. haha Gusto ko kahit papaano umabot man lang sa 9 hours ang tulog ko sa bawat araw. haha Ang laki na ng kinita ko ‘nun sa tulog. Ang puti-puti na ng eye bag ko ‘nun. Kahit na nawala na ang proper breathing ko sa rituals ko, and relaxation time sa routine ko. Pipilitin ko pa din maibalik iyon.
Kapag nawala pa naman to, di ko makita ang solusyon sa problema ko kapag punong puno ng basura ang isipan ko. Pinapangako ko, titigilan ko nang torturin ang sarili ko sa pag-iisip ng malalalim. Panahon na para tipirin ang yutakels ko at paganahin ang aking soul’s intentions. I will spend time focusing inward daily. Pangako. I will begin my day with atleast 15 minutes of meditation and ipu-push kong makapagsulat din ako ng kahit 10 minutes lang, sa bahay man o sa biyahe.
4. Sexy pa din ako
Maraming nagsasabi na payat daw ako. Pero para sa akin okay na ako sa katawan ko. Na-achieved ko na ang gusto kong figure. Pake niyo. Ayoko yung mataba ako. Ayokong malaki ang tiyan o butete ang belly ko. Gusto ko ng ganitong katawan lang na may matapang na muscle at hindi mukhang malnourish. Isa itong senyales na mahal na mahal ko ang sarili ko. I appreciate my body and all the things it can do. I know naman na di ko makakamit ang perfection eh. Sexy akong nilalang.
4. Sinimulan ko sa pagibig.
Napapansin ko na sa mga nagdaang araw, parang di ko na mahal ang sarili ko. Wala na akong pagpapahalaga sa sarili ko.
Pag-gising na pag gising ko, di ko maiwasan buksan kagad ang phone ko kung may nagtext ba saken o tingnan ko kung ano na ang nangyayari sa social media kahit di naman ako involve dun at syempre kung ano ng balita sa mundo, nakiki-update ako.
Mas nauuna ko pa tignan ang istorya ng iba kesya unahin ko ang dapat kong unahin. Diyan ako mali.
Kaya ngayon, I will learn how to love myself.
Sisimulan ko ng mahalin ang sarili ko pagmulat na pagmulat ng aking mga mata.
5. Maging totoo ako sa sarili ko
Ayoko ng mabuhay na hindi ako totoo sa ginagawa ko. Sa totoo lang , di madaling magpakatotoo, minsan kapag nagpakatotoo ako, mas may nagagalit o nasasaktan. Di ko din alam.
Iniisip ko din minsan na sana kapag sinabi kong ayoko na, at gusto ko ng bumitaw sa bagay na ayoko talaga. Kaso di ko magawa dahil madami na akong obligasyon sa buhay. Pero ang masaklap lang, wala pa akong binubuong sariling pamilya pero di na ako makabitaw sa lugar ko. Sana kapag sinabi kong ayoko sa taong ayaw ko, masasabi ko talaga verbally hindi yung ikini-kimkim ko nalang. Ayokong mabuhay sa “Sana”. Pero gustong-gusto kong magpakatotoo.
Kaya simula ngayon.
I will mindfully and emotionally breathe my way through my feelings and emotions. Mahal ko pa din naman ang sarili ko.
6. Talk to myself and to others happily.
Buti nalang dito ako nakabawi, nababantayan ko na ang mga tinatanim ko sa mumunting isipan ko. Sa tuwing may mga bagong tao akong makikilala, lagi kong sinasabi sa sarili ko na dapat masaya ang usapan namen. Tulad nalang ng kapag nag-usap kame ni Mama, matik na dapat wala ng away at bangayan pa kame, mas pinipilit ko pa rin na mapaganda ang usapan namen kahit medyo nagkakainitan na. haha
Bigla akong natuwa dahil sa buong araw pala, may nagagawa pa rin akong pagmamahal gaya nito sa sarili ko at gaya ng sinasabi kong dapat masaya palagi ang usapan. Natutupad naman pala. Ashteg!
7. Expand my Interests and make gala.
Iniisip ko pa ng maigi, meron pa ba akong ginagawang self-love sa sarili ko? Meron pa ba?
At saka ko naisip, na meron pa pala. haha
Yung umisip ako ng bagay na kakaiba. Maituturing kong pagmamahal ko sa sarili yun dahil mas pinapalago ko ang sarili ko. Kapag trip kong gumala-gala. Naglalakad lakad ako sa labas. Kakaiba para sa akin yun dahil maghapon akong nakaupo palagi sa opisina.
Sa malungkot na buhay ko, natuto pa rin akong mahalin ang sarili ko dahil nililibang ko ang sarili ko at tinitignan ko sa iba ang pamumuhay ko, nakita ko na hindi pala kame magkakaiba. Lahat pala kame ay may mabibigat na pinagdadaanan, nasa pagdadala lang talaga yan.
9. Working on my personal development.
Ang sarap pala ng ganitong moment na iniisip ko at ine-evaluate ko ang sarili ko kung may nagagawa ba talaga akong tama para sa sarili ko. Habang tumatagal ako sa pag iisip ngayon, mas naiintindihan ko ang pagmamahal ko sa sarili. Ngayon nalaman ko na nandito ako para magmahal at matuto. Yung paunti unti kong pagkamit ng mga goals ko. Yan ang matatawag kong ultimate self-love. Tiwala ako sa biyahe ng buhay ko. Magtatagumpay ako.
10. I stop comparing myself to others.
Sa wakas mga kuya at teh, natigil ko na i-compare ang sarili ko sa iba. Pinapalago ko na palagi ang sariling halaman ko. Alam kong kaya ko ang mabigat na buhay. Kaya ko tong i-handle at alam kong lahat tayo mayroong kanya-kanyang tagumpay at pagkakamali sa buhay.
11. Gaya ng Love ko kay Angeline.
Yung oras na nailalaan ko sa mga kaibigan ko at sa mga mahal ko sa buhay. Di matutumbasan iyon.
At walang kaparehas na pagmamahal kay Angeline. Di mabibili ng kahit na sinuman iyon.
12. Be patient with myself.
Dati, halos di ako magkanda-ugaga kapag nagmamadali ako at natatakot sa mga di ko alam na sitwasyon. Ngayon, medyo naging pasensyoso na ako. Natuto na akong i-kalma ang sarili ko. Siguro dahil may tiwala na ako sa sarili ko na maso-solve ko din ang lahat.
13. Reading Books
Ang dami kong gustong basahin pero kaunti lang ang oras ko. Badtrip lang minsan kapag kinaen ako ng antok. Nakakabawi naman ako kapag sa isang araw nakakapagbasa ako ng 5 pages. Eh hilig ko magbasa ng libro eh, kapag kinumpute lahat ng iyon, pagnatapos tong taon na to, makakatapos talaga ako ng isang book. Mahal ko ang sarili ko kaya nilalagyan ko ng kaalaman ang mga brain cells ko.
14. I lived in Appreciation.
I trained my mind to be grateful. Natuto akong magpasalamat at saka makita ko lang ang potensyal ng mga kaibigan ko o kung sinuman sa anumang larangan nila ay naisu-suggest ko na ipagpatuloy nila ang talent nila. Ganun ako. Minomotivate ko sila. Nakikita ko ang kagandahan ng buhay at inspired na inspired ako sa tunay na buhay kaay shine-share ko sa iba. Mahal na mahal ko ang sarili ko kahit may kulang sa sarili ko. Ang alam ko, in behind of this, para saken kumpleto na ko.
15. Nakikita ko ang sarili na mahalaga.
Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa sarili, nakikita ko na kahit saan man ako mapunta. Mahalaga ako.
16. Malabo man, lilinaw din yan.
Kahit gaano na kasakit sa chest, kahit na parang wala ng pag-asa dito sa lupa. At hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba ang lahat ng ginagawa ko. Tinutuloy ko nalang basta ayoko lang huminto. Kung hindi ko mahal ang sarili ko, malamang nagpatiwakal na ako dahil sa sobrang ka-imbierna ng tadhana sa akin, kasi ngayon kung ako ang tatanungin, walang-wala ako ngayong ipagmamalaki pa, pero inilaban ko pa din dahil mahal na mahal ko nga ang sarili ko.
16. Tawa
Kapag nagkakamali ako or may masayang pangyayari sa buhay ko, natatawa at natutuwa ako sa sarili ko. Automatic in split seconds, mabilis akong matawa sa mga nangyayari. Haha Saka katulad nalang nung mga jokes na binanat ko ng mga ilang oras lang, maiisip ko yun kaagad at di ko malilimutan sa isip ko na nakakatawa pala talaga ang ginawa ko, matatawa ulit ako. Part yun ng pagmamahal ko sa sarili ko. Kasi di ko dinibdib at sineryoso ang biro ng buhay. Alam naman natin na talagang nakakapikon sa mundong to, wala talaga tayong magagawa kundi ipagpatuloy ang buhay at tawanan nalang ang nakalipas.
17. Nakaka-kan..ta ako!
Dahil sa love na love ko ang sarili ko in a highest level. Inaawitan ko ang sarili ko kapag mag-isa ako. Di lang dahil sa proud na proud ako sa sarili ko kundi buhay akong tao na may dumadaloy na dugo at nakakapag isip ng matino. (Weeh, matino?) Minsan nga kahit pa maraming tao, bumibirit ako eh basta may mabigat akong dinadala, masaya man o malungkot, kakanta pa rin ako dahil sa ganitong paraan, gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya kong kantahin yung So Good ni Zara Larsson.
Kasi alam ko sa sarili ko na mahalaga ako. Hindi lang naman celebrity o artista sa telebisyon ang dapat alayan ng magandang musika eh. Maaari ko ring ialay ang mga magagandang kanta para sa sarili ko. Wapakels kung sintonada ako, ang mahalaga ay lumigaya ako sa simpleng bagay. May kanya-kanya tayong boses at kalayaan.
Walang pakelamanan. Mahalin niyo rin sarili niyo. Mas masaya pa nga kapag lasing ako eh, tang ina, nauubos ko na ata lahat ang laman ng song book eh. Di ako kumakanta para sa crowd, ginagawa ko yun para sa sarili ko. haha
FINAL WORDS
Kaya friend, bigyan din kita ng advice, wag lang puro ako. haha
Imagine kung napapalibutan ka ng mga taong ‘hindi nila mahal ang sarili nila’. Baka malamang, mapabilang ka din sa kanila.
Kaya ang payo ko, maging good ka sa sarili mo. Gawin mo lahat ng makakabuti sayo. Mahalin mo ang sarili mo. At malalaman mo na unti unting mamahalin ka din ng ibang tao.
Ikaw? minamahal mo ba ang sarili mo ng higit sa iba?
No comments:
Post a Comment