Thursday, May 18, 2017

CHANGE Part 2

“Para akong dagang pagikot-ikot lang sa kulungan ko.”
“I feel stuck.”
“It’s time to push through.“

Yan ang bukambibig ko ng mga nagdaang araw.

Kanina halfday ako sa trabaho. Nagkaroon kasi ako ng headache slash kaartehan kaya nagpacheck-up ako sa doctor. Parang may tumutubo kasing panibagong utak sa ulo ko. Wag namang po sanang ma-stroke ako. Bata pa ako. Saka additional, sinulit ko na din ang libreng pacheck up kasi healthcard ako. Ay! hindi pala libre ‘to kasi binabayaran ko din ang healthcard ko.

Kanina, maaliwalas ang panahon. Tanghali na ako pumasok sa work, hindi gaanong mainit at makalaglag ng pawis ang bawat eksena. Siguro, paparating na talaga ang panahon ng tagtrapik, tag-emo at tagulan kaya maalinsangan na. Ito ang pinakamasayang buwan ng pasukan ng mga estudyante. haha Asahan na natin dadagsa ang matinding traffic sa Metro and Mega Manila.

Kanina.

Nakita ko na naman yung paborito kong basurero sa lugar ng Dominga Street dito sa Pasay City. Nasabi kong favorite ko siya di dahil kaakit-akit siyang tignan kundi matino siyang pagmasdan.

Aaaaaaaaaaay! (Toray!)

Lalaki siya pero di ako nagkakagusto sa lalaki. Fuck you. Mukha kasi siyang “sayang na tao”. Lalaki siya pero di ako nagkakagusto sa lalaki. Fuck you ulit. Mukha siyang matalinong nabaliw lang. Alam niyo naman diba kapag may dating o impact ang tao. Lalaki siya pero fuck you ulit. Baka nga mas piliin mo pa siya kaysa sa kaibigan mong wala ng ginawa kundi magpost lang ng pabebe sa facebook eh.

Kung di ako nagkakamali. Nakita ko na siya nung lunes pa ng umaga, naaalala ko, ibang lugar kasi yun na dinaanan ko kaya nakita ko siya ulit. Saka nung tuesday or wednesday ata yun, nakita ko rin siya, bago ako umuwi sa bahay, nahuli ko na naman siyang nagpupulot ng basura malapit lang sa Harrison Plaza. Nakaramdam ako ng inggit. Konti lang naman na inggit.

Kung ia-analyze ko ang kwento. Para siyang nagta-travel. Para siyang freelancer.

Mantakin mo yun. Tangina buti pa siya. Nagta-travel kung saan saan. haha Nakakapunta sa kung saan niya gusto. Hawak niya pa ang oras niya pati ang basura niya. Samantalang ako, dahil may pasok kinabukasan, kailangan kong umuwi ng maaga. Although, malayo ang place ng work ko, ngunit paulit ulit lang naman ang ruta ko compare sa kanya(kay basurero). Pero di niya inisip yun. Ako lang talaga nag iisip ng ganun.

Magbasurero nalang kaya ako? haha

Inaamin ko na. Sige na. Feeling ko, nakagapos lang ako ngayon. Kaya ganun ang interpretation ko kay kuya.

Walang kinalaman yung basurero sa kalungkutan ko ngayon. Nabanggit ko lang. Dama ko lang kasi ang kalungkutan ng isang bilanggo.

Tanong ko sa sarili,

Ano pa ba ang dapat kong gawin sa ganitong pagkakataon?

Malamang. Hanapan ng solusyon, diba. Bakit ko pa aartehan ‘tong istoryang to, diba.

Sa totoo lang. Ang sarap yakapin ng pagkakataon na ‘to kung saan ang gulo at ang dilim ng mundo ko ngayon. Tipong gano man kadilim ang paligid ko ngayon, may isang liwanag pa rin na nagbibigay pag-asa sa mga mata ko at iyon ang liwanag na nanggagaling sa puso ko. (Naks)

Ang puso kong palaban.

Anuman mangyari, hilig ko pa rin makipagbiruan sa mga nakakasabay ko. Tumahimik na ako pero gusto ko lang ng normal na buhay.

Buti nalang di pa rin nawawala sa kokote ko ang pag-iisip ng mga masasayang bagay kahit na down na down na ako ngayon. Pinapasaya ko nalang ang kaluluwa ko para di ako malungkot o tumupi nalang. Nagbabasa nalang ako ng mga dati kong blogpost. Mas lalo akong namo-motivate magsulat at ginanahan ako kumilos sa maghapon.

Habang tumatagal, kahit na anu pang gawin kong pagpapasaya sa sarili  ko o sa ibang tao, wala talaga akong choice kundi itama ang buhay ko, bilisan ang kilos ko, at hanapan ng solusyon ang lahat ng kinakaharap ko ngayon. Di ko naman pwedeng piliing maging miserable pa ang buhay ko, diba. Di ko talaga kaya ang malungkot na buhay. Ang emong buhay. Ang natitira nalang sa akin ay i-motivate ko ang sarili kong magtagumpay. Dahil bandang huli, ang pinili ko pa rin ang dapat kong sisihin at pagdiskitahan. Kasi may choice ako.

Dagdag na tanong ko sa sarili.

Bakit paulit ulit nalang ako sa tanong ko? Parang nakakapagod na. Parang gago na ata ako. Ano na ba ang nangyayari saken? O may nangyayari ba talaga sa akin? Paano na ang gagawin ko ngayon? Paano ako ulit magsisimula?  Parang wala na atang pag-asa. Saan ako pupunta?

Ang daming tanong na gumugulo.

Nagtatanong ako dahil naniniwala ako na sa bawat makabuluhang tanong ko ay may makabuluhang sagot din akong mahihita. At ito’y ginagawa ko sa harap ng salamin.

Pinipilit kong labanan ang lungkot na nadarama ko ngayon.

Kasi para sa akin.

Ang buhay ay nagbabago and I will accept the responsibility for changing my world. Marami man akong tanong, magkakaroon din ng kasagutan lahat ng iyan.

Alam ko, nagbabago ang mundo pero dadating at dadating talaga ako sa puntong feeling ko parang di ako nagbabago. Ewan ko ba. Kumikilos naman ako sa goals ko, gumagawa ako ng move sa mission ko, tapos feeling ko ngayon ang messy ng lahat. O baka naiirita lang ako.

Kailangan kong bantayan ang tinatanim ko sa isip ko eh. Isipin ko pa rin na dapat may magbago.

Sa choices na pinili ko, parang lumalabo ang susunod na mangyayari pero alam ko sa sarili ko na bumubuo na ako ng kinabukasan ko. Ayun na lang talaga ang kinakapitan ko.

Nakakapili pa ako ng dapat kong gawin, siguro naman pwede kong mabago ang lahat, diba. Power din yun.

Baka nga feeling ko lang to, siguro feeling ko lang ‘tong “stuck ako”. Hindi to totoo. Kasi kung totoo ito, edi sana wala akong kapangyarihang isipin na di ako gumagalaw.

Palagi nalang sa ganitong sitwasyon na naguguluhan ako, kadalasan humahanap ako sa iba ng masisisi. Pigilan ko man ang sarili pero parang kusang ginagawa ko ‘to. Nakalimutan kong tignan ang sarili ko kung sino ba talaga ako.

Dapat ko ng baguhin ang perception ko sa mga nakikita ko. Baka sakaling kapag nabago ko ang tingin ko sa lahat ng bagay na nakapaligid sa akin, magbago din ang eksena gaya ng inisip ko na

“lahat lang to ay joke lang, walang dapat seryosohin” 

para nang sa gayun matuto akong hindi dibdibin ang lahat ng bagay at opportunity din to na maging humorist ako. haha

Dahil lahat walang permanente.

My reality is bendable to my will.

Tapos na ang kahapon, di ko na maibabalik pa ang nakalipas na pagkakamali. Ang tanging mayroon lang ako ngayon ay ang ngayon. Panahon na rin para bitawin ko na ang mga taong walang kwenta at naiambag. Ipapakita ko nalang sa kanilang ang path na tinatahak ko para kahit papaano mainspired din sila. (Naks) Pati lahat ng habit kong walang katorya torya. Binitawan ko na din. Wala na dapat akong pagsisihan pa. Mauubusan lang ako ng oras kung pipiliin ko pang magpaka-depress at ma-frustrate sa lahat ng kaganapan.

Gigil na ako eh. Honestly.

Nilamon na ako ng pagiging desperado. Naubusan ng pag-asa at nang dahil sa pagiging desperado ko, nalulong na ako makapunta sa gusto kong puntahan. It is my little voice that says I will try again tomorrow. I will start today and make a new ending.

Ayoko na talaga rito. Ayoko nang naghihintay parati. Because I learnt the hard way that I cannot wait for my life to be perfect before I start living my dreams. Sabi pa ni Allen Saunders

“Life happens when you are busy making other plans.”

May dapat baguhin talaga. May dapat na magsakripisyo. At ang nakikita ko ay ‘ako’ yun. Hindi ‘to madali pero alam kong posible. Paulit ulit man ang tanong ko na wala pa rin nagbabago? Dapat ko na sigurong baguhin ang tanong ko. At ang pinakatanong ko sa buhay ko, sa akin nalang iyon. Bawal ko munang sabihin senyo. Mas masakit para sa akin na nandito ako(sa work na to) habang buhay. Di kaya ng kaluluwa ko ang ganito. It’s time to choose what’s best for me.

Kagaguhan din na isiping nagnanais ako ng pagbabago pero wala akong bagong ginagawa. Baka nga same lang ang strategy na ini-implement ko kaay ganun.

Wala naman akong dapat gawin kundi i-motivate nang i-motivate nang i-motivate ang sarili ko. At makaroon ng ganap.

I have the power and energy to move forward no matter what obstacles block my path. I have the power to live up to my highest vision of how my life can be. I have the power to follow through and make significant progress on my biggest goals. Lahat ng ‘to ay kaya ko kasi may choice ako.

Wala na nga akong paki sa sasabihin ng iba kesyo nagbago na ako. Dapat talaga akong magbago. Mas papalakasin ko ang utak ko. Feeling ko napagod lang siya sa lahat ng napagdaanan namen.

Ako ang susulat ng tunay na kahulugan ng buhay ko gamit ang pinili kong talata.

Lagi akong nagtatanong kung ano ba ang maiihahain ko sa lamesa.

Sa totoo lang, natatakot ako sa bawat araw na nandito ako. Natatakot akong ulitin na naman ang paulit ulit na bagay na ayaw kong gawin. Napipilitan nalang ako dahil wala akong malipatan at mapuntahan. Natatakot akong mawasak ang mga plano ko. Natatakot akong dito pa rin sa klase ng tindahan ako kumakaen. Natatakot akong dito na naman ako maglalakad sa lugar na to. Natatakot ako na ang ‘isang araw’ ko ay yun din ang gawin ko sa buong taon. Natatakot ako. Dapat ang “isang araw” ko ay mabago ko. Okay lang sa akin ang pagbabago. Wala ng problema sa akin ang changes. Handa na ako.

Sisimulan ko ng maging tapat. Simulan ko ng hindi mang-gago at mantrip ng ibang kapwa. Kasi ang kalagayan ko ngayon, talagang masasabi kong kagaguhan eh. Parang bumabalik lang talaga.

Yayakapin ko ng todo to.

Nagkamali ako noon. Ngayon bumabangon muli sa pagkakamaling akala ko lahat ng oras ay nasa akin ang lahat ng oras.  Sabi ni Stephen C Hogan sa kanyang advised

“Most people miss great opportunities because of the misperception of time. Don’t wait! The time will never be just right.”

Kaya.
Go Ben. Fight lang.
Life is right now, right here – make the most of it.

No comments:

Post a Comment