Monday, November 30, 2015

ANG BAHO NG HININGA KO


Hoy, ikaw reader na napadaan. Alam mo ba. Napaka-meaningful ng katha ko ngayon. Maaaring sabihin ng mo na mababaw tong topic ko pero para sa akin, ito ang tunay na buhay. Ito ang dahilan ng lahat. Ito ang purpose naten sa buhay. Mapo-proof ko yan. Saglet lang. Hayaan mo kong magpaliwanag.
Ito ang nagbibigay ng kaligayahan sa bawat isa. At ang tinutukoy ko ay ang continuous na “paghinga with feelings”. Papatunayan ko yan.
Kakagising ko lang galing sa 14hours of sleep. Ang sarap diba. Kung kakalkulahin naten. Para akong bumiyahe papuntang Pampanga. Bawing bawi sa tulog. Siguro mga 6am ng umaga. Ginugutom ako nun kaya uminom nalang ako ng dalawang baso ng tubig at bumalik muli sa pagtulog. 11am gumising na ko. Uminom kasi ako kagabi ng alak. Kaya medyo senglot pa ako. Eh kasi naman araw araw, buong weekdays na ata, gumigising ako na parang kulang lagi ako sa tulog. Ang hirap gumising.
At ang kwento kanina. Hindi ko maipaliwanag ang tulog ko. Parang hindi ako humihinga. Oh baka sabihin mo “Malamang tulog ka kaya di mo napapansin iyo.” Medyo tunog tanga yung sinabi ko pero parang di siya continuous kasi. Kashungaan naman diba kung di ako nahinga, edi patay na ko. Ang gusto ko lang naman tumbukin ay yung matino at ramdam na ramdam na paghinga. Kaya paggising ko kanina. Biglang tumibok ng mabilis ang puso kong umiibig. Parang sinasabi ng puso ko. “Hindi ka tunay na natulog. Umidlip ka lang tsong. “ Feeling ko pinatay lang ang ilaw. Parang ganun lang.
Kaya ang ginawa ko. Nagdesisyon nalang ako na maging relax ang Sunday ko ngayon. Umupo ako sa sahig na may foam, binuksan ko ang electric fan, niyuko ko ang ulo nito at itinutok sa mga hita ko para di pawisan ng todo ang naiipit na tuhod ko. Syempre bago ang lahat, nilinis ko muna ang buong kwarto ko. Natural, hihinga ako eh. Alanganamang huminga ako at singhutin ko ang basura sa buong kwarto. Di naman tama yun. Templo kaya tong katawan ko. Bawal dungisan. Bawal dumihan.
Kaya eto na, nagset ako ng timer sa phone. Inilagay ko siya sa 20mins. Saka ko nilapag ang phone at dumirecho na ako sa tuloy tuloy na paghinga ko.
Marami akong natutunan sa paghinga ng totoo. Kaya nasabi kong totoo kasi ito yung paghinga ko na feel na feel ko ang pagbuga at pagsinghot. Ang paghinga ng ganito ay hindi ganun kadali. Hindi siya ganun ka--simple. Marami akong na-encounter na problema sa binalak ko na paghinga ng walang hinto na to pero hanggang sa ngayon di pa ko nagtatagumpay. At ito ang mga dahilan ng mga yon.

Una, sa pag inhale at exhale. Unang naging kalaban ko ay ang sound trip ko kanina. Habang nahinga ko. Play ng play sa utak ko ang “Love yourself ni Justin Bieber”.  So gumawa ako ng strategy para matapos na. Gumawa ako ng solusyon. Inisip ko nalang na nasa dagat ako, yung tipong humahampas sa mga paa ko yung wave ng dagat, nagci-circulate ng mabangong hangin ang paligid at tahimik na tahimik ang environment na may sense. May sense para di ako lugi sa sinabi ko. Pero bigo pa rin eh. Di ko pa rin mabuo ang 20mins na tuloy-tuloy na paghinga. Imbyerna talaga.

Pangalawa, Ang ingay ng paligid, mahirap makapag-concentrate kapag maingay ang paligid. May nagvi-videoke kasi sa kabilang bahay, ganyan naman eh kapag kinabukasan ay holiday. Parang wala ng bukas ang kapitbahay magsaya. Kasama pa pati ang ingay ng mga tumatahol na aso. Tumitilaok na mga manok. Hampas ng pinto sa labas. Tunog ng gripo at iba pa.

Pangatlo, sa tuwing gagawin ko ang paghinga na to. Laging may bumabarang plema sa lalamunan ko. Parang Naia tuloy ang lalamunan ko. Nilaglagan ng bala. As in, sobrang hirap. Parang may nakabarang garapon sa lalamunan ko. Hadlang siya sobra.

Pang-apat, di ako makatagal sa dagat. Sa iniisip kong dagat. Laging sisingit sa eksena yung mga kaninang naiisip ko. At mga bagong ideya habang humihinga ako ay sumisingit. Biglang papasok sa isipan ko yung gusto kong gawin. Biglang papasok yung kanina kong kausap. Biglang papasok ang wino-worry ko kanina. Doon palang, napatunayan ko na di biro ang paghinga ng maayos. Yung pinapangarap ko mafeel na may lumalabas na kaluluwa sa katawan ko. Hindi ako makatagal . Di ko ma-feel na powerful ang soul ko. Siguro nga’y di pa talaga ako sanay sa ganung paghinga.

Pang-lima, biglang akong ginugutom during neto. Payat ako diba. Pero ito ang ilan sa nagpapagutom sa akin ng todo.
a.       Kapag tumatawa ako ng malakas, ginugutom ako.
b.      Kapag nahinga ako tulad neto, ginugutom ako. Sobra.
c.       Kapag uminom ako ng pinakamasarap at mainit na soup. Gugutumin ako niyan.
Kaya ang dahilan ng lahat ay sa tiyan ko talaga.

Pang-anim, di ko basta basta natatapos ang 20mins na paghinga. Reset ako ng reset ng timer. Balik lagi sa 20mins. Kapag di ko name-maintain ang tuloy tuloy na paghinga. Tinitigil ko na. Makikita ko nalang sa phone ko. 6mins nalang ang remaining time. Kaya ganun nga, di pa ko matapos tapos. Punyeta.

Pang-pito, Sobrang laki ng nababago sa buhay ko na to pagtapos kong gawin tong kaugalian ko na to. Ang paghinga. Malaki ang nababago sa araw ko. May something different na nangyayari. Naa-achieve ko ang mga goals ko. Nagiging masaya at kalmado ako ang araw ko. Partida pa, di ko pa natatapos ang 20mins. Paano pa kaya kapag natapos ko na. Hmm Exciting.

Ito ang catch: Ang paghinga ng tao ay katulad rin ng pamumuhay naten dito sa mundo. Kung nabubuhay ka na wala sa tamang paghinga. Ang resulta ng buhay mo ay puro problema at sakit ng ulo. At sabi pa sa mga article na nabasa ko. Di ko lang mahagilap eh pero meron nun talaga. Di ako nagsisinungaling. At ang sabi, Isa sa pinaka pinagmumulan ng sakit ay  di tamang pagbreathe o paghinga. Ang simple diba. Siguro dahil hindi nag umiikot ng husto ang hangin sa katawan o di kaya di nagtatrabaho ng husto ang puso. Nakapetiks lang. Kaya hindi langdapat  i-hydrate ang katawan sa tubig kundi paghinga rin ng maayos ang dapat bigyan ng pansin. Pero kapag sinimulan kong maging habit ang tamang paghinga, mas lalo akong lumalakas. Sa totoo lang. Mas lalo akong nakabase sa sarili ko. Nagkakaron ako ng joy sa buhay. Ito ang tunay na layunin ng buhay ko.

Marami pa akong di alam sa meditation. So, practice pa more. 


Try niyo din. Mga peeps. Di mabaho hininga ko. Joke lang yun noh. Duh.

Friday, November 27, 2015

BALUTIN MO AKO NG LIWANAG NG IYONG PAGMAMAHAL


Itatago kita sa puso ko. Alam mo ba yun!? Natuto na akong i-enjoy ang mga pagkakataong galit na galit ka sa akin. haha Natatawa na ako kapag galit ka. As in, nagchi-cheer pa nga ako kapag beastmode ka saken eh. Nagkamali ako sa  mga oras na pino-force ko ang mga bagay na maging normal para lang mabuhay ng maayos. Nasasaktan kita sa tuwing umiinit ang ulo ko kagad imbes na magpasalamat na magkasama tayo. At nagkasama tayo. Kahit na minsan di mo sinasagot ang call ko. Ano ba calling ko sayo? Nakakalimutan ko na atang magpasalamat sa pag-ibig na itinuro mo sa akin. Ang walang hanggang Pag ibig na shini-share mo parati sa iba o sa lahat. Inaalala ko ang mga oras na kailangan na kailangan kita. Sayo ako sumasandal. Sayo ako humihingi ng tulong. Binigyan mo ng Purpose ang buhay ko. Pati pala ikaw pwede ng nakawin. Nagiging seloso na ako sayo ngayon. Inangkin kasi nila ang katawan mo. Alam ko namang maraming nagkakagusto sayo. Maraming gustong umangkin sayo. Gusto ka niya o nila makita araw araw. Inaamin ko na minsan nalulungkot ako kapag ako lang yung nanunuyo sayo. Kala ko nga, habang tumatagal sa mga sinasabi mo, lahat ng iyon ay di totoo. Kala ko di totoo mga payo mo. Nagsusulat ka pa para sa akin. Love letter ba yun o rules? Baka nga araw araw ka nagsusulat sa akin. Feeling ko lang ha. Tatangapin ko na sabihan mo akong demonyo. Demonyo ako sa paningin mo. Tanggap ko naman eh. Ako ang gwapong demonyo na kasama sa mga minahal mo. Pero mahal kita. Hindi maikakailang galit ka sa akin dahil sa klase ng kaligayahan na gusto ko. Pero deep inside pag ibig mo pa rin ang hinahanap ko. Natatakot lang akong pumunta sa bahay niyo. Sa malinis na bahay niyo na pagmamay ari ng mga kaibigan mo. Baka husgahan nila ako. Madumihan ko pa ang tinitirhan niyo. Malagyan ko ng putik ang sahig galing sa sapatos kong puro putik at alikabok. Taliwas kasi sa pananaw ng mga kaibigan mo  ang pagmamahal ko sayo. Taliwas din ang pananaw ko sa pag ibig na ipinararamdam mo sa akin. Pero salamat dahil nagmalasakit ka sa malala kong sakit.

Itatago kita sa puso ko. Walang makakaalam na tayo ulit. Walang makakaalam na nagbalik ako sa kakulitan mo. Walang makakaalam na lumuhod muli ako sayo at nagmakaawa. Pag-ibig mo ang gusto kong maramdaman hindi karangyaan. Ngiti mo ang nagpapangiti sa akin. Ikaw ay ako. Masama mang kwestiyunin ang kahinaan mo na di nakikita ng iba. Ngunit ikaw naman ang kalakasan ko. Ikaw rin ang patnubay ko. Ibabalik ko yung dating inlove na inlove ako sayo. Mga sandaling sinusulit ko dahil kapiling kita. Naglakad ako noon sa karera ko at ikaw ang gumabay. Inalalayan mo ako na kaya kong tumayo sa pagkakadapa ko. Langit ka lupa ako. Minsan nga ikaw pa sumasagot ng lahat ng takot. Sayo ko sinasabi lahat ng takot ko. Nababawasan ang takot ko kapag ino-open ko sayo.

Itatago kita sa puso ko. Ngayon alam ko na di mo ko sinasaktan. Tumatahimik ka lang sa lahat ng kasinungalingan ko. Saan man ako magpunta. Di mo man tignan sa mga mata ko. Pero alam kong malakas ang kutob  mo palagi sa nararamdaman at kinikilos ko. Pag-ibig mo ang bumabalot sa akin. Nag-alay ka ng dugo at buhay para manatili ako sa mundo. Tinuruan mo ako ng karunungan upang makahinga sa bawat eskenita ng lugar namen. Kahit na di matapos tapos ang struggle ko. Nakaagapay ka pa rin. Nakatingin ka pa rin sa akin. Minahal kita dahil alam mo lahat. Nagbigay ka sa akin ng daily hope. Ang pag asang makakamit ko lahat ng to. Ang mga pangarap ko. Ikaw ang nagbigay ng kinabukasan ko para bukas at sa mga susunod pang mga araw. Medyo ulit ulit ang salitang ginamit ko para sa hinaharap. Pero ikaw yun.

Itatago kita sa puso ko. Gusto kong magsorry. Humingi ng tawad sa mga pagkukulang ko. At babaguhin ko lang ang pagmamahal ko sayo. Kung di mo ako matatanggap ang ugali ko, okay lang. Mananatili pa rin ang pangarap ko.

Di na kita papakawalan pa.


Wednesday, November 25, 2015

DI KA PAYAG? IKAW PA LUGI?


Bakit ka pumapayag na ganunin ka lang ng ibang tao?
Dahil ba may utang na loob ka sa kanya? Dahil ba mas matagal na siya sa larangan na yon?
Dahil ba nasindak ka noon sa kanya? Dahil ba mas popular siya kaysa sayo?
Bakit ka pumapayag na sirain niya ang buhay mo?
Dahil ba mahal mo siya kaya ganun ganun nalang? Dahil ba siya lang ang kaligayahan mo?
Bakit ka pumapayag na limitahan ka ng ibang tao?
Dahil ba mas mataas ang posisyon niya sayo? Dahil ba siya ang mas nakakaalam? At wala ka ng nagagawa pa? Dahil ba sa buong buhay mo natatakot ka namang mamuno?
Bakit ka pumapayag na ganoon lang ang sinasahod mo?
Dahil ba kuntento ka nalang sa ganun? Dahil ba nabibili mo naman ang gusto mo sa sahod na yon?
Dahil ba kahit papaano nairaraos naman ang pamilya sa ganoon at maghihintay nalang ulit?
Bakit ka pumapayag na nakawin ng iba ang pangarap mo?
Dahil ba sila may pera ikaw wala? Dahil ba magkaibigan naman ang turingan niyong dalawa kaya sa kanya na yong bagay na yun?
Bakit ka pumapayag na ang laki ng binayad mo, wala kang napala?
Dahil ba nangyari na, di na maibabalik pang muli? Dahil ba nag-enjoy ka naman kahit papaano kaya okay na rin?
Bakit ka pumapayag na masayang ang oras mo ngayon?
Dahil ba nasanay ka na magwaldas ng oras araw araw? Dahil ba okay lang atlis di nagalaw pera mo?
Bakit ka pumapayag na kainin ka ng takot?
Dahil ba normal lang naman na matakot minsan? Dahil ba wala kang kalaban laban sa iyong katunggali?
Bakit ka pumapayag na hanggang dyan ka nalang?
Dahil ba nagsimula kayo sa mahirap, matatapos kayo sa mahirap? Ganoon nalang talaga ang kalakaran?
Bakit ka pumapayag na maghintay ng mahabang panahon para sa magandang pagkakataon?
Dahil ba lagi ka nalang nagpapaubaya sa tadhana? Dahil siya ang mas nakakaalam ng lahat?
Bakit ka pumapayag na lokohin ka niya?
Dahil ba immune ka na sa sakit? Dahil ba mahal mo siya at wala ng mahahanap pang iba?
Bakit ka pumapayag na laitin ka niya?
Dahil ba nakakatawa naman yun? Dahil ba ugali na niya talaga yon?
Bakit ka pumapayag na mababa ang halaga mo sa sarili?
Dahil ba nagkamali ka kahapon? Di na ba mababago yon? Iyon ka talaga?
Bakit ka pumapayag na magsasayang ka lang ng oras palagi?
Dahil ba masaya naman kapag walang ginagawa?
Bakit ka pumapayag sa kasinungalingan ng iba?
Dahil ba magbabago naman yong tao na yon? kaya papatawarin mo nalang?
Bakit ka pumapayag na huminto sa bagay na gusto mo?
Dahil ba kaya mo naman yon kaya bukas mo nalang gagawin?
Bakit ka pumapayag na hindi ka handa parati?
Dahil ba meron namang salitang “bahala na si batman” at swerte paminsan minsan? kaya dun ka na kumakapit?

Kaya ang tanong ko ulit, bakit ka pumapayag?

Monday, November 16, 2015

TO ANOTHER LEVEL OF OKS SI MORON


Panahon na naman ito ng pana-panahon na paglipas ng panahon. At ngayon na yon.
 Ang mga lumang damit ay pinaglulumaan nalang. Maraming pagbabago ang mas nababago.
Minamaliit ko na ang mga maliliit na bagay upang hindi na maging maliit pa.
Ang malaking ideya ay dinadagdagan pa ng mala-“king” na ideya ng King.
Kung ayaw niyong maniwalang may nanininiwala na sa pinaniniwalaan ko.
Edi wag kayong maniwala.
Magkakaroon ako ng sariling bahay na hindi na kailangan gumawa pa ng gawaing bahay.
Sawang sawa na ako magpaikot ikot dito sa maraming pasikot sikot. Gusto ko na ng sariling Tsikot.
Ayoko ng suotin ang aking uniforme sumasahod ba sila for me?
Hindi na sa lupa. Itatawid ko sa himpapawid ang aking pantawid gutom na pagkaen.
Nag-aalay lakad ako para sa mahaba at malayong daan na gusto kong lakaran.
Masaya ako sa iniisip ko pero nagdadalawang isip ako na isipin nalang ng pag iisip ng masaya.
Naiisip kong isipin na tulungan nila akong mag isip na maisip ko lahat ng to.
Sinasapuso kong mas maging ginto ang aking ginintuang puso.
Pinuno ko ng kaalaman at binawasan ang dunong ng iba, na wala namang laman.
Tutulungan ako ng mga ginto ko para magmahal sa aking kapwa tao.
Mas nakakatakot na hindi labanan ang takot.
Mas nagiging ginto ang puso ko kapag nilalabanan ko ang aking takot.
Para sa akin. Tatrabahuhin ko na magkaroon ako ng trabaho na magta trabaho para sa akin.
Sinulat ko, na may apat na naniniwala sa sulat ko at ito’y magiging apat na libo.
Pinapa-apoy ko ang aking kaluluwa. At kaluluwa ko ang nagpapaapoy para sa akin.
Ang sino mang humarang sa daan ni Mang Sino ay hinirang.
Sige lang ako ng sige sa pagpupursigi na maging maigi na akong pursigido.
Walang malas. Bagsik at talas ng isip ang lagi kong ipapapamalas.
Tinuruan akong matuto sa pagkakamali ko na nagtuturo sa aking na magkamali pa.
I have it. Kakaibang bersyon ngayon. Kakaibang pagkatao ngayon. Kakaibang habit.
Lahat mapapalitan ng bago. Tumatakbo. Pasulong.
Ang karunungan kong taglay ang dahilan ng aking paghinga.
Ipinagdarasal ko ang aking maestro.
Ipinagdarasal ko palagi ang unang umusbong.
Ipinagdarasal ko palagi ang pinaka nakakatawa.
Ipinagdarasal ko palagi ang pinaka matapang na tao.

Friday, November 13, 2015

ANG HILIG MONG TUMAMPOL


Sometimes, inaamin ko sa sarili kong may nakokolekta akong lessons sa hindi pagseseryoso sa isang bagay. Mga bagay na hindi ko iniisip kong saan papunta ang istorya na ginagawa ko. Mga bagay na gusto ko lang makuha ang atensyon ng ibang tao. Makausap ko lang sila. Madistorbo ko lang sila sa ginagawa nila. Mairita ko lang sila sa sasabihin ko. Ganun ganun lang. Enjoy enjoy lang. Pero kahit ganun ganun lang ang lahat ng yun. Nababago minsan ang takbo ng isipan ko.

Ganito kasi yun. As usual, late na naman ako kanina. Lagi naman eh. Late na ko ng 15 minutes sa office hours. Kaya bumili muna ako ng yakult sa 7eleven. Pagtapos kong makuha ang item pumunta ako ng cashier. May nakasabay akong matandang babae sa harap ng pila. Iba siya sa mga nakita kong seniors. May kagandahan siya ng konti kahit elder na siya. Nagtanong lang ako ng pahapyaw. Wala lang. Gusto ko lang magpapansin. Pramis. Yun talaga ang motibo. Wala akong crush sa kanya. Duh? Ibang iba si lola sa mga nakita ko. Siya yung tipo ng matanda na parang may pagkaCherie pie picache. Actually, wala naman talaga akong wini-wish na sana madapa siya at ako ang tutulong sa kanya at sasabihin niya saken “Ano ang kahilingan mo, iho?” wala pong ganun. Di po ako sasagot ng “Yung sports car. Yung red” Wala po talaga. Gusto ko lang talagang makipag usap sa kanya. Nakita niyo yung buong senaryo? Napaka kapal din talaga ng mukha ko. Nagtanong tanong ako sa kanya habang naglalakad kame ng mabagal palabas. “Saan po papunta tong nilalakaran ko?” Itinuro ko ang daan, ang lugar na kung saan maraming nagpapasukan na empleyado. Siguro factory yun. Baka lang. Yun ang imbento kong tanong sa kanya. Medyo may tunog hugot kasi ang tanong ko sa kanya kaya siguro kinagat na niya ang pangungulit ko. Nagtanong naman ang matanda sa akin “Eh saan ka ba pupunta ha?” At ang sagot ko naman “Kahit saan po diyan” Ang shunga kong sagot ang nagpahawak sa buong pagkatao ko. Kaya bigla akong binigyan ng soplak na sagot ni lola na “Wala kang mararating”.

Kamot nalang ako ng ulo sa paghihiwalay namen ng daan. Di na niya ako inentertain pa. Ang masakit na salita niya ay isang salita na animoy dinamay ang buo kong pagkatao ko. Dinamay nanay ko. Dinamay girlfriend ko. Dinamay mga kapatid ko. Lahat parang dinamay. Hindi ko din alam kung gago ako minsan eh. Pero minsan talaga may parang bumubulong sa akin ang kalangitan na dapat kong matutunan. Pag upo ko nalang talaga sa opisina at kumaen ng breakfast  saka ko lang napagtanto. Habang ngumunguya ako ng hotdog with scrambled egg nasabi ko sa sarili ko

 “Oo nga noh. Ano nga ba talaga ang nilalakaran ko. Wala ata talaga akong mararating kung di ko alam ang gusto kong daanan”.

Kaya ayun. Sa maliit na bagay. Kailangan ko pang matuto. Sa totoo lang, kapag tinanong mo ako, Ano ba talaga ang gusto ko sa buhay? Ang katotohanan dyan, ang dami kong maisasagot. Ang dami kong gusto. Ang dami kong nais na tuparin. Pero infairness, ang lakas ng impact ni lola sa sinabi niya. Wiw.

Kanina sa panonood ko ng youtube. Nabored lang ako ng bahagya. Saka nagkaroon ako ng irritable bowel movement kaya medyo tumamlay ako. May konting red na mahirap ilabas na tubol. Nakita ko siya paglabas ng bata este ebak pala. Pinanood ko lang ang kantang “Focus” ni Ariana grande sa youtube pero di ako makapagfocus dahil sa pwet ko. Putang ina pls. Chineck ko nalang ang video. Two weeks ago siyang pinasok sa youtube  kaya sariwa pa siya. Yung video hindi si Ariana.

Tignan niyo ano. Ganito rin yun noh. Parang youtube talaga ang buhay ko eh. Di ako makapagconcentrate sa ginagawa ko kasi ang daming suggested videos sa gilid ng video. Nakakatukso tignan. Di pa natatapos gusto na kagad pindutin ang video ni Adele dahil umabot ng 300million views. Ang gulo ko na ba? hahaha

Napag isip isip ko. Suggestion lang ng iba to. Dapat kong tapusin muna ang pinapanood ko. Konting focus lang. Taena eh.  Ang gusto ko lang unawain sa kaganapan na yun. Walang natatapos na isang bagay kapag walang focus. Hindi pupwedeng lahat aangkinin ko. Kailangan pala kapag tapos ko ng panoorin ang isang bagay. Unawain ko pa. Pag aralan ko pa ng maigi pa. Basta video na may dating.

Speaking of focus. Ito malupit. Maisingit ko narin ang tatlo kong mahal na pamangkin. Si nysa, prince at si yayang. Sobrang mahal na mahal ko tong mga pamangkin ko. Gaya nalang ng tatlo kong pamangkin. Ginogoyo ko silang tatlo dahil gusto ko silang bumaba na, kasi sobrang kulit nila maglaro. Tinawag ko sila, pinalapit at inutusan. Nakisuyo ako sa tatlo na kunin ang pichel sa lababo sa baba. Gulat nga sila pitchel lang daw dapat pa ba daw tatlo pa sila. Tong mga batang to. Natututong sumagot dahil ata sakin eh.  Ginusto ko yun kasi para bumaba na sila ng 3rd floor at gumala na talaga silang tatlo sa labas. Pero nabigo ako. Di pa rin nagpatinag ang tatlo kong mkukulit na pamangkin. Ayaw pa rin magpautos. Nagtuturuan pa sila. Ang ginawa ko nalang inuto-uto ko sila. Sinabi ko na bibigyan ko ng money ang makakuha ng itnuturo kong laruan sa bodega. Nakipaglaro nalang ako. Pero tatakutin ko talaga sila sa bodega. Matitigas sila eh. Sinabi ko na kunin nila ang maliit na plantsa. Halos dalawang metro lang ang pagitan ng laruan sa amin. Bumilang pa nga ang tatlo ng wan, tu, tri at sabay sabay lapit sa laruan. Ang itinuturo kong laruan ay ang maliit na plantsa na  katabi naman ito ng marami pang laruang doll. Pagtapos nilang makuha at bumalik sila sa akin. Magkakaiba sila ng kinuha. Si Nysa ay doll at si prince naman ay baril barilan. Dito palang malalaman niyo na kung ang isang bata ay may focus. Ang sabi saken ng isa kong pamangkin na si Yayang na nakakuha ng tamang laruan na plantsa, sabi niya “tito jr, nakita ko lang to dun, tapos kinuha ko na, yun lang ang nakita ko” Ganun lang ang sabi ng bata. Oh see. May aral sa mga children. Focus pa rin talaga eh. Ang balak kong takutin sila ay nauwi sa realization. Natauhan na naman ako dahil kapag ang bata may focus. Nakakamit niya ang gusto niya.

Kaya sa pagkamit ko ng mga pangarap. Dapat direcho tingin parang kabayo.  Ang “kagustuhan” ko at ang “tampol “ay dapat magka-tandem. Hindi sila dapat napaghihiwalay. Pag iisipan kong mabuti kung ano ba talaga ang gusto ko? At kung paano ako magpopokus dito.

Wednesday, November 11, 2015

KEEP ME SEARCHING FOR THE HEART OF GOLD


PARAANG NORMAL ACTIVITY SA PASKO


Naaamoy mo na ba ang Simoy ng gastos este Pasko pala.
At hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang ating bansang Pilipinas ay may mahabang  selebrasyon ng pasko sa buong mundo. Totoo po yan. Umaabot pa ng First week of January. Oo nga. Walang echusan. Ang buwan ng Disyembre ay panahon ng pagbibigayan pero para sa iba naman. Ito ang panahon para gumastos o paggasta. Minsan nga di pa pumapasok ang Disyembre ang dami na kagad na pinagbibibili sa mall or sa Divisoria eh. Sorry. Umaamin na ko.
Ito ang ilan sa mga naisip at nakalap kong paraan para makatipid tayo sa Pasko.
1. Mag-Set ng Christmas budget.
Dapat naka-sulat o written ang pagba-budget ng pera lalo na pagdumating ang 13th month pay at Christmas Bonus. Kung kinakailangan ilagay sa noo o sa manila paper ang budget list ay gawin.

2. Walang forever ang utang.
Kapag nahawakan mo na ang bonus mo. Unti-untiin mo ng bayaran ang mga utang mo. Tanging buwan lang ng disyembre ang maluwag na magbayad ng utang. Wag ka ng magtago pa sa kanila. Kapag iniilagan mo ang katotohanan. Lalo kang tatamaan.

3. Maging Billy Joel pagdating sa Anda.
Tuparin mo yung pinangako mo sa pagba-budget ng pera. Dapat kapag pumasok ang kita i-minus na kagad ang  ipon at ang matitira ay ung ang Gastos mo na o sa madaling formula (Income – Savings = Expenses). Naiintindihan mo?

4. Tiyanak ang mga inaanak. Joke.
Charaught lang. Ang dapat gawin sa mga inaanak. Kung maaari. Isang klase nalang ng gift ang ibibigay mo sa kanila. Kapag pera. Pera nalang lahat. Kapag toys. Toys na pare parehas nalang. Sa Divi may wholesailing. Mabisa yun. Kapag di effective. Abutan mo ng maraming pochi para tumigil. Wag mong papakita sa magulang.

5. Umiwas sa Sale
Maraming nagkakandarapa sa sale. Takbo kagad kapag nakita ang sign na SALE sa SM. Wag niyo ng payamanin si Sir Henry Sy. Yung sarili muna natin. 

6. Bawasan muna ang Pasosyalan
Tigil tigilan ang pagtambay masyado sa Starbucks, Restaurant sa Mall of Asia o sa Greenbelt. Kasi kapag di ka nag-ipon ngayong pasko. Nextyear 2016, baka maghihintay ka nalang ng konsehal o mayor na mag aabot sayo ng pera. Wag mo ng asahang isasalba ka nila. Isang beses lang sila magbibigay sayo. Hindi palagi magbibigay ng pamasko yang mga buwaya na yan. Pustahan makakatanggap ka ng Limang DAANG MATUWID sa halalan. Malutong na pera.

7. Pass muna sa Drunk in Love
Magkano ang pulutan?Magkano ang beer?Magkano ang Jack Daniels? Magkano ang yelo?Magkano ang gastos pagtapos kayo uminom, diba kakain kayo ulit. Mas maganda nalang na magkampayan nalang kayo sa fb online. Or Cumoment ka nalang sa inuman nila. Para makabawi bawi ka man lang. Kundi naman, tumulong ka nalang magligpit pagtapos nilang uminom. Kapag nakakaramdam na sila ng suka. Pahiran mo ng while flower sa ilong. Gawin mong negosyo yan.

8. Limitadong Bakasyon
Nararapat lamang na kung balak niyong magbakasyon. Kapalan niyo muna ang mukha niyo na makalikom sa mga kaibigan niyo bago umalis. Magsolicit sa bahay bahay para makapagtravel kung necessary na. Malaking tipid yun. Wag tayo living by faith na bahala na si Lord bukas. Bahala na si Batman. Isang ka-Abnormalan yun.

9. Ang sarap ng Cooking ng Ina Nyo.
Di ako marunong magluto kaya pinapaluto ko nalang sa nanay ko ang Noche Buena namen. Mas maganda ng magluto kaysa bumili bili sa labas. Mas mura. Ayoko ng matukso muli sa Angry Whopper.

10. Tanging Sa Diyos lamang ang daan
Kapag aattend sa simbahan at magbibigay ng donation or ikapo. Dapat nakahiwalay na yung buo at papel na pera. Para kapag binunot sa bulsa. Alam mo na kagad ang halaga na ibibgay mo. Yun ang budget. Gumamit ang simbahan ng ilaw at electric fan sa pag-upo mo. Bumawi ka man lang dun. Bumawi ka din sa dasal ng pasasalamat. Maunawain ang Diyos naten.

11. Be normal lang
Tandaan: Kapag ginawa mong engrade masyado ang pasko mo at hindi ka naging wais sa paggamit ng pera. Ang end. Sakit sa ulo o utang muli ang bagsak. Kaya maging normal ang buhay sa pasko kahit sa pinakamahalagang araw ng taon. Parang awa niyo na. Magtulungan din tayo minsan.

12. Apat Dapat. Dapat Apat.
Pilitin doblehin ang kita ngayong pasko. Ako rumaraket/dumidiskarte  na ko ngayong nalaalpit na pasko eh. Pero gusto ko tong ginagawa ko. Passion ko to eh.

13. Magastos ang magjowa
Magsakit sakitan kung kinakailangan kung monthsary niyo sa pasko. Walang sakit sa bulsa ang magharutan at magselfie sa kalye. May pishbulan pa.

14. One way Jesus
Mas mahalaga na gunitain si Hesus kaysa maglustay ng pera sa mali ngayong pasko. Siya ang diwa ng pasko. Magbigayan lang po tayo ng tama.

Monday, November 9, 2015

LAKWATSA SEASON 3


LOVE BEGINS WITH ONE, TWO, THREE "BAKIT"



Di naman ho ako nagtatanong kung bakit nangyayari sa akin lahat ng ito. Clear!? Nagtatanong lang naman ako sa sarili ko kung bakit ginagawa ko pa ang lahat ng ito? Siguro tatanungin nila ako kung bakit nga ba? Oh bakit nga ba Tohl?  Bakit ko pa ba dapat itanong sa sarili ko ang mga tanong na ito? May halaga ba to? Sayo, sa kanila o sa akin? Bakit kailangan ko pang isulat? Bakit di ko nalang isipin at itago sa sarili ko ano nga ba ang lahat ng ito? But needless to say kung “bakit ko pa ipapaalam sa iyo tong tanong ko.” Ang mahalaga naiparamdam ko sa inyo.
 Bago pa lang kasi ako matulog kagabi. Pinikit ko ang aking mga mata ng nakaupo. Inilabas ang mala-dyablong awra sa katawan ko at pinapapasok  sa katawan ko ang hinahanap kong glorya. Ang hirap pala, hindi ganun kadali huminga ng tama ng paulit ulit. Ang pakikinig sa sariling hininga is so hard. At doon na nga nagsimulang magtanong ako sa sarili kung bakit ko pa kailangang i-alarm tong clock ko sa phone para gumising bukas. At take note, 5 na alarm pa to para sure talaga na magising tomorrow. Para ba kumita ng pera o para gumawa ng paraan para maisakatuparan ko naman ang mga pangarap ko? Alin man sa dalawa. Inuna ko muna ang necessary tapos ginawa ang posible. Oks na ko dun. Ngunit di pa rin ako pinatigil ng isipan ko. Nagtanong pa rin ang isip ko kung dapat ba akong matulog kagabi dahil halos puro tanong lang ako kahapon o ipagpabukas ko nalang baka sakaling magbago o di naman kaya sadya lang na adik ako sa pag iisip kaya di ako makatulog. Fuck. Pagmulat pa lang ng mata ko kanina. Tinanong ko na ang sarili ko . Eto na naman ba ako? Bakit kailangan kong manalangin,mag ayos ng gamit sa pagpasok sa trabaho, maligo, magsuot ng uniporme at ayusin ang bahay sa pag-alis kung di naman lahat ng to ang paraan sa inaaasam ko. Bakit di ko man lang ginagala o iligaw ang sarili ko para mahanap ko ang sarili ko.  Oh nagbabaka sakali na naman muli ako na ang araw na ito ay isinilang ng may kapiranggot na milagro. Bakit pa ako magmamadali kung late na ako sa opisina? Wala ring saysay diba. Bakit di nako nagta-try ng bagong gawain? Anyare na. Natataranta na ata ako. Bakit di nako excited sa buhay? Bakit di ko na ginagawa ang mga bagay na alam kong sa mga susunod pang mga araw. Makikinabang din ako. Bakit di ko na ginagawa ang mga bagay na alam kong di ko na pwedeng magawa sa mga susunod pang mga taon? Bakit di ko magawang umiyak ngayon? Bakit di ko na ginagawa ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin sa maliit na bagay? Bakit nagagawa kong magsinungaling kahit di ako nagsasalita? Bakit kahit alam kong ang lifespan ng tunay na tao ay 50-60-70 ang age pero parang petiks pa ko ngayon. Noon ay joyful simpleton lang ako. Ngayon feel na feel ko maging worried genius. Tang ina this. Di to totoo.  Bakit ba mas mahalagang mahalin o magmahal. O magmahal kaysa sa mahalin. Ano ba yan. Bakit sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata. Puro entertainment ang umiimbak. Music. WA wentang words. Parang ebak.
 Bakit ba naguguluhan ako sa mga tanong ko ngayon. Medyo malabo ng araw na to. But somewhere along the way, ang alam kong buhay ay sa pananaw na kapag nasira ang bumbilya ng bahay namen. Hindi bahay ang pinapalitan namen kundi bumbilya lang gaya ng mga tanong ko. Ang tanong ko kung “bakit ko to ginagawa” ay di para baguhin ang buong mundo kundi para lang sa sarili kong pananaw sa buhay. Bakit di ko magawang tumawa o ngumiti sa mga oras na to? Dahil ba madidismaya na naman ako mamaya o kailangan ko lang pag isipan ng mabuti ang mga ikikilos ko ngayon kaya medyo serious ako? Dapat ba akong magpaapekto? Diba hindi. Pero bakit ang hirap ng kalagayan ko ngayon. Nahihirapan ba ako ngayon dahil nagbabago na ang lahat? Tanong ko sagot ko. Gago lang talaga. Marahil napaka-magical din talaga ng writing. Kung di ko to isususulat. Kung hindi ilalapag sa mesa ang mga tanong . Wala talang mangyayari. Sa tingin ko nga daig ko pa ang mga superhero. We? As in, kontrolado ko ang sarili ko. Oh diba. Praning ning lang ang peg. Ang alam ko sa sarili ko kasi. Hindi man ako makagawa ng kabutihan sa maraming tao atlis di ako nakapanakit. Okay ba tayo dun mga tsong!?. Ngayon. Bakit ako sasakay sa bus? Siguro umaasa na naman akong baka madaanan ko ang hinahanap ko bago ako magtungo sa pupuntahan ko. Hopia man ako now pero nakakabusog din. Not everytime. But most of the time, sinasabi ko sa sarili ko na makakagawa ako ng paraan para mabuild-up ko ang sarili ko. Mapalago ko ang sarili ko. At ngayon yung araw na yun.
Nilinis ko ang aking tenga. Bakit ganun? Ang daling magselos ng kanang tenga ko kapag nililinisan ko ang kaliwang tenga ko. Ang atat niya masyado. Di niya pa turn. Bakit kaya?
Bakit sa dinami daming lalaki. Ako pa? Wow. Ampogi.
Alam ko para sa iba. It’s no biggie.

Isa lang ang alam ko. Bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Upang matabunan ang lumang nakaugalian ko na bumalot sa akin ng maling dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng iyon. Kaya. I wonder why. Bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Para habang pinagmamasdan ko ang kalungkutan, ang tanong ko na “Bakit”ang magsisilbing dahilan na may pag asa pa akong sumaya. May paraan para magtagumpay. Para mailakad ko pa ng isang hakbang kahit papaano ang aking mga paa sa lugar na nais ko habang under maintenance pa ang lahat. Isang hakbang sa buhay na gusto ko. Yan ang dahilan kung bakit ko tinatanong ang lahat ng ito. Marahil baka naliligaw na ako. Nagsimula sa “bakit” to at matatapos ng may “kahulugan at dahilan”. Dahil ang salitang “bakit ko to ginagawa” ay nanganganak pa at manganganak pa hanggang sa maging pagkatao ko na. At kailan yon. Bakit hindi ngayon?

Thursday, November 5, 2015

TRULY MADLY DEEPLY MALANDE


This is a freestyle wrote. Grabe. Kung ano ang sasabihin ng puso ko tungkol sa kanta na to. Yun na yun. No erase.  Period.
Ang sarap magmahal noh? Ang sarap balikan ang mga panahon puro pag-ibig lang ang iniintindi ko sa buhay. Mga panahong wala akong pake kung gumastos man akong P300 pesos para sa nililigawan ko. Para sa taong inaalayan ko ng pagmamahal. Ang sarap mainlove. Yung tipong para akong nastroke. Patay na yung kalahating katawan ko para sa kanya. Ang sarap magbuhos ng pagmamahal sa taong mahal na mahal ko. Sa tuwing pinakikinggan ko ‘tong kantang to. Parang ayokong magtrabaho. Eh bwenas pa wala si Amo. Parang gusto ko magyoutube lang ng magyoutube maghapon. Kalimutan yan putang inang paper works na yan. Alam mo yun. Iginuhit ng tadhana ang pag ibig na meron ako ngayon. Binihag niya ako ngayon. Ang sarap sa tenga ng boses ni Yeng. Pati na rin ng mensaheng sinasabi neto. Parang may sumusundot na walis tambo sa tenga ko. Mga apat na leaves ng walis tambo. Ang sarap sa pakiramdam ang walang humpay na ligaya. Naisip ko nga eh. Paano pa kaya ang nagwrite netong kantang to. Sobrang ligaya niya siguro sa mga oras na yun. Siguro habang kino-compose niya tong kantang to, umiikot sa kanya ang mga dosenang naka-makeup na anghel. Sinasabing “kantahin mo naman ang nararamdaman mo, sasabog na yan, please”. Ang sarap diba. Tapos umiikot sa katawan niya ang mga mapupulang rosas. Ang sarap mag alay ng pag-ibig diba. Ang sarap magbigay ng pag ibig pati sa mga pamilya naten. Bigla ko tuloy naalala ang nanay ko.Tuwang tuwa ako kapag pinipisil ko ang pisngi nya eh. Sobrang fluffy. Kahit medyo makapal na ang eyebag ng nanay ko. Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang sa malagutan ako ng hininga. Tuloy-tuloy ang mga daliri ko sa pagsusulat ng pagmamahal oh. Ang sarap grabe. Para akong kumakaen sa Master Shiomai. Ang sarap ng shrimp.Ops mamaya na ang gutom.  Feeling ko nga eh. Parang di na titigil tong kamay ko sa pagsusulat right now. Ito ata ang sinasabi nila na may istoryang parang di natatapos sa opening o unahan. Di natatapos sa intro. Kailan ba ako huling nagmahal. Kailan ba ako huling nakapagpasaya ng babae? Halos araw araw ata. SA girlfriend ko ngayon.  Ito yung sa kantang “walang humpay na ligaya”. Habang sinusulat ko to. Feeling ko. Gabi gabi ang kapaligiran ngayon. May nagmamassage sa likod ko. Ang lambot ng mga daliri niya. Nasa mainit na batya ang mga paa ko. Sinisipsip ang mga paa ko ng mga silent bitch na fish. May pipino pa ang mga mata ko ngayon. At ang pinakada best dyan  yung hawak ko ang kamay ng pinakamahal ko sa buhay. Ayiieh. Para na akong gumagawa ng love letter ngayon. Kasi nga about love eh. Shunga ko din eh. Di pa natatapos ang climax ng istorya na to. Tapos itong kanta to ang pine-play na background. Whoah. Grabe. Walang kaduda duda. Sobrang saya. Sumasampal sa mga mukha ko ang mga ulap sa langit. Hinaharot ako ng mga hangin sa kalawakan. Ako naman walang ibang ginawa kundi imoment ang pagkakataong to. Saglit lang naman to eh. Tapos sychronize ang galaw ng mga bituin sa langit. Chinicheer nila ako “Ben ilove you Ben.”  Walang sawa ako sa nararamdaman ko ngayon. Parang binuhusan ako sa Taas ng isang banyera ng pagmamahal. Ang sarap sarap saraaaaaap magmahal. Di pa rin ako mapakali sa inuupuan ko. Nilalamas na ang pwet ko ng chair. Niyuyugyog ko na ang upuan ko sa galak. Ang sarap mabuhay ng tahimik na walang iniisip na kapalit. Ito yung mga part ng buhay natin na willing  tayong masaktan para lang sa pagmamahal. Willing tayong mag-ipon kahit di  naman natin ugaling mag ipon pero para sa minamahal natin gagawin natin. Pulang pula na ang mga pisngi ko ngayon. Naka letter L na ang mga kamay ko sa sobrang kilig. Musika lang to pero ang dami ko ng nasabi. Gusto kong mabuhay sa pagmamahal. Araw-araw pagmamahal. Sana  may profession ng pag ibig. Handa akong mag OJT kahit mahirap. ito yung mga part ng buhay natin na kahit lalaki ka, napapaluha ka ng pagmamahal. Pag-ibig. Pag-ibig. Pag-ibig. Pag-ibig. Tagalan mo ang pagsapi sa katawan ko. Manatili ka sa buhay ko. Amen. Alam ko minsan nandyan ka. Minsan wala ka. Susulitin ko na ang mga oras na  to na kasi feel na feel kita eh. Grabeeeeeeeee. Mahal na mahal ko siguro ang sarili ko. Grabe ako magmahal ngayon. Walang halong cheat. Walang pangamba. Putang inang pagmamahal to. Ayaw akong patigilin sa pagsusulat. Ngayon ko lang na-experience tong ganito. Kahit di lagyan ng Oxymoron ang mga words. Para akong si Beyonce na nagpe-perform sa concert stage. Yung feeling na binubuka ko yung mga kamay ko pataas para tanggapin ang pagmamahal sa akin ng mga taong sumusubaybay at nakikinig sakin. Alam mo yun. Parang  naging song artist na ako ngayon. Maluluha luha ako sa suporta, pagmamahal at tiwala sa akin ng maraming tao. Grabe na ito tooool. Ang sarap sa feeling pala na nilagay ko lang muna sa likod ko yung mga pangarap ko. Kasi kumikinang ngayon ang pag ibig na taglay nila. Handa akong mamatay sa pag ibig. Handa akong mabuhay sa pag ibig. Handa akong masaktan para sa pag ibig. Sobrang magical ng nararamdaman ko. Walang humpay na ligaya. Punyeta.






Wednesday, November 4, 2015

Monday, November 2, 2015

WALA NG TEKA-TEKA.


Mas mabilis pa sa alas kwarto ang takbo ng aking orasan.
Kanina pa ang ganito’t ganyan kung titignan ko lang at pagmamasdan.
Walang patutungo ang nais ko kung walang kilos.
Sasagarin ko na hanggang sa mapaos.
Ang nagdidikta sa akin ng pagkakamali ko sa kahapon.
Ay katumbas na kailangan ko pang lumaban at sa panalo tumuon.
Tunay ba na ang tumatakbo ng matulin.
Ay matinik kung malalim?
Eh papaano naman ang lakad na nakakabitin?
Diba ang mabagal kung matinik mas malalim din.
Sobra pang malayo ang tatakbuhin ko.
Wala na akong oras para ipalakad pa sa iba to.
Hingal naman ang bumabatak sa katawan ko.
Kaya lamang ang balanse lang ang panalangin ko.
Ang pagod ko ay parang humihiwalay na sa akin ang kaluluwa.
Ngunit, di kailanman hihiwalay ang pangarap ko na “parang bula.”
Kailangan ko ng tubig. Kailangan ko ng tubig.
Hindi saklolo dahil okay lang kung walang makadinig.
Lalakarin ko to ng mag isa. Lupa ang aking niyayanig.
Bilin sa akin ni ina na wag magpapatuyo palagi ng pawis.
Wala na akong magagawa kundi
 magpatangay nalang sa hanging palihis.
Niyakap ko kasi ng husto ang hapdi
At ang sakit ng katawan ay tiniis.
Nang sa gayon. Matapos to ng walang mintis.
Pagod lang ako pero mayroon pa rin akong natitirang lakas.
Tumingin kayo sa aking likuran, para malaman ang lalim ng iniwang bakas.
Salamat sa enerhiya. Muntikan na akong maniwala sa mahika.
Kala ko naririnig nila ang mabilis na tibok ng puso ko.
Gusto lang pala nilang sa akin manggulo.
Pati sentido. Parang mababaklas na pagkatapos
 Pero di naman. Sa sarili ko lang pala ako nakikipagtuos.
Hampas ng puso kong tumitibok.
Mas umiingay. Mas lalong lumalakas.
Hampas ng puso kong tumitibok.
Mas tumatapang. Mas umaaklas.
Dahil may deteminasyon kaya ako tumatakbo.
Dahil ang bawat hakbang.
Aangkinin ang karera to.
Ayokong isiping wala akong kasama sa pagtakbo.
Isa na naman tong panlilinlang, kabo.
Gusto kong lahat ay magtagal.
Kaya naglagay ako ng  kasama.
Gusto kong lahat ay mabilis.
Lalakarin ko ng mag isa.
Ang gabay ng liwanag at init ng araw ang magiging pag asa.
Pumapatay ako ng segundo para lang mabuhay ang aking kaluluwa.
Ganyan ako, nagsimula sa takot ngayon diablo na.
Demonyo na. May sungay na.
May anghel pa at Mephistopheles sa balikat ko.
Pero wala akong paniniwalaan sa inyo.
Kapag nanghihina ako, parang ako’y mahina.
 Parang bibigay na ako sa pagsuko.
Hindi nila mahahadlangan ang kagustuhan ko.
Kahit pilay. Gumagapang pa rin to.
Walang pakialam kung sino ang humabol.
Nabubuhay ng may ritmo parang tambol.
Payo ng amo. Mas delikado ang mabagal sa mabilis.
Ang mabagal ay malapit sa disgrasya.
Mahirap ang dikit dikit.
Ang matulin ay ligtas ang primera.
Masarap ang hindi masikip.
Kailangan ko sa akin ng babaeng handang sumalubong.
Sa aking pagtakbo na handa siyang tumulong.
Mas mahalaga pa rin ang buhay na
Nasa gitna ng buhay at kamatayan.
Kaysa sa pamumuhay na walang kahirapan.
Natutunan ng kaliwang paa ko na lumakad.
Hindi puro kanan lang. Di kasi ako tatangkad.
Tumatakbo para sa tagumpay.
Tumatakbo para sa pagmamahal.
Ang lakad nila ay kaligayahan.
Sa akin ay pera at kapangyarihan.
 Mas maganda ng kumikilos ako pasugod.
Sino bang nagsabing mayroong itong buod?
Sumasayaw ako kung kinakailangan.
 Hindi iniisip ang tuhod.
Mapapagod din si Goliath kung hahabulin ako.
Tatakbo ako hanggat kaya ko.
Nananaginip ako ng gising na punong puno ng kulay.
Sabi ng puso ko’y gawin lahat ng gusto ko.
Maraming salita na nadadaanan at naririnig pero di nagpapatinag.
Tapang lang naman ang suot ko na bag.
Bakit sila umiilag?
Tatakbo ako hanggang sa mawalan ng hininga.
Salamat sa pagsubok na nadaanan ko.
Natuto akong tumakbo.