Wednesday, November 11, 2015

PARAANG NORMAL ACTIVITY SA PASKO


Naaamoy mo na ba ang Simoy ng gastos este Pasko pala.
At hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang ating bansang Pilipinas ay may mahabang  selebrasyon ng pasko sa buong mundo. Totoo po yan. Umaabot pa ng First week of January. Oo nga. Walang echusan. Ang buwan ng Disyembre ay panahon ng pagbibigayan pero para sa iba naman. Ito ang panahon para gumastos o paggasta. Minsan nga di pa pumapasok ang Disyembre ang dami na kagad na pinagbibibili sa mall or sa Divisoria eh. Sorry. Umaamin na ko.
Ito ang ilan sa mga naisip at nakalap kong paraan para makatipid tayo sa Pasko.
1. Mag-Set ng Christmas budget.
Dapat naka-sulat o written ang pagba-budget ng pera lalo na pagdumating ang 13th month pay at Christmas Bonus. Kung kinakailangan ilagay sa noo o sa manila paper ang budget list ay gawin.

2. Walang forever ang utang.
Kapag nahawakan mo na ang bonus mo. Unti-untiin mo ng bayaran ang mga utang mo. Tanging buwan lang ng disyembre ang maluwag na magbayad ng utang. Wag ka ng magtago pa sa kanila. Kapag iniilagan mo ang katotohanan. Lalo kang tatamaan.

3. Maging Billy Joel pagdating sa Anda.
Tuparin mo yung pinangako mo sa pagba-budget ng pera. Dapat kapag pumasok ang kita i-minus na kagad ang  ipon at ang matitira ay ung ang Gastos mo na o sa madaling formula (Income – Savings = Expenses). Naiintindihan mo?

4. Tiyanak ang mga inaanak. Joke.
Charaught lang. Ang dapat gawin sa mga inaanak. Kung maaari. Isang klase nalang ng gift ang ibibigay mo sa kanila. Kapag pera. Pera nalang lahat. Kapag toys. Toys na pare parehas nalang. Sa Divi may wholesailing. Mabisa yun. Kapag di effective. Abutan mo ng maraming pochi para tumigil. Wag mong papakita sa magulang.

5. Umiwas sa Sale
Maraming nagkakandarapa sa sale. Takbo kagad kapag nakita ang sign na SALE sa SM. Wag niyo ng payamanin si Sir Henry Sy. Yung sarili muna natin. 

6. Bawasan muna ang Pasosyalan
Tigil tigilan ang pagtambay masyado sa Starbucks, Restaurant sa Mall of Asia o sa Greenbelt. Kasi kapag di ka nag-ipon ngayong pasko. Nextyear 2016, baka maghihintay ka nalang ng konsehal o mayor na mag aabot sayo ng pera. Wag mo ng asahang isasalba ka nila. Isang beses lang sila magbibigay sayo. Hindi palagi magbibigay ng pamasko yang mga buwaya na yan. Pustahan makakatanggap ka ng Limang DAANG MATUWID sa halalan. Malutong na pera.

7. Pass muna sa Drunk in Love
Magkano ang pulutan?Magkano ang beer?Magkano ang Jack Daniels? Magkano ang yelo?Magkano ang gastos pagtapos kayo uminom, diba kakain kayo ulit. Mas maganda nalang na magkampayan nalang kayo sa fb online. Or Cumoment ka nalang sa inuman nila. Para makabawi bawi ka man lang. Kundi naman, tumulong ka nalang magligpit pagtapos nilang uminom. Kapag nakakaramdam na sila ng suka. Pahiran mo ng while flower sa ilong. Gawin mong negosyo yan.

8. Limitadong Bakasyon
Nararapat lamang na kung balak niyong magbakasyon. Kapalan niyo muna ang mukha niyo na makalikom sa mga kaibigan niyo bago umalis. Magsolicit sa bahay bahay para makapagtravel kung necessary na. Malaking tipid yun. Wag tayo living by faith na bahala na si Lord bukas. Bahala na si Batman. Isang ka-Abnormalan yun.

9. Ang sarap ng Cooking ng Ina Nyo.
Di ako marunong magluto kaya pinapaluto ko nalang sa nanay ko ang Noche Buena namen. Mas maganda ng magluto kaysa bumili bili sa labas. Mas mura. Ayoko ng matukso muli sa Angry Whopper.

10. Tanging Sa Diyos lamang ang daan
Kapag aattend sa simbahan at magbibigay ng donation or ikapo. Dapat nakahiwalay na yung buo at papel na pera. Para kapag binunot sa bulsa. Alam mo na kagad ang halaga na ibibgay mo. Yun ang budget. Gumamit ang simbahan ng ilaw at electric fan sa pag-upo mo. Bumawi ka man lang dun. Bumawi ka din sa dasal ng pasasalamat. Maunawain ang Diyos naten.

11. Be normal lang
Tandaan: Kapag ginawa mong engrade masyado ang pasko mo at hindi ka naging wais sa paggamit ng pera. Ang end. Sakit sa ulo o utang muli ang bagsak. Kaya maging normal ang buhay sa pasko kahit sa pinakamahalagang araw ng taon. Parang awa niyo na. Magtulungan din tayo minsan.

12. Apat Dapat. Dapat Apat.
Pilitin doblehin ang kita ngayong pasko. Ako rumaraket/dumidiskarte  na ko ngayong nalaalpit na pasko eh. Pero gusto ko tong ginagawa ko. Passion ko to eh.

13. Magastos ang magjowa
Magsakit sakitan kung kinakailangan kung monthsary niyo sa pasko. Walang sakit sa bulsa ang magharutan at magselfie sa kalye. May pishbulan pa.

14. One way Jesus
Mas mahalaga na gunitain si Hesus kaysa maglustay ng pera sa mali ngayong pasko. Siya ang diwa ng pasko. Magbigayan lang po tayo ng tama.

No comments:

Post a Comment