Friday, November 13, 2015

ANG HILIG MONG TUMAMPOL


Sometimes, inaamin ko sa sarili kong may nakokolekta akong lessons sa hindi pagseseryoso sa isang bagay. Mga bagay na hindi ko iniisip kong saan papunta ang istorya na ginagawa ko. Mga bagay na gusto ko lang makuha ang atensyon ng ibang tao. Makausap ko lang sila. Madistorbo ko lang sila sa ginagawa nila. Mairita ko lang sila sa sasabihin ko. Ganun ganun lang. Enjoy enjoy lang. Pero kahit ganun ganun lang ang lahat ng yun. Nababago minsan ang takbo ng isipan ko.

Ganito kasi yun. As usual, late na naman ako kanina. Lagi naman eh. Late na ko ng 15 minutes sa office hours. Kaya bumili muna ako ng yakult sa 7eleven. Pagtapos kong makuha ang item pumunta ako ng cashier. May nakasabay akong matandang babae sa harap ng pila. Iba siya sa mga nakita kong seniors. May kagandahan siya ng konti kahit elder na siya. Nagtanong lang ako ng pahapyaw. Wala lang. Gusto ko lang magpapansin. Pramis. Yun talaga ang motibo. Wala akong crush sa kanya. Duh? Ibang iba si lola sa mga nakita ko. Siya yung tipo ng matanda na parang may pagkaCherie pie picache. Actually, wala naman talaga akong wini-wish na sana madapa siya at ako ang tutulong sa kanya at sasabihin niya saken “Ano ang kahilingan mo, iho?” wala pong ganun. Di po ako sasagot ng “Yung sports car. Yung red” Wala po talaga. Gusto ko lang talagang makipag usap sa kanya. Nakita niyo yung buong senaryo? Napaka kapal din talaga ng mukha ko. Nagtanong tanong ako sa kanya habang naglalakad kame ng mabagal palabas. “Saan po papunta tong nilalakaran ko?” Itinuro ko ang daan, ang lugar na kung saan maraming nagpapasukan na empleyado. Siguro factory yun. Baka lang. Yun ang imbento kong tanong sa kanya. Medyo may tunog hugot kasi ang tanong ko sa kanya kaya siguro kinagat na niya ang pangungulit ko. Nagtanong naman ang matanda sa akin “Eh saan ka ba pupunta ha?” At ang sagot ko naman “Kahit saan po diyan” Ang shunga kong sagot ang nagpahawak sa buong pagkatao ko. Kaya bigla akong binigyan ng soplak na sagot ni lola na “Wala kang mararating”.

Kamot nalang ako ng ulo sa paghihiwalay namen ng daan. Di na niya ako inentertain pa. Ang masakit na salita niya ay isang salita na animoy dinamay ang buo kong pagkatao ko. Dinamay nanay ko. Dinamay girlfriend ko. Dinamay mga kapatid ko. Lahat parang dinamay. Hindi ko din alam kung gago ako minsan eh. Pero minsan talaga may parang bumubulong sa akin ang kalangitan na dapat kong matutunan. Pag upo ko nalang talaga sa opisina at kumaen ng breakfast  saka ko lang napagtanto. Habang ngumunguya ako ng hotdog with scrambled egg nasabi ko sa sarili ko

 “Oo nga noh. Ano nga ba talaga ang nilalakaran ko. Wala ata talaga akong mararating kung di ko alam ang gusto kong daanan”.

Kaya ayun. Sa maliit na bagay. Kailangan ko pang matuto. Sa totoo lang, kapag tinanong mo ako, Ano ba talaga ang gusto ko sa buhay? Ang katotohanan dyan, ang dami kong maisasagot. Ang dami kong gusto. Ang dami kong nais na tuparin. Pero infairness, ang lakas ng impact ni lola sa sinabi niya. Wiw.

Kanina sa panonood ko ng youtube. Nabored lang ako ng bahagya. Saka nagkaroon ako ng irritable bowel movement kaya medyo tumamlay ako. May konting red na mahirap ilabas na tubol. Nakita ko siya paglabas ng bata este ebak pala. Pinanood ko lang ang kantang “Focus” ni Ariana grande sa youtube pero di ako makapagfocus dahil sa pwet ko. Putang ina pls. Chineck ko nalang ang video. Two weeks ago siyang pinasok sa youtube  kaya sariwa pa siya. Yung video hindi si Ariana.

Tignan niyo ano. Ganito rin yun noh. Parang youtube talaga ang buhay ko eh. Di ako makapagconcentrate sa ginagawa ko kasi ang daming suggested videos sa gilid ng video. Nakakatukso tignan. Di pa natatapos gusto na kagad pindutin ang video ni Adele dahil umabot ng 300million views. Ang gulo ko na ba? hahaha

Napag isip isip ko. Suggestion lang ng iba to. Dapat kong tapusin muna ang pinapanood ko. Konting focus lang. Taena eh.  Ang gusto ko lang unawain sa kaganapan na yun. Walang natatapos na isang bagay kapag walang focus. Hindi pupwedeng lahat aangkinin ko. Kailangan pala kapag tapos ko ng panoorin ang isang bagay. Unawain ko pa. Pag aralan ko pa ng maigi pa. Basta video na may dating.

Speaking of focus. Ito malupit. Maisingit ko narin ang tatlo kong mahal na pamangkin. Si nysa, prince at si yayang. Sobrang mahal na mahal ko tong mga pamangkin ko. Gaya nalang ng tatlo kong pamangkin. Ginogoyo ko silang tatlo dahil gusto ko silang bumaba na, kasi sobrang kulit nila maglaro. Tinawag ko sila, pinalapit at inutusan. Nakisuyo ako sa tatlo na kunin ang pichel sa lababo sa baba. Gulat nga sila pitchel lang daw dapat pa ba daw tatlo pa sila. Tong mga batang to. Natututong sumagot dahil ata sakin eh.  Ginusto ko yun kasi para bumaba na sila ng 3rd floor at gumala na talaga silang tatlo sa labas. Pero nabigo ako. Di pa rin nagpatinag ang tatlo kong mkukulit na pamangkin. Ayaw pa rin magpautos. Nagtuturuan pa sila. Ang ginawa ko nalang inuto-uto ko sila. Sinabi ko na bibigyan ko ng money ang makakuha ng itnuturo kong laruan sa bodega. Nakipaglaro nalang ako. Pero tatakutin ko talaga sila sa bodega. Matitigas sila eh. Sinabi ko na kunin nila ang maliit na plantsa. Halos dalawang metro lang ang pagitan ng laruan sa amin. Bumilang pa nga ang tatlo ng wan, tu, tri at sabay sabay lapit sa laruan. Ang itinuturo kong laruan ay ang maliit na plantsa na  katabi naman ito ng marami pang laruang doll. Pagtapos nilang makuha at bumalik sila sa akin. Magkakaiba sila ng kinuha. Si Nysa ay doll at si prince naman ay baril barilan. Dito palang malalaman niyo na kung ang isang bata ay may focus. Ang sabi saken ng isa kong pamangkin na si Yayang na nakakuha ng tamang laruan na plantsa, sabi niya “tito jr, nakita ko lang to dun, tapos kinuha ko na, yun lang ang nakita ko” Ganun lang ang sabi ng bata. Oh see. May aral sa mga children. Focus pa rin talaga eh. Ang balak kong takutin sila ay nauwi sa realization. Natauhan na naman ako dahil kapag ang bata may focus. Nakakamit niya ang gusto niya.

Kaya sa pagkamit ko ng mga pangarap. Dapat direcho tingin parang kabayo.  Ang “kagustuhan” ko at ang “tampol “ay dapat magka-tandem. Hindi sila dapat napaghihiwalay. Pag iisipan kong mabuti kung ano ba talaga ang gusto ko? At kung paano ako magpopokus dito.

No comments:

Post a Comment