Panahon na naman ito ng pana-panahon na
paglipas ng panahon. At ngayon na yon.
Ang mga lumang damit ay pinaglulumaan nalang. Maraming
pagbabago ang mas nababago.
Minamaliit ko na ang mga maliliit na
bagay upang hindi na maging maliit pa.
Ang malaking ideya ay dinadagdagan pa
ng mala-“king” na ideya ng King.
Kung ayaw niyong maniwalang may
nanininiwala na sa pinaniniwalaan ko.
Edi wag kayong maniwala.
Magkakaroon ako ng sariling bahay na
hindi na kailangan gumawa pa ng gawaing bahay.
Sawang sawa na ako magpaikot ikot dito
sa maraming pasikot sikot. Gusto ko na ng sariling Tsikot.
Ayoko ng suotin ang aking uniforme sumasahod
ba sila for me?
Hindi na sa lupa. Itatawid ko sa
himpapawid ang aking pantawid gutom na pagkaen.
Nag-aalay lakad ako para sa mahaba at
malayong daan na gusto kong lakaran.
Masaya ako sa iniisip ko pero nagdadalawang
isip ako na isipin nalang ng pag iisip ng masaya.
Naiisip kong isipin na tulungan nila
akong mag isip na maisip ko lahat ng to.
Sinasapuso kong mas maging ginto ang
aking ginintuang puso.
Pinuno ko ng kaalaman at binawasan ang
dunong ng iba, na wala namang laman.
Tutulungan ako ng mga ginto ko para
magmahal sa aking kapwa tao.
Mas nakakatakot na hindi labanan ang
takot.
Mas nagiging ginto ang puso ko kapag
nilalabanan ko ang aking takot.
Para sa akin. Tatrabahuhin ko na
magkaroon ako ng trabaho na magta trabaho para sa akin.
Sinulat ko, na may apat na naniniwala
sa sulat ko at ito’y magiging apat na libo.
Pinapa-apoy ko ang aking kaluluwa. At
kaluluwa ko ang nagpapaapoy para sa akin.
Ang sino mang humarang sa daan ni Mang
Sino ay hinirang.
Sige lang ako ng sige sa pagpupursigi
na maging maigi na akong pursigido.
Walang malas. Bagsik at talas ng isip
ang lagi kong ipapapamalas.
Tinuruan akong matuto sa pagkakamali ko
na nagtuturo sa aking na magkamali pa.
I have it. Kakaibang bersyon ngayon.
Kakaibang pagkatao ngayon. Kakaibang habit.
Lahat mapapalitan ng bago. Tumatakbo. Pasulong.
Ang karunungan kong taglay ang dahilan
ng aking paghinga.
Ipinagdarasal ko ang aking maestro.
Ipinagdarasal ko palagi ang unang
umusbong.
Ipinagdarasal ko palagi ang pinaka
nakakatawa.
Ipinagdarasal ko palagi ang pinaka
matapang na tao.
No comments:
Post a Comment