Di naman ho ako nagtatanong
kung bakit nangyayari sa akin lahat ng ito. Clear!? Nagtatanong lang naman ako
sa sarili ko kung bakit ginagawa ko pa ang lahat ng ito? Siguro tatanungin nila
ako kung bakit nga ba? Oh bakit nga ba Tohl? Bakit ko pa ba dapat itanong sa sarili ko ang
mga tanong na ito? May halaga ba to? Sayo, sa kanila o sa akin? Bakit
kailangan ko pang isulat? Bakit di ko nalang isipin at itago sa sarili ko ano
nga ba ang lahat ng ito? But needless to say kung “bakit ko pa ipapaalam sa iyo
tong tanong ko.” Ang mahalaga naiparamdam ko sa inyo.
Bago pa lang kasi ako matulog kagabi. Pinikit
ko ang aking mga mata ng nakaupo. Inilabas ang mala-dyablong awra sa katawan ko
at pinapapasok sa katawan ko ang
hinahanap kong glorya. Ang hirap pala, hindi ganun kadali huminga ng tama ng
paulit ulit. Ang pakikinig sa sariling hininga is so hard. At doon na nga nagsimulang
magtanong ako sa sarili kung bakit ko pa kailangang i-alarm tong clock ko sa
phone para gumising bukas. At take note, 5 na alarm pa to para sure talaga na
magising tomorrow. Para ba kumita ng pera o para gumawa ng paraan para
maisakatuparan ko naman ang mga pangarap ko? Alin man sa dalawa. Inuna ko muna
ang necessary tapos ginawa ang posible. Oks na ko dun. Ngunit di pa rin ako
pinatigil ng isipan ko. Nagtanong pa rin ang isip ko kung dapat ba akong
matulog kagabi dahil halos puro tanong lang ako kahapon o ipagpabukas ko nalang
baka sakaling magbago o di naman kaya sadya lang na adik ako sa pag iisip kaya
di ako makatulog. Fuck. Pagmulat pa lang ng mata ko kanina. Tinanong ko na ang
sarili ko . Eto na naman ba ako? Bakit kailangan kong manalangin,mag ayos ng
gamit sa pagpasok sa trabaho, maligo, magsuot ng uniporme at ayusin ang bahay
sa pag-alis kung di naman lahat ng to ang paraan sa inaaasam ko. Bakit di ko man
lang ginagala o iligaw ang sarili ko para mahanap ko ang sarili ko. Oh nagbabaka sakali na naman muli ako na ang
araw na ito ay isinilang ng may kapiranggot na milagro. Bakit pa ako
magmamadali kung late na ako sa opisina? Wala ring saysay diba. Bakit di nako
nagta-try ng bagong gawain? Anyare na. Natataranta na ata ako. Bakit di nako
excited sa buhay? Bakit di ko na ginagawa ang mga bagay na alam kong sa mga
susunod pang mga araw. Makikinabang din ako. Bakit di ko na ginagawa ang mga
bagay na alam kong di ko na pwedeng magawa sa mga susunod pang mga taon? Bakit
di ko magawang umiyak ngayon? Bakit di ko na ginagawa ang mga bagay na
nakakapagpasaya sa akin sa maliit na bagay? Bakit nagagawa kong magsinungaling
kahit di ako nagsasalita? Bakit kahit alam kong ang lifespan ng tunay na tao ay
50-60-70 ang age pero parang petiks pa ko ngayon. Noon ay joyful simpleton lang
ako. Ngayon feel na feel ko maging worried genius. Tang ina this. Di to totoo. Bakit ba mas mahalagang mahalin o magmahal. O
magmahal kaysa sa mahalin. Ano ba yan. Bakit sa tuwing pinipikit ko ang aking
mga mata. Puro entertainment ang umiimbak. Music. WA wentang words. Parang
ebak.
Bakit ba naguguluhan ako sa mga tanong ko
ngayon. Medyo malabo ng araw na to. But somewhere along the way, ang alam kong
buhay ay sa pananaw na kapag nasira ang bumbilya ng bahay namen. Hindi bahay
ang pinapalitan namen kundi bumbilya lang gaya ng mga tanong ko. Ang tanong ko
kung “bakit ko to ginagawa” ay di para baguhin ang buong mundo kundi para lang sa sarili
kong pananaw sa buhay. Bakit di ko magawang tumawa o ngumiti sa mga oras na to?
Dahil ba madidismaya na naman ako mamaya o kailangan ko lang pag isipan ng
mabuti ang mga ikikilos ko ngayon kaya medyo serious ako? Dapat ba akong
magpaapekto? Diba hindi. Pero bakit ang hirap ng kalagayan ko ngayon. Nahihirapan
ba ako ngayon dahil nagbabago na ang lahat? Tanong ko sagot ko. Gago lang
talaga. Marahil napaka-magical din talaga ng writing. Kung di ko to isususulat.
Kung hindi ilalapag sa mesa ang mga tanong . Wala talang mangyayari. Sa tingin
ko nga daig ko pa ang mga superhero. We? As in, kontrolado ko ang sarili ko. Oh
diba. Praning ning lang ang peg. Ang alam ko sa sarili ko kasi. Hindi man ako
makagawa ng kabutihan sa maraming tao atlis di ako nakapanakit. Okay ba tayo
dun mga tsong!?. Ngayon. Bakit ako sasakay sa bus? Siguro umaasa na naman akong
baka madaanan ko ang hinahanap ko bago ako magtungo sa pupuntahan ko. Hopia man
ako now pero nakakabusog din. Not everytime. But most of the time, sinasabi ko
sa sarili ko na makakagawa ako ng paraan para mabuild-up ko ang sarili ko.
Mapalago ko ang sarili ko. At ngayon yung araw na yun.
Nilinis ko ang aking
tenga. Bakit ganun? Ang daling magselos ng kanang tenga ko kapag nililinisan ko
ang kaliwang tenga ko. Ang atat niya masyado. Di niya pa turn. Bakit kaya?
Bakit sa dinami
daming lalaki. Ako pa? Wow. Ampogi.
Alam ko para sa iba.
It’s no biggie.
Isa lang ang alam ko.
Bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Upang matabunan ang lumang nakaugalian ko
na bumalot sa akin ng maling dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng iyon. Kaya.
I wonder why. Bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Para habang pinagmamasdan ko
ang kalungkutan, ang tanong ko na “Bakit”ang magsisilbing dahilan na may pag
asa pa akong sumaya. May paraan para magtagumpay. Para mailakad ko pa ng isang
hakbang kahit papaano ang aking mga paa sa lugar na nais ko habang under
maintenance pa ang lahat. Isang hakbang sa buhay na gusto ko. Yan ang dahilan
kung bakit ko tinatanong ang lahat ng ito. Marahil baka naliligaw na ako.
Nagsimula sa “bakit” to at matatapos ng may “kahulugan at dahilan”. Dahil ang
salitang “bakit ko to ginagawa” ay nanganganak pa at manganganak pa hanggang sa
maging pagkatao ko na. At kailan yon. Bakit hindi ngayon?
No comments:
Post a Comment