Bakit ka pumapayag na
ganunin ka lang ng ibang tao?
Dahil ba may utang na
loob ka sa kanya? Dahil ba mas matagal na siya sa larangan na yon?
Dahil ba nasindak ka
noon sa kanya? Dahil ba mas popular siya kaysa sayo?
Bakit ka pumapayag na
sirain niya ang buhay mo?
Dahil ba mahal mo
siya kaya ganun ganun nalang? Dahil ba siya lang ang kaligayahan mo?
Bakit ka pumapayag na
limitahan ka ng ibang tao?
Dahil ba mas mataas
ang posisyon niya sayo? Dahil ba siya ang mas nakakaalam? At wala ka ng
nagagawa pa? Dahil ba sa buong buhay mo natatakot ka namang mamuno?
Bakit ka pumapayag na
ganoon lang ang sinasahod mo?
Dahil ba kuntento ka
nalang sa ganun? Dahil ba nabibili mo naman ang gusto mo sa sahod na yon?
Dahil ba kahit
papaano nairaraos naman ang pamilya sa ganoon at maghihintay nalang ulit?
Bakit ka pumapayag na
nakawin ng iba ang pangarap mo?
Dahil ba sila may
pera ikaw wala? Dahil ba magkaibigan naman ang turingan niyong dalawa kaya sa
kanya na yong bagay na yun?
Bakit ka pumapayag na
ang laki ng binayad mo, wala kang napala?
Dahil ba nangyari na,
di na maibabalik pang muli? Dahil ba nag-enjoy ka naman kahit papaano kaya okay
na rin?
Bakit ka pumapayag na
masayang ang oras mo ngayon?
Dahil ba nasanay ka
na magwaldas ng oras araw araw? Dahil ba okay lang atlis di nagalaw pera mo?
Bakit ka pumapayag na
kainin ka ng takot?
Dahil ba normal lang
naman na matakot minsan? Dahil ba wala kang kalaban laban sa iyong katunggali?
Bakit ka pumapayag na
hanggang dyan ka nalang?
Dahil ba nagsimula
kayo sa mahirap, matatapos kayo sa mahirap? Ganoon nalang talaga ang kalakaran?
Bakit ka pumapayag na
maghintay ng mahabang panahon para sa magandang pagkakataon?
Dahil ba lagi ka
nalang nagpapaubaya sa tadhana? Dahil siya ang mas nakakaalam ng lahat?
Bakit ka pumapayag na
lokohin ka niya?
Dahil ba immune ka na
sa sakit? Dahil ba mahal mo siya at wala ng mahahanap pang iba?
Bakit ka pumapayag na
laitin ka niya?
Dahil ba nakakatawa
naman yun? Dahil ba ugali na niya talaga yon?
Bakit ka pumapayag na
mababa ang halaga mo sa sarili?
Dahil ba nagkamali ka
kahapon? Di na ba mababago yon? Iyon ka talaga?
Bakit ka pumapayag na
magsasayang ka lang ng oras palagi?
Dahil ba masaya naman
kapag walang ginagawa?
Bakit ka pumapayag sa
kasinungalingan ng iba?
Dahil ba magbabago
naman yong tao na yon? kaya papatawarin mo nalang?
Bakit ka pumapayag na
huminto sa bagay na gusto mo?
Dahil ba kaya mo
naman yon kaya bukas mo nalang gagawin?
Bakit ka pumapayag na
hindi ka handa parati?
Dahil ba meron namang
salitang “bahala na si batman” at swerte paminsan minsan? kaya dun ka na
kumakapit?
Kaya ang tanong ko ulit,
bakit ka pumapayag?
No comments:
Post a Comment