Mas mabilis pa sa
alas kwarto ang takbo ng aking orasan.
Kanina pa ang ganito’t
ganyan kung titignan ko lang at pagmamasdan.
Walang patutungo ang
nais ko kung walang kilos.
Sasagarin ko na hanggang
sa mapaos.
Ang nagdidikta sa
akin ng pagkakamali ko sa kahapon.
Ay katumbas na
kailangan ko pang lumaban at sa panalo tumuon.
Tunay ba na ang
tumatakbo ng matulin.
Ay matinik kung
malalim?
Eh papaano naman ang
lakad na nakakabitin?
Diba ang mabagal kung
matinik mas malalim din.
Sobra pang malayo ang
tatakbuhin ko.
Wala na akong oras
para ipalakad pa sa iba to.
Hingal naman ang
bumabatak sa katawan ko.
Kaya lamang ang
balanse lang ang panalangin ko.
Ang pagod ko ay
parang humihiwalay na sa akin ang kaluluwa.
Ngunit, di kailanman hihiwalay
ang pangarap ko na “parang bula.”
Kailangan ko ng
tubig. Kailangan ko ng tubig.
Hindi saklolo dahil
okay lang kung walang makadinig.
Lalakarin ko to ng
mag isa. Lupa ang aking niyayanig.
Bilin sa akin ni ina
na wag magpapatuyo palagi ng pawis.
Wala na akong
magagawa kundi
magpatangay nalang sa hanging palihis.
Niyakap ko kasi ng
husto ang hapdi
At ang sakit ng
katawan ay tiniis.
Nang sa gayon. Matapos
to ng walang mintis.
Pagod lang ako pero
mayroon pa rin akong natitirang lakas.
Tumingin kayo sa
aking likuran, para malaman ang lalim ng iniwang bakas.
Salamat sa enerhiya.
Muntikan na akong maniwala sa mahika.
Kala ko naririnig
nila ang mabilis na tibok ng puso ko.
Gusto lang pala
nilang sa akin manggulo.
Pati sentido. Parang
mababaklas na pagkatapos
Pero di naman. Sa sarili ko lang pala ako
nakikipagtuos.
Hampas ng puso kong
tumitibok.
Mas umiingay. Mas
lalong lumalakas.
Hampas ng puso kong
tumitibok.
Mas tumatapang. Mas
umaaklas.
Dahil may
deteminasyon kaya ako tumatakbo.
Dahil ang bawat hakbang.
Aangkinin ang karera to.
Ayokong isiping wala akong
kasama sa pagtakbo.
Isa na naman tong
panlilinlang, kabo.
Gusto kong lahat ay
magtagal.
Kaya naglagay ako ng kasama.
Gusto kong lahat ay
mabilis.
Lalakarin ko ng mag
isa.
Ang gabay ng liwanag at
init ng araw ang magiging pag asa.
Pumapatay ako ng
segundo para lang mabuhay ang aking kaluluwa.
Ganyan ako, nagsimula
sa takot ngayon diablo na.
Demonyo na. May
sungay na.
May anghel pa at Mephistopheles
sa balikat ko.
Pero wala akong
paniniwalaan sa inyo.
Kapag nanghihina ako,
parang ako’y mahina.
Parang bibigay na ako sa pagsuko.
Hindi nila
mahahadlangan ang kagustuhan ko.
Kahit pilay. Gumagapang
pa rin to.
Walang pakialam kung
sino ang humabol.
Nabubuhay ng may
ritmo parang tambol.
Payo ng amo. Mas
delikado ang mabagal sa mabilis.
Ang mabagal ay
malapit sa disgrasya.
Mahirap ang dikit
dikit.
Ang matulin ay ligtas
ang primera.
Masarap ang hindi
masikip.
Kailangan ko sa akin ng
babaeng handang sumalubong.
Sa aking pagtakbo na handa
siyang tumulong.
Mas mahalaga pa rin
ang buhay na
Nasa gitna ng buhay
at kamatayan.
Kaysa sa pamumuhay na
walang kahirapan.
Natutunan ng kaliwang
paa ko na lumakad.
Hindi puro kanan lang. Di kasi ako tatangkad.
Tumatakbo para sa
tagumpay.
Tumatakbo para sa
pagmamahal.
Ang lakad nila ay
kaligayahan.
Sa akin ay pera at
kapangyarihan.
Mas maganda ng kumikilos ako pasugod.
Sino bang nagsabing
mayroong itong buod?
Sumasayaw ako kung
kinakailangan.
Hindi iniisip ang tuhod.
Mapapagod din si
Goliath kung hahabulin ako.
Tatakbo ako hanggat
kaya ko.
Nananaginip ako ng
gising na punong puno ng kulay.
Sabi ng puso ko’y
gawin lahat ng gusto ko.
Maraming salita na
nadadaanan at naririnig pero di nagpapatinag.
Tapang lang naman ang
suot ko na bag.
Bakit sila umiilag?
Tatakbo ako hanggang
sa mawalan ng hininga.
Salamat sa pagsubok
na nadaanan ko.
Natuto akong tumakbo.
No comments:
Post a Comment