Friday, March 11, 2016

AN INSPIRING STORY OF NINONG 'JACK MA'


Aaminin ko na. Kaya naging interesado ako sa buhay ng taong ito kasi minsan inaamin ko sa sarili ko na takot akong ma-reject paminsan minsan at takot din akong mag-isip ng ‘something big’ gaya ng ginawa niya. Kaya lubos kong inunawa at pinag-aralang mabuti ang kanyang naging karanasan. Kaya tara. Bisitahin natin ang buhay niya.

Si Ma Yun o kilala sa pangalang “Jack Ma”. Di ko sure kung ‘stage name’ niya yan o nickname. Basta yan ang tawag sa kanya ng karamihan. Isa siyang Intsik at ipinanganak sa bansang Tsina sa “Hangzhou, Zhejiang”, medyo nahirapan akong i-pronounced ang lugar na yan pero katunog yan ng paborito kong ulam na “shanghai.” Sobra akong humanga ng husto sa buhay ng taong ito. Bakit kamo?  Napakasimple na mabigat. Napaka-galing at kapupulutan talaga ng ‘ginintuang aral’ ang mga eksena niya na magagamit din nateng lahat sa pang araw araw na pamumuhay. Siya ang isa sa pinaka-mayamang tao ngayon sa bansang Tsina. As in, now.  Siya lang naman ang founder at chairman ng Ali Baba. Alam niyo ba kung ano ang Alibaba at kung bakit yan ang title ng company na itinatag niya? Well, hindi dahil medyo mahaba ang kanyang baba kundi isang araw daw nagbe-brainstorm siya ng name of company niya at tinatanong niya ang kanyang mga miyembro kung ano ang meaning ng Ali Baba (siguro nabasa niya to kung saan saan, ewan) dahil nga maganda pakinggan at ang sagot sa kanyang tanong ay “Open Sesame” or meaning, upang buksan ang pinto ng cave na kung saan may forty thieves na nakatago dito. Ganda ng meaning ng open sesame diba. Maya-maya mas ku-kwento ko pa ang buong istorya sa loob ng Ali Baba na yan. Wait lang.

Sa aking pagsasaliksik ng kanyang talambuhay. Maituturing siyang tunay at totoong may istoryang “Rags to Riches”. Well, maliit na bagay lang naman ang meron siya ngayon kung tutuusin. Meron lang naman siyang tumataginting na dendenden (insert sound effect) $25 billion kasama na rin ang kanyang 7.8 porsyento na stake sa Ali Baba at ang kalahating pursyento ng stake sa Payment processing service. Kuha na ba?

Kalat na kalat na sa social media ang chika na siya ay bumagsak sa entrance exam ng dalawang beses noon. Diyan siya nakilala sa kanyang Success story. Puro rejection. Oo. Totoo.

Ayon sa kwento, marami rin daw siyang trabahong pinasukan na hindi siya natanggap. Isipin mo yun ah. Eh tayo nga mag-fail lang ng ilang beses. Suko na kagad tayo. Pero siya, matikas, hindi sumuko. Kasama rito ang kilalang store sa buong mundo na “KFC” sa nagreject sa kanya. (Yung may logong lalaking nakasalamin, parang kamukha niya yung Hollywood actor na si George Clooney) haha

Sinubukan niya ring mag-apply noon sa Harvard University. Hulaan niyo kung ilang beses na naman siya na-reject? Hmm Sampung beses lang naman. Ang unti noh, tapos ikaw kung ma-reject ka ng isang beses, suko ka na kagad.

At eto na nga, sinabi niya sa kanyang sarili na “balang araw magtuturo din ako diyan sa universidad na yan.(Harvard)” Sinalin ko sa salitang tagalog yan. Para convincing pakinggan.

Makulit siya kung tatawagin. Minsan pa nga'y binabalaan siya ng kanyang ama sa mga delikado at imposible niyang ideya sa buhay. Siya ang taong mas marami pang natutunang lessons sa kanyang sariling pagkakamali kaysa sa pagpasok sa eskwelahan. Sa kulit at tibay ng loob ng taong ito. Hindi siya basta-basta nagpapatinag sa anumang problemang kanyang kinakaharap. Matibay ang pundasyon niya sa buhay.

Noong taong 1990, pagtapos simulan ang Ali baba, sinubukan ni Jack Ma na makipag-negosyo sa Capital funding ng ‘Silicon Valley’. Alam niyo yung Silicon Valley diba? American Company yan eh. Yan ang site ng technology-focused institutions. Basta global technology company ito. Pero as-usual sa tadhana na meron  si Jack Ma, rejected na naman siya sa kanyang naplano. Kaya bumalik siya sa kanyang bansa na walang funding.

Isipin niyo to ah. Ito astig. Meron na kagad si Jack Ma na MBA o kung tawagin ay professional degree sa ‘Cheung Kong University’ pero naitayo na niya kagad yung Ali baba. Magaling kung iisipin at kung ikukumpara naman kina Steve jobs, Zuckerberg and pareng Bill gates. Ito’y talagang kakaiba.

Diba nga kanina nabanggit ko na na-reject siya ng Harvard? Pero hindi siya basta- basta tumigil lang dun. Na kahit alam nating nakaguhit sa palad ni Pareng Jack Ma na bumagsak palagi, especially sa elementary at high school. Kaya nagpursigi parin ang taong ito. Tinuruan niya ang sarili niya kung paano magsalita ng English. Oh see!

Napakapositibong tao ni Jack Ma, meron siyang quote na di ko malilimutan at ang sabi niya ""If you never tried, how do you know there's no chance?". Hindi naging hadlang sa kanya ang pagbagsak niya sa isang University.

Pinasok niya rin ang pagiging tourguide sa foreign tourist. Sa dame ng lesson na kanyang natutunan sa iba’t ibang lugar lalo na sa western world. Natuto siyang magtanong sa mga bagay na hindi niya tanggap at pinaniniwalaan. At hindi lang yan. Ang laki ng naging impluwensiya sa kanya ng pag aaral ng martial arts na ‘Thai Chi.’ Ito kasi ang nagbibigay sa kanya ng balanse para sa kanyang personal na buhay at sa kanyang pagne-negosyo.

Sa paglobo ng pwersa ng internet. Ito ang kanyang naging sandata para sa kanyang  mga hakbang sa pagne-negosyo. Si  Jack Ma ginamit niya ang internet sa negosyo, eh tayo kaya, san natin ginagamit? Sounds preachy na ako pero karamihan ganun eh.

Ginamit niya ang ‘net upang mapabilis ang mas globalized trade sa buong China at para matulungan ang SME (Small and Medium Enterprises) o sa madaling salita, isang independent firm na nagtatanggap ng empleyado ng kaunti.

Sobrang nahirapan siya sa paghahanap ng matinong trabaho dahil nga puro bagsak siya sa kanyang naging experiences.

Kaya ayun wala na siyang naging choice kundi magturo ng english sa mga lokal na unibersidad na kanyang pinasukan noon at magsimula siya sa translation service business.

Kasabay nito. Nakita niya ang malaking oportunidad sa internet kung gagamitin ito sa pagne-negosyo upang mas lalo pang mapagaan at mapabilis ang kanilang transakyon, kahit  small o medium man yan.

Hindi lang siya mag-isa kundi kasama ang mga kaibigan niya sa pag-launch ng product online, tinawag nila itong “Chinapage” kung saan natala ditto ang mga negosyo at ang produktong nito. Ang ganda ng naging resulta ng kanilang ideya.  Ilang linggo at buwan lang, marami na kagad kumontak sa kanya na gustong makapartner sila sa produkto nila.

Sa pagkakataong ito, napagtanto niya ang napakahusay ng kapangyarihan ng internet sa buong mundo kung gagamitin sa global trading. Sa paniniwalang magiging matagumpay ang takbo ng “Chinapage”. Sinubukan niyang makisosyo sa gobyerno. Ngunit hindi naging maganda ang kanilang kasunduan at kalakaran. Wala siyang nagawa kundi magtrabaho sa gobyerno nila. Doon, napiltin siyang makipartner sa founding member ng ‘Yahoo’ na si Jerry Yang.

Naging lesson kay Jack Ma na hindi maganda na makipag-partner ng negosyo sa gobyerno.

Mas lalo siyang naging pursigido. Wika niya “If the company always thinks of picking money out from the government’s pocket, that company is rubbish!(basura) It should think about how to make money from customers and the market, and to help customers succeed."

Sabi niya pa "Be in love with the governments, but do not marry them.”

Noong 1999, bago iniya iwanan ang trabaho sa gobyerno, sa kanilang tahanan, tinawag niya ang kanyang labing pitong miyembro para sa isang pagpupulong pulong ng kanilang negosyo. Hindi pa siya kasama dun. So, lumalabas na 18 lahat sila. Kasama rito ang kanyang asawa.

Ipinakita niya sa lahat ang kanyang magandang pangarap sa Ali baba para sa mahusay at mabilis na international trade para sa small and medium ventures sa kanilang bansa. Ang kanyang vision (na kanina ko pa binabanggit ) na gamitin ang internet upang mapaganda ang trade na gawa sa tsina para sa international na pagnenegosyo. Mas pinalawak niya ang kanilang kakayahan sa kumpanya kaysa sa ibang kumpanya.

Nagkaroon man ng problema at aberya. Anumang nangyari, hindi niya binitawan ang Ali Baba, sinubukan niyang magraise ng fund sa Silicon valley, na kilala sa tech hub ng amerika at nagtagumpay naman ito.  Nakakuha siya ng Goldman Sachs and Softbank or meaning investment at telecommunication para makapaginvest ng millions USD  in Alibaba.

Anumang rejection at failure, hindi siya nagreklamo. “I find that when a person makes a mistake or fails, if he or she always complains or blames others, that person will never come back from the failure. But if the person checks inside, this person has hope.” Sabi niya
Noong 2003, naging unprofitable  man ang kumpanya nila. Si Jack Ma at  ang kanyang team ay nagpalabas pa rin naman ng online auction site na tatawaging Taobao.com na walang komisyon.
Nagtagumpay ang kanilang taobao na commission-free marketplace para sa milyon milyong traders online. Ang lahat ng tagumpay ng kanilang kumpanya ay kasama ang Yunfeng Capital at Alipay. Maisingit ko lang, Ang Alipay ay ang China's leading third-party online payment solution.
Mas nagfocus si Jack ma sa papaparami ng organic growth and acquisition. Mayroong important ownership stakes na ngayon ang Ali baba sa mga movie studio, venture capital funds, Yahoo! China, healthcare technology makers, internet messaging and voice apps, supply chain management companies, taxi  hailing app services, video streaming sites, social media apps, online clothing retailers at marami pang iba.

Si Jack ma at ang kanyang team ngayo'y humahamak na ng malaking kalipunan sa paghawak ng malilit na kumpanya gamit ang teknolohiya related sa logistics.

Talagang kumakalat sa ibang organisasyon ang inpluwensya ni Jack Ma sa kanyang pamumuno, napaka-energetic na lider, malakas ang karisma sa tao at syempre flamboyant din. Naks naman.
Pasok din si Jack Ma sa pinak- maimpluwensiyang tao sa buong mundo chika ng ‘Time Magazine’ noong 2009. At tinagurian naman siyang ‘Businessperson of the year’ noong 2007 ng Business Week at Asia's Heroes naman ng Philanthropy noong 2010 sabi ng Forbes Asia. Ang daming award. Shet.
Napakahusay talaga ng taong ito. Kung susumahin, isa siya sa trenta na world's best CEOs ng Barron's noong 2008 at 2001.
Hindi lang basta negosyo ang alam niya kundi may pakialam din siya sa environment o mga nangyayari sa paligid naten. Nagbigay siya ng pledge na itigil na ang pangigisda sa industriya ng isda lalo na sa consumption ng shark fin dishes. Siya ay board member ng The Nature Conservancy sa Tsina noong 2010. Naniniwala siya na ang problema sa ating environment ang papatay sa ating lahat na patungkol sa kalakaran ng industrial at manufacturing base sa ekonomiya. Kaya ipinaparating niya sa bansang tsina na magkaroon ng hakbang upang pag iba-ibahin ang economiya at bawasan ang paggamit ng manufacturing.

Kaya ngayon, ginagamit niya ang kanyang nagawa o tagumpay upang himukin ang lahat para sa panibagong pagne-negosyo at tutuparin niya pa rin ang ipinagakong magtuturo ng kanyang karanasan para sa kinabukasan. Mayaman na yan ah. Pero para mas klaro. Eto “For the rest of my life, I want to encourage entrepreneurship, to help more SMEs​, and I want to go back to school because I was trained to be a school teacher. I have been doing business for fifteen years, and I think most of the things that I learned from the business school are not correct – I want to go back and share with others.” See? Business school are not correct. Siya nagsabi niyan.

Napaka-inspiring ng tagumpay niya diba. Una sa tumatak na aral sa akin ay ang pagstay focus niya palagi sa iisang goal. Hindi ko nabasa sa kanya na nagbago siya man lang ng desisyon kahit bumagsak pa siya. Yun ngang pumili ng magandang pangalan para sa kumpanya, mahalaga din yun. Hindi lang pang-motivate sa lahat kundi upang nasa top rank pa ang company. Kung tutuusin, ang mantra niya talaga ang dapat gamitin for rejection upang magtagumpay sa kahit na anumang mithiin sa buhay. Sa lahat ng kanyang napagdaan, ang mensaheng napulot ko ay “Ituloy mo lang ang pangarap mo. Dapat buhay na buhay sa puso mo ang mga goals”. Mahalaga na, saang field ka man mapunta. Dapat alam mo ang nangyayari sa  ating kultura. Mahalaga ang culture sa pagnenegosyo. Kaya nga para sa kanya, “Customer ang palagi ang number 1.”. Anumang dapa sa buhay at hirap. Iwasang magreklamo ng magreklamo. Humanap nalang ng opportunity. Si Jack Ma at ang lahat ng naging matagumpay sa buhay, isa lang din ang pinakamahalagang payo, “Magkaroon ng passion sa ginagawa”. At wag na wag susuko.


3 comments:

  1. Get daily suggestions and guides for making $1,000s per day FROM HOME for FREE.
    GET FREE INSTANT ACCESS

    ReplyDelete
  2. Quantum Binary Signals

    Professional trading signals sent to your cell phone daily.

    Follow our signals today & earn up to 270% per day.

    ReplyDelete
  3. Very inspiring. Thank you for sharing ☺️💖

    ReplyDelete