Monday, December 29, 2014

ISABAY SA ULAN ANG LUHA NG ISANG PAYASO

Kahit sabihin ko sa sarili kong hindi ako magpapa-apekto. Pero naaapektuhan pa rin ako. Nasasaktan ako.
Isang malaking kasinungalingan lang ang lovelife ko. May isang hindi magiging tapat. Mas isang tapat.
Hindi ko alam kay Kupido kung pwede ko na bang ipublish tong pagmamahal ko. Para lang kameng larong SuperMario eh.
May isang lilitaw. May isang mawawala. Yung mawawala ay siyang gagawa ng kasalanan. Buti nalang. Marami mang sadness, marami rin namang dahilan para magsaya.

Nasaktan ko man siya. Puso man at balat. Wala ng dahilan para magbalikan kame.

May nagsabi saken na kung sino ang nagcomplain. Siya ang mas papanigan ng tao. Tama siya. Pero kung may kasinungalingan akong sinabi. Maari mo akong tawaging Liar. Kung totoo naman, ang suspect naman dapat ang magexplain. Tama po ba tayo dun?

Maghahanap nalang ako ng tulad kong weird. Siguro Pag-ibig na yun na matatawag kapag parehas kameng weird.

At hihingi ako ng sorry sa mga taong nasaktan ko. Lalo na sa nanay ng dati kong girlfriend.
Tunay nga talagang walang permanente sa mundo. Kahit sino pwedeng mawala.

Marami rin akong nagawang kasalanan sa girlfriend ko noon. Sapat ba ito na gumawa ulit din siya ng isa pang pagkakamali para maging maayos kame?

Siguro kung huhusgahan ako ng Panginoon kapag nasa itaas na ako at tanungin niya ako. "Anong ginawa mo sa pag-ibig na binigay ko sayo?"
Pwede kong maisagot "Simula po nung highschool, marami po akong naging karelasyon, lahat po sila minahal ko".

Approved kaya yun. Tingin ko hindi.

Pwede ko pang baguhin at piliin ang direksyon na tatahakin ko. Hindi lahat mapupunta sa akin. Kaya kung ano meron ako papahalagahan ko lahat.
Marami pang mangyayare. Marami pang mabubuong magagandang istorya. Marami pa kong tatawanan sa mga nangyayare.
Mas tuturuan ko pa ang sarili ko magmahal. Isa lang naman yung nawala sa akin. Buo pa rin ako. Pati atay at balun balunan.
Sobra akong thankful sa lahat. Kasi wala naman nangyare saken masama. Nakakangiti pa rin ako.

Kahit anong pagsubok. Susubukan ko den. Ang tapang ko ang magsisilbing ingay ng kaluluwa ko.

Ngayon alam ko na ang buhay ay isang salamin. Kung ano ang iyong pagkatao. Ganoon din ang lalabas sa iyo.
Magpakita ka ng pagmamahal. Babanda din yan sayo. Kung hindi ko mahal ang sarili ko. Hindi rin ako mamahalin ng ibang tao.Depende sa pag interpret mo.

Ang isang maliit na lie ay malaking lie. Same lang yun.

Move on tayo!
Okay na ako kahit maliit na bato ang maiusog ko. Atlis may konting progress. Obligado akong sumubok ng sumubok.
Kailangan ko labanan tong panget na araw na ito para lumitaw naman ang magandang araw.
Napakalaki ng pangarap ko. Maliit na insidente lang yung naganap.

Di ko na maayos pa ang basag na bote. Tatanggapin ko nalang na wala na talaga siya.

Ito yung hinahanap kong pain. Pain na mas magpapakatatag pa sa akin.

Maaring nakalagay talaga sa libro ng buhay ko para may guidelines na ko sa susunod na pages. Kailangan ko ng ilipat sa susunod na pahina.

Saka naniniwala pa naman ako sa magic eh. Magiging magical pa rin ang buhay ko.



Friday, December 26, 2014

ANG AKING EBANGHELYO BAGO MAGPUTOKAN 2015

Happy at napapaWOW ako sa tuwing nagsusulat ako ng mga "Mabuting Balita ng Buhay slash medyo bida bida". Diba, para naman may mabuti akong nagawa kahit .5% man lang. Pero ang totoo niyan, pinilit ko parin kasing kumilos kahit mahirap ang kalagayan ko ngayon. Oo nga pramis. Di ko tinantanan ang mga hangarin ko sa buhay. Weh? haha Humakbang ako ng maikli kahit masaket. Kahit pa nagloloading pa yung pake nila saken. Ganyan po ako. Lahat ginawa ko eh (alam mo yun!) para lang maisakatuparan lahat ng gusto ko. Ang kagustuhan kong maging "Masaya Lang". Yun lang. At hanggat nandito ako kapiling si Mother Earth, ipupush ko ang sarili ko na may maiambag sa pag improve sa kanya lalo na sa category ng Happiness. Para naman kapag nilisan ko na to, masaya pa den. Huhuhu!

Pinipili ko nalang ang mga taong sinasabihan ko ng Career Path ko (Path ang term para medyo deep) kasi may mga tao talagang ahas na nagkukunwaring concern. Ang sarap kasi nilang pektusan minsan. Walang na ngang Path nilalaet pa ko. hahaha

Saka di talaga ako nakikinig noon kahit kanino eh kaya parang ngayon lang ako natututo. Pati nga "Terms & Conditions" di ko na binabasa eh. Pero ang mahalaga, naiaapply ko ang mga lessons ko diba, so masasabi ko na  naglalaro lang ako sa eskwelahan ng buhay ko. Medyo cliche na. Pero okay lang, blog ko naman to eh. haha

Napakaganda at napakabagsik ng taong 2014 para sa akin. Naalala ko pa nga, sinabi ko sa sarili ko. Puro katatawanan lang ang ipopost ko sa Facebook ngayong taon. Haha. At ayun na nga. natupad ang kalandian ko. Pero may kapiranggot na pain at emotional moments pa rin naman. Kagabi lang, habang nag-aahit ako ng bigote napatingin ako sa sinulat ko noon sa pader. Medyo bastos yun *insert careless whisper song* kaya di ko muna sasabihin senyo pero yun ang nagmotivate saken. Bastos ang nag udyok saken. Kaya naman dali dali akong kumuha  ng papel at bollpen para magsulat nitong ebanghelyo. Piniga ko talaga ang utak ko (kahit empty na) kung ano ba talaga ang nangyare saken ngayong taon at kung bakit ganito pa rin ang nahita ko. Sa mga natutunan ko. Mas general itong sasabihin ko ngayon. Humanda kayo Shet! Im so proud of myself.

1. Both God & Devil has a plan for me
Maayos naman ang relasyon ko sa Panginoon habang binabaybay ko itong mundo na ito. Sa tuwing may magandang plano sa akin ang Diyos. Kasunod nito ang magical na plano ng demonyo. Totoong napakaganda ng plano sa akin ng ating Diyos Ama. Laging may "Plan A hanggang Z" pa siyang balak saken. 
2. Law of Karma
Tapat kong sinasabing may pagkukulang ako sa relasyon namen ng girlfriend ko kaya nangyare sa akin ito. Wala naman, nahuli ko lang naman siyang wala sa bahay nila ng wala siyang sinasabing dahilan. Hindi sinasagot ang tawag ko. Isang bagay na kinainit ng ulo ko. Talagang buhay na buhay ang karma dahil sa tuwing hindi ko nasasagot ang mga tawag ni GF kasi bugbog ako sa trabaho. Ngayon nangyare naman saken. Kaya Ayun. Karma!
3. Walang Perfect Moment
Lagi akong naghihintay ng perfect moment. Hinihintay ko lagi na sana bumagsak ngayong araw ang Opportunity. Maaring laging nandito pa rin ako (same stage) kung di ako mag iinitiate na magmove forward. Ngayon ko lang naisip na hindi ako pwedeng umasa lang sa himala. Kilos kilos den. 
4. Ako ang Painter ng Buhay ko
Hawak ko ang paint brush at boysen paint na white para linisin ang maduming pader ng aking pagkatao. Pati bughi ko. Hindi ko papahawak sa iba ang brush ko. Minsan kasi sa sobrang takot ko, sangguni ako ng sangguni sa mga taong hindi naman naniniwala sa akin. Kaya ang resulta. Walang nangyayare. 
5. Wag iphotoshop ang feelings
Sa sobrang ayaw kong may matamaang iba sa sasabihin. Kinukubli ko nalang na parang napadaan lang. Walang sense.
6. Pwedeng maging Hero
Sarili ko lang ang pwede kong asahan kapag wala na akong kakampi.
7. Labanan ang takot.
Walang mangyayari kung magpopost lang ako sa FB about fear. Minsan naisip ko. Pagkakitaan tong takot na to eh. hahahahaha
8. Compare myself to myself
Lagi kasi akong natitisod sa tuwing nakatingin ako sa mga titulado kong friend. Keso di ako seaman,engineer or architect at licensed. Nada-down ko tuloy ang sarili ko. Ayoko na nung ganun.
9. Kalokohan lang ang New year's resolution
Pramis.
10. Me Vs Religion
Mas masarap pag-aralan ang sarili kesa sa rules ng mundo. Feeling ko kasi, isa akong malaking kalawakan. hahaha feeling ko lang yun!
11. Nanay ko ang Pinaka
Wala akong dapat pagsisihan kong iiwan kame ng nanay ko. Sobra sobra na lahat ng binigay niya samen. Hindi matutumbasan ng salapi ni Gokongwei ang ginawa niya samen. Pero ang hiling ko gabi gabi kay Papa God, gusto ko pang makasama si mama ng mahabang panahon. Ilayo niyo po siya sa anumang saket. Wag naman pong masayang ang pera namen sa pagpapa-hospital. Bagkus mailaan namen ang pera namen sa mga healthy foods at pag-eexercise.
12. Do one challenge at a time
Para naman di ako masyadong mapressure. Paisa isa lang
13. Pagsubok sa Pamilya 
Isang malaking opportunity at simula ang nangyare sa pamilya ko. Nabawasan kame ng isang miyembro, ganun pa man. Mas malakas kame ngayon. Mga warriors kame. Matira matibay. At kame ang matibay. Ang pamilya ko. 
14. Walang dahilan para sumuko
Wala rin akong dahilan para iexplain. Hahahaha


Naging maharot ako to the fullest ngayong taong 2014 kaya It's been a great year! Thanks for being a part of it.

Tuesday, December 16, 2014

BE CAREFUL WITH MY EYES

Hindi ko ibig sabihin na magtungo ka sa EO executive para magpatingin ng mata kapag malabo na.

Sa seryosong pag-obserba ko sa buhay. Kahit na sa pagmulat ng iyong mata. Hindi maiiwasan na may maglagay ng dumi sa mga mata mo. Ito yung parang mag-eentertain sa mga mata mo habang nilalakad mo tong magulong mundo na ito. Naniniwala akong ang mga mata naten ay hindi lang basta nilagay ng Diyos yan sa mukha para kindatan ang mga nagdaraaang babae sa kanto. Ang mata na ibinigay sa atin ay isang projector kung paano naten titignang maigi ang buhay na ginagalawan naten.
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang buhay ay refleksyon lang kung ano ang tingin mo sa iba at sa sarili mo. Maaring kung ano ang tingin mo sa iba ay ganun din ang tingin nila sayo.
Ngayon naniniwala na akong kapalit ng sobrang kaligayan ay sobrang kalungkutan. Minsan maari tayong palungkutin ng mga bagay na hindi naten nagawa ngunit binigyan tayo ng pagkakatao na gawin ito.
Hindi ako mayabang na tao. Ngunit kung ako ang tatanungin. Sa nilagay ko arrow sa mga dadaan ko. Masaya ako after 5 yrs neto. Masasabi ko sa sarili ko na hindi pa rin ako nagsayang ng oras at naghanap ako ng paraan.
Naging aral sa akin na lagi kong balikan lahat ng aral ng buhay ko. Magnais na iimprove at palaguin.
Ang mundo ay punongpuno ng pagsubok.
Madali lang mamatay pero mahirap mabuhay.
Iniisip ko nalang na kapg madilim ang buhay ko ngayon. Liliwanag din ito. Kung biyahe nga talaga ito ng buhay. Maaring dumaan lang ako sa overpass na parang kweba. Sino namang gago ang tatalon kung alam niyang pagtinuloy tuloy niya ito. Liliwanag din talaga.
Wala naman kasi itong pinagkaiba sa isda kapag naiipit sila sa isang bato o anomang nakaharang na materyal. Basta langoy lang sila ng langoy hanggat sa makaalis sila doon.

Kaya ngayon, sasayawan ko lang tong problema na ito.

Monday, December 15, 2014

SUGOD LANG, LABAN PA!

Gusto ko lang linawin ang lahat. Halos diba sa mga previous post ko. Puro pag-asa sa buhay at positibong pananaw na may kalokohan ang tinanim ko sa blog ko. Ngayon naman, gusto kong mas maintindihan ang lahat.
Sinabi ko sa sarili ko noon na hindi pa huli ang lahat basta gusto ko yung hagdaan na inaakyatan ko. Hindi pa huli ang lahat kahit na (work + career goal = pressure). Kahit na sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip ng paraan. Hindi maiiwasang magduda minsan at magtaka kung tama pa ba ang ginagawa ko sa bawat araw na lumilipas.
Sobra ako minsang nalulungkot sa tuwing tinatanong ko ang sarili ko "kung ano ba talaga ang saysay ko dito sa mundo?".
Kelan ko sisimulan ang mahabang biyahe ng buhay ko na masayang masaya ako sa trabaho ko.
Hindi naman ako binigo ng paniniwala ko sa sarili ko na walang daan sa kaligayahan kundi ang kaligayahan ang daan at susi sa mga minimithi ko.
Isang malaking kasalanan para sa akin na hindi ko nagawa ang mga dapat kong gawin nung may pagkakataon ako. Yung mga sobra kong oras na nilaan ko sa pag-iisip lang at hindi ako kumilos. Yung mga panahon ang inaatupag ko lang mga alis ko para sa pakikisama.
Inaamin kong nape-pressure ako. Naglaan ako ng standard para sa sarili ko pero wala pa akong nasisimulan.
Ayokong sabihin igagapang ko ito, may pakpak ako. Gagamitin ko ito. Nagkasugat lang eh
Babangon ulit ako. Babaguhin ko ang lahat. Napuhing lang ako ng makamundong kaligayahan. Nakalimutan ko na kung sino ako,

Wednesday, December 10, 2014

PA-ORDER NG MABUTING MUNDO!

Paano kung ang mundo ay nababawasan na ang mga tarantadong tao. Paano kung ang mundo ngayon ay nababago na ng mabubuting tao. Paano kung ang mundo ay walang taong nagagalit. Paano kung ang tao ay nasanay ng hindi magalit. Paano kung ang mundo ay binubuo ng katapatan at walang halong kasinungalingan. At ang tao ay madaling kausap.

Scene 1:
Nabangga ng Truck driver ang isang Pedicab.
Pare1:  Hoy gago ka. Ilang taong ka ng nagmamaneho? Sinira mo ang pedicab ko.
Pare2: Pare, pasensya na, masama lang talaga ang mood ko. Wala talaga akong ganang magmaneho ngayon!
Pare1: Ah ganun ba,  Next time pare ingat nalang. Minsan talaga hindi natin maiiwasan ang sumama ang loob naten.

Scene 2:
Nangaliwa si Boyfriend kay Girlfriend.
Girl: Bakit mo ginawa saken yun? Wala namang akong pagkukulang sayo ah.
Boy: Pasensya na talaga. Nagkamali ako ng desisyon. Natukso ako.
Girl: Ganun ba, oo nga noh..nakakalungkot pala. Sige pinapatawad na kita.

Scene 3:
Hindi napasa ng estudyante ang Project sa Teacher
Student: Mam, sorry po. Tinatamad na kasi akong mag-aral. Parang walang nangyayare sa buhay ko. Magnanakaw nalang po ako.
Teacher: Sige ikaw, may choice ka naman sa buhay eh. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo.

Scene 4:
Magreresign na ang empleyado
Empleyado: Sir, ayoko na po, magreresign na ako. Ang baba ng sinasahod ko dito. Hindi ko gusto ang pamumuno mo dito. Hindi ka magaling para sa akin.
Boss: Sige okay lang. Basta lagi kang maging matapang sa buhay. Huwag kang susuko. Lumaban ka lagi.

Scene 5:
Natapon ng Bata ang tinda ng ale sa kanto
Bata: Ay Sorry po. Hindi ko po sinasadya.
Ale: Okay lang iho. Mangingisda ulit ako. Para may paninda ulit. Magtatanim ulit ako. Para may gulay ulit. Magsisikap pa ako para mabalik ang nahulog mong paninda ko.

At sana walang ng abusadong tao sa mundo.

Tuesday, November 25, 2014

SUMAMA KA LANG SA "BIGLAANG LAKAD".

Minsan kung ano pa yung biglaang alis, yun pa yung natutuloy. Diba noh? Ang mga biglaang pangyayari sa buhay na kadalasan ay mas tumataktak ng maganda sa storya ng buhay naten kesa sa nakaplanong gawain..

Ayoko namang umabot sa parang wala na akong pake sa lahat.

Ako ba'y isang gunggong na hindi magpa-plano sa buhay. At bahala nalang si Superman, dobberman at si Batman. Pwede kayang maging tama ako o mali? Sino ba naman kasi ang gustong "basta-basta" nalang diba. Pwede kayang Oo lang ako ng Oo. Sino ba naman ang mas gusto ng pagkamulat ng mata, ay kung ano lang ang nakalapag sa lamesa, komportable na sa ganung setup at matutulog ulit. Ayoko nung huli. At kung itatanong niyo kung sino yung binabanggit ko. Ako po yun.

Medyo inaamin kong kumakapit ako ngayon sa mga biglaang opportunity. Wala rin naman dibang makakapagsabi diba!? Malay naten, hinihila na tayo ng tanong naten sa buhay. Binabatak na tayo palayo para sa sinasabi ng kaluluwa naten,Gusto ko kasi sugod lang ako ng sugod. Tira lang ng tira. Banat lang ng banat. Ang paniniwala ko kasi, "wala namang taong nag-eexpect saken kung saan ako pupunta kaya langoy lang ng langoy sa buhay. Lalaban ako hanggang huli.

Napaka-laki ng role na ginagampanan ng takot sa buhay naten. Dinumihan at dinungisan na ang puso't isipan naten nito. Kaya may halong duda na kapag humakbang na sa susunod.

Minsan kasi mas lalong gumugulo kapag mas lalaong nag-iisip. Mas magandang kumilos ng hindi na pinagpa-planuhan ng husto. Basta alam mong tama at handa kang isugal lahat makamit lang ang ninanais.

Naging aral sa akin. "Huwag makuntento kung ano ang meron. Itanong sa sarili kung ano ang susunod."

Naniniwala akong laging may bukas na oportunidad para sa lahat. May kakayahan din tayong gumawa ng pinto para sa daan na gusto nating tahakin. Maaari naten tadjakan ang bawat pinto.

Maging bukas sa lahat ng pagkakataon.

Sa edad ko na ito ngayon. Bawat kilos ko may kalakip na dahilan. Ayokong kumilos ng
malayo sa linya na gusto kong matupad.

At ang pinaka mahalaga sa lahat. Bawat hakbang may patutunguhan.

Wala akong mararating sa buhay kung lagi akong titingin sa iba.

Kaya sobra sobra ang pasasalamat ko ngayon kay Panginoong Ama. Ang daming answered prayer ko this year. Pambihira. Ang saya.

Maihahalintulad ito sa isang karera. Dapat laging mulat ang mata. Matalas at may tapang. Kung sa sarili mo may taglay kang sabihin "eto ang gusto kong buhay". Matutupad.

Para bang tumatakbo kame ngayon sa oval ng isang track & field, kasabay ko ang mga taong nasa paligid ko.madadapa ako kapag tinitignan ko ang kalaban ko habang natakbo. Focus!

Hindi naten namamalayan sa sobrang bilis ng panahon. Pwedeng sa bawat click ng daliri nten
maglaho ang katabi mo sa trabaho. Kaya wag tayong magsayang ng panahon at oras.Yung mga ganun.

Wala akong pagsisisihan kung ako ang nagdesisyon para sa sarili ko. Biyahe ko naman ito eh. Kapag pinaubaya ko sa iba ito, para ko naring sinabing paralisado o baldado na ang mga katawan ko.
Ang oras ay ginto. Ngunit napansin ko kapag ginagamit ko ng husto at tama. Unti-unti itong nangangalawang.


Tunay nga talagang magkaka-connect.
Ang kahapon, bukas at ngayon.
Paano ko nalaman ang halaga ng "balik".
Kasi dun ko lang nalalaman ang passion.

Sa aking nilalakaran,
Ginabayan ako ng Aral.
Sa aking nakaraan,
Nagtagumpay kasi kinalimutan ang "Banal".

Anong klaseng enerhiya ang "Takot".
Kahit kanino kasi kaya niyang bumalot
Kung wala ka nito, tiyak ika'y malungkot.
Ito ang nagpapatatag sa buhay ng bawat tao.
Ito rin ang magsisilbing daang walang hagdan.

Nandito ako sa mundo para ibigay ng buong buo ang aking buhay,
Kung sino man ang naglagay ng rules sa mundo.
Nagpapasalamat ako dahil ako'y napaisip.
Ngunit inunawa ko ng maigi.
Pinagpuyatan kung bakit nga ba
Napagod ako ng kaunti at umidlip.
Saka ko lang natanto na habang nabubuhay.
May paraan para makabangon at makalusot.

Kung ang bawat tao ay may nakalaang rason.
Kung ang bawat tao ay may kakayahang magbigay ng pagmamahal.
Ngunit sino naman ako kung hindi ako marunong magmahal.
Maitututing mo ba na akong isang masama
O isang gabay para masabi mong di mo ako dapat itulad.

Ang labo para sa akin makitang huminto ang hininga
Dahil lang sa balakid na nakaabang
O kaya'y tinangay ng alon at tuluyang nagiba.
Paano ang mga sanggol na nawala kagad bigla.
Paano ko malalaman ang tunay na buhay 
Kung hindi ko tatanggalin ang batayan nila.

Bow.


Sunday, November 23, 2014

GUSTO KO NG "MATINONG BOLLPEN"



Una sa lahat. Hindi po ako bakla, hindi rin po ako bi-sexual. Gusto ko lang ng matinong Bollpen na seseryosohin ako habang buhay.

Simple lang naman ang gusto ko na katangian ng isang bollpen.

Sana merong bollpen jan na hindi ako lolokohin. Ipapakilala ako sa magulang niya ng maayos. Hindi yung trap lang na ipapakilala niya ako kunyari sa parents niya pero wala naman palang tao dun. Pautot niya lang para may mangyare. Yung tipo ng bollpen na hindi ako ipagpapalit sa DOTA. Ang tipo kong bollpen ay yung isusurprise hug niya ako. Yung tipong kahit naka-ilang sulat kame, hindi pa rin siya
magsasawa na tumabi sa kamay ko. Ito yung yakap ng bollpen na pinangarap ko.

Sana may power din siya para kantahan ako pag uwi ko galing ng trabaho. Ang ideal bollpen na gusto ko yung liligawan ako ng legal. Hindi yung dadaanin niya lang sa love letter. (Maging creative naman siya). Kapag napatunayan ko ng tapat na tapat si bollpen saken. Siya ang gagamitin ko panulat sa mga cheesy ko na banat. Matutunaw ka. Ikaw ang bollpen na naging mais kasi korny ang banat ko.
Gusto ko rin yung bollpen na hindi magsasawang batiin ako ng Good morning, Good
Afternoon at Good evening. Kahit na anong klase ka pang bollpen ka.

Kapag nahanap ko na ito. 

Kahit ano pa ang istado mo sa buhay. Rerespetuhin ko ang klase mo. Kahit na Parker ka or Technical Pen.
Sa tuwing magtatae ka. Pipilitin kong hindi magtanong. Titignan lang kita sa mata. Yayakapin nalang kita  "Oh Bollpen ko, tahan na".
Sa tuwing hindi ka komportable saken. Hahawakan ko nalang yung ulo ng bollpen. Yun nalang ang kakagatin ko. Lalambingin kta oh bollpen ko kapag nagagalit ka saken or may regla ka. Lagi lagi kitang dadalawin sa pencil case ko. Alam kong na out of place ka na jan. Kapag inaway ka naman nila eraser at pantasa. Ipagtatanggol kita. Dadalhin ko yung laruan kong spiderman. Tatalsikan ko sila ng sapot.Ang kaaway mo ay kaaway ko rin.
Araw-araw kong ipaparamdam sayo na special ka saken. Lalo na kapag naiinsecure ka sa hawak kong pentel pen. Papakasalan kita sa kahit na anong National Bookstore. Ipagsisigawan ko na
ikaw ang pinili ko sa hirap at ginhawa. Ipapakilala kita sa mga new friends ko. "Uuy mga friends, siya pala yung new bollpen ko, monthsary namen ngayon". Tapos igi-greet nila tau ng congratulations.
 Mukha man akong hudloms sa harap ng maraming tao. Hinding hindi kita pagsasamantalahan. Tatakpan kita ng panyo kapag masyadong expose yung body mo.


At ang pinaka, papatunayan nateng hindi lang sa Wansapanataym pwedeng magmahalan ang bollpen at tao. Pangako ko yan. :)





Friday, November 21, 2014

GANITO LANG YAN PAREKOY!

Siguro, kaya ako nape-pressure ngayon, (i mean buong week na pala, im sorry) dahil ang tingin ko sa oras ay may hangganan. Ganyan ang perspective ko sa panahon. Para akong nagsasayang ng tubig eh. Actually nga, gift ang maituturing ko sa oras na meron ako eh. Isang biyayang parang kahon ikaw na bahala maglagay ng kung ano-ano. Ito ang biyayang kapag wala kang kahon, wala ka palang biyaya. haha. Ang oras kasi para saken, ito yung mga ginagawa ko or kinikilos ko. Maganda man o masama. Hindi ito yung mga numerong tumi-tik tok sa mga dingding naten. Gawa lang yan ng tao eh. Pwede naman kasi tayong kumilos ng walang limitasyon. Napaka-mahalaga ng oras para sa akin. Siguro, kaya ako nalulungkot minsan kasi hindi ko naibigay ang "pinaka" ko sa buhay. Ouch. hehe

Ayoko namang sabihin sa sarili ko na walang nagda-drive ng buhay ko ngayon. (ang kapal kaya ng mukha kong sabihin matutupad ko lahat ng gusto ko). Kasi kapag wala. Ang ingrato nun. Wala pa akong nagagawang hampas o palong palo na talagang may "Wow Factor" na masasabi.

Nasanay lang siguro ako sa mundong mapanlinlang at may kakaibang gimik. Kaya medyo bago pa ang lahat para sa akin. Nasanay lang siguro ako sa mundong puro ilusyon at ako naman tuwang tuwa sa kaka-carinyo. Siguro masyado lang akong nagrerely sa mga nakikita ko. Nakalimutan ko na ang sarili ko. Nakalimutan ko na ang tunay kong nararamdaman. Wala naman kasing nagsabi saken na kailangan kong lumaban sa buhay. Kung hindi ko pa mababasa sa mga social sites. Hindi ko malalaman. Gago den e nu.

Dun ko lang naintindihan na ang karunungan ay kung ano ang mga bagay na hindi mo pa alam at gusto mo itong alamin.

Matagal ng naka-focus ang mga mata ko sa mga opportunity na dumadating sa akin. Katulad nung last week, inaya ako ng kaibigan ko sa isang pre-nuptial video. Ang gagawin ko lang, papa-artehin ko yung lovers. Syempre, naiapply ko yung mga kalandian kong taglay. "Ganito gawin nyo, Ganito hawaan niyo sya.

Kaya tinitignan ko nalang ang mga bagay na nangyayari saken ngayon tulad ng ganito. Siguro isusurprise ako ng mundo sa mga nais kong gawin. Kaya siguro nalate yung order ko sa universe kasi marami ring nagrerequest. Bakit kaya wala pang answered prayers, Relax, hindi lang ikaw ang nagppray. Marami tayo. Bakit kaya hindi ako tumataba. Kalma, isipin mo nalang, mas madali akong makakalusot sa masisikip na daan kumpara sa mga chubby. Bakit kaya ang buhay ay parang isang laro lang. Uuuy!! wag mong isipin yan, tignan mo nalang ang buhay ay isang handog. Nandito ka para pagandahin ang earth. Dahil kung ano ang perspective mo sa isang bagay o tao, yun ka. kasi ang mata ng retina ay konektado sa utak. Wala lang.

Isa sa mga natutunan ko sa buhay. Hindi lahat ng Gusto mo makukuha mo, kahit di mo gusto makukuha mo. Yun nga lang, wala pa akong idea kung maganda ba ang resulta kapag hindi mo gusto. Kaya ang formula na naimbento ko "5% ask in prayer & 95% Just do it".

Kailangan ko pang maging matapang sa tuwing humihina at tinatamad ako. Kailangan ko pa maging matalas sa tuwing natatakot ako.Kailangan ko pang magpakumbaba para umangat ako.

Pero hindi ko babaliin ang sinabi ko na hindi ko sasayangin ang panahon dahil ito'y may hangganan.
Bubuksan ko ang pintuan kasama ng aking puso. kasi Kanta yan ng "Asin" eh.


Merciful Father, teach me to love you more each day.


Monday, November 10, 2014

AYON SA IYONG KUPALARAN

Hindi ako naniniwala sa kahit anong horoscope or kwentong panaginip. Wala lang. Gusto ko lang pagtawanan ang hindi matapos tapos na horoscope na mga ito. Baka nga ito ang dahilan kung bakit ang gulo ng mundo natin eh. Minsan nga marami din nalaspag sa ganitong paniniwala eh.

Halika, at pakinggan.

Taurus – (April 20-May 20)
Madidiskubre mong wala ng nagmamahal sayo ang mga nasa paligid mo. Ultimo ang sariling deodorant napapa-mukaASIM. PAti yan may galit na sayo. Siguro panahon na ito para humingi ka ng kapatawaran sa mga tao/bagay na nasaktan mo. At hindi ka magkaka-lovelife hanggat di mo narerealize ang deep meaning ng hygiene.

Gemini – (May 21-June 21)
Ngayong araw na ito, may lalapit sa iyo na matalik mong kaibigan. Malumanay siyang makikipag-usap sayo dahil ang hangarin niya lang ay utangan ka sa halagang hindi mo afford. Layuan mo siya. Demonyo yang tao na yan.

Cancer – (June 22- July 22)
Ikapapahamak mo ang hindi pag-papagpag ng ari pagtapos umihi dahil kumakalat sa sahig ang natirang ihi sa iyong pag-ihi. Kaya't mababawasan ng 1 inch ang ari mo. Hindi na siya aabot sa bahay bata ng iyong minamahal.

Leo – (July 23 – August 22)
Diyos ko naman teacher. Sawang-sawa na ang mga estudyante mo sa kropek at tocino na itinitinda mo sa classroom. At magagalit kapa kapag hindi naubos. Mag-isip ng panibagong produkto. Like drugs, marijuana at iba pa.

Virgo – (August 23 – September 22)
Buenas ka ngayong araw na ito dahil makakatapak ka ng isang tumpo na tae. Yung basang basa pa at may mani. Hanapin mo ang nakatagong numero sa tae na iyong at gamitin mo sa pagtaya sa lotto. Sa pag-ibig naman, ireserba mo ang libido mo para sa disyembre. Wag payag ng payag sa alok niya. Baka mahuli ka ni bayaw.

Libra – (September 23-October 23)
Marami pang paraan upang magkaayos kayo ng iyong minamahal. Huwag palaging Viagra ang gamitin.. Pumunta ka ng kusina. Humanap ka ng malaki laking sako at ipasok mo roon ang iyong asawa.

Scorpio – (October 24 – November 21)
Kung hindi ka na masaya sa kursong kinuha mo, wag kang malungkot, hindi ka nag--iisa. Marami kayong pilipinong magiging tambay balang araw. Kaya relax lang.

Sagittarius – (November 22 – December 21)
Huwag mong tawanan ang problema ng mag-isa. Gago lang ang gumagawa niyan. Kausapin mo ang mga kaibigan mo, magpapaalam ka na sa kanila na iiwan mo na itong mundo na ito ng maayos. Hindi yung aalisan mo sila kagad. Nakakasama yun.

Capricorn – (December 22 – January 19)
Kung magiging masipag ka lang, yayaman ka. Eh kaso malandi ka. Nag-anak ka kagad. Tatlo na ang naging asawa mo. Hiniwalayan ka lahat. Tapos hahanap ka pa ulit. Mahiya ka naman sa sarili mo.

Aquarius – (January 20 – February 18)
Kung sumablay sa una. Magsimula ng panibagong negosyo. Marami pang opportunity jan. Dapat laging bukas sa lahat ng pagkakataon. Humanap ka ng kapartner mo sa pagbiyahe. Mag riding in tandem kayo.

Pisces – (February 19 – March 20)
Huwag mo ng landian pa ng sobra-sobra. Taken na eh.

Maligayang araw! :)

Sunday, November 9, 2014

I SURROUND MYRSELF WITH GREAT PEOPLE


Masayang masaya ako kapag nagkikita kita kame ng mga high school bestfriend ko. Kahit simpleng pulutan lang, nairaraos namen ang malungkot na gabi. Ang buong gabi na inuman. Sobrang saya. Nailabas namen ang mga kanya-kanyang problema at nakaimbak na mga tanong. Siguro kung mawalan ang ng Isang daang kaibigan at sila ang ipapalit. Okay na okay sa akin. Kasi alam mo ba, kahit na puro failures ang inabot mo nung  mga nagdaang taon. Basta kinomfort ka nila at kinuwento nila ang mga achievements nila sa buhay. Parang part ka na rin nun. Parang kasama ka na rin sa kwento ng tagumpay niya kasi nakoimpleto ang buong kwento ng success at ikaw ang pang huling listener. Diba ang sarap nun.
Saka kapag kasama ko sila. Parang ang lakas lakas ko. Kumbaga nakalimutan ko ang mga sama ko sa buhay kapag nagtatawanan kame at nagkukulitan.
Hindi maiiwasan ang malulungkot na kwento. Pero nagiging masaya kasi mga abnormal ang mga nakikinig. Ito na siguro ang advance gift saken ni God. Ang bigyan ako ng mga tunay na kaibigan. Malalayo man kame sa isa't isa. Nailaan naman ang masasayang oras.

Hindi ko kayo malilimutan. Mahal na mahal ko kayo.

Tuesday, November 4, 2014

MY BEAUTIFUL KIND OF PAIN

Mag-eemo lang ako ngayon. Okay lang ba guys!? Ayun! hehe
Sayang naman kasi kung di ko susulitin 'tong sakit na nararamdaman ko. Ang sakit sakit na kaya. Grabe. Buti nalang immune na ito sa bawat sakit ng pagmamahal na na-encounter ko noon. Parang ngayon, yung sugat ko sa dibdib, tinuklap kaya naging sariwa ulit. Ganun na ganun.

Isusulat ko ito ngayon. Ito na rin siguro ang magpapa-alala sa akin na mas malakas ako ngayon kesa kahapon. Hinarap ko lang naman ang bawat pagsubok ng may "Sense of Humor". Ang hirap kaya nun guys, tumawa ng mag-isa. Hindi ako Baliw. Hindi ako baliw. Hindi ako baliw. Kasi mahal ko ang buhay ko. Ayoko siyang nagiging serious eh.

Eto na nga yun bhe,parte na kasi ng buhay ko ang masaktan. Dinagdagan pa nito ang pagsisisi ko sa mga bagay na hindi ko nagawa noon. Pero tapos na yun eh, saka magagawa ko din iyun balang araw. haha Nauna lang sila, Ako pa.

Nasasaktan ako hindi dahil sa pag-ibig kundi sa karera ng buhay ko. Ang kagandahan nga lang ngayon, medyo lumilinaw na ang lahat, may konting tanong at duda nalang talaga ako sa mga nangyayari.
Sa mga nangyari sa akin nung kahapon, na-realize ko na ang hirap palang kilalanin ang sarili kapag ang dami mong gusto. Kaya ang ginawa ko. Nag-plano ako ng husto. Inalam ang bawat anggulo. Kasi nga ANG-GULO na. May rhyme diba.

Nagtiwala na ako sa sarili ko. sabi ko "okay! ano ba ang priority ko ngayon? Ano ang mas dapat kong pagtuunan ng oras, dugo, laman at pawis ngayon?"Yan ang mga tanong ko. At ang mga sagot, ang dami ko pang dapat gawin.

Pero hindi pa rin ako susuko. Lalakad pa rin ako.

Inaamin ko rin kasing di ko nabigyan ng panahon at oras ang hinahanap ko. At tuluyang nabago ng panahon ang kaligayahang hinahangad ko.

Atlis wala rin naman akong dapat ikalungkot sa buhay. Kasi araw-araw ko kayang ginagawa ang gusto kong gawin. Mang-asar at magpatawa. At iba pa. Hehehe

Compare naman sa mga iba na ang tataas ng mga pangarap. Hindi mo na sila makita. Bihira nalang makipagbonding. Tahimik kung kumilos sa mga gustong tahakin.

At ayoko namang ganun, kumilos ng tahimik. duuuh para akong serial killer.

Samakatuwid nga, alam nga ng bestfriend ko at ng girlfriend ko ang dream ko eh. Ang pasukin ang mundo ng film. Hindi ako bida-bidang tao. Ang nais ko lang naman. Makadagdag sa industriya ng pelikula. Iba rin kasi yung magbigay ka ng magandang influence sa tao eh. Isang malaking buwis para sa akin yun.

Nung kelan nga lang, nabalitaan ko na parang nagtatampo si Ms. Eugene Domingo patungkol sa mga di sumusuporta sa Filipino Film Industry.
Ewan ko ba. Hindi naman natin sila masisisi diba. Nanonood at nakikinig lang naman sila. Uubusin nila ang pera nila sa gusto nilang palabas. Wala eh. Kapag kasi Hollywood. Talagang mapapa-sine ka talaga. Ako nga trailer palang ng Fast & Furious 7, pinag-iipunan ko na ngayon eh.

(Sensya na medyo lumayo na tayo)

Ayoko naman kapag final interview ko na sa Heaven tapos tatanungin ako ni God kung ano ba ng ginawa ko sa lupa nung nabubuhay pa ko. Tapos ang isasagot ko lang: "Wala lang po, naghintay lang po ako ng kinsenas at katapusan." Ayoko naman ng ganun.

Nasasaktan ako ngayon dahil di ako makakilos. Naging aral sa akin ito ngayon. Wag na wag kong ida-down ang sarili ko sa gitna ng problema. Mas lalo ko pang-iangat. Naalala ko tuloy yung pamangkin ko. Umaangal siya na ang taas ng hagdan kapag umaakyat siya papunta sa kwarto niya.. Sabi ko, wala yan sa taas ng sukat ng hagdan, para ka makamove forward, ilalapat mo talaga ang mga paa mo paitaas. OO ganun talaga ang sinabi ko. hahaha asteg.

Kaya ngayon, tinatawaan ko lang ang stage ko ngayon. Kasi mahal ko ang buhay ko. Sabi kasi ni Mickey Mouse "To laugh yourself is to love yourself".  Makakamit ko din ito. Hindi rin naman ako nagsasayang ng oras. Actually nga, ahead nako mag-isip ngayon eh.

Tutuparin ko lahat ng mga pangarap ko. Papataubin ko ang mga goals ko.


Thursday, October 2, 2014

FAITH OVER GUTS OVER FEAR.

Tayo'y magsitayo at magbigay pugay sa ating bisita. Pinakikilala ko senyong lahat. Ang aking matalik na kaibigan. Siya si TAKOT. Pinsan ng Lungkot. 

Hindi siya tao. Hindi siya hayop. Emosyon lang siya. Pramis. Namiss niya siguro ang bonding namen. Kaya sinurprise niya ako ngayon. Kapag napaiyak niya talaga ako ngayon. Miss niya talaga ako.Welcome na welcome rin si Sadness sa akin. Susulitin ko ang relationship namen ngayon. Parang nag-usap talaga sila ngayon eh. Para gambalain lang ako. Ngunit, sa tuwing kasama ko sila. Ang dami ko paring tanong eh. Iba't iba ang exam na dala-dala nila. At parang mas nadadagdagan pa ang questionare. Ang dami mong katangian, fear. Hindi naman kita inaano ah. Tinext ba kita. Anak ng put your head on my shoulder talaga kapag nag-aalala ko ang mga pangyayaring nakakapagpalungkot sa akin. Bukod sa singaw. Marami pa. heto

Takot akong mag-isa.Takot akong maging boring ang buhay ko. Takot akong makagawa ng maling desisyon sa buhay. Takot akong husgahan. Mahina ang thinking ko, malakas ang emotional intelligence ko. Takot na ko sa liwanag. Sa katotohanan. Lahat ng iyan ay weaknesses ko. Nakakalimutan ko na talagang maging matapang kapag nasa gitna na ako ng sakuna. Nawala yung inipon kong haduken na pangotra sa takot.

Siguro naman, mongoloid nalang kung wala pang dumadapong kalungkutan sa tala ng kasaysayan ng life mo. Pero habang tumatagal parang mas nadadagdagan ang fear ng buhay ko talaga. Habang tumatanda ako. Mas lalong ako nag-iingat. Minsan pa. parang lahat ng takot ay galing lahat sa pagmamahal na ginawa ko. Suspect din ata ang love eh. 

Totoo kayang gumagawa ako ng sarili kong multo. Katulad ng Maria, Leonora, at teresa. At punyeta naman, hanggang kailan ang takot na ito. Hanggang sa malagas ang buhok ko? Hindi pwede ito. 


Ang peklat ng fear na na-experience ko ay mahirap mawala basta-basta. Parang isang salamin na may lamat at hindi na kayang ayusin ng glue at epoxy. Darating pa sa point na, mas concern pa nga ako sa standard ng iba kaysa sa standard ko eh. Sabi nga ng iba, hindi ka makakahanap ng tunay na kaibigan kapag takot ka sa kaaway. Medyo naniniwala ako dito.Tinakpan kasi ng ulap ang araw ko ngayon. Minsan kailangan din pag-aralan ang takot eh .Magaling siyang player ng buhay ko eh.Kialangan kong pag-isipan ng maigi ang fear na kinakaharap ko. Diba, ang pinaka magandang regalong ibinigay ng Diyos ay pagsubok. Dito tayo lalakas diba. Diyan ko napatunayan na may answer na wala namang question ..sa prayer. Kahit anong mangyari. Hindi naman ako kinikilabutan mamatay, handang handa na nga ako kung ano mangyare eh. Ako yung tipo ng tao na hindi mo iiyakan sa hukay ko eh. Magbubunyi ka kasi lumaban ako sa buhay. Ginawa ko ang best ko para makalagpas dito. Ooops umabot na ako sa upapan "hukay". Nabanggit ko lang naman na matapang pa rin ako kahit papaano. Magyayabang ako kapag may ibubuga nako. Hindi yung puro hangin at kabag lang ang meron ako.  Kung hindi ko susulusyonan ito. Kapag inulit ulit ko pa ang pagkakamali ko. Hindi nako makakaalis dito. Next year ganito ulit.

Napaka laki talaga ng role ng takot sa mundong ito. Nasa saken kung hindi ka rin makikipaglaro at tatanggapin ko na loser ako. Kailangan kong maalis ang takot para mabawasan ang pagkakamali ko.

Ito ang tanong na hindi ko parin mahanapan ng sagot eh. Hindi naman kasi ako natatakot makagawa ng napakahusay na bagay. Takot lang talaga ako kung paano ko ito sisimulan. Torn between two options. Hindi ko naman kailangan i-prove sa ibang tao ang kakayahan ko. Dahil para saken,Okay ako. Sakto na ako. Handa na ako. Chicken feed and susunod na hakbang para sa akin. .

No choice na talaga ako. malalagpasan ko itong stage na ito. Walang mangyayari saken kung puro 1st page lang ako. Sarili ko ang dapat na mas katakutan ko hindi yung boss ko or kung sino sino.

Kapag binaliktad ang TAKOT, ito ay KOT-TA, kapag hinayaan lang natin ito, ito ay QUOTA na.

Kaya simula ngayon, Oktubre 3 alas dos ng hapon. Sinulat ko ito upang may balikan ako. 

Nangangako akong gagawin ko lahat ng kinakatakutan ko. Pipilitin kong palitan ang lumang gawain para sa pagbabago na sinasabi ko. Dahil sa mercury drugs,  “Nakasisiguro, gamot ay laging bago”. Wala lang. Masingit ko lang. Hinding-hindi ako matatakot sa bagyo. tataymingan ko na yan at sasabay ako sa alon na dala niya. Tunay ngang ang buhay ay 2 sided coins. may masaya at may malungkot. Hindi pwedeng sa 5 beses na toss coin, isang side lang palagi ang lalabas. 
Buti nga kaya ko pang pasayahin sarili ko kahit papano eh. Malalabanan ko ang takot na sinasabi ko. Ang hirap kasing mabuhay sa hinihingi eh. Sa laging hiling sa itaas. Kaya pagsisikapan ko ito. Hindi ako takot sa Dota ng buhay ko. .Kapag nalagpasan ko itong takot na ito. Maaadik na akong sumubok ulit ng mas kinakatakutan ko. I will live a meaningful life. Makiki-join nako sa Pursuit of happiness. Hinding hindi ako mananalo kung tatakbuhan ko itong hamon ng buhay na ito.Mamumuhay ako sa gusto kong buhay. Susugal ako hanggat kaya ko pa.Yayakapin ko pa ng husto ang aking passion. Hahanapin ko at didiskubrihin ko ang pag-ibig na mini-mithi ko. Lalakarin ko ang biyahe ng buhay ng malaya. Resume ko ang puso ko. Hindi ito pahabaan ng lifespan kundi kung paano mo pagagandahin ng kalidad ng ating pamumuhay.

Have Faith. Take Risk. Stay Hungry.


Tuesday, September 30, 2014

ALAS THREE OAK CLOCK NG TANGHALI



2:50pm na ng tanghali. Naka limang hikab na ako kaka-computer.Tumatambol na rin at may nagma-majorettes din sa loob ng aking tiyan. Sumisigaw. Kailangan ko na daw magmerienda sa labas. As usual, kape at sitsirya na namanang oorderin ko habang nanonood ng TV kila aling Susan .

"Aling Susan! Pagbilhan nga po ng kape yung 3 in 1 ha pati narin yung Spicy Seafood na sitsirya."

Ang tagal ng ale ibigay yung binibili ko. May pambayad naman ako ha. At kakasahod palang namen ngayon ha. Kaya pala hindi siya maka-kilos ng husto, hindi dahil natatae kundi kasi alas tres na. Dinadasal niya ata yung 3 o'clock habit prayer eh. Bawal ata kumilos ng mabilis kapag alas tres ng hapon.

Habang pine-play ito:
Pumanaw ka Hesus, 
subalit and bukal ng buhay 
ay bumalong para sa mga kaluluwa
 at ang karagatan ng awa ay 
bumugso para sa sanlibutan.

O bukal ng buhay, 
walang-hanggang awa ng Diyos,
 yakapin mo ang sangkatauhan at ibuhos 
mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat. ....
....

O Hesus, Hari ng awa, kami ay nananalig sa Iyo.

Ulitin ng tatlong beses. 

Musmos palang ako. malaking question na sa akin ang image ni Papa Jesus. Natatakot din kasi ako dito.Hindi ko makakalimutan yung piktyur na yun parang may power na puti sa kabilang left side at pula naman on the other side.  Parang gumagalaw-galaw pa ‘yung power niya na yun eh. Parang hologram.

Ang dami kong naging tanong:
1. Per words or hours ba ang bayad sa nagsalita nito?
2. Naaalala ko kasi kapag may campaign election or basta may tv ads. Ang laging pumapasok sa isipan ko. Magkano ba ang binabayad sa mga nagsasalita sa commercial?
3. Dinadasal kaya ng lahat ng staff ng ABS-CBN ito?
4. Humihinto rin kaya ang lahat ng empleyado para magdasal or keme lang?
5. Bakit hindi gawing habit na oras oras?
Tapos sa huli nito ipapakita ang address ng headquarters or organization nila.

Mas lalo akong ginugutom kapag naririnig ko ito. Parang gusto kong kumain ng cake. Siguro dahil
sa alas tres, nakapahinga ang lahat at ang sarap kumain ng mag-isa. MadamotMode.Dati kasi kapag alas tres ng tanghali.Diyan ang masarap matulog, Diyan din sa oras na yan nakakatamad gumawa ng assginment. Totoo yan lalo na kapag  pang-umaga ka tapos uwi mo tanghali. Sa alas tres masarap magmerienda. Yung pandesal at may“Reno” na palaman. Tapos may dadaan na "Dyaryo-Bakal-Bote". Yan yun diba. Sa alas tres din naglalaba ang nanay ko at  nawawala ang tsinelas ko kasi gagamitin ng kuya ko sa pagbabasketbol.

Bandang hapon din, kumukuha ako ng barya sa altar namen noon. Pero magsosorry din ako kagad .

Iidlip lang ako ng konti nun, Kapag alas tres meja.  palabas na ng "ANG TV" na.

Di ko makakalimutan din ang nakakaumay na wowowee na pera o bayong. Kahit na may nakendeng pa. Umay talaga ang segment nila na yun.

Sa school, kapag tumapat pa ng alas tres ang exam niyo. Ito ang magandang alibi para makakopya dati. "ooops break muna tau. Pahinga muna". tas titingin sa papel ng iba." hahahahaa

Sabi nila, sa college, kapag nakatanggap ka ng tres sa oras ng alas tres ay katapusan mo na..Yan ay imbento ko lang. hahaha

Honest ko tong sinasabi ngayon, dati kasi napaka makasalanan ko..(hanggang ngayon naman eh), Noon kasi, nanonood ako ng pelikulang malalaswa or Viva films. Muntik na akong mapa-masturbate. Buti naapakan ng kamay ko ang remote sa sobrang gigil sa eksena ng palabas at nalipat sa abs cbn. At dun ko nga napanood  ang 3 oclock prayer. AYUN. nagsisi nalang ako. kahit na pawis na pawis ako sa nangyari.

Ang iniisip ko lang, “Bakit kaya hindi nalang bilisan ng nagsasalita ang pagbasa niya sa dasal?” Para hindi antukin ang nakikinig. Dati naman, sumasama ako ng pabasa, kapag madaling araw na, nirarap ko. May zesto na ako. Nakapag-rap pa ako.

Patawad po Ama.

Monday, September 29, 2014

SARAH: ANG MUNTING PATATAS PRINSESA



Naalala niyo pa ba si Camille Pratts nung hindi pa siya “tumataba”. Wag ka, siya lang naman noon ang  gumanap bilang si Sarah Crewe sa “Sarah ang munting prinsesa”. Oh diba.

Si Sarah ay isang prinsesang pino kung kumilos, kumikintab na buhok, bilog na mata at magaling mag-French (sa cartoons). Kasi nung ginawa ng tagalog ito, wala ng accent. At dahil sa patatas, kaya siya naging mahilig sa french fries. hahaha

Dahil sa trabaho ng kanyang ama na si Capt. Ralph Crewe na isang minero ay napilitang ipasok si Sarah sa Victorian Era England, isang sikat na paaralan sa London.

Kinakainggitan ang bata ng maraming estudyante sa istorya na yon. Ang itchura niya ay halatang hindi mahirap.  Inapi si Sarah ng masungit na si Miss Minchin na sa opinyon ko lang ay nagmemenopause na ito.

Umikot ang magandang istorya ng dumating ang balitang namatay daw ang kanyang ama sa guho  sa isang minahan.
Inalipin siya ni Ms. Minchin, ginawang katulong kasama matalik na kaibigang si Beki. Pinatigil rin siya sa pag-aaral.

At naalala ko din bago ko pa naging crush si Julia sa Julio’t Julia ay naging secret crush ko ang kontrabidang si Lavinia!? Hihihi  Ang favorite part ko sa istorya ay yung nagkasunog sa bodega na punung-puno ng mga dayame. Muntik nang mamatay ang  bida dito kaya yun ang paborito ko. Joke Naalala ko lang. Hahaha Ang harsh

Pati ang eksenang ito: “Mama Sarah! Mama Sarah!”, umiiyak na si Lottie habang hawak sa kamay ni Ermengarde.“Walang hiya talaga ‘yang Lavinia na ‘yan!”, sabay singit ni Beki habang nagma-mop ng sahig.

Hayaang niyong ikwento ko ang BAGONG istorya nito. Sa mga napulot kong mga MEME. 

Once upon a time, sa isang paaralan. Inutusan ni Ms. Minchin si Sarah upang bumili ng Patatas sa palengke. Dala niya ang ang isang basket at pera. Pinilit niyang isama si Beki kahit mataba. 


Nagutom kagad si Beki at kumain muna sa tabi. Hindi pa nakakabili ng patatas si Sarah, ay nakasalubong niya si Peter. Isa siyang gangster. Joke. Matagal ng gustong ligawan ni Peter si Sarah at hindi na nakapapigil ito at nagbigay na ng patutchada.


Sa kalandiang taglay ni Sarah. Medyo sumasabog ang ovary niya at kinikilig siya sa kalye sa mga sinabi ng lalaki sa kanya. Hindi pa rin siya maka get-over sa mga banat ng lalaki. Sa kilig nito, napapa-booty shake siya. Kaya’t nahagip si Sarah ng isang Pagero na kotse.


Ilang oras ng naghihintay si Ms. Minchin dahil hindi pa nakakabalik si Sarah. Nasusunog na ang kawali. Binawasan na ng pusa ang mga sangkap na nakahanda. mainit na ang ulo nito. Nang dumating na nga ang bata at tinanong na ito.



Pumutok ang tumbong at gusto ng wrestlingin ang babae sa sinabi nyang natapon niya ito.  Kaya nagalit at pinarusahan lang si Sarah.



Sinabi ni Sarah sa sarili niya na hindi na siya muling magkakamali pa. Mamumuhay siyang malaya. Gagawin niya ang lahat ng gusto niya. Kaya muling ipinagpatuloy nito ang pag-ariba. Gumawa pa siya ng kahindik hindik na kalokohan. Dandandaaaaaaaan



Ngunit nagsisi naman ito. Nangako siyang hindi na niya uulitin iyon. Siya na daw mismo ang bubuwag sa mga malalandi. kaya't nagpasiklab ito.


Pinagtapon ng basura si Sarah sa kabilang kanto ni Ms. Minchin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating muli ang kampon ng kadiliman este si Peter. Nakasalubong niya muli si Peter. at si sarah naman ang nagbigay ng pick up lines.



Medyo nalungkot si Peter ngunit hindi tinablan si Sarah ng kahit na anong awa sa lalaki. Isa na siyang dalisay ngayon. Umuwi na si Sarah.
Nag utos muli ni Ms. Minchin kay Sarah upang bumili ng Patatas sa palengke. Dala niya ang
ang isang basket at pera. Pati ang sarili niya. Ngunit nahihilo at nasusuka siya at laking gulat niya sa nakita niya



Laking pagtataka niya kung bakit mali ang napulot niyang basket. Imbis na patatas ay naging sapatos.
Sa pagbalik niya sa bahay, nakasalubong niya si  Ermengarde  hindi ito Oh my gawd, kundi Ermengarde. Napansin niyang lumuluha ito. Lumaki ang mata ni emmengarde sa nakitang hawak ni Sarah. Nalungkot si Ermengarde kasi sapatos niya pala yun. Naiwan sa CR ng palengke. Kaya pinatahan ni sarah ito gamit ang patatas.



Sinisingil siya ni ermengarde sa nangyari. Ngunit nangako nalang si Sarah na papalitan ang sapatos.
Naisip niya na sumali nalang sa Pageant. Upang may ipang bayad sa utang. Kung noon wala siyang self confidence. Positibo siyang gaganda daw siya ngayon. 


Tuloy pa rin sa pagtatarabaho si Sarah. 


 Hindi niya pa rin binitawan ang patatas.  At dumating ang araw na hinihintay, ang patimpalak. Ito ang mga binitawang salita ni Sarah sa pageant:


Nanalo siya ng patatas, ngunit sa pag uwi nito, natapon muli  ang patatas. 
Nahulog na naman. Again and again.


Alam niyang pagagalitan na naman siya ni Ms. Minschin sa ginawa niya. Kaya nakaisip siya ng makabuluhang bagay.
Hindi na napigilan ni Sarah na gawing patatas ang headband.


Hindi pa rin ito nagustuhan ng marami. lalo na si Ms. Minchin. Ngunit nasiyahan nalang bandang huli si Ms. Minchin dahil napansin niya ginawa nito sa patatas. At ito yun.





At diyan natatapos ang kwento ni Sarah Ang munting prinsesa NA AKING PINALITAN..

Sunday, September 28, 2014

K.S.P. (KULANG SA POST)

Ito dapat ang kailangan i-post eh. hehehe Nakakatuwa. 
Napakatalino at napakalupit ng taong nakaisip neto. Ito ang dapat na mas trending ngayon.
Tignan niyo.



















Source: http://www.boredpanda.com/amputee-humor-jokes/

Amaziiiiiiiing :)

ARTISTA NA YAN.

Bata palang ako. Mahilig na akong manood ng mga tagalog na pelikula. Lagi pa nga akong nakaen ng Moby at Cheese Curls eh . Nasabi ko minsan sa sarili ko. libre naman mangarap eh, sana minsan maging artista or maging action star ako. Higschool nasali ako ng mga play. Puro patawa lang daw ako. hahaha

Binalak ko din makasali sa Film Feast eh. Sa pinilakang tabing eh. Marami rin akong makatambal na sikat na artista. At ito yung mga dream ko na scene.

Dream Scene 1
Ang setup. Nasa park kami ng kasintahan ko. Nagtatalo at nag-aaway kame. Nagbabatuhan kame ng kanya-kanyang lines base sa scipt ni direk. Gusto ko yung part na bigla nameng marerealize na mali kami sa isa't isa. Mag-iiyakan kame. Hahawakan ko yung mukha niya. Sa sakit ng mga pangyayari. Iiwan niya ako. Darating naman ang malakas na ulan. Kakanta mismo si Gary Valenciano ng "sana'y maulit muli" sa tabi ko.



Dream Scene 2
Like ko yung nakajacket akong leather tapos magpapauso ako ng bagong shades, Ang shape ay saging. Mukha akong pulis sa eksena. May bandana ako sa ulo. Kulay niya ay red. Tapos may ire-raid akong bakanteng lote. Lahat ng mga sugarol at prostitution nandun lahat sila. Pupulbusin ko sila ng dala kong armalight. Yung mga nagtangkang tumakbo. Hahabulin ko ng kabayo. Huhulihin ko ngdala kong lubid. Yung ibang hindi ko maabutan, babatuhan ko naman sila ng granada. At yung huling matitira, ang mga chismosa. Tag-iisang sampal sabay sabay.



Dream Scene 3
Pangarap ko talaga yung magical yung buhay. Magical pero adventure. Siguro parang jumanji nalang. Kakalat sa buong metro manila yung masasama hayop sa kagubatan.
At ako ang magliligtas sa nasasakupan ko. gamit ko lamang ay espada. Medyo Noah ang dating ko. Isasakay ko sila sa ginawa kong malaking barko. At iiwan namen ang magulong mundo na ito.

Dream Scene 4
Magkikita kame ng boss ko habang naglalakad ako sa kalye. Makikita ko siyang humihingi ng tulong saken. Tapos ipagtatanggol ko siya sa masasamang loob.Dun niya marereralize na ako pala ang tigapagligtas niya. Luluhod siya saken. At ikikiss niya ang mga paa ko. Hahahahaha

Dream Scene 5
Pinatalsik ako sa opisina dahil sa kalokohan ko. Syempre uuwi ako sa bahay. pero bago ako umuwi may kakausap sa akin na isang ermitanyo. Magbibigay ng numero at tatayaan ko daw sa lotto.
Tinayaan ko naman. at nanalo ako kinabukasan. Ang pinaka gusto kong part dito. Bibisitahin ko yung mga kababata ko. Bibigyan ko sila ng tig-iisang ipad. Bibigyan ko sila ng bossing's savings.
Mamimigay ako ng isang sakong bigas sa bawat bahay. Nakasakay ako sa isang truck. Nagmumudmod ako ng tig pa500 na pera sa lahat ng madadadaan ko.  At ito ang gamit ko.


At ang lahat ng ito'y kathang isip lamang. hahahahah

Friday, September 26, 2014

ANG MUNDO AY ISANG MALAKING GALIS

Walang sablay ang pagbabasa ko ng balita umaga at gabi. Maya't maya akong  nagba-browse ng social sites. Parang napapansin ko. Isang malaking entertainment ang lahat ng ito. Takte. Lahat tayo may role diba. Pwede tayong gumawa ng sariling script diba. Lahat ay actor at actress. Bida at Kontrabida. Masama at mabuti. Pero ang tanong, kabilang ba ako sa mag-aayos ng mundo na ito or expectator lang ako?

Sa aking pagbabawas stress. Upang mas masilayan ko ang ganda ng kapaligiran.  Hindi na ako natutulog sa biyahe. Mahigit 45 minutes nakatabinge ang leeg ko, mga 35 degree angle kakatitig sa nadada-anang lugar. Inaappreciate ko ng sobra ang mga nilikha ng ating Ama. 
Tinamad na rin akong kuhaan ng pictures ang biyahe ko kasi mas masaya ang projector ng aking mga mata. Bago na ang pagtingin ko sa lahat ng bagay eh.  Ang daming dapat palang ayusin sa mundo pero bakit normal lang tayo kumilos. Dapat lahat abnormal. Hahaha. Kung ang lahat ay weird pero gustong baguhin ang systema ng pamumuhay. Bakit hindi diba. Ayos sakin yun. Karamihan kasi ay pansarili lamang ang nasa kokote. 

Nakailang sulat na rin siguro si Pareng Lourd De Veyra ngunit parang hindi pa nagmo-move forward ang mundo na ito.
Ilang relihiyon na ba ang nagkaisa para sa "Salvation" na sinasabi nila. Halos lahat ata sila. Ang gulo na. Pinaghahandaan ang after life na napaka non-sense. Lahat din gustong maging leader. Ano ba talaga ang trip niyo ha?

Sa mundo na ito natutunan ko na dapat hindi ka iyaken. Maki-ride ka lang. Pero napapakamot na ako sa ulo. Tama pa ba ang ride na ito. Ride all you can pa ba. Sapat na ba masaya lang ako sa ginagawa ko. Maaaring sincere ako pero pwedeng mali din ako. 

Sana sa bawat kilos ng tao. Ang pambayad ay pagmamahal. Lahat ay busy sa pag-ibig. Legal ang landian. Tila ba ga’y  “Yakapin mo ko pag-ibig. Wag mo akong bibitawan." 
Ngunit kalaunan. Maraming gumagamit ng pag-ibig sa kasinungalingan. 
Nakakalungkot lang sa isang pagkikita kita ng mga magkakaibigan. Hindi maiiwasan ang magkamustahan tungkol sa kung sino ka ngayon kundi ang napag uusapan ay kung ano ang meron ka ngayon. Ang mentalidad na kinaugalian na. Ang mahalaga na ba talaga sa mundong ito ay materyal or position sa work? hindi na ba nakabase sa kalidad ng buhay ang lahat?

Ang kaguluhan dito sa mundo ay sugat ng nakaraan na hindi pa rin humihilom. Gamutin mo man. Sa iba meron pa rin. Gamutin mo man. Minsan mas lumalala pa. "Ang sakit sakit na" sabi ni Popoy sa One more chance. haha

Maari kayang tama ang Math,
y= kx : Change is constant, and the output depends on what's the input.
Tama diba?
Kaso nga lang, tanggapin na natin na ang buhay ay hindi naaayon sa lahat ng gusto nating paraan. 
Kasi kung mahuli ako ng nanay kong nakikipaghalikan sa mall. Itutuloy ko na ito sa pagtatalik. Ganun din eh. Nalaman niya rin. Ituloy ko na para isang sermonan lang.what's the input is the output. haha

Sino ba naman ako para turuan ang mundo na ito. Magbigay ng instruction upang mag-aklas ang lahat para sa tunay na kalayaan at hindi tatambay lang sa opisina na yuma-yaman lamang ang mga Sy, tan, Gokongwei at iba pa. Natutupad ang pangarap nila para sayo hindi ang pangarap mo para sa sarili mo. Ngunit ang tanong, Baket? may ipapakain ba ako sa kanila kapag ginawa nila yun? wala diba. Lakas utos lang ako eh. 

Sayang din yung mga maghapong nasa PC na bata. Hindi maitanong sa sarili kung "How can my internet a better place?" and then kumanta ng Heal the world make it a better place. For you and for me Argentinaaaa. 
Mas malaki pa nga ang pursyento ng tao ang nanonood ng porn eh. Bakit sila ganun. I can't relate. Ilan ba ang mga taong nagkalat ng mga quotes ni Pareng Marcelo pero hindi naman isinasabuhay. Masabi lang na may ma-post. Ilan ba ang nagbabasa ng libro ni Rizal or itweet ito? Ilan? Sagooot!
At anong kanta ang nakapagpabago ng piraso ng mundo? Kay Michael Jackson ba, Bob Dylan, John Lennon, Noel Cabangon or Gary V. Or ako pa talaga ang hinihintay niyo?

Hindi ko makalimutan na kapag nagkakasugat ako. Once na hinahayaan ko lang. Hindi ko pinapansin. Mabilis siyang gumaling at matuyo. Pero kapag lagi mo naming pinapaki-alamanan at kinakalikot. Lagi mong ginagalaw. Lagi mo siyang kinukutkot. Ito minsan ang sanhi ng pagka-peklat eh. Ganito kaya kadali ang sugat sa mundo natin?

Eh sa relasyong pag-ibig kaya. Kapag nasaktan ka. Hintayin mo lang maghilom. Wag humanap ng lalaking band-aid na panakip butas. Kapag hinayaan mo lang ang saket. At tumagal ng ilang panahon. Minsan dun mo lang narerealize na nawawala na yung feelings mo sa iba. Iba na ang attention mo.  
Nak kow sana nga pag-ibig nalang talaga.

Sa aking makamundong pagrerebelde. Maraming tao ang dumudugo at kumakalat ang sugat ngunit hindi magawang dumaing. Tiniis nito lahat. 
Ang realidad kasi, ang "sakit" na humahapdi pero hindi natin magawang maka-hindi. Tama? Ito na ang nakasanayan eh. Sino ba ang gustong makiaalam. Mga ilan ang gusto? mas marami pa ang piniling magkibit-balikat sa mga nangyayari.  Ang ilan nama'y sasabihing "kunwari di ko gets para di awkward." Kaatar. hahaha

Ang kalsada ay isang makating singit. Laging panira ng araw. Pakamot ng pakamot. Traffirific

Ang dami ko pang tanong sa buhay. Bakit building parin ang tawag sa building? hindi pa rin ba sila tapos gawin yun. Diba dapat BUILD na ang tawag dun. hahaha

Pasensya na ah. Ayaw ko lang talaga kasi ng normal na buhay. Boring. 

Nakanino ang tunay na pagmamahal. May magboboluntaryong iabot ang gamut sa mga mahihirap na paunang lunas ngunit itatabi lang naman.Tungunu. At hanggang kailan dadalhin ang sugat na ito aber? Ni wala atang gustong magmalasakit. For life na ba tong sugat na iyo dre?  Ni sarili hindi kayang paghilumin. 
Wala itong pinagkaiba sa nabubulok na patay. 
Imaginin ang inaamag. Dinidilaan ng aso. Nakakasuka. Nagnanana na sugat. Iiiiwwww
Para tayong  pinagmumukhang bobo at tanga. 


Ang Mundo ay isang malaking galis. Ang tagal gumaling.


Hanggang ngayon, sa mga tanong ko sa buhay buhay, hindi ko pa rin  alam kung matatawa ako o maiiyak eh. Parang ganire. 



Wednesday, September 24, 2014

SALITATORIAN: HOW CONYO GAMIT TAGALOG WORDS IN A PANGUNGUSAP

1. SPONGKLONG – Isang bobo/estupidong tao.
Sentence: Oh My Gosh! You’re so Spongklong. Simpleng instructions you didn’t kuha?
2. BASKIL – Ang basang basa na kili-kili.
Sentence: Yuuck. My Baskil is so flooding. Where’s my bandana?
3. McARTHUR - Ang Taeng bumabalik after mong i-flush
Sentence: Ooow. What’s nangyare McArthur? Did you miss me na?
4. BAKOKANG – Isang sugat o peklat na nagmarka ng malaki.
Sentence: Only Belo touches my bakokang, who touches sayo?
5. BAKTOL – Ang amoy bulok na durian.
Sentence: Mmmm, you are a explosive baktol. Kill your sarili. Please.!
6. KUKURIKAPU - Ang libag sa ilalim ng malalaking boobs.
Sentence: Hassle naman my appointment. No time to linis my kukurikapu.
7. MULMUL – Ang buhok sa gitna ng isang nunal.
Sentence: My brother ay hindi baboy. He has only mulmul. Fuck!
8. DUKIT - Ito ang amoy na nakuha sa pagsabit ng daliri sa iyong puwit o sa puwit ng iba.
Sentence: Masyado mo kong fina-flattered. That's the real dukit!
9. BURNIK - Taeng sumabit sa buhok sa pwet.
Sentence: Wait manong, Pwede bang stop the jeepney, my burnik can’t break eh.
10. BAKTI – Ang bakat panty
Sentence: Sister, si father see your bakti. Cover it na. It’s so Kaka! Kaka-tigas.
11. AGIHAP – Ito ay libag na dumikit sa panty o brief.
Sentence: Shocks.! Many people kita my Agihap. Wait. Lemme kuha a selfie!
12. LAPONGGA - Ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.
Sentence: Can you please lipat nalang to other sinehan. Don’t make lapongga here.
13.WENEKLEK - Ito ang buhok sa utong.
Sentence:  What ba, stop being malikot, it’s so malaki ng Weneklek mo eh. I will bunot na.
14. BAKTUNG – Ito ay pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
Sentence:  You’re making me inggit pare to your Baktung. Can I pintot Dude?
15. ASOGUE – Ito ay buhok sa kilikili.
Sentence:  Sis, Why don't you just make linis your asogue. Girl you not lalake! daba!
16. BARNAKOL – Ang maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.
Sentence: Shet, the aircon is like sira.  How plenty my barnakol, you know!?
17. BULTOKACHI – Ang  tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.
Sentence: I felt my Bultokachi kanina. Sila ay scattered. Arrgh
18. BUTUYTUY – Ang etits ng bata
Sentence: Hey friend, Im accidently pisil your butuytuy. I’m galit na to you.
19. JABARR -Ang pawis ng katawan
Sentence: Pards, make punas my jabarr on my back!
20. KALAMANTUTAY – Ang mabahong pangalan.
Sentence: Hey, you! I saw your Kalamantutay on my news feed, you destroy my araw!

Nakakairita diba! :)