Friday, September 26, 2014

ANG MUNDO AY ISANG MALAKING GALIS

Walang sablay ang pagbabasa ko ng balita umaga at gabi. Maya't maya akong  nagba-browse ng social sites. Parang napapansin ko. Isang malaking entertainment ang lahat ng ito. Takte. Lahat tayo may role diba. Pwede tayong gumawa ng sariling script diba. Lahat ay actor at actress. Bida at Kontrabida. Masama at mabuti. Pero ang tanong, kabilang ba ako sa mag-aayos ng mundo na ito or expectator lang ako?

Sa aking pagbabawas stress. Upang mas masilayan ko ang ganda ng kapaligiran.  Hindi na ako natutulog sa biyahe. Mahigit 45 minutes nakatabinge ang leeg ko, mga 35 degree angle kakatitig sa nadada-anang lugar. Inaappreciate ko ng sobra ang mga nilikha ng ating Ama. 
Tinamad na rin akong kuhaan ng pictures ang biyahe ko kasi mas masaya ang projector ng aking mga mata. Bago na ang pagtingin ko sa lahat ng bagay eh.  Ang daming dapat palang ayusin sa mundo pero bakit normal lang tayo kumilos. Dapat lahat abnormal. Hahaha. Kung ang lahat ay weird pero gustong baguhin ang systema ng pamumuhay. Bakit hindi diba. Ayos sakin yun. Karamihan kasi ay pansarili lamang ang nasa kokote. 

Nakailang sulat na rin siguro si Pareng Lourd De Veyra ngunit parang hindi pa nagmo-move forward ang mundo na ito.
Ilang relihiyon na ba ang nagkaisa para sa "Salvation" na sinasabi nila. Halos lahat ata sila. Ang gulo na. Pinaghahandaan ang after life na napaka non-sense. Lahat din gustong maging leader. Ano ba talaga ang trip niyo ha?

Sa mundo na ito natutunan ko na dapat hindi ka iyaken. Maki-ride ka lang. Pero napapakamot na ako sa ulo. Tama pa ba ang ride na ito. Ride all you can pa ba. Sapat na ba masaya lang ako sa ginagawa ko. Maaaring sincere ako pero pwedeng mali din ako. 

Sana sa bawat kilos ng tao. Ang pambayad ay pagmamahal. Lahat ay busy sa pag-ibig. Legal ang landian. Tila ba ga’y  “Yakapin mo ko pag-ibig. Wag mo akong bibitawan." 
Ngunit kalaunan. Maraming gumagamit ng pag-ibig sa kasinungalingan. 
Nakakalungkot lang sa isang pagkikita kita ng mga magkakaibigan. Hindi maiiwasan ang magkamustahan tungkol sa kung sino ka ngayon kundi ang napag uusapan ay kung ano ang meron ka ngayon. Ang mentalidad na kinaugalian na. Ang mahalaga na ba talaga sa mundong ito ay materyal or position sa work? hindi na ba nakabase sa kalidad ng buhay ang lahat?

Ang kaguluhan dito sa mundo ay sugat ng nakaraan na hindi pa rin humihilom. Gamutin mo man. Sa iba meron pa rin. Gamutin mo man. Minsan mas lumalala pa. "Ang sakit sakit na" sabi ni Popoy sa One more chance. haha

Maari kayang tama ang Math,
y= kx : Change is constant, and the output depends on what's the input.
Tama diba?
Kaso nga lang, tanggapin na natin na ang buhay ay hindi naaayon sa lahat ng gusto nating paraan. 
Kasi kung mahuli ako ng nanay kong nakikipaghalikan sa mall. Itutuloy ko na ito sa pagtatalik. Ganun din eh. Nalaman niya rin. Ituloy ko na para isang sermonan lang.what's the input is the output. haha

Sino ba naman ako para turuan ang mundo na ito. Magbigay ng instruction upang mag-aklas ang lahat para sa tunay na kalayaan at hindi tatambay lang sa opisina na yuma-yaman lamang ang mga Sy, tan, Gokongwei at iba pa. Natutupad ang pangarap nila para sayo hindi ang pangarap mo para sa sarili mo. Ngunit ang tanong, Baket? may ipapakain ba ako sa kanila kapag ginawa nila yun? wala diba. Lakas utos lang ako eh. 

Sayang din yung mga maghapong nasa PC na bata. Hindi maitanong sa sarili kung "How can my internet a better place?" and then kumanta ng Heal the world make it a better place. For you and for me Argentinaaaa. 
Mas malaki pa nga ang pursyento ng tao ang nanonood ng porn eh. Bakit sila ganun. I can't relate. Ilan ba ang mga taong nagkalat ng mga quotes ni Pareng Marcelo pero hindi naman isinasabuhay. Masabi lang na may ma-post. Ilan ba ang nagbabasa ng libro ni Rizal or itweet ito? Ilan? Sagooot!
At anong kanta ang nakapagpabago ng piraso ng mundo? Kay Michael Jackson ba, Bob Dylan, John Lennon, Noel Cabangon or Gary V. Or ako pa talaga ang hinihintay niyo?

Hindi ko makalimutan na kapag nagkakasugat ako. Once na hinahayaan ko lang. Hindi ko pinapansin. Mabilis siyang gumaling at matuyo. Pero kapag lagi mo naming pinapaki-alamanan at kinakalikot. Lagi mong ginagalaw. Lagi mo siyang kinukutkot. Ito minsan ang sanhi ng pagka-peklat eh. Ganito kaya kadali ang sugat sa mundo natin?

Eh sa relasyong pag-ibig kaya. Kapag nasaktan ka. Hintayin mo lang maghilom. Wag humanap ng lalaking band-aid na panakip butas. Kapag hinayaan mo lang ang saket. At tumagal ng ilang panahon. Minsan dun mo lang narerealize na nawawala na yung feelings mo sa iba. Iba na ang attention mo.  
Nak kow sana nga pag-ibig nalang talaga.

Sa aking makamundong pagrerebelde. Maraming tao ang dumudugo at kumakalat ang sugat ngunit hindi magawang dumaing. Tiniis nito lahat. 
Ang realidad kasi, ang "sakit" na humahapdi pero hindi natin magawang maka-hindi. Tama? Ito na ang nakasanayan eh. Sino ba ang gustong makiaalam. Mga ilan ang gusto? mas marami pa ang piniling magkibit-balikat sa mga nangyayari.  Ang ilan nama'y sasabihing "kunwari di ko gets para di awkward." Kaatar. hahaha

Ang kalsada ay isang makating singit. Laging panira ng araw. Pakamot ng pakamot. Traffirific

Ang dami ko pang tanong sa buhay. Bakit building parin ang tawag sa building? hindi pa rin ba sila tapos gawin yun. Diba dapat BUILD na ang tawag dun. hahaha

Pasensya na ah. Ayaw ko lang talaga kasi ng normal na buhay. Boring. 

Nakanino ang tunay na pagmamahal. May magboboluntaryong iabot ang gamut sa mga mahihirap na paunang lunas ngunit itatabi lang naman.Tungunu. At hanggang kailan dadalhin ang sugat na ito aber? Ni wala atang gustong magmalasakit. For life na ba tong sugat na iyo dre?  Ni sarili hindi kayang paghilumin. 
Wala itong pinagkaiba sa nabubulok na patay. 
Imaginin ang inaamag. Dinidilaan ng aso. Nakakasuka. Nagnanana na sugat. Iiiiwwww
Para tayong  pinagmumukhang bobo at tanga. 


Ang Mundo ay isang malaking galis. Ang tagal gumaling.


Hanggang ngayon, sa mga tanong ko sa buhay buhay, hindi ko pa rin  alam kung matatawa ako o maiiyak eh. Parang ganire. 



No comments:

Post a Comment