Thursday, March 31, 2016

ANG DIYOS KONG BLANKONG PAPEL



Sa isang lugar sa Antipolo ay mayroong museo na kung saan sa loob nito ay may mga naka-display na iba’t ibang disenyo ng mga arts. Mayroon mga nakasabit sa dingding at pader. Mayroong hugis tao na gawa sa kahoy na nakatawa ang mukha. Mga sinaunang sasakyan. Mga sinaunang baso. Mga pinaglumaang kagamitan sa loob ng bahay. Iba-ibang klase at uri ng art na historical sa pilipinas, maypagka-scientific kung iisipin, maypagka-artistic o kaya naman ay cultural basta gawa lahat ng mga Pinoy. Nandun sila nakatambay.

Si Jin ay isang lider ng isang samahang relihiyoso sa ating bansa. Napansin niyang may isang lalaki na ang tagal tumitig sa isang painting. Binata iyon kung titignan. Sa painting na iyon ay nakapinta ang isang ‘umaapoy na bundok’. Maganda kung titignan tong painting na to, malalim ang kahulugan. Matagal na nakatingala ang lalaki sa painting na ito. Sa bawat pag-oobrserba niya sa paintings ay tinitignan niya rin ng maigi ang kanyang hawak na papel. Nagtaka si Jin sa ginagawa ng lalaking ito. Minarapat nalang niyang kausapin at tanungin upang sa gayun malaman ang ginagawa nito.

Kinausap ni Jin ang lalaki sa malumanay na paraan.
Jin: Sir, anong pangalan mo?
Ken: ahm Ako si Ken. (At ito’y nagpatuloy ulit  sa pagsilay silay sa isang disenyong kanyang minamasdan)
Jin: Pwede ko bang matanong kung ano ang interpretasyon mo sa larawang iyan, pati na rin sa papel na hawak mo? (Paturo sa papel na tinitignan ni Ken.)
JIn: Pasensya na sa tanong ko diyan ah? (Nagtanong hinggil sa papel.)
Sagot ni Ken.
Ken: Maaari ko kayang sambahin itong papel na ito? Maaari rin kayang maging propeta to?
Tinignan niya naman ang papel na ito sa taas, sa baba at sa iba pang anggulo na kung saan natatapatan ito ng ilaw. Sinisilasat niya ng husto ang hawak niyang papel.
Nagtaka si Jin sa sinabi nito. Isang kahibangan kung iisipin.
Jin: Ha? Papel sasambahin mo? Okay ka lang sir? Diyos mo yan?

Lumakad nalang palayo si Ken. Hindi na pinansin ang mga pinagtatanong ni Jin. Tinignan niya naman ang ibang larawang nakadikit sa dingding. Sa pagkikilatis nito sa bawat disenyo. Tinitignan din siya ni Jin sa bawat galaw niya. Nahihiwagan si Jin sa ikinikilos nito. Misteryoso kung iisipin dahil walang kahit na anong paliwanag ang sinasabi nito tungkol sa papel. Isang relihiyoso si Jin kaya nagkaroon siya ng interes na kausapin ito.  
Nilapitan niya parin si Ken. Nangulit ng nangulit siya sa taong ito. Mayroon siyang gustong malaman tungkol sa sinasabi nitong papel. Lumapit muli si Jin sa lalaki.
Jin: Ano ba ang sinasabi mo? Ano bang mayroon diyan sa papel na yan? (Hindi nagpaistorbo si Ken sa kanyang hinahanap.)
Ken: Wala to, wag mo kong pansinin. May hinahanap lang ako.

Kaya wala ng nagawa si Jin kundi tigilan nalang ang taong iyon. Nag-iba nalang siya ng ruta papalayo kay Ken sa pagtitingin ng ibat ibang disenyo ng mga paintings. Sa kabilang lugar, nagkasalubong muli si Jin at Ken.

Nagkatitigan.
Jin. Ikaw na naman?
(Hindi nalang nagsayang ng panahon si Jin)
 Jin: Hmmmm Maaari ba kitang makausap? Okay lang ba?
Ken: Bakit ba ang kulit mo? Pwede ba tantanan mo ko?
Jin: Masama bang makipagkaibigan sayo at makilala ka?
Ken: Hindi naman, pero nakukulitan ako sa ginagawa mo sa akin. Tanong ka ng tanong.
Jin: Sorry na patawarin mo na ako. Ano ba kasi yang hawak mong papel? Nahihiwagaan ako diyan sa hawak mo at sa sinabi mo.
Ken: Gusto mong malaman? Hindi ka naman maniniwala kung ipapaliwanag ko eh. Isa ka din na katulad ng iba. Akala nila kabaliwan ang mga sinasabi ko.
Jin: Makikinig nga ako kahit ano pa yan.
Ken: Sige. Payag na ako. Ganito kasi yan, nakadampot na naman ako ng isang blankong papel sa lugar din mismo na to. Siguro nahulog to galing sa Itaas.
Jin: “Saan? Sa dingding?” (Tumingin si Jin sa itaas, wala naman siyang nakitang papel na pwedeng malaglag. ) “Wala namang papel ah.” Sabi ni Jin.
Ken: Malinis at walang bahid ng dumi ang papel na to. Para sa akin, ito ang pinaka simbolo ng aking bagong umaga. Kalakip nito ang bagong pag-asa. Nangangahulugan na ang walang kasulat sulat na papel na to ang siyang pinaka magandang pahinang makikita ko ngayon. Walang kasaysayan kung hindi inilimbag sa blankong papel na kagaya nito ang lahat. Kasiyahan ang idinudulot ng panibagong papel. Nagkakaroon ng makasaysayang simula tungkol sa isang manunulat o istoryang binuo. Masayang makita ang progresong pagbabago sa ating lipunan. Lalo na sa bawat buhay ng tao. Wala ka ng ibang hahapin pang ibang mundo.

Jin: Mundo na yung mga pinagsasabi mo ah. Ang layo mo naman eh. Nasan dun yung propeta o pagsamba?

Ken; Silipin mo ng maigi ang malinis na papel. Ito ay naglalaman ng panibagong mundo. Ang makulay na mundo. Sa kapirasong papel na ito, maaari kang magplano, magsulat, gumuhit, magkulay at kung ano ano pa. Ibig sabihin lang nito, sa apat na gilid ng papel, pwedeng magbura at magkamali tayong lahat. Tanggap ang mga errors. Tanggap ang tinakpang letra na mali ang naisulat.

Jin: Hanep. Lalim. Bakit di ko magets? Hahaha Oo, sabihin na nating blankong papel yan. Pero teka muna. Anong kinalaman nito sa pagsamba mo? Yun kasi ang hinabol ko sayo eh. Pwede ba sagutin mo ako ng matino. Okay lang ba?

Ken: Nasa sayo naman yan kung pakikinggan mo pa ang interpretasyon ko tungkol sa papel na to eh. Kung ayaw mo, edi wag.
Jin: Sige pagbibigyan kita. Ano ba talaga yang papel na yan? Mahahalin ba yan? Mabango ba yan? Paamoy nga.
Inamoy ni Jin ang papel.
Jin: Wala namang kakaiba eh. Niloloko mo lang ako eh.
Ken: Wala ngang amoy na taglay pero may sinasabi naman ito.
Jin: Ano? Nagsasalita ang papel? Haay Kabwisit ka. Ayoko na nga. Kung hindi mo naitatanong, kami? Sa isang araw, tatlong beses kami sumasamba sa aming Panginoon, makapangyarihan ang aming Diyos. Hindi siya nagkulang?
Ken: Nakita mo na ba ang Diyos mo?
Jin: Hindi pa. Pero kung titignan mo ang paligid, kung paano nangyayari ang lahat, masasabi kong buhay na buhay ang sinasamba kong Diyos.
Ken: Yan ang opinyon mo. Nirerespeto ko yan. Maaaring totoo yang sinasabi mo.
Pagpapatuloy ni Ken.
Ken: Unawain mong maigi ah.  Alam mo kung bakit di mo magets ang mga sinasabi ko? Kasi magkakaiba tayo. Tama ba ko dun?
Jin: Tama!
Ken: Ikaw? ano tingin mo sa papel na hawak ko?
Jin: Wala naman, simpleng papel lang. Ano ba yan? Kailangan pa bang pag isipan natin yan ng malalim. Nahihibang ka na ba?

Ken: Sayo yun diba! pero para sa akin. Sa papel na ito, may naghihintay saten lahat. Hindi ko alam kung ano mismo iyon, pero ang alam ko lang, may ipinahihiwatig ang lahat ng ito. Iba’t ibang klase ng istorya, minsan mas malungkot pa sa telenobela.
Jin: Tsk Tsk Tsk. Muntik na akong maiyak dun ah.

Pagpapatuloy ni Ken.
Ken: Minsan ang isinulat sa isang papel na nilamanan ng mga masasayang bagay ngunit walang nakaalam nito ay tila isang sanggol na hindi nabuhay sa sinapupunan. Namatay kagad ito. Siguro dahil sa kapabayaan. Marahil dahil nakatadhana. Ano man yun. Nakatala pa rin yun sa mismong istorya ng lahat. Ang kabuuang kwento ng tao.
Jin: Bibliya ba yan?
Ken: Hindi ako siguro. Maaaring pwedeng iyon ang sagot. Maaaring hinde. Hindi lang istorya o maaring kwento ng isang tao ang mabuo sa blankong papel. Wala tayong pagsisisihan kung hindi natin winalang bahala ang ibinulong ng hangin at ginamit ang mga tinta para maitago ang bagay na ito.

Jin: Matanong ko lang ah. Saan mo ba napupulot yang mga sinasabi mo? Ano ba batayan mo? Walang konek eh.
Ken: Wala! Pero alam kong tama ako. Ikaw alam mong tama ka sa sinasabi mo?
Jin: Oo. Syempre. Yun ang nakasulat sa bibliya eh. Sinusunod namen.
Ken: Paano naisulat? Nakita mo ba ang simula niyon. Paano ito nagsimula sa blankong papel?
Jin: Hindi.
Ken: Kung sa gayun. Hindi ka pa sigurado. Pwede ka pang magtanong ng magtanong.

Pagpapatuloy ni Ken.
Ken: Ito pa halimbawa ko. Kung naisulat lang din naman natin kagad ang nasa isipan natin palagi, di natin makakalimutan ang kumislap na bumbilya sa ulo kung ilalagay ito sa blankong papel.
Jin: Hoy! Hoy! Hoy. Ang dami mong paandar. May sanggol. May tinta. May bumbilya. Ano ba talaga? Di mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong pagsamba mayroon diyan? Nagmumukha na akong tanga ah.
Ken: Para sa akin, ito ay may kaluluwa, hindi nakikita.
Jin: Grrrrh. Sige. Ano yan? May kasarian ba yan?
Ken: Pwede. Maaaring may persona. Siya ang aking gabay. Ito ang naglalarawan na siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Itong papel na to? Sa sariling depinisyon ko, ito’y may sukdulang antas.
Jin: Nakakatawa rin ang mga pinagsasabi mo. Sayo lang pala galing lahat ng yan eh.
Sinubukan nalang sabayan ni Jin ang lahat ng mga pinagsasabi ni Ken.  Nabadtrip na siya ng husto.
Jin: Ibig mo bang sabihin, ang blankong papel ang naglalang sa tao? (Pabirong tanong)
Ken: Pwede.
Naisip ni Jin na baka baliw tong kausap niya. Kaya nakipagbaliw baliwan nalang siya.
Jin: Maibigin, mapagsanggalang, at mapagmalasakit ba siya?
Ken: Pwede.
Jin: Weeeee. Haahahaha Parang hindi naman. Papel? Mapagmalasakit? Wow.
Ken: Baliktarain mo man ito na parang aso sa salitang ingles. Siya pa rin iyon.
Jin: Yown. Aso. Lupit ah. Aw! Aw! AW!
Ken: Ang tingin ng iba, ang blankong papel ay pangkaraniwan lamang. Hindi. Mayroon itong laman. Anong klaseng laman? Ang laman na nagsasabi kung ano ang pagkatao natin. Sa malinis na papel na ayaw mo pang sulatan, makikita mo ang sarili mo na parang humarap ka sa salamin. Makikita mo sa papel na wala kang ginagawa kasi hindi ka nagsusulat. Kung nagsusulat ka naman, malalaman mo na ang papel o salamin na sinusulatan mo ay ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito.
Jin: Tungkol sa papel lang ata gusto mong sabihin. Dinamay mo lang ata ang Diyos eh.
Nawalan na ng gana si Jin kaya pinaglaruan nalang niya ito
Jin: Eeh ayokong magsulat, ang gusto ko magtype sa computer eh.  HAHAHA eh pano yan?
Ken: Walang tumalino kung hindi dahil sa blankong papel. Walang computer ng hindi dahil sa blankong papel na to. Walang nagawang libro kung walang blankong papel na sinimulan. Walang bahay o gusali na naitayo kung hindi sinulatan sa blankong papel.
Jin: Edi sige. Tuloy mo lang. Layo na nga ng narating natin sa kwento eh. Kala ko nasa mars na to eh. HAHA. May punto kaso tungkol lang naman lahat ng ito sa papel. Echusero ka lang eh.
Ken: Kung gusto mo ng katahimikan. Sabihin mo sa papel. Isulat mo ito. May kaakibat itong katahimikan. 
Jin: Masaya na ako sa buhay ko. Ayoko na. Gusto ko naman ng magulo. hahaha
Ken: Lagyan mo ng laman at istorya ito(ang papel), iingay siya ngunit panandalian lamang. Dagdag mo ng laman, saka lang umiingay. Try mong unawain kasi ang mga pinagsasabi ko. Nakatuon ka lang lahat sa pagsamba eh.
Jin: Wow. Heavy. Bigat.
Humiga nalang sa lapag si Jin, pagpapakita na suko na siya sa sinasabi ni Ken. Hindi pa rin nagpaawat si Ken sa mga matatalinhagang sinasabi niya.

Ken: Ang isang blankong papel ay mapang akit. Wala na akong pinangambahan pa. Naisulat ko ang aking halo-halong emosyon. Nabigyan pa ng solusyon ang bawat tanong.  Mga paksa na humubog sa aking pagkatao. Walang perpektong sulat kaya tinutuloy ko lang to. Mangawit man, ikakaskas ko pa rin ang aking kamay. Kung sinasabi nilang nagsimula ang lahat sa tuldok, at matatapos din sa tuldok.
Jin: Sabi ko na eh. Nagsusulat ka eh. Mahilig ka gumawa ng kwento na ang hirap paniwalaan ng tao. hahaha
Ken: Hindi mahirap, ayaw mo lang buksan ang isipan mo. Kung nagsimula sa lahat ang blankong papel. Matatapos din sa blankong papel . Paano kung ang hinahanap na tanong nating sa buhay ay yung palang blankong papel. Sinulatan natin. Tapos tayo palang lahat ang matatawag na Creator.
Jin: Dyan ako di maniniwala sayo. Ewan ko sayo. Haaaaay. Sige na nga, uuwi na ko. Pero sagutin mo to. para matapos na kasi ang sakit na ng ulo ko sa mga sinabi mo. Ano ang ibig sabihin lahat ng ito? Buod kumbaga.
Ken: Hindi ka talaga nakiramdam. Pinakinggan mo lang kasi ang sinabi ko. Ibig sabihin lang nito. Kanya kanya tayo ng paniniwala.Wag mong pakialamanan ang pananampalataya ng isang tao. Ang ating Diyos makapangyarihan. Maaaring ikumpara siya sa isang bagay o anuman ngunit ang kapangyarihan niya ay ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Pero responsibilidad mo pa ring tuklasin siya. Ayun. Tapos ang usapan.
Natulala si Jin: OMG. Yun lang pala ang  papel na gusto niyang sabihin sa  mundo. Nagsayang pa ako ng effort at oras.

Tuesday, March 29, 2016

GWAPO PA RIN ANG MASIPAG


Gusto mo ng magmura sa may-ari ng bahay na ang kulit kulit maningil ng upa. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Kakatanggap mo palang ng sahod, kung ibibigay mo pa sa magulang, feeling mo parang kulang pa. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Masakit na ba ang iyong sintido sa balahura at balasubas mong amo. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Yung tipong ginawa mo naman lahat ng makakaya mo, pero kulang pa rin. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Ikaw naghihirap, pero ang katabi mo, hindi matigil sa paglalaro ng mga games sa phone. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Gusto mo na bang pumatay ng tao dahil di nagbayad yung kumain ng tinitinda mong balot? Kasi tumakbo. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Nag iipon ka ng pera kaso yun nga lang, pam-piyansa nga lang sa tiyuhin mong batugan na may kasong pagnanakaw. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Ang aga mong umalis ng bahay pero ang resulta, late ka pa rin dahil sa buhol buhol na daloy ng trapiko. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Gusto mo sanang tumulong sa mag-asawang nagsasakitan sa gitna ng kalsada kaso nasa loob ka ng bumibiyaheng bus. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Desperado ka na sa malaking pagbabago sa Pilipinas kaya hindi ka na nakikinig sa sinasabi ni Binay at Roxas. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Bilib ka kay Fernando Poe Jr kaso kay Grace Poe, hindi. Sayang namatay na siya eh. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Wala ng laman na tema ang radyo kundi mga  krimen at nabwisit ka sa nangyari  isang matandang babae na ninakawan ng bag ng mga kawatan sa restaurant. Nakita lang sa  CCTV. Hindi nahuli. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Pinag aawayan sa Senado ang milyong milyong kinita nila sa proyektong iyon pero ikaw,  isang libong pera, ang hirap hagilapin. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Naghahanap ka ng matinong trabaho kaso ang hinahanap lang nila ay yung ‘may experience’ lang. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Nakakasawang debate tungkol sa relihiyon at kasarian ng tao. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Pabor ang iba sa gender equality kaya ayaw ng katabi mong magbigay ng upuan sa babaeng nakatayo sa MRT. Tama ba o mali? Wag kang aatras sa bawat hamon.

Kakasahod mo palang, ubos na kagad. Wag kang aatras sa bawat hamon.
May kumontak sayo, 8am daw kayo sa meeting place pero 10am na, di pa dumadating yung kausap mo, nasa biyahe pa rin. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Payag ka nalang ba  na tumunganga sa computer, nag aabang ng bagong update sa Facebook. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Di mo na mapakain ang alagang mong isda sa bahay. Ubos na ang pera mo. Nalulunod na siguro yun. Kaya tinapay nalang ibinibigay mo sa kanya. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Post ng post sa Instagram ang friend mong nasa J.Co Donut na di pa nagbabayad ng utang. Kailangan, siya pa ang hagilapin mo. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Gusto mong patayin yung nakabuntis sa anak mong babae 17 yrs old. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Nag iisip ka ng malalim kung yayaman ka ba sa 8-5 na oras sa trabaho. Wag kang aatras sa bawat hamon.
Wag kang aatras sa bawat hamon.
Yan ang simbolo ng pagsisikap. Nakaka-gwapo ang masipag.

Monday, March 28, 2016

KORONAHAN NIYO AKO


Di ko na hinangad magkaroon ng tropeyo.
Oh tawagin man sa kahit na anung titulo.
Kampeon na ko, mailabas lang kita sa isipan ko,
Paano ko nasabing panalo na ako?

Nagbayad na ako para sa kahapon, ngayon at bukas,
Hindi ako sigurado sa aking piniling landas,
Ngunit, natitiyak kong may nadagdag akong antas,
Paano ko nasabing panalo na ako?

Tinamaan ko ng banayad ang target ko,
Inasinta, sinakto at sinentro,
Di pa rin ako nawawala sa linya ko,
Paano ko nasabing panalo na ako?

May tiwala ako sa sarili kong kinang,
Mga bituin ay pinilit kong hawakan,
Nagsindi pa rin ako ng liwanag sa gitna ng dilim,
Paano ko nasabing panalo na ako?

Ang realidad ng buhay ay sinasabi ko na,
Kulang pa to at obserbasyon ay dadagdagan ko pa,
Totoong pangyayari’y sinulat ko ng mas malaya na
Paano ko nasabing panalo na ako?
Kokote kong malabo nagkaroon ng maraming letra
Parirala, panitikan at komedya ang aking naibida
“ano bang nakakatawa ngayon” ang tanging entrada,
Paano ko nasabing panalo na ako?

Nagmahal ako sa mga salita ng totoo,
Nalulong sa paglikha ang mga kamay ko,
Ang enerhiya ng pagsulat ay pinalakas ko ,
Paano ko nasabing panalo na ako?

Ang bawat numero sa kalendaryo nagkaron ng ekis,
Mabigat na kaparusan kapag ang kadena ay bumigkis
Ayoko sa bawat araw, mayroon akong mamintis
Paano ko nasabing panalo na ako?

Sa tulong ng talino, nilabanan ko ang sariling takot,
Hamon ng buhay kumportable kong sinuot,
Pagkamalikhain ang aking naging puot,
Paano ko nasabing panalo na ako?

Nagsusulat ako para lang sa sarili ko,
Dahil ang sarili ko ay katulad din ninyo,
Ang buhay na dinanas ko, magkaparehas tayo,
Paano ko nasabing panalo na ako?

Pighati man yan, magsusulat ako,
Sobrang kaligayahan man yan, magsusulat ako,
Unos na humarang, magsusulat ako,
Paano ko nasabing panalo na ako?

Napahagahan ko ang bawat karakter ng istorya,
Lawak ng isip ko ay naging makinarya,
Paano ko nasabing panalo na ako?
Ginawa ko lang ang gusto ko.

Koronahan niyo ako.



WELCOME TO YOUR FINAL DESTINATION


“Paglaki ko, pangarap kong maging mayaman para dumami ang pera ko”.
Lumaki sa mahirap na pamumuhay si Marko. Ang kanyang ama ay isang ‘Jeepney Driver’. Isang kahid, isang tuka ang nakaugaliang buhay nila. Minsan naman ay wala pang nakakain dahil nauubos ito sa pakikipagsabong ng manok ng kanyang ama sa kabilang kanto. Sa tuwing walang pasada ang kanyang ama sa oras ng hapon, pagtapos ng eskwela ay tumutulong si Marko sa kanilang talyer. Siya ang nagsisilbing tiga-abot ng mga kasangkapan sa pag-aayos ng jeep ng kanyang tatay. Nakikita niya kung gaano kagaling ang kanyang ama sa pagkukumpuni ng isang kotse. Napahanga siya sa husay ng kanyang ama. Hindi na napigilang sumingit nito sa pagkakataong iyon.

Nagsalita si Marko “Tay, gusto ko rin maging isang katulad niyo. Gusto ko din mag-ayos ng sasakyan”.

Sa ilalim ng jeep, lumabas sa pagkakahiga ang kanyang ama. Tila bagang hindi natuwa sa sinabi niya.

Tuluyan ng nagalit sa tanong ni Marko ang kanyang ama at nagsalita ito sa kanya “Anong sabi mo? Alam mo ba ang pinagsasasabi mo? Hindi mo ba alam ang buhay ng pagiging driver? Mahirap ang buhay dito, anak. Wag mo ng pangarapin. Mangarap ka ng mas mataas. Magsikap ka. Ang gusto ko sayo. Maging isa kang magaling na ‘Mechanical Engineer’. Halos parehas lang din yun anak. Hahawak ka din ng mga gamit ng isang mekaniko. Diyan ka yayaman. Magaling ka pa naman sa Math”.

Natuwa at nabuhayan ng loob si Marko. Nagkaroon siya ng isang inspirasyon.

Kapag walang ginagawa sa kanilang talyer, tinuturuan siya ng kanyang ama na magpatakbo ng isang sasakyan upang sa ganun ay may mautusan sila kapag may bibilhin lalo na sa malayong lugar. Kahit na ganun pa man, sinisikap ng kanyang ama na itatak sa isipan ng kanyang anak na mahalaga na makapagtapos ng kolehiyo at makahanap ng magandang kumpanya.

Nakapagtapos si Marko ng kolehiyo sa kursong ‘Mechanical Engineering’ sa siyudad ng Batangas. Pinilit niya ito kahit hindi siya kumportable dito sa kursong ito. Wala ng pasubali pa. Naghanap nalang kagad siya ng trabaho. Maganda ang kanyang napasukang trabaho ngunit hindi niya parin magawang maging masaya sa engineering. Alam niya sa sarili niya kapag ipinagpatuloy niya pa ito. Mas lalo lang siyang hindi magiging masaya.

Umalis siya sa kumpanyang iyon.

Inilihim niya sa kanyang ama na nag-resign siya sa kanyang pinapasukang trabaho. Ang puso niya talaga ay nasa kotse. Sa paggawa ng kotse. Hindi na siya nag ubos pa ng panahon kaya pinagsikapan niyang pag aralan ang bawat parte ng isang kotse ng walang tulong ng manual ng libro.

Malaki naman ang alam niya sa mundo ng pagme-mekaniko kaya sinubukan niyang gumawa ng kakaibang kotse. Nangalap siya sa internet ng iba’t ibang impormasyon. Nagtanong sa mga kakilala. Pinag aralang mabuti ang paggawa ng kotse.

Mataas ang pangarap ni Marko. Gusto niyang maging mayaman upang may mapatunayan siya sa kanyang pamilya. Nais niyang makatulong sa kanyang tatay.

Ilan taon niyang itinago ang kanyang napiling trabaho sa kanyang ama. Alam niya kasi kapag nalaman ng kanyang ama na huminto siya sa pagta-trabaho sa engineering company ay siguradong magagalit ito.

Gumawa si Marko ng pinakamatibay na sasakyan. Ito ang pinakamagandang bus sa lahat. Mayroong matibay na gulong na kahit na anumang matulis na bagay ay hindi ito masisira. Mayroon matibay at makapal na katawan ang bus na anumang bagay na sumalpok dito ay hindi ito masisira ng basta basta. Mura ang mga ginamit na materyales sa paggawa niya ng kanyang sariling bus ngunit matibay ang kalidad nito kumpara sa iba.

Nabalitaan niya sa isang diyaryo na mayroong expo na nagpapakitang gilas ng iba’t ibang klase ng sasakyan. Hindi na siya nag-atubuli pa at daling sumali upang ipakita ang napakaganda niyang imbensyon na bus.

Maraming humanga sa nagawa niyang sasakyan. Maraming napabilibsa kakaibang disenyo nito. Marami ring mayayamang tao ang nais gamitin ito sa pakikipagkalakaran at pagbabakasyon.

Naibalita sa buong mundo ang kakaibang desenyong gawa ni Marko. Nagulat at napabilib ang kanyang ama sa nabalitaang imbensyon ni Marko.

Tumawag naman siya sa kanyang ama sa telepono “tay, matutupad ko na po ang mga pangarap. “ Sinundan ng mga salitang. Tutuparin ko ang sinabi kong “Paglaki ko, pangarap kong maging mayaman para dumami ang pera ko”. Masayang masaya naman ang ama sa sinabi ni Marko. “Babalik po ko diyan Ama”. Hindi na nagtanong pang muli ang ama.

Ipinakalat ni Marko sa buong balita na tanging mayayaman lang ang makakasakay sa kanyang naimbentong sasakyan.

Kaya, tinanggap na rin niya ang alok ng mga mayayaman na libutin ang Pilipinas gamit ang bus na ito kapalit ng mahal na halaga ng pera.  

Ang loob ng bus ay binubuo ng mga kilala at mayayamang tao na pasahero.  Mga mayayamang negosyante ang sumakay dito. Kasama na rin ang mga kilalang politiko. Pati na rin ang mga sikat na artista.

Lahat ng ito ay may kanya kanyang regalo para kay Marko. Bilang paghanga sa kanya. At dadagdagan pa nila ito kung maipunta niya ang mga mayayaman sa ‘isla ng kayamanan’. Ang islang tanging tatlong tao palang ang nakakatapak sa lupaing iyon.

Sa kanilang mahabang biyahe. Napuntahan na rin nila ang pinakadelikadong lugar bago mapunta sa islang gusto nilang puntahan. Mayroong malaking halaga si Marko kapag nagtagumpay siyang madala ang lahat ng pasahero sa islang iyon.

Huminto sila sa isang gate at hinarang siya ng isang balbas saradong lalaki.

“Sir magandang umaga po, san po ang punta nila?” Tanong ng Lalaki.

“Doon po kame sa ‘isla ng kayamanan’. Gamit ko po pala ang bagong imbensyon kong bus sakay ko ang mga kilala at mayayamang tao sa Pilipinas.”Sagot naman niya sa nagtanong.

“Sir, kung hindi niyo po alam, delikado pong idaan ang sasakyan niyo sa lugar na ito. Kailangan niyo po ng mag-gagabay sayo. Libre lang naman po ito. At ito rin naman ay kung gusto niyo o hindi magpasama. Papayagan naman po namen kayo kung ayaw niyo po ng alalay o mag gagabay sa inyo. Baka maligaw lang po kayo.”

Hindi pumayag si Marko.

“Hindi na siguro Sir. Kabisado ko na rin naman tong daan na to. Saka sa bilis at tibay nitong kotse na to. Malamang hindi  uubra ang sira para dito.” Pagmamayabang na sagot muli ni Marko.

“Sige po sir, kayo po ang bahala, okay lang naman din po. Mag ingat po kayo. Mapeligro po ang daan.” Payo ng lalaki.

“Sige, paano! mauna na kame”. Sabi ni Marko.

Binigyan nalang niya ng pera ang lalaki. Nilagay nalang niya ito sa may bintana ng hindi nalalaman ng lalaki. At tumuloy na ito sa kanyang biyahe.

Sa kanyang pagmamaneho, madulas at masuok ang daan. Habang tumatagal, mas lalong lumalabo ang kanilang salamin sa harapan.

May isa namang mayamang nagtanong sa kanya. “Pare bakit di ka pa nag-pa-guide sa manong. Sayang naman”

“Hindi na kailangan po sir. Makakarating po tayo dun” Sagot ni Marko.
“Ikaw bahala. “ sagot ng negosyante.
Mga ilang minuto pa, may lumapit na bata sa harapan at tinanong ang katabi ng driver.
“Saan po ako pwedeng magdasal?” Tanong ng bata.
“Ay nako iho, walang dasalan dito. Ginawa itong sasakyan na ito para magsaya hindi para sumamba. Kung gusto mo, magdasal ka diyan sa upuan mo, pwede naman eh. Di uso rito ang ganyan”

Hindi na sumagot ang bata. Nagtanong muli nalang ang bata sa driver. “Wala po ba akong pwedeng mapagdasalan dito sa loob ng bus. Natatakot po kasi ako”

Sumagot si Marko “Walang lugar dito para sumamba. Ginawa ko tong sasakyan na to ng matibay na matibay. Ito ang inyong panahon para magsaya. Kaya maupo ka diyan at malapit na tayong makarating sa ating paroroonan. Wag kang mag alala. Ligtas ka rito.“

Tuloy ang tawanan ng lahat. Masayang nagtatawanan ang lahat. Nagku-kwentuhan at nagkakainan.

Hindi na muling nagtanong ang bata.

Naniwala ang bata sa sinabi ng driver. At di na muling binalak pang magdasal. Binanggit nalang niya sa driver na “Alam niyo po ba, paglaki ko, gusto ko pong maging ‘Mechanical Engineer’, gusto kong magkumpuni” Sambit ng bata. Napangiti nalang si Marko sa sinabi ng bata at itinuloy nalang ang pagmamaneho.

Nagtatawanan pa rin ang lahat ng tao sa loob ng bus.
Sa pagpapatuloy ng kanilang biyahe, tumambad sa kanila ang makapal na makapal na usok. Hindi na maaninag ng driver ang daan. May isang nangamba sa daan: “Huminto kaya muna tayo?” Sabi ng isang pasaherong artista.

“Nagsalita naman ang driver “Wag ka pong mag alala mam, usok lang po yan. Malalagpasan din natin yan. “ sabi ni marko.
Tuloy tuloy lang sa pagmamaneho si Marko. Tiwala siya sa tibay at kapal ng kanilang kotse anumang ang mangyari.
Sumunod na pangyayari naman. May narinig siyang isang pagputok. Alam ni Marko sa sarili niya na ang pumutok na iyon ay ang kanyang gulong sa likuran.Hindi niya ito pinansin. Itinuloy niya pa rin ang lahat.
Nagpatuloy sa pagmamaneho si Marko ng walang pinangangambahan. Mga ilang minuto pa. May natanaw siyang umiilaw na isang kastilio. Natuwa siya sa kanyang nakita. Isa itong pag asa para sa kanya.
 “May balita ako senyo, natatanaw ko na ang isla”. Pasigaw na sabi ni Marko.
Naghiyawan at natuwa ang lahat sa balitang iyon.
Binilisan ni Marko ang kayang pagmamaneho. Ngunit hindi pala ito isang isla kundi isang makapal na usok na kumikislap at ang nasa baba nito ay isang napakalalim na bangin. Ambilis ang lahat ng pangyayari. Walang nakakaalam na bangin pala ang dulo na iyon. Nahulog ang lahat sa bangin na iyon. Walang natirang buhay sa loob ng bus.

Ito ay isang aral na sa sobrang tiwala na natin sa mga gawa natin. Nakakalimutan nating humingi ng tulong sa Maykapal. Nakalimutan na nating dumulog sa kanyang kaligtasan. Nasilaw tayo ng pera at karangyaan. Kapag alam natin matibay ang sinasandalan natin. Hindi na tayo sumasandal sa Diyos.





Sunday, March 27, 2016

SAYO MUNDO 'PAG BATA KA


*Dapat kagalang galang ako sa pagharap sa mga guro at mga estudyante. Gagawin kong simple, mga sasabihin ko para nakakasabay ang lahat. Nakataya kaya ang apelyido ko dito.*

“Maraming salamat po sa pag-imbita ninyo sa akin sa paaralang ito (Bernabe Elementary School) upang ibahagi sa inyo ang aking mga napagdaan kailan lang. Kasama na rito ang napagdaan kong ebak kanina, naapakan ko siya ng BUONG BUO kanina sa labas bago ako pumasok rito. Maaari lamang na takpan ang inyong mga ilong kapag may sumingaw na. Pakiusap lang“

*Ubo-ubo muna. Linisin ang lalamunan. Di ako dapat humarap sa mikropono. Sasaluhin ko ng kamay para di ume-echo ang sounds ng ubo ko.*

“Sa lahat po ng mga naiihi diyan. Kung maaari lamang na umihi po muna kayo. Lahat kasi ng lalabas sa bibig ko ay ‘di makapigil hininga.’ Baka diyan po kayo sumirit sa inyong kinauupuan.  At sa lahat po ng mga nagugutom diyan. Bumili muna po kayo ng biskwit sa labas, donut, sandwich (pwede pong kumaen habang nagsasalita ako) dahil sobrang mahalaga po neto. Walang drama. Walang halong kaartehan ang speech ko. Kung kinakailangang sampalin at sabunutan ng may pwersang 100 horsepower ang katabi niyo  na natutulog habang nagsasalita ako. Please, gawin niyo para sa akin. Ayokong may ma-miss kayong salita ko.

Gusto ko munang pasalamatan si Mam De Guzman, si Mam Torres at ahm yung iba po, nakalimutan ko na po. Salamat po sa pag imbita niyo sa akin sa araw na ito. Sinearch ko po kayo sa Facebook ang mga names niyo. Ang dami niyo pong kaparehas na pangalan. Siguro ho nahihirapan kayong kumuha ng NBI Clearance, ganun po kasi diba sa NBI, nade-delay kapag may kapangalan. Ang daming ggraduate ngayon, yung isa ang alam hindi daw ggraduate. NAKOW. (mananakot kunwari) “

*Inom muna ako ng tubig sa baso. Para di ako ma-dehydrate.*

Bweno.

Gusto ko munang magtanong sa mga bata ngayon. Magtatawag ako ng tatlong bata at tatanungin sila sa kanilang upuan.

Ikaw bata? Yung parang sisiw yung buhok. Oo ikaw po kuya. Sa isang mabilisang sagot para sa isang mabilisang tanong ko. Ano ang isang pangarap mo sa buhay? (Kapag sumagot, kahit ano pa yan, magpalakpakan.)

Ikaw naman ne? Ikaw na kanina pa nakikipagkwentuhan sa katabi? Gusto na kitang kurutin eh. Tanungin kita. Ano ang iyong gustong maabot sa buhay? Sagutin mo ito ng mabilis. Dagdagan mo ng konting bilis kasi may dadaanan pa ako sa moa. HAHA  (Lalagyan natin syempre ng pressure(pagmamadali) para kunwari may dating ang mga tanong ko. Kapag sumagot, kahit ano pa yan, magpalakpakan na may kasamang hiyawan. Wuuuw)

At ang pangatlo, (kunyari magtatanong ako sa isang bata, bigla kong babaguhin ang desisyon ko, tatanungin ko nalang ang naging teacher ko noon)

Mam, baguhin nalang po natin, ikaw nalang po ang pangatlo na tatanungin ko. Ano po ang mahalagang pangarap niyo sa inyong mga anak? (Kapag sumagot si mam, kahit ano pa yan, bigyan natin ng masigabong palakpakan. Respeto lang)

(Kapag wala namang anak si Mam, tatanungin ko nalang kung balak niya pa bang mag-asawa. May irereto ako sa kanya)

Lahat ng inyong mga sagot. Lahat ng sagot ng ating guro ay parehas sa pananaw nating lahat at pati na ng ating mga magulang noong tayo’y bata pa lamang.

Walang tama. Walang maling sagot.

Ngayon.

Simulan natin ang kwento, syempre sa istorya ko sa loob ng silid aralan na to.

Naalala ko pa noon itong school na to, dito nagkagusto sa akin yung crush ko. Ayiiiie. Noon, tinidor lang ang baon ko. Makikitusok nalang ako sa baon niya. Busog na ako nun noon sa klase. Tapos naalala ko pa, ninakawan ko ng Diyos ang kaklase ko. Sinipsip ko lang naman ang Juice niya eh. Sinoli ko din ang lalagyanan. Yung Zest-O.

 Maliit lang talaga kung tatawagin tong eskwelahan na to. Marami pa pong kulang. Kulang sa bilang ng teacher ito noon. Kulang sa computer. Kulang sa facilities. Naabutan ko pa nga noon yung mga estudyanteng Sped. One time, may nakasabay ako sa Cr na sped student. Kasama niya yung nagbabantay sa kanya, nasa labas yung nagbabantay sa kanya. Lalaki po tong binabanggit ko ah. Edi sabay kameng nagwiwiwi sa CR, magkagilid kami. Bigla ba naman akong inambahan. Gusto akong suntukin. Edi di ako nagpatalo. Lumaban din ako. Nagka-ambahan kame. In short, pumasok ang isa pang baliw. Ako yun. Naghamunan kame sa CR, pumatol ako eh. Tapos biglang humingi ng saklolo yung nagbabantay sa Sped kasi nakita nila kameng magsusuntukan. Sumigaw yung bantay “Nakikipag away po yung sped student ko.” Mantakin niyo ba naman ako yung inilabas ng gwardiya sa CR. Powtek. Ang sama. Ang sakit sobraaaa.

Masasabi kong ang mundo ng elementarya ay ang mundo kung saan ang first page ng bawat libro natin ay may mabigat na kahulugan sa last page ng buhay natin. Masasabi ko rin na ang buhay sa elementarya ang dapat tutukan ng maigi at itala ang mahahalagang bagay na nangyari sa atin. Isulat at itago kung kinakailangan.

Kung hindi niyo naitatanong, noong bata ako, sa isang klase sa isang subject,  kapag tinanong mo ako kung ano ang pangarap ko sa buhay. Unang pumasok sa isipan ko noon ang salitang “Gusto kong maging Piloto”. Sabagay, tatay ko kasi ay nagtatrabaho sa paliparan ng eroplano ng mga panahong iyon. Wala pa akong ideya o background kung ano ang trabaho ng isang ‘Piloto’. Ang alam ko lang, isa itong pangarap sa buhay na masarap makamit. Nakakainggit siya kapag binanggit.  Habang tumatagal, iba ibang pangyayari ang mga naganap sa akin na nasabi ko sa sarili ko na mahirap palang maabot ang pangarap na pagiging Piloto. Hindi biro. Hindi madali. Ngayon sinasabi ko sa sarili ko. Sana mahawakan ko muli yung ‘apoy’ na nagsabi sa akin na maabot ko ito. Ito ang apoy na nagsabi sa aking walang limitasyon ang buhay. Na kaya kong maabot ito. Kapag lalong tumatagal, at hindi nalabanan ang mga negatibong pumasok sa isipan ko. Nawawala lahat ng saysay ang mga gusto nating maabot. Magkakamali tayo ng daan. Mag iiba tayo ng plano sa buhay. Tatangayin tayo ng ibat’ ibang pangangailangan. Tama ba? Minsan nang dahil sa pangangailangan sa pamilya o ng kasintahan ay napupwersa tayong magbago ng mga goals. Kaya ang pangarap kong maging piloto ang naglaho ng parang bula.

Bata palang ako, gusto ko ng magkwento ng magkwento. Hilig ko maging jollibee. Nais ko maging bida sa kwentuhan. At alam ko naman walang tayong pinangarap na maging kotrabida sa kahit na anumang aspeto ng buhay. Ayokong ipakita sa kanila ang paglalaro. Ang gusto ko lang sabihin sa iba na nakakatuwa ang paglalaro, may iba akong style para magsaya. Sinasabi ko sa mga kaibigan. Tara maglaro pa tayo ng maglaro. Gayahin niyo ako.

*Biglang lalabas sa powerpoint ang picture ko kung saan masaya akong nakangiti nung bata pa ako*

Ibang iba yung buhay ko nung bata ako. Tapat na tapat ako sa nararamdaman ko noon, wala akong tinatago. Paano ko nasabi? Kapag ayoko ang isang tao. Sinasabi ko talaga na ang panget niya. Kapag sinabi kong ayokong pag aralan ang bagay na to. Binibitawan ko talaga. Wala naman kapalit eh. Didirecho nalang ako sa bagay na gusto ko. Magsusulat ako ng nararamdaman ko. Isusulat ko yung pang asar na naisip ko sa kakilala ko. Gagawa ako ng bagay na makakapagpasaya sa akin. Ngayon iba na. Limitado na. Hinahawakan ko ang bagay na natatakot akong mawala sa akin na iniisip ko minsan baka saan ako pulutin kapag binitawan ko ito. Hindi ako marunong mag let-go.

Noon ang tingin ko lang sa mundo ay may Diyos na kahit anong gawin ko, may aalalay sa akin. Ano mang pagkakamali ko. May gagabay sa akin. Ngayon iba na, lahat ng bagay may kapalit na. Minsan may problema na apektado ang pera natin sa bulsa sa bawat kilos at minsan sa pagkakamaling hindi inaasahan. May problemang akala natin katapusan na ng mundo. May problemang akala natin wala ng solusyon. Kapag tumatagal, mare-realize natin na nandyan lang ang ating Panginoon pero tayo pa rin ang maglalaro sa loob ng court. Siya lang ang coach.

Nung bata ako hilig kong magtanong ng magtanong. Di na maiwasang magtanong tungkol sa sex, tungkol sa pangarap at iba pa. Noon bata ako, anumang makita kong kakaiba. Hihinto muna ako sa ginagawa ko at titignan ko yun ng maigi. Sisiyasatin. Aalamin. Hahawakan. Mahalaga na di natin binibitawan ang mga bagay na naging curious tayo. Maganda maging curious palagi.

Bigyan mo ko noon ng mga popsicle stick, glue, manila paper at pencil, ang dami ko ng magagawa dun. Magdidikit pa ako sa mga dingding. Gagawa pa ako ng kunyaring mikropono. Gagawa pa ako ng hagdan nun gawa sa papel. Ginagawa ko pa minsang pera ang mga papel at susulatan ng mga numero. Kasi noon gusto ko, paglaki ko, gusto kong maging mayamang tao. Mabili ko lahat ng gusto ko. Ngayon, hindi lang pala ganun kadali ang maging mayaman. Kailangan gamitin nating lahat ng ating senses: thinking, smell, taste, hear, seeing para umangat. Kung ako tatanungin, marami pang tao ang hindi pa nakakaunawa ng salitang tagumpay, ang iba ang tingin sa tagumpay ay pagiging famous, lalo na sa facebook. Pero habang tumatagal, magiging matagumpay ka lang kapag nakatulong ka na sa iba. Yan ang ginintuang aral ko.

Ang sarap maglaro noon. Kumaen sa oras na gusto natin. At magsaya ng magsaya ng magsaya. Walang kasawa sawa.

Maraming nagsasabi sa atin. Ang buhay ay hindi isang laro. Pero para sa akin. Ito ay isang laro. Walang dapat seryosohin. Walang dapat ipangamba ng sobra sobra. I-enjoy lang ang biyahe.

Marami akong naging pagkakamali sa buhay lalo na sa mga naging plano ko. Pero hindi ako umatras. Sulong pa rin ako ng sulong. Hindi ako huminto.

Kaya bilang isang estudyante. Ang maipapayo ko sa inyo.

Itago niyo ang inyong pangarap. Isalaysay mo nalang sa iba kapag naabot mo na. Kung alam mo sa sarili mo na gusto mong maabot ang mga mithiin mo sa buhay. Wag mong ikwento sa iba. Minsan ang mismong mahal nating sa buhay ang sumisira nito. Mahalagang pakinggan natin ang bumubulong sa ating sariling isipan. Hindi naman kailangan ikwento sa iba ang dapat tahakin. Hindi rin naman sila maglalakad para sa atin. Hindi naman din makakatulong kung i-broadcast pa. Wag niyo ng ikalat. Ito ang klase ng tsismis na dapat ikinikimkim natin nalang sa sarili natin. Ang mahalaga, alamin natin na  habang tumatagal, nauunawaan natin ng mabuti ang mga sangkap upang makuha natin ang tamang lasa ng pangarap.

*Supresa kong ilalabas ang nagawa kong masterpiece, ipapakita ko ang best selling book ko sa lahat*

Itong libro na to, dugo’t pawis ang inalay ko para lang mai-publish lang ito. Dahil gusto ko, kapag wala na akong pustiso, babasahin ko nalang ang mga nagawa kong libro. Laway naman diba ang magpapadikit upang mapunta sa susunod na pahina ng buhay.

Mahalaga na kung ano ka ngayon. Natututo ka pa rin balikan ang nakaraan. Alam mo rin ang bawat lessons na napagdaanan mo.

Minsan kung sino pa yung nagsasabi na tama sila, yun pa yung mga nasa maling sitwasyon. Kapag nasa kritikal na ang buhay niyo. Yun ang tamang lugar na malapit ka na sa pangarap mo. Maniwala po kayo sa akin.

Lahat tayo gustong lumipad. Lahat tayo gustong maging masaya. Kaso dapat dahan dahan lang. Alalay lang wag masyado mag madali sa pag angat. Lumakad muna. Tumakbo ng kaunti. Tumalon kung pwede na at lumipad. Basta may plano tayo sa buhay. Achieved lahat ng ito.

Ang pinakamasayang pangyayari ng buhay natin ay yung bawat dapa. Ang ‘dapa’ ang nagbibigay kulay sa ating buhay. Sa bawat pagkakamali natin. Tayo kagad. Nadapa ulit. Tayo kagad. Nagkamali na naman. Matuto kagad. Yan ang buhay kung saan ipinapaliwag na bilog ang mundo.

Palaisipan ang mga pangyayari sa bawat yugto. Lalo na sa umpisa. Palaging di mo naiintindihan ang lahat. Naranasan ko na yan. Mararanasan niyo din yan. Minsan ililigaw ka ng landas ng pinaniniwalan dito sa mundo, mga relihiyon. Ang payo ko. Paniwalaan mo palagi ang nasa puso mo. Tama man yan o mali. Ikaw ang may control. Yan ang ‘tunay na relihiyon.’

Saya. Kabiguan. Kalungkutan. Maling Desisyon. Ang mali pwedeng maging tama. Ang tama  pwedeng maging mali. Ganyan ang putahe ng buhay.

Lumakad ka sa mundo na ito na bukas ang iyong puso. Sayo mundo kapag bata ka. 


KRITIKAL NA PAMUMUHAY SA MAYNILA



Kakapanood ko lang kasi ng palabas na ‘Mistah’ sa PBO. Tang ina. Lalaking lalaki pa si Rustom Padilla dun sa pelikulang iyon, at infairness, ibang klase siya humawak ng baril. Madiin. Sa init ng panahon, naisip ko nalang bumili ng jacket na pan-sundalo para makatakas sa oven na to. Atlis, sa kahit na sa manipis kong katawan, may maipagmalaki naman ako. Saka sobrang init din sa bahay, tanghaling tapat na nagbabaga. Mukang kakalas na yung dalawang itlog ko sa sobrang init. Para akong nasa disyerto eh. Kaya ayun, nagmadali akong maligo at umalis ng bahay ng walang paalam sa magulang(may konting alitan lang naman). Dumaan muna ako sa lugar ng Cartimar. Lapit lang naman samen nun eh. Saka dun ang alam kong may posibilidad na sagot sa mga tanong kong outfit. Gusto ko sanang magtricycle papunta dun kaso naisip ko ‘sayang lang  pamasahe’. Sayang itchura ko kung di ko ie-expose sa public. Final decision na to. Maglalakad nalang ako.

Sa loob ng market ng Cartimar, inisa-isa ko yung bawat pasilio. Kung ika-calculator ko lahat, nasa 150 na pasilio ang chineck ko, more or less. Shet talaga, may nakita akong ganun kagandang jacket na pangsundalo noon dito kaso di ko pa trip yun noon kaya di ko muna binili. Kaya ngayon, nanghihinayang ako kung bakit di ko siya binili noong masaya pa ako. Ganun pala minsan ano, yung mga gusto natin noon, kapag di natin kagad kinuha, at kapag binalikan na natin at may nakakuha na. Wala na tayong babalikan pa.

Wala akong nahanap sa Cartimar na pangporma ni Bb. Gandang Hari este ni Rustom. Nasayang lang ang bawat kandirit ko doon. Wala na akong ibang paraan kundi dumirecho nalang sa ‘Mall of Asia’. Siguro naman sa sobrang laki nun mayroon siguro duon ng hinahanap ko. Sumakay na ulit ako ng jeep sa buendia papuntang ‘Mall of Asia’. Sa kalagitnaaan ng biyahe ko, tumawag saken si Angel. Nood daw kame ng Batman vs. Superman. Hindi na ako tumanggi. ‘Sige’ sabi ko (baka ililibre niya ako eh). Tinanong ko din siya kung naglunch na ba siya. Hindi pa daw. Sabi ko mauna na akong kumaen sa Moa gutom na gutom na kasi ako eh.Samakatuwid pinasunod ko nalang siya. Habang kumakaen ako sa Mcdo. Nasa biyahe naman si Angel papunta sa MOA. Natapos na akong kumaen. Mabagal talagang kumilos ang girlfriend. Kahit majinet na, aaura pa yan. Ini-skwalo niya pa muna siguro yung mukha niya. Ang sabi ko nalang. Sunod nalang siya sa SM Department kasi mukhang matatapos akong kumaen wala pa siya. Dun nalang kame magkita.Wala akong load na pantawag at pantext. Hinihintay ko nalang ang tawag niya at sasabihin ko nalang sa kanya kung saan kame magkikita. Ganyan ang tamang diskarte kapag nagtitipid sa load.

Nagkita na kame sa wakas ni Angel, mata sa mata. Sinamahan niya na ako. Nilibot namen ang ‘Men’s wear’ sa  ground floor ngunit kami’y nabigo. Nagpunta kame ng Terranova. Nagpunta kame ng Forever21. Nagpunta kame ng Bench. Wala talaga ang hinahanap ko. Nang nabigo na ako sa aking plano. Siya naman ang sinunod ko, mukhang sumusunod din sa budget ko ang tadhana eh. Ayaw bawasan ang ipon ko.

Sa sine naman kame pupunta(ang plano ni Angel talaga). Pagpunta naman namen sa Cinema. Ayun, bumungad sa amin ang mahabang mahabang pila ng nag-aabang sa bakbakan nila Batman at Superman. Siguro’y maraming naburyo nung holyweek kaya ngayon sila babawi sa panonood ng palabas. Kaya no choice, inaya ko nalang siya na magdivisoria  kame. Pumayag naman siya. Bandang 4pm palang naman nun. Kaya sige nakumbinsi ko na rin siya. Umuwi muna kame sa bahay nila, nagpalit siya ng sapatos at nagbawas muna ng mabibigat na gamit. Divisoria yun siyempre mahirap magdala ng bonggang bagahe.

Sa biyahe namen, nakasakay kame ng jeep ng Divisoria. Siguro inabot kame ng mga 45mins bago kame nakapunta doon. Magdidilim na rin kaya nagsimula na kameng maglibot libot at hanapin ang dapat hanapin. Nasa katamtaman lang ang bilang ng tao sa mall ng ‘168’. Hindi siya talaga maraming maraming dagsaan na tao na mga namimili. Sakto lang talaga. Baka lang talaga mabilis lang talaga mapagod ang mga paa ko sa paikot ikot sa loob ng mall, pag akyat ng escalator, tingin ng damit dito, tingin ng damit doon. Next naman naming pinuntahan ay yung mall na ‘999’. Wala talaga ang pakay ko. Masaya na nakakapagod. Pero si Angel, hindi napapagod, kahit wala pang laman na food ang tiyan niya.

Basta kapag mall, hindi napapagod yan. Mas gusto niya pa nga ang mall kaysa umakyat ng hagdanan eh. Ang isang bagay lang talaga na nakapagpalungkot sa akin ay yung nakita ko yung matanda na may dalang manok. Nasa pauwing biyahe na kame nun. Nakakatuwa ang tilaok ng manok, kasi parang may sumusundot sa kanya sa loob ng box. Naka-cover naman kasi siya. At yung isa naman ay yung babaeng may dalang sanggol. Simulan natin ang kwento sa babaeng may dalang manok and next natin yung sa kwento ng babaeng may dalang baby.

Hindi ako naaawa sa girlfriend ko nung lumabas yung ulo ng manok sa box na may butas-butas. Nakakatuwang tignan naman yung manok eh. Trip niya manuka. Nakakatawa lang talagang tumawa yung gf ko habang natatakot sa manok. Tinitignan ko nga sa mata yung matanda, parang naiinis sa tawa ng gf ko, nagready na ako, binantayan ko na ng maigi  baka ipalunon kay gel yung buong manok eh. Naawa ako sa kalagayan ni nanay(yung matanda). Mabigat din buhatin yun kung tutuusin. May dala pa si nanay na bata, di ko alam kung apo niya ito. Nakakalungkot lang isipin na sana wag naman humantong pa ako sa ganun kapag matanda na ako. Ayoko ng magbuhat pa ng mabibigat at bibiyahe sa malalayong lugar. Lalo na sa Divisoria. Maawain talaga ako sa matatanda. Ayokong mahihirapan sila.

Sumunod naman na kwento, di naman ako maarteng tao. Pero ang init sobra ng jeep. Sabi ko nga nung nakikita ko yung baby na hawak hawak ni ate. “Hindi ba naiinitan si Baby?” Ako nga, nagmo-moist na yung singit ko sa pawis. Gusto ko ng dukutin kaso maraming tao. At pawis na pawis na yung likod ko, sobra. Yung asawa naman ng babae. Hindi man lang paypayan yung baby nila. Ako?  kapag nagkababy ako. Hindi ko hahayaan isiksik pa sa divisoria o saang matao ang baby ko. Di ko nilalait ang Maynila. Hindi dahil peligroso masysado sa lugar na iyon kundi walang nakakaalam ng risk kapag nasa loob tayo ng jeep o sa mataong lugar. Kahit nga sa loob ng mall eh. Delikado din ang mga sanggol eh. Sinong sisihin antin kapag nagkaproblema. Ang mga pulis? Diba hindi. Paano pa kung magkaroon ng stampede. Edi hindi na nakahinga yung baby. Oo, di pa ako ama pero alam ko ang halaga ng buhay. Hindi ako OA, mahalaga lang talaga sa akin ang kaligtasan ng lahat. Nakakalungkot lang sa populasyon ng ating bansa. Nakukulangan ako sa seguridad ng lahat. Mga barker na tuktok ng tuktok sa jeep at sigaw ng sigaw sa gilid ng kotse na nagtatawag ng pasahero. Meron pang gusting magsuntukan. Natatakot ako di ko alam. At mga batang nagtatakbuhan. Mga yagit na papasok sa jeep at hihingi ng abuloy. Maririnig mo pa nag aaway ang dalawang driver kung sino daw ba ang dapat mauna sa pila. Kailangan umalis na yung isa kasi may susunod pa.


Pero ganun pa man, pag uwi namen ngayon, ngayong gabi palang maglulunch si Angel. Saklap. marami pang dapat ayusin sa maynila kaya dapat tayong magtulungan. 

Tuesday, March 22, 2016

MAGKAISA SA IISANG DISKARTE


Hindi ka totoong ‘Dugong Pinoy’ kung hindi mo alam ang matunog noon na larong ‘piko’. Ito ang isa sa pinakasikat na laro sa Pilipinas. Marahil ay naabutan mo nalang ang games sa ipad, android at etcetera. Hindi ka tunay na Pinoy kung ganoon lang din. Dugong banyaga ang nanalantay sayo. Dugo ni Steve Jobs ang sumalba at nagmulat sayo.

Iku-kwento ko lang senyo ang istorya ng dalawang magkaibigang naglalaro palagi ng ‘piko’. Ang larong ito ay pu-pwedeng sa dalawa hanggang walong manlalaro. Lalaki man o babae. Mayroon dibisyon ang bawat hahakbangan sa lupa o sahig. Minsan itoy nakasulat sa chalk o sa permanenteng pintura. Kailangan makabalik ang manlalaro sa lahat ng hinakbangan na may dalang balat ng saging.

Ang kwentong ito ay naganap sa pagitan ng dalawang magkaibigan na ang nais ay maglaro at manalo. Sila’y mahilig maglaro ng piko tuwing hapon sa kanilang kalsada. Walang sinuman ang  nagtatangkang sumali sa kanilang laro dahil silang dalawa lang naman ang nakakaalam ng rules sa kanilang laro. At saka ipinagbawal din kasi ng kanilang mga magulang ang maglaro sa ibang bata ng baril-barilan at wrestling na minsa’y humahantong ito sa sakitan. Kaya ito nalang ang pinili nila, ang larong 'Piko'.

Si Dodong ang may hawak na maraming balat ng saging at si Nonoy naman ang may  tanging iisa ang dalang balat ng saging.

Sa kalsada…
Nonoy: Game Dong, laro ulit tayo!
Dodong: Sige ba!
Dodong: Ikaw na ang magsulat sa lapag, ikaw ang nag-aya eh.
Nonoy Wow, ikaw na nga tong inaya ko. Ayoko pa ang nautosan. Hiyang hiya naman ako.
Dodong: Wag ka na umangal. Sige na.

Sinimulan nalang ni Nonoy ang mag-guhit sa lapag. Nagsukat at nagbilang.

Ang balat ng saging ang nagsisilbing pananda kung saan sila dapat tumapak. Kumbaga, ito ang magiging marker mo kung saan mo gusto pumunta na pwesto. Sila mismo ang maglalagay o magbabato ng balat na ito at doon sila aapak. Mayroon walong hakbang para makapunta sa dulo at mayroon ding walong hakbang para makabalik sa simula. Sa loob nito, dapat maglalagay ng balat ng saging o pamato ang manlalaro para makapunta roon.

Nonoy: Ano Dong, anim ba o gawin ko ng walong hakbang?
Dodong: Gawin mo ng walo. Kayang-kaya ko naman yan eh. Sisiw.
Tapos ng guhitan ni Nonoy ang kanilang paglalaruan. Nasa tamang sukat at bilang ang mga ito.
Naunang naglaro si Nonoy. Sabi niya.
“Oh, Una na ako, iisa lang naman ang dala kong pamato eh. Ikaw marami.”
Sumagot naman si Dodong
“Ikaw bahala, yan lang ang mararating mo. haha”. Patawang sagot ni Dodong.

Tanging isa lang ang dalang pamato ni Nonoy, hindi dahil wala na siyang mahanap na ibang pamato kundi mas sanay siya sa isang pamato lamang na dala-dala. Ngunit hindi siya nangangamba. Ang gusto niya lang naman ay makapunta ng dulo at makabalik.
Nonoy: Okay! Magsimula na ako!
Tinanggal ang tsinelas at humanda na sa paglundag.
Ibinato niya sa malapit ang kanyang balat , iniligay niya ito sa pangalawang hakbang upang mas madali niya tong makuha at maabot.
Humirit naman si Dodong
“Ang la-lapit naman ng mga nilalagay mo, matagal tayong matatapos niyan.”
Hindi pinakinggan ni Nonoy ang pang-gugulo ni Dodong. Itinuloy niya lang ang kanyang paglalaro.
Dinampot niya ito at iniligay muli sa paniwabagong hakbang ang mga balat. Ito ngayon ay sa pang apat.
Bawat hakbang na napupuntahan niya ay mayroon naman itong kalakip na pagsasayaw o pagsasaya. Upang siguro’y sa ganun, anumang sabihin ni Dodong sa kanya, hindi siya masira sa paglalaro. Binabanggit niya pa palagi ang salitang “YES” sa tuwing may nahahakbangan ito.
Dinampot niya ang pamato  at naglagay muli ng medyo malapit, nagbato siya muli sa pangpitong hakbang, kung susumahin, lumalabas na tatlong hakbang ang nadagdag. Alam niya naman maabot niya ito. Kaya itinuloy niya pa rin.
Dodong: Ang tagal mo naman Noy. Para kang pagong eh.
Nonoy: Wag kang magulo diyan. Manood ka nalang Dong.
Tawa lang si Dodong.
Hanggang sa matapos na si Nonoy at naabot ang dulo. Nakabalik siya mula sa simula ng paunti unting hakbang. Bakas sa mukha ni Nonoy ang sobrang kagalakan sa natapos niya. Tumalon talon siya sa tagumpay.
Sambit ni Dodong “Hay sa wakas, natapos din.”
Si Dodong naman ang sumunod.
Dodong: Tignan mo ko ah. Pagsasabay sabayin ko yang mga mapato.
Marami siyang hawak na pamato. Alam niya sa sarili niyang marami siyang mapupuntahan kasi marami siyang pamato kaysa kay Nonoy.
Ibinato niya ang kanyang unang pamato sa panglima kagad. Nung lumundag na si Dodong, nailundag niya ang kanyang mga paa ngunit ito ay tumama o naiapak sa linya. Samakatuwid, hindi pasok sa laro ang kanyang hakbang.
Humingi siya ng isa pang pagkakataon kay Nonoy sabi nya:  “Ay wait, isa pa, testing palang iyon.” Natawa din siya sa kanyang sariling pagkakamali.
Pumayag naman si Nonoy at pinaulit si Dodong. Inilagay ni Dodong ang kanyang pamato sa pang apat.
Nonoy: “Oh pang apat na  yan ah. Kayang kaya mo na yan.”
Ito’y pagbibigay ng lakas para kay Dodong.
Nang hinakbang na ni Dodong ang kanyang mga paa at inabot ang pang apat. Ito ay natalisod. Napahiga siya sa lapag at parang kinukuryente ang kanyang mga paa.
Dali daling inalalayan siya ni Nonoy. Hinawakan niya ito at pinagpahinga muna saglit.
Natalo sa round na iyon si Dodong. Mga ilang minuto lang. Nawala ang pangingirot ng kanyang mga paa.
Tumayo ng kaunti si Dodong. Bumwelo. Kaya’t  sumubok muli siya. Sinubukan niyang malapit lang pero dahil nga sa dami niyang hawak. Binato niya nalang lahat ng hawak niyang pamato. Mayroon siyang inilagay sa pangalawang hakbang , sa pangatlo at sa pang apat. Balak niyang unahing lundagan ang  pangatlo at kunin nalang ang pamato sa pangalawa at pang apat
Nonoy: Ano Dong, kaya mo pa ba talaga? Sigurado ka? Baka mapano ka ulit.
Dodong: Kaya ko to.
Nonoy: Tulungan kita?
Dodong: Kaya ko to mag isa. Di ko kailangan ng tulong mo.
Mainit na ang ulo ni Dodong.
Sa huling pagkakataon.  
Nagtagumpay naman siya sa pangatlong hakbang ngunit nung kukunin na niya ang pamato sa kanyang likuran, ay biglang sumakit ang kanyang likod at napahiga muli si Dodong.
Nonoy: “Oh anong nangyari sayo?“ Gulat at takot ni Nonoy sa nangyari.
Dodong: “Ang sakit noooooy, tulungan mo ko, uuurrrhg.” Pamimilipit sa sakit ni Dodong.

Lesson: Walang pinagkaiba ang buhay ni Dodong sa buhay ko. Naligaw ako. Naguluhan ako. Nataranta . Nagmadali ako. Nagyabang ako sa mga nangyari. Nakalimutan kong panghawakan ang mga dapat kong abutin. Kaya sa huling pagkakataon, kung maglalagay ako ng goal, dapat realistic at hindi marami. Hindi ko pagsasabay sabayin. Hindi mahalaga na marami akong dala-dalang inpormasyon upang maaabot ko ang isang bagay. Kailangan ko lang pala ng tapang, lakas ng loob at determinasyon sa kung sino ako at kung ano ang mayroon ako. At ang pinakamahalaga, ay ang wag bitawan ang nasimulan kong pangarap. 

Thursday, March 17, 2016

MANUNULAT AT MANGANGALAKAL


(Medyo hawig niya lang ang binabanggit ko)

Ito ay kwento ng isang ‘basurero’.
Yes! at siya ay taga-samen. Hindi lang siya basta-basta pangkaraniwang nangangalakal ng basura kundi may halong pagkamisteryoso at comedy tong taong  to. Believe me.

Sa tuwing ako ay dadaan sa aming eskinita sa ‘Tramo’, bumibili muna ako ng walang kasawa-sawang almusal na hotdog at scrambled egg sa halagang bente singko kasama na ang disposable pork and spoon. Swerte ko kapag naalala ng tindera ang sauce na nirerequest ko palagi. Yang tindahan lang naman na yan ang may maayos na pambalot ng pagkain sameng lugar na pwede kong mabitbit sa bus.

Anyway, kanina lang ako nagbago ng ruta kasi ubos na pala ang isang buwan kong load sa ‘Sun Cellular’. So, nagchange of direction ako at dun ako dumaan sa kabilang street, sa dominga para magpa-load ng bente. Kailangan kong magload upang maitext ko ang driver namen na susundo sa akin. Wow diba. Well, may service lang naman kame pagpasok ng trabaho. Haha

Tutal may daan naman doon para masalubong ko ang bus (hindi ako magpapasagasa oy), ito ang sasakyan ko papuntang Carmona Cavite. Binibilisan ko na nga ang lakad ko kasi ihing ihi na ko. Medyo nag-add nalang ako ng acceleration sa paglalakad. At ngayon, nakasalubong ko na naman, yung sikat na basurero sa amin. Maybe, nasabi kong sikat siya kasi iba ang style niya ng pagbabasura para sa akin. Ia-approach ko siya bilang so-called ‘Basuraman’.  Masaya ang buhay niya kung kakalkalin natin.

Sa street na iyon kung saan madadaan ko siya, namamataan ko na nagwawalis siya but take note, may challenge yung paglilinis niya naman, manipis lang ang walis. Siguro nasa 35 pieces lang na tingting ang ginagamit niya.

Goodluck nalang kay Will Smith, in short (WS) kung kailan siya matatapos. Nga pala, yan ang binigay kong nickname sa kanya. Si ‘WS’ nga lang ang tipo ng basurero na mahaba ang buhok at maitim, pero may itchura kaya pinangalanan ko siya na ‘Will Smith’. Ibang klase si ‘WS’ sa paglilinis ng kalsada, ramdam na ramdam ko  ang courage niya na may halong pursuit of happiness. Many moons ago, napapansin ko sa kanya, baliktad minsan ang kanyang sigarilyo kapag hinihithit niya to, o baka nagpapatawa lang. Minsan nakikisindi ng yosi sa ibang tao. Saka hindi lang siya basta linis sa lapag. Nakikipagcall-center din siya sa kabilang universe. Palagi siyang nagsasalita ng kung ano-ano. Pumi-fliptop siya minsan kaharap ang mga basura. Hilig niyang magbungkal ng basura kung saan saan. Malamang basurero eh. Kalkal dito, kalkal doon. Malalim kung kumalkal si ‘WS’.

Ganito kasi.

Noong wala akong pasok, may inasikaso ako sa hospital na mahalagang dokomento, nagkasalubong kame isang araw, umaga yun, may dala siyang basura at pag uwi ko naman ng bandang tanghali, nakasalubong ko ulit siya, ngunit magaan naman yung dala niyang sako at pagdating sa gabi, at pupunta akong mall, siya na naman ang nakita ko. Grabe siya noh. Mabigat siguro ang pinirmahan niyang kontrata sa paglilinis sa lugar na iyon. Pero infairness, habang gumagabi, nababawasan ang laman ng sako niya, baka naibebenta niya kagad.

Isa lang ang remarkable na narinig ko sa kanya ng matino sa malabo niyang pagsasalita palagi. Ang sabi niya,

“Di ako hihinto, Di ako hihinto”.

Di ko sure kung ibig niyang sabihin, di siya hihinto sa pagsasalita, or di siya hihinto sa pagpapahaba ng buhok, or di siya hihinto sa pagwawalis. Di ko sure kung anong kwento sa likod ng kanyang salita na “Di ako hihinto”. Hindi kaya, baka naman may hinahanap siya sa buhay, kaya di hihinto. Baka lang naman.

Eeeh ano imbestigahan ko pa? Simpleng words lang naman yan, bibigyan ko pa ba ng meaning? Haha

Na-realize ko. Sadya nga talaga na ang pangangalakal ay fullyload ang schedule. Straight duty siya maghapon sa lugar na iyon. Napabilib ako minsan ni WS kasi nung nakasakay ako ng jeep, dumaan naman siya sa harapan ng kotse, huminto naman bigla ang jeep para sa kanya at nalaman ng driver na kukunin lang pala niya ang basura sa tabi. Kamot nalang ng ulo ang jeepney driver. Ang astig lang, sa gitna pa siya dumaan. At ayun na, umandar na kame. Nalagpasan na namen si WS. Mabagal naman ang takbo ng jeep namen at malayo pa ang iniikot nito bago pa to makarating sa palengke ng libertad. Kung susumahin, nasa isang daang kilometro lahat lahat. So, mga ilang minuto pa bago makarating dun, at ayan na, nakasalubong na naman namen siya ulit. Sobrang bilis niya palang maglakad. Na-shock ako. Naisip ko nalang baka umangkas siya ng jeep. Hanep lang, ambilis. Maaaring wala siyang inuubos na oras o baka nagte-teleport or dumaan siya sa imburnal. We don’t know.

Kung tutuusin, kung si WS ay lilinisan sa banyo at gagastusan ng malaki sa ‘Flawless clinic’, magmumukhang siyang artistahin. Medyo hawig niya ng konti si CarrotMan. Siguro nga’y nangitim lang siya gawa ng babad palagi sa tirik na araw. Ang pagkakilala ko sa kanya, hindi siya nanlilimos ng pera/barya  o nanghihingi ng pagkain kung kani-kanino. Di ko man siya nababantayan siyete bente kwarto, pero alam ko kahit ganun ang kalagayan niya, makikita mo sa kanya na alam niya ang responsibilidad niya bilang tao.

Wala akong napansin sa kanyang nagreklamo siya sa ginagawa niya. O nantrip ng mga bata at nanakit ng ibang tao. Mabait siyang tao.

Tanging paglilinis lang ng kalsada at pag-upo sa gilid ang palagi kong nakikita sa kanya. Minamasdan ko siya ng maigi, ‘wala akong type sa kanya, mga tsong’. Nakakatawa lang nung minsan may dumaan na truck ng basura, bigla siyang karipas ng takbo at sumabit sa truck. Habang ang mismong nangungulekto ng basura ng truck ay napahinto sa kanya dahil bigla siyang umangkas sa truck na iyon. Tawa ako ng tawa kasi, ang saya niyang umakyat sa truck. Lahat ng nakakita sa kanya ay nagulat sa eksenang ginawa niya. Itinataas niya pa ng kanyang kaliwang kamay. Siguro sinasabi niya

“Whoah, level up na ang mga basura ko, malaya na ako”. Maaaring ganun lang naman.

Ang tanong ko lang sa sarili ko, kailan kaya siya titigil sa kanyang ginagawa(sa pangangalakal)? Parang hindi siya napapagod kasi. Wala siyang pake sa mundo kung may mali o may kakaibang amoy siyang nagagawa basta parang nakaugalian na niya ang paglilinis noong bata pa siya kaya itinutuloy nalang niya ito ngayon. Sobrang sipag niya. Alam ko sa kanyang mga napulot na basura, pinipili niya lang ang mapapakinabangan o may commodity para maibenta sa junk shop. Alam kong dun siya mabubuhay. Kaya saludo din ako sa diskarte niya.

Maaari kaya siyang maging matagumpay  or maging mayaman siya sa ginagawa niya na yun? Halos buong araw din siyang kumakayod eh.

Kung tunay nga talagang kailangan ng 10,000 hours para ma-master mo ang isang bagay, edi si ‘WS’ ay masteral na sa larangan ng ‘nabubulok at di nabubulok’. Sobrang lapit na niya sa success kung di niyo pa napansin. Kung mayroon lang akong kumpanyang naitayo, di ako magdadalawang-isip na kunin siya. Gusto ko siyang maging part ng team ko. Gagawin ko siyang ‘Head Chief Janitor’. Buti pa siya, di napapagod sa trabahong ginagawa niya. Mahal niya kaya ang ginagawa niya o baka naman napipilitan lang ito? Di naman siguro. Kailan siya hihinto? Kapag wala ng basura? Kapag marami na siyang mapulot? Minsan siguro nakakatanggap din siya ng rejection sa ibang kalakal. May napulot siya pero hindi pala ito kalakal.

Ready na kaya ang mundo na biyayaan siya ng gantimpala? Malaki rin ang ambag niya  sa earth na to kung mamarapatin. Kung wala ang katulad niya, sino ang kukuha ng ating mga basura? Tambak tambak na naman ang basura naten.

Let’s dig a little deeper.

Parang sulat or blog  ko lang siya eh. Di ko naman inaasahan intindihin nila ang mga pinagsususulat ko. Kaya di ko din alam kung saan ba ang direksyon ng mga sinusulat ko. Haha Basta sinasabi ko nalang sa sarili ko ngayon,

“ngayon may isusulat ako”.

Ang alam ko, may matutulungan akong tao sa ginagawa kong to.

Sa bawat sulat na nililikha ko. Sa una parang basura lang. Pero habang tumatagay mas lalo itong nagiging rigid. Tumitibay ang ideyang nabubuo. Yung unang idea na nabuo. Mapapasukan pa ng pangatlo at pang apat na kaisipan para mabuo ang design. Parang recycle lang din ng basura. Pero mapapakinabangan.

Parang si WS din ako. Di ako hihinto kahit na anong mangyari. Itataas ko rin ang aking mga kamay kapag naabot ko na lahat ng pangarap ko. Simbolo ng pasasalamat sa itaas na tagumpay. Hinding hindi ako hihinto. Hindi hindi ako lilisya. Walang reklamo. Pursigido ako sa ginagawa ko. Manipis man ang sulat ko gaya ng waling tingting na gamit niya. Isusulat ko parin ang gusto kong isulat.

Monday, March 14, 2016

IPANALO ANG PAMILYANG PILIPINO. CHIKAHIN MO.


As usual, simula lunes hanggang sabado, gigising na naman ako neto ng kulang sa borlog. Atar talaga, kahit agahan ko ang borlog ko sa gabi, nahihirapan palagi akong bumangon sa kama. Nauubos na ata ang testosterone ko sa katawan. Haha This is totally fuckwit. But atleast, nagigising naman ako. Buhay ako. 

Ayy wait, mai-kwento ko  pala ang naging intrega ko kanina sa bus. 

May nakatabi akong isang di-katandaang lalaki. Bawat minuto, walang kilos na hindi siya i-iling o gagalaw ang kanyang ulo. Muntikan ko ng mapagpakamalan siyang si ‘Stevie Wonder’. Katuwa si koya. Hindi ko alam kung may nagtu-twerk  sa loob ng kanyang brain o mannerism niya lang talaga yun. Sa iba’t ibang oras ng galaw niya, di mo mage-gets kung ano ang kanyang ipinapahiwatig. Anyways, 

Tapos ayun, una, para di ako ma-distract sa dance craze niya, nakisabay na lang ako sa kanya. Napa-wave to the left wave to the right dance ang ulo ko  to the point na di niya ko mapapansin. Katakot din si manong eh, mukhang pipigain niya ako kapag kumilos ako ng di maganda. Buti nalang, nagkaroon ako ng ideya kanina. Tutal naman, style ko naman minsan ang mang-echos para magtanong kung saan bababa ang bus naming sinasakyan. Kukulitin ko nalang siya ng tanong para man lang may topic kame. Syempre. Naiwan ko headset ko. Naiwan ko rin sa bahay ang notebook ko. Lugi naman kasi ako sa kanya kung siya lang yung may trip. Diba? Dapat patas kame. 

Iniisip ko din,

“dapat ko ba kausapin to, magri-risk ba akong chumika dito?”. 

Ayoko naman siyang husgahan sa pananamit niya na pansundalo. At feel ko, mukha naman kakagat din si kuya sa ihahain kong pang-eechos. So, nag-go na ako. Sabi ko sa kanya “Kuya, pwede magtanong, sa carmona ba mismo ang baba ng bus nato, Binan po ba to? Sumagot naman si Kuya, 

“Diba sumakay ka dito sa bus na may nakalagay na sign na Binan? Bakit nagtatanong ka pa?”. 

Wow. Haha. Natawa ako. Soplak ako eh. Naisip ko “Oo nga naman, may point nga naman si kuya, ang obvious ng tanong ko eh. Pang unggoy yung tanong ko”. 
Siyempre hindi naman  ako nagpatinag. Kumalma ako ng konti. Inihanda ko na yung matulis ko sa bag. Hahaha (mahirap na). Tapos nagtanong ulit ako na medyo pangbwisit pa rin. Bumanat ulit ako ng 

“Ay ganun po ba, naniniwala po ba kayo sa kasabihang ‘ang di lumingon sa pinanggalingan ay walang paroroonan’, sagutin niyo po ng derecho yung tanong ko para makauwi na rin po kayo ng maaga”. 

Medyo na-shock si Duterte este si kuya. Umistop si kuya sa pag iling iling. Mukhang na-insulto ata sa pang asar kong tanong. Sumagot siya ulit 

“Anong sabi mo?”. 

Kaya agad na akong bumwelta. Delikado na baka dito palang sa bus matapos ang mission ko sa buhay. 

Sumagot kagad ako

“Hindi po,ahhm  ibig ko pong sabihin, may napapansin lang po ako sa pag galaw galaw ng ulo niyo. “ 
At nagtry na rin ako ng iba pang example. Para mailto si kuya.

“Ganyan din po kasi yung taga samen, parang mannerism niya po yang ganyan, pero ang galing nun magdrawing. Sobra”.  Sabi ko.

Nanalangin ako na sana, di siya magalet sa inintro kong kwento. Kapag naasar na talaga siya sa ginawa ko, tatanungin ko nalang siya sa malumanay na paraan, 

“May namatay na po ba sa ganyang mannerism. “

Hahaha biro lang po yun, di ko po sasabihin yun. Ngunit, naging maayos at chill lang naman ang sagot ni kuya sa akin. Inilahad niya sa akin ang istorya kung bakit nagkaroon siya ng ganung sakit. Ayoko siyang husgahan na baka nagdrugs siya noon, kasi may kakilala akong driver na ganun yung klase ng movement. Ayokong husgahan siya kasi kung titignan ko siya sa panlabas na kaanyuan, mukhang siyang maestro o professional. Kaya ayun, nai-kwento niya saken lahat. Di ko nalang babanggitin kung ano yun. Baka di niyo kayanin. Pero sige na nga, nagkaroon daw siya ng malubhang sakit. 
(Ni-rape daw siya ng oso). JOKE

Sorry kung di ko inintindi ng maayos kung anong sakit iyon pero ‘during’ daw iyon ng trabaho niya. And nagcontinue na siya sa pag iling iling. Pero di po siya na-rape ah. haha

Epic ang kwentuhan namen kanina, natuto nga akong makinig eh. Di katulad nung UP student diyan. Talagang pinakinggan ko siya ng matino. Parang ayoko na ngang sumabat , kasi sobrang may laman at may sense ang mga sinasabi niya sa akin. Haha Gusto ko yung part na ginawa niya saken yung napalingon ako ng sandali sa likuran, kasi may dumaan sa gitna habang nagku-kwento siya, sabay ba namang niyang kinalabit ako at sinabing 

“makinig ka saken, oy makinig ka saken,”. 

Nakakatuwa kasi hinila niya pa talaga ang balikat ko para bumalik lang sa pakikinig sa kanya. Tuloy tuloy siya magkwento, walang perno. At yun, sa loob loob ko naman,” lumingon lang ako eh, di naman ako nawala sa piling mo”. Atat ka kuya ah. haha

Ang saya ng naging experience ko ngayon umaga ng Tuesday. May naiwan man akong mahalagang gamit sa bahay na alam kong makakapag-pasaya sa aking umaga, pero napalitan naman ito ng masayang experience ko ngayon.

Natutunan ko lang. Mahalaga pala talaga ang makipag-usap sa di kakilalang tao. Diba sabi sa atin ng ating mga magulang, (lalo na kaming mga mayayaman) Charot. Diba ang payo nila, huwag makikipag usap sa di kakilalang tao. Pero ngayon, nag- iba na ang aking pananaw sa bagay-bagay. Mas na-appreciate ko yung pakikipag usap sa di ka-close na tao. 

At saka pa, araw araw akong pumapasok sa trabaho papuntang Carmona at uuwi ng Pasay. Inaabot ako minsan ng ‘45 minutes’ sa biyahe. Naisip ko lang paano kaya kung magkaroon ng batas o kultura tayo na kapag trapik, eh required ang lahat ng nasa loob ng jeep, mrt, bus o kung anu anung sasakyan na makipagchikahan ang bawat isa sa kanyang katabi. Anumang gender nito.  Nakita niyo po ba yung idea? Tingin ko magandang habit to. Ang dami kong nakitang benefits. Ito ang ilan sa mga yun. Try kong i-explain sa inyo ng matino. Dali.


1. Bawas Stress
Magandang adhikain to para sa lahat. Yung tipong badtrip ka kanina sa boss mo tapos uuwi ka, at pagdating mo sa bus, lahat ng tao ay nakita mong nagdadaldalan sa bus. Ang saya diba. Di sila magkakakilala. Kapag naki-join ka. Di mo man natanong ang name ng katabi mo, malay mo siya naman yung isang milyonaryong tao na sawang-sawa na sa pera at ibibigay niya na lang daw sayo. Sample lang naman yun e, eh paano kung ganun ang mangyari. Edi sulit ang paghihintay mo sa trapik. Naging milyonaryo ka na. Ibinigay niya pa ang kanyang last will of testament sa iyo. Wala ka ng stress sa trapik. Rich kid ka pa. 



2. Instant Problem Solving Serye.
Kung sakali ngang may batas na sinusuportahan ang pakikipagchikahan sa di kakilalang tao. Kung natupad at masusunod ito. At nagtanong sayo yung babaeng nasa jeep na iniwan ng kanyang boyfriend kasi niloko, ginamit, sinamantala, inabuso, pinaglaruan, binaboy siya nito at ikaw ang nakatadhanang sumagot sa mga katanungan niya kung bakit nangyari sa kanya iyon. Bwenas ka pa. Nakatulong ka pa sa ibang tao. Magkakajowa ka pa kung sakali.

3. Romantic On-Call Doctor
Paano kung may batas nga na ganito. Habang naghihintay kayo sa pila ng Cd-r king tapos kinausap ka ni ate sa kanyang malubhang karamdaman. Sinabi niya na bago siya ma-tegi at bago niya iwan tong magulong earth na to, gusto niya makatikim man lang ng napakatamis na kiss sa isang lalaki. Oh eh di, di na nakaka-imbiyerna pumila sa Cd-r king. Ang ganda ng mga possibilities ko diba. Kung meron lang talagang batas or sabihin na nating may kultura ang mga pinoy na dapat kausapin at dapat magmalasakit sa ating katabi, nakikita kong ang ganda-ganda at ang saya ng paligid. Sa biyahe palang may ‘check-up’ ka na. 

4. Iwas Bisyo
Kung sakaling may politikong mag-approve ng ‘pinaglalabang kong idea’, mababawasan ang bilang ng mga sigarilyo. Halimbawa, ngayon ang oras upang mag usap-usap sa katabi, eh nagkataon namang yung nakatapat mo ay malandi, maharot at karengkeng, tapos buong maghapon kayong naglandian sa Smoking area. Wala ka ng yosi, nagsawa ka na sa yosi pero tuloy pa rin kayo sa landian niyo. Eh di nakaiwas ka nga sa bisyo, na-exercise pa ang bibig niyo sa pagsasalita. 

5. Hate Late? Wala yan
Ikaw ba maiisip mo pa bang ma-ngamba at ma-stress kapag late ka na sa meeting niyo sa trabaho kung nakita mo yung buong pasahero ng bus, nagku-kwentuhan, nagtatawanan, naghaharutan, pinag uusapan yung kung sino pa ang virgin sa kanila at nalaman mo na yung katabi mo pala ay kalugar din ninyo. Tunay nga talagang lumiliit ang mundo kapag nailalaan natin ang oras natin sa mahahalagang bagay imbes na magworry sa di natin alam na paparating. Di mo mararamdaman ang “pain” ng pagiging ‘late sa opisina’. Sermunan ka man ng boss mo, pagtapos nun, may maiku-kwento kang mas masayang eksena mo sa kaworkmate mo pagtapos.

6. Realizing “Kapwa ko, mahal ko.”
Kung ang lahat ay may kakaibang hugot na dinadala sa buhay. Mararamdaman nating lahat pala ng tao ay nangangailangan ng care at kwentuhan. Ang maglabas kayo ng kanya kanyang hugot sa buhay sa isa’t isa ay nakakagaan ng pakiramdam. 
Kung isa ka namang estudyante at naka-kwentuhan mo yung prof mo sa MRT, at ikaw ang unang nakaalam na wala kayong class sa subject niya. Sarap nun.  Tiyak. Direcho ka kagad sa computeran. Di mo nalang sinabi sa ibang kaklase.
Kung makikialam tayo sa surroundings at subukan maging ma-kuda, kapag nalaman natin ang kwento ng buhay ng iba, malalaman natin ang meaning ng living.




7. Savior ka pa
Kung sakaling yung katabi mo, gusto ng magbikti dahil naaktuhan niyang nakikipagsiping ang kanyang asawa sa iba at gusto na nitong magbikti ngunit mayroon tayong  kultura na dapat makipagkwentuhan saglit sa katabi. Tyumempo pang nagsilbi kang shoulder to cry on ni ate at nailabas niya ang kanyang nararamdaman sa iyo. Yung kaninang gusto na niyang magbikti, ngayon binabawi na niya kasi na-realize niyang may nagmamahal pa pala sa kanyang mukhang matino. At ikaw yun, ikaw na kumausap sa kanya. Pinakinggan mo siya. Nagbigay ka ng payo. Yun na yun. Lakas ng loob at tibay ng mukha lang ang weapon mo. 

8. Philippines is the new happy country
Kadalasan ang iniisip natin, lalo na dito sa Pilipinas kapag kinausap ka ng di mo kakilala, ang impresyon ng iba kung hindi hokage yan o may masamang balak yan. Oo normal naman na di magtiwala sa kagad sa ibang tao ngunit ang punto ko, makulay ang buhay kung nagkakaroon tayo ng komunikasyon sa mga taong hindi nating kakilala lalo na kung sisimulan natin sa ating bansa. 

9. OverActing Waiting Dating
Alam mo naman tayong mga pinoy, nakita lang nating kumakaen din si James Reid sa Jollibee, ipagkakalat na nating nakatabi natin si James Reid. Kahit hindi naman. Ine-exagge minsan ang kwento. Kaya kung nagkwentuhan kayo ng katabi mo habang naghihintay sa cashier, parehas kayong oa magkwento,  I think maganda yun. Lukso ng dugo yan. Nananalantay sa inyo ang dugong maarte.

10. Lumalawak ang ating World View
Maiintindihan nating lahat na masarap palang makipag usap sa di nating kakilala kaysa sa kakilala. Bagong kwento. Bagong mundo.

11. Ma-reject ka man
Beastmode man ang kausap mo ngayon, mage-gets mo habang tumatagal kung paano mag-approach sa tao. Pa-improve ng paimprove ang pagsasalita natin sa ibang tao. 

12. Sharing corny jokes makes the world go round
Aminin mo, kahit korni ang joke na binato nila sayo. Mapapangiti ka pa rin. Imbis na magheadset ka. Matatawa ka nalang sa baduy na sinabi kanina ng katabi mo. Kung magkukwentuhan kayo. Just try it. Imagine mo kung lahat kayo corny. Mas nakakatawa.

13. Part ka ng Success Story ng iba
Ang makausap yung taong sasakbak mamaya sa quiz bee or competition at nalaman mong nanalo ito. Ibang klase iyon. At nagbigay ka ng mga konting quotes para sa kanya bago ang lahat. Nag bigay ka ng advice and coaching. Sa ganun, naging parte ka na rin ng tagumpay niya kung nagka-kwentuhan kayo tungkol sa kanyang laban.

Kung sakali mang magselos ang inyong nobya o asawa sa pakikipagkwentuhan sa inyong katabi, Iwanan niyo na kagad yan. Joke. 

Hindi naman ako nag-uutos sa isang robot. Kung sakali lang naman lahat ng ito. Noon din naman, mahiyain ako ng konti sa mga tao. Dati kasi akong cpalaypay eh.  Haha joke

Ngayon ko lang natutunan ang lahat ng ito. Kung mayroon man ganitong attitude sa ibang bansa. Try ko pumunta dun. Ako naman eh, nais ko lang naman maging patag ang mundo. Maging masaya tayong lahat. Hindi na nating kailangan ng entertainment shows. Kung may kaugalian ang lahat na magmalasakit sa kasama, masaya at may katatawanang mapupulot sa ating mga nakakahalobilo. Ito ang aking Mabuting balita. 

Saludo ako sa pagiging masayahin ng mga Pilipino sa kabila ng pagiging palatawa sa gitna ng problema. Ngunit para sa aking sariling pananaw, maaaring kulang pa yun. Dagdagan pa nating ng konting recipe na kikiliti sa ating mga tiyan at tataba sa ating mga utak. At ito’y babago not in our single day but for the rest of our lives.