Hindi ka totoong ‘Dugong Pinoy’ kung hindi mo alam ang matunog noon na larong ‘piko’. Ito ang isa sa pinakasikat na laro sa Pilipinas. Marahil
ay naabutan mo nalang ang games sa ipad, android at etcetera. Hindi ka tunay na
Pinoy kung ganoon lang din. Dugong banyaga ang nanalantay sayo. Dugo ni Steve
Jobs ang sumalba at nagmulat sayo.
Iku-kwento ko lang senyo ang istorya ng dalawang
magkaibigang naglalaro palagi ng ‘piko’. Ang larong ito ay pu-pwedeng sa dalawa
hanggang walong manlalaro. Lalaki man o babae. Mayroon dibisyon ang bawat hahakbangan sa lupa o
sahig. Minsan itoy nakasulat sa chalk o sa permanenteng pintura. Kailangan
makabalik ang manlalaro sa lahat ng hinakbangan na may dalang balat ng saging.
Ang kwentong ito ay naganap sa pagitan ng dalawang magkaibigan
na ang nais ay maglaro at manalo. Sila’y mahilig maglaro ng piko tuwing hapon
sa kanilang kalsada. Walang sinuman ang nagtatangkang sumali sa kanilang laro dahil
silang dalawa lang naman ang nakakaalam ng rules sa kanilang laro. At saka ipinagbawal din kasi ng kanilang mga magulang ang maglaro sa ibang bata ng baril-barilan at
wrestling na minsa’y humahantong ito sa sakitan. Kaya ito nalang ang pinili
nila, ang larong 'Piko'.
Si Dodong ang may hawak na maraming balat ng saging at si
Nonoy naman ang may tanging iisa ang
dalang balat ng saging.
Sa kalsada…
Nonoy: Game Dong, laro ulit tayo!
Dodong: Sige ba!
Dodong: Ikaw na ang magsulat sa lapag, ikaw ang nag-aya eh.
Nonoy Wow, ikaw na nga tong inaya ko. Ayoko pa ang nautosan.
Hiyang hiya naman ako.
Dodong: Wag ka na umangal. Sige na.
Sinimulan nalang ni Nonoy ang mag-guhit sa lapag. Nagsukat at nagbilang.
Ang balat ng saging ang nagsisilbing pananda kung saan sila
dapat tumapak. Kumbaga, ito ang magiging marker mo kung saan mo gusto pumunta
na pwesto. Sila mismo ang maglalagay o magbabato ng balat na ito at doon sila
aapak. Mayroon walong hakbang para makapunta sa dulo at mayroon ding walong
hakbang para makabalik sa simula. Sa loob nito, dapat maglalagay ng balat ng
saging o pamato ang manlalaro para makapunta roon.
Nonoy: Ano Dong, anim ba o gawin ko ng walong hakbang?
Dodong: Gawin mo ng walo. Kayang-kaya ko naman yan eh.
Sisiw.
Tapos ng guhitan ni Nonoy ang kanilang paglalaruan. Nasa
tamang sukat at bilang ang mga ito.
Naunang naglaro si Nonoy. Sabi niya.
“Oh, Una na ako, iisa lang naman ang dala kong pamato eh.
Ikaw marami.”
Sumagot naman si Dodong
“Ikaw bahala, yan lang ang mararating mo. haha”. Patawang
sagot ni Dodong.
Tanging isa lang ang dalang pamato ni Nonoy, hindi dahil wala
na siyang mahanap na ibang pamato kundi mas sanay siya sa isang pamato lamang
na dala-dala. Ngunit hindi siya nangangamba. Ang gusto niya lang naman ay
makapunta ng dulo at makabalik.
Nonoy: Okay! Magsimula na ako!
Tinanggal ang tsinelas at humanda na sa paglundag.
Ibinato niya sa malapit ang kanyang balat , iniligay niya
ito sa pangalawang hakbang upang mas madali niya tong makuha at maabot.
Humirit naman si Dodong
“Ang la-lapit naman ng mga nilalagay mo, matagal tayong matatapos
niyan.”
Hindi pinakinggan ni Nonoy ang pang-gugulo ni Dodong.
Itinuloy niya lang ang kanyang paglalaro.
Dinampot niya ito at iniligay muli sa paniwabagong hakbang
ang mga balat. Ito ngayon ay sa pang apat.
Bawat hakbang na napupuntahan niya ay mayroon naman itong
kalakip na pagsasayaw o pagsasaya. Upang siguro’y sa ganun, anumang sabihin ni
Dodong sa kanya, hindi siya masira sa paglalaro. Binabanggit niya pa palagi ang
salitang “YES” sa tuwing may nahahakbangan ito.
Dinampot niya ang pamato at naglagay muli ng medyo malapit, nagbato
siya muli sa pangpitong hakbang, kung susumahin, lumalabas na tatlong hakbang
ang nadagdag. Alam niya naman maabot niya ito. Kaya itinuloy niya pa rin.
Dodong: Ang tagal mo naman Noy. Para kang pagong eh.
Nonoy: Wag kang magulo diyan. Manood ka nalang Dong.
Tawa lang si Dodong.
Hanggang sa matapos na si Nonoy at naabot ang dulo. Nakabalik
siya mula sa simula ng paunti unting hakbang. Bakas sa mukha ni Nonoy ang
sobrang kagalakan sa natapos niya. Tumalon talon siya sa tagumpay.
Sambit ni Dodong “Hay sa wakas, natapos din.”
Si Dodong naman ang sumunod.
Dodong: Tignan mo ko ah. Pagsasabay sabayin ko yang mga
mapato.
Marami siyang hawak na pamato. Alam niya sa sarili niyang marami
siyang mapupuntahan kasi marami siyang pamato kaysa kay Nonoy.
Ibinato niya ang kanyang unang pamato sa panglima kagad.
Nung lumundag na si Dodong, nailundag niya ang kanyang mga paa ngunit ito ay
tumama o naiapak sa linya. Samakatuwid, hindi pasok sa laro ang kanyang hakbang.
Humingi siya ng isa pang pagkakataon kay Nonoy sabi nya: “Ay wait, isa pa, testing palang iyon.” Natawa
din siya sa kanyang sariling pagkakamali.
Pumayag naman si Nonoy at pinaulit si Dodong. Inilagay ni
Dodong ang kanyang pamato sa pang apat.
Nonoy: “Oh pang apat na yan ah. Kayang kaya mo na yan.”
Ito’y pagbibigay ng lakas para kay Dodong.
Nang hinakbang na ni Dodong ang kanyang mga paa at inabot
ang pang apat. Ito ay natalisod. Napahiga siya sa lapag at parang kinukuryente
ang kanyang mga paa.
Dali daling inalalayan siya ni Nonoy. Hinawakan niya ito at
pinagpahinga muna saglit.
Natalo sa round na iyon si Dodong. Mga ilang minuto lang.
Nawala ang pangingirot ng kanyang mga paa.
Tumayo ng kaunti si Dodong. Bumwelo. Kaya’t sumubok muli siya. Sinubukan niyang malapit
lang pero dahil nga sa dami niyang hawak. Binato niya nalang lahat ng hawak niyang
pamato. Mayroon siyang inilagay sa pangalawang hakbang , sa pangatlo at sa pang
apat. Balak niyang unahing lundagan ang pangatlo
at kunin nalang ang pamato sa pangalawa at pang apat
Nonoy: Ano Dong, kaya mo pa ba talaga? Sigurado ka? Baka
mapano ka ulit.
Dodong: Kaya ko to.
Nonoy: Tulungan kita?
Dodong: Kaya ko to mag isa. Di ko kailangan ng tulong mo.
Mainit na ang ulo ni Dodong.
Sa huling pagkakataon.
Nagtagumpay naman siya sa pangatlong hakbang ngunit nung
kukunin na niya ang pamato sa kanyang likuran, ay biglang sumakit ang kanyang
likod at napahiga muli si Dodong.
Nonoy: “Oh anong nangyari sayo?“ Gulat at takot ni Nonoy sa
nangyari.
Dodong: “Ang sakit noooooy, tulungan mo ko, uuurrrhg.”
Pamimilipit sa sakit ni Dodong.
Lesson: Walang pinagkaiba ang buhay ni Dodong sa buhay ko.
Naligaw ako. Naguluhan ako. Nataranta . Nagmadali ako. Nagyabang ako sa mga
nangyari. Nakalimutan kong panghawakan ang mga dapat kong abutin. Kaya sa
huling pagkakataon, kung maglalagay ako ng goal, dapat realistic at hindi
marami. Hindi ko pagsasabay sabayin. Hindi mahalaga na marami akong dala-dalang
inpormasyon upang maaabot ko ang isang bagay. Kailangan ko lang pala ng tapang,
lakas ng loob at determinasyon sa kung sino ako at kung ano ang mayroon ako. At
ang pinakamahalaga, ay ang wag bitawan ang nasimulan kong pangarap.
No comments:
Post a Comment