As usual, simula lunes hanggang sabado, gigising na naman ako neto ng kulang sa borlog. Atar talaga, kahit agahan ko ang borlog ko sa gabi, nahihirapan palagi akong bumangon sa kama. Nauubos na ata ang testosterone ko sa katawan. Haha This is totally fuckwit. But atleast, nagigising naman ako. Buhay ako.
Ayy wait, mai-kwento ko pala ang naging intrega ko kanina sa bus.
May nakatabi akong isang di-katandaang lalaki. Bawat minuto, walang kilos na hindi siya i-iling o gagalaw ang kanyang ulo. Muntikan ko ng mapagpakamalan siyang si ‘Stevie Wonder’. Katuwa si koya. Hindi ko alam kung may nagtu-twerk sa loob ng kanyang brain o mannerism niya lang talaga yun. Sa iba’t ibang oras ng galaw niya, di mo mage-gets kung ano ang kanyang ipinapahiwatig. Anyways,
Tapos ayun, una, para di ako ma-distract sa dance craze niya, nakisabay na lang ako sa kanya. Napa-wave to the left wave to the right dance ang ulo ko to the point na di niya ko mapapansin. Katakot din si manong eh, mukhang pipigain niya ako kapag kumilos ako ng di maganda. Buti nalang, nagkaroon ako ng ideya kanina. Tutal naman, style ko naman minsan ang mang-echos para magtanong kung saan bababa ang bus naming sinasakyan. Kukulitin ko nalang siya ng tanong para man lang may topic kame. Syempre. Naiwan ko headset ko. Naiwan ko rin sa bahay ang notebook ko. Lugi naman kasi ako sa kanya kung siya lang yung may trip. Diba? Dapat patas kame.
Iniisip ko din,
“dapat ko ba kausapin to, magri-risk ba akong chumika dito?”.
Ayoko naman siyang husgahan sa pananamit niya na pansundalo. At feel ko, mukha naman kakagat din si kuya sa ihahain kong pang-eechos. So, nag-go na ako. Sabi ko sa kanya “Kuya, pwede magtanong, sa carmona ba mismo ang baba ng bus nato, Binan po ba to? Sumagot naman si Kuya,
“Diba sumakay ka dito sa bus na may nakalagay na sign na Binan? Bakit nagtatanong ka pa?”.
Wow. Haha. Natawa ako. Soplak ako eh. Naisip ko “Oo nga naman, may point nga naman si kuya, ang obvious ng tanong ko eh. Pang unggoy yung tanong ko”.
Siyempre hindi naman ako nagpatinag. Kumalma ako ng konti. Inihanda ko na yung matulis ko sa bag. Hahaha (mahirap na). Tapos nagtanong ulit ako na medyo pangbwisit pa rin. Bumanat ulit ako ng
“Ay ganun po ba, naniniwala po ba kayo sa kasabihang ‘ang di lumingon sa pinanggalingan ay walang paroroonan’, sagutin niyo po ng derecho yung tanong ko para makauwi na rin po kayo ng maaga”.
Medyo na-shock si Duterte este si kuya. Umistop si kuya sa pag iling iling. Mukhang na-insulto ata sa pang asar kong tanong. Sumagot siya ulit
“Anong sabi mo?”.
Kaya agad na akong bumwelta. Delikado na baka dito palang sa bus matapos ang mission ko sa buhay.
Sumagot kagad ako
“Hindi po,ahhm ibig ko pong sabihin, may napapansin lang po ako sa pag galaw galaw ng ulo niyo. “
At nagtry na rin ako ng iba pang example. Para mailto si kuya.
“Ganyan din po kasi yung taga samen, parang mannerism niya po yang ganyan, pero ang galing nun magdrawing. Sobra”. Sabi ko.
Nanalangin ako na sana, di siya magalet sa inintro kong kwento. Kapag naasar na talaga siya sa ginawa ko, tatanungin ko nalang siya sa malumanay na paraan,
“May namatay na po ba sa ganyang mannerism. “
Hahaha biro lang po yun, di ko po sasabihin yun. Ngunit, naging maayos at chill lang naman ang sagot ni kuya sa akin. Inilahad niya sa akin ang istorya kung bakit nagkaroon siya ng ganung sakit. Ayoko siyang husgahan na baka nagdrugs siya noon, kasi may kakilala akong driver na ganun yung klase ng movement. Ayokong husgahan siya kasi kung titignan ko siya sa panlabas na kaanyuan, mukhang siyang maestro o professional. Kaya ayun, nai-kwento niya saken lahat. Di ko nalang babanggitin kung ano yun. Baka di niyo kayanin. Pero sige na nga, nagkaroon daw siya ng malubhang sakit.
(Ni-rape daw siya ng oso). JOKE
Sorry kung di ko inintindi ng maayos kung anong sakit iyon pero ‘during’ daw iyon ng trabaho niya. And nagcontinue na siya sa pag iling iling. Pero di po siya na-rape ah. haha
Epic ang kwentuhan namen kanina, natuto nga akong makinig eh. Di katulad nung UP student diyan. Talagang pinakinggan ko siya ng matino. Parang ayoko na ngang sumabat , kasi sobrang may laman at may sense ang mga sinasabi niya sa akin. Haha Gusto ko yung part na ginawa niya saken yung napalingon ako ng sandali sa likuran, kasi may dumaan sa gitna habang nagku-kwento siya, sabay ba namang niyang kinalabit ako at sinabing
“makinig ka saken, oy makinig ka saken,”.
Nakakatuwa kasi hinila niya pa talaga ang balikat ko para bumalik lang sa pakikinig sa kanya. Tuloy tuloy siya magkwento, walang perno. At yun, sa loob loob ko naman,” lumingon lang ako eh, di naman ako nawala sa piling mo”. Atat ka kuya ah. haha
Ang saya ng naging experience ko ngayon umaga ng Tuesday. May naiwan man akong mahalagang gamit sa bahay na alam kong makakapag-pasaya sa aking umaga, pero napalitan naman ito ng masayang experience ko ngayon.
Natutunan ko lang. Mahalaga pala talaga ang makipag-usap sa di kakilalang tao. Diba sabi sa atin ng ating mga magulang, (lalo na kaming mga mayayaman) Charot. Diba ang payo nila, huwag makikipag usap sa di kakilalang tao. Pero ngayon, nag- iba na ang aking pananaw sa bagay-bagay. Mas na-appreciate ko yung pakikipag usap sa di ka-close na tao.
At saka pa, araw araw akong pumapasok sa trabaho papuntang Carmona at uuwi ng Pasay. Inaabot ako minsan ng ‘45 minutes’ sa biyahe. Naisip ko lang paano kaya kung magkaroon ng batas o kultura tayo na kapag trapik, eh required ang lahat ng nasa loob ng jeep, mrt, bus o kung anu anung sasakyan na makipagchikahan ang bawat isa sa kanyang katabi. Anumang gender nito. Nakita niyo po ba yung idea? Tingin ko magandang habit to. Ang dami kong nakitang benefits. Ito ang ilan sa mga yun. Try kong i-explain sa inyo ng matino. Dali.
1. Bawas Stress
Magandang adhikain to para sa lahat. Yung tipong badtrip ka kanina sa boss mo tapos uuwi ka, at pagdating mo sa bus, lahat ng tao ay nakita mong nagdadaldalan sa bus. Ang saya diba. Di sila magkakakilala. Kapag naki-join ka. Di mo man natanong ang name ng katabi mo, malay mo siya naman yung isang milyonaryong tao na sawang-sawa na sa pera at ibibigay niya na lang daw sayo. Sample lang naman yun e, eh paano kung ganun ang mangyari. Edi sulit ang paghihintay mo sa trapik. Naging milyonaryo ka na. Ibinigay niya pa ang kanyang last will of testament sa iyo. Wala ka ng stress sa trapik. Rich kid ka pa.
2. Instant Problem Solving Serye.
Kung sakali ngang may batas na sinusuportahan ang pakikipagchikahan sa di kakilalang tao. Kung natupad at masusunod ito. At nagtanong sayo yung babaeng nasa jeep na iniwan ng kanyang boyfriend kasi niloko, ginamit, sinamantala, inabuso, pinaglaruan, binaboy siya nito at ikaw ang nakatadhanang sumagot sa mga katanungan niya kung bakit nangyari sa kanya iyon. Bwenas ka pa. Nakatulong ka pa sa ibang tao. Magkakajowa ka pa kung sakali.
3. Romantic On-Call Doctor
Paano kung may batas nga na ganito. Habang naghihintay kayo sa pila ng Cd-r king tapos kinausap ka ni ate sa kanyang malubhang karamdaman. Sinabi niya na bago siya ma-tegi at bago niya iwan tong magulong earth na to, gusto niya makatikim man lang ng napakatamis na kiss sa isang lalaki. Oh eh di, di na nakaka-imbiyerna pumila sa Cd-r king. Ang ganda ng mga possibilities ko diba. Kung meron lang talagang batas or sabihin na nating may kultura ang mga pinoy na dapat kausapin at dapat magmalasakit sa ating katabi, nakikita kong ang ganda-ganda at ang saya ng paligid. Sa biyahe palang may ‘check-up’ ka na.
4. Iwas Bisyo
Kung sakaling may politikong mag-approve ng ‘pinaglalabang kong idea’, mababawasan ang bilang ng mga sigarilyo. Halimbawa, ngayon ang oras upang mag usap-usap sa katabi, eh nagkataon namang yung nakatapat mo ay malandi, maharot at karengkeng, tapos buong maghapon kayong naglandian sa Smoking area. Wala ka ng yosi, nagsawa ka na sa yosi pero tuloy pa rin kayo sa landian niyo. Eh di nakaiwas ka nga sa bisyo, na-exercise pa ang bibig niyo sa pagsasalita.
5. Hate Late? Wala yan
Ikaw ba maiisip mo pa bang ma-ngamba at ma-stress kapag late ka na sa meeting niyo sa trabaho kung nakita mo yung buong pasahero ng bus, nagku-kwentuhan, nagtatawanan, naghaharutan, pinag uusapan yung kung sino pa ang virgin sa kanila at nalaman mo na yung katabi mo pala ay kalugar din ninyo. Tunay nga talagang lumiliit ang mundo kapag nailalaan natin ang oras natin sa mahahalagang bagay imbes na magworry sa di natin alam na paparating. Di mo mararamdaman ang “pain” ng pagiging ‘late sa opisina’. Sermunan ka man ng boss mo, pagtapos nun, may maiku-kwento kang mas masayang eksena mo sa kaworkmate mo pagtapos.
6. Realizing “Kapwa ko, mahal ko.”
Kung ang lahat ay may kakaibang hugot na dinadala sa buhay. Mararamdaman nating lahat pala ng tao ay nangangailangan ng care at kwentuhan. Ang maglabas kayo ng kanya kanyang hugot sa buhay sa isa’t isa ay nakakagaan ng pakiramdam.
Kung isa ka namang estudyante at naka-kwentuhan mo yung prof mo sa MRT, at ikaw ang unang nakaalam na wala kayong class sa subject niya. Sarap nun. Tiyak. Direcho ka kagad sa computeran. Di mo nalang sinabi sa ibang kaklase.
Kung makikialam tayo sa surroundings at subukan maging ma-kuda, kapag nalaman natin ang kwento ng buhay ng iba, malalaman natin ang meaning ng living.
7. Savior ka pa
Kung sakaling yung katabi mo, gusto ng magbikti dahil naaktuhan niyang nakikipagsiping ang kanyang asawa sa iba at gusto na nitong magbikti ngunit mayroon tayong kultura na dapat makipagkwentuhan saglit sa katabi. Tyumempo pang nagsilbi kang shoulder to cry on ni ate at nailabas niya ang kanyang nararamdaman sa iyo. Yung kaninang gusto na niyang magbikti, ngayon binabawi na niya kasi na-realize niyang may nagmamahal pa pala sa kanyang mukhang matino. At ikaw yun, ikaw na kumausap sa kanya. Pinakinggan mo siya. Nagbigay ka ng payo. Yun na yun. Lakas ng loob at tibay ng mukha lang ang weapon mo.
8. Philippines is the new happy country
Kadalasan ang iniisip natin, lalo na dito sa Pilipinas kapag kinausap ka ng di mo kakilala, ang impresyon ng iba kung hindi hokage yan o may masamang balak yan. Oo normal naman na di magtiwala sa kagad sa ibang tao ngunit ang punto ko, makulay ang buhay kung nagkakaroon tayo ng komunikasyon sa mga taong hindi nating kakilala lalo na kung sisimulan natin sa ating bansa.
9. OverActing Waiting Dating
Alam mo naman tayong mga pinoy, nakita lang nating kumakaen din si James Reid sa Jollibee, ipagkakalat na nating nakatabi natin si James Reid. Kahit hindi naman. Ine-exagge minsan ang kwento. Kaya kung nagkwentuhan kayo ng katabi mo habang naghihintay sa cashier, parehas kayong oa magkwento, I think maganda yun. Lukso ng dugo yan. Nananalantay sa inyo ang dugong maarte.
10. Lumalawak ang ating World View
Maiintindihan nating lahat na masarap palang makipag usap sa di nating kakilala kaysa sa kakilala. Bagong kwento. Bagong mundo.
11. Ma-reject ka man
Beastmode man ang kausap mo ngayon, mage-gets mo habang tumatagal kung paano mag-approach sa tao. Pa-improve ng paimprove ang pagsasalita natin sa ibang tao.
12. Sharing corny jokes makes the world go round
Aminin mo, kahit korni ang joke na binato nila sayo. Mapapangiti ka pa rin. Imbis na magheadset ka. Matatawa ka nalang sa baduy na sinabi kanina ng katabi mo. Kung magkukwentuhan kayo. Just try it. Imagine mo kung lahat kayo corny. Mas nakakatawa.
13. Part ka ng Success Story ng iba
Ang makausap yung taong sasakbak mamaya sa quiz bee or competition at nalaman mong nanalo ito. Ibang klase iyon. At nagbigay ka ng mga konting quotes para sa kanya bago ang lahat. Nag bigay ka ng advice and coaching. Sa ganun, naging parte ka na rin ng tagumpay niya kung nagka-kwentuhan kayo tungkol sa kanyang laban.
Kung sakali mang magselos ang inyong nobya o asawa sa pakikipagkwentuhan sa inyong katabi, Iwanan niyo na kagad yan. Joke.
Hindi naman ako nag-uutos sa isang robot. Kung sakali lang naman lahat ng ito. Noon din naman, mahiyain ako ng konti sa mga tao. Dati kasi akong cpalaypay eh. Haha joke
Ngayon ko lang natutunan ang lahat ng ito. Kung mayroon man ganitong attitude sa ibang bansa. Try ko pumunta dun. Ako naman eh, nais ko lang naman maging patag ang mundo. Maging masaya tayong lahat. Hindi na nating kailangan ng entertainment shows. Kung may kaugalian ang lahat na magmalasakit sa kasama, masaya at may katatawanang mapupulot sa ating mga nakakahalobilo. Ito ang aking Mabuting balita.
Saludo ako sa pagiging masayahin ng mga Pilipino sa kabila ng pagiging palatawa sa gitna ng problema. Ngunit para sa aking sariling pananaw, maaaring kulang pa yun. Dagdagan pa nating ng konting recipe na kikiliti sa ating mga tiyan at tataba sa ating mga utak. At ito’y babago not in our single day but for the rest of our lives.
No comments:
Post a Comment