*Dapat kagalang
galang ako sa pagharap sa mga guro at mga estudyante. Gagawin kong simple, mga
sasabihin ko para nakakasabay ang lahat. Nakataya kaya ang apelyido ko dito.*
“Maraming salamat po sa pag-imbita
ninyo sa akin sa paaralang ito (Bernabe Elementary School) upang ibahagi sa
inyo ang aking mga napagdaan kailan lang. Kasama na rito ang napagdaan kong ebak
kanina, naapakan ko siya ng BUONG BUO kanina sa labas bago ako pumasok rito.
Maaari lamang na takpan ang inyong mga ilong kapag may sumingaw na. Pakiusap
lang“
*Ubo-ubo muna.
Linisin ang lalamunan. Di ako dapat humarap sa mikropono. Sasaluhin ko ng kamay
para di ume-echo ang sounds ng ubo ko.*
“Sa lahat po ng mga naiihi diyan. Kung
maaari lamang na umihi po muna kayo. Lahat kasi ng lalabas sa bibig ko ay ‘di
makapigil hininga.’ Baka diyan po kayo sumirit sa inyong kinauupuan. At sa lahat po ng mga nagugutom diyan. Bumili
muna po kayo ng biskwit sa labas, donut, sandwich (pwede pong kumaen habang
nagsasalita ako) dahil sobrang mahalaga po neto. Walang drama. Walang halong
kaartehan ang speech ko. Kung kinakailangang sampalin at sabunutan ng may pwersang
100 horsepower ang katabi niyo na natutulog
habang nagsasalita ako. Please, gawin niyo para sa akin. Ayokong may ma-miss
kayong salita ko.
Gusto ko munang pasalamatan si Mam De
Guzman, si Mam Torres at ahm yung iba po, nakalimutan ko na po. Salamat po sa pag
imbita niyo sa akin sa araw na ito. Sinearch ko po kayo sa Facebook ang mga
names niyo. Ang dami niyo pong kaparehas na pangalan. Siguro ho nahihirapan
kayong kumuha ng NBI Clearance, ganun po kasi diba sa NBI, nade-delay kapag may
kapangalan. Ang daming ggraduate ngayon, yung isa ang alam hindi daw ggraduate.
NAKOW. (mananakot kunwari) “
*Inom muna ako ng
tubig sa baso. Para di ako ma-dehydrate.*
Bweno.
Gusto ko munang magtanong sa mga bata
ngayon. Magtatawag ako ng tatlong bata at tatanungin sila sa kanilang upuan.
Ikaw bata? Yung parang sisiw yung
buhok. Oo ikaw po kuya. Sa isang mabilisang sagot para sa isang mabilisang
tanong ko. Ano ang isang pangarap mo sa buhay? (Kapag sumagot, kahit ano pa
yan, magpalakpakan.)
Ikaw naman ne? Ikaw na kanina pa
nakikipagkwentuhan sa katabi? Gusto na kitang kurutin eh. Tanungin kita. Ano
ang iyong gustong maabot sa buhay? Sagutin mo ito ng mabilis. Dagdagan mo ng
konting bilis kasi may dadaanan pa ako sa moa. HAHA (Lalagyan natin syempre ng pressure(pagmamadali)
para kunwari may dating ang mga tanong ko. Kapag sumagot, kahit ano pa yan,
magpalakpakan na may kasamang hiyawan. Wuuuw)
At ang pangatlo, (kunyari magtatanong
ako sa isang bata, bigla kong babaguhin ang desisyon ko, tatanungin ko nalang
ang naging teacher ko noon)
Mam, baguhin nalang po natin, ikaw
nalang po ang pangatlo na tatanungin ko. Ano po ang mahalagang pangarap niyo sa
inyong mga anak? (Kapag sumagot si mam, kahit ano pa yan, bigyan natin ng
masigabong palakpakan. Respeto lang)
(Kapag wala namang anak si Mam,
tatanungin ko nalang kung balak niya pa bang mag-asawa. May irereto ako sa
kanya)
Lahat ng inyong mga sagot. Lahat ng
sagot ng ating guro ay parehas sa pananaw nating lahat at pati na ng ating mga
magulang noong tayo’y bata pa lamang.
Walang tama. Walang maling sagot.
Ngayon.
Simulan natin ang kwento, syempre sa
istorya ko sa loob ng silid aralan na to.
Naalala ko pa noon itong school na to,
dito nagkagusto sa akin yung crush ko. Ayiiiie. Noon, tinidor lang ang baon ko.
Makikitusok nalang ako sa baon niya. Busog na ako nun noon sa klase. Tapos
naalala ko pa, ninakawan ko ng Diyos ang kaklase ko. Sinipsip ko lang naman ang
Juice niya eh. Sinoli ko din ang lalagyanan. Yung Zest-O.
Maliit lang talaga kung tatawagin tong
eskwelahan na to. Marami pa pong kulang. Kulang sa bilang ng teacher ito noon.
Kulang sa computer. Kulang sa facilities. Naabutan ko pa nga noon yung mga
estudyanteng Sped. One time, may nakasabay ako sa Cr na sped student. Kasama
niya yung nagbabantay sa kanya, nasa labas yung nagbabantay sa kanya. Lalaki po
tong binabanggit ko ah. Edi sabay kameng nagwiwiwi sa CR, magkagilid kami.
Bigla ba naman akong inambahan. Gusto akong suntukin. Edi di ako nagpatalo.
Lumaban din ako. Nagka-ambahan kame. In short, pumasok ang isa pang baliw. Ako
yun. Naghamunan kame sa CR, pumatol ako eh. Tapos biglang humingi ng saklolo
yung nagbabantay sa Sped kasi nakita nila kameng magsusuntukan. Sumigaw yung
bantay “Nakikipag away po yung sped student ko.” Mantakin niyo ba naman ako
yung inilabas ng gwardiya sa CR. Powtek. Ang sama. Ang sakit sobraaaa.
Masasabi kong ang mundo ng
elementarya ay ang mundo kung saan ang first page ng bawat libro natin ay may
mabigat na kahulugan sa last page ng buhay natin. Masasabi ko rin na ang buhay
sa elementarya ang dapat tutukan ng maigi at itala ang mahahalagang bagay na
nangyari sa atin. Isulat at itago kung kinakailangan.
Kung hindi niyo naitatanong, noong
bata ako, sa isang klase sa isang subject, kapag tinanong mo ako kung ano ang pangarap ko
sa buhay. Unang pumasok sa isipan ko noon ang salitang “Gusto kong maging Piloto”.
Sabagay, tatay ko kasi ay nagtatrabaho sa paliparan ng eroplano ng mga panahong
iyon. Wala pa akong ideya o background kung ano ang trabaho ng isang ‘Piloto’.
Ang alam ko lang, isa itong pangarap sa buhay na masarap makamit. Nakakainggit
siya kapag binanggit. Habang tumatagal,
iba ibang pangyayari ang mga naganap sa akin na nasabi ko sa sarili ko na
mahirap palang maabot ang pangarap na pagiging Piloto. Hindi biro. Hindi
madali. Ngayon sinasabi ko sa sarili ko. Sana mahawakan ko muli yung ‘apoy’ na
nagsabi sa akin na maabot ko ito. Ito ang apoy na nagsabi sa aking walang
limitasyon ang buhay. Na kaya kong maabot ito. Kapag lalong tumatagal, at hindi
nalabanan ang mga negatibong pumasok sa isipan ko. Nawawala lahat ng saysay ang
mga gusto nating maabot. Magkakamali tayo ng daan. Mag iiba tayo ng plano sa
buhay. Tatangayin tayo ng ibat’ ibang pangangailangan. Tama ba? Minsan nang
dahil sa pangangailangan sa pamilya o ng kasintahan ay napupwersa tayong
magbago ng mga goals. Kaya ang pangarap kong maging piloto ang naglaho ng
parang bula.
Bata palang ako, gusto ko ng
magkwento ng magkwento. Hilig ko maging jollibee. Nais ko maging bida sa
kwentuhan. At alam ko naman walang tayong pinangarap na maging kotrabida sa
kahit na anumang aspeto ng buhay. Ayokong ipakita sa kanila ang paglalaro. Ang
gusto ko lang sabihin sa iba na nakakatuwa ang paglalaro, may iba akong style
para magsaya. Sinasabi ko sa mga kaibigan. Tara maglaro pa tayo ng maglaro.
Gayahin niyo ako.
*Biglang lalabas
sa powerpoint ang picture ko kung saan masaya akong nakangiti nung bata pa ako*
Ibang iba yung buhay ko nung bata
ako. Tapat na tapat ako sa nararamdaman ko noon, wala akong tinatago. Paano ko
nasabi? Kapag ayoko ang isang tao. Sinasabi ko talaga na ang panget niya. Kapag
sinabi kong ayokong pag aralan ang bagay na to. Binibitawan ko talaga. Wala
naman kapalit eh. Didirecho nalang ako sa bagay na gusto ko. Magsusulat ako ng
nararamdaman ko. Isusulat ko yung pang asar na naisip ko sa kakilala ko. Gagawa
ako ng bagay na makakapagpasaya sa akin. Ngayon iba na. Limitado na. Hinahawakan
ko ang bagay na natatakot akong mawala sa akin na iniisip ko minsan baka saan
ako pulutin kapag binitawan ko ito. Hindi ako marunong mag let-go.
Noon ang tingin ko lang sa mundo ay
may Diyos na kahit anong gawin ko, may aalalay sa akin. Ano mang pagkakamali
ko. May gagabay sa akin. Ngayon iba na, lahat ng bagay may kapalit na. Minsan
may problema na apektado ang pera natin sa bulsa sa bawat kilos at minsan sa
pagkakamaling hindi inaasahan. May problemang akala natin katapusan na ng
mundo. May problemang akala natin wala ng solusyon. Kapag tumatagal, mare-realize
natin na nandyan lang ang ating Panginoon pero tayo pa rin ang maglalaro sa
loob ng court. Siya lang ang coach.
Nung bata ako hilig kong magtanong ng
magtanong. Di na maiwasang magtanong tungkol sa sex, tungkol sa pangarap at iba
pa. Noon bata ako, anumang makita kong kakaiba. Hihinto muna ako sa ginagawa ko
at titignan ko yun ng maigi. Sisiyasatin. Aalamin. Hahawakan. Mahalaga na di
natin binibitawan ang mga bagay na naging curious tayo. Maganda maging curious
palagi.
Bigyan mo ko noon ng mga popsicle
stick, glue, manila paper at pencil, ang dami ko ng magagawa dun. Magdidikit pa
ako sa mga dingding. Gagawa pa ako ng kunyaring mikropono. Gagawa pa ako ng
hagdan nun gawa sa papel. Ginagawa ko pa minsang pera ang mga papel at
susulatan ng mga numero. Kasi noon gusto ko, paglaki ko, gusto kong maging
mayamang tao. Mabili ko lahat ng gusto ko. Ngayon, hindi lang pala ganun kadali
ang maging mayaman. Kailangan gamitin nating lahat ng ating senses: thinking,
smell, taste, hear, seeing para umangat. Kung ako tatanungin, marami pang tao
ang hindi pa nakakaunawa ng salitang tagumpay, ang iba ang tingin sa tagumpay
ay pagiging famous, lalo na sa facebook. Pero habang tumatagal, magiging
matagumpay ka lang kapag nakatulong ka na sa iba. Yan ang ginintuang aral ko.
Ang sarap maglaro noon. Kumaen sa
oras na gusto natin. At magsaya ng magsaya ng magsaya. Walang kasawa sawa.
Maraming nagsasabi sa atin. Ang buhay
ay hindi isang laro. Pero para sa akin. Ito ay isang laro. Walang dapat
seryosohin. Walang dapat ipangamba ng sobra sobra. I-enjoy lang ang biyahe.
Marami akong naging pagkakamali sa
buhay lalo na sa mga naging plano ko. Pero hindi ako umatras. Sulong pa rin ako
ng sulong. Hindi ako huminto.
Kaya bilang isang estudyante. Ang
maipapayo ko sa inyo.
Itago niyo ang inyong pangarap. Isalaysay
mo nalang sa iba kapag naabot mo na. Kung alam mo sa sarili mo na gusto mong
maabot ang mga mithiin mo sa buhay. Wag mong ikwento sa iba. Minsan ang mismong
mahal nating sa buhay ang sumisira nito. Mahalagang pakinggan natin ang
bumubulong sa ating sariling isipan. Hindi naman kailangan ikwento sa iba ang
dapat tahakin. Hindi rin naman sila maglalakad para sa atin. Hindi naman din
makakatulong kung i-broadcast pa. Wag niyo ng ikalat. Ito ang klase ng tsismis
na dapat ikinikimkim natin nalang sa sarili natin. Ang mahalaga, alamin natin na
habang tumatagal, nauunawaan natin ng
mabuti ang mga sangkap upang makuha natin ang tamang lasa ng pangarap.
*Supresa kong
ilalabas ang nagawa kong masterpiece, ipapakita ko ang best selling book ko sa
lahat*
Itong libro na to, dugo’t pawis ang
inalay ko para lang mai-publish lang ito. Dahil gusto ko, kapag wala na akong
pustiso, babasahin ko nalang ang mga nagawa kong libro. Laway naman diba ang
magpapadikit upang mapunta sa susunod na pahina ng buhay.
Mahalaga na kung ano ka ngayon.
Natututo ka pa rin balikan ang nakaraan. Alam mo rin ang bawat lessons na
napagdaanan mo.
Minsan kung sino pa yung nagsasabi na
tama sila, yun pa yung mga nasa maling sitwasyon. Kapag nasa kritikal na ang
buhay niyo. Yun ang tamang lugar na malapit ka na sa pangarap mo. Maniwala po
kayo sa akin.
Lahat tayo gustong lumipad. Lahat tayo
gustong maging masaya. Kaso dapat dahan dahan lang. Alalay lang wag masyado mag
madali sa pag angat. Lumakad muna. Tumakbo ng kaunti. Tumalon kung pwede na at
lumipad. Basta may plano tayo sa buhay. Achieved lahat ng ito.
Ang pinakamasayang pangyayari ng
buhay natin ay yung bawat dapa. Ang ‘dapa’ ang nagbibigay kulay sa ating buhay.
Sa bawat pagkakamali natin. Tayo kagad. Nadapa ulit. Tayo kagad. Nagkamali na
naman. Matuto kagad. Yan ang buhay kung saan ipinapaliwag na bilog ang mundo.
Palaisipan ang mga pangyayari sa
bawat yugto. Lalo na sa umpisa. Palaging di mo naiintindihan ang lahat.
Naranasan ko na yan. Mararanasan niyo din yan. Minsan ililigaw ka ng landas ng
pinaniniwalan dito sa mundo, mga relihiyon. Ang payo ko. Paniwalaan mo palagi
ang nasa puso mo. Tama man yan o mali. Ikaw ang may control. Yan ang ‘tunay na
relihiyon.’
Saya. Kabiguan. Kalungkutan. Maling
Desisyon. Ang mali pwedeng maging tama. Ang tama pwedeng maging mali. Ganyan ang putahe ng
buhay.
Lumakad ka sa mundo na ito na bukas
ang iyong puso. Sayo mundo kapag bata ka.
Pagkalalim Na message para SA mga bagets.... Gustuhin PA kaya nilang tumanda pagkatapos ng mensahe mo? Lols
ReplyDeletemalamang hindi na, nirecall ko yung saya ko nung bata ako eh. Salamat sa comment. Thank you tlga.
ReplyDelete