Sunday, March 6, 2016

PARES KUNG PARES


Ang mga bagay at mga tao ba sa mundo ay magkahalintulad at mayroon silang koneksyon sa isat isa?

May mga taong binuksan ang kanyang mga mata upang maunawaan ang dahilan ng lahat. Ang iba naman ay nakatuon nalang kung ano ang nadiskubre ng ibang tao. Umaasa nalang sila sa kaalaman ng iba.

Siguro’y sumagi na rin sa isipan ng lahat kung bakit nga ba nakakalipad ang ibon. Ang simple lang niyan diba. Syempre kasi inilalatag niya ng maigi ang kanyang mga pakpak, simple. Hindi lang naman ibon ang dahilan upang ipaliwanag ang dahilan natin dito sa mundo. Kung tutuusin, sobrang dami pa ng mga yan, marahil kaunti lang ang nakakapansin pa. Lahat ng hayop,bagay at tao dito sa mundo ay magkakakonekta. Paano ko nasabi? Kasi inalam ko.

Ang ibon na sumisimbolo na kailangan mo ng magaan ng pagtingin sa sarili para ika’y tuluyang makalipad. Oo, magaan dapat hindi mabigat. Ang ibon din ang nagbigay ng dahilan (sa tingin ko lang) na kapag dumampi na sa iyong pisngi ang mga ulap at nae-enjoy mo na ang paglipad  ng malaya, may mga taong babato sayo ng bagay galing sa ibaba. Ibig sabihin lang nito,(ikaw na nagbabasa ka) huwag mong pansinin sila, kapag tumingin ka sa ibaba, may tendency na mawawalan ka ng balanse sa paglipad at may pagkakataong ika’y mahuhulog. Yan ang gusto ng mga nasa ibaba. Yung mga nasa baba na walang ginawa kundi panoorin lang ang nasa itaas. Ang mapa-bagsak nila ang mga umaangat ay isang tagumpay rin para sa kanila.Kaya kapag ika’y lumilipad na sa buhay, ituloy mo lang ang paglipad. Ituwid mo ang iyong mga pakpak. At mangarap ka pa ng mataas.

May itinuturo rin ang mga halaman , base sa aking obserbasyon. Ang mga halaman ay siyang nagbibigay kahulugan na kailangan mo ng tubig sa katawan. Ang katawan natin at ang mga halaman ay may kahulugan.  Ito rin ang nagsasabing wag kang tumingin sa nasimulan at halaman ng iba masyado. Kapag malago ang ibang halaman, ngumiti ka at magsaya ngunit pansinin mo rin maigi kung ano na ba ang nasimulan mo sa pagdidilig ng iyong sariling halaman. Wag mong ikumpara ang halaman mo sa iba.

At meron pang isang aral, katulad na lamang ng susi, napakasimple diba, susi lang naman yan diba. Alam naman ng lahat na ang susi ay ang magbubukas ng lahat ng pinto. Ngunit hindi lang ito ganoon kadali. Ang itinuturo nito sa lahat ay kailangan naten humanap ng susi. Bilhin ang susi. Pay the price kumbaga. Walang daan sa tagumpay kundi maglalaan ka ng panahon, oras at salapi para mabili mo ang susi na yun upang mabuksan ang pinto ng iyong tagumpay. Sa paraang ito, ito ang unang hakbang na mahirap, pero kapag nabuksan mo na. Hindi lang din siya ganun kadali, may mga pinto na hindi naten alam ang nasa loob nito, basta buksan mo lang.

At may isa pa, ang pinakamadalas sabihin sa lahat, ang pagkaen o putahe. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na may iba’t ibang putaheng inihahain ang ating Panginoon araw araw, minsan bakit hindi natin i-try ang ibang putahe. Diba kapag nakatikim ka ng ibang panlasa, mas nasasanay tayo minsan sa pait.

At para sa akin, ang buhay ay parang piko. Kailangan mong maglagay ng goal. Maglagay ng palatandaan kung hanggang saan ang gusto mong marating at malagpasan.


No comments:

Post a Comment