(Medyo hawig niya lang ang binabanggit ko)
Ito ay kwento ng isang ‘basurero’.
Yes! at siya ay taga-samen. Hindi lang siya basta-basta
pangkaraniwang nangangalakal ng basura kundi may halong pagkamisteryoso at
comedy tong taong to. Believe me.
Sa tuwing ako ay dadaan sa aming eskinita sa ‘Tramo’,
bumibili muna ako ng walang kasawa-sawang almusal na hotdog at scrambled egg sa
halagang bente singko kasama na ang disposable pork and spoon. Swerte ko kapag
naalala ng tindera ang sauce na nirerequest ko palagi. Yang tindahan lang naman
na yan ang may maayos na pambalot ng pagkain sameng lugar na pwede kong mabitbit
sa bus.
Anyway, kanina lang ako nagbago ng ruta kasi ubos na pala
ang isang buwan kong load sa ‘Sun Cellular’. So, nagchange of direction ako at dun
ako dumaan sa kabilang street, sa dominga para magpa-load ng bente. Kailangan
kong magload upang maitext ko ang driver namen na susundo sa akin. Wow diba. Well,
may service lang naman kame pagpasok ng trabaho. Haha
Tutal may daan naman doon para masalubong ko ang bus (hindi
ako magpapasagasa oy), ito ang sasakyan ko papuntang Carmona Cavite. Binibilisan
ko na nga ang lakad ko kasi ihing ihi na ko. Medyo nag-add nalang ako ng
acceleration sa paglalakad. At ngayon, nakasalubong ko na naman, yung sikat na
basurero sa amin. Maybe, nasabi kong sikat siya kasi iba ang style niya ng
pagbabasura para sa akin. Ia-approach ko siya bilang so-called ‘Basuraman’. Masaya ang buhay niya kung kakalkalin natin.
Sa street na iyon kung saan madadaan ko
siya, namamataan ko na nagwawalis siya but take note, may challenge yung
paglilinis niya naman, manipis lang ang walis. Siguro nasa 35 pieces lang na
tingting ang ginagamit niya.
Goodluck nalang kay Will Smith, in short (WS) kung kailan
siya matatapos. Nga pala, yan ang binigay kong nickname sa kanya. Si ‘WS’ nga
lang ang tipo ng basurero na mahaba ang buhok at maitim, pero may itchura kaya
pinangalanan ko siya na ‘Will Smith’. Ibang klase si ‘WS’ sa paglilinis ng
kalsada, ramdam na ramdam ko ang courage
niya na may halong pursuit of happiness. Many moons ago, napapansin ko sa kanya, baliktad minsan
ang kanyang sigarilyo kapag hinihithit niya to, o baka nagpapatawa lang. Minsan
nakikisindi ng yosi sa ibang tao. Saka hindi lang siya basta linis sa lapag.
Nakikipagcall-center din siya sa kabilang universe. Palagi siyang nagsasalita
ng kung ano-ano. Pumi-fliptop siya minsan kaharap ang mga basura. Hilig niyang
magbungkal ng basura kung saan saan. Malamang basurero eh. Kalkal dito, kalkal
doon. Malalim kung kumalkal si ‘WS’.
Ganito kasi.
Noong wala akong pasok, may inasikaso ako sa hospital na mahalagang
dokomento, nagkasalubong kame isang araw, umaga yun, may dala siyang basura at pag
uwi ko naman ng bandang tanghali, nakasalubong ko ulit siya, ngunit magaan
naman yung dala niyang sako at pagdating sa gabi, at pupunta akong mall, siya
na naman ang nakita ko. Grabe siya noh. Mabigat siguro ang pinirmahan niyang
kontrata sa paglilinis sa lugar na iyon. Pero infairness, habang gumagabi,
nababawasan ang laman ng sako niya, baka naibebenta niya kagad.
Isa lang ang remarkable na narinig ko sa kanya ng matino sa
malabo niyang pagsasalita palagi. Ang sabi niya,
“Di ako hihinto, Di ako hihinto”.
Di ko sure kung ibig niyang sabihin, di siya hihinto sa
pagsasalita, or di siya hihinto sa pagpapahaba ng buhok, or di siya hihinto sa
pagwawalis. Di ko sure kung anong kwento sa likod ng kanyang salita na “Di ako
hihinto”. Hindi kaya, baka naman may hinahanap siya sa buhay, kaya di hihinto.
Baka lang naman.
Eeeh ano imbestigahan ko pa? Simpleng words lang naman yan,
bibigyan ko pa ba ng meaning? Haha
Na-realize ko. Sadya nga talaga na ang pangangalakal ay
fullyload ang schedule. Straight duty siya maghapon sa lugar na iyon. Napabilib
ako minsan ni WS kasi nung nakasakay ako ng jeep, dumaan naman siya sa harapan
ng kotse, huminto naman bigla ang jeep para sa kanya at nalaman ng driver na
kukunin lang pala niya ang basura sa tabi. Kamot nalang ng ulo ang jeepney driver.
Ang astig lang, sa gitna pa siya dumaan. At ayun na, umandar na kame.
Nalagpasan na namen si WS. Mabagal naman ang takbo ng jeep namen at malayo pa
ang iniikot nito bago pa to makarating sa palengke ng libertad. Kung susumahin,
nasa isang daang kilometro lahat lahat. So, mga ilang minuto pa bago makarating
dun, at ayan na, nakasalubong na naman namen siya ulit. Sobrang bilis niya
palang maglakad. Na-shock ako. Naisip ko nalang baka umangkas siya ng jeep. Hanep
lang, ambilis. Maaaring wala siyang inuubos na oras o baka nagte-teleport or dumaan
siya sa imburnal. We don’t know.
Kung tutuusin, kung si WS ay lilinisan sa banyo at gagastusan
ng malaki sa ‘Flawless clinic’, magmumukhang siyang artistahin. Medyo hawig
niya ng konti si CarrotMan. Siguro nga’y nangitim lang siya gawa ng babad palagi
sa tirik na araw. Ang pagkakilala ko sa kanya, hindi siya nanlilimos ng pera/barya
o nanghihingi ng pagkain kung
kani-kanino. Di ko man siya nababantayan siyete bente kwarto, pero alam ko
kahit ganun ang kalagayan niya, makikita mo sa kanya na alam niya ang
responsibilidad niya bilang tao.
Wala akong napansin sa kanyang nagreklamo siya sa ginagawa
niya. O nantrip ng mga bata at nanakit ng ibang tao. Mabait siyang tao.
Tanging paglilinis lang ng kalsada at pag-upo sa gilid ang
palagi kong nakikita sa kanya. Minamasdan ko siya ng maigi, ‘wala akong type sa
kanya, mga tsong’. Nakakatawa lang nung minsan may dumaan na truck ng basura,
bigla siyang karipas ng takbo at sumabit sa truck. Habang ang mismong
nangungulekto ng basura ng truck ay napahinto sa kanya dahil bigla siyang
umangkas sa truck na iyon. Tawa ako ng tawa kasi, ang saya niyang umakyat sa
truck. Lahat ng nakakita sa kanya ay nagulat sa eksenang ginawa niya. Itinataas
niya pa ng kanyang kaliwang kamay. Siguro sinasabi niya
“Whoah, level up na ang mga basura ko, malaya na ako”. Maaaring
ganun lang naman.
Ang tanong ko lang sa sarili ko, kailan kaya siya titigil sa
kanyang ginagawa(sa pangangalakal)? Parang hindi siya napapagod kasi. Wala siyang
pake sa mundo kung may mali o may kakaibang amoy siyang nagagawa basta parang
nakaugalian na niya ang paglilinis noong bata pa siya kaya itinutuloy nalang niya
ito ngayon. Sobrang sipag niya. Alam ko sa kanyang mga napulot na basura,
pinipili niya lang ang mapapakinabangan o may commodity para maibenta sa junk
shop. Alam kong dun siya mabubuhay. Kaya saludo din ako sa diskarte niya.
Maaari kaya siyang maging matagumpay or maging mayaman siya sa ginagawa niya na yun?
Halos buong araw din siyang kumakayod eh.
Kung tunay nga talagang kailangan ng 10,000 hours para ma-master
mo ang isang bagay, edi si ‘WS’ ay masteral na sa larangan ng ‘nabubulok at di
nabubulok’. Sobrang lapit na niya sa success kung di niyo pa napansin. Kung
mayroon lang akong kumpanyang naitayo, di ako magdadalawang-isip na kunin siya.
Gusto ko siyang maging part ng team ko. Gagawin ko siyang ‘Head Chief Janitor’.
Buti pa siya, di napapagod sa trabahong ginagawa niya. Mahal niya kaya ang
ginagawa niya o baka naman napipilitan lang ito? Di naman siguro. Kailan siya
hihinto? Kapag wala ng basura? Kapag marami na siyang mapulot? Minsan siguro
nakakatanggap din siya ng rejection sa ibang kalakal. May napulot siya pero
hindi pala ito kalakal.
Ready na kaya ang mundo na biyayaan siya ng gantimpala? Malaki
rin ang ambag niya sa earth na to kung
mamarapatin. Kung wala ang katulad niya, sino ang kukuha ng ating mga basura?
Tambak tambak na naman ang basura naten.
Let’s dig a little deeper.
Parang sulat or blog ko lang siya eh. Di ko naman inaasahan
intindihin nila ang mga pinagsususulat ko. Kaya di ko din alam kung saan ba ang
direksyon ng mga sinusulat ko. Haha Basta sinasabi ko nalang sa sarili ko ngayon,
“ngayon may isusulat ako”.
Ang alam ko, may matutulungan akong tao sa ginagawa kong to.
Sa bawat sulat na nililikha ko. Sa una parang basura lang.
Pero habang tumatagay mas lalo itong nagiging rigid. Tumitibay ang ideyang
nabubuo. Yung unang idea na nabuo. Mapapasukan pa ng pangatlo at pang apat na
kaisipan para mabuo ang design. Parang recycle lang din ng basura. Pero
mapapakinabangan.
Parang si WS din ako. Di ako hihinto kahit na anong
mangyari. Itataas ko rin ang aking mga kamay kapag naabot ko na lahat ng
pangarap ko. Simbolo ng pasasalamat sa itaas na tagumpay. Hinding hindi ako
hihinto. Hindi hindi ako lilisya. Walang reklamo. Pursigido ako sa ginagawa ko.
Manipis man ang sulat ko gaya ng waling tingting na gamit niya. Isusulat ko
parin ang gusto kong isulat.
YoBit allows you to claim FREE CRYPTO-COINS from over 100 unique crypto-currencies, you complete a captcha one time and claim as much as coins you need from the available offers.
ReplyDeleteAfter you make about 20-30 claims, you complete the captcha and keep claiming.
You can click claim as many times as 30 times per one captcha.
The coins will stored in your account, and you can convert them to Bitcoins or any other currency you want.