2:50pm na ng tanghali. Naka limang hikab na ako kaka-computer.Tumatambol na rin at may nagma-majorettes din sa loob ng aking tiyan. Sumisigaw. Kailangan ko na daw magmerienda sa labas. As usual, kape at sitsirya na namanang oorderin ko habang nanonood ng TV kila aling Susan .
"Aling Susan! Pagbilhan nga po ng kape yung 3 in 1 ha pati narin yung Spicy Seafood na sitsirya."
Ang tagal ng ale ibigay yung binibili ko. May pambayad naman ako ha. At kakasahod palang namen ngayon ha. Kaya pala hindi siya maka-kilos ng husto, hindi dahil natatae kundi kasi alas tres na. Dinadasal niya ata yung 3 o'clock habit prayer eh. Bawal ata kumilos ng mabilis kapag alas tres ng hapon.
Habang pine-play ito:
Pumanaw ka Hesus,
subalit and bukal ng buhay
ay bumalong para sa mga kaluluwa
at ang karagatan ng awa ay
bumugso para sa sanlibutan.
O bukal ng buhay,
walang-hanggang awa ng Diyos,
yakapin mo ang sangkatauhan at ibuhos
mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat. ....
....
O Hesus, Hari ng awa, kami ay nananalig sa Iyo.
Ulitin ng tatlong beses.
Musmos palang ako. malaking question na sa akin ang image ni Papa Jesus. Natatakot din kasi ako dito.Hindi ko makakalimutan yung piktyur na yun parang may power na puti sa kabilang left side at pula naman on the other side. Parang gumagalaw-galaw pa ‘yung power niya na yun eh. Parang hologram.
Ang dami kong naging tanong:
1. Per words or hours ba ang bayad sa nagsalita nito?
2. Naaalala ko kasi kapag may campaign election or basta may tv ads. Ang laging pumapasok sa isipan ko. Magkano ba ang binabayad sa mga nagsasalita sa commercial?
3. Dinadasal kaya ng lahat ng staff ng ABS-CBN ito?4. Humihinto rin kaya ang lahat ng empleyado para magdasal or keme lang?
5. Bakit hindi gawing habit na oras oras?
Tapos sa huli nito ipapakita ang address ng headquarters or organization nila.
Mas lalo akong ginugutom kapag naririnig ko ito. Parang gusto kong kumain ng cake. Siguro dahil
sa alas tres, nakapahinga ang lahat at ang sarap kumain ng mag-isa. MadamotMode.Dati kasi kapag alas tres ng tanghali.Diyan ang masarap matulog, Diyan din sa oras na yan nakakatamad gumawa ng assginment. Totoo yan lalo na kapag pang-umaga ka tapos uwi mo tanghali. Sa alas tres masarap magmerienda. Yung pandesal at may“Reno” na palaman. Tapos may dadaan na "Dyaryo-Bakal-Bote". Yan yun diba. Sa alas tres din naglalaba ang nanay ko at nawawala ang tsinelas ko kasi gagamitin ng kuya ko sa pagbabasketbol.
Bandang hapon din, kumukuha ako ng barya sa altar namen noon. Pero magsosorry din ako kagad .
Iidlip lang ako ng konti nun, Kapag alas tres meja. palabas na ng "ANG TV" na.
Di ko makakalimutan din ang nakakaumay na wowowee na pera o bayong. Kahit na may nakendeng pa. Umay talaga ang segment nila na yun.
Sa school, kapag tumapat pa ng alas tres ang exam niyo. Ito ang magandang alibi para makakopya dati. "ooops break muna tau. Pahinga muna". tas titingin sa papel ng iba." hahahahaa
Sabi nila, sa college, kapag nakatanggap ka ng tres sa oras ng alas tres ay katapusan mo na..Yan ay imbento ko lang. hahaha
Honest ko tong sinasabi ngayon, dati kasi napaka makasalanan ko..(hanggang ngayon naman eh), Noon kasi, nanonood ako ng pelikulang malalaswa or Viva films. Muntik na akong mapa-masturbate. Buti naapakan ng kamay ko ang remote sa sobrang gigil sa eksena ng palabas at nalipat sa abs cbn. At dun ko nga napanood ang 3 oclock prayer. AYUN. nagsisi nalang ako. kahit na pawis na pawis ako sa nangyari.
Patawad po Ama.