Sa mundong ginagalawan natin, may makakasalamuha tayong tao na gagawin tayong robot. Gagamitan tayo ng malakas na enerhiyang mala-Telekenisis. Ang modus nila, kailangan nila ng matinding focus at konsentrasyon para macontrol nila ang isang bagay o tao ng hindi ito hinahawakan. Kung naexperience mo to, medyo malapit ka na maging puppet slash uto-uto. Yun yung mga taong kailangan nilang makabuo ng panloloko ng hindi nakikitang pwersa mala espiritista para magmukha silang malinis. Kailangan niyang isiping mabuti kung ano ba ang gusto mong mangyari. Nais niya bang makitang mag-Anaconda don't want none unless you got buns hun mala Nicki Minaj ang suspect niya. Wow parang alam na alam ko ah. Napanood ko lang sa youtube. Kaya ko nabanggit yang punyetang Telekenisis na yan. Parang ganyan kasi sila magmanipula ng bagay, tao at pati na damdamin ng tao. Pakawalang puso nila.Huhuhu
May mga tao pa nga, seryoso pa makipag usap sayo eh. Naiimagine ko tuloy yung mukha ni David Blaine kapag nagdedemo ng mga tricks. Talagang feel na feel umarte eh. Ang lakas mag-ilusyon ng ilusyon.
Pwera nalang talaga kung iaalow mong pakialaman yung buhay mo.Yung bukas na bukas yung topic ng buhay mo.
Yung mga taong ibbrainwashed ka pa. "Kayo ay gagaling, sumanig kayo sa pananampalataya namen. Kayo ay maliligtas". Ay iba na ata to. pero parang malapit na rin.
Ganun talaga eh, may mga taong highly skilled manipulator. Magsosorry nalang irereverse psychology ka pa.
At mahirap pumasok sa isang relasyong manipulative. Bitaw kagad. Hanap Kagad ng iba. hahaha
Mas gugustuhin ko pang mag-impluwensya ng ibang tao kesa magmanipula. Para sa akin ah. Kasi kapag gusto mong impluwensyahan ang isang tao, makikipag usap ka sa tapat na salitaan. Pero kapag nagmamanipula ka na ng tao, mayroon kang sikritong motibo na kadalasan ikaw lang ang may alam para mapaikot mo ang sitwasyon.
Katulad ng nanay ko, uuwi ako galing trabaho, pero ang bubungad sa akin ay talaktak ng boses niya. Syempre ganun talaga e, hindi ako makakapagbigay kasi ng sahod kaya hahayaan ko nalang siya magmanipula ng gabing yon.
Hindi naman masama mag isip ng para sa sarili. Ang mali lang ay yung hindi mo na kayang magdesisyon para sa sarili kasi laging iniisip mo ang iba.
Kapag patungkol naman sa pag-ebeg. Kung tunay kang umeebeg, huwag mong hayaang ikadena ang sarili mo sa isang tao na hindi ka sigurado kung mahal at may importantansya sa kanya..Sadya lang talagang may magaling magdisguise at magpaikot tapos dadagdagan pa nila ng pekeng effort. Para Convincing.
Kaya wag na tayong magpapalinlang at maging biktima ulit ng mga pambabluff nila. Maging aware sa mga maling pag-asa at pananakot sa buhay natin. Humayo kayo at ipahayag ang mabuting balita.
No comments:
Post a Comment