Tuesday, September 9, 2014

BALAHIBONG PUSA: KAPAG ANG INIDORO AY BUMAHO, MAY BUMAYO

Bago ako magshower. Sinayaw ko muna ang Wiggle Wiggle ni Jason Derulo habang id lang ang suot ko sa harap ng salamin. Enjoy na enjoy ako. Pawis na pawis ako sa kagigiling. Damang dama ko na ang flame ng sarili kong alindog. Ninais ko ng maligo kasi mayne-next pa sa CR baka maunahan ako. Nung bubuksan ko palang ang gripo. Napansin ko ang boteng makintab na nasa loob ng banyo ng aming boarding house. Kulay green siya eh.  Nasa third floor kasi ako kaya naging isa nalang ang cr namen dun. In short, magkasama ang CR ng babae at lalake. Nagtaka ako. Hindi kaya may naganap na kadumal-dumal sa loob ng banyo na ito at may bote dito. Halaaaaa! Biglang may lumabas na bumbilya sa ulo ko. Sabi “Mag-imbestiga kaya ako”. Tapos bigla namang bumulong si satanas sa akin, “Gamitin mo yan para sa pwet mo”. Muntik na akong mapa-OO. Pero sinabi ko “Hindi. Hindi.” Masasaktan ang almoranas ko.
Binasa ko muna ang bottle. Nakalagay “Bath and Body Works Triple Silk Body Oil Mist 236ml White Citrus. Isa pala siyang body oil. Hindi ko naginoogle syempre. Inimbistigahan ko ang bawat anggulo ng banyo. Sinuri kong maigi. Una kong chineck, yung tiles. Aba tuyong tuyo ah. Tinignan ko din yung sabon na nakapatong. Tuyo din. Halos lahat tuyo. Pati yung inidoro. Walang talsik. Walang bakas ng krimen. Pero may isa akong napansin pagbukas ko. Napadura ako at napatawa. Isang malaking Granada. May nag-iwan ng tae sa inidoro. Hindi ko matanggap ang nadatnan ko. Wala akong nagawa kundi hawakan ng mahigpit ang butas ng ilong ko at puso kong naninikip. SA GALIT.

Habang nag-iipon ng tubig. Takpan muna yang "lamang loob" na yan. Peste yan! haha

Oh edi para makabawi bawi kung sino man ang naglagay nun. Gagamtin ko na tong oil na to.

Nilagay ko sa mga palad ko ang oil. Aba masarap sa balat. Yung amoy, para siyang aroma ng garden. Pitik lang naman ang nilagay ko sa mga palad ko. Hindi ko na namamalayan, narerelax ako sa mga ginagawa ko. Eh di mas pinagpatuloy ko pa. Naglagay ako sa mga braso ko. Aba ang sarap ng feeling. Kuma-kalma ako.  Ang sarap sarap. Pero sabi ko. Wait Wait. Baka bumalik yung may-ari. Naisip ko. Ilagay nalang lahat sa kamay ko tas iwan yung bote sa basurahan. Para walang ebidensya. Ok nalagay ko na sa basura. Balik ulit ako sa maiinit na eksenang ginagawa ko. Tinanggal ko na ang saplot ko. Umupo ako sa inidoro. Idinirecho ko ang dalawang paa ko. Hiniga ko ng bahagya ang likuran ko. And start na ko. Pinahid ko naman sa dibdib ko. Napakagat ako at napapikit. Inangat ko naman ang mga kamay ko papunta sa leeg. Wow grabe. Heavy. Heaven. Swabe..Habang hawak ng aking dalawang kamay ang leeg ko. Napapaworm dance naman ako. Sa kalandian ko, tinamaan ko ng konti yung labi ko. Hindi na ako nakapagpigil. Niyakap ko na pati drum. Pinisilpisil ko ang gripo. Nagbubble butt ako habang binabasa ang likuran ko. At natapos din ako, Para akong naubusan ng mens.  Ang saya.

Pagbukas ko naman ng pinto, may naka abang na babae sa labas. Parang may hinahanap. Nako, amoy na amoy yung oil sa katawan ko. Nataranta ako sa loob. Paano to! Paano to! Oo nga pla, hindi ko pa pinaflush yung toilet. Buti may pambomba akong nakita sa gilid. Binomba ko ng binomba hanggang sa magamoy echas ang banyo. Sabay bukas ng pinto. At nagparinig.…”Pucha sino ba gumamit dito, di marunong magbuhos”.


#BodyOil #Inidoro


No comments:

Post a Comment