Sunday, September 7, 2014

IT'S MORE FUNNY IN THE PHILIPPINES

Ako ngayon ang magsisilbing abogado ng mga komedyante. Hayaan niyong kunin ko ang kaunting oras niyo para ipaliwanag ang mga alegasyon at kontrobersiya na bumabalok sa industriya ng pagpapatawa.


1. JOEY DE LEON
Kung naaalala niyo pa, sinuspinde si Joey De Leon ng MTRCB nang sabihan niya sa isang bading na contestant sa Eat Bulaga na, "'Pag 'di nasagot, i-tsupa,". Kaya sabi naman ng bading, "Ah... sarap.".


2. JANNO GIBBS
Kung nabalitaan niyo, nawala bigla si Janno Gibbs at Gladys Guevara sa Eat Bulaga. Ayon sa akin researcher, ay nagkaroon ng "malalim na relasyon" sila nito na napabayaan ang trabaho.


3. VIC SOTTO
Nasanay na ang mga manonod sa dami ng naging karelasyon ni Bossing.


4. WALLY BAYOLA
Kumalat ang kahindik hindik na Sex scandal ni Wally Bayola at EB babes Yosh sa Social Media.


5. ETHEL BOOBA
Nagkaroon ng Awayan sila ni Wille Revillame. Nasabi sa mga tabloid na wala daw utang na loob si Ethel Booba kay Willie.



6. JOSE MANALO
Nangangaliwa daw si Jose, nananakit, naninigaw, iniwan ang kanyang mag-iina. Pahayag ng kanyang asawa na si Annalyn. Ang kinakasama-karelasyon daw ngayon ni Jose ay isang dancer ng EB Babes,


7. BROD PETE
Nasuspinde dahil sa basta na lang pag-alis niya sa taping ng Celebrity Bluff na isa sa mainstays ang komedyante. Madalas na raw kasi itong ginagawa ni Brod Pete kaya napuno na ang namamahala ng show.


8. VHONG NAVARRO
Ang misteryong pagkakabugbog kay Vhong Navarro ng kampo ni Denise Cornejo at Cedric Lee.


9. RAMON BAUTISTA
Humingi ng Sorry si Ramon Bautista ng magbitaw ito ng jokes tungkol sa hipon sa Davao, ang sabi niya “Tama! Ang daming hipon dito sa Davao, alright.”



10. KUYA JOBERT
Nagtangkang tumalon mula sa ika-anim na palapag ng hotel sa Quezon City ang komedyanteng si Kuya Jobert.


11. VICE GANDA
Dalawang programa ni Vice Ganda sa ABS-CBN ang nahaharap sa reklamo dahil sa “offensive and degrading scenes” at "use of sexual undertones"

eto naman, pwede na ring sabihing komedyante kasi funny naman siya kahit papaano eh. hahaha


12.BILLY CRAWFORD
Na-detain daw si Billy Crawford ngayon dahil sa pagwawala sa Taguig City police station dahil sa kalasingan. Kaya ngayon, Na-BILLanggo si BILLy Crawford.

Tao rin sila katulad natin, kung paano nga lang nila ginamit ng husto yung talent na binigay sa kanila, eh talagang nakakahanga talaga. Saludo ako lahat sa kanila. Hinangaan ko sila noon hanggang ngayon. Benta pa rin sa akin ang mga binibitawan nila. Hindi rin talaga maiiwasan na magkamali kapag nakatutok sayo ang camera o hindi. Ngunit ano mang gawin nila, talagang nagmamarka sa tao ang ginagawa. Isang bagay na nakakahanga. Ang awkward minsan, na kapag nagseryoso sila, di naman tinatanggap ng tao, pero kapag nagbiro sila ng hindi maganda, seseryosohin ng tao. Ang makulit ay may katangiang kulit. A comedy is not a joke. Hindi biro ang pagpapatawa.


pero ito okay para sa akin. walang bad record..



#komedyante #BillyCrawford #Bitoy #benestrella

1 comment:

  1. If you are looking for an excellent contextual advertising company, I recommend that you have a look at Propeller Ads.

    ReplyDelete