Wednesday, September 10, 2014

MGA KABABAYAN KO, MAY CHOICE AKO SA BUHAY KO.

♫♬ Pagmulat ng mata, ♩♪ paggising sa umaga ♩♪
♪ ♪ iunat ang kamay,♫♬ bumangon na sa kama♫♬
♩♩Kung inaantok pa,♬ ♬  lumundag-lundag ka, Aha Ha.♬ ♪♪
Korny ba pre? Wala e, masaya ako eh! haha
Dahil ang mundo ay isang malaking eCHOS este CHOICE. 
Ikukwento ko naman ang malungkot na part ng story ng ate ko. Hiniwalayan ngayon ang ate ko ng kanyang asawa. Umabot sila ng 17 years. Mas matagal pa sa relasyon ng great parents ko. Sa ngayon hindi pa malinaw kung ano ba talaga ang dahilan ng kapartner ni ate kung bakit siya hiniwalayan nito. Lahat kame nalungkot. Nagtaka kung bakit nagkaganoon. Ramdam din namen na medyo napilayan kame sa nangyari. Sobrang hirap ng dinanas ng ate ko ngayon. Isang linggo siyang hindi makakaen. Kaiisip. Nabanggit niya nga na "gigising nalang ako, nasanay kasi ako ng may katabi sa kama, pero ngayon wala na". Inaamin kong maluha luha ako sa mga kwento ni ate. 
Ganun pa man, lumaban pa rin ang ate ko. Pinili niyang maging matapang. Ayaw niyang ipakita sa mga anak niya na weak siya. Hindi naten masasabing pride ang umiiral kay ate kung bakit hindi siya nagpapakita kundi ipinapakita niya na bukas darating ang umaga masasabi niya sa sarili niya na nalagpasan niya ang pagsubong na iyon. Sumunod naman, kumalat ang balita na may boyfriend na kagad ang ate ko. Pangyayaring kinagulat at di tinanggap ni Mama at Kuya. Ang punto lang daw naman, pwede naman daw pumili si ate ng kahit na sinong lalaki, wag lang daw yun, alam daw nila ang background ng lalaking iyon. Baka mapariwara lang daw ng landas ang ate ko at ituon nalang daw sa mga anak ang pagmamahal na hinahanap niya.
Ganito ganire,
Lahat tayo ay may kanya kanyang desisyon sa buhay. Pagmulat palang ng mata mo sa umaga, dapat nakamove-on ka na sa nakalipas at magdesisyon ka na ngayon upang maiappreciate ang kagandahan ng ngayon. Lahat ng kilos naten, maaring dumaang muna sa puso tapos sa utak, or sa utak tapos sa puso. Ganun ba!  Isa pa rin itong desisyon sa buhay. Choice mo maging masaya kesa dibdibin ang pait ng kahapon. Choice mo maging matapang over takot. Choice mo humalik sa pwet ng ibang tao kung gagawin mo talgang martir ang sarili mo. Choice mo pakealamanan ang privary mo, kung iaallow mo sila. Diba!? Choice mo pa rin eh. Kung ano ka ngayon, ay dahil yan sa pinili mo kahapon. 
At sa ate ko naman na muntik ko ng makalimutan, choice niya pa rin ang masusunod eh. Choice niya kung sino ang mamahalin niya. Choice niya kung paano niya gagamitin ang perang meron siya.
Kung makita niyo ako, 10 years from now, at namumulot ako ng basura, yun ang naging choice ko. 

kaya ako, mas pipiliin ko nalang maging masaya. yun lang. Wala ng halong Lady's choice. At tawanan lamang ang problema, nang may kasamang tagatawa.



#iHaveAChoiceInLife

No comments:

Post a Comment