Thursday, September 11, 2014

SUMAYAW, SUMUNOD KA SA KINDAT NG PANAHON.

Masaya ako sa pagba-blog. Tinuturing ko kasi tong isang craft eh. Mismong ako, fan din ako ng mga ginagawa kong post. Competitive ako ...sa sarili ko. Nasa gitna man ako ng bar ng nagsasayawan. May maisip lang ako na topic. Kahit pa sa dance floor ako magsulat. Wala akong paki basta maisulat ko ito. Mahirap na baka makalimutan ko pa eh. Bukod sa tipid itong blog site sa papel. Imbis na magnenok pa ako sa opisina namen ng A4 size na papel. Mabuti na, dito ko nalang ilagay. Feeling ko nga sa tuwing nagsusulat ako ng kung ano-ano. Bumubulong sakin ang Universe na sana maisip mo yan. Please! ang bagal mo mag-isip. haha

Ang daming rason para hindi ko iwan tong blog na ito.
1. Masaya ako dito.
2. Nate-train ang utak ko mag-isip.
3. Isa ako sa gumagawa ng history. Charot.hahaha
4. May babalikan akong mga nilikha ko.
5. Mas pinili kong maging unique dito.
6. Maaaring mabigyan ako ng award. Pwede na saken yung Reader’s Choice Award. Choz hahaha
7. Magiging blessing ako sa ibang tao.

Mababaw lang naman kasi ang kaligayang gusto ko. Kapag may nakaka-appreciate. Ganito lang...


Sobrang daming blogger na magagaling at matatalino dito sa Pilipinas. Talagang obra-maestra talaga kung matatawag iyon. Dyan ako mas lalong nagpupursige. Na minsan. Makasama ko din sila. Makakwentuhan. Matanong ko sila kung ano ba ang style nila sa pagsusulat. Wala na talagang happy ending sa pagsusulat kundi happy lang. Walang Ending.

Kahit saang kumpanya man ako mapapadpad basta may internet. Hindi ko ititigil ito. Kahit saan man ako hotel tumira. Kung saan man ako matulog at magising. Hindi ko ititigil ito. Kahit na gumagamit na ko ng wig. Anong mang bagyong dumaan sa bubong namen. Magka-kalyo man ang mga kamay ko, kaka-type sa keyboard. Maghiwalay man kame ng magiging asawa ko ngayon. Wag naman sana. Kahit na mawalan ako ng ari-arian, wag lang ang ari ko. Hindi ko ititigil ito. Kahit ilan pang pulpol na Presidente sa Pilipinas ang maupo. Hindi ko ititigil ito. Kahit na yumaman ang boss ko sa Lotto kasi walang sablay siya sa pagtaya araw-araw eh. Hindi ko ititigil ito. Kapag barya na para sa akin ang diyes mil. Hindi ko ititigil ito. Kahit na offeran ako ng ABS-CBN maging new talent nila. Hindi ko ititigil ito. hahaha Kahit na malaos ang Facebook. Kahit pa mas mababa sa 2 Mbps ang internet na gamit ko. Hindi ko ititigil ito. Kahit pa malagpasan ko ang mga anak at apo ni Ramon Revilla, Sr. Hinding hindi ko ititigil ito. Kasi masaya ako sa ginagawa ko. *crying*

Kilala ko kasi sarili ko eh. Bigyan ako ng supling ng pagpapala. Nagbabago ang direksyon at destinasyon ng utak ko. Kaya ngayon. Witness ang Metro and Mega Manila sa banta kong ito. Magsilbi sana itong eye opener para sa lahat. Haha joke.

Yung ibang tao, gustong yumaman. Ako ang gusto ko lang, mapangiti at mag-iwan ng magandang alaala sa ating Kaleidoscope World. Nais ko lang marating ang tugatog ng pagsusulat at tuluyang ipakalat ang pag-ibig. 

#blogismylife

1 comment: