Umabot sa 20mins ko atang hinahanap yung bolpen para masulat lang tong reklamo ko sa senado. Isesend ko to kay Senator Bam Aquino eh. Haha. Never ko pa kasi siyang makitang kumilikos eh. Nakapagsulat ako ngayon kalaban ang mabilis na takbo ng bus ng Jac Liner. Ang gulo pa nga ng sulat ko eh. parang gumagawa lang ng lyrics.Gusto ko lang ikwento ang kaweirduhang ugali ni Eduardo. Ang aking amo. Bow.
Sa tuwing papasok ng opisina ang aking great leader slash boss. Wag na tayo lumayo, katulad kanina. Lagi akong nagbibigay ng pagpupugay sa kanyang pagdating. Na para bang pangunahing pandangal siya. Isang simple at mahinahong “Sir Good morning” tapos medyo demonyong smile. Kilala ko na kasi si sir eh. Kapag nagGreet ako, at hindi siya nagrespond. At tumango lang siya saken, maghahanda na ako. Brace yourself ikanga. Nireregla na naman yan. Mang-hahawa ng bad vibes si sir. Sa lupit humanap ng butas ni amo. Pag-iinitin ka niya.
Maganda man o hindi ang umaga niya. Hindi nakabase sa mood niya yun kasi attitude na niya talaga ang mang-attitude sa iba. Basta makitaan ka lang niya ng mali, Tiyak. Kundi ida-down ka or sesermonan. At isa sa naobserbahan at natutunan ko sa loob ng 3 years na empleyado. Sa ilalim ng kanyang pagiging Project Manager, siya lang ang trip na trip magsungit ng buong araw. And another, kelangan kilalanin mo sya ng husto, ibigay mo lang ang kanyang gusto, sundin mo lang kung ano ang inuutos niya. Wag mo ng kontrahin. Aminin mo nalang na mali ka. Kesa mangatwiran ka pa.
Natawa nga ako nung magpapaalam na ako kanina bago umuwi. Sabi ko “sir, uwi na po ako”. Mantakin mong ka’y lupet above sea level ang reply niya, “Ano? Ako pa ang mag-oout para sayo? Yan si sir, nilulugar ang pagka-professional. Ang galing diba.
*Wait dumating na ang konduktor ng bus ng sinasakyan ko, kukunin na niya ang bayad ko. Ilalagay ko lang muna sa bulsa ng uniform ko. Malaking halaga to eh, P500 to eh. Okay sulat ulit. *
Sa ganitong sistema araw-araw sa opisina. Lagi kong tanong sa sarili ko? Ano ba ang future ko dito sa taong ito? Magiging mas marahas ba ako sa kanya in the future or kapag nagresponds lang ako ng tama at may respeto ay aani rin ako ng pagpapala.
Sa tuwing nanenermon siya sa akin, para bang kasama ko ngayon ang nanay ko. Napakasinungaling ko kung hindi ko sasabihing hindi ako naapektuhan sa ginagawa niya, pati ibang tao, nadadamay ko rin. Tinangay na ako ng galit ng bagwis na yun. Sobrang dami ko ng naisulat tungkol sa kanya. Mas marami pa sa love letter ko sa GF ko. Pero ni isa, wala akong nagets sa Leadership niya. Di kaya may bagong ipa-publish si sir na book “Ang bagong Formula ng Leadership sa Opisina”. Yun ganun ang datingan. Lahat ng kalokohan niya sa akin, sinusuklian ko ng positibong mindset. Wala eh, ako din ang gagamot sa sarili ko kasi eh. Kailangan ko hawiin ang nakaharang na isla sa harapan ko.
*Wait medyo tumutulo na ang luha ko sa sinusulat ko. Nasasaktan at nalulungkot kasi ako ngayon. Okay sulat ulit. *
Kaya ako dumadaing ngayon sa blog na ito, naguguluhan na kasi ako, mag papatawa siya sa akin na para bang nililigawan niya ako, pero hindi naman talaga nakakatawa yung mga sinasabi niya. Nagpapansin lang talaga. Kaya sinasabi ko sa sarili ko, Aaaah alam ko na kasunod neto. May pangtitira yan saken maya-maya. Tama nga hinala ko. Ganun nga ang nangyare. Kukunin niya lang ang loob mo, aamuin ako na parang aso sabay sampal. Parang Ganun.
*Eto na naman ang konduktor, wala daw siyang panukli sa 500 pesos ko. Babalikan nalang daw niya ako. Okay sulat ulit. *
Siguro kung may tunay na alipin ng pera. Nakataas ang aking kanang kamay at sinasabi kong isa ako sa mga alipin na yun. Hindi kasi yung mga mayayaman ang alipin ng pera kundi yung mga taong napipilitang magtrabaho kahit hindi nila gusto ang ginagawa nila. Totoo, pati rin ang mga Christmas bonus at 13th month pay, hinahabol ko. Alipin nga kasi eh.
As of now, palaisipan pa rin sa akin kung ano ang gagawin kong aksyon. Aalis na ba ako kaagad agad or titiisin ko tong hirap na ito? Pero promise ko sa madlang pipol na hindi ko na iaallow ang ganito. Next time, Ayoko na ng toxic na amo. May choice nga ako diba. At ako naman ang magiging boss.
Subalit datapwat Maybe. Masasabi ko din na humahalik ako sa pwet ng boss ko. Hindi literal ah. Gago.Turuan ko man ang sarili ko na maging matapang. Bandang huli sinasabi ko nalang, hindi pala ako pwedeng manalo sa larong ito, bakit pa kaya ako nandito. Basta forward lang.
Lagi kong tanong sa sarili ko, dapat na ba akong umalis? Pwede ba akong magmala-Yes Man ni Jim Carrey na movie yung “bahala na bukas". Tutulungan ako ng Universe. Basta Yes lang ng Yes sa lahat ng opportunity. Pwede kayang ganun!? Lagi kong iniisip ang pamilya ko, ang sarili ko, saan ako pupunta at paano na ako bukas. Ito talaga yung tuwad na daang humahalik sa pwet ng mga pinuno. Para akong patay na isda sa dagat na tinatangay lang ng alon. Ngunit ano man ang mangyari bukas, haharapin ko ito ng may tapang at dedikasyon. Hindi ako pababayaan ni Papa Geez.
*Malapit na pala ako samen. At eto na bababa na ako. Dun na nagtatapos ang kaweirduhan ng boss ko.Pagdating ko sa bahay. Itinatype ko na sa laptop ito. .Biglang may naalala.
OMG..yung sukli ko pala. Hindi pinaalala ni Koyang konduktor. Sheeeeet.
Hahahaha. natawa ako sa GIF sa huli.
ReplyDeleteNanggaling na ako sa ganyang estado sa trabaho, ung hindi ka masaya for some reason. what I did, I made a calculated risk, naniniguro pa rin na hindi naman ako mawawalan sa huli. mahirap na lalo pag wala ka namang ibang aasahan. Now, hindi ako nag regret sa choices ko. Masaya ako sa ginagawa ko ngayun and feeling ko hindi ko maaachieve yun kung nanatili ako sa dati kong trabaho. Everything happens for a reason, sabi nga nila.
Wow Sir..Nakakainspired naman po..Ano po ba ang naging choices niyo? Tama nga po. Everything happens for a reason. Salaamt sir sa pagbisita.
ReplyDeleteAng sipag mo naman magsulat :)
ReplyDeletePati ang iyong pagbayad ng pamasahe sa bus ay narito sa iyong kwento hehehe, kung nakasakay kita sa bus at nakita kong nagsusulat ka guguluhin kita :)
Marahil ay may 'dahilan' kung bakit kayo nagtagpo ng iyong boss. Halimbawa, kapag ikaw na ang nasa posisyon niya, at least alam mo na ang mga HINDI mo dapat gawin base na rin sa na-obserbahan at natutunan mo sa kanya.
Hindi ko alam kung dapat ka na bang umalis or manatili sa iyong trabaho... isang araw magigising ka na lang na buo ang loob sa gagawin na hakbang... kapag nangyari yun, ano man ang iyong desisyon, go lang! :) Good luck at God bless :)
hahahah talagang guguluhin..lowbat po kasi ang laptop ko nun :) Uuuuuy sir Jep Buendia thank u po sa advice..mas lalo pa pong lumakas ang loob..Wish ko po sana magkausap tau ng personal..Interesting ka po..God Bless u din po :)
ReplyDelete